Nightmares

Pag May Alak, May Balak

Hi everyone. Been a real while sine I posted any updates. Got new ones for you after this chapter. There's going to be a focus ship but all the others will still be there. Hope y’all still following the story. Keep safe everyone.

 

"Love, anong gusto mo sa birthday mo?" tanong ni Mina kay Chaeyoung habang inaayos nila ang mga pina.laundry nila..

"Like what I always say naman love, hindi kailangan ng party or kung ano magarbong selebrasyon, makasama ka lang masayang masaya na ako"

Kinilig naman agad si Mina. Ever since nililigawan siya ni Chaeyoung, palagi itong kinikilig kapag nagiging super sweet ito. Minsan hindi naman sadya talagang ganun pero it's the way she said it. Isa sila sa mga lowkey ang galawan pagdating sa tropa. Sila din ang huling umamin na magkarelasyon nung kasagsagan na nagjojowaan na ang iba nilang team mates. Hindi kasi nasa personality ni Mina na ipagsabi sa iba ang mga ganap niya sa buhay. Si Chaeyoung talaga ang nagadjust sa kanila pero she is very happy kahit ganun ang kanyang girlfriend. Kapag nagaaway sila, wala din nakakahalata kasi normal na din kay Mina ang hindi pala.imik.

May mga times na natetest ang kanilang relasyon dahil sa pagooverthink ni Mina. Mangilang beses na din itong gustong makipaghiwalay dahil sa pagiisip nito ng kung ano anong bagay na negatibo. Pero hindi kailanman naubusan ng pasensya si Chaeyoung. Palagi niyang inaassure na kakayanin nilang dalawa ang kahit anong pagsubok na darating. Madalas mang panghinaan ng loob si Mina, andyan naman palagi si Chaeyoung para bigyan ito ng lakas.

Para kay Mina, hindi niya kayang mawala si Chaeyoung pero dahil na nga din sa kanyang anxiety, minsan napapasama ang kanyang nga naiisip. Pag minsang umaalis ang mga top ay pinipili niyang maiwan sa kanilang apartment kahit inaaya din siya nila Nayeon. Pag magisa na siya ay dun siya inaatake ng sari't saring mga bad thoughts. A lot of what ifs, a lot of questions na hindi niya masagot. At sa kanyang pagiisa ay minsan naisip na din niyang tapusin ang lahat para hindi na siya mahirapan. Pero maiisip niya si Chaeyoung, ang taong nakakapagbigay sa kanya ng lakas. Ang taong sobra sobra ang nasalong pasenysa nang magpamigay si Lord. Una sa pila sa mga biyayang binuhos. Nahuli nga lang ata ng gising nang magsaboy ito ng tangkad.

Everytime her mind tells her to just give up, her heart fights harder for her to keep it together. But the question is, until when?

*****************************
Birthday na ng kanyang girlfriend kaya si Mina ay abalang nagluluto ng kanilang tanghalian. Late na silang nakatulog kasi nagsalubong sila at alam mo na, more rounds, more fun. Dadating din ang tropa mamayang gabi kaya naisip ni Mina na solohin muna si Chaeyoung. Saktong nadeliver nadin ang strawberry cake na inorder niya at patapos na din siyang magluto. Habang nagaayos siya ng mga plato, yumakap sa kanyang likod si Chaeyoung. Nakatip.toe para kumiss.

"Sarap naman"

"Ako o yung ulam?" asar nito.

"Both" sagot ni Chaeyoung with matching smirk na nagcause para magpakita ang kanyang dimples.

Humalik muna ulit ito bago sila umupo. Pinaghain ni Mina ang birthday celebrant bago siya naglagay ng pagkaen sa plato niya. Nang matapos kumaen, si Chaeyoung naman ang naghugas ng kanilang mga ginamit. Matik na yun sa kanila. Habang nasa kusina si Chaeyoung, nagpunta naman ng sala si Mina para ituloy ang kanyang ginagawang bag na may disenyong strawberry. Marami na siyang hand made na regalo kay Chaeyoung at lahat iyon may special na lagayan sa closet nila. Hindi pwedeng mahalo sa madalas gamiting gamit at ginagamit lang pag nag.sstaycation sila.

