Pag Ang Palay Naging Bigas...

Pag May Alak, May Balak

May second part ang kwento ng JenSoo. Hope you like it guys.
Please leave your comments or suggestions kasi nakakatulong siya sa akin. Enjoy!

 

"Hi Ma! Andito na ang paborito mong anak" bati ni Jisoo sa kanyang nanay pagpasok nila ng bahay.

One week pa lang sila naging official, inaya na niya si Jennie na bisitahin ang kanyang pamilya sa kanilang probinsya. May unting hesitation at worry kay Jennie pero naging okay din kasi siyempre kasama naman niya si Jisoo. 

Bunso sa magkakapatid si Jisoo. Ang ate at kuya niya ay may sarili ng mga pamilya kaya ang mga magulang na lang niya ang nakatira sa bahay na kanyang kinalakihan. May ilang hektaryong lupain ang kanilang pamilya sa Laguna, hati ito sa rice fields at ang kanilang animal farm kung saan may malaking porsyento dito ay poultry, kaya naman mahilig din talaga sa manok si Jisoo. 

"Nako naman talaga. Ganyan din sinasabi ng mga kapatid mo pag umuuwi dito" sagot naman ng nanay ni Jisoo. Napansin niya agad ang kasama nito. "Sino itong magandang dilag na kasama mo?"

Umakbay naman si Jisoo kay Jennie. "Si Jennie pala ma, girlfriend ko" sabi niya na may malawak na ngiti.

"Girlfriend ba kamo? Eh sino yung pinakilala mo nung isang linggo?" Biro ng nanay niya.

Kumunot naman agad ang noo ni Jennie.

"Luh siya. Ma, issue ka. Hindi naman ako umuwi last week kasi kasama ko si Jennie nun"

Nagtawanan muna ang mag-ina bago bumeso at yumakap ang anak. Ganun din naman ang ginawa ng nanay ni Jisoo kay Jennie bago sila umupo.

"Pasensya na sa magulong bahay iha. Hindi kasi nagsabi itong sisiw na ito na uuwi at may kasama pa pala" sagot naman ng nanay ni Jisoo with matching gulo ng buhok. 

"Ma naman eh. Ang ayos ayos ng buhok ko eh" reklamo naman ni Jisoo. 

"Okay lang po tita. Pasensya na din po sa abala at biglaang dating namin"

"Kumaen na ba kayo? Magluluto pa lang dapat kasi ng tanghalian ang papa mo eh kaso sumasakit na naman daw ang likuran" 

"Pinatingin niyo na ba yan? Two weeks ago pa niya nirereklamo yun ah" 

"Pinahilot na namin dun sa anak ni Aling Lydia nung makalawa. Eh itong papa mo, imbis na ipahinga eh nakipaglaro pa sa mga inaanak mo" 

"Luh. Andito sila kuya?" 

"Oo. Dumating nung isang araw. Parehas daw silang magasawang nakakuha ng bakasyon sa trabaho kaya naisipang umuwi dito. Namasyal silang magpamilya sa plaza" 

"Ayos! Sige ma kami na lang magaayos ng lunch. Magaling magluto itong jowa ko" proud na sabi ni Jisoo. Ngumiti na lang si Jennie. 

"O siya sige. Chcheck ko lang muna ulit ang papa mo. Mamaya na ulit kita kakamustahin Jennie ha. Feel at home ka lang"

"Salamat po tita"

Umakyat na ng hagdan ang nanay ni Jisoo kaya naiwan na sila sa sala. Sa pader na katapat ng kinauupuan nila ay may mga nakasabit na graduation photos sa pinakatuktok. Kamukha ng ate niya ang papa ni Jisoo dahil kamukha ng kuya niya ang nanay nila, at si Jisoo, hati. Sabi nga nila kung sino ang kamukha ng bata ay kung sinong magulang ang mas nagenjoy sa paggawa.

