Team Outing Day 1

Pag May Alak, May Balak

Kasalukuyang nasa grocery ang team at kanya-kanyang grupo according sa nakatokang pagkaen. Napagusapan na kung anong kakainin for breakfast, lunch at dinner sa three days at two nights nilang outing. Hiwalay pa siyempre ang pampulutan. Sa alak na naman naka.assign si Wendy at kasama niya ulit si Seulgi with Jeongyeon, Lisa and Jisoo. May balak magbasagan sa dami ng alak na nilalagay sa cart. Muntik na mapuno eh. Malaki naman ang nabigay na budget ng client kaya kebs lang. Nagkita.kita na sa counter ang mga grupo at inaantay na lang matapos ang lahat.

Car Pool nga ang mangyayare. Sa Honda CRV ni Wendy kapalitan niya si TL Irene sa pagdrive at simpleng pasahero nila sila Mina, Chaeyoung, Seulgi at Joy. Sa Honda Mobilio naman ni Jisoo ay kapalitan niya si Jennie at simpleng pasahero sina Rosé at Lisa. At sa Honda BRV naman ni Jeongyeon ay kapalitan niya si Nayeon at simpleng pasahero lang sila Momo, Dahyun, Sana at Tzuyu.

Nailagay na ang lahat ng supplies sa mga trunks. Nagusap.usap muna kung saan dadaan at magsstop over at nang nakapagdesisyon na ay nagsimula na sila bumiyahe.

Dalawang oras ng nakalipas sa byahe at nagkayayaan na munang magstop over para sa mga kailangan mag-rest room. May mga bumili ng snacks at nagusap usap na lang magkita kita ulit after 20 minutes. Kanya-kanyang puntahan ng restaurant.

Nang okay na lahat balik byahe na sila. After five hours, sakto lang ang dating sa San Juan Surf Resort at nagbabaan na lahat.

Excited ang lahat kaya bago pa man magkanya.kanya ng lakad ay nag room assignments muna sila. Nakapag.rent ng isang buong bahay na may limang kwartong available at disi sais silang lahat. Tig.4 sa kwarto. Nauna ng nagclaim ng kwarto si Wendy, Irene, Seulgi at Joy. Sunod naman ay sina Rosè, Lisa, Jennie at Jisoo. Sa pangatlong kwarto sina Mina, Chaeyoung, Nayeon at Jeongyeon at sa pangapat na kwarto naman sina Sana, Tzuyu, Dahyun at Momo. May dalawang queen size bed sa bawat kwarto at may sariling mga banyo. May malaking open floor plan na living room at dining room. Malaking kitchen at outdoor patio at may pool na din. Sakto lang sa kanilang lahat yung place kaya lalo silang natuwa at solo nila ito. Walang curfew sa ingay dahil malayo sa kabilang resort. Nagpuntahan na sa kani.kanilang kwarto at nagayos ng mga gamit.

******************************
Dahil medyo pahapon nadin hindi na sila makakapagsurf kaya minabuti na lang nilang magayos ng kakainin for dinner at pulutan sa inuman.

Nakatokang magluto si Wendy, Irene, Jennie at Rosè para sa hapunan nila at si Seulgi, Mina, Jeongyeon at Sana naman para sa pulutan. Yung ibang walang toka ay nagliwaliw at nagpicture.picture sa paligid at meron ding mga natulog muna.

Alas otcho na ng matapos sa pagluluto at tinawag nadin ang iba para sabaysabay na sila kumaen. May program din after dinner na hinanda at sina Jeongyeon at Nayeon ang nautusang magayos ng program. Nakaupo na ang lahat at nagpapicture muna as a group kay kuyang caretaker. Matapos ang ilang beses na pagpipicture na gamit ang iba't ibang phone, nagsimula na silang kumaen.

May mga laman na softdrinks bawat baso at nagtawag naman ng atensyon ang kanilang tl.

