The Curse

Pag May Alak, May Balak

"It's that time again for promotions leaders. I want you to send me the names of your agents who you think are ready to step up. I want complete reports by the end of this week, okay?" Pag anunsyo ni OM Tiffany. Nagtanguhan ang mga kausap at isa isa ng lumabas ng conference room. Pinaiwan si TL Irene at siya ang directly under her management.

"I know your tenure folks have proven themselves sa account bilang sila ang pinakamatagal. Bias aside knowing asawa mo yung isa dun, who do you think is ready to be promoted?" Tanong nito.

Napaisip si Irene. Matagal na dapat may napromote sa mga agents niya at ilang beses na din na nag-step up ang ilan dito taking on certain tasks kapag wala siya. Kung tutuusin, lahat sila pwede naman ng ma-promote pero sa tingin niya, ilan lang din talaga ang ready na talaga to do that.

"Not being bias but Wendy's ready to be promoted mudash, as well as Seulgi. Although tenured sina Nayeon, Jeongyeon at Jisoo, I don't see them handling their own agents or accounts yet. I mean, they prefer to be where they are at the moment. Not really surprising though, I have two more candidates in mind. Well, isa na lang pala since the other one is on leave"

"Lemme guess, Mina and Rosé?"

Tumango si Irene. Tumingin naman sa laptop na nasa harap niya si Boss Tiffany. Binuksan ang progress report ng team ni Irene at inopen sa three separate tabs ang bawat agent na nabanggit. Tamang scroll per tab bago humarap ulit kay Irene.

"Okay. Please pull out those three. I want to talk to them"

Tumango ulit si Irene at lumabas na sila pareho ng conference room. Si OM Tiffany ay bumalik sa kanyang office habang si TL Irene naman ay minessage separately sina Wendy, Seulgi at Mina. Saktong katatapos lang ng mga calls nila at nagtayuan na sa mga stations ang tatlo. Busy pa ang iba kaya hindi na nila natanong kung bakit pero nang makita nilang pumasok ang tropa sa office ni madam ay may halong excitement at kaba ang iba.

Lisa: ano kaya meron?
Jeongyeon: dko din alam. baka may project na iaassign sa kanila.
Joy: pustahan para sa promotion yan
Sana: ay iba din.
Jennie: may point si ligaya

Pagpasok ng office ay tahimik na umupo ang tatlo sa harap ng operations manager nila. Nakaharap ulit sa laptop ang kanilang OM kaya nagantay na lang tatlo.

"So, Wendy, Seulgi, Mina, your team leader sent you here because among your team, you three showed great potential in stepping up in your career path. But I want to hear from you directly how you see yourselves in this company in the years to come?"

Nagtinginan ang tatlo, naguusap kung sino mauunang magsalita. Dahil hindi kita ni OM Tiffany ang kanilang mga kamay eh nagpasimpleng bato bato pick sila. Talo si Seulgi.
*****************************

Pasimpleng pinagmamasdan naman ito ng mga teammates nila.

"Bakit nagbato bato pick yung nga yun?" Takang tanong ni Momo.

*****************************
"Uhm. Mudash, I've been here in the company for two years now. Being an agent is good cause I get to help other people. But of course I want to grow with the company as well so hopefully soon I can get to have my own team. Honestly, I get excited when TL let's me cover for the team when she's out. It boosts my confidence knowing I have a bigger task to handle"

Napangiti sa sagot ni Seulgi si OM Tiffany. Sunod naman niyang tinignan si Mina.

"When the career path was discussed to us when we started, I already knew what I wanted to be in this company. I don't really see myself handling my own team hence the reason why I always decline TL Irene's offer to take over when she's out. I saw the QA post being open and that's what I would like to be. I prefer being in the background"

Straightforward ang sagot ni Mina at tinanguan lang din siya ni OM. Huling sasagot si Wendy at by this time, nakatingin nadin pati ang mga teammates nila sa labas kahit hindi naman rinig ang mga sasabihin.

******************************

"Mukhang seryoso yung usapan sa loob" sabi ni Jeongyeon sa katabi niyang si Jisoo.

