New Year In Baguio

Pag May Alak, May Balak

Lumipas ang isang linggo at magbabagong taon na. Binalak mag.roadtrip kaso hindi makapagdecide kung saan pupunta. Ang ending ay sa Baguio sila napunta. May bahay naman pala dun sila Ryujin kaya dun sila magststay. Usapan na magkita-kita sa office ng 9AM para convoy na lang ulit. Mauuna sila Yeji, kasunod sila Wendy, tapos sila Jeongyeon at panghuli sila Jisoo.

Habang naghihintayan ay tumambay muna sa smoking area ang naunang tropa.

"Malamig sa Baguio, sarap magpainit dun" wika ni Lisa.

"Wow Lisa ah. Ang aga aga" sagot naman ni Chaeyoung.

"Hindi pwedeng magpainit like uminom ng kape or hot choco?"

"Pag galing sa bibig mo hindi pwedeng hindi green yun" wika naman ni Jisoo.

"Ay wow ang linis ah"

"Just stating facts"

Dumating sina Ryujin at Chaeryoung.

"Hello po" bati nila.

"O kayong dalawa lang?" tanong ni Seulgi.

"On the way na din daw po sila Yeji. Sinundo pa kasi si Yuna" sagot naman ni Chaeryoung.

Nagtinginan si Jisoo at Chaeyoung, nakita ni Ryujin. Sumenyas na mamaya na lang magkkwento. Nagets naman nung dalawa.

Nang makumpleto eh nagsimula na silang bumiyahe. Inabot ng gutom sa daan kaya nagmessage sa group chat na magstop over muna para mag-lunch. Mabilis na kaen lang para makarating din agad dahil panigurado eh marami ding aakyat ng byahe kaya baka matraffic sila paakyat.

Alas singko nakarating na sila ng Kennon Road at medyo natraffic nga sila. Pero nakausad naman agad at nakapasok na sa city proper. Sinusundan lang ng lahat ang kotse ni Yeji since andun si Ryujin na nagtuturo ng direksyon papunta sa bahay nila.

After thirty more minutes, nakatigil na ang lahat ng sasakyan sa isang two storey house sa isang exclusive na subdivision. Lumabas na ng sasakyan at nagunat ang lahat. Binuksan ni Ryujin ang gate at pinapasok na sila. Rest house pala nila iyon kaya walang tao.

Tatlo lang ang kwarto at medyo madami sila kaya napagdesisyunan na sa sala ang iba. Kasya ang apat sa isang kwarto, lima kung maliit yung matutulog. Nagbunutan na naman sila kung sino ang mga mapupunta sa kwarto.

Room 1: Rosè, Lisa, Jennie at Jisoo
Room 2: Ryujin, Chaeryoung, Yuna at Lia
Room 3: Sana, Tzuyu, Momo at Dahyun


Ang minalas na siyam ay sa sala mapupunta. Sorry TL.

Nagayos na ng mga pinamili para sa Medya Noche ang mga dakilang tagaluto na sina Wendy, Irene, Jennie, Ryujin at Chaeryoung kaya naman ang iba eh inexplore muna ang bahay. May malaking bakuran kaya dun nagset up upuan at lamesa. Medyo magkakalayo ang mga bahay sa subdivision kaya naman eh okay lang magingay.

Pagkatapos ng dalawang oras ay natapos na din magluto ang mga chef kaya nagpahinga muna sila.

Lumabas sa balcony si Wendy at Irene at ng mapansin ni Wendy medyo nanginginig yung isa ay siya namang niyakap.

"Ah yes. My personal heater" wika ni Irene. Tahimik lang nilang pinagmasdan ang tanawin. Overlooking ang location ng bahay kaya naman ay kitang kita nila ang mga kumikinang na ilaw galing sa mga establishments sa City Proper. Masayang makakanuod ng firework display mamaya.

"I love you. Sana pwede tayo palaging ganito"

"I wish for that as well nie"

"I wonder what the New Year will bring us. I can only wish for one thing though"

"And what's that?"

"For us to be together for a long time"

"Do you believe in forever?"

"I do. With you"

Kinilig yung isa kaya biglang humarap at humalik.

"I'm gonna be honest Wannie. I used to think that the idea of 'forever' is so pathetic. Until I met you. Like what I told you before, you have a way of making me feel different things at the same time. Good feelings by the way.  Forever is something I'm looking forward with you cause I just love you so much"

"And I love you more"


******************************
"Okay ka na ba?"

"I'm getting by"

"If it gets too hard, let me know ha"

"Thank you ha"

"Don't even worry about it"


******************************
"shiiiittttdontttstopppppp"

"ssshhh. wag ka maingay"

"ughhhhicannnthelppppitttttt"

"malapit ka na ba?"

