We Are The Champions

Pag May Alak, May Balak

It's been a while since I last posted anything here and again, I want to apologize for that. Now that I'm back, I'll be sure to update more often. Thank you for everyone who continues to support my work so as always, tell me what you think guys. :)

 

A few weeks after the wedding, back to normal ang lahat. Hindi pa muna tinuloy ng WenRene ang proper honeymoon at iseset na lang daw kapag nakaipon na ulit ng maraming leave credits si Wendy. Pero they stayed behind sa Taiwan for a few more days bago sila bumalik ng Pinas. Nalaman na ng mga tao sa production floor ang kasalang naganap kaya naman ay sa first day nila pagbalik ay may mini congratulatory party para sa kanila, miski mga clients nila ay naki.celebrate din. Pagkatapos ng dalawang oras ay back to work na ang lahat. Adjusted lahat ng schedule at pati mga calls nila ay trinansfer muna sa ibang site (iba din ang powers nila).

Dumiretso naman sa conference room ang mga team leaders at ang mga boss para sa isang meeting kaya ang mga agents ay nagbalikan na sa mga stations nila at hinanda ang mga sarili sa pagmumog na naman ng mga calls.

"So, we have a few activities lined up for December until the year end party. We will still have the annual dance competition which is the main event at the party but aside from that we will also have a singing contest and a few sports to play like basketball, volleyball and badminton. Teams will be the same so make sure to gather the names of your reps per account and send them over to HR so they'll know who to send the emails to" pageexplain ng VP nila na si Miss Boa.

Pagkatapos ng meeting ay lumabas na ang mga team leaders at other bosses from the aquarium. Saktong pa.lunch time na din kaya naman inantay na lang ni Irene na mag.punch out for lunch si Wendy. Nang matapos na sa call si Wendy, lumapit na siya kay Irene at inaya na kumaen.

They decided to eat lang sa Subway na malapit sa office at sumama na din ang ibang tropa.

"Ang tagal nung meeting niyo kanina boss ah. Ano balita?" tanong ni Seulgi habang binubuksan ang sandwich niya.

"We'll have our team meeting naman so I'll discuss those later" sagot ni Irene. Tumango na lang ang ibang kasama.  Some decided to take their lunch sa pantry and yung iba sumama sa WenRene na pupunta ng Subway.

******************************
An hour before the end of shift, nag-gather na ang team sa aquarium para idiscuss na nga ang mga activities.

"Boss Boa said we have a bunch of activities lined up so we need to know sino mga sasali dun. As for the annual dance competition, to follow pa ang theme but I am assigning our main dancers to lead that" sabi ni TL Irene sabay tingin kina Lisa, Momo, Seulgi, Ryujin at Yeji. "There's also going to be a singing contest, max of three people can perform. Who's up to join?" tanong ni Irene at nagsimula na magturuan ng tropa.

Nagtaas ng kamay si Joy. "Obvious naman na sina Wendy, Rosè at Nayeon ipapambato natin dun boss. Main vocals natin sila eh"

"Ay collab ng big three girl groups pala ito" sabi naman ni Lia. Sumangayon naman ang iba. Sinulat na ni Chaeryoung na tagapag.mana ni Joy sa pagiging secretary.

May mga kumunot ang noo at hindi na.gets agad ang sinabi ni Lia kaya naman inexplain pa ng kanyang girlfriend ang reference at tsaka nila naintindihan.

Bago matapos ang shift ay nafinalize na nila ang mga participants. Sina Wendy, Rosè at Nayeon nga sa singing contest. Sina Irene, Seulgi, Momo, Lisa, Yeji, Ryujin at Chaeryoung para sa dance compettition.  Sina Joy, Yuna, Yeji, Jeongyeon, Tzuyu, Sana,  Lisa, Mina, Chaeyoung, at Ryujin para sa sport events. At ang iba ay supporters ng teams. Nang matapos ang meeting, nagsilabasan nadin ang iba at uwian na.

******************************
Three weeks before the year end party, sa isang dance studio. Kasalukuyang nagpapractice ng sayaw sina Lisa, Momo, Seulgi, Ryujin, Yeji, Chaeryoung at Irene habang pinapanuod sila ng kanilang mga partners except Rosè na kasama ang kanyang kapatid na si Alice para magpacheck up. Si Wendy at Chaeyoung pa din ang in charge sa pagmix ng music after nila mapagusapan ang mga kantang gagamitin.


