Ang Shy Type

Shy Type
Please Subscribe to read the full chapter

Bakit parang ako yung kinakabahan para kay Ryujin at Chaeryeong? 

 

Hindi naman ako yung sasayaw? Manonood lang naman ako sa audition nila. At isa pa, members na sina Kuya at Ate Kambal sa PDT so siguro naman may big chance talaga si Ryujin at Chaeryeong makapasok.

 

Pero kahit na walang say ang mga kambal, magaling naman sila Ryujin at Chaeryeong. Magaling daw. Yun ang sabi nila. Hindi ko pa sila nakikitang sumayaw pero mukha naman hindi sila magsisinungaling sa skills nila.

 

Plus sumasayaw na daw si Chaeryeong since bata pa with her Ate. Pati na rin si Ryujin ay sumasayaw noon pa with Kuya at Ate Kambal.

 

So, kampante ako.

 

Pero ako yung kinakabahan para sa kanila.

 

Ang ewan lang. Manonood lang ako eh. 

 

Ang basa na nga ng kili-kili ko eh. Hindi ako mapakali sa last class namin. Si Ning naman, walang pakialam. Excited daw siyang makita si Kuya Kambal sumayaw. Magdadala daw siya ng banner para sa kanya! 

 

Amp! Di man lang para kay Ryujin at Chaeryeong. Walang kwenta talaga. Maling support naman. 

 

Si Ryujin at Chaeryeong ay excused na sa last class para mag prepare sa audition nila. Sa auditorium lang daw yung audition and limited lang daw ang pwedeng manood since hindi naman siya official event ng school. 

 

At bilang may connections nga kami (yes naman, feel ko talaga part na kami ng clingies. char!) ay for sure kami ni Ning na manood. Namention kasi ni Ryujin na pwede kaming isama nila Ate Karina backstage since Communications majors nga sila at pwede sila sa auditorium. 

 

Siyempre ang kambals may premium access kasi members na sila ng PDT. Sinabihan niya na daw sila na isama kami ni Ning. Magkikita na lang daw kami sa auditorium.

 

So yes, part of the group na talaga kami. Char not char! 

 

After ng last class namin, nagbihis muna kami ni Ning ng civilian clothing. Nagbaon kami ng pamalit since tuwing may event lang kami pwede mag civilian clothing. 

 

Nagpalit lang ako into my denim cycling shorts, white oversized tee, at yung oversized red flannels ko. Nagpalit na rin ako into my high cut red Chuck Taylor’s. Comfy lang yung peg ko. Hindi ako masyadong fashionista. Basta simple is best. 

 

Si Ning, agaw-pansin as usual. Parang timang, akala mo kung ano yung event. Yung t-shirt niya ang kintab! Para siyang disco ball kung matamaan ng ilaw. Pero cute yung skirt niya. Bagay sa disco ball niyang shirt.  

 

Jusko may inabot din siya ng banner sa bag niya! Hindi nga siya nagbibiro kanina. Akala ko naman nakalagay “I Love Kuya Kambal” hindi pala. Mabuti naman at naisipan niyang si Ryujin at Chaeryeong yung ilagay sa banner niya. 

 

Malaking “IGILING NIYO CHAE & RJ!’ ang nakasulat sa GREEN na cartolina. Bakit naman green yung napili niya? 

 

Pinakita niya yung likod.

 

Okay. Nakakahiya talaga siya. Akala ko naman wala na talaga. 

 

I don’t know her. 

 

“Itago mo muna yan, Ning! Nakakahiya ka kahit kailan.” Pilit kong ibinalik ang banner sa bag niya. 

 

“Ano ka ba! Gusto ko maging supportive sa future ko!” 

 

“Okay na sana yung kina Chae eh! Dinagdagan mo pa. Pwede rin naman maging supportive na hindi ganyan nakalagay sa likod, bes?!” Nakaka-prostrate talaga si Ning minsan.

 

Paano ba naman. Ang nakalagay sa likod ay “KUYA KAMBAL, BE MY Y LOVE!” tapos sa ilalalim may pahabol na, “ATE KAMBAL, ILAKAD MO NA AKO!” 

 

JUSKO! 

 

Minsan talaga, I question her. 

 

“Itago mo muna yan, please. Punta muna tayo ng Giddy’s para hindi tayo gutom habang nanunuod.” 

