We're JenSoo, We're Okay

Pag May Alak, May Balak

So here's how JenSoo came about. Tell me your thoughts, it helps me po.

May additional seats na naman ang account nila kaya may meet and greet ulit na magaganap that's why nasa aquarium na naman ang team waiting for their TL and their new team mates. From the last time na nadagdagan sila ay may apat sa kanilang nagkaroon ng change sa relationship status namely Jeongyeon and Nayeon and Seulgi and Joy. Kaya ang mga single sa team ay lagi silang inaasar. Pero siyempre they're happy naman para sa kanila. 

"Dami namang langgam dito" tamang asar ni Wendy with matching pagpag pa ng braso. Natawa naman ang iba. 

"O baka naman jowain niyo agad yung mga bago ah. Kalma lang guys" sabi naman ni Jihyo. Siya lang kasi ang bukod tanging straight sa team aside from their TL siyempre. (wink, wink) 

"Join the club ka na kasi Jihyo. Unting pilit pa feeling ko bibigay ka din" entry naman ni Sana. 

Nakita nilang pumasok na ng production floor ang kanilang TL kaya naman abangers silang lahat. Ilang segundo lang sunod sunod ng pumasok ang mga newbies nila. 

"Ang ganda nun o" bulong ni Jisoo kay Jennie na naging close na niya. Tumingin naman siya sa direksyon na tinutukoy ng kaibigan. Di siya sure kung sino sa kanila ung sinasabihan niyang maganda kasi ang napansin niya agad ay yung babaeng nakabangs at maikli ang buhok. 

"She's freakin' cute" sabi ni Jennie sa sarili. 

Nang nasa loob na sila ng aquarium ay pinaupo na ang mga bago sa harap ng mga luma. 

"Our account is doing really great each quarter hence the reason the client decided to add more seats. Moving forward we will be a team of 16 but who knows if it will be increased again" 

Pinagintroduce ulit isa isa ang mga bago at kita ni TL Irene ang itsura ng bawat agent niyang single. Alam niyang eventually, magjojowaan ang mga ahente niya and wala naman siyang problema dun. At siya, hindi niya din masyadong ipapahalata eh pasimpleng din siyang tumitingin sa pinaka.bibo niyang agent na nasa kabilang dulo ng table. 

******************************

Three months later, instant close ang apat kaya madalas sila ang magkakasabay maglunch o kaya naman ang lumalabas pag off. Tambay ngayon sa isang bar sina Jisoo, Jennie, Rosé at Lisa. May hidden agenda ang dalawang nakatatanda kaya naisip na maginuman. Magkatabi si Jisoo at Jennie at katapat nila si Rosé at Lisa. Medyo napasubok din sila dahil malakas din palang uminom ang mga kasama. Three buckets in, nagexcuse si Rosé para mag.cr na sinamahan naman ni Jisoo. Wala namang naisip na iba si Lisa kaya hinayaan na niya. Nang maiwan sila sa table ay nagsimula na sa plano si Jennie. 

"Ang lakas niyo palang uminom" simula niya. 

"Ah hindi naman po masyado. Minsan nasa mga kasama din po kasi yun" sagot naman ni Lisa bago sumubo ng sisig. 

Lowkey na kinilig si Jennie kaya para hindi halata, ininom niya ng diretso ang puno niyang baso. Wrong move? Kasi naubo at nahilo talaga siya. Si Lisa naman ay napalapit bigla para tulungan siya. Pagkalapit nung isa ay ginawang chance ito ni Jennie para yumakap. Lisa didn't think any different about it. At this time, dahil nahihilo na nga si Jennie kaya naman ay napahigpit pa lalo ang pagkakayakap niya kay Lisa. Slight na nagpanic naman ang isa kaya hinawakan niya ito sa mukha. 

Nakatalikod sila sa mga tao so kung dadaan ka, iisipin mong may ginagawa silang hindi maganda gawin in public at iyon na nga ang inisip ni Rosé. Si Jisoo naman ay napabuntong hininga na lang thinking may masayang nangyare na sa kaibigan. 

Yun ang akala niya. Pero nagulat siya nang hilaan ni Rosé si Lisa away from Jennie. 

"TANGINA LANG LALISA?!" Galit na sabi nito. 

Kita ni Jisoo ang pagkalaki ng mata ni Lisa nang magtama sila ng tingin ni Rosé. Alam niyang takot iyon kaya naman agad agad din niyang binitawan si Jennie na nasalo naman ni Jisoo dahil humabol na siya sa nagwalk out na si Rosé. 