Nang matapos si Chaeyoung ay tumabi na siya kay Mina at nanuod ng tv. Lumipas ang hapon at ng medyo dumidilim na ay naligo na sila ng sabay ‘for efficiency purposesdaw.

Alas otcho, nagdatingan ang tropa at nakapaikot na sa lamesa. Hindi man kumpleto dahil hindi pa siyempre pwedeng isama ang mga bata sa ganun kaya no go ang ChaeLisa, wala din ang JinLia at late celebration stay-cation naman para sa birthday ni Ryujin, at wala din ang SatZu at umuwi ang parents ni Tzuyu kaya hindi pwedeng may iba silang lakad.

Nagabot ng mga regalo ang tropa at tuwang tuwa si Chaeyoung sa mga natanggap. May bagong art materials, bagong damit at sapatos, mga collectibles at isang customized na gitara.

"Uy salamat sa mga regalo niyo mga erp" sabi ni Chaeyoung habang nililigpit ang mga wrapper.

"Walang anuman tol. Pinapasabi pala nung mga wala na antayin mo na lang daw yung delivery nung kanila" sabi naman ni Seulgi.

Buong gabi lang sila naginuman, kantahan at kwentuhan. Madaling araw na din sila natapos pero siyempre gaya ng nakagawian, nagayos muna sila ng mga ginamit.

Napipikit na sa antok si Chaeyoung at naparami ng inom pero gusto niyang antayin matapos magwash up si Mina. Para aliwin ang sarili, kinuha nya ang cellphone niya na katabi ng kay Mina. Hindi naman niya talaga sadyang makita pero sakto kasing umilaw ito at lumabas ang ilang notification. Isa na dun ang isang reminder. Lasing na siya pero hindi siya magkakamaling pangalan ng gamot ang nakita niya. Issearch na dapat niya pero narinig na din niya na tapos na si Mina. Nagayos siya ng higa at nang katabi na niya ang kanyang girlfriend ay yumakap na siya.

*****************************
Ilang araw na din nabobother si Chaeyoung sa nakita niya at sa nabasa niya din tungkol sa gamot na iyon. Wala naman nabanggit si Mina tungkol dito. Para sa kanya at sa tropa, nakilala na nila si Mina na hindi pala.salita o pala.imik. Paminsan minsang may ivovoice out pero madalas tagapakinig lang siya. Kahit pa may tampuhan sila, hindi rin masyadong maraming sinasabi si Mina.

Kasalukuyan silang nasa bahay ng WenRene at first month celebration nga ng kambal. Pinagmamasdan lang ni Chaeyoung ang kanyang girlfriend. Tuwang tuwa si Mina na ientertain sina Caius at Luna. Wala naman kakaiba masyado sa galawan kaya pinilit niyang di muna isipin ang bumabagabag sa kanya.

Nang maihatid na sila ng 2Yeon sa kanilang apartment ay nag-ayang manuod ng movie si Mina. Again, walang kakaiba dun.

Chaeyoung wanted to ask her about it but couldn't find the right words para simulan ang conversation. Si Mina ang namili mg movie at nang makaupo sila sa couch ay umakbay na si Chaeyoung.

Usually they talk about the scenes pero this time, si Mina lang madalas magsalita at umaagree na lang si Chaeyoung. Napansin ito ng isa.

"Love, okay ka lang ba?"

Nakatutok lang sa tv si Chaeyoung kaya tinusok ni Mina ang kanyang tagiliran.

"Huh? Sorry love. May sinabi ka ba?"

"Okay ka lang ba? You're unusually quiet"

Napabuntong hininga si Chaeyoung. "Ah eh kasi. May gusto sana ako itanong"

"Ano yun?"

Nagayos ng upo si Chaeyoung. "Uhm. May nakita kasi akong reminder sa phone mo. About sa gamot?"

