Gulat Ka Noh?

Pag May Alak, May Balak

Bago sumikat ang araw, nagising na ang ilan sa kanila na maagang natulog at sila ang naghanda ng kanilang breakfast. Tamang multi task sina Chaeryoung, Lia, Rosé, Momo at Dahyun habang nagkakape or hot choco while cooking or while fixing the table. Nang mailuto na ang sinangag, hotdog, maling at longganisa, ginising na nila ang kanilang mga kaibigan.

******************************
Pumasok ng shared room sina Chaeryoung at Lia. May isang king sized bed at separate na single bed kung saan natutulog si Yuna. Iniwan nila kanina ang mga girlfriend nilang nasa parehong dulo ng kama pero hindi nila mapigilan na hindi kuhaan ng picture ang itsurahan nila ngayon.

"Ay ang sweet naman nila" bulong ni Lia.

"Never thought this would happen but Ryeji? I ship" pagsangayon naman ni Chaeryoung.

Kasalukuyang magkayakap ang dalawa, si Ryujin ang bigger spoon at kung hindi mo sila kilala, aakalain mong magjowa ang dalawa.

******************************
Sa shared room naman ng DahMo at SaTzu ay dalawang queen sized bed ang kanilang higaan. Madilim pa ng lumabas sila ng kwarto at ilaw lang ng cellphone ang ginamit para makalabas sila. Pero hindi na sila nagulat ng may nagkalat na damit sa floor ng kama nila Sana at Tzuyu.

"Gigisingin ba natin o tatawagan na lang? Baka biglang bumangon eh" bulong ni Momo kay Dahyun.

"Ugh. Buksan na lang natin yung ilaw tapos labas na tayo ng kwarto. Gigising din yan for sure"

At iyon nga ang kanilang ginawa. Mabilis na bumangon si Sana at nahulog ang kumot na nagtatakip sa kanyang katawan. Agad din naalimpungatan si Tzuyu at tinakip nito ulit ang kumot.

******************************
Sa shared kwarto naman ng JenSoo at ChaeLisa ay dahan dahan pumasok si Rosé. Gamit ang ilaw galing sa kanyang cellphone ay lumapit siya sa kanilang kama kung saan muntik na niyang maapakan si Lisa na nasa lapag natutulog habang ang kambal ay naka.spread out ang mga kamay at paa. Inayos niya muna ang higa ng kambal at tsaka binuhat si Lisa, bridal style pabalik sa kama. 

Kita ito ng JenSoo na saktong nagising ng may unting liwanag na pumasok sa kwarto at nangiti sa ginawa ng kaibigan. Payat man si Rosé pero may muscles din ito.

******************************
Sa pinakahuling kwarto ay mahimbing na natutulog pa din ang apat. Naghihilik pa si Seulgi pero wapakels na ang tatlo. Hindi na kailangan gisingin ng iba dahil matik ng gumising si TL Irene at siya na ang nanggising kina Wendy, Seulgi at Joy.

"Guys, wake up na. Breakfast is ready" sabi nito sabay bukas ng ilaw bago dumiretso sa cr. Agad namang bumangon si Joy at nagstretch habang sina Wendy at Seulgi ay nagtalukbong na lang ng kumot.

******************************
Nakakaen na ang lahat, may ibang autopilot na lang ang pagsubo dahil antok pa. Si Ryujin at Yeji ay may akwardness at tinatawanan lang sila ng kanilang mga girlfriend. Si Yuna ay mugto padin ang mata. Si Dahyun ay umiiwas ng tingin kay Sana at may nakita siyang hindi niya dapat makita.

Nang ready na ang lahat ay nagsimula na silang maglakad papunta sa beachfront. Dahil maaga pa, sila lang ang tao kaya naman ay dumiretso na agad sa dagat ang iba.

Naglatag ng banig si Lisa na tinakpan din ng isa pang cloth, ibinaba na din ang picnic basket na may lamang pagkaen at pinaupo muna si Rosé, binigay si Luna bago siya umupo sa tabi nito na kandong si Caius. Litaw ang ngiti sa mukha ng kambal nang makita ang dagat. Kaya naman hindi rin napigilan ni Lisa na mag-family picture sila. Naglatag na din ng isa pang banig si Jisoo at dun nila nilagay ang ilang mga gamit nila.

"Hindi ka ba magswimming Dy?" Tanong ni Rosé.

"Mamaya na lang siguro. Dito muna ako sa inyo"

"Eh paano kung gusto kong magswim?"