"Onga eh. Tingin mo tungkol sa promotion yan?" Sabi naman ni Jisoo.

******************************
"I enjoy what I'm doing right now mudash. But if the opportunity to be promoted is there, why not take the chance. With our career path, I'd like to see myself as either a trainer, a qa or a team leader. Either one has its own challenges and I know I can do it. But if asked which position weighs more than the others, it would have to be a trainer. Just like in production, we, the agents are the front liners, it's the same thing as when you start in the company. The trainers are like the first level of learning for a newbie. And I'd like to think I can make a great impression to them, making sure they are ready to face the next level"

******************************
Nang palabasin silang tatlo ay saktong lunchtime na nila kaya naman ay sabay sabay na silang lumabas ng production floor at nagantay ng elevator.

"Uy erp, anong meron kanina?" Tanong ni Jeongyeon kay Seulgi. Nagpaiwan pa si Wendy at may tinatapos pa si Irene.

"Ah something about career path" sagot naman ni Seulgi.

"Ayos. Soon to be TL Seulgi na ba?" Dagdag naman ni Jisoo.

"Nako. Hindi ko din sure. Maraming kalaban for sure"

"Ilang beses ka na din naman nag.acting supervisor sa atin. Malakas laban mo jan erp" sagot naman ni Lisa.

Dumating ang elevator at sumakay na silang lahat. Pagdating sa baba ay dumiretso na sila sa napiling kakainan. Sumunod na din sina Wendy at Irene at saktong kakaorder lang nila.

*****************************
One week later, nagmeeting ulit ang mga leaders at finalization na nga ng mga agents na mapropromote. Lahat ng positions ay available pero two or three lang ang mapipili base sa kanilang running performance. Once ma-anunsyo ay magstart na agad in two weeks ang magiging training para sa new roles ng mga mapropromote.

"I've already reviewed all the names you have submitted and although they really are great agents, unfortunately, we can only promote a certain number of people this time" bungad ni OM Tiffany. Binuksan ang projector at inantay magload ang ipapakitang names. Dahil glass ang walls ng aquarium at hindi pwedeng makita ng agents ang iprpresent ay nakasara din ang blinds ng conference room.

"After much consideration along with the other OM's and our bosses, for our SME's, we have selected these people" pinakita ang file at sa bawat team ay may designated ng subject matter experts dahil na din magkakaroon ng new wave of agents. Kabilang sa listahan si Jeongyeon para sa team ni Irene. A separate meeting was made to inform the leaders about it.

"As discussed, a lot of changes will happen soon. One of them would be for the accounts who have fifteen and up agents, they will be divided into two eventually when the new team leads come in after their training. Each would have a designated sme and qa. So for the qa's, these will be the people moving up to that position"

At kabilang nga sa listahan ng mapropromote as quality assurance si Mina bilang yun din naman talaga ang napili niyang path.

"We only have two trainer posts available and those will be given to Sejeong of Team Sunmi and Wendy of Team Irene"

Nagtinginan ang ilang team leaders kay Irene nang mabanggit ang pangalan ni Wendy. They all assumed that she would like to have Wendy as a team leader pero dahil napagusapan na nila ito at wala namang problema sa kanilang dalawa eh siya pa ang nagulat nang tignan siya ng mga ito.


Lumapit si TL CL kay Irene at bumulong.

"Sure kang okay lang sayo maging trainer si Wendy?"

"Why not?"

"Girl di mo alam yung curse ng training team?"

"Huh?"

Lumapit nadin si TL Dara at sumali sa usapan.

"Lahat ng trainer na kilala at naabutan ko dito, nagkaroon ng third party"

Nanliit ang mata at kumunot ang noo ni Irene sa impormasyong nakuha pero bago pa siya makareact ay nagsalita na ulit si OM Tiffany.

"And lastly for our new team leaders, these are the people who really went beyond their expectations as an agent. These are mostly tenured folks so it is expected of them as well"

The names were presented and Seulgi was one of them. A sigh of relief came from Irene knowing four of her best agents are now moving up the ladder. As for Wendy's movement, she shouldn't be bothered because she trusts her wife. And the topic of trust was just recently tested by two of her agents and she did not want a repeat of that ever.