Sa baba ng mga graduation photos ay mga medals at halos pantay lang ang dami ng mga nakuha nilang magkakapatid, lamang lang ng konti sa ate ni Jisoo na grumaduate na Suma Laude. Sa sumunod na layer naman ay mga framed certificates at sa mahabang table sa baba nito ay mga family or solo photos. Nilapitan ni Jennie ang parte kung saan nakalagay ang mga pictures ni Jisoo nung kabataan niya at hindi niya napigilang ngumiti. Ang cute eh.

"Babe, may copies ka pa ba nung mga ito?" Tanong ni Jennie. Lumapit na din si Jisoo.

"Hmm. I think so. Check ko mamaya pag akyat natin sa kwarto"

Tinour muna ni Jisoo si Jennie sa loob ng bahay. Bukas na niya lang daw siya dadalhin sa farm. Sa first floor ang sala, dining at kusina at puro kwarto lang din sa taas. Mas maliit compared sa ibang rooms ang kwarto ni Jisoo pero siya ang may pinakamagandang view.

"Must've felt great to wake up everyday with this view babe" sabi ni Jennie habang nakadungaw sa malaking bintana. Lumapit ulit sa Jisoo after niya ayusin ang gamit nila at nag-back hug.

"Yep. It's my favorite part of my room aside from my bed. Just looking at the mountain and those endless fields calms me. Nakakamiss actually but having you here with me makes it even better"

"Oh my god nahahawa ka na kay Wendy"

Natawa sila pareho pero tuloy lang sila sa pagtanaw ng paligid. Walang aircon ang kwarto pero sapat na sapat na ang hangin na pumapasok sa bintana.

"Thank you for being here babe. It really means a lot to me"

"I should be the one thanking you babe. Thank you for being you. Thank you for loving me despite my shortcomings"

"Pareho tayong maliit noh ka ba"

Slight lang na nainis si Jennie sa pagsira ng moment pero natawa na lang din siya sa sinabi ng girlfriend. Real talk lang eh.

Bumaba na din sila after a while dahil nga pinagmalaki ni Jisoo ang cooking skills ni Jennie. Buti na lang at kaka-restock lang nila kaya lahat ng kailangang ingredient ay available. Dahil medyo gahol na din sa oras, yung madali lang ang niluto ni Jennie pero nilagyan na niya lang ng unting twist. Siyempre hindi mawawala ang chicken.

******************************
Umakyat si Jisoo para tawagin ang magulang niya kaya naiwang nagaayos ng lamesa si Jennie. Bumukas ang main door at umingay ang bahay sa pagpasok ng mga umiiyak na bata. Mabilis ding may kalabok pababa ng hagdan at si Jisoo pala iyon na sinalubong ang mga inaanak.

"Hennie! Missy! I mishoooooooo!" masayang bati ni Jisoo sa mga bata na instant tigil sa pagiyak.

"Tataaaaaa!" Masayang sagot naman ng mga bata.

Matapos yakapin ang mga bata ay nakipag.fist bump naman siya sa kuya niya at bumeso sa sis in law niya.

"Sakto kakaen na ng lunch. Pababa nadin sila mama"

Nang makumpleto na sila ay pinakilala ulit ni Jisoo si Jennie.

"Everyone, this is my girlfriend Jennie. Babe, you already met mama, there's papa, Kuya Junghoon and his wife Sherry and their kids Hennie and Missy"

Tumango for acknowledgement ang kuya ni Jisoo at ang asawa niya. Tinignan naman  ng mabuti ng tatay ni Jisoo si Jennie bago nagsalita.

"May kamukha ka iha" Nagtaka naman silang lahat, miski si Jisoo.

"Kamukha mo yung magiging manugang ko" dugtong nito.

Nabuga ng nanay ni Jisoo ang iniinom niyang tubig sa asawa niya sa hindi inaasahang banat.

"Ay dios ko naman Joon!"

