Ang Laundromat

Shy Type
Please Subscribe to read the full chapter

Normal pa ba to? 

 

Kakaalis lang ni Karina pero namimiss ko na siya agad. 

 

Siya naman kasi! May pa-kiss pang nalalaman! Gusto ko pa tuloy ng madami.

 

More po! 

 

Charot! 

 

Ready na ba ako sa mga ganyan na roles with Karina? Jusko, Mama Mary. Parang mawawalan lang yata ako ng hangin kapag hinalikan niya ako sa l-lips. 

 

Just the thought of it lang…nahihiya ako. 

 

“Hoy, babs!” Muntik na akong mahulog sa upuan ko dahil kay Soobin. Bakit mangugulat? Nagmumuni nga ako dito eh. “Bakit ang pula-pula mo?” May namumuong malokong ngiti sa mga labi niya. “Hala, anong iniisip mo? Bad ka. Work hours pa ngayon, babs. Mamaya na yan!” 

 

“W-wala!” Inirapan ko siya at umupo ulit ng maayos. Ramdam ko pa rin ang namumula kong pisngi kaya umiwas na ako ng tingin. “Balik ka na nga doon sa likod!” 

 

Ang hirap naman mag daydream about kay Karina. Ang ganda naman niya kasi. Tapos yung nunal niya sa may ibaba ng labi niya…

 

“Text mo na lang si Karina babs kesa nagb-blush ka diyan kakaisip sa kanya.” Humagikhik siya ng tawa before bumalik sa likod. “Jowain mo na kasi.” Pahabol pa niya. 

 

Akala ba niya hindi ko gustong gawin yun? Hindi ko lang alam paano gagawin…Ang unconventional lang naman kasi ng last relationship ko na hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Para naman kasi wala akong girlfriend dati. Parang friends lang kami.

 

Pero right now, si Karina, technically will be my first - if ever lang gusto niya - jowa na hindi kami patago. 

 

Minsan nga naninibago ako sa mga galawan ni Karina kasi napaka-showy nga niya. Gaya ng paghahalik niya sa pisngi ko. I think nagiging reflex ko yung pag freeze every time na lumalapit siya sa akin or may ginagawa siyang a little bit touchy. Pero nasasanay na rin ako at gusto ko rin naman! 

 

Hehe.

 

Sino ba ang hindi? 

 

Si Karina na yan noh! 

 

Tinatry ko rin naman mag reciprocate pero sadyang nahihiya pa rin ako. So dinadala ko na lang sa salita minsan na siya naman ang nahihiya kapag kinocompliment ko siya. Feeling ko nga nacocornihan na siya sa akin eh pero wala akong pake! 

 

Paliguan pa kita ng compliments, Karina! Deserve mo yan kasi ang ganda mo! Lahat ng pick-up lines sasabihin ko na! 

 

Sa kakaisip ko kay Karina, nangulila na talaga ako. 

 

Ang drama ko lang!

 

Text ko na nga. 

 

[2:43 pm, Saturday] Winter: hi namiss na kita

[2:44 pm, Saturday] Winter: o(TヘTo)

[2:44 pm, Saturday] Winter: ^ ganyan itsura ko dahil wala ka 

 

Kahit yung pag-text ko, ang pabebe. Actually, hate na hate ni Ning yung mga emojis ko. Bakit daw ang corny ko. Eh, ang cute lang kaya? 

 

Buti pa si Karina, no complaints. 

 

May dumating na mga customers so nagwork muna ako para hindi ko naman masyadong mamiss si Karina. 

 

Ang lala ko na talaga. 

 

Kahapon lang nga akala ko ayaw na niya sa akin ni Karina pero hindi! Like pa rin niya ako and eto pa rin ako, patay na patay sa kanya. Siya rin kaya? 

 

Feel ko naman, oo.

 

Mag pabaon ba yun ng goodbye kiss kung hindi? 

 

Hehe. 

 

Haba ng hair ko. Ganda ko lang! 

 

Matagal bago nag-reply si Karina. I’m assuming lang na siya na yung nagdrive so bumalik na muna ako sa pagwowork. Hindi ko na namalayan na nakangiti lang ako habang nagchecheck ng mga pick ups until sinabi ng isang Ate namin na staff.

