Next Level

Pag May Alak, May Balak

"I have some news for you guys. One of the accounts here will be pulled out so the agents will be transferred to other accounts. Four of them will be with us. They'll start their product training next week and after that, they'll officially join the team. I'm pretty sure you're familiar with them as well" pag-announce ni TL Irene sa kanyang team. Kanya-kanyang bulungan at hulaan naman kung sino sino ang mga ito.

 

"Wala bang clue TL?" tanong ni Sana.

 

"You'll know soon enough"

 

"So magkakaron ulit tayo ng team building niyan TL?" tanong naman ni Lisa. Nabuhayan ang kanyang teammates at naexcite agad sa idea.

 

Natawa na lang si TL Irene, gusto din naman niya ang ideya na iyon. "Maybe once they're settled na sa team at maayos ang productivity nila"

 

After ng ilan pang reminders, masayang bumalik sa kani-kanilang mga station ang team kahit queueing na naman.

 

Pagbalik din ni TL Irene sa kanyang station ay nakareceive agad siya ng message.

 

WanNie: A gentle reminder that we have an upcoming appointment Nie. Don't be stressed on your shift. I love you.

 

Mabilis lang din naman siyang nagreply at binaba na ulit ang kanyang phone dahil marami pa siyang kailangan tapusin na reports.

 

******************************

Sa kabilang bay naman ay nakatutok sa kanyang computer si TL Seulgi at nagsisimula ng sumakit ang ulo niya kahit kakastart pa lang ng shift. Dumating na kasi ang reports ng Customer Satisfaction Surveys at may ilang demoters ang ilan niyang agents on top of the low marks from QA on several of their calls.

 

She messaged one of the workforce to ask kung pwedeng i-pull out ang team para makausap sila. It was declined dahil nga sa dami ng calls na pumapasok kaya naman nag-message blast na lang siya sa kanyang mga agents.

 

TL Seulgi: Once the queue clears up, we will have a team meeting. Manage your calls and please, mind your attitudes.

 

Pasimpleng nag tinginan ang mga agents niya at alam na nilang hindi maganda ang imemeeting nila.

 

After the first break, bumaba na ang call queue kaya naman pinag.aux na niya ang buong team at pumasok na sila sa aquarium.

 

"I don't know saan ako nagkulang sa pag remind when it comes to handling your calls team. We've been doing this for a few months now, I'm pretty sure you guys already got the hang of it na din. If there are things na sa tingin nyo hindi nyo alam ang sasabihin sa customers, you ask! Hindi yung nag iimbento kayo ng sasabihin para lang matapos yung call. Kaya nga tayo may knowledge base at sme para pwede kayong magtanong or magverify. Andito din ako for any concern pero bakit padami ng padami ang demoters at low QA scores natin?"

 

Sabay sabay nagyukuan ang kanyang team at napahawak na lang siya sa kanyang sentido.

 

"We cannot be like this. We are a team so we have to work together. I will request for additional help from the other team to support us para hindi lang si Jeongyeon ang pagtatanungan niyo. Dami, Siyeon and Sua please stay, the rest can go back to their stations na"

 

Lumabas na ng aquarium ang iba at minessage na agad ni TL Seulgi si TL Irene regarding the additional help.

 

"The reason why I asked you to stay guys is because of your QA scores. Mina's my friend but she serious with whatever she does and I've listened to them as well kaya naman I want to know, what's going on with your calls?"

 

Wala pa ding umiimik sa tatlo kaya lalo namang naiinis si Seulgi. Alam niya sa sarili niyang ginagawa niya ang lahat ng dapat niyang gawin as their team leader para tulungan ang team niya. And personally, nahihiya siya dahil isa siya sa mga bagong leaders and only her team has the lowest scores compared sa iba.

 

Of course, magkaibang accounts and process pero still, galing din kasi siya sa isa sa top leaders ng company so they expect na she can pass on the greatness to her team.

 

"TL, pasensya na po talaga. I know personal problems should not affect my work but it does po" panimula ni Dami. "I try my best naman po talaga na sagutin ng maayos yung mga customers pero minsan po talaga hindi ko mapigilan na maging sarcastic"

 

Tumango lang si TL Seulgi.

 

"Ako po TL nahihiya na kasi akong magtanong. Nakakailang balik po kasi sa akin si Ate Jeongyeon and siyempre hindi ko naman po pwedeng patabihin lang siya sa akin kung may tanong ako" pag-explain naman ni Sua.

 

Tumango ulit si TL Seulgi.

