Ang Falls

Pag May Alak, May Balak

"kkkk! My head!" reklamo ni Wendy pagkagising. Nasilaw kasi sa araw. Nagising na din ang katabi niyang si Irene pero parang hindi uminom yung pakiramdam. Unfair.

"I'll get some meds and water Wannie" sabi niya tapos tumayo at lumabas ng kwarto.

Nasigising na din ang mga kasama nila sa kwarto na sina Rosè, Lisa, Mina at Chaeyoung.

Sa kusina, andun na sina Ryujin at Chaeryoung na tahimik na nagluluto ng agahan. Wala namang aircon sa kusina pero ang lamig ng paligid. Tahimik na lang din kumuha ng tubig si Irene at tinanguan na lang ang mga ahente. Pagkakuha ng kailangan eh bumalik na ulit siya sa kwarto.

Minamasahe pa din ni Wendy ang kanyang ulo. Tinulungan umupo ni Irene si Wendy at pinainom ng gamot at tubig. Tapos nahiga na ulit yung isa. Tumingin naman sa ibang kasama sa kwarto si Irene. Ay bakit walang t-shirt sina Mina at Chaeyoung? Hala may mga shorts din sa sahig sa tabi ng kama nila Rosè at Lisa?

"You guys seriously did it while we're here?" natatawang tanong ni Irene. Nginitian na lang nung apat.

Nagsisimula na din gumising ang iba at katatapos lang din magluto ng agahan kaya nakahanda na sa lamesa. Kanya-kanyang timpla ng kape or hot choco. Borlogs pa din si Wendy.

"Swimming ulit mamaya ah" sabi ni Rosè.

"Eh wala naman tayong ibang gagawin dito" sagot naman ni Jennie.

"Actually marami. Pwede tayo mag.island hopping, magtrekking, at puntahan ang mga falls" sabi naman ni Chaeyoung na tumitingin na naman sa kanyang phone ng "Things To Do In Puerto Galera".

"Alin ba mas malapit na falls dito?" tanong naman ni Momo.

"Aninuan falls is closer. May sasakyan naman so mga less than 20 minutes lang"

"Boss makakasama ba si Wendy?" tanong ni Seulgi pagkaupo.

"I think so. Napainom ko na naman siya ng gamot. If ano man, ako na lang magdrdrive"

Tumango na lang yung isa. Nagsimula na silang kumaen. Tahimik lahat. Halatang may mga hangover pa pero si Wendy lang talaga yung malala. Nang matapos eh kinamusta ni Irene si Wendy. Mukhang okay na naman ang pakiramdam.

After another hour, nagayos na ng mga gamit sa sasakyan. May slight change ng blockings sa kotse pero di na nila masyadong pinansin, mamaya na lang paguusapan ng tropa.

All good na sa directions kaya nagsimula na silang bumiyahe papunta sa falls.


******************************
"Di ba mas sikat yung Tamaraw Falls kesa sa pupuntahan natin?" tanong ni Rosè kay Chaeyoung.

"Oo nga pero for sure mas crowded din dun. Ang dami na natin, makikipagsiksikan pa ba tayo?"

"Okay lang naman minsan makipagsiksikan" mahina na sabi ni Chaeryoung pero rinig padin ng mga kasama.

Napatingin sa kanya ang iba.

"Luh may parang may hugot yun ah" sabi naman ni Lisa.

Nakatanaw pa din sa labas si Chaeryoung. "I mean, kung worth it naman talagang makita yung falls di ba?" Wew tamang segway lang.

Tumango na lang yung iba.


******************************
Nakarating na din sila sa village kung saan mag-sstart ng trek papunta sa Aninuan Falls at nagbabaan na ng mga kotse. Pwede naman daw talagang umakyat sa ibang daan since may mga sasakyan pero para na din maiba ang experience eh magttrek na lang sila. Kanya-kanyang dala ng kailangan. Kumausap ng isang guide si tl at nagbigay ng bayad. Buddy system sila sa paglakad sa mga trail. Tamang picture picture ang iba habang naglalakad. Medyo mahaba din yung trail at wala pa sa kalahati ay yung iba eh hinihingal na. (Yes yosi pa po)

"Teka, teka break time naman. Mga five minutes" sabi ni Wendy habang nakahawak na sa tuhod at hinahabol ang hininga. Napaupo na lang sa gilid ang iba.

"Sa taas ka na magpahinga Wendy. Ang init init o" sabi naman ni Jennie na hinihila si Jisoo para mauna na, halatang hingal na din.

Nakahanap ng pangtungkod si Irene sa may gilid at inabot kay Wendy. "Just use this Wannie"

Nung medyo nakapagpahinga na eh tinuloy nila ang pagakyat. Yung usual na 30-45 minutes na trek eh umabot ng isa't kalahating oras sa dami ng naging pahinga.

