Kakaibang Outing Yun

Pag May Alak, May Balak

"Pupunta ako sa buwan, at magdadala ako ng Jack Daniel, sino sasama?" tanong ni Ayaka sa mga kasama. Nakaka.tatlong bote na sila ng tequila.

"Luh. Baliw ata itong jowa mo Yuna. Bakit siya pupunta ng buwan di naman siya astronaut" sabi naman ni Lia sabay dighay.

Natatawa ang iba pero di rin nila alam bakit pupunta ng buwan si Ayaka.

Nagtaas ng kamay si Chaeryoung. "Magdadala ako ng baso?"

Tama nga naman dahil may dalang alak dapat may baso.

"Nope. Di ka makakasama" sabi nung nagtanong.

"Magdadala ako ng Coke. Magandang partner yun dun eh" sabi naman ni Seulgi at tumango naman ang iba.

"Di ka din pwedeng sumama"

Nagkamot ng ulo yung isa.

"Pwede ba ako magdala ng French Fries. Para may pulutan" sabi ni Rosè.

Ngumiti si Ayaka. "Yes kasama ka!"

Lalong naguluhan ang iba.

"Dadalhin ko ang Mapapangasawa ko!" sabi naman ni Wendy sabay kumindat sa katabi na kunwari di kinilig. Inantay ang sasabihin ng game master.

"Yes kasama ka na din!"

Nag.fist pump si Wendy. Pero di ko din sure kung gets na niya.

Yumakap si Yuna sa girlfriend, nagpacute. "Eh paano naman ako?"

"Ano muna dadalhin mo?"

"Wala akong dadalhin kasi isasama mo nga ako"

"Hindi. Hindi ka makakasama. Sorry" sabi ni Ayaka sabay peace sign.

"Sige I'll take a chance. Magdadala ako ng Alugbati!" natatawang sabi naman ni Jeongyeon.

Napangiti si Ayaka. "G sama ka na din"

"Puta ano ang alugbati?" mahinang tanong ng girlfriend binulong naman din ang sagot.

Nakakunot na ang mga noo ng ibang kasama. Di pa rin gets kung anong dapat dalhin para makasama sa buwan. Super level up na outing yun kung sakali.

"O sige, magdadala ako ng Mattress para may mahigaan" sabi ulit ni game master.

Nagisip ulit ang mga hindi pa makakasama. May ilang minuto ding natahimik habang pinapaikot ang tagay.

Nagtaas ng kamay si Ryujin. "Dadalhin ko si Jisu!" sabay ngiti sa katabi.

"Luh mehn. Di tayo talo!" react naman agad si Kim Jisoo na naka.pang april boy reginong porma ng kamay. (sa hindi na-gets search niyo na lang yung di ko kayang tanggapin)

"Hindi naman din po kayo yung tinutukoy ko. Si Choi Jisu po ay si Lia" tamang paliwanag naman ni Ryujin at lalong nagtawanan ang tropa.

"Makakasama na kayo" sabi naman ni Ayaka at nagapiran ang magjowa.

"Ano kanya-kanyang dala ng jowa? Eh di dadalhin ko din si Joy" bawi ni Seulgi.

"Yey makaksama na din kayo" sabi ni GM habang pumapalakpak.

Nanlaki ang mata ni Seulgi sa gulat at saya kaya naman napa.kiss ito sa jowa.

"Hindi na lang ako sasama. Okay na ako sa earth" sabi naman ni Momo tamang give up lang sa laro. Napahiga namang nakahawak sa mga tiyan si Wendy, Rosè at Ryujin na tanging nakakuha na ng laro.

"Magdadala ako ng cellphone?" tanong naman ni Tzuyu.

"Nope. Di ka po makakasama"

Nagtinginan sina Mina, Chaeyoung, Jennie at Jisoo. Nanlilit na ang mga mata sa kakaisip kung anong connect ng laro sa mga binabalak na dadalhin.

Nagpaikot na muna ulit ng tagay si Lisa at Yeji na natokhang mga tanggero.

"Dadalhin ko ang Apartment namin ni Rosè tapos dun na kami titira" pabiro namang sabi ni Lisa.

Kumiss si Rosè at sinabing makakasama na din siya.

"Tangina umalis na nga kayo. Dun na kayo sa buwan. Iwan niyo na lang kami dito" pagtatampong sabi ni Yeri.