Lalong gumaan ang atmosphere habang kumakaen sila. Nasarapan sila sa luto ni Jennie at hiningi pa ang recipe na ginamit. Kahit pa ngayon lang nila siya nakilala at nakasama, para na silang isang pamilya.

******************************
Madaling araw pa lang nagising na si Jisoo dahil plano nga nilang pumunta ng farm.  Mahimbing pa ang tulog ni Jennie kaya dahan dahan niyang inalis ang kanyang braso para makabangon siya at tulungan ang kanyang nanay na maghanda ng agahan. Pagbaba niya ng kusina ay saktong naghihiwa ito ng mga sahog.

"Good morning ma. Tulungan na kita jan" bati ni Jisoo. Routine na ito ni Jisoo sa tuwing umuuwi siya sa kanila. At sinusulit din naman ng magulang niya ang oras na nakakasama nila ang anak.

"Good morning din anak. Maayos ba ang tulog niyo?"

"Ayos lang ma. Sarap pa nga ng tulog ni Jennie eh"

"Mabuti naman kung ganun. O siya, kunin mo na yung dalawang kawali sa ilalim para sabay ng maluto"

Sumunod naman si Jisoo sa utos ng nanay niya at nang pareho ng mainit ang kawali ay nagsimula na silang magluto. Sinangag sa nanay niya at mga pritong ulam naman kay Jisoo. Sunod sunod na ding nagising ang pamilya at si Jennie at ang mga bata na lang ang natutulog.

"Gisingin ko lang po si Jennie ha" sabi ni Jisoo bago siya umakyat ulit ng kwarto. Pagpasok niya ay nakaupo na sa kama si Jennie. Halatang kagigising lang at mapungay pa ang mga mata.

"What time is it?" Tanong ni Jennie.

"It's 5 AM babe" sagot naman ni Jisoo.

"Why are we so early?" Tanong ulit ni Jennie habang pinupunasan ang kanyang mga mata. Tinabihan naman siya ni Jisoo at nagside hug.

"Late na nga ito actually. On Sundays, mga 4 AM pa lang nasa bukid na kami para makarami ng trabaho"

" ako na lang ba inaantay?" Gulat na sabi ni Jennie.

"Uhm. Oo pero ayos lang iyon. Hindi naman talaga required na gumising ng maaga. Gusto ko lang din kasi mapanuod yung sunrise with you. May spot kasi akong pinupuntahan to do that pag umuuwi ako dito. And of course I wanna share that with you. I'm pretty sure you'll love it"

One week pa lang niyang naeexperience maging girlfriend si Jisoo pero bawat araw ay ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito. And Jennie knows it wouldn't take that long until she feels the same sa pagpapakilig pa lang niya. Falling in love with Jisoo is not really going to be hard nga naman talaga.

******************************
Pagkatapos nilang kumaen ay nagpunta na sila sa bukid. Twenty minutes lang na lakad mula sa kanilang bahay ay makikita na ang bungad ng kanilang palayan. Pag umuuwi si Jisoo dito ay didiretso na siya sa animal farm para pakainin ang mga alaga nilang hayop. Ang spot na sinasabi niya ay sa second floor ng kanilang kamalig. At dun na nga niya dinala si Jennie.

Dahil nga spot na iyon ni Jisoo ay may mga upuan na dito. Pinagpag niya muna ang unting alikabok at naglagay ng tela bago sila umupo. From a distance, kahit wala pang liwanag, naaninag nila ang mga magsasaka sa bukid.

"In a few lalabas na si haring araw" masayang sabi ni Jisoo habang nakaakbay kay Jennie. Matik naman na pinatong ni Jennie ang ulo niya sa balikat nito. Ilang sandali nga lang ay nagpakita na ang araw. Minsan naaabutan niya ang pagsikat ng araw from her condo pero madalas signal niya lang yun para matulog na on days na nagbibinge watch siya at inaabot na ng umaga. Ngayon niya lang talaga naaappreciate ang ganda nito. Witnessing it now made Jennie feel awakened. Like she feels na it's a sign of a new beginning. A start of something new. And what more could she ask for at this moment when she's in the arms of a beautiful person named Jisoo.