"This is just the start of a new beginning for all of us. We started the account not even a year ago and everyone has helped it to grow like this. We only had five agents to start with; special mention to the pioneers of the account: Wendy, Seulgi, Jisoo, Nayeon and Jeongyeon then came Jihyo, Jennie, Mina, Sana, Momo and Joy and to our babies Rosè, Lisa, Dahyun, Chaeyoung and Tzuyu. You all helped the account become what it is now. And hopefully soon we would be even bigger. Thank you for all your hard work team!" at sabay sabay silang nagtaas ng mga baso at nagsimula ng kumaen.

Pagkatapos ng dinner ay nagpahinga muna sila saglit bago nagtipon tipon sa may living room para sa program. Simpleng awarding lang pala yun para sa mga nag.top sa account. Hindi na rin nagtagal ay nagsimula na sila maginuman na ginawa naman nila sa may tabi ng pool. May long table ulit kaya same blockings tulad nung naginuman sila sa rooftop. Nakalinya ang mga alak sa table. Per height ng bote tapos nakapaikot na din ang pulutang sisig, calamares, tokwa't baboy, sauteed hotdog, at mga chichirya.

Unang tanggero si Wendy at dahil nakalabas na mga alak eh hindi nila pwedeng laruin yung ginawa nila dati. Medyo chill pa yung ikot ng gin na sinundan naman ng vodka. Sa dami nila ay mabilis naubos yung tig.apat na bote ng naunang alak. Nagbukas ng tequila at nagsimula na silang maglaro.

"Categories naman laruin natin para maiba" Suggestion ni Jisoo na nakatokang tanggero sa round ng tequila. Game naman ang lahat. Pinauna na nila magbigay ng category si tl. Nagisip sandali, Nagshot.

"Okay. Game. First category: Car Makers. Honda"

Sunod si Wendy. "Porsche"

Seulgi: "Toyota"

Joy: "Kia"

Rosè: "BMW"

Lisa: "Ferrari"

Jennie: "Hyundai"

Jisoo: "Foton"

Sana: "Ford"

Tzuyu: "Mini"

Chaeyoung: "Volkswagen"

Mina: "Buick"

Jeongyeon: "General Motors"

Nayeon: "Mazda"

Dahyun: "Lexus"

Momo: "Lamborghini"

Irene: "Lincoln"

Pagdating kay Wendy natanga na siya. Wala na maisip.

"Wala ka pala Wendy eh." Asar ni Seulgi. "Sasabihin ko naman sana yung Mercedez Benz"

Nagpout naman si Wendy at una siyang talo. Kaya naisip gumanti. Nagshot muna.

"Yun lang magiging talo ko sa game na ito. Next Category: Countries na nagsisimula sa Y. Yemen!"

Confident si Seulgi. "Yugoslavia!"

"Tanga shumot ka na. Di na country yun ngayon!" Sagot naman agad si Wendy.

"Luh kelan pa?" luging pagsagot ni Seulgi.

"Since 1990's if I am not mistaken" biglang sambit naman ni tl. Tawanan na lang ang tropa sa pagkamot ulo ni Seulgi.

Nagsunod sunod na ang mga categories na naisip nila at ang hindi na lang nagkakamali ay si tl. Nagpasimpleng usap usap sa gc na wala ang tl sa pwedeng kategorya na magkakamali ang kanilang boss pero syempre hindi makasagot si Wendy sa chat.

Nagsimula ng bagong topic si Joy dahil siya ang huling nagkamali at shumot. "Next Category: Breed ng Aso. Maltese"

Rosè: Husky

Lisa: Bulldog

Jennie: Cocker Spaniel

Jisoo: Shih Poo

Sana: Shiba Inu

Tzuyu: Pomeranian

Chaeyoung: Pug

Mina: Daschund

Jeongyeon: Poodle

Nayeon: German Shepherd

Dahyun: Labrador

Momo: Jack Russell Terrier

Binilangan ng lima at walang nasagot si tl.

" it! Akin na ang shot" Inabot ang baso at tinungga ang laman. Last round na yun tapos breaktime daw muna kaya yung iba naman ay nagswimming na at yung iba nagvideoke. Naiwan sa table si Wendy, Irene, Mina at Rosè pero magkalayo ng pwesto yung dalawang naunang binanggit.

