Child's Play

Pag May Alak, May Balak

March came and with half of the team and tropa getting engaged, may internal pressure na nararamdaman si Jeongyeon.

Matagal na din sila ni Nayeon and they talk about their future from time to time. Jeongyeon knows na kahit hindi sabihin ni Nayeon eh may hint ng pagseselos ito sa iba nilang kaibigan. She sees it kasi everytime na magkakasama sila and the ones given the rings flaunts it. Nayeon would say na she's excited for the day to come na siya naman ang bibigyan nito.

Hindi sa hindi naman sigurado si Jeongyeon sa nararamdaman niya towards Nayeon. Kahit ba madalas silang aso't pusa kung magbangayan, at the end of the day, they won't sleep na may mga hinaing sila. So feelings wise, Jeongyeon is sure that Nayeon is the person she wants to spend the rest of her life with.

It's just that, hindi pa din enough ang nagiging ipon niya to buy the ring. Of course she wants a beautiful one to give her. She can always ask for help sa parents niya pero as much as possible, gusto niya na with her own money ang ipambibili nito. Kaso hindi rin kasi siya magaling mag ipon dahil madalas, napambibili niya ito ng mga stuff na ireregalo kay Nayeon or mga random things lang na nakita niyang sale na sa tingin niya useful sa bahay.

"Mga tol, mali bang napepressure akong ayain na din ng kasal si Nayeon?" sabi niya sa tropa. She's out with the other tops kaya nasa isang bar sila nila Wendy, Seulgi, Jisoo, Lisa, Chaeyoung, Ryujin, Yeji at Winter.

"Kind of? Pero I get where you're coming from" sagot naman ni Chaeyoung.

"You don't need to rush it naman pre. Mas okay yung alam mong ready na kayo pareho to take the next step" sabi naman ni Lisa.

"You don't really have to do it just because most of us are engaged or married. Take your time Jeong" input naman ni Wendy.

"Hindi magtatampo sayo si Nayeon kung hindi mo pa siya tanungin anytime soon. Enjoy what you two have right now and when the right time comes, I know she'll be over the moon when you ask her" sabi naman ni Jisoo.

Sabay sabay silang uminom sa mga baso nila at natawa pare-pareho.

"Tangina. Ang mature na natin magusap" sabi ni Seulgi.

"Parang kailan lang, puro kalokohan lang tayo sa tuwing nagiinuman noh?" entry naman ni Jisoo.

They went on reminiscing the good old days since may hindi rin makasabay sa mga kwento nila. At dahil gusto din nila Ryujin, Yeji at Winter maexperience ang mga iyon ay nagbalak na balikan ang mga ganap.


Una nilang pinuntahan ang apartment nila Seulgi at Joy. Wala naman din ang fiancé nito dahil magkakasama naman ang Team Bottom kina Irene.

Hindi pa itinapon ni Seulgi ang mga pinagdugtong-dugtong na lumang damit nila ni Wendy na ginamit nila noon para mag-lling kaya naman ay sinabit na nila ito sa gilid ng bahay.

Thankfully din, umalis na yung marites nilang kapitbahay kaya they won't be expecting a surprise visit from the barangay.

"Jeong, hawakan mong mabuti ahh" sigaw ni Jisoo galing sa baba at nag okay sign naman ang kausap.

Parang right of passage na din kina Ryujin, Yeji at Winter dahil among the people present, sila na lang ang hindi nakagawa nito.

Unang sumabak si Ryujin. Umakyat na siya sa ledge at humawak sa makeshift tali. Gin-auge muna kung matibay ba ang pagkakabuhol nito and with Jeongyeon's hold na magcocontrol nito, nag-lean back na siya at dahan dahang nag-l pababa.

Walang naging issue pagdating niya sa baba at kinamayan pa siya ng mga sumalubong dito.

 

Sunod naman na pumwesto si Yeji. Nahirapan pang umakyat sa ledge pero kinaya naman. She started her way down at wala ding naging problema.

Last na umakyat si Winter. Mabilis lang din siyang nakatuntong at inayos na ang grip sa tali. Bago bumaba ay nagpapicture pa siya sa nag aassist sa taas na si Lisa. After makuha ang shot, nagsimula na din siyang bumaba.

Okay na sana kaso napalakas ang buwelo niya at nag-loose ang kapit niya kaya naman tumilapon siya palayo sa pader.

"Hala gago!" malakas na sigaw ni Jisoo.

 

*****************************
Katatapos lang mag-spa night ng mga partners nila. Nagpa-home service na lang silang lahat at sa dami nila, the branch ng service na binook nila ay nag-close na for the day dahil lahat ng therapist ay ipinadala.

Mga bagong facial, foot spa, mani-pedi and massage ang team bottom kaya naman to end the day, they decided to have a movie marathon na lang.

"Can we watch some rom-com na lang?" tanong ni Joy.

"Ang corny naman nun. Mas maganda yung suspense" suggestion naman ni Sana.

"Ayoko nun please. Wala si Wendy dito" sabi naman ni Irene. "Unless okay lang sayong mabingi panandalian" tanong nito sa katabi na si Karina na mabilis namang umiling.

Nagpipipindot naman si Yuna while searching for a movie that would fit everyone's taste.

 

"Eto na lang" sabi nito at pinindot na nga ang play para sa napiling movie. Wala namang nagreklamo kaya umayos na lahat ng pwesto. Nasa opening credits pa lang, maririnig mo na ang ilang crunchy sounds galing kina Momo at Rosé na kumakain na ng pop corn.