Tinitigan lang siya ni Mina pero halata mo ang pagiba ng expression nito. Ramdam din ni Chaeyoung na siguro hindi pa handang sabihin ni Mina ito at hindi niya din ineexpect ang sudden question.

"Ugh. Forget I asked love. Okay lang naman kung ayaw mo pa pagusapan"

Hindi na nga nagsalita si Mina at nakangiti lang yung isa pero sa loob loob ni Chaeyoung nalulungkot din siya. Ayaw din naman niya i.force ang girlfriend niya. Ang sa kanya lang eh kung may maitutulong siya, gusto niyang gawin.

Nang matapos ang movie, nag.wash up na sila pero nagsabi si Chaeyoung na hindi pa siya inaantok kaya pinauna na niyang matulog si Mina. Kumuha siya ng ilang cans ng beer at pumwesto sa may pintuan ng apartment nila at nagsindi ng yosi.

*****************************
Tambay ngayon sa studio nila Wendy ang banda. Tamang jamming at praktis na din para sa isang event sa office. Si Wendy ang may hawak ng lead guitar, si Ryujin naman sa rhythm guitar, si Chaeyoung sa keyboard, si Jeongyeon sa bass at si Seulgi sa drums. May line up na silang naisip pero hindi pa finalized lahat kaya tinugtog nila ng buo ang bawat kantang nasa listahan.

Katatapos lang nila sa isang kanta nang random na tumugtog ulit si Chaeyoung ng chords.

Habang nakikinig ang iba, nagpalit ng acoustic guitar si Wendy sabay tanong, "Uy teka anong chords gamit mo?"

Sinabi naman ni Chaeyoung. Maya maya lang ay sinundan na nila Ryujin, Jeongyeon at Seulgi ang pattern.

Hindi rin nagtagal ay nakabuo na sila ng isang kanta na puro instrumental lang.

"Ayos yun ah. May lyrics ka ba?" Tanong naman ni Jeongyeon.

"Unti pa lang eh" sagot ni Chaeyoung.

"Tara try natin. Malay mo mabuo din natin yung kanta" sabi naman ni Seulgi.

Umagree ang lahat kaya naman ay kinuha muna ni Chaeyoung ang kanyang notebook at pinatong sa keyboard at sinumulan ulit nila.

Wish there was a thing that's good that I could tell you
Wish that I could heal the wounds to ease your pain
Tell me this, tell me this
'Cause I can't say it to your face

Did I make it better?
Did I make it better for you?
Because every time you cry
There's tears still in my eyes
And the world don't give a
That you're broken on the inside
You wanted this space
So want me here to stay
Will it make it better for you?

Will it make it better?
Will it make it better for you?
Now did I make it better?
Did I make it better for you?


Habang tuwang tuwa ang tropa sa biglaang composition na naganap, hindi naman napigilan ni Chaeyoung ang maluha. Walang nakapansin dahil nagkkwentuhan na sina Wendy, Jeongyeon, Ryujin at Seulgi. Lumabas ng studio si Chaeyoung at nagsindi ng yosi. Mula sa pwesto niya, kita niya si Mina kasama ng mga partners ng tropa na masayang nagkkwentuhan. Nang magpangabot ang mga mata nila, ngumiti at kumaway ito. Maya maya lang lumabas na din ng studio ang iba at sinamahan siyang magyosi. Hindi alam ni Chaeyoung kung i.oopen up niya ba ang bagay na ilang linggo na niyang iniisip. Paano nga ba niya tutulungan ang girlfriend niya kung hindi rin naman niya ito mapasagot.

******************************
Off nila ngayon at habang nagssiesta si Mina, si Chaeyoung naman ay tinutuloy ang kantang nasimulan. Naisip niya na baka through her lyrics, mabigyan ng lakas ng loob si Mina na sabihin sa kanya ang mga naiisip nito. Natapos na niyang maisulat ang mga salita at kinakanta na lang niya sa utak kasama ng pagtugtog nya ng gitara. Hindi rin niya napigilan na tumula ang luha niya. Kung siya mismo nahihirapan, mas alam niyang kung gaano nahihirapan si Mina. There were times when she hears her talk in her sleep. Saying things like she feels empty, she feels so alone and such. And everytime, Chaeyoung feels hurt because she knows that if Mina feels even more heavier than she already does, there is a possibility that she just gives up on everything.