"kkkkkkkk"

********************

Nakapalibot na sa lamesa ang lahat. Masayang pinagsasaluhan ang mga pagkaen na nakahain. Isang oras na lang bago sumapit ang bagong taon. May mga binili din silang mga paputok kaya naman ay maya't mayang may kwitis na lumilipad.

"Utang na loob Jeongyeon mamaya ka na magpaputok. Kita mong may mga kumakaen pa" bwisit na sabi ni Nayeon sa kanyang girlfriend. Nagpeace sign na lang yung isa at binaba ang lighter, naghugas ng kamay bago umupo ulit sa tabi ni Nayeon.

Kumuha naman ng ilang stick ng lucis sina Sana at Tzuyu. Sinindihan tapos palitang nagpapapicture. Gumaya naman sina Momo at Dahyun pero sparklers lang ang kinuha.

Lumabas ng bahay si Ryujin na kasama sina Chaeryoung at Yuna,  may bitbit na mahabang paputok. Nilatag sa semento. Sinindihan ang mitsa gamit ang isang lucis sabay tumakbo palayo at nagtakip ng tenga. Biglang umingay ang paligid.

"ING TTTTTT!" gulat na sigaw ni Jennie na kakalabas lang galing sa cr at napaupo na lang sa sahig.

"ANG BATAAAAAAA!" sigaw naman ni Lisa na pasubo pa lang dapat ng baby puto ng mabitawan.

Ilang minuto ding nagpasiklab ng ingay yung pesteng sinturon ni hudas. Nang madala na papalayo ng hangin ang usok na dulot nito ay bumalik na ulit ang lahat sa pwesto nito sa bakuran. Nagbukas na din ng alak. Tanggero si Jeongyeon at Wendy.

"May plano ba pumasyal bukas?" Tanong ni Jisoo.

"G lang." sagot naman ni Jeongyeon.

Nagabot ng tagay kay Ryujin si Wendy. "Malayo ba Diplomat Hotel dito?"

Uminom bago sumagot. "Hindi naman po masyado. Mga 45 minutes po"

"Hala ano ba concept mo ng malapit at malayo?" tanong naman bigla ni Tzuyu.

Napakamot na lang ng ulo yung isa. "Sanay na po kasi ako sa ganung byahe eh"

"Uy punta tayo sa Strawberry Farm!" sabi naman ni Chaeyoung na tumitingin pala ng mga 'Places to Visit When in Baguio' sa kanyang cellphone.

Umagree naman ang mga kasama.

11:50 PM.

"Dun muna tayo sa balcony. Mukhang mas maganda manuod ng fireworks dun" suggestion ni Jennie.

Nagsiakyatan naman ang iba. Naiwan sa baba sina Jisoo, Chaeyoung at Ryujin na 'kukuha lang daw ng inumin'.

"So anong progress?" bungad na tanong naman ni Jisoo.

"We talked. She chose her."

"Dammmmn. Kaya ba close close ngayon ni Chaeryoung?"

Napakunot ng noo si Ryujin.

"Hindi kami bulag para hindi makita. At hindi din ako ganun kalasing nung pasko para hindi mapansin yung pag.holding hands niyo sa ilalim ng table"

"Ah wala po yun. Matatakutin din po kasi siya"

Ngumiting pangasar yung dalawa. "Owkaaayyyy. Sabi mo ehh"

"Tara na sa taas"

Kanya-kanyang pwesto sa may balcony. Ang mga may partner ay either magkayakap or magkahawak ng kamay. Inakbayan na lang Ryujin sina Chaeryoung at Yuna.

Nagsimula sila magcountdown. 10. 9. 8. 7. 6. 5. 4. 3. 2. 1.

Umilaw ang buong kalangitan ng magsimula na ang fireworks display sa may SM Baguio.

"Happy New Year!!!!!!" nangingibabaw na sigaw ni Jeongyeon at nagtalunan naman ang mga maliliit sa grupo. Kahit wala ng mangyayare eh nakasanayan na.

Kanya-kanyang halik sa mga girlfriend at yung tatlong single eh naghalikan na lang sa pisngi.

Nung medyo kumalma na ang lahat at humina na ng kunti ang ingay dala ng mga paputok eh nagsibabaan na ulit sila para ituloy ang inuman.

May dalawang nawala.


******************************
"So saan niyo gusto pumunta para sa next outing natin guys?" Tanong ni tl sa team.

At sabay sabay ng nagbigay ng mga suggestions. Medyo nagulat sa lakas ng mga boses.

