Limbo Rock

Pag May Alak, May Balak

Flashback - Valentines Day

"Nie, will you marry me?" tanong ni Wendy kay Irene habang nakaluhod.

Hindi nakapagsalita si Irene at ilang minuto ding nakaluhod si Wendy sa harap niya. May mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ni Wendy dahil hindi pa nagbibigay ng sagot si Irene.

'Masyado ata akong mabilis nagtanong' sabi ni Wendy sa sarili.

Nung medyo sumasakit na talaga ang tuhod niya ay tumayo na siya at iniwan na lang ang box sa tabi ng kama ni Irene at lumabas ng kwarto at umakyat sa rooftop para magpahangin. Di naman din sumunod si Irene kaya lalong nangamba si Wendy na baka nga talaga masyadong mabilis siyang nagpropose. Pero naalala niya ang sinabi ni Lisa sa kanila nung nasa Baguio sila, na wala naman sa ikli o haba ng relasyon yun kung kelan ang perfect timing, kung sigurado na siya sa tao bakit siya magaalinlangan na magpropose?

Hinayaan na lang muna din ni Wendy si Irene. Baka kailangan niya din ng time. Ayaw din naman niyang ipressure yung isa. Pero hindi niya aaminin na nasaktan siya dun.

********************
Flashback - Wendy's birthday

Maagang tinext ni Seulgi ang bestfriend niya para ayain itong lumabas. Birthday din naman nito at dahil nilabas din ni Wendy si Seulgi nung birthday niya eh pumayag na yung isa kahit tinatamad talaga siyang umalis ng bahay. Hindi pa din kasi sila masyadong nakakapagusap ni Irene, pero no pressure nga. Tamang arcade lang sila, videoke at food trip. Hindi na sila madalas lumabas ng silang dalawa lang kaya naman ay inenjoy na niya din ang sarili niya. Simula kasi ng magkagirlfriend si Seulgi ay pag lumalabas sila ni Joy, iwan lang sa bahay si Wendy at nagbabake or nagluluto na lang kung ano.

Kinagabihan ay nagsabi si Seulgi na hindi siya uuwi kaya magisang umuwi si Wendy. Wala naman siya masyadong ineexpect at kahit simpleng bati lang galing sa girlfriend niya masaya na siya kaso buong araw ding hindi ito tinext. Hindi niya ulit aaminin kahit kanino pero nalulungkot na talaga siya sa mga nangyayare simula nung Valentines.

Nagtataka si Wendy kung bakit madilim ang bahay. Inisip na siguro lumabas din si Irene. Pagbukas ng ilaw ay nakita niya ang mga stuff toy sa couch, binasa at sinundan ang mga notes na may arrows. Kinilig siya sa pagalala ng mga memories nila sa bawat note na makita. At pagdating niya sa hagdan papunta sa rooftop ay lalong tumitibok ang puso niya sa bawat hakbang na ginagawa niya. Pagbukas ng pinto ng rooftop ay nakita na nga niya si Irene na nakaayos (kahit di naman kailangan) at suot ang singsing na pinangpropose niya nung isang linggo. Bumati si Irene at wala na siyang sinabi at binuhat, inikot at hinalikan ito ng matindi. At ng magsalita ulit si Irene at sinabi ang matamis na yes nito ay feeling ni Wendy ay pwede na siyang lumipad.

********************
Flashback - Galera

"Nieeeee. Pwede ba akong sumama sa water activities? Pleaseeeee?" nakaluhod na sa harapan ni Irene si Wendy. Nagaalangan si Irene dahil baka may repeat nung La Union. Ilang minuto niyang tinignan si Wendy at nang magpout na with matching pleading eyes, wala na, hindi na niya kayang tiisin kaya pumayag na din siya. Sinamahan pa dun sa water activity na napili at siniguradong mahigpit ang life vest na kinabit nung kuya.

Natapos ang iba't ibang activities na ginawa at bago pa lalong maghapon ay tumakas si Wendy at naghanap ng bakery. Tamang bili lang ng cake as an early celebration para kay Irene dahil alam niyang hindi sila makakapag.get together with the team. Buti na lang ay hindi siya napansin na nawala. Nanghiram lang din kasi siya ng motor dun sa isang lifeguard. Pagdating nito ay sakto umaahon na din ang mga tropa at pasimple niyang itinago ang cake sa ref ng bahay. May special dedication pa.

