Forget Me Not

Pag May Alak, May Balak

Ilang minuto din nagtagal sa loob ang doktor at mga nurse bago sila lumabas. Tumayo agad ang tatlong nagaabang sa labas ng room.

"She's back Miss Bae" balita ng doktor at agad namang pumasok ang sinabihan.

Natutulog pa din si Wendy at parang walang kakaibang nangyare. Medyo humina naman ang kabog ng dibdib ni Irene dahil kanina lang ay feeling niya mahihimatay na siya sa nerbyos.

" Wannie tama na ang surprises please? Gumising ka na" naiiyak na sabi ni Irene ng makalapit sa kama. Wala naman nagawa ang dalawa pang kasama kundi i-comfort ang tl nila.

"TL, magpahinga ka na din po kaya muna?" worried na sabi ni Joy dahil sa isang linggo't mahigit lang ay pumayat lalo si Irene.

"No. I don't need rest. I need her to wake up" sabi ni Irene. Desperation evident in her voice.

"Boss we all want that. Pero all we can do is wait" sabi ni Seulgi.

Natahimik ulit silang tatlo at dumaan na naman ang isa pang araw ng walang pagbabago.

********************

Magisa na ulit si Irene at katulad ng ibang gabi ay kinakausap niya si Wendy.

"I almost lost you again earlier. And I...I thought that was it for us. That you r...really left already. Wannie, it's been over a week and the doctors don't see any sign of improvement. I know y...you're tired as well. As much as I don't want to lose you, I w...would understand if you g...give up. If only I could trade places with you I would. Please Wannie, give me some sign here. I love you so much"

Hawak ang isang kamay ni Wendy at ibinagsak ang ulo niya sa gilid ng kama at tuloy tuloy lang ang pagtulo ng mga luha niya.






 

 

 

"W...w...water" mahina, sobrang hina, pero narinig agad ni Irene na may nagsalita. Wala naman ibang tao kundi sa kanilang dalawa.

Nagangat agad ng ulo si Irene at kitang gising na nga si Wendy. Agad agad siyang nagabot ng isang basong tubig, inangat ng unti ang kama at pinainom.

"Oh Wannie" sabi ni Irene sabay yakap sa pasyente.

Hindi naman nagreact ang niyakap at nang bumitaw si Irene, nakakunot ang noo ni Wendy.

"D...do I k...know y...you?" mahinang sabi nito.

"Wala naman ganyanan Wannie" sabi ni Irene, nagbabadya na naman ang mga luha.

"Am I dead? Is this heaven?"

Kita mo itong si Wendy, kagigising lang, bumabanat na agad.

"You're in the hospital Wannie. You saved my life" nakangiting sagot naman ni Irene.

Confused pa din ang itsura ni Wendy.  "Huh?"

"More than a week ago, you were hit by a car, saving me. Y...you don't remember?" instant panic na si Irene. ! Ito na ata yung sinasabi ng doktor na effect ng pagkakabagok ng ulo ni Wendy.

"No. The last thing I remember was being interrogated by Shuhua's dad and falling down the stairs"

Suminghap si Irene, hindi na talaga napigilang tumulo ulit ang mga luha.

"Wannie, t...that was five or six years ago"

"W...what?"

"I'm your fiancè Irene"

Ilang minuto ang lumipas, nakatitig lang si Wendy kay Irene.

"S...sorry Irene. But I r.. really d...don't remember m...meeting you"

********************

Napatayo si Irene mula sa pagkakatulog niya. Nakatulog siyang umiiyak at nagising din siyang umiiyak. 

Agad siyang tumingin sa nakahiga, tulog pa din.

"! It was just a dream. Just a ing dream" sabi niya sa sarili. Alam mo yung mga panaginip na akala mo totoo kasi ang bigat ng impact sayo pagkagising. Ganun yung nararamdaman ni Irene ngayon. Kinurot niya ang sarili to check kung panaginip pa din ito. Masakit. Sure siyang reality na nga ito at wala pa ding pagbabago kay Wendy.

Humawak ulit siya sa kamay ni Wendy.

"Wannie? Wag mo muna ako iiwan please? Di ko kaya. Wag mo din sana akong makakalimutan. I...I don't know how to make you love me again. But if it comes to that, I will show you everyday how much I love you. Mahal na mahal kita Wendy!" sabi ni Irene at yumuko ulit. 

 

 

 

 

 

"I...love...you...more" mahina, sobrang hina, pero narinig agad ni Irene na may nagsalita. Wala naman ibang tao kundi sa kanilang dalawa.

