Ang Babs

Shy Type
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi ko akalain na mangyari yun. Hindi ko rin mapigilan magalit. Alam kong hindi sinasadya ni Karina pero hindi pa rin mawawala ang galit at inis ko. 

 

Hindi ko naman siya bliname completely.  

 

Actually, hindi ko alam na siya yung nakabangga sa akin. Kasi ang bilis ng pangyayari. Na-shock lang ako ng makita ko yung pagod at hirap ako nawala sa isang iglap. Hindi ko talaga alam na si Karina yun. 

 

Kung hindi ko siya tiningnan, hindi ko malalaman na siya. Kasi kahit nung nagsasalita siya, hindi ko siya nabosesan. Para kasi akong nabingi dahil sa sari-sari na yung nararamdaman ko. 

 

Nakaluhod na ako’t maiyak-iyak pero pag tingala ko at nakita kong umiiyak din siya, nakaramdam ako ng kirot sa puso. Tapos nakita ko rin yung hawak-hawak niyang project ko na sira ay agad naman akong nainis ulit. 

 

Mas umapaw yun kesa sa pag-intindi ko sa kung anong nangyari kasi nung nag offer siya na tulungan niya ako, nabigla din ako sa sinabi ko. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling yung boses ko na yun.

 

Malalim na hugot yata sa inis at galit pati na rin sa takot na baka di ko magawa ulit yung project. Pigil na pigil ako that time actually. Kung hindi dumating sila Ryujin, baka ano pa masabi ko kay Karina. 

 

Natauhan din ako ng hinila ako ni Ning. Pinapakalma lang ako at sinabihang maging okay naman lahat kasi tutulong naman daw sila Karina at Ryujin. 

 

Pero kasi, ang tagal kong ginawa yun. Nakakainis lang kasi isipin na gagawin ko ulit. Tapos bibili pa ako ng bagong materials. 

 

“Bes, tutulong si Karina at si Ryujin diba? Kinausap ka nga ni Ryujin kanina eh. Yung puso mo jusko. Crush mo pa naman si Karina. Uncrush mo na ba?” Kanina pa ako kinausap ni Ning. Ganito kasi kami kapag nagagalit, nagdidiscuss at pinapakalma ang isa’t-isa. 

 

“Di ko naman i-uncrush kung hindi ko naman crush in the first place, Ning!” Siningkitan lang niya ako ng mga mata. Hindi naniniwala. “Okay, happy crush lang kasi so hindi yun the same.” 

 

“Weh?”

 

“Tsaka, di mo alam kung gaano kahirap ko ginawa yung 3D model na yun! 2 weeks bes! Paano namin magagawa yun in 2-3 days? Nakakainis kasi eh bakit kasi naglalakad paatras?” Inip na inip kong hinahampas yung steering wheel habang nagdadrive. 

 

Pinagalitan pa ako ni Ning na wag isumbat yung galit sa pag drive kasi gusto pa niyang mabuhay. Nag sorry naman ako sa kanya. Ayaw ko rin naman ma-aksidente kami. 

 

“Bes, tatlo naman kayo gagawa. Tiwala ka lang. Masyado kang nega eh. At least tutulong diba? At mukha naman guilty na guilty si Karina eh. Hindi naman niya sinasadya yun.” 

 

Minsan sa mga ganitong sitwasyon, kahit gaano kashunga ni Ning, marunong din siya kumausap sa akin pag na high blood ako. 

 

Pag kasi naging irrational na ako dahil sa galit, di ko na alam pinagsasabi ko eh. Nadadala ako sa emosyon ko. 

 

“Kalma ka lang, bes. Maayos din ang lahat.” 

 

Triny ko naman kumalma. Dinistract ko na lang sarili ko sa ibang bagay para hindi ko masyado maisip yung sira kong project. Inaya na rin ako ni Chenle at ni Ning maglaro para daw ma good vibes naman ako. 

 

Yung mag-kambal na yun, kahit hindi magkasundo minsan ay nagkakasundo dahil sa games. Kaya kami nanalo palagi kasi magaling teamwork nila. At dahil dun nakatulog ako ng hindi ko inisip yung pagtapak ni Karina sa project ko. 

 

Medyo okay ako pagdating ko sa school. 

 

Nakita namin si Ryujin naglalakad na may kasamang babae na di ko namukhaan kaya laking gulat ko ng makita namin na si Karina pala yun ng palapit na sila. 