********************
Flashback - First Visit sa Bagong Bahay

Pagkapark sa harap ng black na gate na may numerong 815  ay bumaba silang dalawa ng sasakyan. Taking in the moment na nasa harap na sila ng sarili nilang bahay. Sinuksok ang susi sa keyhole at bumungad na sa kanila ang malaking garahe at ang house front. May malaking garden space din at naisip agad nila na magtanim ng kung ano-anong halaman. Tapos bebenta nila kasi uso yun ngayon.

Lumapit sila pareho sa main door at isinuksok ulit ang isa pang susi at dahan dahan binuksan ang double doors. For some reason, natripan ni Wendy na videohan ang house tour nilang dalawa dahil wala talaga silang ideya kung ano ang itsura. Nakaharap sa malaking salamin sa gilid ang sinimulan ang intro ng video.

"Hello everyone! I'm Wendy and this is my fiancè Irene" sabay focus ng camera sa katabi at tumabi nadin sa frame. "And we welcome you to our crib!"

Una nilang pinuntahan ang malaking sala. Kita sa video ang malaking couch na nakakorteng U na nakatapat sa isang flat screen tv sa pader. Medyo bare pa ang mga pader kaya wala na iba pang maipapakita pa kaya lumipat sila sa dining area. Isang long table na kasya ang doseng tao. Dalawa lang naman sila sa bahay pero ang laki nung table. Pag may party lang siguro nila magagamit. Lumipat naman sila sa kitchen na katabi ng dining at nanlaki ang mga mata dahil kumpleto na lahat talaga. May double oven pa at may butcher block counter tops, ang kitchen island naman ay gawa sa marble. Medyo natagalan sila sa pagexplore ng kitchen bago nagdecide na puntahan ang guest room at first bathroom. Matapos sa first floor ay umakyat na sila sa second floor. Manghang mangha sila sa ganda ng disenyo ng bahay at hindi naubusan ng sasabihin si Wendy sa bawat kwartong pinasukan nila. Nang maexplore na din ang mga kwarto sa taas ay bumaba at lumabas ulit sila at parehong nagulat sa pool. Standard size ito at may porch din. Halos isang oras silang nagiikot sa buong bahay at sa gate ulit natapos ang video.

Excited na umuwi ng bahay ang dalawa at pinagplanuhan na ang mga plano para sa mga spaces na nakulangan sila ng design.

********************
Flashback day of the malalang ganap..

Kausap ni Wendy ang bestfriend niya sa cellphone habang nakatambay siya sa garden nila. Maagang umalis si Irene para kitain ang kapatid dahil imemeet ang kanilang magulang.

"Mehn. I know parents niya yun pero bakit feeling ko may hindi magandang mangyayare?" tanong ni Wendy.

"Malay mo naman makikipagbati na sa mga anak nila. Wag tayong nega masyado tol" sagot naman ni Seulgi

Nagsindi ng isa pang yosi si Wendy.

"Pwede pero bakit ang uneasy ng pakiramdam ko? Puntahan ko na lang kaya?"

"Magmemessage naman si tl sayo kung anong update sa kanila di ba?"

"Oo alam ko yun. Haaay. Pupuntahan ko na lang siguro. Tamang back up lang. Sa kwento kasi sa akin dati ni nie, palagi silang nagcclash"

"Kung badtrip si tl after nung usap nila, ayain na lang natin maginom. Tamang de-stress lang"

"Ocge. Balitaan kita Seul"

Binaba na ang cellphone, inubos na lang ang yosi at umakyat na ulit siya ng kwarto nila at naghanap ng susuotin para sunduin sina Irene at Yeri. Hindi talaga mawala sa isip ni Wendy na may masamang pangitain ang pagkikita ni Irene sa magulang niya.


********************

Present Day

********************
May pumasok sa loob ng hospital room ni Wendy na mga staff at nagising agad si Irene.

"Ma'am ililipat lang po namin ng room ang pasyente. May nagrequest po kasi sa admin" sabi nung isang staff at takang taka si Irene.

"Ha? Sino po nagrequest?" tanong ni Irene. Gagawin pa lang niya dapat iyon mamaya.