Tamang masid at kaen lang ng pulutan sila Mina at Rosè na binalitaan nadin tungkol sa napagusapan nung linggo. Magkachat kahit magkatapat lang dahil baka may makarinig.

Mina: Sis, nakita mo ba yung mga pasimpleng tingin ni boss kay Wendy?
Rosè: I did. Lovey dovey yung mata. Haha.
Mina: I know right. Tama nga ata hinala ng tropa.
Rosè: Kaya nga. Tara sa pool tayo magmasid. Para kunware may sarili silang mundo.
Mina: Anong kunware? Tignan mo nga sila ngayon o. Nagbubulungan pa.


Tumingin naman si Rosè agad at nakita ni Irene na ngumiti lang.

Mina: Gaga ka! Agad agad talagang tumingin?
Rosè: Sarreh naman. 

At tumayo na din ang dalawa at nagpunta sa pool kung nasaan ang kanilang mga jowa.

******************************
Sa pool area, ay naglalaro naman sina  Jeongyeon, Lisa, Momo at Jisoo ng chicken fight. Si Nayeon, Jennie, Rosè, Sana at Mina naman ay nagbababad lang sa tubig sa may gilid.  Habang sila Tzuyu, Dahyun at Joy ay nagvvideoke at si Chaeyoung at Seulgi ay nagbibilyar sa tabi.

Unang bumagsak si Jisoo ng ma.out of balance si Momo sa lakas ng pagkatulak ni Lisa kay Jisoo at muntik na mauntog, mga 1 inch na lang from the ledge at kitang kita ni Jennie kaya naman sumugod at hinila ang buhok ni Lisa at sabay lumubog kasama si Jeongyeon.

"Tangina ka Lisa! Muntik ng mauntog si Jisoo!"

Umawat naman agad sila Rosè at Nayeon dahil pilit na nilulubog ni Jennie si Lisa sa ilalim.

"Jennie tama na! Naglalaro lang naman sila" Pasigaw na sabi ni Rosè habang inilalayo ang jowa. Nilapitan naman agad ni Jisoo si Jennie at niyakap at binulungan ng something at natahimik na lang.

Umahon na lang muna ang JenSoo at bumalik sa table para kumuha ng chips at naki.join na lang sa mga kumakanta.


******************************

"I feel loved. I feel so speciarr" Pagtatapos na kanta ni Dahyun.

"Bulol ka ba? Anong speciar?" Sumbat agad ni Tzuyu na susunod na kakanta. Tawanan na naman sila.

"Gagsi ganun kaya yung pagkanta nun kasi nga hirap sa L ang mga koryano." Sagot naman ni Dahyun.

Nagsimula naman yung sunod kanta. Ni Yao De Ai by Penny Tai.

"Naks. Lakas maka.meteor garden ah. Isunod mo na din yung Season of Fireworks o kaya Can’t Lose you!" Kanchaw ni Joy.

Wo ming bai Wo yao de ai
Hui ba wo chong huai
Xiang yi ge xiao hai
Zhi dong zai ni huai li huai
Ni yao de ai
Bu zhi she yi lai
Yao xiang ge da nan hai
Feng chui you ri sai
Sheng huo zi you zi zai

Sumabay naman ang iba pagdating chorus. Natapos ang kanta at sumunod na tumunog ang intro ng If by Taeyeon. May bigla namang tumakbo papunta sa mic. Si Chaeyoung. At sinimulan ang kanta.

Sa may table ay naguusap pa din sina Irene at Wendy habang pinapanuod lang ang ibang mga kasama.

"I never thought na masaya pala talaga yung ganitong activities. I don't usually go out kasi" sabi ni Irene kay Wendy.

"Ako din actually. Mas trip kong nasa bahay. Magluto o magbake o kaya naman mag.gitara sa rooftop. Ganda ng ambiance dun eh"

"I'd like to see you play sometime."

Napangiti si Wendy. Kinilig ng slight.

"Do you wanna swim?" Tanong ni Wendy.