"Guys kalma. Isa isa lang magsasalita"

Dahil walang papel at ballpen, sa phone na lang nagtake notes si Joy.

"Baler naman. Namiss kong magsurfing" wika ni Lisa.

"Ako din" mabilis na sagot ni Wendy ng nakangiti. Tinaasan siya ng kilay ni Irene. "Ay hindi pala. Joke lang" bumaba din agad yung kilay nung isa.

"Puerto Galera?" mahinang suggestion ni Nayeon.

Nagtanguan ang iba.

"Ay oo pwede din. Maganda yung White Beach dun" sagot naman agad ni Momo.

"Okay din naman sa Pagudpod" sabi ni Chaeyoung na tumitingin naman ng 'Top Destinations in Northern Luzon'.

At lalong hindi na sila makapagdesisyon sa dami ng options na binibigay ng iba.

May nakapansin ng mga nawala. "Guys asan sila Yeji at Lia?" tanong ni Rosè.

Nagkatinginan sina Jisoo, Chaeyoung, Ryujin at Chaeryoung.

"Baka nag-cr lang" inosenteng sagot ni Yuna.

"Ng sabay?" gatong naman ni Dahyun.

Natahimik sandali ang lahat. Bumukas ang pinto ng bahay at niluwa ang dalawang nabanggit. Lahat tumingin sa direksyon nila.

"Ay anong meron?" sabi na lang ni Yeji dahil medyo awkward na.

Nagkibit balikat na lang ang iba.

Umupo na sa pwesto nila yung dalawa. Nagtuloy ang inuman.

Wala mang videoke, may dala namang gitara si Wendy kaya kinuha niya ito sa sasakyan. Nagsalitan ulit sila ni Rosè sa pagtugtog.

Ain't never felt this way
Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands

And you need to know
You're the only one, alright alright
And you need to know
That you keep me up all night, all night

Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad

"Uy Wendy kalmahan mo lang sa pagkanta. Namumula si na si boss sa kilig o" asar naman ni Joy.

"That's the plan" sagot naman ni Wendy habang nagtataas baba ng kilay. Hinampas ni Irene pero bumawi din agad sa halik.

Hindi nagpatalo sila Lisa at Rosè. Kinuha ang gitara.

Ooh, ooh, ooh, ooh
Ooh, ooh, ooh, ooh

Full moon, bedroom, stars in your eyes
Last night, the first time that I realized
The glow between us felt so right
We sat on the edge of the bed and you said
"I never knew that I could feel this way"
Love today can be so difficult
But what we have I know is different
'Cause when I'm with you the world stops turning

Could I love you any more?
Could I love you any more?
Could I love you any more?

At dun na nagsimula ang labanan ng mga mag.partners.

Kinantahan ni Seulgi si Joy ng I Was Made For Loving you, habang si Jennie at Jisoo ay nagduet sa You Are The Reason. Si Momo naman ay kinantahan ni Dahyun ng The Only Exception. Hindi naman din nagpahuli sina Sana at Tzuyu na kumanta ng For You habang si Nayeon ay kinantahan ni Jeongyeon ng I Like You So Much, You'll Know It. Si Mina at Chaeyoung naman ay nag duet ng I Finally Found Someone. Habang si Yeji at Lia ay nagduet ng Something Stupid.

Nung lahat ng may partners ay natapos ng magkantahan, lumapit si Chaeryoung kay Wendy at may pinakitang chords ng kanta. Nagets naman agad nung isa. Nag.play ng intro at nagsimulang kumanta si Chaeryoung ng I'm Falling For You.


[https://www.youtube.com/watch?v=9AM_Ke6VXQI]

Natapos ang kanta. Walang nakapagsalita agad. Gulat din sa pa.surprise confession.

"So ako na lang single dito, ganun?" biglang basag naman ni Yuna. Nagtawanan ang lahat.

Nagtuloy ang inuman. Hindi pa din nakakarecover yung huling kinantahan. Kaya hinila siya palayo sa iba nung isa.


******************************
"I'm sorry if this is all so sudden. I know that you still have feelings for Lia and hindi madaling mawala yun. Hindi naman din kita pinepressure or what. It's just that...uhm.. yun nga, I'm falling for you" wika ni Chaeryoung.

Napalunok ng laway si Ryujin. "Sorry for the lack of reaction. I...i just don't know what to say"

Hinawakan ni Chaeryoung ang kamah ni Ryujin. "Again, no pressure."

"Thank you ha. For everything"

Ngumiti na lang yung isa. Hindi naman din talaga siya nageexpect na pareho din ang nararamdaman ni Ryujin para sa kanya. She thought back on what Rosè said nung Christmas about taking risks. And she took that risk tonight. Masaya pa din siya kahit papaano kasi hindi negative ang reaction ni Ryujin.

