Kakayanin Ba?

Pag May Alak, May Balak

After New Year, everyone went back to the office except for Jisoo who requested a birthday leave. Special request na madali lang na-approve ng management dahil maganda naman ang scores nito. Hindi nga lang niya sinabi kay Jennie na hindi niya alam kung girlfriend pa niya with the way things were left.

Bumalik din kasi sila ng gabi ng New Year and had not spoken to each other since then.

 

Maagang nagising si Jisoo dahil extra clingy si Dalgom. Kaya naman kahit ayaw pa niyang bumangon, she has to feed her son as well.

 

After niyang iprepare ang pagkain nito ay nagluto na din siya ng sarili niyang breakfast. And before she started eating, she checked her phone na sunod sunod tumunog ang notifications. Birthday greetings from the tropa and a lengthy one from Jennie.

 

She responded to each of them with a simple thank you then went on with her food.

 

Wala naman talagang plano si Jisoo ngayon and she even told her friends na wala munang celebration. For sure naman daw kasi na kota na sa alak nung holidays.

 

Naligo na din siya bago naisipan na ilakad si Dalgom na excited naman.

After walking and playing sa park na malapit sa apartment niya ay naupo muna silang dalawa sa isang bench. Kita niya na hindi mapakali at parang may hinahanap si Dalgom at napabuntong hininga na lang siya dahil most of the time nga ay kasabay nilang ilakad ang mga aso ni Jennie. Kaya pinaupo muna ni Jisoo si Dalgom sa lap niya at kinausap.

"Dalgomie, hindi muna natin makasama sila Kai at Kuma ha. Hindi ko din sure kung kelan kayo ulit magkikita. Pasensya na ha. I know you miss them and I miss their mom as well. Kaso hindi kami okay ngayon" And I don't know kung magiging okay pa kami. dagdag ni Jisoo sa utak niya.

Tinignan lang siya ni Dalgom with its puppy eyes and Jisoo couldn't help but tear up. When her dog noticed it, siniksik niya ang sarili niya sa arms ni Jisoo.

Medyo dumadami na din ang tao sa park kaya naman she decided na umuwi na sila. Pagkaakyat niya sa second floor kung nasaan ang apartment niya, kita na niya agad ang nakatayo sa labas ng pintuan. She checked the time and on a normal day, tulog pa yung taong naka-abang sa kanya.

Hindi naman sa ayaw niya itong makita and of course gusto din naman niyang maayos kung ano man ang problema pero wala naman kasi sa kanya yung solusyon.

Paglapit nila ni Dalgom, nagwawag na ang buntot nito. Binuksan na ni Jisoo ang pinto at pumasok na sila tatlo..

Binaba muna niya ang anak niya at dumirecho na silang dalawa sa couch.

Wala munang nagsasalita. Hinihintay lang din kasi talaga ni Jisoo na magsalita yung isa kaya pinaglaruan na lang niya ang kamay niya.

 

After a while nagsalita na yung isa.

 

"My parents and I talked...well fought again last night" panimula nito at hinayaan lang ni Jisoo na i-gather niya muna ang mga sasabihin sa kanya.

 

"They're flying here the day after tomorrow and... they're expecting me to go back with them"

 

Kahit hindi nakatingin si Jisoo, alam niyang nagpipigil ng luha ang kasama niya. Kahit mismong siya ay ganun na din ang ginagawa.

 

"But I don't want to leave babe"

 

May kirot kay Jisoo when she heard their endearment.

 

"I... I don't want to leave you..." paiyak na dugtong niya.

 

"But you have to" pagtuloy ni Jisoo kasabay ng pag-angat niya ng ulo para tingnan ang katabi na sumabay sa pagtango nung isa.

 

Jisoo knew, at the back of her mind na this was bound to happen. She kept pushing the thought out of her head. Even when their relationship turned into years, kahit walang sinasabi si Jennie, alam niyang posible paring mangyari. At eto na nga sila.

 

From the time that Jennie dropped the news nung new year, wala na siyang ibang inisip kundi paano na sila ngayon?

Minsan nga naiinggit siya sa mga kaibigan niyang welcome na welcome ang relasyon sa family nila pero wala naman din siyang magawa kung hindi ganun yung parents ni Jennie.