 

“Winter, ganda ng smile natin ngayon.” Hala Ate, maganda naman smile ko palagi. Charot! “Si Miss ganda Grab driver ba?” Jusko, Grab Driver na nga si Karina. 

 

“Ang ganda niya Ate diba?” Tumango naman siya sakin. “Bagay ba kami?” Walang-hiya kong tanong at napatawa lang siya sa akin. “Ate naman, bakit ka tumatawa ng ganyan? Di ba kami bagay?” 

 

Umiling lang siya at may inabot sa akin na resibo. “Wala, ang cute mo lang. Yan pala yung resibo sa latest pick up.” At umalis na siya, hindi man lang niya sinagot kung bagay ba kami. 

 

Ano Ate? Bagay ba kami o hindi?

 

I need validation para hindi ako magmukhang delusional. 

 

Maganda si Karina. Cute ako. Matangkad siya. Cute ang height ko. Hindi ba, parang perfect match yun? 

 

Yung height kasi namin ang perfect lang kung maghug kami. Pansin ko lang. Perfectly slotted ang mukha ko sa mahaba niyang leeg.

 

Luh, pinapakilig ko lang sarili ko. 

 

“Mukha kang shunga.” 

 

Napabalikwas naman ako at napatingin sa harap. Napasimangot ako. Si Ning lang pala.

 

Teka, bakit siya nandito? 

 

“Oh simangot ba yung greeting mo sa bestfriend mo?” 

 

“Anong ginagawa mo dito?” 

 

Inirapan niya ako. “May Karina ka lang, nakalimutan mo na ako?” Tiningnan ko lang siya kasi wala akong matandaan kung may plano ba kami or ano. “Nakalimutan mo na nga ako. Grabe ka naman bes. Alas tres na. Tapos na work mo. Sasamahan mo pa ako bumili ng gift! Bes naman!” 

 

Gift. Gift. Gift. 

 

Dahil sa konting tampuhan namin ni Karina kahapon at yung pagsuyo namin sa isa’t-isa, nakalimutan ko na may lakad pala kami ni Ning. Monthsary na kasi nila ni JeongIn at nagpapatulong bumili ng gift. 

 

“Shoot, sorry bes!” Minadali ko na lang tapusin yung work ko. “Tatapusin ko lang to last na order, then alis na tayo.” 

 

“Bilisan mo! Ako pa nga pina-commute mo dito tapos papahintayin mo pa ako?” 

 

“Sorry na nga eh.”

 

“Isusumbong kita kay Karina.” 

 

“Binibilisan ko na nga eh!” 









[3:17 pm, Saturday] Karina❤: *photo* 

[3:17 pm, Saturday] Karina❤: i miss you too 



Oh my goodness.

 

Muntik na akong madapa nang makita ko ang picture na sinend ni Karina. 

 

Bakit ka ganyan, Karina? Ang unfair talaga ni Lord minsan. Masyadong maganda! 

 

“Bes anong oras na!” 

 

Mabilis akong nagreply kay Karina at tumakbo papunta sa kotse ko. 

 

“Bakit ang pula mo?” 

 

Pinakita ko kay Ning yung picture ni Karina. “Di ko kaya si Karina, bes.” 






***



Hindi ko talaga kinakaya si Karina. 

 

Madalang lang kami nag-uusap dahil busy siya with her family pero kung mag-text man siya, may bonus na selfie.

 

And oh my gosh, di ko talaga kaya. 

 

Ano ba ang ginawa ko sa past life ko para magkagusto sa akin ang isang Karina? Si Karina na sobrang ganda? Walang angulo na pangit siya.

 

Yung mga selfies niya. 

 

Yung suot niya.

 

Kahit malamig sa Baguio, naka-crop top pa rin? Hindi ba siya kakabagin? Pero hindi ito complaint. Ako ay isang concerned citizen lamang na miss na miss na siya.

 

Hindi ko na kaya.

 

Parang anytime, magkakanosebleed na ako dahil sa mga pictures niya.

 

Nagsend siya ng maraming pictures from her Lola’s birthday. Sobrang ganda niya lang na napatili ako habang naglalaro ako. Nakalimutan ko na naka on pala yung mic ko.

