Ex girlfriend

Kumusta ka na?

 

 

 

 

Akala ko, ayos lang sa akin. Akala ko, maayos na ang lahat. 

 

 

Pero gaya dati, akala ko lang pala ang lahat ng iyon. 
 

 

 

Kahapon, nagpunta kami ni Seul sa cemetery sa Pareñaque kung saan nakalibing ang kapatid niya. She said that it was her first time visiting her sister's tomb. Dahil hindi niya ito nagawang bisitahin bago siya umalis noon papunta sa America. Bukod sa hindi siya nagkaroon ng oras para doon, hindi niya din talaga kaya - emotionally. 
 

 


Ayos naman kami hanggang sa makauwi. Wala na akong maisip na mga tanong para sa kaniya, kaya hindi na din ako nag insist pa. Patulog na sana kami 'non nang biglang mag ring ang cellphone niya. 
 

 

 

Incoming Facetime Call 

from Sunmi Lee 

 

 

 

Lalabas pa sana siya para sagutin iyon. Pero sa huli, mas pinili niya na sagutin na din ang tawag kahit nasa loob ng kwarto, at kahit nandoon ako. And I thank her, for that. 

 

 

Hindi ako ang type na mahilig mag-eavesdrop. Pero dahil naka loudspeaker si Seul nang sagutin niya ang tawag ni Sunmi, dinig na dinig ko ang usapan nila kahit na gusto kong hindi pakinggan iyon. Dahil mabilis na kumulo ang dugo ko dahil sa mga sinabi ni Sunmi! Nagtatampo siya dahil hindi daw sinabi ni Seul sa kaniya na uuwi siya ng Pilipinas, sana daw ay sumama siya! Tapos ay gusto niya pang umuwi ngayon sa LA si Seulgi dahil kailangan niya daw ito, at hindi niya kaya kung hindi niya makakasama si Seul ngayon. 

 

 

Hindi niya ba alam na may girlfriend na itong nilalandi niya ngayon?!

 

 

Hindi ko mapigilan ang pagtahimik lang, nang naramdaman kong ibaba ni Seulgi ang tawag. Lumingon ako sa side niya at naupo. 

 

 

"I'm sorry about that. She's just too loud and sometimes needy." 

 

 

Umiling ako. "That's not my concern." Oh, so I do have a concern. Really. "Hindi ba alam ng Sunmi na yan na umuwi ka ng Pilipinas para sa girlfriend mo?"

 

 

Tahimik lang si Seulgi at hindi nakasagot. 

 

 

"More so, alam niya ba na may girlfriend ka na?" 

 

 

Parang nadurog ang puso ko dahil sa pagiwas ng tingin ni Seulgi. Hindi niya agad nasagot ang tanong ko. Akala ko ba, hindi naman big deal si Sunmi? Pero bakit ngayon ay parang kinakabahan ako sa paraan ng pagkilos ni Seulgi, pati sa nakakabinging katahimikan na nagsasabi sa akin ng sagot niyang hindi niya mabigkas ng harapan. 

 

 

"She was just checking on me, 'Ga.. kung ayos lang ba ako, kung may tinutuluyan ba ako dito sa Pilipinas, kung--" 

 


"I think I heard that earlier." pinutol ko siya. "Ang tinatanong ko, bakit kung kamustahin ka niya, kung makapag demand siya sayo, akala mo'ng siya yung girlfriend mo?" 

 

 

Seulgi sighed. "She's just concerned, mainly because she knows, baby." Ang huling salita ay parang hindi niya dapat sinabi. 

 

 

Nagulat si Seulgi sa sarili niya, at sa sinabi niyang iyon. Kaya ngayon ay nakatitig lang siya sa akin, iniintay ang susunod kong sasasbihin dahil hindi ako agad nag react. 

 

 

"She knows?" gulong tanong ko. "What does she know?" 

 

 

"A-about m-my.. ptsd." halos bulong lang ang huling sinabi niya, pero sapat para marinig ko. 

 

 

Ano daw? Parang nawala ang antok ko dahil sa sinabi niya! 