 

At least nakinig siya sa akin. Tinupi niya ulit yung banner at tinago sa bag niya.

 

Naglakad na kami papuntang Giddy’s. Nag c-crave din ako ng banana-q pati na rin yung mango shake nila. Medyo mainit-init today so ang sarap lang uminom ng malamig at fresh na mango shake. 

 

Luminya kaagad kami ni Ning pagdating namin sa Giddy’s. Magkausap lang kaming dalawa ng may kumalabit sa braso ko. Liningon ko naman kaagad.

 

“Hi, Winter. Hi, Ning!” Si Giselle pala. Excited siyang bumati sa amin at niyakap din kami agad. Di pa rin ako sanay sa medj pagka-touchy nila.  

 

Naka civilian clothing na rin siya. Simple lang din na white t-shirt na may nakaburdang WANG sa gitna naka tuck-in sa black skinny jeans. Halatang expensive. 

 

“Hi Gi!” Sabay namin pagsabi ni Ning. Oh yes, feeling cool din ako. “Kumakain pala kayo ng ganito?” 

 

Tumatango siyang tumatawa. “Oo naman! Favourite ko ang mango shake! KK and Lia are buying for us right now over there!” Tinuro niya kung saan sila Ate Karina at Lia. 

 

Alam kong matangkad si Ate Karina pero minsan kasi yung uniform ay paepal so hindi mo mahahalata. Pero ngayon na naka loose boyfriend fit jeans siya ay kitang-kita mo yung tangkad niya. Ang haba nga ng appendages niya. Bagay sa kanya yung jeans. Naka simple white crop top lang din siya pero hindi masyadong maikli yung top niya. Sakto lang. Covered pa rin siya. Baka masita pa siya ng madre kung super ikli! 

 

First time ko rin siyang nakita naka civilian clothing. I like na simple lang yung damit niya. Mas lalong gumanda! Fair ba yun, naevis? 

 

Si Lia ang cute ng suot! Ang presko at ang rich! Naamoy ko yung pera sa suot niyang loose beige trousers at white na loose oversized button down shirt. Ang presko! Kulang na lang ay yung malaking beach hat para magmukha siyang madam. Iba talaga ang dating pag super rich no? 

 

Mag hi pa lang sana kami ni Ning pero pag lingon nilang dalawa, nabangga si Ate Karina ng isang babae at natapon yung mango shake sa damit niya. 

 

Natakot ako sa itsura ni Karina. 

 

Kung intimidating yung nakasimangot niyang mukha, mas intimidating yung obvious na may halong galit na yung simangot niya. Tapos yung ilong niya lumalaki.

 

Yung babaeng nakabungo sa kanya kung ano-ano na ang sinasabi. Tumingin daw siya sa dinadaanan niya. Siya kaya nakabanga? Gaga ba siya?

 

Si Lia mukhang nagulat sa nangyari at medyo late yung reaction. 

 

“What the?” Napasabi lang si Lia habang tiningnan niya ng masama si Ate Girl.

 

Si Ate Karina nagpipigil na ng galit kasi yung plastic cups ay nayupi dahil sa higpit ng hawak niya.

 

Bago pa man maka-react si Giselle ay inunahan na siya ng mga paa ko. May sariling isip?

 

Ang bilis ko lang kasi katabi ko na si Ate Karina at hinuhubad yung flannels ko at isinuot ko sa balikat niya, sabay kuha ng cups sa mga kamay niya. Inabot ko rin kaagad yung panyo kong dala. 

 

Ewan ko rin ba kung bakit ganun lang din ako kabilis kumilos. Pati si Ning na nakasunod lang sa akin ay pinanlakihan ako ng mata sa ginawa ko.

 

Kipit balikat ko na rin siyang tiningnan kasi si Giselle ay sinita na yung babaeng bumangga kay Karina.

 

“What do you mean she should watch where she’s going? Ikaw ang nakabangga! You watch where you’re going! Now look at what you’ve done! You made a mess!” Si Ate Girl di nakasalita sa bilis ng English ni Giselle.

 

Nilingon ko ulit si Karina at instead na makita ko yung nakasimangot niyang mukha, ay parang natulala lang siya. Ang pula din ng leeg niya. 

