Batang X

Pag May Alak, May Balak

Timeline: January


On the way sa OB-GYNE sina Lisa at Rosè para sa weekly check up ng kanilang baby. Six months na ngayon si Rosè at tulad ng napagkasunduan nila, ay gusto na nilang malaman ang gender ng kanilang magiging anak. Napagusapan na din nila in passing ang ilang mga baby names. May isang list para sa girl at may separate list para sa boy. Wala naman din masyadong complication sa pagbubuntis ni Rosè other than still having morning sickness and extreme cravings (na kahit ang mga ayaw niya dati ay kinakaen na niya ngayon) at wala namang reklamo si Lisa. Sabi nga di ba, 'Happy wife, Happy life'. Kaya naman kahit dis-oras ng madaling araw pag wala silang pasok ay lumalabas si Lisa para maghanap ng kinacrave ng asawa.

"I'm excited to know if you're a boy or a girl" masayang sabi ni Rosè habang hinihimas ang kanyang belly. Hindi naman mapigilang ngumiti ni Lisa at gumaya na din habang naka.stop sila.

"Whether you be a boy or girl, your mommy and I will love you very much" dagdag naman ni Lisa.

Nagtuloy na sa byahe ang dalawa pag.ka.go ng traffic light at hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa hospital.

The standard procedures followed, and the moment of truth arrived.

"As I understand, you now would like to know the gender of your baby?" tanong nung OB at parehong tumango ang magasawa habang magkahawak ng kamay.

Inayos ng doktor ang doppler ultrasound scanner na nakapatong sa belly ni Rosè at ilang sandali lang ay parehong napasinghap ang magasawa.

******************************

Timeline: February


Abalang nagaayos sina Lisa at Alice sa kanilang bahay para sa combined birthday ni Rosè and gender reveal ng kanilang baby...  Walang sinabihang iba sina Rosè at Lisa sa tropa para may suspense.

"Ilan nga ulit yung sure na makakapunta sa mga kaibigan niyo?" tanong ni Alice kay Lisa. Siya kasi nagaayos ng mga plates and utensils.

Chineck muna ni Lisa ang kanyang phone para sa mga nag.confirm sa invite nila.

"17 po ate" sagot nito.

Hindi makakasama ang WenRene at JinLia dahil parehong out of the country. Ginamit na din sa wakas ang mga napalanunang trips nila Wendy sa Europe at Lia sa Japan.

Si Rosè naman ay kasalukuyang natutulog dahil napagod sa extra curricular activity nila the night before.

"Anong oras dating nila Chef?" tanong ulit ni Alice.

"On the way na daw po sila. Dala na din yung mga food"

Nag okay sign na lang si Alice at tinuloy lang ang pagaayos.

By 2 PM, sabay na dumating ang parents ni Lisa at Rosè kaya naman ginising na ni Lisa ang asawa.

"My, the folks are here" lambing nito na paggising kay Rosè.

"Five minutes pa Dy" antok na sagot naman ni Rosè kaya naman ay humalik na lang muna si Lisa sa lips ni Rosè at pagkatapos ay humalik na din sa belly nito bago bumaba ulit.

Pagdating niya sa sala ay andoon na din ang ilang tropa.

"Yo!" bati nito kina Jisoo, Jennie, Mina, Chaeyoung, Nayeon at Jeongyeon na hating naka.pink at blue na suot.

"Tulog pa si Rosie?" tanong ni Jennie at tumango na lang si Lisa. Lumapit naman si Jisoo at bumulong.

"Pinagod mo na naman noh?"

Nagtaas baba na lang din ng kilay si Lisa.

Maya maya lang ay nagsidatingan na din ang iba pang mga kaibigan kaya ginising na talaga ni Lisa si Rosè.

Nag.set up din ng zoom meeting para kasali pa din sa celebration ang mga nakabakasyon na tropa.

******************************
Nakapaikot na sa lamesa ang lahat at nakasindi na din ang kandila sa cake. Si Mama Park ang nag.lead ng prayers bago sila nagkantahan para sa birthday celebrant.

"Make a wish na" sabi naman ni Alice.

Pumikit si Rosè ng ilang sandali bago niyang hinipan ang kandila. Nagsimula na din silang kumaen afterwards.

Habang kumakaen ay may nag doorbell kaya si Lisa na ang lumabas. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang kahon.

Wala man nakapansin pero ang WenRene ay napangiti ng malaki. Sa kanila ata galing yung regalo.

"My, may pahabol na regalo sayo" sabi ni Lisa at inabot na kay Rosè ang box kasama na din ang gunting.

Dahan dahan niyang binuksan at bumungad sa kanya ang isang stylish bag na double as a baby bag na din.

 

"So you can go out in style" sabi dun sa card na kasama.