******************************
"May certain months ang pagtatanim at pagaani nung mga palay. Pag wet season, jan maganda magtanim kasi malambot ang lupa pero kung hindi naman masyadong naulan, nagpapatubig muna sila. Tapos gagamit ng araro at kalabaw" pageexplain ni Jisoo kay Jennie na nakakunot ang noo. Hindi siya sanay sa ganito and although she has seen this on tv, iba pa din pag actual mong nakikita ang nangyayare. Matapos kasi nilang manuod ng sunrise ay pinakita niya kung paano nila pinapakaen ang mga alaga nilang hayop. Tapos pumunta na sila sa mismong palayan.

"Gusto mo ba itry? Hahawakan lang yung araro" tinuro ni Jisoo ang tinutukoy niya "and yung kalabaw na will do all the pulling, sasabayan mo lang siya maglakad"

Nagaalangan si Jennie and nagets naman ni Jisoo yung reaksyon niya. "Siyempre sasamahan kita babe"

Pumwesto na sila at nagsimula na ngang maglakad ang kalabaw. Halos dalawang oras na silang nagaararo, pawisan at malagkit na sa pakiramdam dahil sa init nang dumaan sa kabilang palayan ang isang tractor na minamaneho ng kuya ni Jisoo na mabilisan lang umararo sa lupa. Nanlaki ang mata ni Jennie dahil pagod na pagod na siya. Nakita niyang nagpipigil ng tawa si Jisoo.

"I hate you Soo!" Mahinang reklamo ni Jennie.

Sakto namang natapos na nila ang pagararo ng lupa kaya pumunta na muna sila sa tent kung nasaan ang tatay ni Jisoo.

"Pahinga muna kayo dito Jennie. Ewan ko ba jan kay Jisoo at pinagtripan kang gawin yan" bati ng tatay ni Jisoo habang nagaabot ng inumin. Umupo na silang dalawa at kumuha naman ng isang stick ng yosi si Jisoo.

"Kapag ikaw naamoy na naman ng nanay mo, malalagot ka talaga Jisoo" sabi ni tatay niya. Kamot ulo na lang si Jisoo pero nawala ang din agad ang kaba niya nang magsindi na din ang tatay niya.

"Nagmana lang naman ako sayo pa" sagot naman niya. "So pareho lang tayong lagot"

"Hindi po ba nagpupunta si tita dito?" Tanong ni Jennie.

"Nagpupunta naman pero siya kasi ang nagaasikaso ng business. Sila ng ate ni Jisoo. Kami naman sa manual labor. Kaya pag magasawa kayo ng bunso kong anak ay tiyak na makakasama ka nila. Business din daw kasi ang tinapos mo, tama?"

Napayuko ng slight si Jennie para hindi mahalatang natuwa siya sa sinabi ng tatay ni Jisoo. "Ah opo tito"

Nang makapagpahinga sila ay tumulong naman sila sa pagtatanim ng palay. Tuwang tuwa naman ang mga trabahador dahil ngayon lang nagdala ng kasama si Jisoo sa kanila.

"Ang ganda ganda ng gerlpren mo Jisoo tapos hinahayaan mo sa putikan" sabi ng isang magsasakang kasama nila.

"Awow naman Mang Simon. Parang sinasabi mong panget ako ah" sagot naman ni Jisoo.