Umiling si Irene. "Wag ka maingay ha. Pero hindi ako marunong lumangoy"

Nagulat naman yung isa. "Nyek. Eh bakit ka pumayag na dito tayo mag.outing. Surfing Capital itong pinuntahan natin tapos hindi ka pala jojoin." wika ni Wendy na natatawa.

Hinampas na naman ng light ang katabi. "I can take pictures of you guys na lang or tamang taga.bantay ng gamit when we go down there tomorrow."

Lumapit sa tenga ni Irene si Wendy. "Or I can go down on you na lang"

Namula at kinilig naman si tl pero kunwari hindi pinahalata kaya tinulak na lang niya si Wendy at medyo napalakas dahil natumba sa upuan si Wendy na siya naman nakatawag ng pansin sa iba.

"Oy Wendy. Okay ka lang jan?" Sigaw ni Seulgi mula sa loob kung nasaan ang Billiard table. Nagkumaripas tumayo si Wendy at nagkamot ng ulo. "Oo gagi may bigla kasing lumipad na ipis papunta sa akin. Iniwasan ko lang"

Bumalik na ulit ang iba sa table ng wala ng maisipang kanta na maisalang. Umahon na din yung mga nasa pool.

"O bagong game. Dare or double dare tayo. Wala ng hiya hiya. Tayo tayo lang naman andito. G ba lahat?" Suggestion ni Jeongyeon.

Napaisip si Wendy. Hindi pa naman alam ng iba yung change of status niya at ng kanilang tl. "Teka lugi naman kami ni boss niyan. Tangina lahat kayo magjojowa. Eh paano kung green yung dare. Hindi na kayo nahiya kay boss o" Pero siyempre sa loob loob niya game na game naman siya.

Napaisip yung iba. Pero not Seulgi. "Eh kung game naman si boss why not di ba?" Ngumiti ng nakakagago at nagtaas baba yung kulay nung humarap sa tropa.

Tinignan ni Wendy si Irene at nagusap gamit ang mga mata.

"Minsan lang naman din tayong magka.outing. Kaya game na din ako. Kung ano man mangyare please lang wala ng lalabas. Ayokong mapagusapan ng ibang coaches"

Sabay sabay naman silang nagsabi. "Whatever happens in La Union, stays in La Union!"

Dahil hindi uubra ang pagpaikot ng bote eh naisipan nila na magpasa.pasa na lang ng bote ng soft drinks habang kumakanta ng Marvin Gaye. Kung sino huling may hawak ng bote ang siyang gagawa ng dare na iuutos ng unang may hawak.

Unang may hawak ng bote si Irene.

Let's Marvin Gaye and get it on
You got the healing that I want
Just like they say it in the song
Until the dawn, let's Marvin Gaye and get it on

Natapos kay Seulgi.

"Dare or Double Dare?" Tanong ng lahat.

"Ugh. . Dare lang" sagot niya.

Tumingin ang lahat kay tl at inantay ang dare. "I dare you na magcartwheel ng tatlong beses sa gilid ng pool"

Tumayo si Seulgi at nag stretch. Lumapit sa pool at nagcartwheel nga ng dalawang beses. 
Na.out of balance pagkatapos ng pangalawa pero nabawi naman at hindi nahulog sa pool. Palakpakan ang tropa.

Unang may hawak naman ng bote si Seulgi. Kumanta ang lahat at natapos kay Lisa.

"Dare or Double Dare?" Tanong ulit ng lahat.

"Double Dare!" Naghiyawan ang tropa. Matapang.

"I double dare you na i. si Boss!"

Pag dare lang, simple lang at tamang trip. Pang solo na dare lang talaga. Pero pag double dare may kailangan gawin sa ibang tao. Since bawal KJ at bawal magalit sa jowa. Nagpatugtog na ng music si Nayeon. Dance For You by Beyonce.

Hinarap ang upuan ni tl sa kanya at nagsimula ng gumiling. Hiyawan ang tropa. Bawal din magvideo kaya tutok na tutok lahat. Pinagpawisan si Irene at naka.ilang beses lumunok ng laway. Di naman maipinta yung mukha ni Wendy.