Gusto niyang mainis pero kanino? Kay Jennie na hindi kayang panindigan o ipaglaban man lang yung relasyon nila? O sa parents niya na makitid ang utak at hindi marunong umintindi na masaya naman dito ang anak nila?

"Kelan ka magreresign? Magiging immediate ba ito?" tanong ni Jisoo at hindi nakasagot agad si Jennie.

 

Kinutuban na si Jisoo.

 

"I... already talked to tl about it last month. And tomorrow's my last day" mahinang sagot ni Jennie.

 

Kusa ng tumulo ang mga luha ni Jisoo at sa oras na yun, gusto niyang magwala pero pigil na pigil siya.

 

Just the fact na, hindi ito sinabi sa kanya ni Jennie na, una, ay may pag uusap pa lang naganap between her and her parents tungkol sa kanila, pangalawa, na she decided na magresign a month ago and lastly, na it was already approved and she's ready to leave na din no matter what. For her, pinagmukha lang siyang tanga ni Jennie sa loob ng halos dalawang buwan.

 

And for what? For selfish reasons na she wanted to make the most of the time na meron silang dalawa?

 

Mahal niya si Jennie. Mali. Mahal na mahal niya si Jennie. Lahat ng gusto niya ay ginagawan niya ng paraan para makuha ito. Lahat ng toyo niya ay sinasakyan niya. Lahat ng kaartehan niya ay sinasabayan niya. Pero sa huli, siya pa din ang talo.

Masakit man para sa kanya, pero siguro nga kailangan niyang siya na mismo ang bumitaw. Na kailangan naman niyang isalba ang sarili niya sa paparating na bagyo. Na sa pagkakataong ito, ay sarili naman niya ang iisipin niya.

"I don't see any point in this conversation... Jennie" the way she called her by her name left a sour taste in . "After tomorrow, you won't be in the office and the following day, aalis ka na din talaga. So ako na magsasabi dahil alam kong nahihirapan ka din sabihin" huminga muna siya ng malalim bago niya tinuloy ang mga susunod niyang sinabi. "Itigil na natin ito" matigas na sabi ni Jisoo kahit tumutulo pa din ang mga luha niya.

 

When Jisoo said those words, yumakap ng mahigpit si Jennie at humagulgol na sa balikat niya. She tried her best pa na hindi kumibo pero hindi rin niya kinaya at yumakap na din at pinatahan si Jennie.

 

Naninigas na ang panga niya sa pilit niyang hindi tumulo ng tumulo ang luha niya.

 

Mabigat. Sobrang bigat na ng nararamdaman niya. Pero she wanted to show Jennie na kahit papaano ay magiging okay lang siya. Kahit sa loob loob niya ay nadudurog na siya.

 

Halos isang oras din bago kumalma si Jennie hanggang sa nakatulog na din ito. Kaya naman inayos na ni Jisoo ang pwesto niya at pinahiga na lang muna sa couch.

 

Dahil birthday na nga lang din niya ay nagbukas na lang siya ng alak, uminom at inaliw ang sarili sa paglaro ng mobile games.

Nagising naman si Jennie a few hours later nung tumunog ang phone niya kaya napaupo na ulit ito. It was a message from her mom. Mabilis lang siyang nagreply and when she looked for Jisoo, nakita niya itong nakatulala at nakatingin lang sa bintana. Kita niya din ang ilang bote ng alak na naubos nito.

She wanted to break down once again kasi when she looked at Jisoo, parang nawala yung Jisoo na nakilala niya. Kahit may pinagdadaanan sila noon ay never niyang nakikitang malungkot ng sobra sobra ito.

 

Napansin naman siya ni Jisoo at pagharap niya sa kanya, the spark in her eyes weren't there anymore. It's as if nawalan ito ng buhay in a span of a few hours.

 

"Alis ka na?" tanong ni Jisoo and kahit ayaw naman tumango ni Jennie, wala namang point kung magsinungaling pa siya.

 

Naghugas muna ng kamay si Jisoo bago niya nilapitan si Jennie.

 

"I know we both didn't want this to happen pero andito na eh. There's nothing more we could do. Basta take care of yourself ha. Don't worry too much about me. Andyan naman ang tropa kung sakali. Pero ikaw, mag isa ka lang dun. Siguro hindi ito ang tamang oras para sa ating dalawa. So I want to thank you for the time na inallow akong makilala at makasama ka. I won't be there to celebrate your birthday but still, make sure you have fun, okay? I'm gonna miss you Jendeukie" sabi ni Jisoo bago ito yumakap ng mahigpit sabay ng pagpuslit niya ng something sa bag nito. At pagkalas nito ay humalik naman siya.