"These people will be recognized next Thursday. With approval from our clients, the calls will be diverted to different locations as this could take half the shift with the number of people lined up. So prepare your intros leaders"

Nang matapos ang meeting, nagsilabasan na ng aquarium ang mga leaders at tuloy lang sa kanilang mga tasks.

****************************
Weekend came and instead na ang team BVTI ang nakagather sa bahay nila Wendy at Irene, puro mga team leaders naman. Kaya maagang nagising si Wendy para tulungan si Ate Marie na magluto ng mga potaheng ihahanda. Si Irene, Yeri at Saeron na bumisita naman ang nagaayos ng mga gagamitin para sa kanilang get together.

"Ate Irene, ilan po ba yung dadating?" Tanong ni Saeron na nakatoka sa mga upuan sa labas.

"Ten lang naman. Pero sobrahan mo na baka sumunod ang mga boss eh"

Nag-okay sign si Saeron. Si Yeri naman ang katulong ni Irene na ilabas ang mga plates at utensils.

Saktong 1130 am, kakapatay lang ng stove para sa huling potahe nang may magdoorbell. Tinignan muna ni Yeri na siyang malapit sa monitor kung sino ang dumating at pinindot na ang button para bumukas ang gate. Si Wendy naman ang sumalubong para papasukin sila habang nagbibihis si Irene.

"Hello po. Pasok po kayo" bati niya sa mga dumating na sina TL Dara, TL CL, TL Sunmi, TL JB, TL Peniel, at TL Seunghyun.

Inurong na muna ni Wendy ang kanilang dalawang kotse at ang motor niya para kasya ang mga nagsabing magdadala ng sasakyan.

Pumasok na sa loob ang mga girls at naiwan sa garahe ang mga boys.

"Nice crib Son" sabi ni TL Seunghyun habang naglalagay ng juice sa kanyang vape.

Nagikot ng tingin si TL JB at nakita ang room sa isang corner.

"Ano meron dun?"

Sinundan ng tingin ni Wendy. "Ah music studio po"

"Ayos. Pagdating ni Sungjin jam tayo"

"Ah sige po. Wala pong problema. Pwede din naman po ilabas yung pangacoustic set para makasama yung iba pong leaders"

Inakbayan ni TL Peniel si Wendy. "Wala tayo sa office. Di mo kami boss. First name na lang"

"Ugh. Sige po, try ko. Di po kasi ako sanay"

"Masasanay ka din. Makikita mo mamaya, walang hiya na yang mga leaders na yan lalo at may alak" dagdag naman ni TL Seunghyun.

Pagkatapos magyosi, pumasok na sila sa loob at saktong kakababa lang din ni Irene.

******************************
Nakumpleto din ang mga leaders at dumating na din sina QA Hyuna, OM Tiffany at OM Taeyeon. Buti na lang din at pang maramihang serving na talaga ang mga pagkaeng niluto dahil nakailang balik din ang ibang leaders lalo na ang mga boys. Hindi masyadong nakihalubilo si Wendy at piniling manatili na lang sa basement kung saan may bagong room silang pinagawa, kung saan nakatambay din ngayon sina Yeri at Saeron at kung bakit din napapadalas ang pagbisita nila.

"Bakit ako pinapatay mo eh andun yung kalaban?" Inis na tanong ni Saeron pagkatapos mamatay ang kanyang character.

"Bakit kasi paharang harang ka jan?" Sagot naman ni Yeri. Hindi naman mapigilan ni Wendy na matawa pagpasok niya sa game room na may hawak na mga beer.

"O uminom muna kayo. Nagkakainitan na masyado ah. Rinig ko boses niyo mula sa hallway"

Binaba na ni Saeron ang baril na hawak niya at umupo na lang sa tabi ni Wendy at nagbukas ng beer. Si Yeri naman ay tuloy lang sa paglaro. Nang maubos ang iniinom na alak ay lumapit naman sa basketball machine si Wendy at nagshoshoot. Nagsawa sa nilalaro si Yeri at kumuha na din ng beer at si Saeron naman ang tumayo para maglaro ng bowling. Two lanes lang ang meron pero standard bowling size. Napagod na din kakabasketball si Wendy at kumuha ulit ng beer at iba't ibang game lang ang nilaro nilang tatlo.