Natapos ang kanta at bumalik sa upuan si Lisa sabay kiss kay Rosè na pinakamalakas magcheer kanina. Namumula si boss at napansin agad ng iba.

"Tangina Lisa si boss namula!" sigaw ni Jeongyeon.

Tuloy ang laro. Pinagpasahan ang bote. Kay Wendy tumigil. Paiba.iba kasi ng tempo sa pagkanta.

"Laban ako sa double dare!" sagot ni Wendy at nagisip si Lisa habang naguusap sa isip ang tropa.

Tumayo at sinabing, "I double dare you na i.kiss si boss ng thirty seconds!" Sigawan ang lahat.

"Boss sabi mo game ka ah" sambit naman ni Momo. Medyo hesitant na tumango si Irene. Pinagharap ng upuan ang magkatabi at nagaabang lahat.

Unti unti ng lumapit si Wendy at nang magdikit ang mga labi ay nagcount down na ang tropa.

30

29

28

27

26...

Para bang may sarili ng mundo yung dalawang naghahalikan at pahina na ng pahina ang pagbibilang. Natapos ang trenta segundos at sakto din silang natapos sa 'double dare'. Natahimik ang lahat dahil magkatitig lang ang dalawang alay. Lumipas pa muna ulit ang isa pang minuto ng magbaling ng tingin si Wendy sa tropa at nag finger gun. "Oh game. Next player na"

May lag ng payb seconds ang lahat bago pinagpasahan ang bote. Natigil kay Jeongyeon na pumili naman ng Dare lang. Para safe kay Nayeon. Dinare siya ni Wendy na shumot ng limang klaseng alak sa isang baso. Siya na din ang nagsalin ng halohalong alak at tsaka ibinigay kay Jeongyeon. Na dahan dahan namang ininom ang serving ng alak na may lamang gin, vodka, tequila, soju at beer.

Hindi kinaya ni Jeongyeon kaya ang punishment ay para sa lahat na sshot.

Mag.a.alas tres na naman at tsaka na silang nagpack.up since mas maganda daw mag surf sa umaga. Kanya.kanyang linis ng pwesto. Habang abalang nagliligpit kasama ng iba ang kanilang tl. Inaya na Seulgi, Jisoo, Lisa, at Chaeyoung si Wendy para 'mag.yosi'.

Nang may hawak ng mga yosi ang kasama, binasag na ni Seulgi ang tanong na kanina pa nila gustong masagot.

"Umamin ka nga Wendy. Anong meron sa inyo ni boss?"

Lumipat ng tingin kay Wendy ang mga kasama.

"Wala." Balik ulit kay Seulgi.

"Pakyu anong wala. Parang hindi first time yung halikan niyo kanina. Wala man lang awkwardness na kahit konti"

Balik ulit kay Wendy. "Tanga ka. Bawal nga KJ dba?"

Nahilo si Jisoo sa ginagawa nilang pabalik.balik na tingin kaya naman nagtanong na din siya.

"Mawalan ka man ng trabaho, wala talagang something sa inyo ni boss?"

Bumuntong hininga si Wendy. Di pa nila napapagusapan ni Irene kung dapat na ba nilang ipagsabi. Pero nap.pressure siya sa mga kaibigan niya. Sasagot na dapat siya ng biglang may nagsalita.

"Pwede bang pa.bum ng isang stick?" tanong ni Irene sa mga ahente at sabay sabay naman silang nagoffer. Iba.iba nga lang yung klase.

Kumuha siya sa kaha ni Chaeyoung since siya yung pinaka.malapit. Nagsindi, humithit at nagbuga after ten seconds. Tahimik na naman ang tropa.

"Sino palang naka.toka for breakfast tomorrow ay later na pala?" Tanong niya.

Walang nakasagot dahil hindi naman nila pinagusapan talaga yun.

"Luto na lang ulit tayo mamaya Wan-dy." Kamuntik pa dumulas ampotek.

Tumango na lang ang sinabihan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
93 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1700 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
93 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