House Blessing at Dress Shopping

Pag May Alak, May Balak

Maagang abala sa paghahanda para sa house blessing at housewarming party sina Wendy at Irene. Kanina pa din paikot ikot ng kusina ang isa kakahanap ng mga ingredients na kailangan niya para sa cake na kanyang ibabake. Habang si Irene ay chill na chill lang na nilalabas ang ingredients niya sa kanyang lulutuin.

"Wannie, nahihilo na ako sa ginagawa mo. Ano ba hinahanap mo?" tanong ni Irene na muntik ng umikot ang paningin sa pabalik balik na lakad ni Wendy sa harap nito.

"I can't find the baking soda and the cocoa I need" panic na sagot ni Wendy.

Umiling si Irene at pinuntahan ang isang cabinet na kahit nakailang daan at tingin na si Wendy ay hindi nakita. Nilabas ang mga kailangan at nilapag sa table.

"Luh. Tumingin na ako jan kanina pero wala naman akong nakita" takang sagot ni Wendy. Humalik na lang sa kanya si Irene para makapagsimula na sila sa mga gagawin nila.

Makalipas ang tatlong oras, nakahain na sa dining table ang mga potahe at nagfifinishing touches na lang sa decorations. Nagring ang doorbell at sinilip muna sa control panel kung sino ang dumating. May pinindot si Irene at automatic na bumukas ang gate. Maya maya naman ay may ingay na pumangibabaw sa bgm na kasalukuyang tumutugtog sa buong bahay.

"WE'RE HERE!" malakas na bati ni Yeri. Kasunod naman niya sina Saeron, Seulgi, Joy, Rosè at Lisa.

Inabot ni Saeron ang dala nilang champagne kay Wendy na nilapag naman sa lamesa.

"Make yourself at home everyone" sabi naman ni Irene at talaga nga namang sinunod ni Yeri at humilata na sa couch.

May mga kunting dagdag na furnitures simula nung unang punta ng tropa dahil sa isang part ng wall sa living room ay may mga nakasabit na picture frames nilang tropa. May bookshelf na din sa isang corner at side couch.

"Ang ganda nung chandelier" sabi ni Saeron habang nakatingala.

"Wala sa plano yan pero pareho kaming nagandahan nung minsang nagmall kami so binili na namin" sagot naman ni Wendy.

Ilang minuto lang ang nakalipas at may nagdoorbell ulit. Tinignan ulit kung sino ang dumating at binuksan ulit ang gate sa power ng isang pindot.

An hour later, dumating na din ang parents ni Wendy at isang pari. Lumabas muna ulit ang lahat para masimulan ang house blessing ceremony. Sa bawat lugar sa bahay na pupuntahan nila ay may sasabihin ang pari at ibebless ang lugar na iyon. Everytime din may pupuntahan silang part ng bahay ay nagpipigil ng tawa ang mga may ari. Nabinyagan na kasi.

Umabot din ng kalahating oras bago natapos ang ceremony at nakakumpol na sila ngayon sa dining area. Pinakilala muna nila Wendy at Irene ang mga kaibigan bago sila nagsimulang kumaen.

Buffet style ang setting nila kaya naman pagkatapos kumuha eh naghanap na ng mauupuuan. May ibang nasa dining table tulad ng parents ni Wendy at yung pari, sa kabilang dulo naman sina Yeri, Saeron, Rosè, Lisa, Jennie at Jisoo. Sa may sala sina Jeongyeon, Nayeon, Momo, Dahyun, Ryujin, Lia, Yuna at Ayaka habang nasa may garden naman sina Seulgi, Joy, Mina, Chaeyoung, Sana, Tzuyu, Yeji at Lia. Abalang umiikot sa mga kaibigan ang may ari ng bahay making sure na ayos lang sila.

Nang makabalik sa dining table ay tinawag ng nanay ni Wendy si Irene.

"Irene, iha. Lika muna dito" lumapit naman kaagad ang tinawag at umupo sa tabi ng future in law niya.

"Napagusapan niyo na ba ni Seungwan ang kasal?"

Sakto nagusap na nga sila tungkol dito.