******************************
Sa may pool area naman ay tuloy tuloy ang pagpapaikot ng shot. Si TL Dara ang tanggero at subok ng walang halong pandadaya ang nilalagay na alak sa shotglass. Kahit pinakamatanda, hindi naman halata. Humabol na din si TL Suho at ang jowa niyang si QA Sehun.

"Asan na si Wendy? Sabi ni JB magjajam daw kami ah" sabi ni Sungjin.

Nagcheck naman ng phone si Irene kung may message si Wendy kung nasaan siya at meron nga.

Game room with SaeRi.

"Cge tatawagin ko" tumayo na si Irene at nagtungo na papuntang basement kung saan nadatnan niyang nasa gitna ng intense air hockey game ang kanyang kapatid at asawa. Tamang scorer si Saeron na tanging nakapansin sa pagdating ni Irene.

"I have all night Bae Yerim. You can't defeat me"

Napasmirk si Yeri. "Unnie's not gonna let you play all night Wendy Son. She'd rather聽play聽with you"

Pigil na pigil sa pagtawa si Wendy at nanliliit na ang mga mata sa kakatitig. Hindi siya pwedeng magpatalo.

"Yeah we actually played on this already"

Nanlaki ang mata ni Yeri, slight na nagloosen ang paggrip niya sa paddle at yun ang ginamit na way ni Wendy para tirahin ang puck at maishoot sa kabilang side. At tsaka lang nagtatatawa si Wendy. Kamuntik pang mauntog ng bigla siyang yumuko na hawak ang tiyan.

"Tangina! Seryoso ba yun?" Sabi ni Yeri na naghanap agad ng alcohol sa bag pagkatapos bitawan ang paddle.

Lumapit na namumula si Irene at humalik kay Wendy. "Nope. But you gave us an idea"

"Sorry Yeri. Homecourt advantage. Wala tayong magagawa jan" sabi naman ni Saeron habang tinatapiktapik ang balikat nito.

Nang makarecover na si Wendy yumakap na lang ito kay Irene.

"Hinahanap ka pala sa taas nie. You promised a jamming session?"

Si Wendy naman ang nanlaki ang mata. "Ay ! Oo nga pala"

"Sumama na din kayong dalawa" dugtong naman no Irene.

At umakyat na nga silang apat at sumali na sa bigger inuman session. Pinakilala muna ni Irene ang kapatid niya at ang girlfriend nito habang kinukuha naman nila Wendy, TL Sungjin, TL Peniel at TL Sunmi ang mga instruments na gagamitin. Nagpaikot na ulit ng alak si TL Dara habang nagsesetup pa ang mga kakanta.

"So what do you do for a living Yeri?" Tanong ni OM Tiffany.

Medyo natulala pa ang tinanong. Mesmerized by another beautiful person.

"Ugh. Saeron and I work in recruitment po"

"US clients din?" Tanong naman ni OM Taeyeon.

"Yes po"

"Okay naman yung company niyo?" Tanong naman ni TL Dara habang inaabot ang shot nila.

"Opo. Maayos naman magpasahod and weekends off kaya nakakasama minsan kina ate"

"That's nice"

Nagfeedback ang gitarang kinokonek ni TL Sungjin sa amp kaya nalingat ang mga umiinom at itinuon na ang pansin sa mga tutugtog.

"Sa may mga requests po jan, pakisulat na lang sa tissue at pakiabot sa mga waiter na umiikot" intro ni TL Sungjin at nagtawanan naman ang mga kasama.

"Gago! Hindi ito gig!" Sigaw naman ni TL CL.

Maya maya lang ay may inabot ngang tissue si Saeron kay Wendy na inabot naman kay TL Sungjin.

"Aba talagang tinotoo ah. O sige pagbigyan natin ang nagrequest na ito" Binasa ang nakasulat. "For our first song tonight, we will be playing Make It With You as requested by one of our lovely audience" kinausap muna ang mga kasamang tutugtog at nagkasundo na kung anong key ang gagamitin. Nang magkaintindihan ay nagsimula na silang tumugtog.

