Truth Will Out Part 1

Pag May Alak, May Balak

"What the hell were you doing Ryujin? Nakakahiya kina mama at papa pati sa mga relatives ko" irita pero mahinahon pa din na sabi ni Chaeryoung kay Ryujin pagkatapos magamot ang mga natamong sugat at malagyan ng cast ang kaliwang kamay dahil medyo napuruhan ang balikat.

"Di ko kaso nakita na edge na pala yun. . Wala na akong mukhang ihaharap kina tito at tita" sagot na lang ni Ryujin habang nakatakip ang isang kamay sa mukha, pero deep inside, mas masakit pa ang nararamdaman niya kesa sa injury niya.

"Ako na bahala dun. May masakit pa ba sayo?" tanong ni Chaeryoung.

Umiling na lang yung isa. Nasa emergency room pa din silang dalawa habang si Yeji ay inaabangan ang parents ni Chaeryoung.

"Pero ano yung kanina?" She's been itching to have that question answered. Tapos na din naman yung party di ba?

"Are we seriously gonna talk about that now?"

"Eh kelan ba dapat?"

"Pag magaling ka na?  I almost fainted kanina when I saw the blood. Please be careful next time ha"

Ang galing sumegway.

"Malayo ito sa bituka at okay ang ulo ko. Pero yung isip ko gulung-gulo. What the hell is happening? Anong hindi ko alam?"

Bumuntong hininga na lang si Chaeryoung. "Fine. Yeji and I go way back. Like since we were in diapers. We lost touch when they moved out of the country for a few years. Bumalik lang last year. Hence her parents being there earlier as well dahil best friend ni papa ang dad niya"

"Why didn't you tell me any of these? Was it some secret that you have to hide?"

Nagkibit balikat yung isa . "Well now you know"

It shouldn't be a big deal right? Pero bakit I felt betrayed?  Like I was invited kanina para lang ipamukha sa akin na there's already someone better for their daughter. I felt out of place. Parang courtesy na lang kasi ako yung karelasyon nung anak nila. Eh itong si Chaeryoung, wala man lang din pasabi? Like 'Hey this is Yeji, my best friend' and all that ?

"So you're just friends right? I mean fine, best friends and nothing else?"

"Why would you think na there's more to that?"

"Kasi I felt left out kanina. Like I was there as a joke"

"Ano bang pinagsasasabi mo? Nakaapekto ata sa utak mo yung pagkahulog mo kanina. Do you want a doctor to have that checked?"

"Damn it Chaeryoung! Hindi mo nga ako kinakausap kung di kita kakausapin. Yung attention mo nasa kanya most of the time. What do you want me to feel and think?"

"Just like your attention is sometimes with Lia?"

Nanlaki ang mata ni Ryujin. "So is this some sort of revenge? Some game you want to play? Tell me Chaeryoung, do you even really love me? Or was this just a part of a plan?"

"What I feel for you is real Ryujin. I love you and yes it hurts na you won't be able to reciprocate the same amount of love kasi nakikihati lang ako. But I chose to be with you"

"I also chose to stay Chaeryoung"

"Until when Ryujin? Until you and Lia sort your feelings? Until you finally realize that you love her more than me?"

Di na nakasagot si Ryujin dahil dumating na ang mga magulang ni Chaeryoung.

"Honey are you feeling better already?" concerned na tanong ni Mrs. Lee.

"Okay lang po ako tita. Pasensya na po sa gulong nadulot ko" sabi ni Ryujin habang nakayuko.

"Don't even worry about it kid. Hindi mo kasalanan ang nangyare. The doctor said we can go home na. I called your dad and said you'll stay at the house. Hatid ka na lang namin bukas" sabi naman ni Mr. Lee.

Hindi na umalma pa si Ryujin dahil nga nahihiya na talaga siya sa magulang ni Chaeryoung kaya tahimik na lang siyang sumunod palabas ng ospital hanggang makarating sa bahay nila.