"Ay okay. Sige My, busog pa naman ang kambal so mamaya pa maghahanap ng milk"

At yun nga, humalik muna sa kambal at sa asawa si Rosé bago siya naglakad papunta kina Jennie na nasa tubig na. Dumating naman si Irene at Wendy.

"Sumama ka na kay Rosé, kami na bahala sa kambal" sabi ni Irene na umupo at kinandong sa lap niya si Luna.

Nagalangan pa si Lisa pero binigay din niya si Caius kay Wendy bago ito humabol sa asawa. Nagulat pa si Rosé pero nung ituro ni Lisa kung sino nagbabantay sa mga anak nila ay nagthank you ito bago lumusong. Sabay namang tumango si Irene at Wendy.

******************************
Inenjoy lang nila ang oras sa pagswimming sa dagat hanggang tumaas na talaga ang sikat ng araw. Tsaka na lang din sila bumalik sa bahay na nirentahan para dun na lang ituloy ang paglangoy sa pool.

At dahil may jacuzzi din ito at adjustable ang temperature, dun naman pinalangoy nila Rosé at Lisa ang kambal.

"Ang cute naman nilang dalawa" sabi ni Sana na dumaan galing sa kusina.

Naka.swim suit at may suit na floaters ang kambal na masayang winawagayway ang mga kamay sa tubig kasabay ng pagpadyak ng kanilang legs habang buhat ng mga magulang nila.

"Mukhang mahihilig lumangoy ang kambal ah" sabi ni Jennie na umupo sa edge ng jacuzzi.

"Onga eh. Balak ko na nga bumili nung inflatable pool para pwede din nila gawin sa apartment" sagot naman ni Rosé.

Tuloy lang ang grupo sa pagenjoy ng araw. Nag-allot din sila ng oras para makapagayos sila ng gamit bago sila umalis.

******************************
Monday came at sabay sabay pumasok ng training room sina Wendy, Seulgi, Mina at Jeongyeon. May orientation kasi ulit since may new roles na sila. Bagong contract with increased pay rates na din. Andun na ang ibang mga bagong promote na agents kaya umupo na sila sa pinakaharapan. Maaga ng isang oras ang shift nila kesa sa Team Irene kaya naman nagsend ng message si Wendy kay Irene, asking kung what time siya aalis ng bahay. Nakareceive naman agad ito ng reply at sinabing nagpreprepare na din siya.

Dumating ang HR nila na si Miss Jessica at nagsimula na ang kanilang orientation. To start the day, pinagpakilala ang mga nasa room at aside from the internal hires for the new positions, may ilan ding external hires for the higher positions. Si Kang Wooram na bagong Section Manager, si Choi Minho na bagong Operations Manager, at Park Chanyeol na bagong Training Head. Pagkatapos magpakilala ang lahat sinimulang idiscuss ang company policies at kung ano ano pang mga dapat ireview.

Pagdating ng first break nila ay umakyat ang apat para bisitahin ang kanilang dating team. Saktong avail kaya nakapagkwentuhan pa sila.

"O kamusta naman kayo?" Bati ni Nayeon.

Tamang hikab si Jeongyeon bago sumagot sa girlfriend. "Ang boring kasi puro review ng company policies. Pero may mga bagong mga boss"

"Ay weh? Dito ba sa atin mapupunta iyon?" Tanong naman ni Sana.

"Di rin namin alam. Basta puro mga lalaki eh" sagot naman ni Seulgi.

"Ay hotdog. Eew" sagot naman ni Jisoo.

Si Wendy naman ay lumapit kay Irene na seryoso ang itsura habang sumasagot ng email.

"Nie, what time ka maglunch later?"

Sumagot naman si Irene na hindi humaharap sa asawa. "Not sure. What time's your lunchbreak?"

"Not sure as well but most probably after two hours?"

Tumingin sa oras si Irene. "I have a meeting in two hours nie"

"Oh okay. Breakfast after shift?"

"Yes nie. Si Jessica ba lead niyo?"

"Yep. Nakakaantok yung discussion pero mas nakakatakot siyang tumingin kaya pigil hikab kaming lahat. Mali talagang sa harapan kami umupo"

"That's THE Jessica Jung nie. Seryoso yan pagdating sa work pero fun naman siya kasama outside"

"Hindi ko makita ang fun sa aura niya though"

Nang matapos ang break nila, bumalik na ng training room ang apat at nagtuloy na sa discussion si Miss Jessica. Towards the end of the shift, may free time sa internals dahil itotour naman daw kasi ang mga externals kaya naman bumaba na sa smoking area ang tatlo habang si Mina ay piniling puntahan si Chaeyoung.