 

“Winter, bakit para kang baboy na kinakatay diyan?” Tanong ni Chen. “Grabe, basag yung eardrums ko.” 

 

“Baka nagsend ulit si Karina ng picture.” Narinig kong sabi ni Ning.

 

Hindi na lang ako nagsalita at sinave yung picture ni Karina at sinend kay Ning. Maya’t-maya ay narinig ko ang pagmumura ni Ning sa kabilang line. “Hoy gago! Valid ang pagtili mo, bes. Forgiven ka na.” 

 

“Grabe,” napabuntong-hininga lang ako. “Parang phinotoshop lang si Karina, jusko.” 

 

“Mama Mary hear our prayer, talaga. Ano ba ang nakain ni Karina at nagustuhan ka niya, bes? Ang ganda lang. Ang unfair.” 

 

“Ewan ko rin, bes. Thankful na lang ako. I’m hashtag, blessed.” 

 

“Amen.”

 

“Mag-focus nga kayong dalawa sa game!” 






Ang isa pang nilu-look forward ko ay yung pagtawag ni Karina sa akin gabi-gabi. 

 

Ang saya pala kapag may nakakmiss sayo at naguupdate lagi no? 

 

At changed woman na rin ako! Palagi ng updated si Karina sa buhay ko. Kulang na nga lang, i-narrate ko sa kanya bawat hakbang ko. Updated si Karina sa araw ko, kahit yung ulam ko for the day alam niya! 

 

Pati na rin sa pagligo ko, alam niya! 

 

Hindi na ako yung hindi marunong gumamit ng cellphone. Nagpopost na nga rin ako sa ig stories ko para kay Karina eh. Natutuwa kasi ako kapag nagrereact si Karina. Especially kapag sinasabihan niya akong cute. O maganda.

 

Rare lang kasi kung magsabi siya ng ganyan so every time na kinocompliment niya ako, para akong kinikiliti sa tiyan. 

 

Kilig lang! 

 

Lately din, inaayos ko na yung buhok ko dahil ang haba na at pansin ko na gusto ni Karina yung length ng buhok ko right now. Kapag nakalugay siya, palagi niyang nilalaro yung ends ng buhok ko. Minsan tinutuck in niya rin sa tenga ko. Grabe sobrang nakakakilig yun kapag ginagawa niya! 

 

Medyo mahaba na nga for my liking yung buhok ko at gusto ko ulit magpagupit kasi hassle mag maintain ng long hair.

 

Pero nung isang gabi na magka-video call kami, sabi ni Karina na she likes it daw when I tie my hair up. Nakikita daw niya yung buong mukha ko tapos ang fluffy daw ng cheeks ko. 

 

My goodness!

 

Ako na! 

 

Kung ako may fluffy cheeks, si Karina, may sharp jawline. Grabe lang din naman ang shape ng mukha ni Karina. Jesus really took his time making her. 

 

Pero eto kasi yun. 

 

Ang sarap pala matulog sa gabi kapag ang huli mong kausap ay yung tao na gusto mo no? Ang gaan sa pakiramdam at ang saya lang. Feeling ko nasa clouds ako. 

 

Hindi ko kasi to na-experience with MJ so naninibago ako in a good way. Dati, hindi ko talaga maisipan na kausapin si Karina before matulog. Hindi ko naman kasi alam. Hindi naman sa required siya na gawin pero nakakatulong talaga. Especially kapag pagod ka buong araw tapos you end your day on a good note.

 

Corny ba na sabihin ko na she completes my day? 

 

Grabe.

 

Kapag marinig ako ni Ning, for sure pagtatawanan lang niya ako.

 

Yung simpleng tanong ni Karina na “how was your day” is enough na para sa akin.

 

Bonus na yun makita ko yung mukha niyang inaantok. Ang cute niya lang. Mapupungay mga mata niya tapos pilit niya talagang mag stay up para kausapin ako.

 

Ang effort ni Mama Mary! Kahit nasa vacation siya, hindi niya ako nakakalimutan. Kung ganito na siya ka effort na hindi pa kami magjowa, what more kung jowa ko na siya di ba?