 

Hindi ko mapigilan ma shock. ANg laki nga yata ng mga mata ko ng makita siya eh.

 

Grabe nag-iba kasi itsura niya. Natandaan ko tuloy yung sinabi ni Ryujin na innocent tingnan si Karina kapag nakasalamin. Hindi siya nagkakamali. 

 

“Bes, nakita mo si Karina? Tama nga si Ryujin na favourite niyang look ni Karina yung naka specs. Sana all nga naman.” Bulong ni Ning sa akin ng malagpasan na kami nila Ryujin. “Pero parang hindi nakatulog, bes. Mukhang guilty na guilty sa nangyari kahapon. Yung init ng ulo mo ha? Wag kang padalos-dalos diyan sa galit mo.” 

 

Ang hirap pala magpigil ng tingin kapag naiinis ka no? 

 

At isa pa, nakikita ko naman na trying si Karina sa pagtulong sa akin sa project eh. Kaya medyo naging okay ako pagdating namin kina Ryujin. 

 

Pero eto kasi yun. Naiinis ako na nadidistract. 

 

Nakakadistract kasi naninibago ako sa pagmumukha ni Karina. Iba ang aura niya. Hindi ako sanay makita siyang nakapambahay na nakasalamin at nakatali yung buhok. At obvious na obvious na kinakabahan siya kasi medyo jumpy siya at nanginginig. 

 

Parang gusto ko lang siyang alagaan at the same time, naiinis pa rin ako ng slight? Hindi dahil sa kanya, kundi sa pag-gawa ulit ng project. 

 

Okay, slight inis ko sa kanya kasi kasalanan naman niya talaga. Pero hindi rin naman kasi sinasadya at tumutulong na nga. Pinagsabihan na ako ni Ning so many times. Naintindihan ko naman in the end.

 

Pero alam mo yung baby na iyak ng iyak, naiinis ka na kasi gusto mo siya patahanin pero hindi mo kayang itapon kasi baby yan at cute na cute? Parang ganun yung nararamdaman ko. 

 

Pigil na pigil lang talaga ako the whole time. Grabe yung pigil ko na parang magka stiff neck ako sa pag iwas tumingin sa kanya. Ang hirap din naman kasi kung nandyan lang siya sa tabi ko eh.

 

In the end, kahit anong ganda ni Karina sa harapan ko, hindi ko pa rin mapagilan at pinairal yung init ng ulo ko. 

 

Paano ba naman kasi, hindi namin magawang i-glue yung cardboard. Dito rin kasi ako nahirapan nung ginawa ko yung semi-sphere. Sobrang hirap at sakit sa ulo na muntik ko pa itapon yung project ko noon! 

 

Kaya nabwisit ako sa sarili kong distracted lang sa pag-glue. Hindi rin nakatulong si Karina na sobrang nginig habang hinahawakan yung cardboard, natupi pa! 

 

Dapat pala dinala ko si Ning para naman may buffer ako. Naevis, ikaw na lang talaga bahala. 

 

Halo-halo na yung nararamdamn ko that time pero mas inuna ko talagang mainis.Hindi ko na kinaya at nagdabog ako. I think nagulat pa nga si Karina sa asal ko eh. 

 

Eto na yung pagiging irrational ko na minsan hindi ko na rin alam ginagawa ko. Basta pag naiinis ako, pinapakita ko. 

 

Stressed na stressed pa ako na iniisip na baka hindi ko pa mapasa on time. Kaya todo ako sa pagka-attitude. Na project ko pa lahat ng galit ko kay Karina. 

 

Hindi ko sinasadya. 

 

Naguilty ako ng hinabol pa niya ako palabas at pinilit na ihatid ako. 

 

At yung pag-hawak niya sa akin nung papasok ako sa kotse ni Soobin, nawindang ako. Hindi ko alam kung paano mag react. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko ng makita ko na parang maiyak-iyak na siya sa pagsosorry sa akin, hindi ako makasagot. 

 

Pinagsabihan na din ako ni Soobin pagdating namin sa bahay. After kong sabihin sa kanya lahat ng nangyari, sabi naman niya na valid naman na magalit ako pero dapat hindi ko daw to isumbat sa taong tumutulong na nga sa akin.

 

Ano ba naman kasi pag ako nagalit, nawawala sa sarili eh. 

 

Kailangan ko yata mag meditate para ma control ko yung anger ko minsan no? 

 

Napagpasiyahan kong mag-apologize at maging kalma sa susunod namin pag-gawa ng project. 