 

 

All along, kaya naman pala iba nga ang nararamdaman ko, at iba din ang tingin ko kay Sunmi, dahil talagang malaking part ang ginampanan niya sa buhay ni Seulgi. Imagine knowing the most controversial thing about Seulgi, na kahit sa akin mismo na bestfriend at girlfriend ay kahapon lang sinabi? Pagkatapos siya, siya na ex girlfriend.. matagal n-nang.. 

 

 

"May ibang bagay pa ba, tungkol sa'yo, Seul, ang hindi ko pa alam?" 

 

 

May halong kirot sa mata niya nang umiling siya. 

 

 

"Wala n--na, 'Ga.." 

 

 

"Great. Kasi sabihin mo lang, ha, kung kaunti pa lang ang alam ko. O baka naman kailangan ko pang tanungin na lang si Sunmi?" mapait akong natawa.

 

 

Gusto kong sumabog at umiyak, dahil sa nalaman ko. Pero ayokong makita niya. Ayokong marinig niya ang paghikbi ko, dahil nanaman sa insecurities ko. Bakit ba kailangan pang ipadama sa akin na may ibang tao pala na mas deserving sa kaniya? Na may ibang tao na mas nakakakilala sa girlfriend ko? 

 

 

 

"'Ga, she just happened to know that because--"

 

 

"Let's just sleep, Seul."

 

 

 

Magsasalita pa sana siya pero humiga na ako, nakaharap sa opposite side sa kaniya. Tahimik lang ako habang pinipigilan ang paghikbi. 

 

 

Ayos lang naman sa akin, eh. 'Nong nalaman ko na hindi pala ako ang first girlfriend niya, 'nong nalaman ko na si Sunmi pala ang first love niya, at kahit noong malaman ko na nagkakausap pa din sila ng ex niya. Ayos lang sa akin iyon, noong una. Pero ang malaman ngayon na alam pala ng taong iyon ang tungkol sa isang malaking part ng buhay ni Seulgi, biglang kumurot ang puso ko. 

 

 

Bakit kailangang alam ng ex niya ang lahat tungkol sa kaniya? At bakit din kung makapag-demand sa kaniya iyong si Sunmi ay akala mong may kung ano na namamagitan sa kanilang dalawa? 

 

 

Akala ko, noong naging official na kami ni Seul ay mawawala na din lahat ng insecurities ko lalo tungkol kay Sunmi. Mas lalo lang pala itong lalaki ngayon. 

 

 

 

 

Nauna akong magising. Bumangon na ako agad para magluto ng breakfast. Wala pa din ako sa mood na makipag-usap kay Seulgi tungkol sa nangyari kagabi. Hindi ko pa din kasi alam kung ano ang sasabihin sa kaniya, lalo ngayong hindi pa maayos ang mood ko. Mahirap na dahil baka kung ano ang masabi at magawa ko. I tend to be rash when I'm not in the mood. At ang makipag-away kay Seulgi ay isang bagay na ayokong mangyari, lalo ngayon. 

 

 

 

We would usually eat breakfast together. Pero hindi pa siya bumabangon, kaya nauna na ako. Siguro ay magpapaka-busy na lang ako sa office at pipiliting kalimutan ang nangyari kagabi. 

 

 

At ganoon nga ang ginawa ko. Mabuti na lang din at naka-receive ako ng emails mula kay Tzuyu kaya talagang naging abala ako para sa trabaho. Gumawa na din ako ng graphics ko na ipo-post for this online community I am managing on facebook, along with a fellow digital marketer I met on Instagram. Grabe din talaga ang social media. I have made new friends and acquaintances dahil sa pagpo-promote ko sa sarili ko sa business page ko. It opened a lot of opportunities and connections na magiging useful naman in the future. 

 

 

 

"She's in the office, Mom. Nagwo-work kasi. Tapos na siguro ang vacation ng clients niya.." umayos ako nang upo nang marinig ko ang boses ni Seulgi na palapit sa office. 

 

 

Dinig ko din ang boses ni Tita kaya mukhang magkatawagan sila at hinahanap ako. 