 

"TL, hindi ko po alam kung minamalas lang talaga ako sa mga nakukuha kong calls pero puro po kasi matatanda kaya ang hirap kausapin"

 

Seulgi took note of their reasoning. Napagdaanan na niya lahat iyan at naexperience na din niyang makakuha ng mga low scores sa QA kaya she knows what she should tell them.

 

"I understand where all of you are coming from. I really do. A few months ago, I was also an agent like yourself. And even when I started, I wasn't the best. I got several coaching sessions because of my scores. Kaming dalawa nung trainer niyo actually. Pero TL Irene pushed us to outdo what we thought was our best. And I know you can do and handle that as well. Nagsisimula pa lang kayo and marami pa kayong maeexperience na minsan out of this world scenarios or paandar ng mga customers. But go with what you learned from training and from what you know based on your experience. You are the expert kaya customers who call us when they have concerns, so act and own the responsibility. Like what I always say, maraming tutulong sa inyo as soon as you answer those calls. If you get stuck with a concern, raise your hand agad para mahanap ang solution. I've already asked TL Irene and after lunch you'll have additional help, okay?"

 

Sabay sabay tumango ang tatlo niyang agents. Lumabas na din sila ng aquarium after a while and sumabak na ulit sa calls ang tatlo.

 

Seulgi received a reply from TL Irene saying na Jisoo and Nayeon would assist her team.

 

******************************

Everyone under OM Tiffany's management team were asked to join for a team lunch sa isang restaurant near the office. Nagsabi si TL Irene kay TL Seulgi na mauna na siyang bumaba at may isesend lang daw siyang report.

 

After five minutes, lumabas nadin ng production floor si Irene at nagaantay na lang ng elevator. She was busy with her phone kaya hindi na niya napansin ang mga kasabay niyang pumasok ng elevator.

 

Siksikan na naman but she knows most of them would go out on the 10th floor. Dalawa na lang silang nakasakay nang biglang nag flicker ang ilaw.

 

Nabitawan ni Irene ang phone niya sa gulat but before it touched the ground, someone caught it and handed it back to her.

 

"I told you to have your tempered glass changed, basag na po o. Huwag na natin dagdagan"

 

Napangiti naman agad si Irene ng makitang si Wendy pala ang kasabay niya na hindi niya napansin dahil sa pagtutok niya sa phone.

 

"W...what are you doing here Nie? I thought you won't be back until tomorrow?"

 

"Thought so as well but training's all done and basically the last day is intended to be a tour around the city and I've already visited those places before so I came here straight from the airport po. Free lunch from OM daw eh"

 

Nahampas ng slight ni Irene ang asawa dahil ang alam niya, bukas pa ang balik niya from Canada dahil isa siya sa ipinadala ng company to train new agents sa bagong bukas na site ng account nila doon.

 

"Ayaw mo bang nandito ako? May iba ka bang hinihintay?" sabi ni Wendy ng naka-pout.

 

Mabilis na tumalikod sa CCTV si TL Irene at humalik sa asawang dalawang linggo niyang hindi nakita.

 

"Does that give you an answer?" pabulong na sabi nito.

 

Wendy tried not to react so much but she couldn't help it. Knowing her wife, she's not a big fan of doing something intimate like a kiss in public places, only exception when they're out with friends (team building) so for her to find a way to do that in the public, Wendy couldn't help but feel giddy about it.

 

Nakarating na sila sa ground floor at si Irene na din ang nag-first move to hold her hand habang naglalakad sila papunta sa restaurant.

 

******************************

"Everything looks good Irene. We can proceed with the process whenever you're ready"

 

Nagtinginan muna ang mag asawa and even without saying anything, pareho lang ang nasa utak nila.

 

"We're ready na po" sagot ni Irene.

 

"Alright then. I'll just get it so lie comfortably on the chair"

 

Lumabas ng room ang kausap nila kaya tinulungan na ni Wendy makapwesto si Irene. After a few minutes, bumalik na sa loob ang kausap nila at hinawakan na ni Wendy ang kamay ng asawa.

 

******************************

"Good morning everyone. My name is Wendy Son and I will be your product trainer for the next five days" bati ni Wendy sa apat na nakaupo sa harap niya.

 

She's familiar with them having seen them sa production floor and nakalaban na nila sa isang competition and kilala din naman niya ang previous TL nila.

 

By the looks of it as well, mukhang mag-partners din silang apat. Napaisip agad si Wendy na they'll jive in right away sa team.

 

Halos similar lang naman ang account na pinanggalingan nila sa pupuntahan nila pero iba lang ang process kaya dun nagfocus si Wendy.

 

"It's understandable if you get these terms mixed up from what you already know but you might want to start getting used to them now. So after lunch we'll have a review on what we've learned so far, okay?"