Pinaulit ulit niyang kantahin sa utak niya ang kanyang composition at di na niya namalayang gumagabi na pala. Nagising na din si Mina at kakalabas lang ng kwarto nila.

"Hi love. How was your nap?" bati ni Chaeyoung.

"Relaxing. I was waiting for you though" sagot ni Mina pagkatabi ng upo sa sofa.

Humalik si Chaeyoung bago niyakap ng mahigpit si Mina. "Sorry love. Di kasi ako inaantok"

"Kinda heard the last part of the song you were playing. New one?"

"Yep. Can't let you hear it yet though. Pag polished na siguro"

"I'll love it as much as your other compositions"

I wish it would help you tell me everything. Isip ni Chaeyoung.

Tumambay pa muna sila sa sala bago sabay na tumayo para maghanda ng hapunan. Toka si Chaeyoung ngayong gabi kaya naisip niyang magluto ng paborita ng girlfriend.

*****************************
Clear blue skies, fair weather, lots of trees, families scattered along the riverside park and two couples enjoying their picnic day. Everything was perfect until one man decided to ruin everything. He carries a rifle and his idea of fun was way different from the people there. He randomly shoots some people, not looking back at the chaos he created. He approaches the couple, gun pointed at one of them. The smaller one immediately stood up and covered her girlfriend.

"Acting like a hero will only get you to one place"

"Why are you doing this?" She asks, trying her best to sound unafraid.

"Cause y'all don't deserve any happiness"

She didn't get to respond anymore as the man shot her three times then walked away. Her girlfriend caught her before she hit the ground.

"I...I'm s...sorry" she said weakly.

"Just hang in there. Help is on the way"

"I...c...can't. I l...love you s...so m...much" and then she slowly closed her eyes.

"NOOOOOO!" Malakas na sigaw ni Mina nang magising siya sa panaginip. It felt so real lalo pa nang makita niya ang posisyon nila ni Chaeyoung. Siya ang bigger spoon at ang pwesto ng kanyang girlfriend ay kung paano ito namatay sa panaginip niya. Agad ding nagising si Chaeyoung ng marinig niyang sumigaw si Mina.

"W...what happened?"

Naghhyperventilate na si Mina at ng makita niya si Chaeyoung ay agad niya itong niyakap. Hinayaan na lang nung isa na umiyak ito. Hindi rin niya alam kung bakit biglang nagkaganun ang girlfriend. Naisip niyang binangungot ulit ito na hindi na bagong pangyayare.


(Chapter: Kakaibang Outing Yun)

"I honestly don't remember how I was still able to drive us to the hospital at that time" sagot ni Irene.

"Luh. Pwede ba iyon?"

"Oo Joy, may ganun. Like pag nahaharap ka na sa isang life and death situation, yung adrenaline rush yung nagpapagalaw sa katawan mo" sagot naman ni Mina.

Nacurious si Irene sa sinabi ni Mina. "Parang may back story iyon ah. Kwento dali" sabi nito at napukaw din ang atensyon ng iba.

"Hindi ako ang hot seat today boss" sagot ni Mina.

Flashback...
Pauwi sila galing sa isang date, kakasakay lang ng bus dahil nabigo sa pagbook ng Grab at dahil uwian ng karamihan ay punuan na din ito. Maswerte pa silang nakahanap ng libreng upuan sa pinakalikod. Malayo pa naman ang byahe nila kaya ayos lang din, lilipat na lang sa medyo unahan pag medyo lumuwag. Hindi na din nila namalayan na nakatulog na sila dahil sa traffic at nagising na lang si Chaeyoung ng may naramdaman siyang nakatutok sa tagiliran niya. Pag tingin niya ay may isang lalaking naka.cap at hoodie sa tabi niya.