 

Si Lia na natauhan ulit ay pinunasan niya yung damit ni Ate Karina. 

 

“Okay ka lang?” Worried kong tanong. Nakikita ko si Ning sa gilid ng mga mata ko na pinipigilan yung ngiti niya. May aksidente na nga eh! Nagawa pang mang-asar. 

 

Tumango lang siya ng parang wala sa sarili. 

 

“KK, go to the CR muna and clean up.” Sabi ni Lia habang pinunasan yung kamay ni Ate Karina. “Winter, thanks for the shirt. Ang bilis mo! Go KK, clean up na.” 

 

Tumango lang ulit si Ate Karina before siya bumaling ng tingin sa akin. 

 

“Th-thanks, Winter.” At naglakad na siya papuntang CR. Sinamahan siya ni Lia. Si Giselle, tapos na niyang sermonan si Ate Girl at nakapila ulit para bumili. 

 

“Ano yun, bes?” Bulong ni Ning sa akin. “Bakit ang bilis mo? Grabe superwoman ka girl?” 

 

Napakamot lang ako sa batok ko. “Di ko rin alam eh. Bigla na lang gumalaw legs ko.” 

 

Hindi ko dapat isipin na bagay kay Karina yung damit ko pero bagay sa suot niya. Buti na lang oversized yung flannels ko. 

 

Pagkalabas ni Karina sa CR kanina, medyo naiilang siya na suot niya flannels ko. Kasi kahit naka roll up yung sleeves niya up to her elbows, medyo hinihila din niya kasi. Binutton up din niya yung yung flannels ko, maliban lang sa last 3 – she kept it open. Dala-dala na din niya yung nabasa niyang shirt. 

 

Nakabun na din yung buhok niya. Baka nainitan. Medyo makapal rin kasi yung tela ng flannels ko. 

 

Hindi ko talaga dapat isipin na bagay sa kanya pero bagay. Bagay na bagay. 

 

Hindi na rin kami nagtagal sa Giddy’s. Mabilis lang namin kinain yung banana-q at mango shake at agad ng pumunta sa auditorium. 

 

Sabi kasi ni Lia na dapat maaga kami since sa backstage kami dadaan. Mahirap na daw may iba pang makakita sa amin at baka sabihin may special treatment. 

 

“Buti na lang po talaga at pwede niyo kaming isama. Nako magtatampo samin yung dalawang bugok pag di daw kami nakita sa loob.” Pag explain ni Ning habang naglalakad kami papuntang auditorium. 

 

“What’s bugok?” Nagtatakang tanong ni Lia. Born in Canada nga pala si Lia so kahit matagal na siya dito sa Pilipinas, may mga words din na hindi pa niya alam.

 

“You don’t need to know, hun.” Sinagot naman siya ni Ate Karina. 

 

Nakarating na kami sa may likod ng auditorium. Kinawayan kami ni Giselle na sumunod sa kanya. “Watch out na lang for the wires Winter and Ning.” 

 

Medyo madilim nga so dahan-dahan lang din ang paglakad ko. 

 

“Hi Kuya Taeyong,” magaan na bati ni Giselle sa matangkad na Kuya na nakatalikod habang inaayos yung wires. “We’ll just pass by ha.”

 

Lumingon si Kuya at ngumiti ng makita niya si Giselle. “Uy Gi, syempre! Watch your step lang.” Tinuro niya yung sahig. “Oh, new faces to ah.” Tiningnan niya kaming dalawa ni Ning.

 

“Ah yes, our friends! Winter and Ning.” Nag wave naman kaming dalawa ni Ning. 

 

“Hi! Pasok na kayo. Mag start na din.” 

 

Nakita naman namin kaagad si Ate Kambal sa backstage. Ihahatid daw niya kami sa seats namin tapos babalik din siya backstage para sa performance nila. Kasali na dun si Kuya Kambal. 

 

Pero bago kami umupo, dumaan muna kami sa dressing room kung saan si Ryujin at Chae. 

 

Ngumiti yung dalawa ng makita kami. Si Ryujin na nakatayo sa may wall ay agad pinuntahan ni Ate Karina while kami ni Ning ay pinuntahan si Chaeryeong. 

 

“Hey Yuyu, you nervous?” Ang sweet lang talaga ng boses ni Karina pag nilalambing niya si Ryujin. 