 

Nagtanguan ang apat na kausap kaya naman pinalabas na niya sila for their lunch. Dumiretso naman si Wendy sa production floor para bisitahin ang kanyang asawa at mga kaibigan.

 

She sat beside Irene who was busy listening to some calls. And while waiting, she looked around the area.

 

Her former teammates were busy with their calls but still acknowledged her presence by nodding. Si Seulgi naman ay napatingin sa kaibigan at sumignal ng tulong.

 

"What can I help you with Seulgi bear?" masayang bati ni Wendy sa kaibigan.

 

"Yosi tayo?"

 

"Okay. Sabihan ko lang si Nie"

 

Kumuha ng isang sticky note si Wendy at sinulat ang message dahil alam niyang ayaw paistorbo ni Irene pag nakikinig siya ng mga calls. Nilapag niya ito sa station niya at nag-thumbs up lang si Irene.

 

Nagsabi na din si Seulgi sa team niya na bababa lang siya saglit.

 

Pagdating nila sa smoking area, nagsalita na si Seulgi. "Dude, minsan iniisip ko bakit gusto kong mag-TL. The reports I can do just fine, pero pucha nauubos yung english ko sa observation at action plans"

 

"Why? What's happening ba?"

 

"Demoters and low QA scores dude. Gusto ko na nga kausapin si Mina na easyihan lang niya at mamili ng magandang calls from my team na isesend kay OM for reporting pero ayoko din naman makaabala sa trabaho niya"

 

"I trained your agents ah. Okay naman sila when they started. Anyare?"

 

"Buti kasi kung ginagamit yung natutunan sa training at yung galing sa knowledge base kaso hindi eh. Araw araw kaming may coaching session. I don't know how TL does it pero minsan gusto ko ng sumuko"

 

"Then talk to your team and ask what's their action plan"

 

"You think I have not asked that in any of our coaching sessions?"

 

"It doesn't hurt to ask again then compare it to what you would have done if you were the one handling the call"

 

"Palit na lang tayo ng trabaho please?"

 

Natawa na lang talaga si Wendy sa kaibigan niya lalo at yung itsura niya ay buryung buryo na.

 

They decided na bumalik na sa production floor at tapos na din ang lunch ng mga trainees ni Wendy. Wala din namang nag-message kay Seulgi from one of their supports kaya she just hoped na maayos ang takbo ng trabaho pagbalik niya.

 

Wendy reviewed the lesson with her trainees and she's happy that all four of them were able to answer her questions. And that became their routine for the next four days. She would open a topic then after their break or lunch she would review them.

 

Even with their mock calls, she was impressed by how good they are. But because of what happened to Seulgi's team, which was one of the previous classes, she wanted to see what would happen once they hit the production floor again.

 

Since there would be no more new hires for the time being, Wendy would be assisting Seulgi with her team.

 

******************************

Everyone on the team were told to go to the conference room the following Monday at alam na nilang oras na para mameet ang new teammates nila.

 

"According to boss Wendy, maisasabak sa competition yung mga bago natin" sabi ni Chaeyoung sa team.

 

"Saan banda? Sayaw, kanta o acting?" tanong naman ni Jisoo.

 

Nabatukan naman siya ni Nayeon. "Kailan tayo nagkaroon ng acting?"

 

"Malay mo sa susunod na Christmas Party, acting naman ang labanan. Siyempre hindi pa din tayo pwedeng magpatalo" dagdag pa nito.

 

Pumasok na ng production floor si TL Irene na kasunod ni Trainer Wendy at apat na matangkad (sa kanilang dalawa) na mga babae.

 

"Ay shocks! Yun yung kalaban natin last year" sabi naman ni Rosé nung namukhaan niya yung isang babae.

 

"Ayos. May pumalit na kay Wendy sa mga songerist natin" entry naman ni Joy.

 

Pagbukas ng pintuan ng conference room, natahimik ang lahat. They all waited until makaupo ang mga bagong dating.

 

"Huwag nga kayong pakitang tao jan. Ang ingay niyo kaya kanina" sabi ni TL Irene sa team niya.

 

Nagkatinginan ang apat na bagong dating at napapangiti na lang sila sa interaction. Ramdam agad nila ang welcoming aura ng Team Irene compared sa previous team nila.

 

"For our first order of business today, these four ladies will officially be joining our team starting today. I know you're not new to the company but these folks don't know who you are so just introduce yourself to everyone. Your name, nickname, something interesting about you and relationship status"

 

TL Irene pointed to the one closest to her and the girl stood up.

 

"Hi everyone, my name is Jimin Katarina Yu but you can just call me Karina. I've been with my partner for five years now. Something interesting about me is that my tailbone is much longer than average which becomes very painful when I sit on certain positions"

 

"Oooh what kind of positions?" pabirong tanong ni Sana.