Maliit man yung falls eh okay pa din naman ang tanawin. Nang maibaba ang mga dala eh nagkanya-kanya na ulit.

Naiwan sina Wendy, Irene, Chaeryoung, Jihyo at Mina sa may kubo para magayos ng kakainin.

******************************
"Ay shet ang lamig nung tubig!" malakas na sabi ni Jeongyeon na unang lumusong. Sumunod na din ang iba.

"Uy may mga isda o" sabi naman ni Rosè habang hinihila si Lisa papunta sa ilalim ng mismong falls.

Lumapit si Dahyun dun sa guide. "Kuya, gaano po ba kalalim yung tubig?"

"Ah yung kaibigan niyo pong nasa ilalim ng falls" sabay nguro (pagturo gamit ang nguso) kay Rosè. "Nakatayo na po siya niyan"

Napangiti naman si Dahyun. Ayos! Kaya palang lumusong.

Sina Sana at Tzuyu ay bigla na namang nawala. Dagdag na naman ata sa listahan nila. Habang sina Yeji at Lia ay piniling umakyat pa sa tuktok para lang magpicture-picture. Pwede naman daw kasi.


******************************
"Are you gonna swim Wannie? Malamig daw yung tubig, baka makatulong sa pakiramdam mo" tanong ni Irene. Nagisip sandali tapos humalik muna at lumapit na din sa tropa.

Naiwan yung apat para magayos ng pagkaen.

"Ang dami pala nating dalang pagkaen boss. Mauubos ba natin 'to?" tanong ni Jihyo.

"Kaya nila Jeongyeon, Momo at Rosè yan" sagot naman ni Mina.

"Ay oo nga naman pala" sabi na lang ni Jihyo.

Tahimik lang sa gilid si Chaeryoung at napansin naman ito ni Irene. Nagpasama kunwari pero may intensyong magtanong.

"I hope you don't mind me asking ha. Something was different this morning and during the ride going here" tanong ni tl sa ahente niya.

"Ah wala po yun tl" sagot naman ni Chaeryoung.

"Are you sure? Cause we can talk about it"

Nagisip sandali. "Well kasi po ano..."


******************************
Matapos pumasok lahat ng kwarto para matulog na, inaya ni Chaeryoung si Ryujin na maglakad lakad sa may beach dahil pareho silang hindi pa inaantok. Wala na masyadong tao sa labas dahil madaling araw na nga naman. Hinawakan ni Ryujin ang kamay ni Chaeryoung pero may panandaliang pangaalangan yung isa.

Nang medyo nakalayo na sila eh naisipan nilang umupo sa isang bangkang naka.dock. Tahimik lang nilang tinatanaw ang dagat. May marahang alon ng tubig sa dalampasigan na medyo inuuga ang bangkang kasalukuyan nilang inuupuan.

"Ryujin"

"Chaeryoung"

Sabay silang nagsalita. Sumenyas si Ryujin na mauna na si Chaeryoung.

"Naalala mo yung sinabi ko sayo sa Baguio?"

Inalala naman nung isa. "Uh-huh"

"I think you never got over Lia"

Nanlaki naman ang mata ni Ryujin. "Why would you think that?"

Humarap si Chaeryoung kay Ryujin. "Cause I'm not blind Ryujin. And I can see that she too never got over you. I mean she has a way of making it seem na she has just to show everyone she 'chose' Yeji pero the little things she does or you two do when you think no one's watching, nakikita ko"

Hindi nakapagsalita si Ryujin kaya nagtuloy lang yung isa.

"And I understand. Again sabi ko nga hindi madaling mawala ang feelings..."

"Chaeryoung"

"Ryujin. Okay lang naman maging rebound ako. Is it selfish na okay lang sa akin na kahit ganun, na I still want to keep you to myself?"

"I meant it when I said I am ready to be yours Chaeryoung. And I don't want to hurt you cause you've been nothing but good to me"

"I feel that there's another but to that"

"But I'm going to be honest with you. I...I still have feelings for -"

Hindi na natapos ni Ryujin ang sasabihin niya dahil yumakap na sa kanya si Chaeryoung.

"I know. I ing know pero I don't want to let you go!" naiiyak na sabi ni Chaeryoung. "I want to hate you but I can't. I can take all the pain if that would make you to stay"

Hindi na din napigilan na maiyak ni Ryujin. "But I am being unfair to you Chaeryoung. Bakit okay lang sayo yun?"

"Kasi tangina mahal kita! Nung sinabi mong ready ka na at the back of my mind alam ko it's not going to be 100% kasi nauna siya eh. Nauna siya sa puso mo. At uulitin ko, hindi madaling mawala yung nararamdaman mo. Especially na may nangyari sa inyo"

Napabitaw sa yakap si Ryujin. "H...how did you k...know?"