*****************************
Saan napunta si Winter? Ayun, nilamon siya nung puno na katabi ng bahay. Agad namang sinilip ni Wendy.

"Winter? Ayos ka lang ba?" concerned na tanong nito.

Maya maya lang ay may narinig silang tumatawa.

"Tanginaaaaa. Help!" halong naiiyak na natatawang pagtawag ni Winter. Hindi kasi siya makagalaw sa pinagbagsakan niya.

Mabilis namang sumaklolo sina Seulgi at Ryujin na umakyat na din ng puno. Nang maibaba si Winter, tawang tawa pa din siya habang si Wendy naman ay chinecheck kung may sugat ba siya or anything.

May ilang gasgas galing sa mga branches at namumula ang likuran nito na siyang sumalo ng impact.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Yeji.

Nag-self check din siya and kinonfirm na wala namang nabali.

"Kinabahan kami sayo!" sabi naman ni Lisa na kakababa lang galing sa rooftop.

Siyempre ayaw din nilang malagot sa fiancé nito kaya naman after making sure na okay na siya they proceeded na with their next plan: bininyagan ang mga bago sa pagpunta sa isang patay sindi. Pero hindi muna nila sinabi ito.

"Bakit ang dilim naman masyado dito?" tanong ni Yeji pagkaupo nila sa isang table.

Hindi rin yung typical na EDM music ang pinapatugtog and they were waiting kung magegets nila kung nasaan sila.

Si Ryujin at Yeji ang nasa alay seats dahil nabinyagan na nga si Winter sa kalokohan nila kanina. Umorder na din sila ng dalawang bucket ng beer and waited for the show to start.

Lalong dumilim ang paligid at pagbukas ulit nito ay may mga babae na sa stage at nagsimula na ngang magsayaw. Instead na yung show ang panuorin ng iba ay yung magiging reaksyon nung mga alay ang inaabangan nila.

Kita nila yung mga itsura nila Ryujin, Yeji at Winter na namamangha sa nangyayare.

"May itsura si ate ah" sabi ni Winter habang nakanguso dun sa solong babae sa stage. Bumaba na kasi yung iba at nagiikot na nga.

Masyado silang immersed sa ganap at parehong nagulat ng sabay na may lumapit sa kanilang babae at gumiling sa harap nila.

"Ang cute mo naman" sabi ni girl 1 kay Yeji at napalunok na lang siya. She wasn't wearing anything on top din kasi.

Si girl 2 naman ay yung same girl na lumunod kay Chaeyoung and the same thing happened with Ryujin at natulala na lang talaga siya pagkaalis nito.

Pigil tawa naman ang tropa ng humarap ang dalawa sa kanila. Wala ng salita at pareho silang nagbigay ng middle finger sa tropa. Sabay sabay namang silang sumagot with a peace sign.

Nang maubos ang dalawang bucket ay umalis na din sila dun. Pero bago sila sumakay ng mga sasakyan ay nag yosi muna sila.

"Ang epic nung mga reaksyon niyo kanina" natatawa pa ding sabi ni Chaeyoung.

Asar na asar din yung tatlo sa kanila.

"Mahal ko pa po ang buhay ko. Ayokong mapatay ni Lia. Kaya utang na loob, huwag na tayo pumunta sa ganun" sabi ni Ryujin pagkatapos niyang mag punas ng mukha tapos nag-sspray na ng alcohol sa sarili. Hindi pa nakuntento at nagspray na din ng pabango.

"Same" tipid ba sagot ni Yeji na medyo tulala pa din.

Si Winter naman ay tawang tawa sa kanilang dalawa at napikon ng slight si Ryujin.

"Gusto mo din malunod? Tara balik tayo dun. Ikaw naman ihaharap ko" paghamon nito.

"No thank you. I can drown myself in my fiance so I exactly know the feeling"

Napa-'oooooh' na lang ang tropa, nag scoff na lang si Ryujin.


*****************************
"Bakit nila iniwan yung ibang dinosaurs?" sabi ni Irene na nagpupunas ng luha.

"Di na po kasi kasya dun sa ship tl. Tsaka one pair each kind lang talaga ata kukunin nila" sagot naman ni Dahyun.

"Nakakaawa yung Brontosaurus. Hindi na siya nakaabot. Kawawa din yung isang Velociraptor" sabi naman ni Rosé na umiiyak din.

Masyado siyang affected dun sa isang scene at hindi na niya napansin na lahat ay napatingin sa kanya.

"How in the world does she know their names?" Bulong ni Jennie sa katabing si Mina.

"Caius loves dinosaurs" mabilis na sagot naman ni Rosé na hindi rin nila alam paano niya narinig eh nasa magkabilang dulo sila ng couch.

*****************************
It was getting late na din kaya naman they decided na chillnuman na lang ulit so they went to another location at para makasigurong walang magiging issue sa partners nila ay sila na ang namili ng lugar.

They found a bar na may live band and everyone was okay with it naman so naghanap na sila ng mapaparkingan dahil medyo punuan ang lugar.

Naghintay pa muna sila ng mga ten minutes bago talaga nakapasok sa loob. They were given the menu and after giving their order, naghiyawan ang ibang customers sa pagakyat sa stage ng banda.

"Magandang gabi po sa inyong lahat. Kami po pala ang Gyeolee and here's our first song" pagpapakilala nung bokalista then the rest of the band started playing.


