As A Whole

Pag May Alak, May Balak

- Hello everyone.
It's been a while since I updated this story and for that, I am sorry.

I hope this makes up for my absence - 

 

The team decided to have one last team building na buo pa sila. Since mapupunta na sa training for their new roles sa susunod na linggo sina Seulgi, Jeongyeon, Mina at Wendy. Since lahat nga kasama, hindi naman pwedeng magpaiwan si Rosé at ang kambal. Nasa usual waiting spot na ang tropa at inaantay na lang makarating ang iba pa nilang kasama.

"Saan na naman ba nagpunta sila Momo? Malapit na daw sila TL" inis na tanong ni Nayeon sa iba.

"Eh bibili lang daw ng drinks sa 711" sagot naman ni Sana na kumakaen na ng chips.

"Hindi naman sinasagot ni Jeong yung tawag. Peste naman o" dagdag ni Nayeon.

Maya maya lang ay dumating na sila Wendy na sinundo ang magiina. Nagbukas ng bintana si Rosé at kumaway sa mga kaibigan.

"Kumpleto na ba?"

"Inaantay na lang bumalik galing 711 sina Jeongyeon" sagot ni Mina. Itinabi na muna ni Wendy ang sasakyan at nagantay na bumalik ang nabanggit.

Fifteen minutes later, nakita na nilang naglalakad pabalik sina Jeongyeon, Momo, Chaeyoung, Jisoo at Yuna na may bitbit na mga paperbag. Nagbatian sa ibang tropa bago pumasok ng kanya kanyang sasakyan.

They wanted to go back to La Union dahil dun daw sila pinakaunang nag.team building pero dahil hindi worth it ang overnight lang ay napagusapang sa Batangas sila pupunta. Ilelevel up na lang daw kapag pwede na magleave ang apat sa kanila. The usual set up sa mga kotse: first car si Jisoo na may kakilalang may-ari ng beachfront resort sa Batangas, sunod si Jeongyeon tapos si Wendy tapos si Ryujin at panghuli si Yeji. Sa group chat na lang din naguusap usap kung magstop over pa.

******************************
"Tigil daw muna sa Petron, naiihi daw si Rosé" paganunsyo ni Jennie sa mga kasama sa kotse. Sunod sunod din na nag signal pakanan ang mga kasunod na sasakyan. Pagkapark ng lahat, kita nila kung paano nagmadaling lumabas ng sasakyan si Rosé na sinundan naman ni Irene. Nagsibabaan nadin ang ilan para pumunta sa convenience store.

Sandali lang sila nagtagal at lumarga nadin para tuluy-tuloy na ang pahinga sa nirentahang resort. After two hours, nakarating na sila at naglabas na ng mga gamit.

Magaaya sanang magyosi ang ilang tropa pero nang makita nilang karga nila Wendy at Lisa ang kambal kaya kusa na din silang lumayo. Si Irene at Rosé naman ang abalang nagaayos ng mga gamit nila at sila din naman ang magkakasama sa room.

May mga sarili ng toka ang iba kaya naman sinimulan ng magayos ng ingredients sa mga lulutuing ulam sila Jennie, Mina, Ryujin at Momo habang sina Chaeyoung, Jeongyeon, at Jisoo naman ang nagaayos ng mga iihawan at ihawan. Sina Seulgi at Yeji naman sa drinks at ang iba ay sa mga utensila at iba pang mga gagamitin.

Saktong lunch time din natapos ang unang ulam na niluto ni Ryujin, ang walang kupas na chicken adobo. Kaya naman tinawag na ang iba para sabay sabay na silang kumaen.

"Chill lang tayo mamaya sa inuman ha. May mga bata tayong kasama" pagremind ni Ireme sa kanyang team. Tumango naman silang lahat. Matapos nilang kumaen, pinili munang matulog nila Rosé, Lisa, Irene, Sana, Tzuyu, Dahyun at Momo, sina Joy, Nayeon, Mina, Jennie, Lia, Chaeryoung at Yuna naman ay sinimulan ng lumangoy sa pool at ang tropa, sinimulan na ang inuman dahil hindi na pwede mamaya ang pangmalakasan. Bukas ng umaga na sila pupunta mismong beach.

*****************************
Nakapaikot sa isang lamesa sina Wendy, Chaeyoung, Jisoo, Jeongyeon, Ryujin at Yeji. Kakabukas lang ng alak at nagsisimula na din magpaikot ng shot si Chaeyoung.