Gusto man magtatatalon sa tuwa ni Rosè ay di niya magawa kaya naman naka.ilang hampas na lang siya kay Lisa. It turned out kasi na she was eyeing to buy it online and nabanggit niya ito kay Irene one time. Kaya naman binili na ng WenRene at pinadeliver since wala sila dun to physically give it.

Matapos kumaen ay sa sala naman pumwesto ang lahat para sa susunod na ganap.

Sa isang table ay may nakapatong na cake out of cupcakes na halo ng pink at blue din para in line sa celebration. Si Alice ang host at may pre-games din. May isang oras din silang naglalaro bago simulan ang pagreveal.

Nag.photo shoot kasi ang magasawa the other day at naghanda talaga sila ng presentation.

Lahat nakatutok sa screen, hiwalay ang mga naka.pink at naka.blue sa magkabilang side. Mas maraming naka.pink dahil sabi nila, glowing daw si Rosè. At ang mga naka.blue ay ang katwiran naman ay, 'why not?'. Excited na ang lahat at tuwang tuwa sa mga pinaggagagawa ng dalawa sa photo shoot nila.

 

We enjoyed our time when it was us just two, but now it's time for us to welcome you.

 

 

 

 



We chose the colors pink and blue cause we don't know which one should represent you.

 

 

 

 



We are all excited to meet you.... Baby 1 and Baby 2!

 

flashback...

Sabay na napasinghap si Rosè, Lisa at mismong doktor nila dahil hindi lang isa kundi dalawa ang nakita nila ngayon sa ultrasound. It turned out na all along ay natatakpan ni baby number 1 ang kanyang kambal kaya naman hindi nadedetect nung una.

end of flashback...

 


"OH MY GOOOODDD!!!!!" malakas na sigaw ng parents nila pero hindi pa tapos ang video.
 

Now that you know that there two, we're happy to let you know that no one won, cause it's Pink and Blue!
 

At pinakita ulit ang isa pang picture nila with the sonograms na encircled na ang indication kung sino ang boy at girl.

Lahat ng bisita ay nagtatatalon sa tuwa kahit walang nanalo sa bet nila. Walang nagexpect na kambal ang magiging anak ng ChaeLisa. Kaya naman ay iyak na din ng iyak ang mga nanay nila dahil sa double blessing na ito.

"tttt! May apo na kami! Kambal pa!" masayang sabi ni Papa Park. Slight pang asar sa panganay dahil mas pinili pa munang magfocus sa kanyang career.

Kanya-kanyang pag.congratulate ang tropa kina at Lisa miski ang mga nasa abroad. Sunod na game ay ang paghula ng due date ni Rosè at kung babae or lalaki ang magiging panganay. May pot money pero dapat parehong pareho sa kalalabasan. Naglabas ng malaking gawang calendar si Alice at nagbigay ng mga sticky notes sa bawat isang bisita.

Matapos ang masayang celebration na inabot hanggang gabi dahil birthday pa din naman ni Rosè ay naginuman na ang tropa at umuwi na din ang mga magulang nila at si Alice.

"May mga naisip na ba kayong names?" tanong ni Momo.

"Meron na pero need i.update kasi nung ginawa namin yun akala namin isa lang" sagot naman ni Rosè na nakikipulutan lang.

"Pwede din ba kaming magsuggest?" tanong naman ni Tzuyu.

"Walang problema. Suggestion lang naman eh" sagot naman ni Lisa.

Nagtaas ng kamay si Chaeryoung (recitation na naman ata ang peg).

"Pag girl po ang una, naisip ko lang is, Hannah. Kasi in korean, hana is one. Pag sa boy wala akong maisip"

Napangiti si Rosè. "Naisip din namin yang actually"

Tuloy lang sa pagbigay ng mga suggestions ang tropa habang nagiinom. Naka.tatlong bote lang sila dahil hindi pwedeng mapuyat si Rosè kaya naguwian na din pagkaubos ng mga iniinom.

Nang maiwan na ang magasawa ay bigla namang hinawakan ni Lisa ang mga kamay ni Rosè at sinimulang halikan ang asawa mula sa noo pababa sa kanyang belly at lumuhod na din.

"Mahal na mahal ko kayong dalawa pati na ang mommy niyo. I'm so ready to meet you two" sabi ni Lisa. Bigla namang naiyak si Rosè sa saya ng nakikita niya.

"We're gonna be parents real soon Dy"

"I know My. I can't wait na. Like legit. I know it's gonna be one hell of a ride. But we are in this together. We're gonna spoil them crazy and knowing our friends, ganun din gagawin nila"

" WenRene pa lang eh. Geez naiisip ko pa lang yung price nung regalo nilang bag"

"Bakit di mo sinabi sa akin na gusto mo iyon?" naka.pout na tanong ni Lisa.