"Hindi naman sa ganun. Ang akin lamang ay hindi bagay sa kanya ang nadudumihan"

"Okay lang naman po manong" sagot naman ni Jennie habang inaabot ang mga damong itatanim galing kay Jisoo. Sunod sunod lang ng abot si Jisoo at si Jennie ang nagtatanim. Pinapanuod lang niya ang kanyang girlfriend na parang hindi first time magtanim ng palay. Sa loob loob ni Jisoo, tuwang tuwa siya kasi kahit alam niyang hindi sanay si Jennie sa ganitong gawain ay wala siyang narinig na reklamo, except lang nung nagsimula sila.

Tumitindi na din ang sikat ng araw kaya bumalik na muna sila sa kamalig para magpahinga bago bumalik sa bahay.

"Babe ano yun? Ang laking mortar and pestle naman"

Tumingin si Jisoo sa tinuturo ni Jennie. "Ah. Yan ang ginagamit para bayuhin ang palay"

Kita naman sa mukha ni Jennie na hindi niya naintindihan ang sinabi ni Jisoo kaya lumapit ito at gumawa ng example.

"Oh. So yung mga naaning palay, dadalhin dito and you pound them? Then ang ending product is bigas, tama?"

Natawa bigla si Jisoo. May naalala kasi siyang old adult movie.

Bumalik na sila sa bahay at sakto din na malapit na matapos magluto ng tanghalian ang nanay ni Jisoo kaya naman ay dumiretso na sila sa kwarto para maligo.

Habang inaayos ang damit, kita ni Jisoo na nagsstretch ng katawan si Jennie.

"Are you okay babe?"

"I'm good. Nakakapagod pala magtanim pero atleast I learned something new today. Thank you for bringing me here babe"

"Legit ba? Natuwa ka sa mga pinaggagagawa natin kanina?" Naninigurado lang si Jisoo.

"Yes babe. Did you think I wasn't okay with what we did?"

"Kind of"

"Well, let me tell you something babe" lumapit si Jennie kay Jisoo at yumakap. "I may not be used to doing manual labor like that but being able to experience it with you makes me happy. It's tiring yes, but doing it together makes it worth while. And I love every minute we spent"

Napatikom na lang ng bibig si Jisoo. Ayaw pahalatang kinilig siya sa sinabi ng girlfriend.

******************************
"O mga anak, magiingat sa byahe ha. Ikaw Jisoo ayusin mo magmaneho. At magtext kung nakarating na kayo ng Manila" sabi ng tatay ni Jisoo sa kanilang dalawa ni Jennie.

"Will do pa. Yung bilin ko din sau pa ha. Wag na pasaway pag sinabing magpahinga"

"Oo na. Malilintikan ako sa nanay mo eh"

Yumakap na silang dalawa pati nadin sa nanay ni Jisoo at nagsimula na ngang bumiyahe pabalik ng Manila.

"Sabi sau babe wala ka dapat i-worry eh. Love na love ka na nila mama at papa. Pati nadin mga pamangkin ko" sabi ni Jisoo.

"Sana ganun din kadali kina mom and dad" mahinang sagot naman ni Jennie.

Dahil matik naman ang sasakyan, hinawakan ni Jisoo ang kamay ni Jennie. "Don't overthink much babe. Kung ano man mangyare, be it as welcoming as my family or not, this hand of mine will never let you go"

Despite Jisoo's encouraging words, Jennie can't help but still feel worried abouat it. Her parents, well, how to begin describing them? Sila yung close minded parents na at this time and age ay hindi padin tanggap ang fact na it's okay to be different. Kaya rin madalas sila magaway ay dahil kahit anong pilit na ipaintindi ni Jennie sa kanila ang konsepto ng pagiging biual niya ay hindi pa din nila maintindihan o matanggap. Kaisa isa din kasing anak si Jennie. Like she said nga, she gets whatever she wants except her parents approval of her uality. Kaya talagang nagaalangan siyang ipakilala si Jisoo sa kanila. Matagal pa naman bago sila magkikita ng mga magulang niya kaya iisipin na lang niya ulit yun pag andyan na.

******************************

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
88 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1691 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
88 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