"Holdap ito. Wag kang sisigaw kundi itutuhog ko ito sayo" bulong ng lalaki. First time maexperience ito ni Chaeyoung at hindi niya malaman kung anong dapat gawin. Kaya dahan dahan niyang binigay ang kanyang cellphone at wallet. Pagkakuha ng mga gamit ay saktong may sumakay sa tabi ng lalaki na dapat paalis na din kaya naitusok na nga kay Chaeyoung ang kutsilyo. Sinubukan pang alisin ng holdaper pero nabangga ulit ito nang magayos ng bag yung bagong dating kaya dalawang beses naitusok kay Chaeyoung. Nagulat din si kuya at mabilisan niyang inalis ang kanyang weapon at binangga na ang lahat ng nakaharang para lang makahaba. Hindi agad nakareact si Chaeyoung at inantay na lang makaalis ang holdaper. Hindi rin siya nakasigaw dahil sa sakit na nararamdaman niya. Nang makababa na ang lalaki ay tsaka niya ginising si Mina at binulong ang nangyare habang hawak ang kanyang tagiliran para pigilan ang sumisirit na dugo. Naka.suot siya ng itim kaya hindi halata. Gulat pa ang isa ng makitang namumutla ito at tinignan ang tagiliran. Sakto naman na pababa na sila at may ospital silang madadaanan. Pagdating sa emergency room ay agad naman silang inasikaso. Nawalan na ng malay si Chaeyoung at nagising na lang pagkatapos ng ilang oras. Tahimik na umiiyak si Mina sa tabi niya.

"L...love"

Nagangat ng ulo si Mina at nagkatitigan sila ni Chaeyoung. Agad din naman ito yumakap.

"Love are you feeling better? Doctor said you were lucky na walang organs na na-damage"

"I'm okay love. Sorry kasi I made you worry"

"Chaeng, nasaksak ka. Twice. Siyempre magwoworry ako. Paano kung may natamaan ng organs tapos...tapos..."

Tumulo na ulit ang mga luha kaya naman ay hinawakan ni Chaeyoung ang kamay ni Mina.

"I will never leave you love. It'll take a lot more than a knife for them to take me away from you. I will always be here. I love you"

******************************
Hindi padin tumitigil sa pagiyak si Mina kaya niyakap lang siya ni Chaeyoung. Dumaan ang ilan pang minuto na medyo kumalma na si Mina. Nagpalit sila ng pwesto at sya na ang small spoon.

"L...love?"

"Po?"

"Tell me about your dream"

Sumiksik lalo si Mina sa leeg ni Chaeyoung.

"Y...you died"

Hinalikan ni Chaeyoung sa ulo si Mina. "Dream lang po iyon love. I'm not leaving you anytime soon"

"I k...know. B...but it f...felt so r...real"

"Wag mo na lang po masyadong isipin love. Sige ganito, labas na lang tayo bukas. Dun sa park na bagong bukas. Picnic tayo para masaya"

"NO!"

Panandaliang nag-ring ang tenga ni Chaeyoung sa biglang sigaw ni Mina.

"Love katabi mo lang naman ako. Bakit may pagsigaw?"

"Sorry love. Ah eh kasi. Mainit sa labas"

"Well sabagay. Bisitahin na lang natin sila Caius at Luna. Baka need din ng help nila Lisa"

Tumango si Mina at nagayos na ulit ng higa.

*****************************
Nasa sala sina Rosé, Mina at ang kambal. Katatapos lang magmilk kaya pinapanuod na lang nilang matulog. Sina Lisa at Chaeyoung naman ay nasa kusina, may hawak na tig isang can ng beer.

"Erp, kamusta naman kayo ni katukayo?"

"Ayos lang naman. Medyo nasasanay ng unti ang tulog. Salitan din sa pagbantay lalo kay Luna. Siya kasi yung madalas nagigising pag may unting ingay. Buti na lang si Caius sa akin nagmana"

"Tulog palagi?"