******************************
"Today lang naman yung orientation di ba?" Tanong ni Seulgi habang nagsisindi ng yosi.

"I believe so. Official training na talaga tomorrow ang alam ko" sagot naman ni Wendy na nakalabas na ang phone at inuupdate si Irene.

"Ayos. Takte antok na antok na ako" sabi naman ni Jeongyeon.

"I feel you bro. Nakailang kurot na ako sa sarili kanina" sabi ni Seulgi sabay pakita ng braso na may marka nga ng kurot.

Si Wendy naman ay busy na kakatext sa asawa kaya tinawag ng tropa ang kanyang atensyon.

"Wendy ano na? May mga kasama ka" biro ni Seulgi.

"Ay sorry. Tinatanong ko kasi si nie kung saan kami magbreakfast. Kasi nga hindi kami sabay ng lunch"

Nakaisip ng ideya si Jeongyeon. "Sama naman kami jan. Gawin na nating team breakfast or kung sinong gusto sumama"

"Bet ko yan. May buffet ba na bukas ng maaga?" Entry ni Seulgi.

Nagtext naman agad si Wendy at tinanong kung okay lang na gawing team breakfast ang plano. Hindi agad nagreply si Irene. Mukhang tinatanong pa ang kanyang agents. After five minutes, nagmessage ito na go daw lahat.

"Okay daw sa team and to answer your question, may 24 hrs na samgyup sa may Kalayaan Ave. May smoking area din dun tsaka buffet style ang mga side dish"

Nanlaki naman ang mata ng mga kasama ni Wendy nang marinig ang buffet.

*****************************
Dahil mas maaga ang out nila Wendy, Seulgi, Jeongyeon at Mina, tumambay na lang muna sila sa game room sa production floor. Sila lang ang tao dun dahil normally after shift naglalaro ang ibang agents. Magkalaban si Mina at Wendy sa isang game at sina Seulgi at Jeongyeon naman sa isa pang game.

Mabilis lang ang oras at tapos na din ang shift ng Team Irene kaya naman ay nagunahan na silang mag finger sa biometics. Dating gawi na antayan sa parking area at nang makumpleto ay bumiyahe na sila papunta sa Kalayaan Ave.

Pagdating sa restaurant ay binati sila ng isang waiter.

"Good morning po. Ilan po sila?"

"Kuya bente uno kami" sagot naman ni Jisoo.

Napangiti ng malaki si kuya at pinasunod na sila sa taas kung nasaan may mas maluwag na area. Pinagdugtong dugtong na lang din ang mga tables para sama sama sila. Nang maiayos na, ay inabot na sa kanila ang menu.

"Uy! Ayos ang palabas. Puro kpop" natutuwang sabi ni Seulgi.

"Tanga ka erp? Malamang korean restaurant ito eh" sagot naman ni Chaeyoung.

Nang makaorder na sila ng mga meat na iihawin ay nagpunta naman sila sa buffet side dish area. Kalahati pa lang sa kanila ang nakakakuha, kinailangan na agad ng refill.

When everyone had their fill of side dishes, nagsimula na din silang mag.ihaw ng meat.

"Iinom ba tayo? May mga beer eh" tanong ni Yuna.

Medyo nagulat pa sila na nanggaling sa kanya ang tanong pero sa mga tomador ng team, inexpect na nila ito. Alam nila kasing may pinagdadaanan siya.

"Trip niyo ba? Keri lang. Chillnuman" sagot naman ni Wendy.

At umorder na nga sila ng alak. Dahil nga unlimited lahat ng pagkaen for the price of 500 pesos, sulit na sulit sa kanila.

Maya maya naman ay may lumapit sa kanilang koreana at kinamusta sila.

Si TL Irene lang ang nakaintindi.

"모두 괜찮은가요? 그 밖에 또 필요한 것이 있습니까?

"오, 안돼, 괜찮아요. 감사합니다"  

Nagulat ang babae ng sagutin din siya in korean. Kamot ulo na lang ang lahat ng bigla na silang magusap in full korean.

"당신도 한국인인가요?" 

"네. 저는 그곳에서 태어났지만 성인이 된 대부분의 시간을 이곳에서 보냈습니다." 

"오, 멋지다. 나는 작년에 필리핀에 막 왔어. 나는 여전히 언어에 어려움을 겪고 있다."

"괜찮아요. 저도 적응하는데 시간이 좀 걸렸어요.