But you didn't have to cut me off
Make out like it never happened
And that we were nothing
And I don't even need your love
But you treat me like a stranger
And that feels so rough
You didn't have to stoop so low
Have your friends collect your records
And then change your number
I guess that I don't need that though
Now you're just somebody that I used to know

Somebody
I used to know
Somebody
Now you're just somebody that I used to know
Somebody
I used to know
Somebody
Now you're just somebody that I used to know
I used to know

They did two more songs before nagsalita ulit ang vocalist.

"Thank you so much for all the applause. We'll have one more song for our first set. And kung may request kayo, you can always tell one of the staff. Now, if you've noticed, there's a story behind the songs we played and are about to play. I fell in love once upon a time and obviously it didn't end well. This person also became the inspiration to the name of our band"

May series ng 'awwws' from the crowd. And from their table, may nanlaki ang mata na napatingin sa stage at may isang curious hamster na nagmamasid.

"We were both young and immature and didn't really understand the meaning of love. But then she met someone new and basically I was put on the sidelines. Until I was no longer anyone in her life. You wouldn't believe that someone as innocent looking as her would do something like that to someone. I also heard they're engaged now. So I guess, she finally grew up" she gave a signal to their keyboardist and started playing the song.

 

Looking so innocent
I might believe you if I didn't know
Could've loved you all my life
If you hadn't left me waiting in the cold
And you got your share of secrets
And I'm tired of being last to know
And now you're asking me to listen
Cause it's worked each time before

But you don't have to call anymore
I won't pick up the phone
This is the last straw
Don't wanna hurt anymore
And you can tell me that you're sorry
But I don't believe you baby
Like I did before
You're not sorry, no no

"Bitter lang si ate kasi hindi siya yung pinili" sabi ni Jisoo sa mga kaibigan.

"Kung sino man yung iniwan siya, siguro deserve din niya. Char" dagdag naman ni Jeongyeon.

"She sounded someone desperate for attention, honestly. I mean bakit kailangan pang ikwento yung ganun?" sabi naman ni Chaeyoung.

"She made it look like the person was a player and washed her hands with her own faults" biglang sabi naman ni Winter.

Napatingin silang lahat sa kanya.

"Teka. Bakit parang apektado ka?" tanong ni Seulgi.

Umiling lang ito and obvious naman na nawala siya sa mood. Sumenyas naman si Wendy na magtuloy lang sa sila uminom tapos inaya si Winter na magyosi. Sumunod naman siya kaya lumabas sila ng bar.

"Gusto mo ba lumipat na lang tayo?"

"Bakit?"

Tinignan lang siya ni Wendy.

"I mean, there's no need for that"

"Okay. They may or may not ask about why you said that. Alam mo naman sila, mabilis macurious sa mga bagay bagay"

Panandaliang nanahimik si Winter.

"Ganun pala niya kinekwento sa iba yung nangyari. That's different from my side of the story"

"Care to share?"

"Maya na lang para isang kwentuhan na lang"

They finished their cigarettes and went back inside. Sakto naman na magsisimula na din ang second set nung banda. As expected nga, nagtanong na sila tungkol dun sa comment niya kanina. She promised naman na she'll make kwento later.

******************************
At half past 2 AM, nag-bill out na sila at nagkayayaan namang magkape bago sila umuwi.

Pagkakuha ng mga order ay nag-abang na nga sila sa sasabihin ni Winter.

"I'm not sure if you caught it pero the name of the band kanina, which means Winter in korean. That was my nickname din when I was young"

"Ex mo si ate girl?" gulat na tanong ni Ryujin.

"Yes. Bago naging kami ni Karina, she was my girlfriend or at least I thought she was. Like she said, bata pa kami nun. Sixth or seventh grade, I think and she was my best friend prior to that. Galing kami sa all girl school so it was kind of natural na since we don't see any boys, sa same gender kami mag kagustuhan"

"Ay same. Exclusive din yung pinanggalingan namin ni Rosé" entry naman ni Lisa.

Nagtuloy ng kwento si Winter.


"So ayun, sort of peer pressure na din since most of our classmates and even the ones from the higher batches eh nagiging mag-on so we talked about it and nagkaaminan na we like each other. But then the school changed and became coed na. That was the same year that Karina came into the picture. She was a new student then and I realized na what I felt for my ex was way different from what I felt when I saw Karina. Andun yung fault ko na I got closer to her to the point na I would really spend time with her. Pero lahat yun, safe na labas. Like sasamahan ko siya sa library or bumili ng school supplies and such. What my ex forgot to mention kanina, is that she cheated first"

"Sabi na eh. May tinatagong baho yung babaeng yun" sabi ni Jeongyeon.

"Patapos pa lang ata kami mag-2nd year nun when rumors spread na may dalawang students daw na may ginawang kababalaghan sa isang cr sa school. And the way they described the girl was fitting kay ex. I didn't want to believe it at first pero hindi ko rin mapakitang apektado ako since hindi naman kami legal talaga. Then she had a pregnancy scare at dun siya umamin na siya yung isa sa mga involved sa issue"

"Malandi naman pala si ate" comment ni Jisoo.

"Tapos paano kayo naghiwalay?" tanong ni Yeji.

"Before we started our junior year, ako na nakipaghiwalay. I didn't see the point in staying in the relationship when she clearly has feelings for the guy. And the scare really came true kasi may nangyari ulit sa kanila kaya she had to stop studying din. And that's when we lost communication kasi lumipat na sila ng lugar"

"O eh bakit kung ibroadcast niya kanina eh kasalanan mo na naghiwalay kayo eh siya pala itong maharot" inis na komento ni Seulgi.

