Top or Bottom?

Pag May Alak, May Balak

Malapit na naman magpasko at abala ang tropa sa pagbili ng mga regalo nila. Nagbunutan na sila para sa kris kringle nila kaya kahit sabay sabay nagpunta ng mall, hiwa.hiwalay din ang pinuntahan. Usapan na lang na magkita kita ulit para mag.lunch. 

Kasalukuyang binabaybay ng WenRene ang malaking mall sa Pasay para sa regalong bibilhin nila. Syempre walang sabihan ng nabunot kaya naman ay nang mapadaan sila sa isang store, isa lang ang pumasok habang abangers lang sa labas ang isa. Mabilis lang din natapos sa pagbili si Irene at paglabas ng store ay may hawak na siyang paper bag. It helps din kasi na may wishlist silang ginawa. Si Wendy naman ang pumasok sa isa pang store na nadaanan nila pero compared kay Irene, may unting pagtagal bago siya nakalabas at hindi lang isa kundi limang maliit na paperbag na ang hawak ng asawa.

Sa kabilang side naman ay imbes na regalo ang binibili ng ChaeLisa, eh mga gamit pangbata ang mga nilalagay sa cart. Kahit may ilang buwan pa bago manganak si Rosè, at kahit hindi pa nila alam ang gender ay pang uni na lang ang mga biniling gamit.

Sila Seulgi at Joy naman ay as always walang thrill sa kris kringle kaya kasalukuyang nagtutulungan para maghahanap ng ireregalo sa mga nabunot. Hindi kasi kayang magtago ng sikreto itong si Seulgi kaya isang araw lang lumipas pagkatapos magbunutan, nagpatulong na siya kay Joy kung saan makakabili nung nasa wishlist mg nabunot niya.

Sina Nayeon at Jeongyeon naman ay nasa parehong nasa department store pero magkahiwalay ng aisle na tinitignan. Tamang iwasan para hindi makita ang mga tinitignan na mga items, mukhang nagkabunutan silang dalawa.

Ang MiChaeng naman ay nasa isang toy store. Wala naman talaga bibilhin dun si Chaeyoung pero si Mina ay tuwang tuwa sa mga nakikita. Hindi sigurado yung isa kung para sa nabunot ang nga tinitignan o para sa girlfriend.

Magkakasama naman sina Sana, Tzuyu, Momo at Dahyun sa isang store at kanya kanya din ng tingin sa mga aisle. Rotation sila sa pagikot sa mga items at pagkatapos ng mga limang ikot, kanya kanyang punta sila sa counter para magbayad.

Habang ang mga pinaka bata sa team na sina Yeji, Lia, Ryujin, Chaeryoung at Yuna ay nasa time zone na lang dahil mabilis lang silang nakabili at alam na agad ang dapat puntahan.

By two pm, nag.message si Irene sa team asking kung tapos na sila mamili. Sumagot naman ang karamihan na patapos na din. Napagkasunduan na sa restaurant na lang sila magkita.kita. At ganun na nga ang nangyare at sa isang eat all you can sila nagpunta lahat. Busog na busog na naman ang tropa, sulit naman ang bayad ng mahal.

******************************
Day before Christmas, walang pasok kaya naman ay maaga pa lang ay nagaayos na ng bahay ang WenRene kasama na ng iba nilang kaibigan. Tamang set up ng photo booth and other additional decorations, tulungan din sa pagset up ng iba pang gamit. Hindi na namomblema ng lulutuin si Wendy dahil ang parents na nila ang sumagot ng food nila dahil parehong hindi makakauwi sa Pinas gawa nga na busy din sa business nila.

(Naginvest ang parents ni Wendy sa company ng parents ni Irene kaya business is booming once again)

Naayos na ang lahat at inaantay na lang ang mga food deliveries at ang ibang tropa. Si Irene, Mina, Nayeon at Joy ay pinili munang matulog habang ang kanilang mga minamahal ay piniling tumambay sa garden.

"Jam ulit tayo habang wala pa yung iba" suggestion ni Chaeyoung.

"Game ako jan" mabilis na sagot naman ni Wendy.