 

Joke lang naman talaga iyon pero sumagot naman yung katabi ni Karina.

 

"We went to the gym one time and we were doing yoga and were asked to do a boat pose and she couldn't stop wobbling" sabi nito and everyone wasn't expecting an answer kaya siniko na lang siya ng katabi.

 

"She asked jagi" dugtong nito at awkward na ngumiti na lang si Karina.

 

TL Irene heard it pa din kahit pabulong lang talaga sinabi.

 

Tumayo na ang katabi ni Karina. Lahat nag-switch ng tingin from her to Dahyun at isa lang ang nasa isip nila. Dalawa na ang snow white nila.

 

"Hello. Minjeong Kim but I would rather be called Winter. Something interesting about me is that I know how to use any kind of gun because of my family background" pagpapakilala niya ng mabilis at umupo din kaagad.

 

Tatayo na sana yung katabi niya ng may nakapansin.

 

"You forgot to mention one thing Winter" sabi ni Dahyun.

 

Kumunot ang noo ni Winter while thinking kung ano ang nakalimutan niya.

 

"Ahhh. I've been with my jagiya for 1825 days" she finished her answer with a quick smile then sat down. Pigil tawa naman ang katabi niya sa kalokohan nito.

 

Kita din kasi nila ang itsurahan ng iba na kinacalculate sa utak ang sinabi.

 

"Guys, they've been together for 5 years. Huwag na kayong magkunwaring nagbibilang sa utak" entry naman ni Wendy.

 

Nagtawanan ang buong team sa ganap. After nilang kumalma, tumayo na ang kasunod ni Winter.

 

"Hi guys! I'm Aeri Uchinaga but I prefer to be called by my English name, Giselle. Something interesting about me is that I can imitate people but I haven't done that in a while. I'm also in a relationship, with this beauty beside me" pakilala nito sabay nag-flying kiss sa katabi niya.

 

Instant hiyawan ang team at mukhang may lalaban na sa kalantaran ng ibang couple sa tropa.

 

And last but not the least, "Hello I'm Ning Yizhou. Just call me Ning or Ningning. Something interesting about me is that I participated in a singing competition in China and won an award. And you all know I'm also in a relationship" after introducing herself, she bowed to everyone.

 

A round of applause followed at hinintay na lang ni TL Irene humupa ang excitement ng team niya. It's been a while din kasi since they had new team mates.

 

"Welcome to the team ladies. I'm Irene Bae-Son, yes, your trainer, Wendy is my wife" she said right away when she saw their shocked faces. "And I will be your team leader. Most of these folks have been with me for almost two years now but I will be assigning the four of you to our top agents for this quarter. Karina you'll buddy up with Yeji, Winter you're with Ryujin, Giselle will buddy up with Rosé while Ningning will be with Jennie. The rest of you can go back to your stations, buddies, please stay"

 

Isa isa ng lumabas ng aquarium ang iba at si Wendy naman ay dumiretso na sa bay nila Seulgi.

 

 

******************************

A few months later...

 

"Luna! Don't do that to your brother" sabi ni Rosé habang inaalis ang weapon of choice na pinupukpok sa kambal.

 

The baby boy was too stunned to speak.

 

It maybe the lack of reaction from Caius dahil madalas na itong mangyare or sadyang namana niya din kay Lisa ang walang palag kaya natulala lang siya habang pinapat ni Lisa ang kanyang ulo na pinukol ni Luna.

 

"Dablablablabla" sabi ni Luna with matching pout na kaparehang.kapareha kay Rosé.

 

"Anong sabi dun sa song sa Cocomelon" bigla naman kumanta si Rosé. "We can share. Sharing makes us all happy. Sharing is caring. Oh, sharing is fun. We can all share together. Be kind to everyone"

 

"Dabla" sagot ulit ni Luna. Tinignan lang siya ni Rosé at maya maya lang ay lumakad na papunta sa kambal at niyakap.

 

Hindi alam ni Lisa kung paano nagkaintindihan ang kanyang magina pero napa.aww na lang siya nang magyakapan ang kambal at nagtuloy na sa paglalaro sa kanilang playpen. Tamang paikot ikot naman sa paligid nito ang limang pusa at dalawang aso nila.

 

Umupo na sa couch sila Lisa at Rosé at pinanuod lang ulit ang kanilang mga anak.

 

"Ang bilis nilang lumaki" biglang salita ni Lisa with matching heavy sigh.

 

Mas matangkad ng konti si Rosé kay Lisa kaya nag slide down siya ng konti sa pagkakaupo niya para maipatong ang kanyang ulo sa balikat ng asawa.