"Sa susunod na magiinom, bawas na talaga ang tropa. Nakakalungkot lang" sabi ni Jisoo na unang binigyan ng alak.

"Bakit niyo kasi ginagalingan?" Pabirong dagdag naman ni Chaeyoung.

Uminom ng shot si Seulgi. "Mga tol, matagal ko ng gusto maging TL. Kailangan din magkaron ng dagdag na income at may pinagiipunan"

"Nagbabalak na bang bumili ng singsing para kay Ligaya?" Tanong ng kanyang bestfriend.

Napangiti lang si Seulgi. Gets na din ng iba. Humarap naman sila kay Wendy at nagantay ng sagot.

"Guys, gusto ko din naman talaga mapromote kahit noon pa. Hindi pa kami nun when I told her na I wanted to be a trainer during one of our coaching sessions. And support naman siya sa sinabi ko before and when she asked me again a few weeks back"

"Eh di ba may curse daw ang training department?" Entry naman ni Ryujin.

"Ay oo, narinig ko din yan" pagsangayon naman ni Yeji.

"About cheating and stuff?" Tanong ni Wendy at tumango ang dalawa.

"You really think I'd cheat on Irene?" Balik ni Wendy. Medyo offended pero she knows naman na walang ibang ibig sabihin, tamang chismis lang na nasagap. "Not gonna happen. Not in this lifetime or even the next"

"We know naman erp. The way you look at TL, it shows just how much you love her. Kaya nga bilib kami sayo eh. Sa ganda ni boss at sa dami ng gustong magpapansin sa kanya, you broke down her walls for you to crossover and just be with her" sabi naman ni Jisoo. Nag-finger gun na lang si Wendy sa tropa.

Tuloy ang pagpapaikot ng alak hanggang magising na ang iba at oras na para magayos for dinner. Bumaba mula sa second floor sina Rosé at Lisa na karga ang mga anak, kasunod naman sina Irene, Jennie at Tzuyu.

*****************************
"Mie, paisang yosi lang please?" Paalam ni Lisa sa asawa habang pababa sila.

Tumingin muna si Rosé sa ibang kaibigan kung kanino ipapakarga si Luna. Nagtama ang mata nila ni Mina at nakuha agad ang mensahe kaya lumapit na ito.

"Magpalit ka ng damit at mag-toothbrush ka after, okay?" Sabi ni Rosé at ibinigay na si Luna sa nakaabang na si Mina. Agad namang nilaro ang bata kaya lumapit na din ang ilan na hindi nagaayos ng hapunan.

*****************************
Sa kusina, abala si Momo na naghihiwa / kumukupit ng ilang pirasong bacon na isasahog sa gulay. Katulong din niya si Lia na chinecheck ang lahat ng ingredients para sa sinigang. Si Jeongyeon naman ang naatasang magpabaga para sa bagong iihawin.

"Ano na Momo? Paubos na yung bacon hindi pa nahahalo o!" Pagsita ni Nayeon sa kaibigan na huli sa aktong kakasubo lang ng isa pang strip. Nabulunan pa dahil hindi na niya nanguya, diretso higop paloob. Inabutan naman siya agad ng tubig ni Dahyun.

Nang makarecover, sumagot naman si Momo. "Hayop ka Im Nayeon. Marami pang bacon sa ref"

Nag-peace sign na lang ang isa sabay alis ng kusina.

Si Sana ang nakatokang magayos ng mga inumin kaya naman ay nagtitimpla na siya ng ilang litrong juice. Nakalimutin din kasi nila bumili ng malalaking softdrinks pero buti na lang at nadala naman silang ibang inumin aside sa tubig.

*****************************
Makalipas ang dalawang oras, saktong alas siete na din ng gabi ay nagtipon na sila sa mahabang table. Nakaayos na din ang mga plato, kutsara't tinidor at mga basong may laman ng juice sa bawat pwesto.