Nagyosi muna ang apat bago pumasok ng studio. Sa loob ay agad pumwesto si Seulgi sa drums, si Jeongyeon sa bass, si Wendy sa keyboards at si Chaeyoung sa guitar. Nagsimulang tumugtog ng random chords si Chaeyoung na sinundan naman ni Wendy at Jeongyeon at huling pumasok sa rhythm si Seulgi. Walang specific na kanta, tamang tugtog lang. Intrumental lang muna parang pang.warm up pag may gig.

Nang mainit na ang mga instrumento ay nagbago ng chords si Chaeyoung at nagsimulang kumanta. Agad naman ding nakasabay ang iba.

https://youtu.be/frKFZ2fUmfU

Kahit 'di mo sinasabi
Ramdam ko ang pagkukunwari
Akala'y masaya
Ba't parang may lungkot sa tawa
Bigat ng mga katanungang
Dumadagan sa'yong isipan
'Di kailangan na buhating mag-isa

'Di ka sayang
'Di kailangang manghinayang
'Di ka sayang
'Di kailangang patunayang
Sarili ay mahalaga
Kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita

Itapon na sa kalawakan
Sanlibong "bakit" na 'di matuldukan
'Di kailangan na buhating mag-isa

'Di ka sayang
'Di kailangang manghinayang
'Di ka sayang
'Di kailangang patunayang
Woah-oh-oh-oh
Sarili ay mahalaga
Kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita

At kahit talikuran ka nila, tanggap kita
Bitawan na ang 'yong pangangamba
'Di pa huli para humilom
Ang mga sugat ng iyong nakaraan
'Di kita iiwan

'Di ka sayang
'Di kailangang manghinayang
'Di ka kulang
'Di kailangang patunayang
Woah-oh-oh-oh
Sarili ay mahalaga
Kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita

Woah-oh-oh-oh
Sarili ay mahalaga
Kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita

Tanggap kita, tanggap kita, tanggap kita 

 

Sa sobrang pageenjoy nila sa kanilang pagtugtog, hindi na nila namalayan ang oras at may mga audience na pala sila. Kung di pa nagsalita si Nayeon mula sa kabilang side ng booth ay di nila mapapansin na andun na din ang kanilang mga partners.

"Pwede na kayong mag.concert, alam niyo ba iyon?" sabi ni Nayeon.

Slight na magugulatin si Seulgi kaya naman nahulog ito sa kinauupuan at tawanan ang tropa.

Umisang kanta pa muna sila. Isang kantang napagusapan nila na balak pangharana. Nagpalitan sila ng hawak na instrument at nagsimulang kumanta si Wendy.

https://youtu.be/1BiGQnCq5Io

If we had one day on earth
Who would you spend it with?
If you could choose who wanted to kiss
Who would that be?

I wanna believe
If tomorrow was not guaranteed
Minutes to spare
If I could choose
I would spend every minute with you
With you
With you
With you
I'd spend it with you

When all of the trees fall down
And all the seas dry out
And when you're waving goodbye to the world
Would you find me?

I wanna believe
If tomorrow was not guaranteed
Minutes to spare
If I could choose
I would spend every minute with you
With you
With you
With you
I'd spend it with you

I wanna believe
If tomorrow was not guaranteed
Minutes to spare
If I could choose
I would spend every minute with you
With you
With you
With you
I'd spend it with you

You
I'd spend it with you


Matapos ang kantahan sa studio, sakto namang nag.ring ang doorbell, signalling the arrival of the others. Kaya naman sinalubong na nila ito dahil marami daw silang mga dala at tulong tulong na sa pagpasok ng gamit sa loob ng bahay.

******************************
Kumpleto ang tropa, kasama din sina Ayaka, Yeri at Saeron. Si Yeji at Yuna ang natokang mag.host para sa party at talagang naghanda sila ng flow. Mauuna na siyempre ang mga games. May tatlong lamesa na may iba't ibang activities at pa-unahan lang matapos. May dalawang teams na maglalaban.  Top and bottom ang groupings pero dahil hindi naman lahat pwedeng maglaro (sorry Rosè), may apat na rep lang bawat team. Sina Irene, Jennie, Nayeon at Lia sa bottoms at sina Wendy, Jisoo, Jeongyeon at Ryujin naman sa tops. Simple lang naman ang mga gagawin.