 

Speaking of jowa din, gusto ko na rin talaga.

 

Si Ate, kinukulit ako kung jowa ko na ba si Karina ever since na pumunta si Karina si bahay. 

 

“Bakit hindi mo pa jinojowa si Karina, Wintot? Ang hina mo naman.” Ang sama lang talaga ni Ate minsan. 

 

“Gusto ko naman Ate pero hindi ko alam paano.”

 

“Anong hindi mo alam?” 

 

“Kasi…” napakagat na lang ako sa labi ko dahil nahihiya ako sa dahilan kung bakit ako nahihirapan tanungin si Karina. “W-wala kasi akong experience.”

 

“Anong wala? Ano ba yun si MJ? Guni-guni?” Walang preno talaga bunganga ni Ate. As if hindi niya alam kung ano yung situation namin! 

 

“Alam mo naman kung paano kami dati! Para kaming magkaibigan lang. Walang nangyayari!” 

 

Tinawanan lang naman yung problema ko! Kapatid ko ba talaga to? “Naku Winter, minsan instinct at common sense lang ang kailangan mo para magkajowa.” 

 

Wow, kung makasabi naman siya ng ganyan, parang ang dali lang. 

 

Hindi rin naman sa natatakot ako. Siguro insecurity ko lang dahil wala akong alam. At nahihiya na rin na baka hindi ko mameet yung expectations ni Karina as a jowa.

 

Alam kong may ex na si Karina before pero hindi ko naman alam yung history. Ayoko na rin tanungin sila Ryujin or si Karina kasi it’s none of my business. Kung gusto ni Karina magkwento tungkol dun, makikinig ako. 

 

Hindi naman sa natatakot akong macompare sa ex niya, it’s more like paano ba ako maging good jowa? Lalaki pa naman yun. 

 

At isa pa, mas matanda sa akin si Karina. Ayokong magmukhang bata na sinusunod lang siya. So far kasi, siya mostly yung nagsusuggest kung paano kami sa isa’t-isa. Sumusunod lang ako kasi nga wala naman akong alam. 

 

Like yung pag-update sa isa’t-isa. 

 

Gusto ko rin mag lead. Gusto kong maging dependable as a jowa. Na kahit mas bata ako sa kanya, kaya ko rin itakbo yung relationship namin. Ayokong umasa sa kanya palagi at nagtatanong kung anong dapat kong gawin kung may tampuhan kami. 

 

Kasi parang babysitter na lang siya kung ganun. 

 

Ang pangit naman. Wala pala akong kw

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mychacha
Yay!

Comments

You must be logged in to comment
winter1205
#1
Chapter 46: kagat ba tlaga ng totoong lamok yan?🤔 iba naiisip ko😂
winter1205
#2
Chapter 42: WAIT LANG!! nagkiss na sila, totoong kiss😭 inaabangan ko lang kiss ni winter sa cheek ni karina, KINIKILIG AKO WAIT😭
winter1205
#3
Chapter 41: Wahahahha BABY BABY BABAY! YES BABY😂 Label muna mga vading😂
winter1205
#4
Chapter 40: Luh winter anyare ,grabe gabi na nagchat..
stillem193
#5
Chapter 54: Chapter 54: Shems nand2 na aq 🤩 batak n batak mag basa, isang linggo 😭
stillem193
#6
Chapter 52: TANGINANG YAN 😭😭😭 RYUJIN KATOK KC AYAN 2LOY INIS SI ATE MO KK
winter1205
#7
Chapter 38: WINTER anuna na, kumiss kna na rin sa cheek, para lips na sa susunod🤭
stillem193
#8
Chapter 50: Kala ko pawis tumutulo,,, luha ko pala,,,, ios ios👌PERO HUY NGINA ANG ROLLER COASTER NITONG CHAPTER 😭😭😭 kinikilig ako andyan na c 3 words 8 letters
stillem193
#9
Chapter 49: Shet omg bakit blank buong chapter❓❓(naiiyak na ak r2 oh)
winter1205
#10
Chapter 36: Bwct ka taehyun
Hay karina tama lang yan cancel nyo date nyo kahit ako badtrip sa ngyayare haiist😩😣