 

“Konti.” 

 

“Kaya mo yan, ikaw pa?” Nag wink siya. Nakita niya na nakatingin ako sa kanya at biglang napa straight yung tayo niya.

 

Napansin naman ni Ryujin yung suot ni Ate Karina na flannels.

 

“Parang familiar…” Umatras siya ng konti at tiningnan si Ate Karina. Tapos tinignan niya ako. Nag smirk siya habang tinuturo niya yung flannels at ako na pabalik-balik. 

 

Napaubo si Ate Karina. “Uh – yeah – it’s Winter’s. Long story.” 

 

“Okay…” Tiningnan ulit ako ni Ryujin na naka smile.

 

Bakit ganyan siya makatingin sa akin? Pinahiram ko lang jowa mo kasi natapunan ng mango shake. Wala ng iba. 

 

“Anyway…yung music file mo, okay na?” Binago ni Ate Karina yung usapan. “Did you give it to Bal?”

 

“Yup.” Tumango si Ryujin. “Pati na rin yung kay Chae, binigay ko na din.” 

 

“Okay, good.” Napaatras ng konti si Ate Karina at tiningnan si Ryujin from head to toe. Parang inuusisa niya si Ryujin? Hinawi niya ang bangs ni Ryujin, inaayos. “Okay you look good. Everything is good naman.” Tapos tiningnan niya si Chaeryeong at tumango. “Good luck to you and Chaeryeong. Punta na kami sa seat namin ha. I’ll be in the middle. Tignan mo lang ako if you feel nervous.” 

 

“I will. Thanks, Yuyu.” Niyakap ni Ate Karina si Ryujin na napakatagal. Parang ang weird na yata na tinitingnan ko pa rin sila. Parang k-drama lang yung eksena eh.

 

“Chae, may banner kami para sa inyo. Kulay green. Di mo mamimiss!” Napatawa naman si Chaeryeong sa sinabi ni Ning. “Good luck ha! Good luck din, Ryujin!”

 

Binati ko na rin sila ng good luck at niyakap silang dalawa. Si Lia at Giselle ay bumeso at nagsabing “break a leg!” at inihatid na kami ni Ate Kambal sa seat namin. 

 

Nasa third row kami, sa middle ng auditorium so kitang-kita namin ang stage. Nasa kaliwa ko si Ning. Katabi naman niya si Ate Karina, tapos si Lia at Giselle. 

 

Nagkamali yata ako ng upo kasi hindi pa nga nag start yung program, tumitili na si Ning. Ang sakit sa tenga. T

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mychacha
Yay!

Comments

You must be logged in to comment
winter1205
0 points #1
Chapter 24: go karina!! landiin mo pa, MOREEEEE PLEASE🤩🤩
stillem193
0 points #2
Chapter 42: TANGINA KINIKILIG AKO SHET FINALLY FINALLY FINALLY (may oc kami— math,,, pero e2 ak kinikilig ☺️☺️☺️☺️👊🤣)
winter1205
0 points #3
Chapter 20: ayiiieee may progress na , kinikilig ako😆
stillem193
0 points #4
Chapter 36: TOL TAEHYUN TOL DISTANSYA KASI, ALAM MONG PAMILYANG TAO KINEKERENGKENG MO ASAN ANG UTAK MO#?!*?#*??#
winter1205
0 points #5
Chapter 15: Wwahahahahh hi winter🤣😂
winter1205
0 points #6
Chapter 7: uuyy babs👀
winter1205
0 points #7
Chapter 1: ohhh, akala ko si Yuyu is si Winter🤩

Karina maltese tlaga?😂
stillem193
0 points #8
Chapter 34: WAIT TANGINA GAGO KINIKILIG/NATATAWA AKO PERO ANG ILEGAL KAPAG MAY GAGAWIN PA AKO 😭😭😭😭😭😭 (haha sunod ulit)
stillem193
0 points #9
Chapter 33: E2 ak patawa tawa lang,, kunwari walang kakabisaduhin 😁🥰🥰 shet research pahirap ka talaga
stillem193
0 points #10
Chapter 32: To summarize, chapter sha na pagkabaliw ni Winter kay Karina mababasa mo 😁😁 (gets na gets qta win)