"Uy Jennie umayos ka nga" sabi na lang niya sa kaibigan. 

Nakangiti lang si Jennie sa kanya so siyempre ang inisip niya talaga ay nakascore ito. 

"tttt. Ang bango ni Lisa kahit nagyosi" sabi ni Jennie at pilit lang na nginitian ni Jisoo. Pabagsak bagsak na din ang ulo nito kaya naisip na nilang magbill out. Pagkalabas nila ng bar ay nakita nilang nagaaway ang dalawa pa nilang kasama. Hindi naman nila sinasadyang marinig ang pinagaawayan pero instant sober si Jennie. 

"What the hell was that?" Galit na tanong ni Rosé. 

"Si Ate Jennie po kasi dire.diretsong ininom yung nasa baso niya kaya tuloy naubo kaya tinulungan ko lang" 

"Tinulungan? Eh bakit hawak mo yung mukha?" 

"Bumabagsak na kasi yung ulo niya so I just supported her head kasi baka mauntog" 

"That is not how it looked like on my end Lisa. It looked like you two were kissing!" 

Hindi ba sila nagkikiss nun? It really looked they were as well. Sabi ni Jisoo sa utak niya. 

"I could never betray you like that.  Wala po talagang nangyare My. Maniwala ka naman o" sabi ni Lisa na pilit inaabot ang kamay ni Rosé. 

In the years na mag-girlfriend sila ni Lisa, madalas na may mangyareng ganun pag lumalabas sila. Alam din ni Rosé na hindi siya kayang saktan ni Lisa. Medyo uminit lang ang ulo niya kasi hanggang ngayon may ganun pa ding ganap. Kaya pinakalma niya muna ang sarili niya. 

"I'm sorry I overreacted again Dy" mahinahon na sabi ni Rosé na inabot na din ang kamay ni Lisa. 

"I understand My. I love you" sagot ni Lisa nang yakapin niya si Rosé. 

"I love you more" sagot naman ni Rosé. 

Napansin na ng ChaeLisa ang nagaantay na JenSoo kaya lumapit na ulit silang dalawa. 

"Sorry po pala kanina ha. Lapitin kasi itong isang ito pag nagiinuman kami sa labas" pageexplain ni Rosé. 

Natulala lang ang dalawang kausap nang makita nilang magkahawak ng kamay ang dalawa. Gets na ni Jisoo. Pero ang una niyang naisip ay yung magiging reaksyon ni Jennie. 

Basa na ni Rosé ang itsurahan ng mga kasama kaya naman sinabi na niya. 

"We're together po pala" 

Parehong napilitan na lang ngumiti nila Jisoo at Jennie sa kumpirmasyon. 

Nagkaayaan na din umuwi after nun kaya naman pinauna na nilang pasakayin sa dumaang taxi ang magjowa. 

Alam ni Jisoo kung gaano kalala ang tama ni Jennie nung unang kita pa lang niya kay Lisa. Alam nilang close sina Rosé at Lisa dahil palagi itong magkasama pero never nilang naisip na sila pala talaga. Galawang best friends kasi sila sa office. 

"Kaya mo bang umuwi magisa Jen?" Tanong ni Jisoo. 

"Pwede bang sa condo ka na lang muna? I don't want to be alone right now" sabi naman ni Jennie and pumayag naman si Jisoo. 

So nung may dumaan na ulit na taxi ay sumakay na sila papuntang Ortigas. Nang makarating sila sa condo ni Jennie, pinaupo muna ni Jisoo si Jennie sa couch at kumuha ng tubig para sa kanilang dalawa. Ilang beses na din pumupunta dito si Jisoo kaya alam na niya kung saan nakalagay ang mga gamit. 

Nang medyo umokey na ang pakiramdam ni Jennie, yumakap lang siya kay Jisoo. Hindi muna nagsalita si Jisoo at hinayaan lang niyang si Jennie na umiyak. 

"I hate feeling like this Soo" sabi ni Jennie. 

Hinahagod lang ni Jisoo ang likod ni Jennie para i-comfort. 

