How It Started

Pag May Alak, May Balak

A/N: Nakailang chapter na tsaka ako maglalagay ng title ng ganyan. Labo ko din eh. We will walk through memory lane on this one tapos balik din tayo sa present.

********************
"Hi I'm Wendy Son. You're Seulgi Kang right?" bati ni Wendy ng nakangiti pagkatapos siyang pagbuksan ng pinto ng isang naka.pajama na may bear designs.

May lag ng unti pero sumagot naman ang nagbukas ng pinto. Halatang nagising sa katok. Madaling araw na kasi. "Ugh yes yes. Come in"

Pumasok siya ng kwarto hila ang kanyang maleta at isang backpack at inikot ni Wendy ang mata sa buong kwarto. May dalawang single bed sa magkabilang side, parehong may desk sa dulo ng kama, dalawang maliit na closet at bathroom. May gamit na yung left side so lumapit siya sa kanang kama at binaba ang dalang bag. Bumalik naman sa kabilang kama si Seulgi at umupo.

"Sorry to disturb your sleep. The flight got delayed. Was supposed to arrive earlier" pageexplain ni Wendy sa nahuli niyang humihikab na bagong room mate.

"Deh ayos lang. Ay sorry, do you understand Tagalog?" Napaisip ni Seulgi kung talagang foreigner itong kausap niya. English kasi ng English.

"Oo naman"


********************

"Seulgi, parang crush ko yung isang blockmate ko" bungad ni Wendy pagpasok niya ng dorm nila ni Seulgi.

"Sino dun? Madami ka kayang blockmate" sagot naman ni Seulgi ng hindi inaalis ang tingin sa ginagawa niyang plate.

"Si Shuhua Yeh. Tangina ang ganda eh"

"Eh di ligawan mo"

"Nahihiya ako"

Tumigil sa pagdrdrawing si Seulgi at tumingin kay Wendy, may gulat sa expression ng mukha.

"Tangina. Ikaw? May hiya?"

"Luh. Grabe siya. Meron ako nun noh. Ano akala mo sa akin makapal mukha?"

"Not really. Pero ikaw yung taong kilala ko na maboka"

"I know, I know. But I want to make sure I do this right if ligawan ko siya"

********************
Nasa isang cafe si Seulgi at inaantay si Wendy. May importante daw sasabihin. Sakto din naman tapos na sila sa finals at libre na sila pareho. Tumunog ang bell sa pintuan at may pumasok na dalawang tao. Pagkakita pa lang ni Seulgi sa bestfriend niya, alam na niya sasabihin nito. Lumapit ang mga bagong dating at umupo sa harapan niya.

"Hey Seulgi" panimula ni Wendy. "This is Shuhua...my girlfriend" nakangiting sabi ni Wendy.

Nagextend naman ng kamay ang pinakilala at nagkamayan sila ni Seulgi.

"I heard a lot about you Seulgi"

"Good things I hope"

"Yep. Wendy's not one to say bad things behind someone's back"

"I know. She's my bestfriend" may konting emphasis sa last word, di rin niya alam kung bakit ganun niya sinabi.

********************
"Tol. Shuhua and I will be living in together when we graduate" sabi ni Wendy kay Seulgi. Nasa isang bar sila, tamang bonding lang since hindi na masyadong nagagawa simula ng magkajowa si Wendy.

"Mukhang seryoso ka na talaga sa kanya ah. Papakasalan mo na din ba?"

"I plan to. Gusto ko ma-meet din sana parents niya. Alam mo na, tamang paalam din"

"Eh paano kung di sila approve?"

"I'll prove them wrong. Wala naman akong masamang intensyon sa anak nila"

"Alam ko naman iyon tol. Pero tanong ko lang ah. Legal ba kayo?"

Hindi nakasagot agad si Wendy, bumuntong hininga sabay iling.

"Hmm. Ilang taon na din kayo pero hindi pa niya nasasabi sa parents niya?"

"Madalas din kasi wala dito parents niya and everytime we plan to meet them, laging may emergency meeting"

"Wala din naman dito parents mo tol pero unang linggo niyo pa lang eh napakilala mo na siya thru a videocall"

"Hayaan mo na. Basta the plan is after graduation, maghahanap na kami ng matitirhan and possibly settle down"

"O sige tol. Kung kailangan niyo ng tulong maglipat ng gamit, tawagan mo lang ako ah"
 
********************
"Mehn ano ba yang inaayos mo jan? May exams pa bukas ah" tanong ni Seulgi nang magising sa mahinang pagkakaluskos ni Wendy sa side niya.

"Anniversary namin and birthday ni Shuhua. Just checking kung kumpleto na yung gifts ko"

"Wow. Effort ah"

"Siyempre naman. Ako pa ba. Best in effort kaya ito"

"Sure sabi mo eh. Sana lang magustuhan ng yayamanin mong girlfriend yang gawa mo"

"Don't belittle me my friend. Papakasalan ko pa siya"

"Legit magproprose ka na? Sure ka na sa kanya?"