"Dy, wala kasi sa budget natin iyon. Pabiro ko lang kayang sinabi yun. Malay ko bang tototohanin ni TL"

"Buti na lang pala uni yung mga nabili nating gamit noh? Pero we need to buy specifics na by next month"

"Any plans on your birthday?" tanong ni Rosè.

Naisip agad ni Lisa ang baby shower na binabalak gawin sa birthday niya next month.

"Hmm. Wala pa naman. We can't do out of town kasi delicades na yun. Sabi nga ni dok since kambal may possibility pang mapaaga ang labas nila"

"I know. So chillnuman?"

"Wow. Sayo talaga galing ang chillnuman ah eh namumulutan ka lang naman talaga"

"Masarap kayang kumaen"

"Oh I know"

"Gusto mo bang kumaen?" sabi ni Rosè sabay angat baba ng kilay.

At dahil jan, kuha naman agad ni Lisa ang ibig sabihin nito kaya binuhat na niya paakyat ng kwarto nila.

******************************

"Mmmmmmmmm!"

"Ang sarap talaga!"

"Kaen ka pa ng madami"

"With pleasure!"

At bumalik na sila sa pagkaen ng ice cream.

 

******************************

Dahil hindi na.solo ni Lisa ang kanyang asawa sa mismong araw ng birthday nito, maaga siyang nagising the next day para ipaghanda ng almusal si Rosè. Nakaharap siya ngayon sa kitchen table at kasalukuyang naghihiwa ng bawang at sibuyas. Ginawang warning system ni Lisa ang apat niyang pusa just in case maaga din magising ang asawa.

“Leo, baba ka agad pag lumabas ng kwarto si Chaeyoung ha. Ikaw Luca, mag.slide ka jan pag nakita mo si Leo. Lily, ikaw naman magingay ka pag nakita mo sila. At ikaw Louis” tinignan ni Lisa ang paboritong pusa ni Rosè na kasalukuyang dinidilaan ang sarili. “Jan ka na lang Louis. Busy ka ata eh”

Nang tipong naintindihan ng mga pusa niya ang instructions, nagtuloy na siya sa ginagawa niya. Nairaos niya ang pagluluto ng special breakfast at sinamahan pa niya ng plating at inilagay sa tray at may vase ba na may lamang sunflower bago siya nagayos ng sarili at umakyat papunta sa kwarto nila. It’s already 10 AM and eto ang usual na gising ni Rosè kaya naman ay dahan dahan pumasok ng kwarto si Lisa at inilapag sa side table ang tray na hawak. Sunod sunod lang sa kanyang pumasok ang apat na anak nito na tila inaabangan ang pagkaeng ibibgay sa kanila.

“Shush guys! Ako manggigising sa kanya” pabulong na sabi ni Lisa kina Leo, Luca, Louis at Lily. Natural na malikot ang kanyang mga anak kaya naman ay yung dalawa ay paikot ikot sa kanyang paa at yung dalawa ay umakyat na sa kama nila na nakapanggising kay Rosè. Habang abala si Lisa sa pagpapatahimik sa kanila, hindi niya napansin na nakatingin at nakaayos na ng upo ang dapat na gigisingin niya.

Nang kumalma na ang apat na pusa at humarap na si Lisa kay Rosè ay siya pa ang nagulat dahil gising na ito.

“Busy morning?” asar na bati ni Rosè kay Lisa.

Napakamot na lang ng ulo si Lisa. “Luh. Bakit gising ka na?”

Natawa na lang si Rosè sa itsura ng asawa. “Ang ingay mo kaya Dy and bakit mo pinapagalitan si baby Louis?””sabi niya habang pine.pet ang paboritong alaga.

“My, ang laki laki ni Louis, hindi na baby yan” sabi naman ni Lisa while trying to get the cat out of the bed. Rosè smacked her hands as she let Louis cuddle with her.

"Dito lang siya"

At nang makita ng tatlo pang mga pusa ang ginagawa ni Rosè sa kanilang kapatid ay nagsilapitan na din sila sa kanya at lalong nawalan ng pwesto si Lisa.

"So what's with the breakfast in bed Dy?" nakangiting tanong ni Rosè habang alternate niyang pine.pet ang apat na anak.

Bumuntung hininga na lang si Lisa dahil wala na siyang magawa.

"Was planning on surprising you with it pero the kids failed to help with the surprise"

"Aww ang sweet naman ng asawa ko. Pero tapos na birthday ko"

"I know pero hindi kita na.solo kahapon. We were busy with our guests and the gender reveal"

"We can still go out later you know. Maaga pa naman. Pakainin mo muna sila para makakaen na din tayong dalawa"

At ganun na nga ang ginawa ni Lisa. Tinawag niya sina Leo, Luca, Louis at Lily para bumaba ng kama at sumunod sa kanya para mabigyan na sila ng pagkaen. Rosè then took the time to take a shower.