 

"I know. Magt two years old na sila. Then a few years more magsisimula na sila mag school. I don't think I'm ready na mawalay sila sa atin Dy"

 

Niyakap nadin ni Lisa ang asawa sabay halik sa noo. "Me too Mie pero eventually we'll have to let them go"

 

Lingid naman sa kanilang pansin, ay pinapanuod na sila ng kambal. Nagkatinginan at sabay na tumayo at hawak kamay na naglakad papunta sa kanilang mga magulang. Nagulat na lang ang mag asawa nang may yumakap sa mga legs nila.

 

"Mum"

"Ma"

 

Both women were too stunned to speak nang marinig nila ang first ever words ng kambal. Sabay din silang naiyak sa saya.

 

"Tama ba ako ng rinig Mie?" Sabi ni Lisa sabay singhot. Tumango na lang si Rosé dahil in shock pa din siya.

 

"Mum"

"Ma"

 

Ulit ng kambal at lalo pa nga naiyak ang dalawa.

 

Ilang minuto pa muna bago maka recover ang dalawa bago nila buhatin ang kambal papunta sa kwarto para bihisan at lalabas silang pamilya.

 

******************************

"This is it Nie" sabi ni Irene kay Wendy na kasama niya sa loob ng cr. Parehong nakatitig sa counter kung saan nakapatong ang isang item.

 

Two minutes later. Nanlaki pareho ang kanilang mga mata ng makita ang resulta. Nanlambot ang tuhod ni Irene kaya agad namang sumuporta ang asawa. Nanigurado muna ulit si Wendy at chineck ang box for instructions at ayon dun ay legit nga.

 

"Holy !" Sabay nilang nasabi. Yumakap ng mahigpit si Wendy kay Irene bago niya ito hinalikan ng malupet.

 

"I love you Nie. I love you soooo much!" Sabi ni Wendy.

 

"I love you more Nie. Soooo much more!" Sagot naman ni Irene.

 

"This has got to be the best early birthday present we''ll ever receive!" dagdag pa ni Wendy.

 

They spent a few more minutes inside bago sila lumabas ng cr para magayos ng gamit. Sinadya muna nila ang isang expert to really confirm something and once they got it, dumiretso na sila sa restaurant na napag usapan. First eat out ng tropa with the new members.

 

*****************************

An hour later, abot langit ang ngiti nilang dalawa habang papasok sa restaurant kung saan sila mag.team lunch. Andun na ang ibang tropa kaya umupo na sila pagkatapos nilang batiin.

 

"Iba ang glow mo ngayon TL. Mukhang may magandang nangyari bago pumunta dito ah" sabi ni Jennie.

 

"I'll let you guys know later" yun na lang ang nasabi ni Irene. Nagdatingan nadin ang ibang tropa kaya naman ay nagsimula na silang mag order.

 

Nasa magkabilang dulo ng super long table ang mga mag-asawa dahil kasama din nila Rosé at Lisa ang kambal na masayang nakaupo sa mga high chair. Hindi naman tradition sa Pinas pero the reason why they're meeting up with the tropa ay to celebrate Thanksgiving. Isa isang nagsalita ang tropa about the things they are thankful for. Pasasalamat sa kanilang mga partners, sa maayos na trabaho at sa solid na tropa. Pinaka.huling nagsalita sina Wendy at Irene kaya naman tumayo na silang dalawa.

 

"I am grateful to all the people I have in my life. Most especially to my wife Irene. And soon" tinignan muna niya ang asawa na masayang tumango. "Soon, there will be someone else who will be joining us"

 

"Oh my god!" Excited na sabi ni Rosé dahil nagets na niya agad.

 

Si Irene naman ngayon ang nagsalita pagkatapos niyang kunin ang something sa kanyang bag. "Everyone...we can't wait for y'all to meet...our little Olaf" at inilahad na nga ang first ever sonogram ng kanilang anak.

 

Umingay lalo ang kanilang table sa balitang narinig nila mula sa kanilang TL. No one expected it kasi ang alam nilang lahat ay hindi pa sila gogora. Pero gaya ng nangyari kina Rosé, when they got the go signal from their OB, they went and did it. Sa gitna ng pagsasaya nila ay may nangibabaw na ingay.

 

"MUMMA!""

 

Instant tahimik ang lahat at sabay sabay umikot ang mga ulo papunta sa direksyon ng kambal na nakatakip pareho ang tenga. Halatang iritable sa ingay nilang lahat. Wala munang nakareact at pinanood lang nila sina Caius at Luna na nagtuloy sa kinakaen nilang treats from Healthy Option.