"And punch. recoil. ikot. pose. left kick. right kick. wave and drop" sabi ni Seulgi habang nakaharap silang pito sa salamin. Ilang ulit pa nilang ginawa hanggang magsabay sabay sila bago sila nga.announce ng break. Kanya-kanyang lapit sa partner except Lisa na dumiretso na sa smoking area.

Hindi rin nagtagal ay sumunod na ang iba.

“Ilang months na ulit si Rosè?” tanong ni Seulgi pagbukas ng bottled water.

“Five months tol. Pwede na malaman ung gender pero usapan namin next month na lang kasi wala lang” sagot naman ni Lisa.

Nagbilang sa daliri si Momo bago nagsalita. “So April baby pala. Pwede tayo mag.baby shower tapos isabay natin sa birthday mo Lisa”

“Ay oo pwede!” pagsangayon naman naman ng iba.

Nagkatinginan si Wendy at Irene, alam na pareho ang iniisip.

“Sagot na naman ang gastos sa baby shower” sabay na sagot ng WenRene.

Nagdiwang naman ang tropa. Pagkatapos magyosi ay bumalik na sila sa loob at tinuloy na ang pagpapractice.

******************************
Two weeks before the party, ang mga singers naman ang nagpapractice sa bahay nila Wendy. Nagpagawa ng maliit na music studio sa may garden si Wendy at gamit na gamit ito.

Si Chaeyoung at Jennie ang mga producers nila at ang magdedecide din kung maganda o hindi yung mag adlib na gagawin nila sa kasalukuyang kantang ineensayo.

“Can we do one more? Di namin ramdam yung sakit eh” sabi ni Chaeyoung.

“Hindi mo talaga mararamdaman yun dahil hindi naman namin na-experience yung nangyare sa kanta” iritang sagot naman ni Nayeon.

Nagtinginan ang dalawang producers. As if nguusap mentally kung anong gagawin. Hindi naman kasi nila maintindihan bakit “Hugot” ang theme para sa singing contest eh sa Christmas / Year End Party gagawin. Pero they think they found the perfect song na din para sa theme. Siyempre kanino pa ba kukuha ng mga hugot songs eh di kay ate mo Moira.

“O sige, situational tayo. Imagine yourself not being with your partner or wives right now. Hindi kayo nagkatuluyan, may ibang gusto pala in the end si Jeongyeon, TL Irene at Lisa. Kayo yung current pero habang kayo ang magkasama sa araw araw, ramdam niyo na may ibang tinitibok ng puso yung mahal niyo at lalong hindi na nagiging masaya yung pagsasama niyo”

Habang nageexplain si Jennie, hindi napigilan ni Rosè ang pagtulo ng luha niya. Sabi nga nila, pag buntis, heightened ang emotions kaya napatigil sa pagsasalita si Jennie. Agad din namang niyakap ni Wendy si Rosè.

“Situational lang sis. Para mas dama yung emotion sa pagkanta” pagbawi naman ni Jennie.

“Sorry guys. I’m okay” sagot na lang ni Rosè sabay punas ng luha gamit ang tissue na inabot ni Chaeyoung.

Nang makasigurado na ang iba na okay na nga talaga siya, nagtuloy na sila sa pagpractice. At effective nga ang ginawa nila Jennie dahil mas masakit at mabigat na sa pakiramdam ang pagkanta ng tatlo. Damang dama mo iyong buhos ng emosyon kahit hindi naman talaga nila naranasan yung kwento ng kanta.

******************************
One week before the party, lahat ay nasa bahay nila Wendy at Irene para sa last minute practice. Dun na lahat dumiretso after ng shift at sa gabi ay may inuman na naman sila - impromptu team building dahil matagal nadin hindi nagagawa.

In a span of two months, marami na nagbago sa kanilang bahay. Kasama na dito ang ilang additional two rooms, music studio at ang secret room (no further details baka magalit ang may ari ng bahay).