"Ah yes po tita. Wendy won a Euro Trip last Christmas and she told me we'll use that for the wedding and honeymoon as well"

"Double purpose. That's good. Give us the date and we'll make sure to be there"

"Target is August 15, same as our anniversary po but we have to file our leave of absence from the office before we go"

"Alright. That's only in a few months. Have you checked some dresses na ba?"

Hindi umabot dun ung usapan nila dahil may ginawa silang iba ni Wendy nung time na iyon.

"Uhm. Not yet po" mahinang sagot ni Irene.

"Oh! Then we should go dress shopping while we're here!" medyo napalakas naman ang sabi ng nanay niya dun kaya napatingin sa kanila ang mga nasa dining table at nakangiti.

Napressure na siya sa tingin ng tropa. "Sige po tita. Walang problema" sagot na lang nito.

Tumayo ang tatay ni Wendy pati ang pari dahil aalis na daw ito for another function. Kaya nagpaalam na sa ibang bisita at hinatid na palabas ng bahay.

Medyo natagalan bago bumalik pero pagbalik sa loob ay nakangiti ng malaki. Nagkatinginan sila ng asawa niya at ngumiti din. Walang nakapansin kayo ayos na.

Saktong dessert time na kaya si Wendy ay nagcut na ng cake habang si Irene naman ang nagtatransfer sa mga platito at inabot sa mga bisita. They all gathered sa living room at tamang kwentuhan lang. Kwela din kasi kausap ang mga magulang nito. Nagsimula kasing magkwento ng kabataan ni Wendy at ang pinagkwkwentuhan ay nakatakip lang ng tenga, mahinang naglalalala. Sa dinadami ng mga pwedeng ikwento eh mga most embarassing moments pa niya. Laugh trip lang ang lahat. Mali pa atang malaking serving ang ibinigay niya sa magulang niya. Parang bata na sa hyper magkwento.

Kinagabihan ay nagsabi na ang kanyang magulang na kailangan na nilang umalis at may aasikasuhin pa daw sila bukas ng umaga pero bago sila tuluyang umalis ay inaya nila si Wendy sa labas.

"We know it's kinda late Seungwan but happy birthday" sabi ng tatay niya sabay dukot ng isang maliit na envelope sa bulsa nito at iniabot kay Wendy.

Kinapa muna ni Wendy ang laman bago niya ito dahan-dahang binuksan. Isang susi.

"Huh? I don't get it. What is this key for?" takang sabi ni Wendy.

"Why don't you go outside and find out" sabi naman ng nanay niya. Nagkibit balikat siya't lumabas nga ng bahay.

"5...4...3...2...1" countdown ng mag-asawa.

"FUCCCKKKKK!!!!!!" malakas ang sigaw ni Wendy na rinig hanggang loob ng bahay kaya naman agad agad din naglabasan ang grupo at nangunguna na si Irene.

Paglabas nilang lahat ng gate ay bumungad sa kanila ang isang Black and Blue na Kawasaki Ninja ZX-14R at ang tropa nilang nakaluhod sa tabi nito, dumiretso naman si Irene kay Wendy.

Lumabas na din ng bahay ang magulang ni Wendy at nilapitan ang anak na nakasalangpak padin sa kalsada.

"Dad...Mom... a - ano ito?" may shock pa din kay Wendy.

"What do you think that is Seungwan?" patanong na sagot naman ng nanay niya.

"I mean...I k...know what it is but w...why?"

"Post birthday gift" simpleng sagot ng tatay niya.

Nakanganga pa din ang bibig ng tropa. Alam din nilang nasa bucketlist ng kaibigan ang bumili ng motor pero super upgrade na motor ang natanggap nito. Bakit nga ulit kailangan magtrabaho ni Wendy?

"This...is too much"

"You've wanted one since you started working but then you told us a car would be more efficient. And we get it. So this is just us spoiling you since we haven't done that in a while"

"First the house then this. Please tell me eto na yun?" sabi ni Wendy. Ever since college, she tries her best to buy the things she wants on her own. Last resort lang palagi ang paghingi niya ng tulong sa magulang niya kaya naman hindi naman mag sink in sa kanya yung mga bagay na binigay ng magulang niya.