 

"Hindi lang ako nakarinig nun right?" Entry ni Yuna na unang nakapagsalita. Proud na proud naman ang itsurahan nila Rosé at Lisa.

 

When everyone recovered from the news they heard, tumambay pa sila sa restaurant while having desserts. After another hour ay nag-bill out at umalis na din sila dahil may kanya kanya na silang mga lakad.

 

*****************************

Nakipagkita naman sina Seulgi at Joy sa kaibigan ng nanay ni Mrs. Kang na isang mananahi para sukatan na sila sa kanilang mga isusuot sa kasal.

 

"Seulgi, anak, para lalo kang nangayayat" sabi nung mananahi.

 

Napakamot batok na lang si Seulgi. Aside from the stress that came with her new role sa company, nagtitipid din talaga sila kaya hindi na sila masyadong nag.eeat out ni Joy. "Ah nagdidiet po kasi ako"

 

Mabilis lang nakuhaan ng measurement si Seulgi at sumunod na din agad si Joy. Napakita na nila yung design nung una nilang punta at dahil may mga details pang gustong idagdag si Joy kaya naman pinalabas niya muna si Seulgi para makapag usap sila ng mananahi.

 

"Kaya po ba kaya na two in one na yung dress po. Para bang pagkatapos ng ceremony, di ko na po kailangan magpalit kasi ang hassle nun" inelaborate pa lalo ni Joy ang nais niyang mangyari at ipinakita pa nga ang example. Video yun nung bias ni Seulgi sa Red Velvet nung minsang sumali ito sa We Got Married.

 

Nakuha naman kaagad nung mananahi ang idea kaya kumuha ulit siya ng panibagong papel at sinimulan na ang pagdedesign. Inabot din sila ng tatlong oras dun bago sila natapos at dumiretso na sila sa bahay nila Joy dahil may handaan din sa kanila sa kadahilanang wedding anniversary ng magulang ni Joy.

 

******************************

Dumiretso naman sa isang event place sina Jennie at Jisoo dahil may sinalihan silang PUBG Competition. Napagtripan lang talaga nila iyon dahil simula ng turuan ni Jisoo si Jennie na maglaro ay lagi na silang nag.wa 1 on 1.

 

"Ano nga ulit prize dito?" Tanong ni Jennie pagkatapos nila magregister.

 

Aliw naman sa pagikot ng tingin si Jisoo dahil marami siyang nakikitang mga games. "Di ko maalala pero alam ko pera yun"

 

Tumango na lang si Jennie at naglakad na sila papunta sa mga chairs allotted para sa mga players. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang event. First come first serve ang pagsali dito kaya naman hindi gaanong karami ang mga players pero marami ang mga nakapalibot na manunuod. Two on two ang labanan and most of the players are men. Hindi maiiwasang may mga simpleng nagpaparinig and hanggat maari hindi na lang pinapansin nila Jisoo at Jennie.

 

"Pustahan tayo tol naghahanap lang ng good time yung dalawang ito" sabi nung isang lalaki sa kaibigan niya na nasa likuran nila. Tumaas agad ang kilay ni Jennie at pormang sasagutin yung lalaki pero pinigilan siya ni Jisoo.

 

"Bago lang yan natuto maglaro tapos ang lakas na ng loob sumali" sabi naman nung isang lalaki sa gilid nila. Si Jisoo naman yung tumaas ang kilay.

 

"Let's just show them what we got babe" sabi na lang ni Jisoo kay Jennie at saktong katatapos lang ng unang round. Tinawag ang pangalan nila at ang magiging kalaban nila na it turned out ay yung dalawang lalaki na nasa likuran nila kanina.

 

Pagakyat nila sa gaming platform ay binigyan sila ng time para i set up ang kanilang mga phones. Once connected na sila sa same server, nag-count down ang host bago magsimula ang match.

 

Saglit lang ang naging laban dahil mabilisan ding natalo nila Jennie at Jisoo ang kalaban. Partida ay most of the time, nilalaro lang ni Jisoo ang character niya. Nag.dance party pa nga sa tunog ng D4 ng Blackpink habang si Jennie naman ay seryosong seryoso na patayin yung kalaban.

 

Inanusyo ang winner sa round na iyon at malaki naman ang ngiti nilang dalawa habang pikon na pikon na bumaba ng platform yung dalawang lalaking kanina lang ay binabash sila.

 

"Halimaw pala maglaro ampotek" sabi nung isa na umiiling iling na bumalik sa kinauupuan nila. Rinig nila Jisoo ang sinabi kaya humarap ito sa kanila at nagsmirk na lang.

 

Natapos ang lahat ng rounds at kahit na mas batikan maglaro ang mga ibang players sa kanila ay tinanghal pa din silang champions at ibinigay na nga ang prize money. Matapos ang photoshoot ay umalis na din sila sa event place.