Tuloy lang sa pagpapaikot ng shot si TL Dara at sa isang gilid ay makikita mo ang linya linyang bote ng alak na napatumba nila. Pero kahit na madami dami na ito wala pa ding nagpapakita ng kalasingan sa kanila. Mga tunay atang lasinggero. Sunod sunod na ang mga requests na sa tissue pa din nila isinusulat. Nakakailang balik na din si Yeri at Saeron sa bandang tumutugtog.

"This is going to be our last song. I hope everyone had fun. I'll let the owner of the house end our set tonight" last words ni TL Sungjin bago niya itinuro si Wendy. Wala naman talaga sa usapan na kakanta din talaga siya pero may naisip na siyang agad na kanta. Umupo siya ng maayos sa keyboard at inilapag muli ang mga daliri sa tiklado.

One step closer
Closer to the light
No matter where we're going
I'll be by your side
And everything we used to know
Crashed into the great unknown
One step closer
We're gonna be alright

'Cause even underneath the waves
I'll be holding on to you
And even if you slip away
I'll be there to fall into the dark
To chase your heart
No distance could ever tear us apart
There's nothing that I wouldn't do
I'll find my way back to you

Walang nakikitang iba si Wendy habang siya ay kumakanta. Ang mga mata niya ay sa iisang tao lang nakatingin.

******************************
Madaling araw na ng pagdesisyunan nila na tama na ang alak at tugtugan kaya naman nagsimula na din silang magligpit. Tamang tambay na lang ang iba sa paligid ng pool area pagkatapos malinis ang mga ginamit nila. Responsible adults naman pala talaga.

Ang mga smokers at vapers ay nasa may billiards area at napagtripan maglaro kahit hirap ng dumilat ang mga mata.

"Oh stripes at solids tayo. Dalawang round. 500 ang taya" aya ni TL Seunghyun. Nakashades pa din kahit madilim na sa paligid.

"Gawin mo ng isang libo pards!" Matapang na sinabi ni TL Peniel sabay labas ng wallet at kumuha nga ng isang libo. Naglabasan din ng mga wallet ang ibang mga kasama na sina TL JB, TL Sungjin, at TL Suho at nilapag ang mga taya.

Dahil nasa bahay naman si Wendy, hindi nito dala ang kanyang wallet kaya naman nagexcuse muna siya para kumuha ng taya. Pagpasok niya ng sala, nagkkwentuhan naman ang ibang mga leaders, ang mga boss nila at ang SaeRi. Masyado silang absorbed sa chikahan kaya hindi napansin si Wendy.

"So ayun nga, di ba si trainer Jay may jowa. Matagal na sila nung girl pero sa ibang company nagwowork. May isang trainee si Jay na chix, eh galawang fboy tapos si ate girl may pagkamalandi. Ayun, naginuman daw yung batch nila kasi graduation from training tapos may nangyare sa kanilang dalawa" kwento ni TL Sunmi.

"Eh di ba niligawan ka nun?" Tanong naman ni TL Yoona.

May pagnginig ng katawan sa reaksyon ni TL Sunmi at ang katabi niyang si QA Hyuna.

"Oh my god! Bad memory" sabi nung isa.

"Ah shet sabay nga pala kayo niligawan nun" dagdag naman ni OM Taeyeon. At sabay din tumango ang magkatabi.

"Anyway, may isa pang trainer na nagkaissue. Yung comms trainer na malaki yung bubelya. Sino nga iyon?" Sabi naman ni TL Dara.

"Si Jessi" sagot naman ni OM Tiffany.

"Ayun! Dyusko. Daming sabit nun. As a trainer, magaling naman talaga siya. Pero nakakaloka kasi pag nasa labas na ng office lalo at may inuman, matik may nalulunod sa s nun pagkatapos" natatawang kwento naman ni TL Dara.

As for Irene, hindi naman talaga siya nangangambang mangangaliwa si Wendy. Natural na sweet na tao si Wendy at may pagkagreasy minsan magsalita pero walang follow through. Biro lang palagi ang dating. Pero with the history nga ng trainers sa company nila, pinagdadasal lang niya na sana hindi siya maimpluwensyahan.