********************
Monday...

"Ate Lia, bakit kayo nagbreak ni Ate Yeji?" tanong ni Yuna . Parehong maagang dumating kaya kasalukuyang nakatambay sa pantry.

Tulala lang yung tinanong. Kaya winagayway ni Yuna ang kamay sa mukha.

"Ano yun?"

"Bakit kako kayo nagbreak ni Ate Yeji?"

"Paano mo nalaman?" medyo gulat na tanong ni Lia.

Sumimangot si Yuna. "So totoo pala. Hindi na kasi kayo sabay pumapasok tsaka umuuwi"

"Wait just because of that, naisip mong break na kami?"

"Well... I heard her mention it to Chaeryoung last week. And gusto ko lang maconfirm sayo"


"I see" sagot na lang ni Lia pero secretly wishing hindi na magtanong ulit but knowing Yuna hindi niya titigilan.

"So what happened? You two seem okay naman ah"

Bumuntong hininga si Lia. "I think you know why"

Nagisip sandali si Yuna. "Dahil kay kapatid?"

"Kapatid?" Takang sabi ni Lia. "Ah potek. Same last name nga pala. But yes"

"Haba ng hair mo ate ah. So anong plano mo?"

"Wala. Ayokong makigulo sa kanila ni Chaeryoung"

"This is just my opinion ha. Pero kapatid needs to sort out her feelings as well"

"What do you mean?"

Tumingin muna sa paligid si Yuna just in case may papasok na iba sa pantry. "I feel na she's being unfair to Ate Chaeryoung"

"Huh?"

"I dunno kung obvious ba o hindi pero kasi the way I see it is kapatid is just using Ate Chaeryoung to get over you. Sorry ah. Pero hindi ko naman sinasabi na kasalanan mo or what. Ikaw na din nagsabi na ayaw mong makigulo so if kapatid makes any move, ikaw na lang din lumayo"

"Alam ko naman iyon Yuna. Chaeryoung is also my friend"

"Okay good"

Hindi na nakapagsalita ulit si Lia dahil may pumasok ng ibang ahente sa pantry kaya bumalik na lang sila sa stations nila. Dumating na din ang ibang teammates.

Nasa aquarium sila ngayon para sa SOD. Nagbibigay ng reminders si tl nang pumasok si Ryujin. Gulat ang lahat ng kitang naka.cast ang kaliwang kamay.

"Hala anong nangyare?" tanong agad ni Yuna.

Umupo na lang sa empty chair si Ryujin. "Boss, sorry po late ako. Nahirapan kasi ako magbook ng Grab"

Tumango na lang si Irene pero balak kausapin ang ahente after ng meeting. Natapos ang reminders at pinabalik na sa mga station ang iba.

"What happened Ryujin?" tanong ni tl.

"Ah eh kasi boss..."

*********************
Sa mga station naman nila ay tamang naguusap sa group chat ang tropa.

Wendy: Ano kaya nangyare kay Ryujin?
Seulgi: Baka sumemplang sa motor niya.
Jisoo: Oo nga kasi sabi niya nag-Grab siya.
Chaeyoung: Hala balak ko pa naman bumili din ng motor.
Jeongyeon: Wag na Chaeng. Baka hindi mo maabot yung sahig. :)
Lisa: Wag ka nga Jeong.
Wendy: O kalma lang guys. Tanong na lang natin mamayang break.
Seulgi: GG.


*********************
"Psst Ate Chaeryoung" bulong na pagtawag ni Yuna sa katabi.

Lumingon naman yung tinawag.

"Anyare?"

"She slipped off the stage last saturday, bumped into a waiter and the glasses said waiter was holding fell on her"  sagot naman ni Chaeryoung na wala man lang kaexpre-expression sa mukha. Baliktad naman ang kay Yuna na muntik na mahulog ang mata sa panlalaki. Tamang kinig lang si Lia na nasa kabilang side ng station nila.