Pagkaubos ng mga kape nila ay nagkaayaan ng umuwi. Nung pasakay na nga dapat sila ng mga sasakyang dala ay may sumigaw na babae.

"Gyeullie!"

Lumingon naman agad ang tinawag. And she regretted it right away. Nagmadali naman maglakad papalapit yung babae.

"Oh my gosh! I can't believe you're here"

Tinignan lang siya ni Winter.

"Eto naman parang hindi mo ako kilala" sabi ni ate girl with matching slight hampas sa balikat.

"Sorry po ate. Naaksidente po kasi ako recently at nagka-amnesia po ako so may mga bagay po akong nakalimutan" sagot naman ni Winter while subtly showing yung mga gasgas na nakuha niya kanina.

Napanganga si ate girl. "Oh my god! Are you okay?" tanong nito at lalong lumapit na nga sa kanya at hinawakan pa ang ulo.

Nag-step back naman si Winter. "Magaling na po ako pero hindi ko pa rin po kayo naaalala. Pasensya na"

Bago pa makasagot ulit si ate, sumakay na siya ng sasakyan. Isa isa naman silang nag start magdrive paalis sa coffee shop.

Nung medyo nakalayo na sila, in sync silang nagtawanan ng mga kasama niya.

"And the best actress goes to.... Winter Kim! Tangina LT ka dun pre" sabi ni Chaeyoung na kasama niya sa car.


May dumating na request for a video call galing kay Seulgi

"Lakas maka-amnesia girl nung ganap kanina" sabi ni Wendy.

"Pwede ba lumabas sa team b?" tanong naman ni Lisa.

"G lang. I don't know what came over me to say that pero meh effective naman. May magandang naidulot pala yung pagkalaglag ko kanina sa puno" sagot naman ni Winter.

"O siya, kita kita na lang sa bahay"

******************************
Pagdating nga nila ng bahay ay gising na gising pa din ang lahat ng partners nila at nanunuod ng movie. They were so engrossed in watching na hindi nila napansin ang mga pumasok ng bahay.

All of them waited until lumabas ang ending credits bago sila isa isang lumapit.

"Ano ba yan amoy alak!" reklamo ni Nayeon pagtabi ni Jeongyeon.

"Bakit ang dumi ng tshirt mo babe?" tanong naman ni Joy kay Seulgi na may malaking stain ng kung anong pagkain o inumin sa damit.

"Nie, maligo ka muna please. I can smell you from here" sabi ni Irene bago pa makalapit si Wendy.

May hinalungkat naman sa bag ni Ryujin si Lia. "Bakit paubos na ito? Kakabili lang natin nito ah"

"What the hell happened to you jagiya??" napalakas namang tanong ni Karina making everyone look at their direction.

Winter smiled sheepishly before answering. "Initiation rights jagiya"

Kumunot naman ang noo ni Karina while the rest ay kanya kanyang hampas o batok sa partners.

"Mga hayop! Inulit niyo yun?" inis na tanong ni Nayeon. "Dinamay niyo pa talaga itong tatlo sa kalokohan niyo?"


"Right of passage nga kasi yun" mahinang pagrarason pa ni Chaeyoung at tinignan lang siya ng masama ni Mina.

"I don't understand" sabi ni Chaeryeong.

Kaya napakwento na sila sa rappelling experience nila.

Kakabalik lang ni Wendy fresh from a bath ng maabutan niyang pinapagalitan ni Irene ang mga kasama kanina.

"Isa ka pa! You didn't even stop them? Paano kung hindi sa puno bumagsak itong si Winter? What good of a reason would you give Karina, huh? That was really in' reckless! Pinagbabawalan ba namin kayong uminom? Hindi naman di ba? Ang sabi niyo inuman lang hindi kung ano anong kagaguhan ang gagawin! Umamin kayo. Aside from that ano pa mga ginawa niyo?" galit na galit na litanya ni Irene.

At walang nakasagot sa mga kausap. Para silang mga batang pinapagalitan ng nanay dahil nakalinya pa silang lahat. Yung mga partners naman nila ay nagaabang kung sino ang maglalaglag sa grupo.

"Wala talagang magsasalita sa inyo?" mataray na tanong ni Joy.

Wala talagang umimik sa team top.


"Pwes dun kayo lahat sa labas matulog" huling sabi ni Irene bago umakyat ng hagdan.

Nagsesenyasan naman sila at si Wendy na nga ang alay sa pag-eexplain.

"Wait lang nie. Eto na magsasalita na"

Dahan dahang bumaba ulit si Irene at hinarap ulit sila at pumamewang.

"After kina Seulgi... pumunta kaming Pasay... dun sa pinuntahan namin dating patay sindi... tapos lumipat kami sa isang resto bar then sa isang coffee shop before coming here"

Yun lang naman talaga yung mga pinuntahan nila. Pero syempre hindi sila naniniwalang walang nangyari dun.

Si Seulgi naman ang nagtuloy. "Ayun, naalay sina Ryujin at Yeji dun sa mga sumasayaw"

"We didn't stay long din. Pinaexperience lang talaga namin sa kanila" sabi ni Jisoo.

Sumunod naman si Lisa. "Tapos dun sa resto bar naman...ano...wala nakinig lang kami dun sa bandang nagperform"

Then si Jeongyeon. "After maubos nung alak nagkape na kami"

For Lia, Chaeryeong at Karina, it was a good explanation naman pero sa mga seniors nila, alam nilang hindi lang yun ang kwento.