 

The kind of kiss that screams I don't want this to end and at the same time, serves as her goodbye kiss.

 

When Jisoo let go of it, she looked at Jennie and smiled. And even though Jennie knows it's not a real one, she didn't say anything about it.

 

"I'm sorry"

 

"I know"

 

Nagpaalam na din si Jennie kay Dalgom at hanggang nakalabas nga ito ng pinto ay narinig niya ang pagiyak nung aso.

 

Bawat hakbang na ginawa ni Jennie papalayo sa apartment ni Jisoo ay para bang pasan niya ang mundo. She hates herself for not being able to fight for their relationship. She hates herself for being a coward. But most of all, she hates herself for hurting the person she loves the most.

 

****************************

They went to work the next day and TL Irene announced to the whole team at the end of the shift na nagresign na nga si Jennie and last day na niya yun. No one expected that and hati ang tingin ng team sa kanilang dalawa ni Jisoo. They all wanted to ask what's going to happen kaya para malinaw na din sa lahat ay pinangunahan na nilang sabihin na hiwalay na din sila.

 

After they were dismissed, mabigat ang pakiramdam ng lahat. Lahat affected sa nangyari pero they respect their decision naman.

 

May mga nagprisintang maghatid sa airport pero tinanggihan ito ni Jennie dahil kasama na niya ang parents niya by then.

 

Kahit si Irene ay apektado lalo na't naalala niya ang situation niya before. Pero she put on a poker face and just let her emotions out nung silang dalawa na lang ni Wendy.

 

"Naiinis ako nie! I so badly wanted to curse some people pero I know na wala naman talagang magiging effect yun! They don't deserve this! Argh!"

 

Pilit namang pinakalma ni Wendy si Irene kasi kahit mismong siya na may first hand experience din sa ganun ay sumasama ang loob.

 

"Calm down nie. It's not good for Olaf for you to be stressed like that"

 

Hindi alam ni Wendy kung bakit parang iba ang dating kay Irene ng mga sinabi niya at siya ang napagbuntunan ng inis ng asawa.

"Our friends are hurting Wendy! May karapatan akong ma stress!"

Napabuntong hininga na lang si Wendy at pinili na lang tumahimik.

 

"Di niyo ba pupuntahan si Jisoo? Baka kung ano gawin nun" nagpapanic na tanong ni Irene.

 

"Kasama siya nila Lisa at Jeongyeon ngayon"

 

"Pumunta ka din doon kung nasaan sila"

 

"Why?"

 

"Parang hindi mo kaibigan ah. Hindi mo man lang bibigyan ng moral support?"

 

"She's my friend, yes, pero ang priority ko ay ikaw. I can't leave you all stressed out like this nie"

 

Kumpara sa panic mode ni Irene ay siya namang pagka-kalmado ni Wendy. Alam naman niyang hindi din papabayaan ng tropa si Jisoo kaya naman kampante siyang hindi sumunod kung nasaan man sila.

 

Pinagluto na lang muna ni Wendy ang asawa para naman makatulong na gumaan ang pakiramdam nito. And it helped din naman.

 

While they were eating, tumunog ang mga phones nila and some new messages came in.

 

lalisa: PENGENG BACK UP! *photo attachment*

jeongyeon: gago dko alam san galing ung lakas ni jisoo

seulgi: uy! asan ba kayo??

 

 

Yung attach photo ay si Jisoo na kinuwelyuhan ang isang lalaki sa bar kung nasaan sila.

 

lalisa: nini's pub. malate.

wendy: sunod ako jan. huwag niyo na painumin si soo

 

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh!" nagsimula na namang magpanic si Irene.

 

Tinawagan naman ni Wendy ang kapitbahay nila na thankfully gising pa para samahan muna si Irene at mabilis lang ding dumating sila Winter at Karina.

 

"Nie, they're gonna stay with you okay? I'll make sure na walang mangyayaring masama kina Jisoo" tumango tango naman si Irene habang minamasahe ang kanyang sentido. "Kayo na muna bahala sa kanya ha. Update ko kayo agad" sabay namang tumango ang mga kausap.