Nakaakyat at nakababa na si Wendy at walang nakapansin sa kanya kaya naman ay lumabas na ulit siya. Nadatnan niyang ngbabatp bato pick ang mga lalaking team leaders para sa groupings sa match nila.

"O Wendy, team kayo nila Peniel at Suho" bati sa kanya ni TL JB. Tumango na lang siya at nilapag na ang kanyang taya. Si TL Seunghyun ang magbbreak kaya nakaabang na ang lahat para sa simula ng kanilang game. Dahil hindi masyadong naglalaro si QA Sehun, tamang nood lang siya at siyempre suporta sa jowa niya.

******************************
Maaga ulit nagising si Wendy para ipagluto sila ng agahan. Naginom pa kasi ulit sila Irene kaya bagsak siya ngayon sa kama. Habang naghihiwa siya ng mga sahog, bumaba na din sa kusina si OM Taeyeon.

"Good Morning Wendy. Tulungan na kita jan. Ano ba lulutuin mo?" bati nito.

Nagangat naman ng ulo si Wendy. "Ay good morning po OM Tay. Thinking of making some soup po. Para sa may hangover"

"Which once?"

"Seaweed soup po. Paborito din po kasi ni misis"

"Oh. Hindi ko pa nattry gumawa niyan. Sige teka mag.cr lang ako tapos turuan mo ko gumawa"

"Sige po"

After ten minutes, bumalik na sa kitchen si OM Taeyeon at saktong tapos na din sa mga ingredients si Wendy. Nakalinya kung paano niya gagamitin at ilalagay sa pot. Isa isang tinuro ni Wendy ang mga nasa lamesa para familiar ang tuturuan. Tsaka niya nilagay ang mga sahog according sa recipe na kanyang sinusundan.

"Ahh madali lang pala. Eh para saan naman itong iba?"

"Para naman po sa tteokboki yan. Not ideal for breakfast pero yun po kasi trip ni Irene. Pag may hangover siya yung ga favorite niya po hinahanap at gusto niyang kainin. May eggs and bacon din po akong ipprito para sa iba."

Napangiti naman si OMTaeyeon. Sa isip isip niya, mukhang hindi naman talaga maapektuhan si Wendy sa curse ng training team kung ganito niya alagaan si Irene.

Natapos silang magluto at isa isa ng nagbabaan ang mga kasama nila. Habang hinahain ng iba ang mga pagkaen sa dining table na minsan lang nilang gamitin ay umakyat na si Wendy para gisingin si Irene. Nadatnan niyang mahimbing pa din ang tulog nito.

"Nie, wake up na po. Time for breakfast"

Hindi man lang nagreact si Irene. Kaya umupo na si Wendy sa gilid ng kama at sinubukan ulit gisingin ang asawa.

"Nie, everyone's waiting na po. I cooked your favorites. Seaweed soup and tteokboki"

When she said the magic words, dumilat ang mata ni Irene at may ngiti agad sa mukha.

"I knew it" bulong ni Wendy sa sarili.

Tinulungan niya itong bumangon at dinala sa bathroom para makapagfreshen up man lang. Nang matapos ay pinagpalit muna niya ito ng damit bago sila bumaba. Pagdating nila ng dining room ay nauna ng kumakaen ang mga kasama. Pinaupo muna ni Wendy si Irene at pinaghain ng soup sa isang separate bowl at naglagay ng tteokboki sa isang plato tsaka siya naglagay ng tubig sa baso. Umalis ulit sandali at pagbalik at may dala ng umuusok na tasa ng hot choco. Nang makainom na si Irene ay hinihipan na ni Wendy ang sabaw sa kutsarita at sinubuan ang asawa. Standard hangover process ito ni Wendy for Irene at ever since magasawa sila, ganyan na palagi ang gawain niya.

Tahimik lang silang pinapanuod ng mga kasama pero lahat ay pareho lang ng iniisip. Hindi kayang magloko ni Wendy kay Irene.

 

 

 

 

A/N:
Song used - Find My Way Back by Eric Arjes

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
87 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1689 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
87 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