"I know how you feel. Pero wala eh. Olats pala" 

Lalong naiyak si Jennie. She was used to getting what she wants. And even sa past relationships niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng rejection kahit indirect. Wala naman ibang magawa si Jisoo kundi itry paga.anin ang pakiramdam ng kaibigan. Sa kanya lang umamin si Jennie na may gusto siya kay Lisa. Gusto as in di lang paghanga or dahil nagagandahan ka sa tao. Natural na mabait at maasikaso si Lisa. Kita naman nila iyon pag magkakasama silang lahat. Miski sa iba nilang teammates, ready siyang tumulong sa kahit ano. Sabi pa nila, swerte magiging partner niya. Little do they know meron naman na talaga. In other words, na-love at first sight si Jennie kay Lisa.

As for Jisoo, naging crush niya din noon si Seulgi, kaso pareho pala silang top so ekis na. At nagandahan din naman talaga siya kay Rosé. Pero ang gusto niya talaga ay si Jennie kaso hindi naman siya makaamin dahil nafriendzone siya nito. Hindi naman siya masyadong umaasa kasi for her, kung para sa kanya talaga eh gagawa at gagawa ng way ang universe para mangyare yun. 

So eto silang dalawa ngayon, parehong malungkot sa nalaman. Pero mas mabigat sa pakiramdam ni Jennie. 

"Wag ka na malungkot Jennie. Wala naman tayong magagawa eh" 

"Why didn't we see that coming? I mean, super close sila pero bakit hindi natin inisip na sila?" 

"Hindi rin naman kasi sila ganun kashowy unlike Nayeon and Jeongyeon or Seulgi and Joy and lalong hindi lantaran katulad nina Sana and Tzuyu" 

"Ugh! I hate this!" 

"Marami namang iba jan Jennie. Malay mo nasa harapan mo lang pero hindi mo lang masyadong napapansin kasi sa iba ka nakatingin" 

Kumalas sandali si Jennie sa pagkakayakap niya kay Jisoo. Medyo may amats pa siya pero gets niya yung pinapahiwatig nito. 

"Umamin ka nga Jisoo. Crush mo ba ako? Akala ko ba si Rosé ang gusto mo?" 

Tinitigan lang siya ni Jisoo. Ilang seconds din bago siya nagsalita. "Kung sabihin ko bang matagal na pero dahil sabi mo dati ayaw mo muna magkajowa,  may pagasa ba ako sayo?" 

Si Jennie naman ang natahimik. Looking back, since nagsimula siya sa company, naging close agad sila ni Jisoo. It helped din kasi na siya ang naging buddy niya kaya naman madalas silang nakakapagusap ng sila lang. Jisoo was always there for her. Always ready to listen sa mga problems niya. Si Jisoo din ang takbuhan niya pag nagaaway sila ng parents niya kaya nga madalas nasa condo niya ito. Pag bad trip siya, hindi siya nakakausap ng iba nilang teammates. Tanging si Jisoo lang ang matapang na nakakausap at nakakapagpakalma sa kanya. 

"Legit ba Jisoo? Di mo ko pinagtrtripan ngayon?" 

"Why would I joke about something like that?" 

"I don't know. To make me feel better?" 

"Gusto kita Jennie. Matagal na. Kaso hindi ko inattempt aminin kasi sabi mo before na di mo pa trip magka jowa. Then Lisa came along and kita ko naman yung saya mo sa tuwing nakakausap mo siya" 

"Eh di ba si Rosé ang gusto mo?" 

Natawa si Jisoo. Bakit nga ba inassume ni Jennie iyon? 

"I never said that Jen" 

Takang taka naman si Jennie. Sino ba yung sinabihan niyang maganda nung dumating sila? She tried to remember yung araw na iyon. Nasa left side niya si Jisoo at mas malapit siya sa may pintuan. So kung nakatingin si Jisoo sa right side niya, meaning... 

"Oh my god! So...you were referring to me all along?" 

"Yes" simpleng sagot ni Jisoo. 

Tumahimik ulit si Jennie. Inaabsorb ang revelation. All the times Jisoo was there for her; times when she wants to vent out, times she needed some help clearing her mind, times when she's frustrated cause she can't find a way on how to make a move on Lisa, times when she cries and a lot more things, Jisoo was always the first one to approach her. It's like Jisoo always knows what to say about the situation and after talking to her, she feels a whole lot better.

Hindi niya alam kung paano pero she remembers the look on her face that time she told her na wala siyang gusto maging partner kundi si Lisa. Hindi niya maexplain that time bakit yung Jisoo na kilala niyang palaging nakangiti ay nabalot ng kalungkutan nung time na iyon. And now that she knows why, hindi niya alam ang gagawin niya. 