Pakiplay ang Friend of Mine sa background.

******************************
Kanya-kanyang libot ang tropa sa Baguio dahil hindi nagkasundo sa mga trip puntahan. May ibang nagpunta sa Diplomat Hotel, meron din sa Strawberry Farm at meron naman ding nagpunta sa Camp John Hay. Nagusap usap na magkita na lang sa may Tam-awan Village para kumaen ng late lunch.

Unang dumating sina Wendy, Irene, Ryujin, Chaeryoung, Sana, Tzuyu, Lisa at Rosè na nagpunta ng Diplomat Hotel. Since on the way na din ang iba eh nag.paunang order na sila ng mga inumin.

"Natatakot akong tignan yung mga pictures natin kanina. Baka may something" sabi ni Lisa habang umiinom ng Mango Shake.

"Maaga naman tayong nagpunta wala pang magpapakitang mumu" sagot naman ni Sana.

"Di ba dun nagshoot yung movie nila Gerald Anderson at Julia Montes?" Tanong naman ni Chaeryoung.

Tumango naman si Ryujin na nasa harapan niya na nilalagyan ng bimpo sa likod.

Nasa may shaded smoking area naman sina Wendy at Irene na pinagmamasdan lang ang interaction nila Ryujin at Chaeryoung.

"I thought Ryujin was into Lia but I guess I thought wrong" sabi ni Wendy kay Irene.

Naghits sa yosi bago sumagot. "I think it was a one sided thing. Ryujin likes Lia but Lia likes Yeji. And now we know that Chaeryoung likes Ryujin. I feel bad for Yuna but then again she's still young"

Tumango na lang si Wendy. Dumating na din yung mga galing sa Strawberry Farm na sina Chaeyoung, Mina, Momo, Dahyun at Yuna. Umorder na din ng inumin nila dahil nga eh napaka.init.

"Kamusta naman ang ghost hunting niyo?" bati ni Chaeyoung na pumapapak ng strawberries.

"Okay lang naman. Mabait naman sila" sagot naman ni Tzuyu.

Nang makumpleto sila sa pagdating ng iba eh umorder na sila.

"Mag.night market tayo mamaya tapos food trip" sabi ni Seulgi na sinangayunan naman ng iba.

"Hindi pa din matanggal sa ilong ko yung amoy ng poop nung kabayo kanina. Kainis!" reklamo ni Jennie. Buti na lang tapos na sila kumaen.

"Si Jeongyeon nga muntik na masipa nung kabayo eh. Buti na lang nakaiwas. Hawakan ba naman kasi yung buntot nung sinasakyan ni Nayeon" wika ni Joy.

"Okay na ba lahat? Uwi muna tayo para makapagpahinga bago tayo lumabas ulit mamayang gabi" aya naman ni tl habang binabalik ang wallet sa bag.

Tumango lahat at nagsisakayan na sa mga kotse. Naka.full blast ang aircon. Pagdating sa bahay nila Ryujin humilata na yung iba habang ang iba ay piniling tumambay sa balcony. Mahangin naman kasi.

"Tinatamad ako sumama mamaya sa night market. Nomo na lang tayo dito" sabi ni Lisa pagkaupo sa zero gravity chair.

"Kung hindi tayo sasama eh sino magdrdrive sa kanila papunta dun?" Tanong naman ni Jisoo.

"Eh di ihahatid dun tapos balik tayo dito tapos magtaxi na lang sila pauwi"

"Ay wow. Napakagaling mong jowa ah. Susumbong kita kay Rosè" sagot ni Jisoo na patayo na kunwari.

"Ako na lang po magdadrive mamaya" wika naman ni Ryujin. Hindi naman sa judger yung iba pero nagtaka sila. "May lisensya naman po ako. Pero sa erpats ko kasi yung sasakyan kaya di ko ginagamit masyado"

"Ayos naman pala eh. Salamat Ryujin" sambit ni Wendy.

"Nagpaalam ka na ba kay boss, Wendy? Mamaya pasamahin ka din eh" tanong ni Seulgi.

"Hindi yan. Ako bahala. Tsaka marunong naman magmaneho yun. Tamad lang"

"Anong meron at ang tatapang ng tropa?" takang tanong naman ni Chaeyoung.

Nagtinginan silang lahat.

"May sumapi ba sainyong dalawa Lisa? Wendy?" tanong ni Seulgi.

Nagkibit balikat ang dalawang tinanong.