 

 

"'Ga? Mom's looking for you.." mahinang sabi ni Seul pagpasok niya sa office at alangan pa akong tiningnan. 

 

 

Agad ko naman inayos ang swivel chair ko at tumayo para batiin si Tita sa phone. 

 

 

"Hi po, Tita!" 

 

 

Sinubukan kong ngumiti sa harap ng camera, and I wanted to spit on myself at that very moment. There's one thing I hate the most. It's when I have to pretend in front of someone that I am okay, or that I am on good terms with the person I am with, kahit hindi naman. Ironic, dahil bakit kailangan na si Tita pa ang una kong harapin ngayong nasa hindi maayos na sitwasyon pa kami ni Seulgi.

 

 

Tita Jiyoung softly chuckles. "It's Mama now, Anak." 

 

 

Napatingin ako kay Seulgi. She didn't even flinch when she heard her mom asking me to call her Mama. Alangan akong ngumiti. 

 

 

"Ang bilis naman po kung Mama na agad." 

 

 

"Doon din naman kayo pupunta, Anak." dapat sana ay kinikilig na ako ngayon, pero I had to set that aside at ngumiti na lang kay Tita. "Anyway, hinanap lang talaga kita since Seulgi's been there for more than a month pero hindi ako nagkaroon ng time na tumawag. So I'm sorry if I had to bother you now, hija. I heard you're working?" 

 

 

"Ah, opo. Just a few client work. It's okay, Tita.. You're not bothering me naman po." 

 

 

Tita nodded. "Loosen up a bit, anak! Parang nahihiya kang makipag-usap sa akin. Ikaw naman, ako lang 'to!" 

 

 

Nakitawa na lang din ako sa sinabi na iyon ni Tita. Napatingin naman ako kay Seul nang magdikit ang mga balikat namin. This is making me feel uncomfortable. Hindi ang pakikipag-usap kay Tita, kundi ang sitwasyon namin ngayon ni Seulgi. 

 

 

"Sige na nga at ibababa ko na itong call. Your Dad's calling for me in his study. Seul, sabihin mo na agad kay Irene ha. Mag-usap na kayo, hindi yung basta basta ka nanaman aalis dyan." lito akong tumingin kay Seulgi na nakatitig din pala sa akin pero agad din niya iyong binawi. "Irene, anak.. Pagpasensyahan mo muna 'yang girlfriend mo, ha. Sige na at baka nakaabala na ako sa inyong dalawa dyan. Ingat kayo!" 

 

 

Napa-upo na din ako agad sa swivel chair ko nang maibaba ang tawag. Hindi na ako nakasagot kay Tita dahil siya na mismo ang nag-end ng call. Agad akong napabuntong hininga at pagod na tumingin kay Seulgi. 

 

 

Ano nanaman kaya ito?

 

 

"Do we have a problem?" siya na mismo ang unang nagtanong tapos ang halos isang minutong katahimikan. 

 

 

I carefully studied her face. Hindi ko alam ang ibig sabihin ni Tita nang sinabi niya kaninang pagpasensyahan ko muna si Seulgi. I know my girlfriend's not the type na sasabihin pa kay Tita ang tungkol sa nangyari sa amin kagabi. So there must be another reason kung bakit iyon sinabi ni Tita. 

 

 

"Last night or today?" tanong ko. 

 


"Last night muna.." Seulgi sighed at hinila ang swivel chair sa gilid niya, the one that used to be Chaeyoung's. "I let you sleep last night, kahit na gustong gusto kong pagusapan muna natin bago makatulog. I didn't want to sleep nang ganoon ang pakiramdam. I hate it when I'm making you feel uncomfortable." 

 

 

 

May kirot sa dibdib ko pagkatapos marinig ang mga sinabi niyang iyon. Naka ilang 'I' siya 'don? Bakit akala yata ni Seul ay siya lang ang may problema gayong ako itong  may kaartehan nanaman at nagagalit dahil sa pagtawag sa kaniya ng ex niya kagabi. 

 

 

"Walang patutunguhan ang usapan kung pinilit mo kagabi." tumango siya sa sinabi ko. "Pareho din tayong pagod, at hindi tayo magkakaintindihan. So I chose to just sleep and not talk about it." 