1st: magstack ng cups at gumawa ng tower, dapat hindi babagsak within ten seconds tapos i.uunstack

2nd: mag.flip ng tatlong cups to make it stand upright

3rd: using the water gun, kailangan mapatay ang kandila na nasa kabilang dulo ng table

4th: iikot ng limang beses at mgbabato ng cd sa pakwan na kailangan magstick

Pagkatapos magexplain ng mechanics, nagusap usap muna ang mga teams kung sino gagawa ng mga tasks habang sineset up nila Lisa, Chaeyoung at Tzuyu ang mga camera para may full coverage.

Nang ready na ang lahat, pumila na ang mga players. Kanya-kanyang cheer sa mga teams at nang mag.blow na ng whistle si Yuna, tumakbo na si Jennie at Seulgi para sa first task. Fastest hand ang labanan at halos sabay lang sila nakagawa ng tower. Ang kalaban naman nila ngayon ay ang hangin dahil siyempre December, malamig na ang panahon. May tig.ilang cups din ang bumagsak sa bawat player kaya back from the start sila. Tamang strategy kung paano bubuo ng tower na hindi hahanginin agad.

After five more minutes, naging successful silang dalawa kahit parehong nagbadyang gumewang ang mga nasa pinakatuktok na cups. Tumakbo naman agad si Jeongyeon at Lia para sa second task. Tamang pitik ng wrist ang strategy at mabilis lang din nagawa ng dalawa kaya tumakbo na papunta sa third task sina Jisoo at Irene. Dahil dakilang competitive si Irene, isang asinta lang niya ay namatay na agad ang kandila kaya tumakbo na si Nayeon para sa huling task.

"Puta Jisoo ano na??" gigil na sabi ni Wendy.

"Don't pressure me!" sigaw na sagot din ni Jisoo. Halos paubos na ang laman ng water gun bago niya napatay ang apoy kaya tumakbo na din agad si Wendy para sa huling task. Ikot ng limang beses at kailangan labanan ang hilo para makabato ng maayos.

Sa bawat tatlong failed attempts, kailangan umikot ulit ng limang beses. At nakaka.dalawang attempts na si Nayeon. Si Wendy muntik pang matumba sa bilis ng ikot niya.

"So as you can see guys, the players are attempting to stick the cd into those watermelons " vlogger style na sabi ni Yuna sa harap ng isang camera. "Nayeon is already on her second attempt while Wendy is about to do her first"

Lumagpas ang unang cd na binato ni Wendy habang nilalabanan ang hilo. Kulang naman sa bato ang pangalawa.  At sa pangatlo ay nagtagumpay din siya. Si Nayeon, ayun nakahilata na lang. Hindi na kaya mag.third attempt ng ikot. Nagwagi sa first game ang mga top at agad agad silang naggather at nagpaikot ikot ng magkakaakbay. Dismayado naman ang itsura ng mga natalo.

"Oops. Wag muna masyadong magdiwang at may iba pa tayong games" sabi ni Yeji sa grupo. "Habang busy kayo ay may mga tinago kaming clues sa buong bahay" Nagtinginan ang dalawang may ari ng bahay, hindi mawari paano nila nagawa yun ng walang nakapansin.  "Simple lang ang gagawin: we'll give the first clue at kayo na bahala hanapin ang mga kasunod"

Para sa susunod na laro, tatlo lang per team ang maglalaro. Kaya naman nagkumpulan ang bawat team para pagusapan kung sino ang mga ipapambato nila.

Team Top: Ryujin, Chaeyoung, Lisa

Team Bottom: Chaeryoung, Mina, Sana

Inabot na ni Yuna ang mga clues sa bawat team. May time limit na ibinigay at pagbasa pa lang ng nasa clue ay nagtakbuhan na sa kung saan pwede hanapin ang pangalawa.

1st Clue: You can double dip 'cause I know you like me

Parehong team ay nasa kitchen ngayon at chinecheck ang laman ng freezer.

Lumayo ng kunti ang TB.