Kaya naman si Winter na mismo ang nagkwento.

"Jagi, the ex was also there. It was her band performing. And I told the guys about what happened"

Since the others have no idea ano ang ganap, nagbigay na lang ng summary si Winter.

"Naabutan pa nga kami ni ate girl nung paalis na kami sa coffee shop then Winter pulled a my amnesia girl act" dugtong naman ni Chaeyoung.

"In fairness, ang galing niya dun sa part na yun. Walang nagawa si ate girl eh" sabi naman ni Ryujin.

"So legit after that po, we went here na" sabi ni Yeji.

Nagtinginan naman ang mga partners nila. Tamang bulungan kahit wala naman talagang sinasabi. After a while, humarap na ulit sa kanila.

"That wasn't so hard right?" tanong ni Irene. Kalmado na ang itsura.


******************************
Bago natapos ang buwan, nagkaroon ng triple celebration sa tropa. There's Lisa celebrating it on the 27th, then the twins on the 28th and Irene on the 29th. Pinag Isa na lang talaga nila para tipid din sa handaan. They all decided to celebrate it on the 30th and the whole team went out of town.

Somewhere sa South ang pupuntahan nila. Si Giselle ang may contact ng resort na pupuntahan nila kaya sila ang nauuna sa convoy. Sunod naman ang Park-Manoban family then the Kims with Mina and Chaeyoung. Then ang 2yeon with Dahyun and Momo then nagsama ang Jinlia, Chaeji and Yuna and the first time driver na si Seulgi na kasama ang WenRene.

May designated taga basa din ng message sa bawat sasakyan kung may mga ipapasabi sa group chat nila.

As usual, nagstop over agad sila sa may SLEX dahil may mga gustong bumili ng snacks at kailangan mag-cr.

Kasama ni Rosé ang kambal sa loob ng convenience store at kung ano ano na nga ang pinagtuturong gustong ipabili.


"Caius, just get one, okay? Luna, don't open that" aligagang sabi ni Rosé sa mga anak. Nasa may dulong lane sila at si Caius, hindi makapili sa mga snacks na nakikita habang si Luna naman ay pilit binubuksan ang isang ref.

She helped her son with the one he wanted na nasa itaas ng shelf at pagikot niya nga sa direksyon ni Luna ay successful niyang nabuksan ang ref at inaabot na ang isang beer.

"Teaching them young, huh?" biglang sabi nung isang lalaki na kukuha din ng alak.

Na-offend naman si Rosé pero hindi na siya nagsalita at ibinalik na lang ang kinuha ng anak at umalis na sa aisle. Pumila na sila sa counter at kasunod ulit nila yung lalaki.

"Shouldn't your husband be helping you? Or are you raising them on your own?" tanong nung lalaki when he saw Rosé struggling with the two kids while holding the cart.

Hindi naman niya talaga balak patulan dahil ayaw din niyang makita ito ng mga anak niya. Pero hindi na talaga niya nagustuhan ang sunod nitong sinabi.

"I'm willing to help you babe. I think you need a man in your life and I'm the best person to be just that" sabi nito ng maramdaman niyang lumapit siya kay Rosé at panandaliang hinawakan ito sa likod.

Sabay namang ngumiti ang kambal and the guy thought they liked what he said kaya naman lalo itong lumapit.

"Move one more step and I'll sue you for ual harassment dude" seryosong sabi ni Rosé at walang naging effect ito sa kanya.

"Your kids like me. Look, they're even smiling" mayabang nitong sabi.

Humarap na siya. "That's because they saw their other mother who is behind you right now" sagot ni Rosé at pagtalikod nga nung lalaki ay sumalubong ng sapak si Lisa.

Nag-cheer naman ang dalawang bata pagbagsak nung lalaking hawak na ang kanyang ilong.

"That's my wife you effin !" galit na sabi ni Lisa. Inalalayan nung cashier yung lalaki at tinawag na ang guard.

Pagtayo nung lalaki, susugod pa dapat siya kay Lisa pero hinarang na ito ng iba pang customers sa store. Pinakiusapan na din silang dalawa na sumama na lang muna sa office para pagusapan at marami na ngang nakikichismis.

Nagsabi na si Rosé sa tropa na susunod na lang sila ni Lisa. But they said no at hintayin nila sila kay binigay na muna ang kambal kina Wendy at pumunta na nga sila sa office.

Napalakas pa nga ang suntok ni Lisa at dumudugo pa din ang ilong nung lalaki. They reviewed the cctv from the store and kita naman na yung lalaki yung nagsimula with his malicious actions.

"Mam, ano ho bang balak niyong gawin dito?" tanong nung isang officer kay Rosé.

She looked at her wife and knew exactly what she wanted to do and so they told them.


******************************

Three hours later...


"Ang ganda naman dito" sabi ni Momo pagbaba nila ng sasakyan.

They were at a resort somewhere in Batangas and Giselle, being friends with the owner, got to have the whole place to themselves.

"So guys, we get our own rooms so feel free to choose nalang. Then once you're all settled, pumunta na din kayo sa dining area so we can have lunch" sabi nito after kausapin yung friend niya sa phone.

Unahan namang naghanap ng rooms ang team. Nag-bato bato pick pa nga sina Irene at Joy para dun sa isang room with the ocean view. Alam niyo na kung sino nanalo.