Nagtaas ng kamay si Saeron. "Dadalhin ko din ang Significant other ko na si Yeri" sabay hawak sa kamay at nakangiti. Nagets na din.

"Ayos! Makakasama na kayo" sabi ni Wendy at napalitan agad ang pagkakasimangot ni Yeri.

Nagisip ulit ang mga natitira na sina Jennie, Jisoo, Yeji, Chaeryoung, Mina, Chaeyoung, Sana at Tzuyu. Ayaw na talaga sumama ng DahMo.

"Magdadala ako ng Odeng!" sabi ni Mina.

"Yes makakasama ka na din"

"Maguwi kayo ng pasalubong ha" sabi na lang ni Chaeyoung. Give up na din magisip.

"Dadalhin ko yung Not Shy album ng Itzy" sabi ni Chaeryoung.

"Nice one. Sama ka na din" sabi ni Ryujin.

"Malapit na umalis guys. May sasama pa ba?" tanong ni GM.

Isip ulit sila. Nagtaas ng kamay si Jennie. "Magdadala ako ng Deck of cards para may iba na tayong laruin pagdating dun" medyo may hint ng sarcasm. Pero nakangiti lang sina Ayaka, Wendy, Rosè at Ryujin.

"Alright! Larga na tayo!" sabi ni Ayaka sabay taas ng tagay na ginaya naman.

Iba-iba ang reaksyon ng tropa. Yung nakasamang nakagets ay tuwang tuwa at yung mga nasabit na naisama ay pilit ang ngiti. Habang ang mga naiwan ay naguguluhan pa din.

"Kasama nga ako pero pucha di ko gets kung paano" takang tanong ni Lisa.

"Isang game pa?" aya naman ni Wendy.

"Deh wag na. Sabihin niyo na lang anong konek" sabi ni Sana.

"Okay. Jack Daniel, French Fries, Mapapangasawa, Alugbati, Mattress, Jisu, Joy, Apartment, Significant Other, Odeng, Not Shy Album, Deck of cards. Anong mapapansin niyo?" tanong ni Rosè.

"Wala. Walang common denominator" sagot ni Tzuyu.

"O sige pansinin niyo na lang ang mga first letters ng nabanggit" sabi naman ni Ryujin.

Nagisip naman ang tropa pero dahil nasa pang-apat na bote na sila eh nagbubuffer na lahat.

Nagbagsak ng kamay si Chaeyoung na kinagulat nila. "Ay pota. Buwan as is in Months!"

Sabay sabay namang nag. 'aaaah' ang iba.

********************
Maguumaga na ng matapos sila sa limang bote, pinatulog na sa mga kama nila ang iba, habang standing strong padin sina Wendy, Seulgi, Lisa, Rosè, Jisoo, Chaeyoung, Jeongyeon, Ryujin at Yeji. May hawak na tig isang beer, tamang panghulas lang. Inabot ni Wendy ang gitara at nagtutugtog ng random chords. Tamang head bop naman ang iba dahil sa impromptu bgm. Baka kasi may magreklamong kapitbahay kung magspeakers sila.

May narinig na pattern ng chords si Rosè kaya biglang kumanta.

This time no one's gonna say goodbye
I keep you in this heart of mine
This time I know it's never over
No matter who or what I am
I'll carry where we all began
This time that we had, I will hold forever

Hindi ineexpect ni Wendy na may kakanta kaya naisipang sumunod.

'Cause every night I lie in bed
The brightest colors fill my head
A million dreams are keeping me awake
I think of what the world could be
A vision of the one I see
A million dreams is all it's gonna take
A million dreams for the world we're gonna make

Nagets ng iba ang ginagawa kaya naman sumunod na din si Seulgi.

And no one, no one, no one
Can get in the way of what I'm feeling
No one, no one, no one
Can get in the way of what I feel for you, you, you
Can get in the way of what I feel for you

Sumunod na pumasok sa tono si Chaeyoung.

So I won't hesitate no more, no more
It cannot wait I'm sure
There's no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I'm yours

Nagtinginan si Ryujin at Yeji, mukhang pareho pa ng naisip na kanta.

I don't mind spendin' everyday
Out on your corner in the pourin' rain
Look for the girl with the broken smile
Ask her if she wants to stay awhile
And she will be loved, and she will be loved

Natapos ang limang kanta at nagkatinginan lahat.