Tumayo si TL Irene at nagsalita, "This is going to be the last outing that we'll have as a whole team. For the four people who will be moving up next week, I am proud of you. You deserve your new roles. Pagbutihin niyo pa lalo at may mga bagong challenges na kayong haharapin. Salamat, salamat sa lahat ng effort na ginawa niyo para sa team. For taking over when I'm not around, for not letting our scores go down, and for always being active sa mga activities ng company. Kayo ang unang team na nahawakan ko at sobra akong proud na four of you are now promoted to your respective positions na alam kong gusto niyo din naman talaga. After Wendy, Seulgi, Mina and Jeongyeon, alam ko when you're ready, the rest of you would be moving up the ladder as well.  And eventually, puro bago na ang mga hahawakan ko. Hindi madaling maghandle ng tao pero you guys made it really easy for me kaya maraming salamat talaga" sabi ni TL Irene sa lahat bago sila magsimulang kumaen. Hindi naman talaga sila hindi magkikita kita after today pero for her, iba yung feeling. Halong masaya at lungkot. Masaya dahil nga promoted na ang ilan niyang ahente at malungkot dahil para na rin niya itong mga anak na ginabayan niya nang magsimula ang account, kahit di nagkakalayo ang mga edad nila, siya padin ang team leader nila. Pero ganun naman talaga sa trabaho.

*****************************
Nang makakaen na ang lahat, nagayos muna ng ibang pinaggamitan sina Chaeryoung, Joy at Jennie. Sila kasi ang nakatoka sa paghuhugas after dinner. Inaayos na din ang alak. Unti lang sadyang binili dahil hindi pwedeng malasing lahat at maaga silang pupunta sa beach. Napatulog na din ang kambal na napagod kakalipat lipat ng karga sa buong team. Nagimprove na din ang pagtulog ni Luna at hindi na agad nagigising kahit may maingay kaya naman ay nakahiga na silang dalawa sa portable crib na dala nila Lisa.

Bilang pagbigay-pugay sa huling team building na buo pa ang Team Irene, ang game masters na si Nayeon at ang assistant niyang si Lia ay naganunsyo na babalikan ang mga games na nalaro nila noon.

"Okay unang game, Guess What Upgraded Version" panimula ni Nayeon habang nagsalin naman ng mga shot galing sa isang tumbler si Lia. "Hulaan kung anong inumin ang mga nasa harap ninyo, specific brand and type. Whoever gets it wrong ay may punishment. The correct answer will only be revealed once nakasagot at nakainom na lahat. One clue though is, nainom na natin yan"

Hindi lahat sumali sa unang game just because they don't trust na puro alak lang talaga ang isasali ni Nayeon sa choices. Minsan na kasing napagtripan ang ilan sa kanila at patis o toyo ang nainom nila. Ang mga matatapang ay siyempre ang mga tomador ng team. Nakalinya sina Wendy, Seulgi, Jisoo, Lisa, Jeongyeon, Chaeyoung, Ryujin, Yeji at ang bagong recruit na tomador na si Yuna sa harap ng table kung saan nilapag ni Lia ang mga maliliit na clear cups na may cover din para hindi maamoy.

Dark ang kulay ng laman ng baso kaya pwedeng brandy ito, pero aling brand dahil iba iba pa din ang lasa nito. Binigyan lang sila ng tatlong minuto para magisip at maghope na alak nga talaga ito dahil baka worse pa ang punishment lalo't galing kay Nayeon.

Sinimulan na ni Lia ang timer. Tinitigan ng mga players ang baso pati na din ang mga hindi kasali ay curious na din. Nilapitan ni Nayeon ang kanyang girlfriend at siya ang unang tinanong ng kanyang sagot.

"So babe, guess what that is?"

Hindi makatingin ng maayos si Jeongyeon sa kanyang girlfriend. Takot na magkamali pero dahil tingin pa lang nito ay nakakapressure na, nagsabi na ng sagot si Jeongyeon.

"Ugh. Emperador Brandy"

Ngumiti lang si Nayeon. Hindi rin sigurado ang mga kaibigan kung tama o mali ang sagot ni Jeongyeon. Sunod na nilapitan si Seulgi na nasa kabilang dulo ng lamesa.

"Hi future TL Seulgi. Guess what the drink is"

"Tanduay Rum?" Sagot nito.

Ganun din, pagkatapos sumagot ni Seulgi ay nginitian lang siya ni Nayeon. Sumunod na sasagot si Chaeyoung na nagsabi ng Lambanog. Si Ryujin naman ay sumagot ng Red Horse, si Yeji ay Fundador Light ang sagot, si Wendy naman ay nagsabi ng Smirnoff. Habang si Jisoo, Lisa at Yuna ay sumagot ng Iced Tea.