"Hindi po nagpakilala pero kilala po kayong dalawa. Ililipat lang po sa mas malaking kwarto si Ms Wendy Son" sagot naman nung isa pang staff na may hawak na clipboard.

Hindi na nagisip muna ng kung ano si Irene kaya hinayaan na maiayos lahat ng nakakabit kay Wendy bago ito nilabas mg kwarto, sumunod naman agad si Irene. Sumakay sila ng elevator at tumigil sa pinakataas na floor.

"Hala may ganito pala dito?" tanong ni Irene sa sarili habang sumusunod pa din siya sa mga staff. Tumigil sila sa isang room at pagbukas ng pinto ay di hamak na mas malaki talaga ang space. Iniayos na ulit ang pwesto ni Wendy bago tuluyan ng lumabas ang mga staff.

Inikot ni Irene ang mata sa buong kwarto, may dalawang extra single beds sa isang gilid at malaking couch. May dining area din at ref sa isang side. At ang bathroom ay double the size compared sa room na pinanggalingan nila. Hindi maisip ni Irene kung sino may pakana nito at nagulat din siya sa fact na may ganitong klaseng room pala sa ospital. Pero parang hindi naman ito covered ng healthcare nila. Wala naman problemang maglabas ng pera dahil may emergency savings naman sila ni Wendy.

Maya maya naman ay may kumatok sa pinto at pumasok ang doktor na nakausap niya kahapon.

"Good Morning po. We'll just do our routine check ups" bati nung doktor. Tumango na lang si Irene at hinayaang icheck kung ano yung kailangan icheck. Pinapanuod lang niya ang ginagawa ng doktor at ang pagsusulat ng ewan ng mga kasama pa nito. Mga resident doctors siguro. After ilang minutes ay umalis na din sila kaya naiwan ulit magisa si Irene.  Walang ibang ginawa si Irene kundi panuorin lang si Wendy. Checking kung baka biglang magmulat ito ng mata dahil gusto niya na siya ang una nitong makikita. After lunch ay dumating si Yeri at Saeron dala ang isang malaking bag na naglalaman ng pamalit na damit ni Irene. Nagpaalam na din si Irene sa boss niya na hindi muna siya makakapasok kaya sa mga sumunod na araw ay naassign na acting tl si Seulgi para sa team since isa siya sa mga tenure na ahente.

Isang linggo na ang lumipas pero wala pa ding pagbabago. Hindi pa din nagigising si Wendy at nagaalala na talaga si Irene. Sabi naman ng doktor ay normal pa din yun kasi it takes time din naman para magrest ang katawan lalo na sa impact na nangyare pero hopeful din na in the next few days ay magising na din ang pasyente.

Hindi makakauwi ang mga magulang kaya inuupdate ito ni Irene sa pamamagitan ng pagvivideoke call.

"Irene, you gotta be strong for Wendy and for yourself ha" sabi ng nanay ni Wendy sa kanya during one of their video calls, parehong naluluha.

"Yes po tita. I'm doing the best I can. I just want her to wake up" sabi ni Irene.

"And she will my dear. Wendy's a strong girl despite her small physique"

"I talk to her every night. Hoping she hears my voice. But I don't think it's helping at all. It's been a week na din po"

"Kilala ko ang anak ko Irene. This isn't the first time something like this happened and I know that she will pull through. We just have to have faith. It's not her time yet"  sabi ulit ni Mrs. Son, medyo pilit na idinirecho ang pagsalita para hindi mahalata ng kausap na gusto na niya din talagang puntahan ang bunsong anak. "Sige na Irene, magpahinga ka na din"

********************

(This is going to be the first POV I will do and this is Wendy's)

Kakababa ko lang ng grab na sinakyan ko dahil binenta na namin yung sasakyan niya kaya gamit nila ang kotse ko. Inisip ko din magmotor kaso ayoko din magdrive sa init. Tinext ako ni Irene kung saan sila magkikita ng magulang niya kaya naman ay tumambay na lang muna ako sa convenience store with the area. Naubos ko na ang siopao na binili ko at nahiya din akong magstay lang dun hanggang magupdate ulit si Irene. May isang oras na ang lumipas kaya naisip kong puntahan na din sila baka sakaling maging Wendy to the rescue ang peg. Naglakad ako papunta sa pedestrian lane at hinintay na mag.green ang ilaw para pwede ng tumawid. May napansin akong babaeng tumatakbo sa kabilang side at may kasunod itong lalaki, tumigil ang babae at dumantay sa poste. Pag-angat ng ulo at si Irene.