 

 

"How about now? Are you ready to talk about it?" 

 

 

Nag-isip ako nang mabuti. 

 

 

Ano ba itong kinakagalit ko? Iyon lang ba talagang pagtawag ng ex niya na nagde demand na bumalik siya sa Los Angeles immediately dahil miss na siya at gusto siyang makasama, o ang totoong kinakagalit ko -- na nagpasakit din sa akin, ay ang malaman na alam pala nang Sunmi na iyon ang tungkol sa condition ni Seul, na matagal niyang tinago sa akin? 

 

 

"Why are you still in contact with your ex?" hindi ko na mapigilan ang sarili sa pagtanong na iyon. 

 

 

"We don't usually text. She does, but I rarely reply. Whenever she calls, alam ko na it could possibly be something serious, dahil hindi naman iyon tatawag for petty reasons." 

 

 

Napapikit ako dahil sa sagot ni Seul. "So you're saying that her whining last night wasn't petty?" 

 

 

Bakit nga ba kase tumawag ang babaeng iyon kagabi? 

 

 

Parang mas maarte at pabebe pa siya kesa kay Yeri na kapatid ni Seulgi, eh! She was so clingy, and she even called my girlfriend 'ddeulgi'! Mabuti nga at hindi niya tinawag na Love dahil baka bigla akong napalipad patungo sa America para sabunutan siya dahil sa pagharot niya sa girlfriend ko. Hindi naman sa possessive ako masyado kay Seulgi, but exes should know their places. Para saan pa't tinawag silang ex kung magpapaka-clingy sila sa ex nila? 

 

 


"I'm sorry if she made you uncomfortable last night, 'Ga." mahina at marahang sabi ni Seulgi sa akin. 

 

 

"She did make me feel uncomfortable." yumuko siya. "Sino ba siya sa buhay mo, Seul? Are you not over your first love? At bakit alam niya ang isang bagay na mas pinili mong ilihim sa akin?" 

 

 

Hindi agad nakasagot si Seulgi. She has been too careful when she has to answer a question related to Sunmi. Ang dahilan, hindi ko alam. 

 

 

"Sunmi knows about my ptsd because she has it, too." malungkot na tumingin si Seul sa akin. "She had a traumatic experience as a child, too. Nalaman ko iyon when we were dating back then, kaya sinabi ko din sa kaniya ang tungkol sa akin. She said she wanted to study Psychology to understand our situation, better. And that's what she did." 

 

 

Sandali akong nagulat, nagiisip kung ano ang dapat kong sabihin. Pareho pala sila ng sitwasyon ni Sunmi. And the way she's talking about her makes me feel that she really cares about that person. Ngayon ko lang nakita na ganito ka-concern si Seulgi, para sa ibang tao. 

 

 

"She's in med school, now. And we recently reconnected dahil parehong bumalik ang ptsd namin. Maybe she got used to always having me around when I was still in California. Dahil minsan, kapag may episodes siya, I would meet up with her and help her, para kumalma siya." 

 

 

Paano ko nga ba ta-tratuhin ang lahat nang nalaman ko ngayon? Ang ipinararamdam ni Seulgi sa akin na concern niya sa ex girlfriend niya, at ang pagsasabi niya ngayon na pinupuntahan niya pa pala ito noon. Nagkakausap kami, madalas noong nasa abroad pa siya. Pero wala akong maalala na nabanggit niya ang tungkol kay Sunmi, o tungkol sa isang kaibigan niyang tinutulungan niya dahil may problema.

 

 

At first, I thought only Tzuyu and Krystal were the threats. Iyon pala, may mga bagay na hindi ko nakikita, hindi ko nababalitaan, hindi ko inaasahan, na mas makakapanakit sa akin. Ang malala, this person was someone she really loved in the past. Her ex-girlfriend, her first love. Someone that must be so important to her. At hindi ko na sana papansinin pa ang pag-balewala niya sa tanong ko kung mahal niya pa si Sunmi. Hindi naman siguro magiging big deal ito kung sinagot niya ang tanong na iyon. Pero mas pinili niyang huwag sagutin iyon. 