 

"Oh my gosh! Sakto I wanted to buy something" sabi ni Jennie habang naglalakad sila.

 

"Babe, don't tell me bagong bag na naman yan" sagot na lang ni Jisoo.

 

Pero alam naman nating lahat titiklop din si Jisoo kay Jennie at yun na nga ang nangyare at nakapag.insta shopping sila.

 

*****************************

Magkakasama naman sina Sana, Tzuyu, Momo at Dahyun na nagplano na mag-netflix and chill lang sa apartment ng SaTzu. Dumaan na din sila sa grocery para bumili ng snacks kaya ang iisipin nalang nila is yung panoorin.

 

Sa sofa nakaupo sina Sana at Momo habang nasa floor naman sina Tzuyu at Dahyun.

 

Thirty minutes ng nag pipindot sa remote si Sana pero wala pa din silang mapiling movie. Hanggang umabot na ng isang oras at ang ending ay nakatulog na lang silang apat.

 

Nagising na lang si Tzuyu ng masipa siya ni Dahyun sa mukha nung nagpalit ito ng pwesto.

 

"Aray!" sigaw nito at nagising na din ang iba.

 

Napalakas pa ata ang pagkasipa ni Dahyun dahil nakahawak sa ilong si Tzuyu at may naramdamang basa. Mabilis na tumayo si Sana para buksan ang ilaw and true enough, dumudugo nga ang ilong ng kanyang girlfriend.

 

Dumiretso na sila sa cr at nilinis ang dumudugong ilong. Nothing seems broken naman kaya no need na pumunta ng ospital. May first aid kid din naman sila dahil madalas ay si Sana ang nag-nose bleed.

 

After changing her shirt, humingi ng pasensya si Dahyun sa tropa at tinuloy na ang original plan na manood.

 

Nakapili din sila sa wakas ng movie and they started watching.

 

*****************************

"Mina, saan ko ilalagay itong lego set?" sigaw ni Nayeon mula sa sala.

 

They volunteered to help MiChaeng sa paglipat sa bagong condo kaya eto sila ngayon at busy sa pag-unbox at paglalagay ng mga bagay bagay sa kung saan gusto ipalagay nung may ari.

 

"Room 2 please. All my toys will be there" sagot ni Mina from the kitchen.

 

Sumunod naman si Nayeon. Pagbukas niya ng kwartong ay nanlaki ang mata niya sa mga nakitang koleksyon sa loob. Sa right side ay ang ang lego collection ni Mina at kung ano ano pang laruan and sa same corner ay ang PC set nito na halatang inuna ang pagka-ayos compared sa ibang gamit. Sa kabilang side naman ng room ay mga art materials ni Chaeyoung at sa isang corner na katapat ng bintana ay isang standing easel and high chair.

 

Nilapag na lang niya ang dala niyang lego set sa table at lumabas ulit sa sala.

 

Kakapasok lang din nila Chaeyoung at Jeongyeon na buhat ang isang malaking pahabang box at dahan dahang binaba sa gitna ng sala.

 

"You bought a new TV?" gulat na wika ni Mina na may dalang isang tray.

 

"Nope. It's a gift from mama. Hindi kasi siya makakapunta sa housewarming party natin kaya nagpadala na lang ng regalo" sagot naman ni Chaeyoung.

 

"Sana all binibilhan ng bagong TV" sabi naman ni Jeongyeon.

 

Inabot din ng gabi ang pag aayos sa condo na ngayon ay mas maaliwalas ng tingnan compared sa kanina na nagkalat ang mga gamit.

 

Nakaupo na silang apat sa dining table habang hinihintay na ihain ang nilutong pagkain ni Chaeyoung.

 

"Kelan ang party?"

 

"We were actually planning na dito tayo mag-Christmas party na din para isang celebration lang. Pero I haven't asked the tropa pa"

 

"Done" mabilis na sabi ni Nayeon na nag-send na pala agad ng message sa kanilang group chat.

 

Ilang segundo lang sabay sabay na nag tunugan ang kanilang mga phones at kanya-kanya silang tumingin.

 

TROPA FOR LIFE

Nabong: housewarming and christmas party at michaeng's new condo... g?

Wendang: g. kelan?

Momoring: basta may pagkaen go kami

SeulKang: wala muna kaming mabibigay na gift ha..u know naman

Ryuddaeng: sagot na daw nila winter at karina yung alak... hahahahahaha!

Hwang: bagong binyagagan ng bahay na naman

 

"Kasya naman siguro tayo dito noh?" concerned na tanong ni Mina

 

"Kasya yan. Malaki naman ang sala" sagot naman ni Chaeyoung.