"Oo. Kaloka nga eh. Pero okay na din. Nakakarattle kaya pag sabay sila umiiyak. Naawa na ako kay Rosé kasi minsan hirap siyang magproduce ng milk"

"Kung kailangan niyo ng sub, message niyo lang kami ni Mina. Willing to make bantay naman kami. Lalo na siya"

"Pansin ko nga. Tuwang tuwa magalaga ng bata eh. May balak na ba kayo?"

"Papakasal muna kami erp. Pero pinagiipunan ko pa yung singsing"

"Ayos yan. Kuha ka din ng sideline para may pandagdag kita"

******************************

Sa sala naman ay nagkwekwentuhan lang din ang dalawa.

"Ang sarap maging bata noh? Wala ka masyadong gagawin kundi uminom ng milk tapos matulog" sabi ni Rosé habang mahina niyang tinatap ang legs ni Luna.

"I know right. Nakakamiss balikan yung ganun. But oh well, need natin tumanda"

"Mag-mature lang hindi naman tumanda talaga. Wala pa tayong mga trenta. Grabe ka"

Nagkitbit balikat na lang si Mina. Saktong may dumaan na maingay na motor sa labas at nagising si Luna. Patayo na si Rosé para kunin ang anak nang unahan siya ni Mina.

"Ako na. Chill ka lang jan"

Pagkabuhat niya sa bata ay nagsimula siyang maghum ng random na kanta at agad din tumigil sa pagiyak si Luna at bumalik sa tulog.

"Ayos ah. Bagay sayo friend"

"Kung need niyo ng sub sabihan niyo lang kami ni Chaeng. Para naman maka.pagdate ulit kayo ni Lisa"

"Oh. I'll definitely take note of that"

Inabot din sila ng gabi at salitan silang apat sa pagbantay.

"D'you guys wanna sleep over na lang? May spare room naman" alok ni Lisa sa mga kaibigan na nagpapahinga dahil katatapos lang nila magdinner.

"Okay lang ba? Ang hirap kasi magbook ng grab ng ganitong oras" sagot naman ni Chaeyoung.

"Oo naman tol. Teka bubuksan ko na din yung ac para malamig pag pasok niyo"

Tumayo na si Lisa at nagpaalam naman na lumabas ng bahay si Chaeyoung para magyosi. Ilang minuto lang lumabas na din si Lisa na may hawak ulit na beer.

"Di ka ba papagalitan ng asawa mo? Mamaya tulugan mo lang siya mamaya"

Nagsindi si Lisa ng isang stick. "Hindi tol. Pag gabi naman si Luna lang talaga madalas magising. Nagiisip na nga ako maginstall nung soundproof keme, yung parang sa studio ni Wendy para walang ingay sa kwarto. Ang sensitive kasi nung pandinig ni Luna"

"Meron naman nabibili nun online. Okaya pwede din pasadya ung gawa. Search ko tapos sabihan kita"

"Sige sige. Salamat ha. Buti na lang pala bumisita kayo. Kahit papaano hindi masyadong pagod itong araw na ito. Pansin ko kasi pag umiiyak ung isang bata si Mina naghehele eh"

Sumilip sa loob si Chaeyoung at kita na karga ni Mina ang isang bata habang nagkkwentuhan padin dila ni Rosé.

"I guess it keeps her distracted na din" mahinang sabi ni Chaeyoung.

"Huh? What do you mean tol?"

Naubos na ni Chaeyoung ang unang stick tapos nagsindi ng bago.

"I dunno erp pero parang may hindi kasi sinasabi si Mina. Not anything about a third party ito ha. Pero kasi alam kong may pinagdadaanan siya pero hindi niya masabi sa akin"

At ikiniwento na ni Chaeyoung kung anong nangyare nung birthday niya.

 

 

 

 

A/N:
Song used: Make It Better by Amber Liu
https://www.youtube.com/watch?v=A2FU4Zo51RQ

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
87 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1689 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
87 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