Katatapos lang magluto ng agahan si Wendy at ang kanilang kasam-bahay na si Ate Marie at naka-abang na sa dining table ang team. Buffet style ulit dahil hindi naman sila kasya dun. Naghanda sila ng pancakes, eggs, bacon, longganisa, garlic fried rice, at hot pandesal. Nakapila na ang lahat at nang magbigay na ng go signal si Wendy, nauna na naman ang mga malakas kumaen less one, dahil si Lisa ang rep ni Rosè sa pagkuha ng pagkaen nila.

Kanya-kanyang pwesto naman after, yung iba nasa dining table, yung iba nasa may sala at yung iba nasa garden. Halatang mga gutom ang lahat at walang naguusap kaya tanging ang bgm lang ang naging ingay kasama na ang mga kubyertos.

Now playing: Mago by GFriend

Nang matapos ang lahat, tamang pagpapababa muna ng kinaen kaya ang iba ay nanuod na lang ng tv at ang iba ay siyempre nag.yosi.

******************************
“Nakapagdecide na po ba kung anong costume?” tanong ni Ryujin habang kumukuha ng stick ng yosi.

“Di pa nga eh. Tanong natin sila Joy mamaya. Sila kasi naka.toka dun ehh” sagot naman ni Seulgi.

“Excited na ako marinig yung kanta. Like I know the song pero siyempre iba padin yung dating ng cover ng main vocals natin” sabi naman ni Jeongyeon.

“Siyempre kasama jowa mo dun ehh” sagot naman ni Chaeyoung.

“Oh course. Proud girlfriend here”

“San nga ulit venue ng party? And may plans na ba after?” tanong naman ni Jisoo.

“SMX daw tayo this year. As for the after party, waley pang napapagusapan. Pwede naman dito na lang ulit. Mahirap na lumabas at may kasama tayong buntis”  sagot ni Wendy.

“Ay onga pala. Alis na lang tayo agad after ng party” sabi ni Chaeyoung.

Pagkatapos nilang magyosi ay bumalik na sila sa loob at na-clear na din ang espasyo sa sala para sa kanilang practice. Naka-set up na din ang camera para kuhaan ng video ang mga performances.

******************************
Day of the party, 11 AM, abalang naghahanda ng tanghalian si Wendy para sa tropang nag-sleep over para sumabay sa kanila papunta sa venue. Saktong kakapatay lang niya ng stove nang pumasok sa kusina ang kanyang asawa.

“Good Morning Nie. Did you sleep well?” bati ni Wendy pagkatapos niyang maghugas ng kamay. Humalik ito kay Irene na yumakap sa kanya, halatang antok pa.

“You woke up really early. I panicked nung wala akong katabi” sabi naman ni Irene, with matching pa-baby ng boses.

“Aww. Sorry po. I love youuuuuuuuu”

Hinigpitan lang ni Irene ang pagkayap niya bago sumagot. “I love you more”

“I love you always and forever”

“Aga naman pong lambingan niyan” sabi ni Joy pagpasok niya ng kusina at nadatnan ang mag-asawa. Hindi pa din kumalas si Irene kaya naman ang tropa na ang nag-ayos ng lamesa.

Nang handa na ang lahat, nagsimula na silang kumaen. At nang matapos ay nagsi.ligo na ang iba at maaga ulit ang call time sa venue ng mga performers. Hindi man sila lahat ngayon ay kasali sa competition, full support padin ang buong team.

By 2PM, nakasakay na sa kotse sina Joy, Seulgi, Sana, Tzuyu, Momo at Dahyun. At nang makasiguro na wala na silang naiwan, nagsimula na magmaneho si Wendy. Nakarating sila SMX at tamang antayan na lang sa iba pa nilang tropa.

Sumunod na dumating sina Lisa at Rosè na kasama sina Jennie at Jisoo. At hindi rin nagtagal ay dumating na din sina Nayeon, Jeongyeon, Mina at Chaeyoung at ang huling dumating ay sina Yeji, Chaeryoung, Lia, Ryujin at Yuna. Nang makumpleto, pumasok na sila sa loob, nagparegister at naghanap na ng mapwepwestuhan. Malaki ang venue kaya may designated places sa likod ng malaking stage na naka.set up sa harap ang performers. Andoon na ang combined team nila Tl CL at TL Dara at may mga bagong mukha sa line up ng performers nila.