Nakita nilang palabas na ng aquarium si Ryujin at tl kaya bumalik na din sila sa pagaantay ng calls. Pinauwi si Ryujin kahit na nagpumilit na kaya niyang magtrabaho. May signed documents na din galing sa office nurse para sure kaya walang nagawa ang isa kundi lumabas na lang ulit ng production floor.

*********************

Dumating ang lunch time at pila pila na silang lumabas at nagantay ng elevator. Hiwa-hiwalay sa trip na kainan at sina Chaeryoung at Yeji ay piniling kumaen sa iba habang si Lia at Yuna ay naiwan sa pantry dahil may mga baon.

Sa isang fast food chain, two blocks away from the office napiling kumaen ni Chaeryoung at Yeji at hindi naman din nila napansin na sa di kalayuan ay andun din si Ryujin. Tahimik lang siyang nagmasid sa interaction ng dalawa.

"Akala ko hindi papasok si Ryujin" sabi ni Yeji habang umuupo dahil katatapos lang umorder.

"I thought so as well. Buti na lang pinauwi ni tl"

"Have you told Ryujin na ba?" tanong ni Yeji habang hinawakan ang kamay ni Chaeryoung.

"Not yet. But I will...soon" sagot naman nung isa habang nakangiti.

Hinalikan ni Yeji ang kamay ni Chaeryoung at saktong dumating na din ang orders nila.

Sa kinakatayuan ni Ryujin ay nanginginig na siya sa galit. Hindi na kayang panuorin pa sila kaya umalis na din ito at naglakad pabalik sa office. Hirap na magtext kaya tinawagan na lang ang taong gusto niyang makausap. After five minutes, dumating na din ang tinawagan at tumambay sila sa may maliit na park sa likod ng office.

"Sorry po sa abala ha. Kailangan ko lang po kasi ng kausap ngayon"


"Don't worry about it mehn. I texted tl na baka ma.late akong bumalik just in case. Ano ba nangyare?"

"I guess you're all wondering how I got the injury right?"

"Yep. Balak talaga ng tropa na tanungin ka over lunch eh kaso pinauwi ka naman"

"Alam niyo na naman siguro paano kami nagsimula ni Chaeryoung di ba?" tumango ang kasama. "I admit na I still have feelings for Lia nung time na sinagot ko si Chaeryoung pero don't get me wrong, mahal ko si Chaeryoung. Nung nasa Galera tayo, nagusap kami. Nabrought up yung feelings ko kay Lia and she told me she won't let me go and stuff. Then nangyare yung family event nila over the weekends. And imagine my surprise when I saw Yeji there as well. Chaeryoung said they have been close ever since they were young. The whole time at the party I felt out of place. Like naisip ko na tama bang andito ako and ? Kasi ang bigat sa pakiramdam na I was there just because ako ang girlfriend ni Chaeryoung pero iba yung galawan nila ni Yeji. So nung time na may photo op na kasama sila Yeji at parents niya, I backed off. Fell off the stage, bumped into the waiter na dumadaan kaya nalaglag sa akin yung mga dala. Nung nasa ospital kami mas lalong bumigat sa pakiramdam ko. Alam mo iyong kahit may fresh sugat and injury ka mas masakit pa yung nararamdaman ng puso mo?" tumango ulit ang kasama. "Then nagusap ulit kami ni Chaeryoung nung time na iyon. Talked about choosing to be with each other and . Then she asked me how long will I stay daw? Like hanggang marealize ba daw namin ni Lia yung totoong feelings namin. Hindi ako nakasagot kasi dumating na yung parents niya. But what I saw just now, sobrang pagpigil ang ginawa ko sa sarili ko nung makita ko silang parang nasa date lang"

"What do you mean?"

"Yeji ing kissed Chaeryoung's hand! Ano iisipin ko dun?"

"The ? Seryoso?"