Pag-angat ng ulo ay bumati sa kanya ang isang nakangiting si Wendy.

"Oh my gosh Wannie!" biglang sigaw ni Irene at yumakap agad sa pasyente.

"Hi...nie"mahina pading sabi ni Wendy pagbitaw ni Irene sa matagal na yakap.

Hindi pa makapagsalita ulit si Irene dahil umiiyak na naman siya pero this time, tears of joy na.

"I...kept...my...promise nie" sabi ni Wendy.

"Yes you did. I....I'm not dreaming am I? I mean y...you're really awake?" sabi ni Irene medyo humihikbi pa.

Napa-smirk si Wendy. "K...kiss me and you'll f..ind out"

Never mind the greasiness on how Wendy just said those words. Hindi na nag-atubili si Irene at ginawa nga.

"Does it still feel like a dream nie?" sabi ulit ni Wendy matapos ang ilang segundo pagdikit ng labi.

Umiling na lang si Irene. Sakto din na may kumatok sa pinto para sa routine check up at nagulat din ang doktor na pumasok.

"Oh my Miss Son, gising na po pala kayo"

At sinimulan ng icheck lahat ng kailangang icheck. Wala namang amnesiang naganap pero kailangan pa din mga.paCT scan at MRI para lang makasiguro. Bukas na nila gagawin kaya lumabas na ulit ang doktor matapos ang ginawa.

"How do you feel Wannie?" tanong ni Irene.

Ni-scan ni Wendy ang sarili at sinubukang galawin ang parte ng katawan niyang naka-cast. Wala masyadong movement pero no numb part naman.

"Aside from the fact that I prolly look like , I think I'm fine?"

"You've been sleeping for more than a week, alam mo ba iyon? And just this morning...you f...flat lined...again"

Nagisip sandali si Wendy. Weird ba kung sasabihin niyang pagala gala ang kaluluwa niya during those time at alam niya ang mga nangyayare?

"Ugh. Weirdly enough, although my physical self is in coma, my soul was awake"

Kumunot ang noo ni Irene. "What do you mean?"

"Di ko din maexplain kung paano pero my soul was like in limbo and I know what's been happening kasi my soul was actually beside you all this time"

"So narinig mo nga lahat ng sinasabi ko gabi gabi?"

Restricted man ang movement ng ulo sa neck brace pero nakatango pa din si Wendy.

"Sumasagot ako everytime pero hindi mo ako naririnig"

"Wow. That is so weird"

"I know right. Ang dami ko din nalamang ganap. Legit pala ang Taeny?"

Nagulat si Irene dahil totoo ngang alam niya ang mga ganap. "Yep. Matagal na sila actually. Not yet married so they teased me a lot when they found out about us"

"Speaking of" Medyo malungkot na ang tono ni Wendy. "Nie, pasensya na if we have to move the date ha"

Inanticipate na naman ni Irene yun dahil ang mas gusto niyang unahin na gumaling si Wendy.

"Wannie, the priority right now is for you heal. The wedding will happen no matter what pero mas gusto ko ding maayos ka na"

"I love you nie. Like super. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako malakas sa higher power para lumaban at bumalik sayo pero ayoko na maexperience yung na-experience ko. I was scared the whole time. Like anjan lang ako pero hindi ko naman magawang hawakan or makausap ka. And I don't want you to go through everything ever again"

Sa araw araw din na dumaan simula ng maaksidente si Wendy ay nadadagdagan lang palagi ang takot ni Irene na mawala si Wendy sa kanya. She almost gave up when the morning event happened at ayaw na niya din talaga maexperience yun, traumatic masyado dahil hindi nga ito ang unang beses.

Siguro in the future, when they're both old and gray, like yung pareho na silang nasa death bed nila. Pero huwag muna anytime soon. Papakasalan niya pa si Wendy at bubuo pa sila ng sarili nilang pamilya. Mga dalawa o tatlong anak na ispspoil nila pareho at papanuoring lumaki at magkaron na din ng mga sarili nilang pamilya.

"Nie" sabi ni Wendy para makuha ang atensyon nung may malalim na iniisip.

"Sorry. I zoned out"

"I know. Tell me what's on your mind"

"Just the future I see for us"

"Care to share?"

"Like the wedding, us starting a family and such"

"Are you gonna be fine carrying all our kids?"

"I don't want anything else than to carry all our kids. Kahit ilan pa gusto mo"

"Luh. Kahit pa isang soccer team?"