******************************
Na.lock na ang pintuan ng bahay at dumiretso na sila sa sasakyan para sa post birthday plans ni Rosè. Despite the failed surprise for breakfast, ang nasa isip na lang ni Lisa ay masunod lahat ng iba pa niyang plano for the day.

"So where are we going?" tanong ni Rosè kay Lisa pagkastart ng sasakyan.

Napangiti si Lisa. "That's for me to know and you to find out My"

Sumimangot si Rosè pero hinayaan na ang asawa sa kung saan ang pupuntahan nila.

However though, Rosè may not show it upfront but she experiences some discomfort every now and then. Ever since nalaman na kambal ang magiging anak nila, mas dumadalas ang paggalaw nila at every time mangyayare iyon ay para bang nasusuntok si Rosè pero dahil nagmamaneho si Lisa, at kilalang kilala niya ang kanyang asawa ay hindi pwedeng hindi magworry iyon kaya hindi niya ito pinahalata. Wala siyang ideya kung saan sila pupunta kaya she just hopes na kumalma muna ang kambal.

After thirty minutes, nakarating na sila sa kanilang destinasyon at nanlaki naman agad ang mga mata ni Rosè dahil matagal tagal na din silang hindi nakakapunta dito.

Namimiss na niya makakita ng iba't ibang fishies at dahil excited siya, excited din ang mga dinadala niya. She knows it's not right but she had to put up an act na 100% okay siya dahil kita niya ang saya sa mukha ni Lisa. Nang makabili ng tickets ay pumasok na sila sa loob ng Manila Ocean Park.

Umabot din sila ng tatlong oras bago nagayang maglunch si Rosè kaya naman pagkatapos ng last attraction site ay naghanap na sila ng makakainan. They decided to just go to Mall of Asia para maraming food options. Nang makarating ay hindi pa din makapili si Rosè kaya ang usapan ay kung ano ang pinaka.unang makikita nilang restaurant ay papasok na sila.

Pagpasok ng mall, saktong may restaurant kaya pumunta na sila sa loob. Laking ginhawa naman kay Rosè ng makaupo ng maayos at kalmado na ang kambal. Binigyan sila ng menu at ilang sandali lang ay ready to order na sila.

"San tayo after Dy?" tanong ni Rosè.

"Are you tired na po ba My?" pabalik na tanong naman ni Lisa.

Rosè was hesitant to tell Lisa but she knows she has to.

"Dy, may sasabihin ako"

Seryoso ang mukha ng asawa kaya kinabahan si Lisa. Magkatapat sila pumuwesto pero napalipat sa tabi ni Rosè si Lisa.

"Ano po iyon?"

"Uhm. Parang abnormal kasi yung movement nila. Usually I would feel their kicks pagkagising ko or after kumaen or after ko uminom ng malamig pero lately mas napapadalas yung paggalaw nila. May times naman na wala akong maramdaman na movement. And…I’ve been having these headaches to the point na feeling ko sasabog na ulo ko. I'm worried"

Napanganga ng malaki si Lisa sa nalaman niya. "My bakit di mo sinabi sa akin?! Dapat pala sa OB tayo nagpunta today"

"You set plans today kasi Dy and I saw how excited you were kanina"

Yumakap si Lisa kay Rosè. "Mas importante yung health niyong tatlo My. After this punta na tayo sa OB. Message ko lang si Doc"

At iyon nga ang ginawa ni Lisa habang inaantay din ang food nila. Thankfully, available ang kanilang OB in an hour. Sakto din na dumating na ang food nila kaya kumaen na sila at tinake out na lang ang natira dahil baka matraffic pa sila.

******************************
Nasa loob na ulit sila ng sasakyan at parehong tahimik. Ang araw na dapat masaya silang magasawa sa post celebration ni Rosè ay nauwi sa matinding pagaalala ng dalawa.  

“Is it too early for you to file a maternity leave My?” tanong ni Lisa kay Rosè.

Nakadungaw lang sa labas ang kausap. “I think so”

“I honestly don’t like you going to work at this point. You think we can request for a work from home set? Para sa bahay na lang tayo pareho?”

Hindi sumagot si Rosè. At this point hindi niya alam kung ano dapat niyang isipin pero legit na sobra siyang kinakabahan at natatakot.

 

 

 

 

 

 

 

 

A/N: Delayed yung dapat double update. Sarreh na po. 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
winrina__09 #1
❤️❤️❤️
avocado_toast #2
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#4
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
72 streak #5
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1664 streak #6
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#7
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
72 streak #8
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#9
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡
Ot5langlakasam
#10
Chapter 60: Jensoo naurrrrr