"You said her name when we did it"

******************************

"Oi Ryujin bakit nagsosolo ka jan?" tanong ni Yuna ng mapansin ang kaibigan na nakaupo lang sa isang malaking bato sa gilid ng falls.

"Ineenjoy ko lang yung view. Ganda eh"

Sinundan naman ni Yuna ang tinatanaw ng kaibigan. Napataas ang isang kilay. Dahil yung direksyon na tinitignan nung isa ay kung nasaan si Lia. Pero maganda nga naman yung background.

Nilapitan at umupo sa tabi.

"Yung totoo Ryujin. Niloloko mo lang ba si Chaeryoung?"

"Luh. San galing yun?"

"Eh bakit hindi siya sumabay sa kotse kanina?"

"Ah eh may tampuhan lang" sagot ni Ryujin habang nagkakamot ng ulo.

"Weh?"

"Oo nga"

"Pag sinaktan mo si Chaeryoung kakaltukan kita"

"Magswimming na nga tayo" sabi ni Ryujin sabay talon sa tubig. Nakalimutan na hindi kalaliman kaya nabigla ng slight yung tuhod at nasubsob.

"Bilis nung karma ah" sabi na lang ni Yuna sa sarili.


******************************
"kkkkkkkkkkkk"

"medyo deliks yung pwesto natin dito ha"

"wala na akong paki. ughhhhhh bilisan mo paaaaaa"


******************************
"Oh my god! Is that Sana and Tzuyu?" mahinang tanong ni Lia kay Yeji na pababa na ulit. Tumingin naman sa direksyon kung san nagngunguro si Lia.

"Hala oo nga noh. Gusto mo gumaya?" sabi naman ni Yeji habang nagtataas baba ang kilay.

Nahampas ni Lia si Yeji. " you. Hindi ako exhibitionist noh" Kahit?

Binilisan na lang nila ang lakad pababa para hindi sila makita nung dalawang gumagawa ng milagro sa gubat.


******************************
Tinawag na sila ni Irene para kumaen ng tanghalian at naglapitan na ang grupo. Hindi enough ang chairs kaya yung iba naghanap na lang ng pwedeng maupuan na shaded pagkakuha ng pagkaen. Inimbitahan na din nilang kumaen si kuya tour guide.

"May dala ba tayong alak jan?" tanong ni Lisa.

"Wala mehn. Pagbalik na lang natin sa bahay. Kita mong matarik yung inakyat natin kanina tapos baba tayo ng nakainom" sagot naman ni Jisoo.

"May binebenta pong alak kina Aling Nena" Nag.nguro na naman si kuya sa may maliit na tindahan. "May juice din at yelo. Kung gusto niyo lang din naman po eh pwede po kayong maginom ng Mindoro Sling"

Nagpintig ang mga tenga ng mga lasinggero sa grupo.

"Ay kuya ano yun?" curious as a cat na tanong ni Chaeyoung.

"Parang juice lang po iyon" Nakangiting sabi ni kuya.

"Tara g ako jan" sabi naman ni Seulgi.

At yun nga pagkatapos kumaen ay pinabili na si kuya ng kailangan. Kumpleto naman pala ang tindahan ni Aling Nena at pagbalik ni kuya sa kubo eh may dala na siyang pitsel na may lamang parang four season's ng del monte. Ipinatong sa lamesa at hinayaan na niya muna ang grupo.

Para nga naman kasing punch lang kaya nagkanya-kanyang baso na sila.

Naubos agad yung isang pitsel kaya naman eh nagpabili ulit sila. Nakailang balik din si kuya tour guide sa tindahan.

******************************
Napagdesisyunan na nilang bumaba at bumalik sa sasakyan dahil medyo tumitindi na din ang init. Nagpack up na at sinimulan ulit ang trail pababa.

"Pota bakit parang lumulutang ako?" sabi ni Jeongyeon na winawagayway ang kamay.

"Luh! Oo nga ako din. Jack I'm flying" sabi naman ni Lisa.

"Linya ko yan die" natatawang sabi ni Rosè.

Tamang alalay na lang ang mga jowa dahil medyo malayo pa sila sa baba. Maya maya pa ay dumaan na ulit sila sa ilog na dinaanan nila kanina.

Dire-direcho lang ang lakad nila Seulgi at Chaeyoung ng biglang...

"Aray potekkkkkkk!"

"Oh shiiiitttt!"

Ayun nadulas pareho at napaupo sa tubig kahit kakapalit lang ng damit. Tinulungan na lang ng mga jowa. Nagtuloy sa pagtrek pababa.

Nung medyo malapit na sa pinakababa, na-mali naman ng pagtapak si Lia at hindi nakahawak agad sa nakaabang na si Yeji kaya dumulas ito at nasagi si Ryujin na nasa harapan.