 

Kinuha na ni Wendy ang kanyang helmet para mas mabilis siyang makarating sa lugar na sinabi ni Lisa. She revved the engine at lumabas na ng bahay.

 

Sa bawat stop light ay chinecheck niya kung may update ba galing kina Lisa at Jeongyeon. Ang huling message nila ay umalis na sila sa pub pero nagpumilit pa si Jisoo na pumunta sa ibang lugar. Videoke naman daw ang gusto kaya dun na dumiretso si Wendy.

 

Twenty minutes later, pinark na niya ang motor at hinanap ang room kung nasaan sila. Pagpasok niya ay andun na din sila Seulgi at Ryujin. At naabutan niyang kumakanta si Jeongyeon na kita sa mukha na napilit lang talagang kumanta at nagiinom na nga ulit sila Lisa at Jisoo.

 

And though she's so far away

It just keeps gettin' stronger, every day

And even now she's gone

I'm still holding on

So tell me where do I start

'Cause it's breakin' my heart

Don't want to let her go

 

Maybe my love will come back some day

Only heaven knows

And maybe our hearts will find a way

Only heaven knows

And all I can do is hope and pray

'Cause heaven knows

 

Paminsan minsan ay sasabay sa pagkanta si Jisoo kaya dinamayan na din ng tropa. Puro pang heart broken ang nakalinyang kanta and according to Lisa, si Jisoo ang naglagay lahat nun.

Naisip nilang painumin ng painumin si Jisoo na baka sakaling makatulog pero alam din nila kung gaano kataas ang alcohol tolerance nito kaya scrapped yung plano.

Naisip din nilang biruin at sabihing hindi umalis si Jennie pero baka magwala lalo ito pag nalamang joke lang yun kaya scrapped na naman ang plano.

Five buckets in, naglagay ulit ng kanta si Jisoo at kumanta.

 

Coz letting love go is never easy

But I love you so that's why I set you free, yeah-hey

And I know, someday

Somehow, I'll find a way

To leave it all behind me

I guess it wasn't meant to be, but baby

 

Before I let you go

I want to say I love you

I hope that you're listenin' 'coz it's true, baby

You'll be forever in my heart

And I know that no one else will do, yeah

So before I let you go

I want to say, yeah

 

So before I let you go

I want to say

I love you

 

The moment she dropped the mic, ay sabay din sa pagtulo ng mga luha niya. Agad naman siyang nilapitan ni Lisa. Marahang kinocomfort ni Lisa ang kaibigan at hinayaan lang munang umiyak.

 

Kanyang kanyang update sa partners and sa kung anong nangyayari. Apektado kasi lahat dahil biglaan naman talaga yung balita.

 

"Ang sakit sakit tol" mahina pero may diin na pagkasabi ni Jisoo. "Tangina... hindi man lang niya kami naipaglaban. Bakit ganun?"

 

Hindi naman makasagot si Lisa and she doesn't know what to say to her as well.

 

"Right from the start, I knew I was on the losing end. Pero wala eh, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Pero wala din akong magawa kundi ang palayain siya. Tangina. Sino ba naman ako compared sa magulang niya di ba?"

 

Wala ulit munang nagsalita sa tropa. As much as it pains them to see their friend hurting, right now, no words could ever make her feel better.

"Tangina ang swerte nyo sa mga partners niyo. You guys were welcomed and accepted ng family nila. Kahit ikaw Wendy. Kasi pinaglaban ka ni TL. Pero pucha bakit hindi nagawa ni Jennie sa akin yun? Why couldn't she say something to make them realize na wala namang mali sa relasyon namin? Legal nga same marriage dun eh pero gago bakit parang hindi man lang nakisabay yung utak nila sa panahon?"

May sasabihin sana si Wendy pero nagsalita na ulit si Jisoo.

 

"I was even planning to propose to her, you know? But before I even got the chance to do it, she dropped the bomb and said she's leaving. I did my best to save enough money to buy the ring she wanted and had everything planned out. We even talked about this before and we would have Dalgom be the ring bearer while Kai and Kuma would bring or scatter the flowers. But all those plans meant nothing now when she decided to leave. She may be forced into it but it's still the same to me. She left me. She in' left me! So please don't go about saying you understand what I'm feeling cause you in' don't. And I hope you never ever have to feel this pain cause it in' !"