Tech rehearsals went smoothly as planned and the gang is now just taking a rest before they prep for the party. May ibang sumama sa bahay nila Chaeryoung at ang iba ay sa bahay ni Yuna para makiligo na din at ang iba tulad nila Wendy, Irene, Rosè, Lisa, Joy, Seulgi, Jennie at Jisoo ay nagbook ng dalawang mumurahing room to do the same.

BVTI group chat...

wendy: guys. balik na by 630pm.

ryujin: noted po.

yeji: copy.

chaeyoung: ayt

jeongyeon: kk

******************************
Nagsimula na ang party at abang na abang lahat para sa mga performances ng bawat team. Since may bagong agents sina TL CL at TL Dara, inaabangan din ng mga tenured ang kanilang mga talents. The usual raffle and awarding went on, at pagdating ng dinner time, nauna na naman sa pila ang mga usual.

"Nie, I was just reminded that you should use your prize already otherwise, mageexpire na yun. Nasabihan ko na din si Lia about hers" bulong ni Irene kay Wendy pagkatapos nilang kumuha ng pagkaen.

"Kulang pa po kasi leave credits ko nie" sagot naman ni Wendy na naka.pout.

"File mo na lang na LWOP yung ibang araw. Sayang din kasi yung trip na iyon"

"Let's plan the trip first po. Check saan tayo pupunta"

"Okay sure"

******************************
The host went back on stage at inannounce na, the competition will start. Inulit muna ang mga criteria for judging at ipinakilala ang mga magiging judge. Tinawag na lahat ng participants para pumunta ng back stage at sunod sunod na ang line up.  Sa draw lots na nagawa kanina, mauunang magperform ang Team Seung-hyun then Team JB, Team CL & Dara, Team Sunmi and Team Irene. May pa.raffle pa muna ulit bago sinimulan ang mga sayaw at kanta.

Pagtapak pa lang sa stage ng Team Seunghyun naghiyawan na agad ang karamihan. Mapa.tenure or newbie kasi may itsura. Anjan sina Jisung, Daesung, Taeyang, Seungri at ang mga bago nilang ka-team na sina Yedam at Yoshi. Iba ang mga tindig pag nakatapak na sa entablado at hindi rin nagtagal ay tumutugtog na ang kanilang music. A lot of people were grooving along halos hindi na marinig ang music sa lakas ng hiyawan ng ibang officemates.

Natapos ang performance at umakyat na ng stage ang Team CL & Dara habang bumababa ang naunang team. Kahit mostly newbies ang mga participants, like aside from Minzy and Bom, hindi papatalo sina Karina, Winter, Giselle at Ningning, mukha namang mga batikan sa pag.perform dahil angas agad ang itsurahan. Magaling din silang sumayaw at marami din ang nagchcheer sa kanila.

Sunod na magperform ang mga tenured sa company na Team Sunmi. Wala ding kupas ang kanilang galing sa pagsayaw at tuwang tuwa ang mga boss sa kanila. Anjan sina Suzy, Hyuna, Hyerim, Fei, Jia at Min. Nang matapos ang performance nila, umakyat na din sa stage ang sunod na grupo - Team JB.  Isa pa ito sa mga inaabangan dahil malalakas din pagdating sa sayawan. Pwede na gumawa ng boy group sina Bam, Mark, Jackson, Hyunjin, Felix at Chan. Maloko din lahat kaya pagtapak pa lang ng stage, kanya-kanyang taas ng damit para mapakita ang mga abs. Tilian na naman ang karamihan.

At syempre, last but definitely not the least, ang reigning champion - Team Irene. Dahil sila ang may hawak ng korona, nakatutok ang lahat sa performance nila. Pumuwesto na sila pagakyat ng stage at sa dami ng naghihiyawan, mas malakas pa din ang mga boses ng sarili nilang team mates. Nag-dim ang lights at nagsimula ang music.

“WOOOH! REIGNING CHAMPS IN THE HOUSE!” malakas na sigaw ni Jeongyeon.

“LET”S GET IT ON TEAM!” suporta naman ni Yuna.

“PANALO NA ITO!” dagdag pa ni Sana.