"Bakit hindi?"

"Hindi ka nga mapakilala sa parents niya tol" Umayos na ng upo si Seulgi. "Di naman sa ano ah. Pero siguro dahil mahal mo siya kaya di mo din nakikita. I don't think her parents are gonna be welcoming sa relationship niyo"

Nagkibit balikat si Wendy. "Love will always find a way my friend"

Pero at the back of Seulgi's mind, love is not always enough.

********************
Nasa rehearsals si Seulgi para sa isang production ng course nila. Member kasi siya ng theater org nang may tumawag sa kanyang unknown number.

"Hi. I'm calling on behalf of St. Mary's Hospital. Is this Seulgi Kang?"

Kinabahan na agad si Seulgi. Isa lang naman ang alam niyang ginawa siyang emergency contact.

"Ugh. Y....yes"

"I just want to inform you that Wendy Son was brought in earlier today...."

Hindi na narinig ang mga susunod na sinabi at hindi na nagpaalam si Seulgi sa mga orgmates niya at dali-dali siyang tumakbo palabas ng auditorium.

********************
"S...Seulgi?" mahinang salita ni Wendy.

Nagangat ng ulo ang tinawag at namumugto ang mga mata.

"Wendy" naluluha na naman ang mga mata. "Wag ka na muna magsalita. Alam ko na ang nangyare. Tangina pag nakita ko ulit yang si Shuhua igaganti kita!"

Umiling na lang si Wendy at inabot ang kamay ng kaibigan. "D...don't b...other"

"Hindi mehn. Hindi tama yung ginawa sayo!" napalakas na ang boses ni Seulgi sa sobrang galit niya sa nangyare sa bestfriend niya.

"I...I'll b...be f...ine"

"Oo you will tol pero hindi naman pwedeng wala tayong gagawin!"

Hinigpitan ni Wendy ang hawak niya sa kamay ni Seulgi. Nagkatinginan at nagkaintindihan na wala ngang balak gawin si Wendy. Hindi niya din nature na gumanti talaga kahit siya pa ang nadehado. Wala na din nagawa si Seulgi, mukhang desidido na talaga si Wendy.

********************
"Panalo itong apartment na nahanap mo Wendy. May dalawang kwarto, malaking sala at kusina, may rooftop pa!" sabi ni Seulgi pagdating nila sa lilipatang bahay.

"Muntik ko na nga hindi makuha. Sabay kasi kaming dumating nung isang nagtanong kaso ipapareserve pa lang nila. Buti na lang dala ko yung pangdownpayment kaya nagbayad na agad ako"

Naunang grumaduate si Seulgi at nahuli ng isang sem si Wendy dahil nga kinailangan niyang magrecover. Pero kahit ganun ay sinabayan lang ni Seulgi si Wendy sa paghanap ng work. Sagot na muna ng parents ni Wendy ang naging gastos nila hanggang makapagtapos si Wendy. Nahirapan parehong makahanap ng work sa sariling kursong tinapos kaya nagapply sila pareho sa BPO na nirecommend ng isa nilang kaibigan.

********************
Isang buwan na nagtraining at ngayon ay malilipat na sila sa isang bagong account. Lima lang silang nagaantay sa loob ng training room kung saan nila mamemeet ang kanilang magiging team leader. May pumasok na isang lalaki na may kasunod na babae. Halos mabali ang leeg ni Wendy sa biglang ikot ng ulo sa direksyon nung bagong pasok.

Bumulong sa katabing si Seulgi. "Oh my god tol! Yan ba ang tl natin? TL ko na ata siya in real life"

Dahil unti lang sila sa room, at hindi rin discreet ang pagbulong ay slight na rinig ng ibang kasama nila ang sinabi niya at nagngisian sila except dun sa tinukoy ni Wendy.

"Hi everyone. My name is Henry Lau and I will be your trainer for the next two weeks and this will be your team leader, Irene Bae"

Jeongyeon - Nayeon - Jisoo - Seulgi - Wendy ang blockings sa room. At ang pinakamalapit na mauupuan ay sa tabi ni Wendy kaya dun na umupo si Irene. Poker face lang all through out. And for the next two weeks, naging close agad ang limang pioneer sa account.

********************
"Uy Irene, mukhang trip ka nung isa mong ahente ah. Ang liit na tao, pero ang haba ng leeg. Kanina pa lumilingon dito" sabi ni TL CL nang mahuli si Wendy na tumitingin sa loob ng aquarium kung saan nagmemeeting ang mga team leaders.

"Sino? Si Wendy?" tanong nito kahit alam naman niya talaga kung sino yung tinutukoy ng kaibigan.