"Mehn. Ayos iyon ah. Sayang walang navideohan" biglang sabi ni Jisoo.

"Sinong nagsabing wala?" nakangiting sabi ni Lisa na hawak ang phone.

"Iyon oh!" sabi ng iba at pinanuod ang video ng mash up nila.

Maliwanag na ng matapos talaga silang uminom at nagayos na ng nga pinaggamitan bago pumasok na din sa mga kwarto nila.

********************
"Wannie. Gising na" mahinang sabi ni Irene habang tinatapik ang balikat ni Wendy na nakadapang natutulog.

Nagangat ng ulo pero nakapikit pa din. Five seconds tapos bumagsak ulit ang ulo sa unan.

"It's already lunch time. We need to eat before we leave. Sa car ka na lang magtuloy ng tulog. I love you" sabi ni Irene sabay ayos ng pwesto kay Wendy para maibangon ito. Nakapout pa ito kaya di napigilang mapangiti ni Irene. Ang cute kasi eh, para talagang hamster.

Sa kabilang kama naman ay kagigising lang din nila Rosè at Lisa. Parehong parang hindi uminom at masigla na agad.

Double deck ang mga kama pero walang ni isang gumamit ng top bunks.

Sa may kusina naman ay kanya-kanyang kuha ulit ng pagkaen at naghanap ng pwesto para makaken. Halata mo kung sino ang mga kulang sa antok dahil medyo half closed pa ang mga mata.

Pagkatapos kumaen ay nagayos na ng mga gamit at dahil iisa lang ang banyo, may ibang naligo sa likuran ng bahay. May malaking drum naman ng tubig at malakas din ang pressure, hiraman nga lang sa tabo.

Alas dos ay nagsimula na silang bumiyahe pauwi. Change drivers muna si Wendy at Irene, Jisoo at Lisa, Jeongyeon at Tzuyu, Ryujin at Ayaka and Yeji at Mina dahil may mga hangover pa, partida talaga kay Lisa dahil parang walang nangyareng basagan.

********************
Dumating na nga ang end of the month at lilipat na sa bagong bahay sina Wendy at Irene. Napuntahan na nila once ang bahay at hindi pa din sila makapaniwalang sa kanila iyon. Wala na naman masyadong kailangan ilipat dahil fully furnished so ang iba ay sumama lang talaga para makita na din at mabinyagan nga ng inuman.

Nakapilang papasok sa gate ng Forbes ang mga kotse at kinausap ni Wendy yung guard at sinabing yung mga kasunod niya ay kasama nila. Nang maayos na sa records ay nag-convoy ulit papunta sa mismong bahay.

Nakatigil na ang lahat sa harap ng isang black gate. Bumaba na si Wendy para buksan ang gate at si Irene naman ang nagpasok ng sasakyan. Malawak ang garahe at kasya ang apat na kotse kasama na yung kanila. Nagsibabaan na ang iba pagkapark at pinagmasadan ang paligid. May grassy area sa kanang bahagi, at may pathway naman mula sa side gate papunta sa main door. Binuksan ulit ni Wendy ang pinto pero bago sila pumasok ni Irene ay bigla niya itong binuhat - bridal style at muntik na namang mabingi si Wendy sa biglang tili nito.

"What are you doing?" tanong ni Irene.

"Official lipat natin sa bagong bahay" sagot naman ni Wendy ng nakangiti. May mga nag-'awwww' naman sa likod.

Pagpasok ng bahay ay may malaking mirror sa left side at bumungad sa kanila ang malawak na espasyo ng living room. May sliding door sa right side pero mamaya na nila pupuntahan iyon. Korteng U ang couch at may table din sa gitna habang may nakasabit na malaking tv sa pader. sa left side naman ng first floor ay ang malaking kusina din, saktong sa kanilang dalawa na mahilig magluto at lalo si Wendy na mahilig magbake. Sumunod silang tumungo sa sliding door na may nakatakip pang blinds. Pagbukas nito ay ang side porch at pool. May grilling area at mini bar sa gilid. Bago pa sila maexcite sa pool ay pumasok ulit sila at itinuro ang bathroom at first guest room.

Hindi napansin ang stairs dahil medyo tago ito pero pagakyat ay bubungad ang malaking landing at overlooking sa sala at kusina. May dalawang kwarto sa left side na may sarili ding cr at sa right side pagakyat ay ang master's bedroom.