Nasesense ni Irene ang 1/4 disappointment sa mukha ng parents ni Wendy. Kaya naman siya na ang nagsalita ulit.

"Thank you po tito and tita. In shock pa din po siguro si Wendy kaya ganyan"

"Buti pa ang fiance mo alam kung anong sasabihin. O sya, aalis na kami ha. Magiingat kayong lahat. Hinay hinay sa alak ha"

Yumakap pa ulit ang magulang ni Wendy sa kanilang dalawa ni Irene at sumakay na ng kotse. Pagkalayo nila at kinuyog naman ng tropa si Wendy.

"Tangina tol! Itest drive mo na!" sabi naman ni Seulgi sabay abot ng helmet sa bestfriend. Kinuha naman ni Wendy ito pero bago isuot ay tumingin muna kay Irene.

"Are you okay with me doing a test drive?"

"Just be careful okay? I love you" sagot naman ni Irene.

"I love you more" sagot ni Wendy at sinuot na ang helmet at pumwesto sa gilid ng motor at sumakay. Sinuksok ang susi at pinainit ang makina. Hayop ang ganda ng tunog. Inangat ang brake stand at sinimulan na ang test drive.

The tropa who knows how to ride (Seulgi, Jeongyeon, Lisa, Rosè, Tzuyu, Ryujin and Yeji) took turns sa pagdrive ng bagong motor ni Wendy. Pagkatapos ay bumalik na lahat sa loob at sinimulan na ang inuman.

********************
Nangyare nga ang dress shopping kasama ang nanay ni Wendy, Yeri at Saeron. Nakakailang palit na ng damit si Irene pero hindi pa rin masatisfy ang mga kasama niya. Feeling niya tuloy sila yung ikakasal.

"This is the last one po ha. Sana naman approve na kayo" medyo iritang sabi ni Irene habang inaantay ang huling dress na isusukat.

"I have a feeling that the last one is 'the one'" excited na sabi naman ni Mrs. Son. Umagree naman ang dalawa pang kasama.

Iniabot na kay Irene ng saleslady ang huling dress at tinulungan isuot. Matapos ang 20 minutes ay dahan dahan siyang lumabas ng dressing room.

Napatakip ng bibig ang nanay ni Wendy, nabitawan ni Yeri ang phone niya at natulala lang si Saeron. Natawa naman si Irene sa mga reaksyon nila. Sayang at di niya hawak agn phone niya dahil peic talaga ang mga itsura nila.

"The perfect dress for the beautiful bride" sabi ni Mrs. Son na siyang bumasag ng panandalian katahimikan.

"Oh my god ate! Yan na nga talaga!" tuwang sabi naman ni Yeri.

"Ako na lang pakasalan mo Ate Irene" biro naman ni Saeron, buti hindi naman naoffend ang jowa.

Tumalikod ulit si Irene at tinignan ang sarili sa malaking salamin. May luhang tumulo sa mata as she imagined herself walking down the aisle. Lumapit naman kaagad ang mga kasama niya at inabutan ng tissue ni Yeri ang ate niya.

"I can already imagine Seungwan's reaction Irene. You're so beautiful darling" sabi ulit ni Mrs. Son.

Napangiti na lang si Irene. Hindi pinapahalatang excited na siyang maglakad papunta kay Wendy suot ang perfect dress (after 14 dresses). May mga kunting details pa silang ipapadagdag kaya hindi muna kinuha. Pagkalabas ng store ay inaya ni Mrs. Son na kumaen muna sila. Nakakapagod din namang umupo ng tatlong oras.

********************
"Hi Boss, did you receive the leave request I sent?" tanong ni Irene pagpasok ng office ng boss niyang si Madam Tiffany.

Tumigil sa pagtatype ang binati at tumingin kay Irene na kakaupo lang.

"I did. I'm curious though. One week leave na kasabay din ng leave ng isa mong ahente. Magkasama ba kayo?" tanong nito habang nakataas ang isang kilay.

Medyo kinabahan si Irene. Wala pa naman kasing nakakaalam ng relasyon nila ni Wendy, na ahente niya bukod sa team nila. Mukhang mapapaamin na siya.

"Uhm. Yes" sagot naman niya. Hindi naman pwedeng magsinungaling dahil mababadshot din siya.