"Ba yan. Ako kaya nauna pumunta dun" inis na sabi ni Joy habang naglalakad sila ni Seulgi sa iba pang room.

"Hayaan mo na babe. Hindi magandang makipagaway sa buntis. Lalo at si tl ang kalaban mo"

Humilata naman agad sa kama si Sana habang hinayaan niyang si Tzuyu ang magunpack ng mga gamit nila. Sa room naman nila Momo ay nilalabas na niya ang mga snacks na binili kanina while Dahyun is checking out the room. Naghahanap ng hidden cameras.

Nagpipicturan naman sina Ryujin at Lia dahil nakakuha din sila ng room na may magandang view kaya salitan sila sa camera. While sina Yeji, Chaeryeong at Yuna naman ay salitan sa cr para makapagpalit ng damit. Balak na kasi nilang lumangoy after kumain.

Rosé and Lisa were changing their kids' diapers while also entertaining them with some songs while si Wendy ay inaantay lang matapos sa cr si Irene. As she entered her second trimester, mas napapadalas ang pag ihi niya kaya naman panay ang cr nito.

After dropping off their things naman, lumabas na agad ng rooms sila Giselle and Ningning while Karina and Winter laid on the bed lang dahil parehong pagod at napuyat sila kagabi.

 

******************************
They had full access sa facilities ng buong resort and they made sure to make use of them. May mga tumalon na sa pool pagkatapos nilang magpababa ng kinaen, may iba namang nag sun bathing lang muna. Meron ding pumunta sa beach front after maglagay ng sandamakmak ng sunscreen. Meron din namang bumalik muna sa mga rooms nila para matulog at meron ding mga nag picture picture lang.

Pagdating ng gabi, abala na sila sa proper celebration. The staff helped decorate the garden. Although joint party ito, nagmumukhang children's party sa mga designs na nilagay.

Yung mga balloons na sinabit ay may iba't ibang disney characters then yung streamers naman ay may animal prints. Other than the typical set up for a children's party, bumawi naman sa food na tulung-tulong niluto nila Wendy, Rosé, Winter, Ryujin and Chaeyoung.

They called on everyone once inihanda na lahat ng pagkaen at by pair na naglapitan sa table. Nasa magkabilang dulo naman ang celebrants at lahat ay pinagsuot ng party hats.

 

"Ayoko nito. Gusto ko yung may shiba design!" reklamo ni Sana nang bigyan siya ng hat na may snake design.

"Arte ka pa. Wala ng iba teh. Mahilig mo naman tuklawin si Tzuyu. Keri na" asar na sabi naman ni Joy na siyang nagpapamigay.

Magpoprotesta pa sana ito kaso naisip niya may point naman ang kaibigan. It didn't help din na may red mark nga sa leeg si Tzuyu.

Pinagtatawanan naman nila Lia, Yeji, Chaeryeong at Luna ang napunta kay Ryujin.

"Hala hon, kamukha mo nga" asar ni Lia.

"Oo nga tuks" dagdag naman ni Yuna.

Naturingan pikon si Ryujin kaya sinimangutan na lang sila. Ang napunta kasi sa kanya ay monkey. Eh nakasuot na din lang siya ng brown na hoodie tapos nakalabas yung tenga niya, talagang similar naman.

"Proud member ng community?" tanong ni Ningning sa girlfriend niyang nakasuot ng hat na may unicorn.

"Of course. Also, if you must know, official animal din siya ng Scotland" smug niyang sagot.

Tawang tawa naman si Seulgi sa fiancé niya sa suot nitong hat.

"Oh yeah. Chicks ko yan"

Pagkarinig ni Joy ay nag-hairflip lang siya.

Ilang beses namang tinatanggal ng kambal ang mga party hats nila at si Lisa ay panay naman ang pag-ayos.

"Luna, Caius, please naman. Don't remove them na po" pakiusap niya sa mga anak.

Sinimangutan lang siya nung dalawa at sa force ng pagtanggal nila ay naputol na nga ang garter. Sabay pa ngang umiyak kaya tumakbo agad si Rosé papunta sa kanila. Muntik nang mabitawan ang pagkaing dala.

"What happened?" panic nitong tanong habang pinapatahan ang kambal.

"Tinatanggal kasi nila mie kaya binabalik ko kaso ayun naputol"

Umupo na sa tabi nila ang nanay at kinausap sila. "Caius, Luna, everyone is wearing a hat to celebrate your birthdays, your  Mama Lisa's included as well as Ninang Irene. You can remove them later when we go play, okay?"

The twins looked at each then nodded at the same time. She kissed both their heads before putting on new hats, she then turned to look at her wife and did the same before she sat beside them.


******************************
After saying their prayers and wishes for the birthday celebrants, nagsipilahan na sa table kung nasaan ang food, buffet style kasi. May dalawang klase ng pasta for those who prefer white sauce over the red one, meron din chicken lollipops and chicken fillet, then they have lechon and pork asado. Then beef stroganoff and beef salpicao. They also have desserts na iba't ibang mga cupcakes and three different small cakes.

Even the staff who were there ay pinasama na nilang kumain. And everyone was enjoying the food.

When they all had their fill and refills, nagsimula naman ang program. Si Yuna ang kanilang host.

"Good evening everyone and once again, welcome to the joint birthday celebration of Lisa, Caius, Luna and TL Irene. We're gonna start off with some games but before that, I'd like to thank our sponsors for our cash prizes tonight. Thank you Wendy, Winter and Jennie."