Matapos ang house tour ay naghiwalay ang grupo. Lumabas ang yosi buddies para na din masimulan ang pagbinyag sa grill para sa pulutan sa chillnuman mamayang gabi.

"Pwede bang makitulog dito minsan? Ang lambot ng mga kama niyo eh" sabi ni Jeongyeon pagkasindi ng yosi.

"Wala namang problema. Basta lang magsabi kayo para naman maitawag ko sa guard sa labas para papasukin kayo kaagad" sagot naman ni Wendy.

"Ayos!"

"Pero saan at kelan niyo ba balak magpakasal?" tanong naman ni Lisa.

Tumingin naman lahat kay Wendy at nagaantay ng sagot. "Ah eh...somewhere in Europe siguro. Plano ko na kasing gamitin yung napalanunan kong trip nung Christmas party. Tapos late celebration na lang kasama kayo paguwi namin. As to when, hindi pa namin napapagusapan"

"Ay oo nga pala noh? May all expense paid trip ka nga pala" sabi naman ni Jisoo.

"Alam na ba ni tl yung plano mong iyon?" tanong naman ulit ni Jeongyeon.

"Hindi pa pero last na sabi niya sa akin is she's okay with anything"

"In fairness talaga dito kay Wendy noh? Napaka-swerte kay tl. Dati lang eh grabe kiligin pag napapansin ka niya tapos hyper palagi pag sa coaching sessions. Ngayon, araw araw ka na pinapansin at may 'special sessions' pa" sabi naman ni Seulgi with matching taas baba ng kilay.

"Ay pucha naalala niyo nung unang outing natin, ung dare ko sa kanila?" sabi ni Lisa.

"Oo yung g na g sa dare yun pala may tinatagong sikreto. Kung di pa nalunod itong si Wendy di nila mabubunyag" sabi ni Jisoo.

"Ang dami nadin nangyare simula nung naging sila. How about nung kalat ni Lia?" sabi naman ni Jeongyeon.

"Nako isa pa iyon. Grabe yung kaba ko lalo yung papunta kami ng ospital. Yung tipong inaalala ko si Wendy tapos kung paano kinontrol ni tl yung emotions niya. Kasi tangina kung nangibabaw talaga yung panic mode baka naaksidente kaming apat nun" sabi naman ni Seulgi.

"To be honest, I didn't mind na ang bilis at ang daming ganap during our first few months. Kasi alam kong sigurado na ako sa kanya. Alam niyo naman din kung gaano kagrabe yung crush ko sa kanya. It's funny how one elevator ride changes things. Laking pasalamat ko sa elevator na iyon eh" sabi naman ni Wendy.

"Match naman din kayo talaga ni tl eh" sabi ni Chaeyoung.

Sa loob naman ng bahay ay nakaupo sa sofa si Irene at iba niyang ahente. Nalagyan na nila ng laman ang ref at pantry kaya may kanya kanyang baso ng juice.

"Tl, let's have a sleepover minsan" suggestion ni Nayeon. Naexcite naman yung iba kaya natawa na lang si Irene.

"Sure why not. Just give Wannie and I a heads up so we can inform the guards" sagot naman ni Irene.

"Yey!" sagot ng iba.

"Pero boss, curious lang though. When and where do you plan to do the wedding?" tanong ni Rosè.

"We haven't really sat down and talked about the details but whatever she comes up with, I'm good with it"

"Dapat may input ka din boss" sabi ni Sana.

"Oo nga po. Kasal niyong dalawa iyon eh" sabi naman ni Momo.

"I know. But for me at this point, I just want to be married to her" sagot ni Irene.

Kinilig naman ang iba.

"Grabe noh. Ang epic nung love story ni boss at ni Wendy." sabi ni Jennie.

Napaisip naman yung iba sa ibig niyang sabihin.

"Kasi di ba, from a simple office crush to girlfriends to fiances" dugtong naman nito.

"That elevator ride really played a big part eh" sabi naman ni Joy.

Biglang nagflashback kay Irene yung nangyare nung time na iyon. How Wendy did things for her not to panic, how she took care of her and made sure she was alright. That incident did trigger something inside of her. Isama mo na din yung naging inuman afterwards.

"Boss okay ka lang?" tanong ni Mina. Bigla kasing nagspace out si Irene.