 

*****************************

Instant close naman ang 4th and 5th batch na pumasok sa Team Irene kaya after ng lunch out nila, they decided na mag-bonding sa bahay nila Winter at Karina.

 

Nakasunod lang sila Ryujin at Yeji sa kotse ni Winter at pagpasok nila ng subdivision na pamilyar na silang dalawa, ay binati na lang nila yung guard sa gate.

 

"Boss Chief, kasama kami nung naunang sasakyan" sabi ni Ryujin.

 

"Ah opo nasabi na po ni Miss Kim"

 

Sumaludo lang si Ryujin at sumunod na ulit sila sa nagaantay na FJ Cruiser.

 

May nadaanan silang pamilyar na itim na gate at sa katabing bahay nito ay tumigil na ang sasakyan ni Winter. Pagbukas ng gate ay sunod sunod din silang pumasok sa loob.

 

After parking their cars, nagsibabaan na sila ng sasakyan. At sumunod lang sa apat na magkakaibigan papasok ng bahay.

 

"Make yourself at home guys. I'll just get us some drinks" sabi ni Karina while pointing to the living room.

 

Nakapwesto na sa isang couch si Giselle at in between her legs naman ay nakaupo din si Ningning. Si Winter naman ay umakyat sa taas at pagbaba ay nakapagpalit na ng damit at dumiretso na sa kusina.

 

Umupo na magkakatabi sina Lia, Ryujin, Yeji, Chaeryeong at Yuna sa mas mahabang couch at medyo awkward ang katahimikan nilang lima.

 

Nagpakita naman si Karina na may hawak na isang tray ng mga baso at kasunod nito ay si Winter na may dalang mga inumin.

 

"Kayong dalawa lang nakatira dito?" tanong ni Yuna kay Karina.

 

"Officially, yes. Win and I bought this place a few months ago pero medyo kakalipat lang namin kasi we had to finish the contract dun sa condo namin. Unofficially, these two stay here most of the time"

 

"Ayos pala. Neighbors kayo nila TL" sabi naman ni Yeji.

 

"What?" sabay na pagkasabi nila Giselle at Ningning.

 

"Ay di nyo alam? Yung may black na gate before this, sa kanila iyon" sabi naman ni Lia.

 

"And I believe sa next street naman nakatira sina OM Tiffany at OM Taeyeon" dagdag naman ni Chaeryeong.

 

"What a small world" mahinang sabi naman ni Winter.

 

After some refreshments, Karina gave them a tour of the house. It's a bit smaller compared to their neighbor's house pero marami ding activities na pwedeng gawin.

 

Sa isang corner ng living room ay mga game machines like pinball, car racing, shooting games, basketball and tekken. There are four bedrooms but only two are being occupied. Hindi na rin nila ipinakita yung loob. Sa garden naman ay may maliit na pool and instead of a music studio like their neighbor, they have a dance studio.

 

Matapos ma-tour ang bahay, napagdesisyunan na nilang maginuman.

 

*****************************

Pagbalik nila sa office, they were gathered again sa aquarium.

 

"I have a few things to discuss with the team. First, I would like to congratulate our new members for passing their implementation period with great marks" Nagpalakpakan ang buong team. "Second, we already have a word about the theme of the year end party natin. Instead of just dancing or singing, the management decided to have both presented. So a dance performance with a live band. Third, we lost some original performers but gained new ones. So I want the four of you to step up"

 

Nagtaas ng kamay si Chaeyoung. "Boss, sa inyo naman magpapraktis right?"

 

"We'll have to set a schedule. Aside from the different accounts, they added a new team which would consist of the trainers and qa's. So kalaban natin sila Wendy at Mina" sagot naman ni TL Irene.

 

"TL, we are offering our dance studio for us to use" sabi naman ni Karina.

 

"Nasa first floor ba ito?" tanong ni Jennie. Tumango naman si Winter. "Oh thank God!"

 

Hindi nila nagets kung bakit may ganung reaction pero hinayaan na lang nila.

 

After gathering suggestions, pinabalik na sila sa kanilang mga stations.

 

******************************

 

 

 

 

A/N:

It’s been 7 months since I updated this story and I do want to apologize for that. I have a tendency to start a story then while in the middle of it, I will be thinking of a different plot with another set of characters and that’s exactly what happened when Someday We’ll Know started (and to my other stories as well).

I have chapters written down but have not been able to finish them but I will be working harder to update not just this one but the others as well.

I’m also going to through some editing on some of my works so hopefully soon, we’ll have a better update schedule.

P.S: I will be changing my username soon.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
84 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1684 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
84 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