At sabay silang gumulong hanggang makarating sa pinakababa. Awkward ang landing dahil nakapatong si Lia kay Ryujin. Agad agad namang tinulungan tumayo ni Yeji ang jowa at ginaya na din ni Chaeryoung.

Yung mga nakapanuod eh shut up na lang. Mamaya na nila paguusapan.

Bumalik na sa mga kotse ang grupo at si Nayeon ay napilitang mag drive dahil mukhang iba ung tama nung ininom nila kay Jeongyeon. Magisang tumatawa kahit wala namang nakakatawa at nagpapatawa. Si Jennie naman ang nagdrive sa isang sasakyan dahil wala na din sa wisyo si Jisoo. Kept mumbling about cherries and ice cream. Sumabay na din sa kotse ni Yeji si Chaeryoung dahil mukhang napasama ang pagbagsak, isama mo na yung pagsubsob kanina sa falls.  Pagdating sa bahay na nirentahan ay nagpahinga muna sila. Pero may ilan din na nagswimming na ulit like Rosè, Chaeyoung, Sana, Tzuyu at Momo.


******************************
"Can we talk?"

"Okay?"

Lumakad palabas ng bahay ang dalawa.

"Can you be honest with me?"

"About what?"

"What exactly are we?"

"We're together?"

"We're together? It's seems like you're not sure"

"What do you want me to say?"

"I don't get you sometimes. We're in a relationship but why do I feel like I'm the only one doing something for it to work?"

Hindi nakasagot yung isa. Kaya nagtuloy na lang yung isa.

"Tell me now, are you really with me or not?"

"Why are you making me choose?"

Bumuntong hininga yung isa. "That should have been an easy question to answer but I guess I wasn't really your choice in the first place"

Sabay naglakad palayo at iniwan yung isa.


******************************
Huling gabi sa isla at nakahanda na ulit ang alak sa lamesa.  Masarap ang simoy ng hangin at sa langit at maraming kumikinang na bituin. Pero parang namatayan ang awra ng grupo.

"Tangina bakit parang ang lungkot?" tanong ni Yeri habang nagtatagay, na siyang bumasag sa katahimikan ng lahat.

Wala pa ding umiimik kaya nagisip ng ideya si tl.

"I don't want us to go back to work like this. If I have to ask permission for a split off for everyone I will do so. But we have to talk about what's bothering some of you"

"Luh pwede yun tl?" tanong naman ni Dahyun. Tumango na lang si Irene kahit hindi siya sure kung maaapprove pero being the leader, she wants her team to get along kaya kung may problema, kailangan ayusin.

"Ooh open forum. This should be good" bulong naman ni Saeron kay Yeri.

May nagtaas ng kamay. "Boss, I guess the issue doesn't really have to be dealt with everyone"

"Hindi din. Curious na kami eh" sabi ni Lisa na hinampas naman ng slight agad ni Rosè, nakaramdam na kasi siya.

"Okay then. You four" tinuro si Yeji, Lia, Chaeryoung at Ryujin. "Let's talk inside"

"Luh. Dito na pagusapan iyan. Daya naman" sabi naman ni Wendy. Tinignan lang siya ng masama ni Irene habang nakataas ang isang kilay. "Okay shut up na lang pala ko. Paikot mo na yung tagay Yeri"

Tumayo na ang mga tinawag at pumasok na sila sa loob.

Tinuloy na ang inuman. 

******************************
Magkakahiwalay na umupo ang apat na tinawag sa loob ng bahay. Sumunod na din si Yuna at hinayaan na lang ni Irene.

"So what seems to be the problem?" tanong niya sa apat.

Walang nagsasalita kaya tumingin na lang si tl sa mukhang middleman nung apat na si Yuna.

"Boss" tumingin muna sa mga kaibigan niya. "This is just from what I've gathered" Lumapit si Yuna kay Irene at binulong na lang.


******************************
Yung mga naiwan naman sa labas eh nagsimula ng magchismisan.

"Panigurado love square yung issue" sabi ni Jeongyeon.

"Gago anong love square? Di ba cupcake yun?" sagot naman ni Jisoo.

"Ay bobo lemon square yun. What she meant was, love quad or love quadrilaterals" sagot naman ni Chaeyoung.

"Basta lover's quarrel lang alam ko" sabi naman ni Momo.

Nagtawanan na lang ang grupo. Nakaubos na sila ng isang bote at tsaka bumalik yung pumasok ng bahay. Tumabi na ulit si Irene kay Wendy at nagtuloy na ang inuman. Medyo maaga din natapos kasi maaga din silang aalis the next day.

 

 

 

 

A/N: So ano kayang mangyayare pagbalik nila ng opisina?

 

Thoughts anyone?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
88 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1691 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
88 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