"Di ba lyrics ng Ice Cream iyon?" tanong ni Mina sa grupo. Hindi naman kailangan bumulong dahil natural ng mahina ang boses. Tumango naman ang mga kagrupo. Ang Team Top naman ay nalabas na lahat ng laman ng freezer.

"Oi! Ibalik niyo sa loob lahat ng nilabas niya ah" sigaw ni Wendy mula sa labas. Nag.okay sign lang si Lisa. Kahit nalabas na nila ang mga laman ng freezer, wala naman silang nakuhang clue kaya ipinasok na ulit lahat ng nilabas. Ang TB naman ay nagiba ng strategy kaya lumabas ulit sila ng garden at umikot sa pool area.

Nagtinginan ang dalawang hosts na halatang na.impress sa pagiba ng strategy ng isang team.

At sa gilid nga ng pool kung saan nakalagay ang mga flotation devices ay may nakita silang floatie na ice cream at sa likod nito ay nakadikit ang dalawang clue card. Agad agad hinablot ni Sana ang card at nilayo naman sila ni Chaeryoung para madistract ang kabilang team. But too late at nakita sila ni Chaeyoung kaya dali dali niyang hinila ang mga kagrupo para sa same place kung saan nakita ng TB ang second clue.

2nd clue: It's our paradise and it's our war zone

Sandali lang ding naisip ni Mina kung saan maghahanap at una nilang pinuntahan ang kwarto sa baba. Pareho lang din naman ng iniisip ang TT pero sa taas na mga kwarto sila nagpunta.

Walang nahanap na clue ang TB kaya bumalik na sila ng sala. Dahil may mga unan naman dun, ay doon sila tumingin.  Sampung minuto na at wala padin nakaka.move sa third clue. Kaya nagbigay na ng hint ang mga hosts. At ang hint na iyon ay malapit sa dalawa. Vague padin ang hint pero hindi rin nagtagal ay napatingin si Lisa kay Rosè na may hawak na unan.

2nd clue: It's our paradise and it's our war zone
Hint: Malapit sa dalawa

May para bang light bulb na umilaw sa ulo ni Lisa at nilapitan ang asawa at hiniram ang unan na hawak. Binuksan ang pillow case and voila, the third clue. Habang umakyat ang TB  sa second floor ay binuksan na nila ang susunod na clue.

3rd clue: The world is brighter than the sun

Habang nagiisip ng meaning ng clue ang TT, bumaba na mula sa second floor ang TB at pinagisipang mabuti ang ibig sabihin ng second clue. Habang abalang magisip sina Mina ag Chaeryoung, nagikot ng mata si Sana at napatingin kay Rosè at napatili na lang siya ng mapagconnect ang dalawa na sinasabi sa hint. Nilapitan niya ito at kinuha ang unan na hawak at kinapa. Binuksan nya kaagad ito at nakuha nga ang clue card.

May idea na ang TT na sagot sa third clue kaso malawak ang area at maraming ilaw, kaya naman ay nagsimula na silang magikot at ganun din ang TB.

"Last fifteen minutes guys" Pagremind ni Yuna sa mga teams. May dalawa pang clue na nakatago at habang busy ang mga players sa pagiikot at nagsimula na lang magvideoke ang iba. Para naman daw may bgm. Sunod sunod na naglagay ng kanta sila Rosè, Joy, Momo, Yeri at Lia at sinimulan ng kumanta ni Rosè.

Back sa mga players, nagiikot pa din sila ng bahay para sa lahat may ilaw.

"Hint: Bukasan" sabi ni Yeji at hindi pa din nakuha agad ng players.

Kasalukuyang nasa may garahe ang TB at inisa isa nila ang mga sasakyan. Hindi rin nagtagal tinawag na ng pabulong ni Chaeryoung sina Mina at Sana na muntik pang mabagsak ang naka.park na motor ni Wendy sa pagmamadali niyang lumapit sa mga kagrupo.

May nakita kasi siyang nakaipit na parang papel sa ilaw sa may gate kaya naman ay nag.strategize sila kung sino bubuhatin para abutin yun. Ang ending, kinarga nina Chaeryoung at Sana si Mina at inabot ang papel. Tama nga na clue ito. Pagkatapos basahin ay tumakbo na sila papasok ng bahay.