Siyempre lalo silang ginanahan ng malamang may mga prizes kaya naexcite ang lahat.

"Okay! For our first game, we need five people"

Kanya kanyang silang tulak ng partners pero dahil lima lang ang kailangan, umupo na lang ulit ang iba. Pumunta na sa harapan sina Ningning, Lia, Nayeon, Seulgi and Rosé.

"The game is simple, longest breath lang ito. Because we have four celebrants, happy birthday to you all na lang ang sasabihin"

Napailing naman si Seulgi. Lugi siya dahil smoker siya. Pero paninindigan niya pa din at baka sakaling manalo. Nagbunutan silang lima kung sino ang mauuna. At ang nakakuha ng number one ay si Nayeon.

Para walang halong daya, nakaharap ang phone ni Yuna na nagpapakita ng timer, she gave the microphone to Nayeon and gave the signal to start.

"Happy birthday to you allllllllllllllllllllllllllllllll"

Hingal na natapos si Nayeon at itinala na ni Yuna ang time. Sumunod naman si Rosé then si Lia then Seulgi and Ningning.

Hindi muna nireveal sa players ang final scores kaya nag proceed na sila sa next game.

"Para naman pwedeng makajoin ang mga bata, let's play Bring me! Anything Goes Edition. However, there is just one rule: you cannot go inside the resort. So everything must be searched here"

Mukhang naintindihan din naman ng kambal dahil nilalaro din nila ito sa bahay kaya nagpapalakpak sila.

"First item: Bring me something that starts with the letter b and ends with the letter e" utos ng game master.

Kanya kanya namang hanap ng pwedeng item ang tropa.

"Nak ng tokwa naman. Hindi ba pwedeng yung normal na bring me lang? Kailangan talaga pag isipan muna?" reklamo ni Jisoo.

May tatlong minuto na ang nakalipas at wala pa din ang nakakapagdala ng item.

"I was just informed na for every item brought, the prize is 500 peysows so it's not gonna be the typical bring me"

Nanlaki ng mata ang lahat at lalo pa ngang nag pursige sa pagiisip at paghahanap ng item. Meanwhile, may tumakbo na sa harap at hindi pa nga napansin agad ito ng host kung hindi pa niya naramdaman ang kumalabit sa kanya.

Pagtingin ni Yuna ay si Caius pala. "Yes baby?"

Hindi pa naman talaga nakakapagsalita ang bata kaya hindi naiintindihan ni Yuna ang ginagawa niyang pagturo sa ulo nito.

"What is it Caius?" tanong ulit nito at inulit lang ng bata ang action niya.

It took another minute bago niya narealize what the kid was trying to say at napangiti talaga siya.

"Oh pano ba yan guys, may nanalo na! Congratulations Caius for bringing your beanie"

Sabay sabay nag tinginan sa direksyon ni Yuna ang lahat at napa-facepalm na lang. Laking tuwa naman ng mga magulang ni Caius ng tumakbo ito pabalik na may hawak na red envelope.

"Okay. Next item na tayo. Bring me something that is long and... wobbly?" nagtatakang basa ni Yuna sa cue card "Teka, hindi ako naglagay nito"

"G na yan!" sigaw naman ni Jeongyeon at naghanap na nga sila ng item.

Nag-attempt pang tumakas si Ryujin at papasok sa resort ng harangin siya ng isang staff.

"Luh si kuya. Naiihi kaya ako" pagrarason nito.

"Pasensya na po. Napag Utusan lang din po ako"

Kamot ulo na lang bumalik si Ryujin sa mga kaibigan na busy sa paghahanap. Nagsimula na din mag countdown si Yuna and right before umabot ng 1 ay may tumakbo na sa harapan.

"Tabiiiiiiiii" pasugod na sigaw ni Chaeyoung na may hila hilang water hose. Pero bago pa siya nakarating sa harap ay natisod siya ng dala niya. Face first sa damuhan. Pagbangon niya ay may halong green at brown sa mukha niya.

 

"Alright, we have a winner. Congratulations Chaeyoung for bringing something long and wobbly"

Inabot na sa kanya ang red envelope at keber na siya sa putikan niyang mukha.

"For our next item, please bring me something black, white and flat"

Wala pang isang minuto after ibigay ang pinapahanap ay may lumapit na kaagad at ipinakita na ang item for inspection. Tama naman pero may mga nagreklamo naman.

"Pamigay mo na yung prize mo TL. Hingi ka na lang kay Wendy ulit" asar ni Dahyun.

Hindi naman kasi talaga sasali sa game si Irene since siya din naman ang may hawak nung mga red envelopes. Sakto lang talaga na nagaayos siya ng bag at nakita niya kaagad ang sonogram from their last check up.

"Okay fine. I'll give it to others" sabi niya kaya naman bumalik sa paghahanap ang tropa.

After another minute, may lumapit na ulit sa harap at ipinakita ang item.

"We have a winner na. Congratulations to Chaeryeong for bringing something black, white and flat"

Inspired by the sonogram, she remembered that she kept a polaroid of her and Yeji sa likod ng phone niya.

Yuna asked to bring two more items which were found by Tzuyu and Ningning.


******************************
Dahil hindi lang inuman ang balak talaga ng tropa ay kanya kanya na lang sila ng kuha ng choice of drinks nila. May separate table din kasi for refreshments and liquor.

"We'll be moving to our next game"

Inayos na ng staff ang props na gagamitin at meron ngang siyam na chair na nakapaikot.