Nagcross ng kamay at pinatong ang baba. "Are you in a relationship with your agent?" seryosong tanong ulit ni mudash.

Hindi naman bawal di ba? Tanong ni Irene sa sarili. Mabilisang inalala ang office guidelines nila.

Pero teka, eh jowa din nga pala ng boss niya yung boss sa kabilang account na si Boss Tayeon. Safe siya.

"Yes" sagot na lang ni Irene.

Tinignan pa muna ni Madam Tiffany si Irene at slight na pinagpawisan ng malamig ang isa. Nakakatakot naman kasi tumitig eh. Halatang dun siya nagmana.

"I see" maikling sagot ni Madam. Tatanong lang naman kasi sana talaga ni Irene kung approve yung leave niya. Bakit feeling niya interrogation ang mangyayare?

"I see a ring. Are you guys getting married?" tuloy nito, seryoso pa din yung tono.

Bakit nga ba suot niya yung engagement ring sa office? May safe naman sa bahay nila.

Bumuntong hininga si Irene, tumingin muna kay Wendy na busy sa pagtatawag at humarap ulit sa boss niya bago sumagot.

"Yes po" sagot ni Irene sabay yuko.

Inabot ni Boss Tiffany ang cellphone niya at may tinext. Maya maya naman ay may pumasok sa office nito.

"What's up?" bati nung pumasok na si Boss Taeyeon sabay upo sa couch at tinabihan naman ni Boss Tiffany.

"Walang hiya itong Irene na ito. Naunahan pa tayo" sabi ni Tiffany kay Taeyeon na kumunot naman ang noo.

"What? I don't get it" sabi niya.

Hinablot ni Tiffany ang kanang kamay ni Irene at nilagay sa eye level ni Taeyeon.

"Holy moly! Is this for real?" sabi ni Boss Taeyeon habang tintignan ang singsing.

Nakahinga ng maluwag si Irene. Ampucha naman kasi yung pagtatanong nung boss niya.

"Real as it can be" ngiting sagot naman ni Irene.

"Make kwento dali. Mamaya na natin tapusin yung mga report. Naexcite ako" sabi na lang ni Boss Tiffany.

"Wait. Who's the lucky guy?" tanong naman nung isang boss.

"Girl. And I'm actually the lucky one" sagot naman ni Irene.

Naghampasan sa kilig ang dalawang boss. Buti na lang busy ang mga tao sa labas ng office at di napansin ang kaguluhan nung mga boss sa loob.

"I didn't know you swing that way Irene. Who is this special girl?" tanong ulit ni Boss Taeyeon.

Sasagot na dapat si Irene ng bigla siyang pinigilan ni Boss Tiffany.

"Waaaaiiiit. Taey and I will make a bet on it first" sabi nito sabay harap sa katabi niya.

"What's the prize?"

Nagisip sandali yung may pakana.

"Winner gets to top the whole week" sabi ni Boss Tiffany.

"G!" sagot naman agad ni Boss Taeyeon.

Si Irene naman ay nanlaki ang mata. Madaya din itong si Boss Tiffany eh alam naman na niya.

Tumayo ang dalawang boss at sinipat ang mga nasa production floor. Ilang sandali lang ay bumalik na din sa couch. Magsasalita na sana si Boss Tiffany pero naunahan siya ni Boss Taeyeon.

"With Irene's personality, for sure, it's just within her team. And as far as I know there's only one person who's not in a relationship with their teammate and that's Wendy" sabi nito at napapikit na lang sa inis yung isa. Nagtikom na lang ng bibig si Irene at hinayaan sa trip ng mga boss niya.

"Eh paano kung pareho tayo ng guess?" sabi ni Tiffany may slight na dismaya sa boses.

"Wala naman napagusapan na rules eh"

Natatawa na lang sa interaction ng mga boss niya si Irene. Kita niya din ang slight disappointment sa mukha ni Boss Tiffany. Sarili niyang pakana talo naman siya.

"So tama ba kami ng hula?" tanong ni Boss Taeyeon.

"Hmm. I guess pareho kayong magtotop this week then" sabi ni Irene.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
89 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1693 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
89 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