Ang TT naman ay naka.ilang ikot na at dahil mabilis ang mata ni Chaeyoung ay nakita niya kung saang pwesto galing ang kalaban. Tinuro niya ang papel at dahil matangkad ang mga kasama niya, nagpaubaya na siyang abutin nila.

4th clue: Oh my God, she took me to the sky

Nararattle na ang parehong team dahil unti na lang ang oras na meron sila sa game at kahit isang clue na lang after nila masolve ung hawak nila currently, yung paghahanap ang magiging issue nila.

Nakakumpol ang TB sa may labas ng music studio, tamang pahinga lang dahil kanina pa sila palakad lakad.

"Ano ito sa bubong? May attic ba sila Wendy?" tanong ni Sana sa dalawa na parehong nagkitbit balikat lang.

Ang TT naman ay naisipan pang mag.yosi break kahit alam na gipit na sila sa oras.

"Kakaiba mga games natin ngayon ah. I like" sabi ni Wendy.

"Pero wag padin tayo pakampante sa unang panali natin" sagot naman ni Chaeyoung.

Tahimik lang na nagyosi si Ryujin, nagunat ng katawan at pagtingala niya ay may nakita siyang nakasabit na papel. Sumenyas siya sa dalawa at tinuro. Sabay sabay silang nagngisiang aso at pasimpleng tinalon ang papel. Pagkabasa ng huling clue at tinapos na nila ang yosi at sinimulan na maghanap para sa huling clue.

"Last five minutes!" pag.anunsyo ni Yeji.

Panic mode na ang TB kaya naman tumakbo na sila sa ibang lugar. Kilalang clumsy si Sana kaya naman sa pagmamadali nila ay hindi niya napansin ang plastic ng kaha ng yosi sa sahig at dumulas, una pwet.

"Aray koooooo" mahinang sigaw nito at dahil hindi pa makarecover ay napahiga na lang siya. Nanlaki naman din agad ang mata niya at tinuro ang nakasabit sa puno.

"Wag ka nag nagtututuro jan Sana. Mamaya ano pa maistorbo bo eh" alalang sabi ni Mina habang tinutulungan na lang tumayo ang kaibigan

"Gaga. Tingin kayo sa taas" sabi ulit ni Sana at ginawa nga ng dalawa. Agad namang hinablot ni Chaeryoung ang clue.

5th clue: Let it go, let it go. Can't hold it back anymore

Smart Mina on the move pagkaisip ng sagot kung saan sila pupunta.  Pagpasok ng bahay ay nagkasalubong sila ng TT na galing sa kabilang pinto. Parehong minata ang destinasyon ay nag.racing na papunt sa banyo.

Unang nakarating ang TB ay sa likod ng bowl ay andoon nga ang huli at nagiisang card. Pagkakuha nila nito ay tumakbo na sila pabalik kung nasaan ang mga host at binigay na lahat ng clue cards na nahanap.

"For the second game, TB wins!" anunsyo ni Yeji at nagdiwang ang kanilang team.

10PM na din kaya naman ay nag.gather na sila sa dining table para pagsaluhan ang kanilang Noche Buena. Magbibigayan na din ng regalo pagkatapos pero dahil sa mga activities na ginawa ay gutom na talaga silang lahat.

******************************
Mahigit isang oras din silang nagsalo sa pagkaen at nakapaikot na sila sa long table sa labas. Nakalabas na din ang mga alak dahil hindi pwedeng mawala iyon.

"Alright guys, this will be the 2nd Christmas we get to spend together. And soon, we will have additional people as well since the account is really progressing. I just want to take this opportunity to thank each and every one of you for all the hard work and effort you give. I know there are days when you all feel over worked but once we have those new folks joining next year, the workload will be lessened" nagtaas ng wine glass si TL at ginaya naman ng lahat.

"Thank you for making this the best team!" dagdag pa niya.

Ilang sandali lang, sinimulan na nila ang kris kringle at pagpatak ng alas dose ay nagbatian na ng Merry Christmas sa isa't isa.

 

 

 

 

- to be continued

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
84 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1685 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
84 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