"Gags. Wala naman ganyanan" Worried na sagot ni Lisa na biglang minasahe yung balikat. Parang medyo mabigat kasi sa pakiramdam.

Tumaas din yung balahibo ni Wendy.


******************************
Pagpatak ng alas nuebe, lumarga na papunta sa night market sina Irene, Rosè, Jennie, Joy, Momo, Dahyun, Yuna, Chaeryoung, Lia at Yeji. Dalawang sasakyan ang gamit. Si Irene nga ang nagdrive ng sasakyan ni Wendy at yung iba naman sa sasakyan ni Yeji.

Bigla kasing sumakit yung tiyan ni Ryujin kaya pinili na lang magpaiwan na din. Hindi na din dapat sasama si Chaeryoung para alagaan yung isa pero dahil alam din ni Ryujin na excited mag.night market kanina si Chaeryoung kaya pinasama na niya.

Ang tropa naman ay nakapaikot na ulit sa lamesa sa bakuran. Kakabukas lang ng bote ng Alfonso. Tanggero si Ryujin kahit hindi siya iinom.

"Ngayon na lang ulit tayo nakapaginom ng tayo tayo lang noh?" wika ni Jisoo na umaabot ng pulutan.

"Oo nga eh." sagot naman ni Seulgi.

"I don't even remember the last time we were just this few" sabi ni Wendy.

"Eh lahat nagjowaan na eh. Malamang kasama na palagi sa inuman ang ating mga minamahal" sagot ni Jeongyeon.

"Ang corny mo pucha!" wika naman ni Lisa.

Tamang nuod lang si Ryujin sa mga nagiinom. Habang nakikipagtext lang kay Chaeryoung at nagbibigay ng update sa nangyayare sa kanila dun.

"Uy Ryujin. Ngiting ngiti ka jan ah" sabi ni Chaeyoung na kakabalik lang ng shot glass.

Binaba ang telepono at naglagay ng sumunod na tagay, inabot kay Wendy. "Ah wala po. Natatawa kasi ako sa mga kwento ni Chaeryoung. Pinagawayan daw po kasi ni Rosè at Nayeon yung isang damit. Last piece na daw kasi. Tapos si Momo daw nawala bigla yun pala kumakaen lang ng shawarma. Si Sana naman daw po eh bigla din daw nahiwalay sa kanila yun pala nagkamali ng grupong nasamahan. Ay Wendy, pinapasabi daw po pala ni tl na wag ka daw masyado iinom."

Tinignan naman ni Wendy kung may text si Irene kaso wala. For sure ayaw maglabas ng phone yun.

"Sige pakisabi na lang na no promises" sabay ngiti. Ni.reply naman talaga ni Ryujin.  Maya maya naman ay tumatawag na.

Nanlaki ang mata ni Wendy. Tumayo sa pwesto at lumayo ng unti sa grupo. Tawa lang ng tawa yung iba.

After five minutes, bumalik na si Wendy. Tahimik na umupo.

"Pinagalitan ka noh?" asar na tanong ni Seulgi.

Nagpout tapos tumango.

"Pa.no promises no promises ka pa kasi eh" sabat naman ni Jeongyeon.

"Taasan mo na lang yung tagay Ryujin" utos ni Seulgi at sumunod naman yung isa.

Nakaubos na ng isang bote at sakto namang dumating na yung iba. Nagpaka.very good si Wendy at every other ikot lang siya tumagay.


******************************
"Good Morning guys" bati ni Irene sa mga pumasok ng kusina. Maagang nagising para magluto ng agahan. Kanya-kanyang timpla ng kape.

Pikit pa ang isang mata ng mga tropang naginuman. Late na kasi natapos pero no choice at gumising ng maaga.

"Baba tayo ng 12?" tanong ni Jisoo.

Nagtanguan na lang ang iba. Wala pang mga energy.

Pumasok ng bahay si Ryujin at Chaeryoung. May dalang mga naka.box na pampasalubong.

"Boss, pinaorder ko na pala itong mga ube at lenggua. Para hindi na tayo pipila sa may Good Shepherd" sabi ni Ryujin pagbaba ng mga dala.

"Uy salamat ha. Magkano ba lahat?" sabi ni Irene na palakad na dapat papunta sa bag niya.

"Deh okay na po yun boss. Sabi ng ermats ko para sa inyo daw talaga yang nga yan. Nung sinabi ko po kasing pupunta tayo eh nag place na ng order. Pinick.up lang namin kanina"

Nang makakaen na ang lahat. Pahinga muna sila saglit bago nagsimulang magayos ng mga gamit.

Alas dose ng bumiyahe sila pababa ng Maynila.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
89 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1692 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
89 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