"Ah yeah I'm good"

"Tapos naalala niyo nung unang outing natin? Eto boss, aminin ko na ha. We started talking within the group dun sa mga things na napansin namin sa galawan niyong dalawa. Kung di pa may ganap kay Wendy nun, di namin macoconfirm" sabi ni Rosè.

"Eh sino din bang makakalimot nung naginom tayo minsan sa rooftop tapos may nag-amok na mga lalaki" sabi ni Tzuyu.

"Luh oo nga pala noh. Grabe din yun" sabi ni Nayeon.

"Aminin ko boss ah. Triple2 yung kaba ko nung papunta tayong ospital. Kasi grabe yung pigil mo nun eh. Pero understandable naman yun" sabi ni Joy.

"I honestly don't remember how I was still able to drive us to the hospital at that time" sagot ni Irene.

"Luh. Pwede ba iyon?"

"Oo Joy, may ganun. Like pag nahaharap ka na sa isang life and death situation, yung adrenaline rush yung nagpapagalaw sa katawan mo" sagot naman ni Mina.

Nacurious si Irene sa sinabi ni Mina. "Parang may back story iyon ah. Kwento dali" sabi nito at napukaw din ang atensyon ng iba.

"Hindi ako ang hot seat today boss" sagot ni Mina.

"Korni naman neto. Nagspark na yung interest namin eh" sabi ni Momo.

"That's a story for another time" nakangiting sabi naman ni Mina.

********************
"Ohh guys wanna see something cool?" sabi ni Wendy pagkatayo niya sa pwesto at may nilapitan na switch. Biglang umilaw yung pool at nagiba iba ng kulay.

"Luh. Tangina pool party na ito!" sabi naman ni Jeongyeon.

"We will have that next time. Sa official na house warming party" sabi naman ni Irene.

"Kelan ito boss?"

"In two weeks, uuwi kasi ulit parents ko eh. So isasakto na namin dun" sagot ni Wendy.

"Pwede ba magingay ng malala dito? Parang nakakahiya sa mga neighbors" tanong naman ni Jennie.

"For now, I think. Bakante pa kasi yung kabilang lots eh"

Naghiyawan naman ang tropa. Dahil chillnuman nga eh natapos din sila bandang alas dose. Tamang buzz lang kaya walang problema magdrive pauwi. Nagligpit din naman sila kaya di na iisipin nila Wendy at Irene ang hugasan.

********************
Parehong nasa kama na silang dalawa, katatapos lang din magwash. At naalala ni Wendy ang topic na kailangan nilang pagusapan.

"Nie?"

"Hmm?"

"So remember the Euro trip I won last Christmas?"

"Yes. What about it?"

"I was thinking maybe, we could do it while we're there?"

"Okay. When?"

"Luh. Seryoso ka talaga na g ka lang sa lahat?"

"I told you this before Wannie. I don't really care about the details. I just can't wait to be married to you"

Namula naman sa kilig yung isa.

"Okay. So on our anniversary then?"

"Sure"

"I was also thinking of having my parents there and Yeri and Saeron as well"

"I have no problem with that Wannie"

"Pero paano natin ipapaalam iyon sa office? Like isang linggo din yun"

Napaisip si Irene. "! Oo nga pala" sabi niya sabay face palm.

"Revelation time sa office?"

"I guess so? Hindi ko din naisip yun ah"

"Pwede naman siguro natin kausapin yung HR about it?"

"Sige ako na bahala kumausap. I'll inform Yeri and Saeron as well so they could prepare"

Tumango na lang si Wendy tapos humiga pero bumangon ulit kaya medyo nagulat si Irene.

"Anong trip mo ngayon?" natatawang tanong ni Irene.

Tumingin sa kanya si Wendy at nakasmirk.

"Oh my god! Are you thinking what I think you're thinking?"

"And what would that be nie?"

Wala ng sinabi ulit si Wendy at sumunggab na agad ng halik.

At nabinyagan na nga talaga ang bagong bahay nila.

 

 

A/N:
Lyrics used:

This Time - Glee
A Million Dreams - The Greatest Showman
No One - Alicia Keys
I'm Yours - Jason Mraz
She Will Be Loved - Maroon 5

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
winrina__09 #1
❤️❤️❤️
avocado_toast #2
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#4
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
71 streak #5
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1664 streak #6
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#7
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
71 streak #8
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#9
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡
Ot5langlakasam
#10
Chapter 60: Jensoo naurrrrr