Nang makasagot na ang lahat ay pinahawak na ang mga cups. Sabay sabay tatanggalin ang takip at ishoshot. Nakaabang ang lahat at pagbilang ni Nayeon ng tatlo ay nagtanggalan sila ng takip ng cup at ininom ang laman. Ilang segundo lang, nadura nilang lahat ang kanilang mga ininom.

"Pota ka naman Nayeon! Suka agad?" Pagrereklamo ni Jisoo na naubos agad ang baso ng tubig na inabot ni Jennie.

"Excuse me. It's not just suka but sukang iloko so may punishment kayo bukas" natatawang sabi ni Nayeon. Si Lia naman ay nagtake note sa mga may punishment.

Lumayo ulit si Lia para maglagay ng kung anong liquid sa mga cups at nilinya ulit sa harap ng mga kalahok. This time, clear naman ang laman.

Kamot ulo na lang ang mga manlalaro dahil maraming pwedeng options. Pero nang tanungin na sila ni Nayeon, si Yuna at Yeji ay sumagot ng The Bar Vodka, si Chaeyoung at Jeongyeon ay sumagot ng Gin Bilog, si Wendy at Seulgi ay sumagot ng Soju, si Lisa at Jisoo ay sumagot ng Tanduay Rum White at si Ryujin ang bukod tanging sumagot ng water. Nagbilang ulit si Nayeon bago sabay sabay uminom ang mga players. Laking pasalamat nila na maayos ang shot pero isa lang ang tumama dahil ito ay sadyang tubig lang kaya naman nilista ulit ni Lia ang may punishment. Sumimpleng kiss pa muna siya kay Ryujin bago lumayo ulit para maglagay ng last set ng drinks.

Blue naman ang kulay ng laman ng cup at iilan lang naman ang may ganun inumin kaya hindi rin nagtagal at nagbigay na sila ng kanilang mga sagot. Pagkatapos maishot ay may tatlo sa kanila ang tumama ng sagot na Blue Gatorade. Sa tally ni Lia, tanging sina Jeongyeon, Chaeyoung, Lisa, Seulgi at Yuna ang may punishment.

******************************
Ang next game nila ay Categories at lahat sila ay kasali na dito kaya umupo na ulit sa dining area ang mga audience kanina. Kasali din si Rosé pero siyempre hindi alak ang nasa baso niya.

Nagpaikot muna ng dalawang round of shots si Jisoo at Chaeyoung na tanggero bago nagsimula ulit sa laro.

"Alright. For our first category, dahil sila ang favorite kpop girl group ko ang Twice. Mga songs nila. Marami yun, overworked na nga sila eh. Title tracks and b sides ay pwede. I'll start - I'm gonna be a star"

Jeongyeon: Like Ooh Ahh
Momo: Perfect World
Dahyun: Scandal
Sana:Turn It Up
Tzuyu: TT
Mina: Fanfare
Chaeyoung: Strawberry
Jisoo: Fanfare
Jennie: Signal
Lia: One More Time
Ryujin: Likey
Yuna: Heart Shaker
Chaeryoung: Merry & Happy
Yeji: Candy Pop
Joy: Alcohol Free
Seulgi: I Can't Stop Me
Lisa: What Is Love
Rosé: Fancy
Irene: Better
Wendy: Be As One

And the game went on hanggang masabi nga nila lahat ng kanta ng Twice. At dahil andun nadin sila sa topic na puro songs ng kpop group, sinunod na category na nila ang Blackpink, Itzy at Red Velvet.

"Shocks! Magcocomeback na nga daw pala sila noh?" Biglang sabi ni Joy pagkatapos niyang magshot.

"Ay oo. Nagsabi ng spoiler yung maknae nila. Sabi katatapos lang daw ng recording at choreography" dagdag naman ni Seulgi.

"Sana by their anniversary nila ilabas. isstream ko talaga iyon" entry naman ni Wendy.

"Finally lalabas na sila sa Kwangya a.k.a SM Basement" sabi naman ni Irene at natawa naman ang lahat.

"Potek. Dun lang pala yung Kwangya noh" sabi naman ni Jennie.

"May ganun din ang YG di ba? Dungeon nga lang tawag" dagdag naman ni Jisoo.