"You guys already know what this is so we need 10 players"

Mabilis namang lumapit sa mga chairs sina Jeongyeon, Joy, Mina, Momo, Sana, Karina, Giselle, Jisoo, Lisa at Yeji. Para maiba lang, live music ang mangyayari kaya naman may mga hawak na ding mic sina Wendy at Winter. No need for instructions at nagsimula na kaagad ang laro.


Wendy: Clock strikes upon the hour
And the sun begins to fade
Still enough time to figure out
How to chase my blues away


Winter: I've done alright up to now
It's the light of day that shows me how
And when the night falls, loneliness calls

Wendy & Winter: Oh, I wanna dance with somebody

They both stopped singing at nag-lag pa ng slight ang mga players dahil in the zone na sila sa pagsayaw. Nang makita nilang umupo si Karina ay nag gagayahan na din sila. Dahil din mas lag si Momo ay siya ang nawalan ng mauupuan.

"Thank you for your participation Momo. Let's remove one more chair please"

At inalis na nga ang isa pang upuan at inayos ang walong natira.


Winter: She's been my queen
Since we were sixteen
We want the same things
We dream the same dreams
Alright, alright

Wendy: I got it all
'Cause she is the one
Her mum calls me love
Her dad calls me son
Alright, alright

Winter: I know, I know, I know for sure

Wendy & Winter: Everybody wanna steal my girl
Everybody wanna take her heart away
Couple billion in the whole wide world
Find another one 'cause she belongs to me

When they stopped singing, nag unahan na umupo ang mga players. Nag-tulakan pa nga ang dalawa dun sa last chair pero dahil mas may kaunting laman si Jisoo ay napaalis niya si Lisa.

"Weak ampucha!" asar nito sa kaibigan.

Nagtanggal ulit ng isa pang chair.

 

Wendy: Baby, baby, you're my sun and moon
Girl, you're everything between
A lot of pretty faces could waste my time
But you're my dream girl

Winter: You make flowers bloom
Girl, you make the stars collide
And I don't know what I did to get lucky like this
But it sure feels fine

Wendy:'Cause you give me love and affection
I give you all my protection
And I'm tryna stay by your side 'til the day I die
And you give me all of your loving
And I give you all of my trust
I know you'll never betray me or leave my side, oh my

Winter: Baby, baby, you're my sun and moon
Girl, you're everything between
A lot of pretty faces could waste my time
But you're my dream girl

Tumigil ang pagkanta at may nagtulakan na naman para sa isang upuan. Ang ending ay napatalsik ni Jeongyeon si Yeji.

A few more songs later, last three players sina Momo, Sana and Mina at dalawa na nga lang ang chairs sa gitna.

"Uy, J Line ang labanan" komento ni Seulgi.

"May the best japanese win" dagdag naman ni Yuna.

Wendy: Nae namjan jigeum Another level
Neo ttawin kkumdo mot kkul Level
Winter: Nal gajin geureon Next level
Bodashipi Another level
Don't bring it to me kkeojeojweo

Wendy & Winter: Nae geoeseo son tte neo
Step back Step back
Dashi taeeonado andwelgeol
Step back Step back
Chakan namjadeurege
Neoneun dokbae gateun geot
Mashilsurok weroweo
He's sick and tired everyday

When they stopped singing, nakaupo agad si Mina sa isang chair while nagbanggaan naman ang dalawa pang players. But eventually, si Sana ang nakaupo.

Last round na nga at down to Mina and Sana ang labanan. May dalawang chairs pa din pero nilayo ang isa na siyang uupuan nila habang yung kabilang chair naman ang iikutan nila.

"Baby, I don't feel so good", six words you never understood
"I'll never let you go", five words you'll never say (aww)
I laugh along like nothing's wrong, four days has never felt so long
If three's a crowd and two was us, one slipped away (hahahahaha)

I just wanna make you feel okay
But all you do is look the other way
I can't tell you how much I wish I didn't wanna stay
I just kinda wish you were gay

To spare my pride
To give your lack of interest, an explanation
Don't say I'm not your type
Just say that I'm not your preferred ual orientation
I'm so selfish
But you make me feel helpless, yeah
And I can't stand another day
Stand another day

I just wanna make you feel okay
But all you do is look the other way, hmm
I can't tell you how much I wish I didn't wanna stay
I just kinda wish you were gay
I just kinda wish you were gay
I just kinda wish you were gay

Binagay din naman ng players ang galaw sa kanta at para na silang nagshoshowdown habang umiikot sa upuan. The tropa were cheering for both of them lalo na nung payhan ang galawan nila.

 

Everyone was expecting Sana to win kahit may pagka-clumsy ito pero when the song stopped, no one expected Mina na makipag bardagulan sa kaibigan. Naunang nakatakbo si Sana pero nadapa ito kaya naman ginamit itong opportunity ni Mina at unahan siya. Nakahabol si Sana at hinila ang kamay ni Mina na mabilis ding nagpumiglas. Hindi nagpatinag si Sana at humawak naman sa ankle kahit nakahiga pa siya sa ground. Ang ending, Mina dragged Sana along hanggang makaupo siya sa chair.

Walang nakapagsalita sa nakita nila. Una, never pa nila nakitang maging sobrang competitive si Mina at pangalawa, never pa nila nakitang gumamit ito ng force.

"Congratulations Mina for winning the musical chair game!" sabi ni Yuna na bumasag ng pagkafrozen ng lahat.




tbc...
******************************

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
88 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1691 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
88 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