"look, I'm not forcing you to return the feelings Jen. Kasi hindi mo naman mapipilit talaga iyon. Pero I hope na kahit alam mo na yung totoo, sana walang magbago sa atin" 

Would you choose the person you love or the person who loves you? 

Hindi kailanman magiging si Lisa si Jisoo. Magkaibang tao sila. Yung nakikita niyang traits ni Lisa na nagustuhan niya ay ngayon niya lang narerealize na meron na si Jisoo noon pa. So bakit nga ba naghahanap pa siya ng iba kung meron na sa harapan niya? 

"I don't think I've said this enough Jisoo. But thank you. I'm not gonna state the reasons one by one, you already know why" tumango naman si Jisoo, may ngiting lumalaki sa kanyang mukha. "I don't know why I'm realizing just now but -" 

******************************

"! Nakakahiya ka Jennie Ruby Jane Kim!" Paulit ulit na sinasabi ni Jennie sa kanyang utak. Kasalukuyan siyang nasa bathroom matapos siyang dalhin ni Jisoo dito ng mailabas niya ang lahat ng nainom at nakaen niya sa kanilang dalawa. 

She was so focused on what she did kaya nagulat siya ng biglang may kumatok. "Ugh Jennie? Papasok ko lang sana yung towel mo" sabi ni Jisoo mula sa kabilang side ng pinto. 

"Pwede ka namang pumasok" 

Nagalangan pa si Jisoo pero naisip niya na hindi naman sasabihin iyon ni Jennie kung nakahubad na siya di ba? Kaya dahan dahan niyang binuksan ang pinto at nadatnang nakaupo sa gilid ng bathtub ang kaibigan. 

"Sorry talaga Jisoo ha. Hindi ko sinasadyang masukaan ka" 

Kadiri yung pakiramdam pero okay lang talaga kay Jisoo. Mas naisip pa niya na mas gagaan na yung pakiramdam ni Jennie. Sinabit na niya yung towel na dala niya at lalabas na din dapat talaga siya. 

"Would you like to join me?" 

Marupok din pala si Jisoo dahil hindi na siya nagaksayang sunggaban ang pagkakataon. 

******************************

"I'm gonna be honest with you Soo. I've never been with a girl" sabi ni Jennie. Kasalukuyan silang nasa bathtub, nakasandal si Jennie kay Jisoo. 

"Well, it didn't seem like it was your first time" sagot naman ni Jisoo. 

"I may have been with only guys in the past but of course I have my me time. And some educational videos helped as well" natatawang sagot ni Jennie. 

"Psss. Pinaganda mo pa. lang din naman yun" 

Natahimik sila pareho. Both just taking in the moment after they did the deed. 

"So...does this mean you're my...girlfriend now?" Tanong ni Jennie. 

"Only if you want me to Jen" 

Humarap si Jennie kay Jisoo. Nadistract pa ng slight yung isa sa nakita niyang hinaharap kaya napalunok ito. Napansin din agad ito ni Jennie. 

"I'm used to getting anything I want. And I feel really ty and moody when I don't. You've seen the worst sides of me and not once did I hear you complain. You calm me down every time that happens and like I said, you always know what to say when I'm being unreasonable. Not that I'm comparing you to my exes but mostly the reasons we broke up was because of my attitude. But you, you never left despite seeing and experiencing all that. I'd be stupid enough to let this chance of being with someone as great as you Jisoo. So of course, I would love to be your girlfriend" 

"Sure ka?"

"Oo naman. Kaso..."

"Kaso?"

"I don't know what to expect when we tell them or even my parents"

Humalik muna si Jisoo kay Jennie bago sumagot. "Don't worry. We're JenSoo, We'll be okay"

Would you choose the person you love or the person who loves you? Most people will choose the person you love, mainly because that person is already your happiness, things will be easier and such but does or will the other person feel the same? Whereas choosing someone who already loves you, just the fact that out of all the people in the world, they chose you, is worth more than anything. In Jennie and Jisoo's case, the first level of comfortability with each other is already there. Add in the other reasons the author mentioned earlier (she's too lazy to type them again), Jennie's lucky enough to have Jisoo in her life. So she may not feel the same amount of love or even the same kind of love for the girl for now but falling in love with Jisoo is not going to be hard.

 

 

 

 

A/N: Who do you want to be featured next? DahMo? SaTzu? MiChaeng? JinLia? ChaerJi? SaeRi? ChaeLisa?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
88 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1691 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
88 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