******************************
Nang makaubos ng tatlong bote, may ilan sa kanila ang nagpaalam na para matulog. Usual people na hindi malakas talaga uminom. Naiwan na lang ay sina Wendy, Irene, Seulgi, Joy, Jeongyeon, Jisoo, Chaeyoung, Mina, Ryujin, Yeji at Yuna. Gusto mang magpaiwan ni Lisa pero hindi na kasi tulad ng dati na okay lang kay Rosé. Kaya naman nagpaalam na din siya sa tropa matapos nilang magyosi.

"Nakakaawa yung itsura ni Lisa kanina pero siyempre may mas importante na kesa sa alak" panimula ni Jisoo.

"Dadating din tayo sa point na tayo naman ganyan" sabi ni Wendy.

Tinignan siya ni Irene. "Are we planning to have one soon?"

Hinawakan ni Wendy ang kamay ng asawa. "Not yet po nie. I'm just saying na eventually, magkakaroon tayo ng mga sarili nating families and itong gathering na ganito ay malelessen"

"Ah sabagay. Pero siyempre we make sure na magkikita kita pa din naman tayo" dagdag ni Seulgi.

"Pero matagal pa naman iyon kaya shot lang ng shot!" Sabi ni Chaeyoung na nakataas ang shotglass. Ginaya siya ng iba at sila ay nagtoast.

******************************
Nabawasan na naman ang mga nagiinom pagkatapos ng panglimang bote nila. Nagpumulit pa sila ng isa pa at hinayaan naman sila ni Irene. Kasunod niyang umakyat sina Jennie, Mina at Joy at naiwan na lang ang OG tropa sa alak.

Siniguro muna ni Seulgi na nakaakyat na ang jowa bago niya nilabas ang kanyang phone at ipinakita sa mga kaibigan ang singsing na balak niyang bilhin.

"Oh shiiiiit Kang Seulgi! Ibenta mo na muna kaluluwa mo kay Satanas para mabili mo na yan" asar ni Jeongyeon pagkakita nila ng presyo.

Kamot ulo na lang si Seulgi. Pero yun talaga gusto niyang bilhin. Matatagalan kung magsstay siyang agent kaya balak niya talagang galingan pa para mapromote ulit in time.

"Ito tol, maganda rin naman ito" sabi ni Jisoo habang sinoscroll ang phone.

"Di mehn. Yun talaga eh. I want Joy to have a beautiful ring on her finger and an even better wedding ring soon" sagot ni Seulgi.

Nagkatinginan sila ni Wendy ng ilang segundo, message delivered agad pero umiling si Seulgi, nagets din agad nung isa.

Tuloy ang paikot ng shot. Tinatamaan na rin sila pero walang nagpapatalo. Tamang kwentuhan lang ang tropa nang tumayo si Yuna at pumunta sa may garahe. May tumawag kasi sa kanya. Hinayaan lang ng tropa pero ilang minuto lang ay narinig nila ang pagiyak niyo. Tahimik na din kasi sa paligid at mahina lang din ang music na pinapatugtog ni Yeji. Nagkatinginan silang lahat kung sino lalapit para icheck pero bumalik na din si Yuna na namumugto ang mata.

"Shot ko na ba?" Tanong nito sa mga kaibigan. Nagbigay naman agad ng shot si Chaeyoung kahit para sa kanya talaga iyon. Alam na nilang may problema pero ayaw nilang pilitin. Pagkatapos uminom ay umupo na ito at nagttype lang sa kanyang phone. Medyo may diin sa bawat pindot at naluluha na naman ang mata. Kaya sumimple na si Ryujin at bumulong ng tanong kung anong nangyare. Bago siya sumagot, binasa muna niya ang message na dumating.

Instead na magrereply siya ay tinawagan na niya ang number. Agad din naman itong sinagot.

"Alam mo? Putangina mo kang cheater ka! Magsama kayong dalawa!" Sabay end ng call. Gulat ang mga kasama ni Yuna, 1: sa bigla nitong pagsigaw and 2: sa bigla nitong pagmura. They now have an idea what's going on pero siyempre ayaw nilang pangunahan.

Sumenyas si Yuna na ituloy lang ang pagpapaikot ng alak pero pigil na pigil na din siya sa kanyang mga luha at galit.

Para maiba ang mood, nagsimula na namang magkwento si Chaeyoung.

"Uy mga erp, may bago kong kwento. Legit din ito kasi sa akin nangyare ito" panimula nito. Alam na ng tropa na isa na namang kwentong kababalghan ang sasabihin.

"O sige pagbigyan. May mga amats na din naman ang lahat. Dadaan na lang sa isang tenga at lalabas din sa kabila yan" matapang na sabi ni Jisoo.