The whole time na naguusap ang mayari ng restaurant at si Irene, may ibang invested at kunwari naiintindihan nila ang pinaguusapan. Gumagawa na lang ng mga sariling subtitles. May isa namang nakikinig lang at naiintindihan din pala ang pinaguusapan. Nang umalis na ang babae ay nagtanungan na ang iba.

"TL, ano sabi?" Tanong ni Seulgi.

"She asked if we need anything else"sagot naman ni Irene sabay subo ng isang lettuce wrap na kanina niya pa hawak.

"Para kami natransport sa isang kdrama boss. Pero yung kakalabas lang kasi wala pang subtitles" entry naman ni Jisoo.

Nagtawanan naman ang iba miski na din ang ilang waiter na nasa paligid. Nakailang order sina Momo, Jeongyeon at Seulgi ng mga meat kaya tuloy tuloy ang pagluluto nina Wendy, Chaeyoung at Jisoo. Ang iba naman ay tumigil sa pagkain para magpahinga muna dahil may bagong batch na namang dumating.

"Food coma na ako in a few" sabi ni Ryujin habang hinihimas ang kanyang tiyan.

"Tara yosi?" pagaya naman ni Yeji. Silang dalawa lang ang tumayo papunta sa smoking area dahil busy pa ang iba. Nagkatinginan naman si Lia at Chaeryoung at naalala ang position nila sa pagtulog at napangisi.

******************************
Katatapos lang nila sa tig isang stick ng pumasok sa smoking area si Yuna. Sanay na naman ito sa amoy ng yosi kapag nagiinuman sila pero ang kinagulat ni Ryujin at Yeji ay nang maglabas ito ng sarili niyang kaha, Marlboro Red pa.

Pagkasindi nito ng kanyang stick ay umupo sa bench na available. Hindi lang hithit buga na normal sa baguhan magyosi. Long drags. Nang kalahati na siya ng stick ay tsaka lang nakapagsalita ang dalawa.

"Kamusta ka Yuna?" Tanong ni Yeji.

Nagkibit balikat lang ito sabag sagot, "I don't know"

"Do you wanna talk about it?" Tanong naman ni Ryujin.

Halata ang pagpigil niya ng luha. "May kailangan pa bang pagusapan? Narinig niyo naman yung nangyari"

Nagkatinginan ang dalawa. Tila parang naguusap kung ipupush nila ang pagtatanong.

"Gets ko yung feeling Yuna" sabi ni Ryujin, napatikom naman ng bibig si Yeji. "But tell you what, it'll get better. Not right away but it will"

"I know. Nakakagago lang kasi eh. First ko kasi siya tapos ganun yung mangyayari. Matagal ko ng pinaghihinalaan yun pero I chose not to confront her about it. Nalaman ko lang nung bago tayo pumunta ng Batangas"

"Paano?" Tanong ni Yeji.

Nagsindi na sila ulit ng bagong stick bago nagtuloy sa kwento "Pinuntahan ko siya sa condo niya kasi naiwan ko yung powerbank ko dun. May susi naman ako so pumasok na agad ako. Hindi ko naman napansin yung nagkalat na damit sa sala kasi minsan ganun talaga siya. Pero pagpasok ko ng room niya..." tumulo na talaga ang luha niya kaya inakbayan na lang siya ni Ryujin. "Ako pa nahiya kasi they were in the middle of doing it"

"Holy ! Di nga?"

"Yup. To think na wala pang nangyayare sa amin and me thinking na okay lang sa kanya kasi she said so. Yun pala, may kinakama naman pala talaga siya. Yung bestfriend niya pa"

"Ay hala gago pala yun eh" sabi ni Yeji.

"Yes, ISA SIYANG MALAKING GAGO!"

"Ay gago ka din!" Napahawak sa dibdib si TL Irene sa gulat dahil saktong pumasok sila ng smoking area. Kasunod niya din sina Wendy, Seulgi, Chaeyoung at Jisoo.

Ang seryosong kwentuhan kanina ay napalitan ngayon ng tawanan. Epic kaso yung itsura ni TL Irene.

Dahil curious na ang iba sa nangyari ay nagkwento na lang ulit si Yuna pero this time, mas kalmado na siya.

"Hayaan mo na yun. There's a special place in hell for cheaters like her" sabi ni Wendy.

Nagagree naman ang tropa.

 

 

 

 

A/N: So I used Papago for the translations.
Is everything okay? Do you need anything else?
Oh no, we're good. Thank you.
Are you also Korean?
Yes. I was born there but spent most of my adult life here.
Oh cool. I just came to the Philippines last year. I'm still struggling with the language.
That's alright. It took me a while as well to get used to it.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
87 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1689 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
87 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