******************************
Nang matapos lahat ng dance performance, inannounce ng host na magsisimula na din ang singing competition kaya tinawag na lahat ng representative ng bawat team. Sa draw lots na naganap, mauuna naman ang Team JB, na susundan ng Team Sunmi, tapos Team Irene, Team Seungyun at panghuli ang Team CL & Dara.

May ilang rounds ng raffle muna bago pinaakyat ng stage ang unang kalahok na sina Jinyoung at Seungmin. Kinanta nila ang classic Brian McKnight song na One Last Cry. Sumunod ang Team Sunmi at ang mga representative nilang sina Suzy and Fei na kumanta ng When We Were Young by Adele. Sunod na ang Team Irene at ang mga representative nilang sina Wendy, Nayeon at Rosè na kumanta ng Paubaya by Moira Dela Torre. Sinundan sila ng Team Seungyun with Jisung and Yedam na kumanta ng Huling Sandali by December Avenue at ang panguhuling nagperform ay ang Team CL & Dara with their rep Ningning and Bom na kumanta ng Ashes and Wine by A Fine Frenzy.

After ng lahat ng performances ay may special performance muna ang mga boss kasama na dun sina Boss Boa, Boss Taeyeon, Boss Tiffany, Boss Jessi, Boss Siwon at Boss Leeteuk. Kumanta din sila ng mga dalawang kanta at lahat ay nagtayuan para maki-jam. Nang humupa ang hype, bumalik na ang host sa stage at nag-announce na ng winners para sa lahat ng competition na naganap. Binigyan ng mga medals ang nag-first place at champion sa Basketball, Volleyball at Badminton Tournaments. Kabilang na dun ang Team Irene na nag.first place sa Badminton at nag-champion sa Volleyball.

Dumating na ang pinaka.aabangan ng lahat, ang awarding ng dance and singing competitions.

“I’m sure everyone’s excited to know who won this year. It’s really great seeing employees who step up to these competitions and it gets more challenging for the judges each time as every team is very competitive” sabi ni Boss Boa. Tamang pagpa.delay ng oras dahil hindi pa finalize ang scores from the judges. May ilan pa siyang mga sinabi at nagparaffle pa din muna para sa grand prize na napalanunan ng isang taga-Team JB.

Bumalik na ang host sa stage at hawak na niya ang results.

“Are you guys ready?” sabi nung host sa lahat at kanya-kanyang cheer na sa mga teams nila. “For the dance competition - ” tinignan muna ulit ang card na hawak para siguardo “second place goes to: Team CL & Dara!”

Nagpalakpakan ang lahat at nagtayuan na mula sa kanilang table ang mga participants ng team. Picture taking kasama ang mga boss kasama ang prize nilang 15K

“First place goes to: Team JB!”

Nagtalunan paakyat ng stage ang mga hyper na loko at nagpapicture hawak ang prize nilang 20K.

Pagbaba ng Team JB, nagsalita na ulit ang host. “This year’s dance competition is really tight with the scoring, with only 1 point difference - ” tumingin ulit sa card “And the grand winner for this year’s dance competition is….none other than our reigning champion: Team Irene!”

Malakas na sigawan ang nadinig na muntik ng umover power pa sa background music mula sa table ng Team Irene at dali-daling umakyat ng stage ang mga dancers. Ngiting tagumpay na nagpapicture hawak ang kanilang prize na 25K at ang malaking trophy.

Hindi pa dun nagtatapos ang awarding dahil pagkatapos ay inannounce na din ang top three sa singing competition.

“Second place goes to Team Seunghyun”

“First Place goes to Team Sunmi”

“Grand Winner goes to Team Irene”

In the end, nakapaguwi ang Team Irene ng 50K at dalawang malaking trophy. Wala man nabunot sa kanila this year para sa raffle, tiba tiba naman sila sa prizes ng competitions, isama na ang prize money para sa team sports.

Party mode na lahat pagkatapos ng mga awarding pero dahil mas gusto nilang sa bahay na maginom, nagpaalam na sila sa mga bosses at dumiretso na sa kanya-kanyang mga sasakyan para pumunta sa bahay ng WenRene.

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
88 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1691 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
88 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