 

Set na ako maging okay at maging rational. As in pinaghandaan ko sarili ko, prinepare ko kung paano ako aasal kina Ryujin at Karina. Nakakahiya kasi nandun pa yung kapatid ni Ryujin tapos nakita niya lang ako na nag walk out. 

 

Jusko, Winter. 

 

Ika nga ni Ning, “You’re living up to your name, Winter. Masyado kang cold pag nagagalit.” Nag English pa nga! 

 

So, ng sinundo ako ni Ryujin, nag apologize ako kaagad sa kanya. Wala naman daw yun. Sila nga dapat mag apologize daw kasi hindi natapos yung project. 

 

Hindi niya rin alam kung anong nangyari kasi hindi nag kwento si Karina sa kanya pagbalik niya. Natulog daw kaagad. 

 

Naguilty ulit ako.

 

Naghintay lang ako makababa si Karina sa room ni Ryujin. Naisip ko lang na grabe din sila na magjowa na pwedeng-pwede silang mag sleepover kahit kailan sa mga bahay nila. 

 

At mukhang feel at home si Karina sa bahay ni Ryujin. Alam na alam niya kasi tapos siya pa yung nagbukas ng bahay at nag-invite sa akin na pumasok. So, ibig sabihin ba na legal sila sa parents nila? Ganun sila ka close? 

 

Sana all. Ang swerte lang nila sa isa’t-isa. 

 

Pero parang magkakasala talaga ako kay Ryujin eh. 

 

Pinaghintay kasi ako ng slight. Ayaw ko pa naman ng naghihintay ng matagal pero pagkababa niya, mukha pa rin walang tulog si Karina. Nakaspecs pa rin at ang gulo ng pagkatali ng buhok niya. 

 

Alam ko na talaga kung bakit favourite ni Ryujin itong specs and messy hair look ni Karina. Hindi kasi siya intimidating tingnan. Mukha siyang very approachable and super innocent nga. Ibang-iba talaga sa pinapakita niya sa school.

 

Nagchant lang ako ng “Okay lang mainip, basta huwag isumbat. Okay lang mainip, basta huwag isumbat.” 

 

Grabe yung self-control ko, naevis! Proud ka ba sa akin, Ning? 

 

Pero yung plano kong pag-apologize muna ay nawala dahil nga nainip ulit ako. Itinabi ko muna yung agenda ko na yun.

 

So the whole time hindi ko siya kinausap kasi natakot akong may masabi na hindi maganda. Kahit na binigyan niya ako ng favourite candies ko. 

 

Sa totoo lang, kinilig ako ng slight kasi favourite ko yun eh! Nagpabebe pa ako una, kunwari di ko gusto pero gustong-gusto ko talaga yun!

 

Ayaw ko lang talaga siyang pansinin muna. 

 

Pilit ko din ibaon yung frustration ko sa pag-gawa ulit ng project so nag focus lang ako. Siya rin naman ay quiet lang nagwowork. Effective din yung pagtugtog ng music ni Ryujin kasi napakalma ako. 

 

Kaya maganda yung pace namin sa project. Ang bilis namin. 

 

At yung icy exterior na pinapakita ko kay Karina ay unti-unting nag melt sa mga ginagawa niya. 

 

At first, nagulat talaga ako. Hindi ko naman kasi inexpect na ganun lang siya ka-attentive. Pero, attentive naman talaga siya kay Ryujin at sa mga kaibigan niya. Based lang sa mga nakikita ko.

 

Yung una, yung pag open ng airheads, nagulat lang ako na naka open yung palad niya. Di ko alam kung anong gagawin so binigay ko na lang yung candy ko kasi akala ko gusto niya rin. Binuksan lang naman ito at binigay sa akin. 

 

Pati na rin yung pag-bigay ng tubig sa akin. Paano niya nalaman yun? Sumasakit na din kasi lalamunan ko kaka kain ng candy. Ang takaw ko kasi.

 

Ganun ba ang alagang Mama Mary? Ang hirap pala magalit kapag kaaway mo mukhang santo at asal santo din? 

 

Pero hindi naman sa nawala yung galit ko kasi maganda siya at happy crush ko siya, umeffort kasi. Sino ba naman ako para hindi i-accept yung effort niya? Sincere naman siya sa pagtulong sa akin.

 

Kasi nung mga times na inallow ko sarili ko ng tingnan siya, ang serious niya lang. May napansin din akong habit na ginagawa niya kapag nag concentrate. Nag smack siya ng lips niya tapos pakurap-kurap yung mga mata niya. Pero baka na rin yun dahil sa pagod ng mata niya kaya kumukurap mata niya ng mabilis from time to time. 