Jisoo then walked out of the room kaya naman sumunod din agad sila. Nagpunta lang pala siya sa smoking area.

"I'm scared to know what she could do with her emotions mga tol" concerned na sabi ni Seulgi kina Jeongyeon, Lisa at Ryujin. Si Wendy na lang kasi ang sumunod kay Jisoo sa labas.

 

"Have you ever seen her like this? Kasi ako never pa. Kaya nagulat din talaga ako kanina nung bigla siyang nag-blow up sa bar. To think na nabangga lang talaga siya nung lalaki" sabi naman ni Jeongyeon.

 

"Magtiwala tayong malalagpasan niya ito guys. She's Jisoo. She'll be okay" sabi naman ni Lisa.

 

Sa smoking area naman ay literal na sinasamahan lang ni Wendy si Jisoo. Ayaw din kasi niyang pangunahan ang tropa.

 

"How do I move on from this Wendy?" biglang tanong ni Jisoo after ng pangatlong stick niya.

 

"It's not gonna be easy Soo. It never is. Pero paunti unti, you'll feel a lot better. Given na may mga days na namimiss mo siya. We all know how much you love her. And no one is questioning the things you've done for her. We don't know what's going to happen in the future. We can only hope that things will be better. But you have to start believing that yourself"

 

Nagpipigil na naman ng mga luha si Jisoo kaya naman niyakap na siya ni Wendy.

 

"You're not alone Soo. We're here for you"

 

Sobrang naappreciate ni Jisoo na may tropa siyang katulad nila. Na hindi siya pababayaan, sasamahan siya sa pagkalumo niya at tutulungan siyang iangat ang sarili niya kahit mismong sarili niya ay hindi kaya.

 

After a while, bumalik na sila sa loob ng room at inubos na lang ang mga alak before they paid and left.

 

******************************

Paguwi naman ni Jennie sa condo niya ay inikot niya ang tingin sa buong unit. In every part of her condo, a memory she shared with Jisoo flashed in her mind. The couch kung saan umamin si Jisoo na gusto niya siya, nasukahan pa nga niya ito nung araw na yun, aside from that, dun din sila madalas tumambay, just to watch tv, laruin sila Dalgom, Kuma at Kai, o kaya naman kung saan nila gagawin ang naisip na 'bagong hobby' like yung paglaro ng mobile games or some arts and crafts. The kitchen kung saan madalas silang magluto at mag-try ng bagong recipes. Naalala pa nga niya yung unang beses nilang mag experiment ng pagkain, ang reaction lang ni Jisoo ay "not bad but not good". The dining area kung saan laging extra effort si Jisoo sa pag-set ng table na minsan sinasama pa niya ang kakainan nung mga anak nila. The bathroom where they shared their first time together, the same day na umamin si Jisoo sa kanya. And of course, the bedroom where Jennie could be vulnerable with her especially on days na nag-away sila ng parents niya and other special moments they shared.

 

Jennie felt weak on her knees habang inaalala lahat ng memories nila ni Jisoo. And it made her hate herself more when she couldn't fight for her.

 

She wanted to stay. She really do pero naisip niya na baka naman pagdating niya dun eh makausap niya ng masinsinan ang sarili niyang magulang. Iba din kasi kung thru a screen lang niya sila nakikita.

 

Sobrang hirap na hirap din siya and it hurt more na Jisoo had to be the one to end things between them and had to do it on her own birthday. She just knows how hard it was for her. To let go of what they have. To let go of her.

The bell rang and she was hesitant to open the door because then reality would really hit. That she has to leave. But she had no choice, well she does, but she's scared. And so she turned the knob and her parents were in front of her.

"Are you all set?" bungad na tanong ng mommy niya.

 

All she could do was nod. At isa isa na nga nilang nilabas ang mga gamit niya. Tig dalawang maleta ang tulak tulak ng parents niya while she pushed the stroller kung nasaan sila Kuma at Kai. And just like that, they're on the way to the airport.

 

Once she was seated sa private plane nila, she thought about sending another message but she came up blank and couldn't form any words to type in. She wanted to say sorry but what good would it do?

 

Hindi na din niya napansin na nakalipad na sila at paggising niya hours and hours later, nakaland na din sila sa New Zealand.