Tumango na lang si Ryujin dahil nakapormang susuntok na siya sa inis at nagpipigil ng luha.

"Kalma lang Ryujin. Sige ganito na lang. Hatid kita sa bahay. Dun ka muna until matapos ang shift then tsaka natin ulit pagusapan nang may nakahaing alak. May punching bag din sa rooftop kung trip mo pero wag na lang siguro muna baka mainjure din yung isang kamay mo"

"Salamat Wendy ha"

"Itulog mo na lang muna iyan ha. Kung magutom ka may food naman dun"

Naglakad na sila papunta sa parking lot at hinatid na muna si Ryujin sa bahay nila.

Pagbalik sa office ni Wendy, hindi naman siya na-late pero muntik na. Hindi masyadong kyuwing kaya chill lang ang team hanggang matapos ang shift. Hindi na muna sinabi kay Chaeryoung na nasa bahay nila si Ryujin dahil mas mabuti ng kalmado muna din yung isa pag nagusap sila. Messed up ang situation nila at lalong magugulo kung magbabanggaan sila. Pagdating nila ng bahay ay naabutan nilang natutulog si Ryujin sa sala. Kaya naman pagkatapos magbihis ng pambahay ay nagsimula nang magluto ng agahan si Wendy.

"Ryujin gising na. Kaen na tayo" sabi ni Seulgi sa kanilang bisita. Dahan dahan namang bumangon si Ryujin at umupo na sa may dining table. Tahimik silang kumaen ng agahan at ng matapos ay inaya ni Wendy si Ryujin sa rooftop habang kumukuha ng mga beer si Seulgi.

Nagsindi pareho ng yosi at tumambay aa may ledge.

"Anong plano mo?" tanong ni Wendy.

"Gustuhin ko mang umiwas na lang pero hindi ganun kadali since nasa isang team at office lang kami"

"It's better to really talk to her, you know. Clarify everything." sabi naman ni Irene na kakarating lang.

"Nakakagago kaso tl eh!" Medyo napalakas na sagot ni Ryujin. Hindi naman na-offend ang mga kausap.

Dumating na din si Seulgi na may dalang kalahating case ng beer (just in case).

"We get it mehn. Pero sa akin lang ha, after niyo magusap. Ikaw na humiwalay. Kasi para saan pa kung magsstay kayo sa relationship na simula pa lang pala eh wala ring patutunguhan" sabi ni Wendy.

Nagbukas ng apat na bote si Seulgi at inabot sa mga kasama.

"Sorry medyo slow sa pick up. So parang arranged si Chaeryoung at Yeji?" tanong ni Seulgi.


"Parang ganun na nga po. Kaso ang sabi lang sa akin ni Chaeryoung is 'best friends' sila ni Yeji and they go way back daw pero iba yung nakita ko kanina"

"Wait ano ba nakita mo?" tanong ulit ni Seulgi.

"They were holding hands then Yeji kissed her hand. Buti na lang din di nila ako nakita" sagot ni Ryujin.

"As much as we don't want to assume things Ryujin, it's still best to get the truth out of her" sabi naman ni tl.

"What if she denies it?"

"We'll be your eyes in the office habang nagpapagaling ka. Hindi kami ang magcoconfront kung may kakaiba man. I'm sure Yuna will do that. Masyado ding invested sa grupo niyo yun eh"

Natawa ang mga kasama.

"For now, take this time to evaluate your emotions"

"Yes po. Salamat po ng marami sa pakikinig ha"

"Noh ka ba. Wala iyon. Tropa ka na namin eh"








A/N: Been a while since my last update and I apologize for that. This chapter and the next will focus on Chaeryoung, Ryujin and Yeji. I just felt that I need to elaborate on what's going on between these characters. But after the next one, I will focus on the other characters as well. We'll have meet the parents, Irene's birthday and wedding talks in the future so please stay tuned. :)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
88 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1691 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
88 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