"Oo. Everytime na lang may meeting tayo panay ang dungaw niya"

Tumingin din si Irene at nasaktuhan niya ang 'pasimpleng' tingin ni Wendy. Napangiti na lang siya sa loob loob niya.

********************
"Hi Boss. How's your day naman po?" nakangiting bati ni Wendy pagpasok niya sa aquarium para sa weekly coaching nila.

"Usual stuff. Lots of emails and reports to do" sagot naman ni Irene, poker face pa din.

"Smile ka naman boss. Mas nakakaganda ng araw yun"

Ngumiti nga pero pilit mga three seconds lang tapos business mode ulit. "You're slacking off Wendy. You're the bottom performer this month. Any challenges that we can work on?"

Napakamot na lang ng batok si Wendy. "Ugh. Pasensya na boss. Ang papangit kasi ng mga calls ko lately. Kung hindi long call, sup call o kaya naman irate tapos bababaan ako ng telepono"

"I get it. I've been there, so you have to make sure that you pull those scores up next month. I want to see your name on top of the board. You have potential Wendy. Who knows in the next year or two, you'll be handling your own team as well"

"I'm planning to be a trainer po boss. I don't think I can manage what you do"

"Of course you can. As long as you keep those scores up, you will definitely achieve the position you want"

Eh position kaya sa buhay mo boss? sabi ni Wendy sa sarili.

"Yes boss" sagot nito sabay salute.

********************
"And our most improved CSR is....Wendy Son!" pagannounce nung isang host during their half hour (done every Thursday para naman makapagchill chill lang ang mga ahente). At simula nga nun ay palagi ng special mention si Wendy sa account nila.

********************
"Oi Wendy, masyado ka ng nagpapapansin kay boss ah" sabi ni Jeongyeon. Nasa rooftop silang lima.

"Masaya lang ako na napapangiti ko siya sa tuwing naprpraise ang account natin. Achievement yun noh" sagot naman ni Wendy.

 "Ayain mo kaya minsan pag naginom tayo sa labas" sabi naman ni Jisoo.

"Ayoko. Nahihiya ako"

"Seriously? Meron ka nun?" tanong naman ni Nayeon.

Natawa na lang si Seulgi dahil may naalala siya.

********************
"Guys, we will be adding more seats in the account so prepare yourself for buddying up with the new folks" announcement ni Irene during their SOD.

"Yes boss!" sagot naman nilang lahat.

The following week, nadagdag na sa kanila sina Momo, Sana, Jihyo, Mina, Jennie, Rosè at Lisa. And a few more months after, nadagdag sina Joy, Dahyun, Chaeyoung at Tzuyu.


********************

Nasa double date sina Seulgi, Joy, Rosè at Lisa nang matanggap niya ang tawag ni Yeri.

"A...ate S...Seulgi" sabi ni Yeri pagkasagot ng tinawagan niya.

Parang dejavu ang pakiramdam ni Seulgi at kinabahan na siya ng malala.

"Yes Yeri?" sagot nito. Wala masyadong ingay sa end ni Yeri pero rinig niya ang paghikbi ng kausap. Nakakutob na ulit siya. "W...where are you?"

Pansin agad ng mga kasama ni Seulgi ang mabilis na pagswitch ng expression niya dahil kanina lang ay nagtatawanan sila.

"Babe, what's wrong?" tanong ni Joy.

Katatapos lang ng ilang minutong phone call and they already felt something was wrong the moment na may tumulong luha sa mata ni Seulgi. Tumayo na sila kaagad at hinila na si Seulgi papunta sa kotse ni Lisa.

"Where to, Seul?" tanong ni Lisa pagkastart ng sasakyan.

Nanginginig na ang tinanong at nakatitig lang sa cellphone niya. Nakita naman agad ni Joy ang nakabukas ng message ni Yeri at sinabi agad sa kaibigan kung saan sila pupunta.

Dahil weekend, wala masyadong sasakyan at kahit nanggaling pa sila sa kabilang side eh nakarating din agad sa hospital. Agad silang pumunta sa emergency area at nakita na nga nila si Yeri na nakayakap kay Saeron.

"Ate Seulgi!" bati ni Yeri sabay yakap kay Seulgi na hindi napigilan ang sariling luha.

Si Saeron na nagexplain kina Joy, Rosè at Lisa kung anong nangyare kay Wendy.

********************
"Mr. and Mrs. Bae, there's been an accident"

"What do you mean?"

"Ms Irene and Ms Yeri ran to different directions and I caught up with Ms Irene and when she saw me, she starting walking towards the other side of the street when someone saved her from an incoming car"

"Is the person still alive?"

"Barely sir. They took her and Ms Irene to the hospital. I am following them now with Ms Yeri"

"Alright we'll be there"


********************
-I think it's time for you to go back Wendy-

"Thank you, whoever you are"

********************

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
88 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1692 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
88 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