Uminom muna ulit ng shot si Chaeyoung bago nagsalin ng ipapaikot.

"So nung isang linggo, nag-apartment hunting kami ni Mina sa Makati. Patapos na kasi contract namin eh medyo pricey din talaga yung rent so naghanap kami ng mas mura at mas malapit sa office. May nakita kami online na two bedroom apartment tapos 7k lang so kinontact namin agad yung may ari at iyon nga sabi pwede na tignan. Bagong renovate lang din daw kasi. Pagdating namin dun, medyo may kalumaan yung townhouse na pinasukan namin pero keri na iyon. Matandang lalaki yung sumalubong sa amin at binuksan na nga ang apartment na pinaparentahan. Okay naman iyong space, mas maliit ng unti sa apartment namin ngayon pero enough lang para sa aming dalawa"

Bumalik na ang shot sa kanya at naglagay ulit siya ng iinumin niya.

"So ayun nga, pagpasok ng pinto, space na para sa sala tapos katabi nun is yung dining area then may isang arch para pumunta sa kusina at cr. Goods kami dun. Pero pagakyat namin ng second floor kung nasaan ang mga rooms, iba yung pakiramdam. Para bang ang bigat tsaka bawat tapak mo is may kung anong struggle. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam nun kasi ang light lang nung steps ni Mina so di ko na masyadong pinansin. Pinakita sa amin yung isang room, master's daw iyon at obvious naman kasi malaki naman talaga yung space then may sarili din cr. Tapos pagdating namin dun sa isang room, mas mabigat talaga sa pakiramdam. Legit nanikip yung dibdib ko tsaka para akong nahilo. Saglit lang kami dun kasi sabi ko paguusapan namin ni Mina. I mean 7k is 7k, super mura talaga iyon for an up and down, 2 bedroom apartment. Kahit sino kukuha nun. Paglabas namin ng apartment tsaka na lang gumaan ung pakiramdam ko. Tumambay pa kami saglit ni Mina bago kami lumabas ng townhouse kasi nga pinaguusapan namin kung kukunin namin. So sinabi ko yung concerns ko. Sabi naman ni Mina wala naman siyang naramdamang kakaiba and to think may experience na siya sa ganun"

Nakatutok lang talaga ang lahat sa kanya kaya tinuloy na niya ang kwento.

"Bago kami lumabas talaga ng gate, tumingin muna ulit ako sa apartment at hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko dahil may babae dun sa maliit na room na huli naming tinignan at nakatingin sa akin. Hinila ko talaga agad si Mina palabas at pati siya takang taka kung bakit pinagpapawisan ako nung time na iyon. The end!"

Natahimik ang tropa pagkatapos ng kwento. Walang may gustong umamin na kinilabutan sila kaya sabay sabay silang nagsindi na lang ng yosi.

Nang paubos na ang bote, saktong sumilip mula sa second floor si Irene. Nahulog sa upuan si Seulgi, napatalon sina Jisoo at Chaeyoung sa pool, natabig ni Jeongyeon ang chaser, napaso sa sariling hawak na yosi si Ryujin at nabuga ni Wendy ang shot niya sa mukha ni Seulgi na nasa sahig habang si Yeji at Yuna naman ay nanlaki ang mata. Sino ba naman kasing hindi magugulat kay Irene, nakapoker face na nakatingin sa kanila, nakasuot ng puting night gown at nakalugay ang itim niyang buhok. Sakto pa  ang tama ng ilaw ng poste sa mukha nitong maputi.

May ilang segundo din silang stuck up bago narealize na si TL Irene lang pala iyon. Nang makarecover ang lahat, sabay sabay silang nagtawanan sa nangyare.

"Hayop ka Wendy! Walang ibang pwedeng bugahan?" Sabi ni Seulgi pagkatayo niya. Inabutan naman siya agad ng tissue. Umahon na din mula sa pool sina Jisoo at Chaeyoung. Hinugasan ng tubig at nilagyan ng yelo ni Ryujin ang daliri niya at tinayo na ni Jeongyeon ang pitcher ng juice.

Bumaba na si TL Irene at sinabihan na magpack up na sila. Kaya nagsimula na din silang magayos ng mga kalat, nafreshen up at nagsipasok na sa kani-kanilang kwartong tutulugan.

******************************

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
87 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1689 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
87 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