"Sure why the hell not Wannie. Why the hell not"

********************
"AND SHE'S FINALLY AWAKE!" bungad ni Yeri pagpasok nila ni Saeron sa room. Saktong magkacuddle si Wendy at Irene nang maabutan nila ito at muntik pang mahulog ang ate niya sa gulat.

"Inside voice lang Yerim Bae! You're ruining the moment" sabi na lang ni Irene habang nagayos ng pwesto.

Nagkibit balikat lang si Yeri at binaba ang mga pagkaen na dala sa table at umupo sa couch.

"Kamusta ka sis in law?" tanong ni Yeri.

"Sore pero I'm good"

"Hala! Nag-do na agad kayo?"

Slight na binatukan ni Saeron ang girlfriend.

"Parang ewan naman yung tanong mo"

"Bakit pala ang aga niyo ngayon? Wala ba kayong mga trabaho?" tanong ni Irene habang inaayos na ang pagkaeng dala. Di naman kasi masarap ang hospital food.

"Wala po ate. May major renovation sa office kaya walang pasok lahat for the next three days. Bayad naman so okay na din" sagot naman ni Saeron.

"Kamusta naman ang bahay namin?" si Wendy naman ang nagtanong.

Ngumiting nakakagago si Yeri. "Ayun gamit na gamit ang pool"

"Hala! Nag-do kayo dun??" si Irene naman ang nang-asar.

Nag-middle finger na lang ang kapatid.

********************
Over the next few days, bumalik na sa office si Irene after ilang protest dahil ayaw iwan si Wendy pero na-convince din naman. Cleared naman ang mga tests na ginawa sa head niya. Tinanggal na din ang neck brace but the casts will have to stay for a couple more weeks.

********************
"Welcome Home!" sabi dun sa tarpaulin na nakasabit sa living room nila. Kumpleto ang tropa kasama na din ang mga big bosses nila. Tamang tulak lang ng wheelchair si Irene papasok ng bahay nila.

"Luh bakit may pa.tarp?" tanong ni Wendy.

"Ewan ko din sa kapatid ko" sagot na lang ni Irene.

"Hello neighbor" bati ni Boss Tiffany paglapit sa kanilang dalawa.

Kumunot ang noo ni Wendy. "Huh?"

"We live on the next block lang. Didn't know dito din pala kayo nakatira. Kung di pa sinend nitong tl niyo ang address ng party" sagot naman ni Boss Taeyeon.

"Let's eat es! Kanina pa ako naglalaway dun sa lechon" malakas na sabi ni Yeri. Napailing na lang si Irene.

Buffet style ulit at talagang pang party lang nagagamit ang dining table nila. Kanya-kanyang kuha ng utensils at plates ang tropa at naghanap na ng pwesto.

Since incapacitated si Wendy, abalang naglalagay ng pagkaen si Irene sa shared plate nila.

"Psst. Wendy" pabulong na tawag ni Boss Tiffany.

"Yes po boss?"

Tumingin muna kung may makakarinig sa kanila at ng makasiguro na busy pa sila sa pagkuha ng mga pagkaen eh nilayo muna sa iba si Wendy.

"Curious lang ako. Irene's not the type of person na magpapaligaw basta-basta. Paano mo napasagot yun?"

Napangiti naman si Wendy.

"Boss, una pa lang crush ko na siya. Kaya ineffortan ko lang ng matindi"

"Marupok din pala yang gagang yan. Pero in fairness ah, late ko mang nalaman about you two, narealize ko din na something changed sa kanya. Business mode yan palagi pag may meeting kami before pero biglang naiba at lively na siya"

"Hindi ko din po inexpect na she'll return the feelings and when she did, I always make sure I keep her happy. Hence me proposing as well"

"Oo nga pala, although approve na yung mga leave na iyon. Will you be able to push through with it? I heard you'll have to take some therapy pa"

Napayuko si Wendy. "Iyon nga po eh. Mamomove po ang kasal. Sabi naman po ni Irene eh okay lang po sa kanya"

"Take this time to fully recover ha"

"Thanks boss, will do"

Bumalik na din sila sa dining table at sakto naman ang dating ni Irene and Boss Taeyeon.

"You're not cheating on me with Wendy right?" bungad ni Boss Taeyeon, nakataas ang isang kilay.

Nanlaki naman agad ang mata ni Wendy. "H...hindi po boss. M...may tinanong lang po"

Natawa naman agad ang nagtanong.

"Chill Wendy. I was just kidding"

Nakahinga ng malalim si Wendy at nagsimula na silang kumaen.