 

Napansin ko din yung nunal niya malapit sa chin. Ang distinct kasi tapos nababagayan kasi yung nunal sa mukha minsan? Parang perfectly placed dot sa mukha niya. Like a cherry on top. Charot!

 

So sinong hindi ma touch dun? Ang arte ko naman para umattitude pa rin diba? Parang unreasonable na yata yun. 

 

Kinausap ko na siya ulit at nagpasalamat sa candy. Akala ko pa naman siya yung bumili, si Ryujin pala. Na-disappoint ba ako? Ewan ko, may right ba akong ma-disappoint? Wala naman eh so hindi ako na-disappoint! Basta masaya lang ako na binigyan ako ng candy. Yun. 

 

Tinanggihan ko rin yung pag-aya ni Ryujin ng dinner nung una. Ang rami na rin kasi yung tulong na ginawa nila. Si Karina pa nagbayad ng materials. 

 

Pero nag-insist! Mukhang gustong-gusto talaga ni Karina makabawi sa nagawa niya pero bawing-bawi na kasi yung pagtapos ng project. Plus ang ganda pa ng pagka-gawa so no complaints na talaga para sa akin. Bawing-bawi na po!

 

“Sige na, Winter. Libre ka naman ni Yuyu tapos hatid ka na rin namin.” Mahinang sabi ni Ryujin sa akin. Nag combo pa sila ni Karina na mukhang mga pusa na nagpapaalaga.

 

Hindi na ako makatanggi. Sige go na lang tayo. 

 

Magkakasala talaga ako kay Ryujin. 

 

Ryujin sorry na ako ang inuna ng jowa mo. Baka naman kasi bumabawi lang. 

 

Kasi naman…hindi ko kinaya yung mga ginagawa niya sa dinner. Ang hirap pumigil ng kilig! 

 

Tama ba yon, naevis? Hindi ako dapat kiligin kasi diba normal naman yata yun sa kanila maging ganyan mag-asikaso? 

 

Jusko! 

 

Ewan. 

 

Ang happy crush ay happy crush.

 

Kahit na hinatid ka sa bahay, sa may gate niyo tapos nag-usap pa kayo under the streetlights.

 

Tapos dalawa kayong nanghihingi ng sorry. 

 

Tapos inayos niyo na kung ano man yung nangyari.

 

At ininsit niya na di ko na siya tawagin na Ate.

 

At okay na kami. 

 

At ang ganda ng ngiti niya na hindi pilit. First ko yata yun nakita.

 

Good night na lang naevis. 



***



Iba talaga ang away magjowa no? 

 

Grabe lang yung ungkatan ng past nila ng makita nila si Somi sa mall! Hindi lang ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mychacha
Yay!

Comments

You must be logged in to comment
winter1205
0 points #1
Chapter 42: WAIT LANG!! nagkiss na sila, totoong kiss😭 inaabangan ko lang kiss ni winter sa cheek ni karina, KINIKILIG AKO WAIT😭
winter1205
0 points #2
Chapter 41: Wahahahha BABY BABY BABAY! YES BABY😂 Label muna mga vading😂
winter1205
0 points #3
Chapter 40: Luh winter anyare ,grabe gabi na nagchat..
stillem193
#4
Chapter 54: Chapter 54: Shems nand2 na aq 🤩 batak n batak mag basa, isang linggo 😭
stillem193
#5
Chapter 52: TANGINANG YAN 😭😭😭 RYUJIN KATOK KC AYAN 2LOY INIS SI ATE MO KK
winter1205
#6
Chapter 38: WINTER anuna na, kumiss kna na rin sa cheek, para lips na sa susunod🤭
stillem193
#7
Chapter 50: Kala ko pawis tumutulo,,, luha ko pala,,,, ios ios👌PERO HUY NGINA ANG ROLLER COASTER NITONG CHAPTER 😭😭😭 kinikilig ako andyan na c 3 words 8 letters
stillem193
#8
Chapter 49: Shet omg bakit blank buong chapter❓❓(naiiyak na ak r2 oh)
winter1205
#9
Chapter 36: Bwct ka taehyun
Hay karina tama lang yan cancel nyo date nyo kahit ako badtrip sa ngyayare haiist😩😣
stillem193
#10
Chapter 47: Bwisit na lamok yan 😭