 

They got off the plane and she just followed her parents papunta sa sasakyan naghihintay sa kanila. Another thirty minutes later, they were parked in front of the house she spent half of her life in. She remembers how her life was before and she didn't want to get used to it again. She was treated like a princess back then and that didn't help her at all when she went to the Philippines and she had to unlearn some of the things she was used to.

"Feels good to be back right?" tanong ng daddy niya pagkapasok nila sa loob ng bahay.

Deadpan niyang sinagot ng "Not at all" bago siya naglakad papunta sa kwarto niya.

All her stuff where there na din pero she didn't have the strength to unpack. Kaya nahiga na lang muna siya.

Once her phone was connected to the wifi, sunod sunod ang notifications na dumating.

She checked the messages from their group chat and panicked when she saw the exchange of messages regarding Jisoo. But then towards the latest ones from Wendy, she calmed down na din knowing na wala namang masamang nangyari. She knows din naman na Jisoo's in good hands with the tropa.

She wanted to cry again when she saw the photo na sinend ni Lisa sa chat. Ramdam kasi niya yung sakit sa expression ni Jisoo.

Before she let herself drown in tears again, may kumatok sa pintuan at pumasok ang mommy niya at umupo sa paanan ng kama.

"What do you want?"

Her mother sighed. "We're going out for dinner so changed your clothes"

"Why?"

"This is just a simple dinner with some of our friends"

"Then go. Why do you have to ask me to come when I don't know anyone there?"

"Jennie. I'm asking nicely"

She just scoffed at her mother. "You? Asking nicely? I didn't know you could do that"

Tumayo ang kanyang ina. "See? That's why we didn't want you there in the first place. You learned nothing but to be disobedient to us. You even let yourself be exposed to those kinds of people who know nothing but to humiliate themselves with their choices in life. You should be thanking us for taking you home"

Nagpantig naman ang tenga ni Jennie kaya tumayo na siya ng kama at hinarap ang nanay niya. "Those people... were the ones who helped me become a better person. To see that there is life to enjoy and not be stuck with your narrow mindedness. Those people were the ones who showed me love more than you ever did. And not once did they judge me for the things I do. Those are the people who I'd rather be with"

 

Isang malakas na tunog ang sumunod at pareho silang nagulat sa nangyari.

 

"And those people would NEVER hurt me just like what you've been doing to me all my life" dugtong ni Jennie while holding her left cheek which was now red.

 

The mother and daughter just stared at each other. Both eyes filled with negative emotions. It wasn't until her father came in the room when they broke the staring contest.

 

"Are you girls ready?"

 

"She's not coming with us" mabilis na sagot ni Mrs. Kim bago siya lumabas ng kwarto at sumunod naman kaagad ang asawa.

 

When she heard the front door close, Jennie broke down and let her tears fall. She was getting closer and closer to her limit. And all she wants is to be in the arms of the person she loves. But she wasn't there with her.

 

******************************

Days turned into weeks and Jisoo was not getting any better. She would go to work and would go straight home. Ilang beses din niyang tinanggihan ang pag-aya ng tropa na lumabas.

 

On the day of Jennie's birthday, she contemplated on calling her but backed out at the last minute thinking na baka makita pa ng parents niyang tumatawag siya at pagalitan si Jennie. Instead, she went to the place where she was supposed to take her and intended to propose to her.

 

Camping dapat ang plano niya kaya naman she bought some tools and necessary things they would need. Jennie always wanted to sleep under the stars hence the perfect opportunity to do it. But unfortunately, the person she wanted to do it for, is not with her.

 

Enjoy naman si Dalgom sa pagtakbo sa grass and as Jisoo finished setting everything up, umupo na muna siya to rest. The weather was just right kasi hindi sobrang init at hindi rin naman mukhang uulan.

 

She took a short video of her camp set up then the view of her surroundings then Dalgom who was wagging its tail. She then posted it online with the caption, tu me manques.

 

It didn't take long for the tropa to comment at natawa na lang siya sa mga pinagsasasabi nila. Nanakot pa si Chaeyoung at sinabing may something dun sa video. Kahit sunod sunod ang comments na pumapasok, she still noticed the comment that said 'Tu me manques plus' pero dinelete din kaagad ito.

 

That made her smile knowing na kahit hindi na sila nag uusap, namimiss din siya ni Jennie.

 

******************************

 

 

 

 

A/N:

- what do you think will happen next?

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
85 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1685 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
85 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