********************
"Gusto ko pa lang mag-toast tayo para kay Wendy" announcement ni Seulgi pagkatayo. Nakapalibot na sila sa garden at magsisinula ng maginom. "Tangina tol. Platonic Soulmate kita kaya utang na loob huwag ka ng manggulat ng ganun. Sobrang thankful ko sa fighting spirit mo dahil hindi mo kami iniwan"

Nagtaas naman ng mga baso ang kasama.

"Hindi pa din pwede tol. Papakasalan ko pa si nie at mag-aanak ng soccer team" sagot naman ni Wendy na naka-smirk sabay kindat. Lowkey na kinilig ang katabing si Irene.

"Hayop. Soccer team talaga?" sabi ni Jeongyeon.

"Oo para tig.2 sila ng ninang per partner kasama na sila boss" sabi ni Wendy at nagtawanan ang tropa.

"Pero imaginin niyo kung nagka.amnesia nga talaga si Wendy noh?" sabi naman ni Chaeyoung. Nag-imagine nga ang iba. Pero si Irene naimagine na niya. ing nightmare.

"Nako. Ang daming pangalan na kailangan alalahanin" sabi ni Momo.

"At mas madaming ganap na ikekwento" dagdag naman ni Jisoo.

"Nag-ready na kami na gawin yung ginawa ni John Lloyd dun sa My Amnesia Girl eh" sabi naman ni Seulgi.

"Info overload si Wendy kung sakali" sabi naman ni Nayeon.

Nagtuloy ang inuman.

********************
"Hoy Roseanne! Ano yang iniinom mo?" puna ni Jennie pagkakita kay Rosè na uminom na may kulay sa baso.

"Ugh. Iced Tea?" sagot naman nito.

"Okay. Just making sure" sabi na lang ni Jennie.

"Alam ko namang bawal, tanga ka teh?"

********************
Breaktime sa inuman, nasa may pool area naman sila pero sa may garahe nagyoyosi ang tropa. May bawal ma-second hand smoke eh.

"Hoy Lisa! Ready na ba talaga kayo ni Rosè magka-anak?" tanong ni Jeongyeon.

"Matagal na naming balak gawin yun. Kaya nung nagka-go signal na kami mula sa OB niya, gumora na agad kami. Hit it at first try" sabi naman ni Lisa, proud na proud sa sarili.

"Ano po sabi ng parents niyo?" tanong ni Ryujin.

"Super excited! Kasi magkakaapo na daw sila. Busy kasi yung ate ni Rosè kaya wala pang time"

"Akalain mo nga naman. Kahit loko loko itong si Lisa minsan, una pa pala siyang magkakapamilya sa atin" sabi ni Chaeyoung.

"Proud of it mehn"

********************
Natapos ang inuman at nakauwi na din ang lahat. Naiwan na ang may ari ng bahay na parehong nasa sala. Nakaupo sa couch sa Irene at nasa wheelchair si Wendy.

"Wannie?"

"Hmm?"

"I love you"

"I love you more nie"

"Are you sleepy?"

"Not really. I've been meaning to ask you something"

"What is it?"

"Ugh. What happened when you met your parents?"

Kumunot ang noo ni Irene. Napaka-sudden naman kasi ng tanong.

"Nothing important"

Bumuntong hininga na lang si Wendy. Alam niyang sore topic ang parents niya pero gusto pa din niya malaman.

"Whenever you're ready, I will be here to listen"

Napansin ni Irene ang lsight change sa mood ni Wendy kaya hinawakan inya ang dalawang kamay ni Wendy at hinarap sa kanya.

"They wanted our help to save their company. By 'our' meaning me, they want me to marry some old business partner's son again to save their company. Told them no straight out. Once is enough to give in to what they want. And what I want is already right in front of me" pageexplain ni Irene at napangiti naman si Wendy.

"I will get better soon and will be waiting for you at the end of the altar soon nie"

"No rush Wannie cause no matter how long it takes, I know I will be walking down the aisle to get to you. Your jaw will drop with my dress, your mother said so, and I agree."

"Hala unfair. You're making me more impatient to see in that dress...and without it after" sa utak niya sinabi yung last part.. or so she thought.

" much Wannie?" nakangiting asar ni Irene.

Namula naman si Wendy at hindi siya makatingin ng diretso kay Irene. 

Nang magtama ang mga mata nila, iba yung lalim nung tingin ni Irene sa kanya at bigla siyang nahilo sa biglang pagbuhat sa kanya ni Irene at dinala siya sa kwarto.

 

 

 

 

A/N: Another update guys. Hope you enjoy it. 🙂

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
94 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1702 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
94 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