 

 

Seulgi, mahal, akala ko ba, ako? 

 

 

Siya pa din ba ang mahal mo?

 

 

"Hindi mo sinagot ang unang tanong ko.." wala na yata ako sa sarili para maramdaman pa ang mahinang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko, ganoon din ang malungkot na mata niya. 

 

 

Sinubukan niyang lumapit sa akin para hawakan ang kamay ko pero agad kong iniwas iyon. 

 

 

"She is my friend, 'Ga." 

 

 

"Your ex girlfriend." napakagat ako sa labi ko. "Mahal mo pa ba?" 

 

 

"Hindi." sinabi niya iyon nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Hindi ko siya mahal. Hindi ko na siya mahal. Wala na akong nararamdam para sa kaniya. Dahil andito, sa harap ko, ang taong mahal na mahal ko mula noon. Ang taong mahal na mahal ko, kahit anong mangyari, kahit sino pa ang bumalik, kahit sino pa ang pumigil." 

 

 

Tuluyan na yatang lumakas ang pagpatak ng luha ko. The silent sobs became like that of a baby's cry. 

 

 

Seulgi immediately wrapped me in her arms while gently rubbing my back, allowing me to just simply cry on her embrace. And that's what I did. 

 

 

Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. This woman, I love her so much. I have doubted her multiple times. I thought that it's only me, loving her unconditionally. But I guess I was too blind to realize that she is loving me more than I love myself. It is her, who loves me unconditionally. It is her, who has always been so patient with me. 

 

 

"I'm sorry if she made you feel less important to me. Hindi ko sinabi sayo agad ang tungkol sa condition ko because I did not want to be a burden sayo. In her case, I figured we could relate with each other's concerns then, dahil pareho kaming mayroon noon." I nodded as she used her thumb to wipe my tears. "I'm sorry if I made you doubt my love for you." 

 

 

"I'm sorry for being petty." idinikit ko ang noo ko sa noo niya at napapikit dahil sa tumulong luha nanaman. 

 


"Let me be a better girlfriend for you, hmm? I promise this won't happen again. I'll talk to Sunmi about this." 

 

 

Hinalikan ako sa noo ni Seulgi bago yakapin ulit. 

 

 

I guess masyado lang akong naging advance sa pagiisip, mas pinairal ko ang pagseselos at insecurities ko, at wala akong masyadong tiwala sa girlfriend ko dahil inisip kong mahal niya pa ang ex niya. 

 


Damn, I am the problem, as always. And Seulgi's always so understanding of me. 

 

 

What did I do to deserve this woman in my life?

 

 

 

____________________________________________________________________________________________________________________________________

 

Thank you for reading this! Only six chapters, left! I am excited to share Seulgi's point of view. :) 

 

Stay safe! 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ereni_r
thank you, a lot, for reading this! I will mark this story complete but will still publish three chapters centered to the three ships. thank you, again and have a great evening! :)

Comments

You must be logged in to comment
kreidz #1
Chapter 16: BANGGGGG
its_aaarrriii
36 streak #2
Chapter 41: 😭🫶
xantheaverielle
#3
Chapter 42: Sobrang ganda 🥺 Probably the first Tagalog fic that I've read in a while na super daming emotions ang pinaramdam sa'kin 😩 Love how balanced the story is with the angst and fluff. Nothing too extravagant, just the story of them falling in love and how they surpassed all the struggles. Thank you so much for writing this author! Kumusta ka na po? I hope you're doing well, you really wrote this beautifully :)
KangLj #4
Chapter 17: Kilig muna bago yung sakit piste
KangLj #5
Chapter 4: Ang alam ko kasi si Irene ang ghosterist e haha cutie
ketchuppo324
#6
Chapter 16: T_T
yourdailyreader #7
Chapter 24: jusko seul, keep your together naaa
yourdailyreader #8
Chapter 7: napaka asado ni irene! hahah
yourdailyreader #9
Chapter 4: naks! strong and independent woman! hehehe
yourdailyreader #10
im starting this now.