'Bakit tumatakbo yun?' Tanong ko sa sarili.

Nag-green ang ilaw pero mukhang naghahabol pa siya ng hininga. Weird talaga. Nagsimula na akong maglakad at nagpangabot na kami ng tingin kaya naglakad na din siya.

Sa peripheral vision ko ay nakita ko na yung sasakyan but I don't think she saw it kaya tumakbo na ako at buti na lang naitulak ko siya pabalik ng sidewalk. Ramdam ko yung impact ng pagkabangga sa akin, ilang segundo akong lumipad sa ere. At wala na akong maramdaman after nun, hindi na din ako makagalaw pero pinilit ko hanggang sa kaya pa ng consciousness ko na makita ulit si Irene and I did.

 

 

 

 

 

May ingay akong naririnig, may mga sumisigaw ng parang instructions pero di ko maintindihan ang mga sinasabi. Ang kita ko lang kasi is yung malaking ilaw sa harap ko. Oh ! Did I just die? No hindi pa pwede ------

"Get the defribillator now!"

-----^--^^^---^--^-^^^^^  (heartbeat yan guys)

 

 

 

 

 

"Bakit ang usok? Pero yung hindi naman nakakasuffocate na usok. Para bang fog lang sa Baguio sa umaga at sa gabi.  Teka, asan ba ako?"

May dumaan na doktor.

"Ah nasa ospital. Pero bakit pa din mausok? Luh may sunog pa ata"

So naglakad naman ako at sinundan na lang ang doktor baka sakaling kilala ko ang pasyente. Tumigil sa isang room, kumatok at pumasok.

Nakita ko agad si Irene at ang tropa.

"Uy guys! Andito din pala kayo!" Deadma lahat. Ay wow.

Lalapitan at yayakapin ko na sana si Irene eh kaso.... TANGINA! Tumagos ako.

Agad agad ko naman tinignan ang nasa kama at di na ako nagulat na ako iyon.

"Ano na naman nangyare sa akin???? Hoy otornim may galit ka ba sa akin? Bakit ako laging naaaksidente?"

 

 

 

 

Kru. Kru. Kru. Kru. Kru.

"NIE!!!!!! I'M HERE!!!!!" halos maubusan na ako ng boses kakasigaw pero pucha hindi talaga ako naririnig. Ito ba yung sinasabi nilang limbo? Kasi hindi ako natutuwa. Sinubukan kong bumalik sa katawan ko pero walang nangyare. Hindi naman ako nakakaramdam ng pagod sa pabalik balik ko sa katawan ko pero wala talagang epekto, hindi kumakapit.

"Am I dying?" Wala din naman nakakarinig bakit ako nagsasayang ng laway kakasalita dito?

-No not yet.-

"Anak ng pating! Sino yung nagsalita? Uy! Hindi nakakatuwa!" Wala naman kasi akong nakikitang ibang tao sa paligid.

-Sorry I had to let it happen.-

"What do you mean you had to let it happen? Bakit hindi ako makabalik sa katawan ko?"

-You need to rest for a while Wendy. You've been through enough.-

"No! I have to go back! Kailangan ako ni Irene!"

-I know. I've been watching you since the story started-

"Huh? Otornim ishdau?"

-Just rest Wendy. You'll thank me later-

"Wala namang ganyanan. Pabalikin mo na ako sa katawan ko please?"

 

 

 

 

 

Kru. Kru. Kru. Kru. Kru.

"Please? I just want to be with Irene"

********************
Isang linggo na ang lumipas pero hindi ko na ulit narinig ang boses nung kumausap sa akin. Di ko na din alam gagawin ko para magising ako sa realidad. Araw araw ko lang pinagmamasdan ang mga nangyayare. Sa hindi pagalis ni Irene sa tabi ko, sa pagpunta ng mga kaibigan ko, sa pagupdate ni Irene sa magulang ko. Gabi gabi din akong kinakausap ni Irene at kahit anong pilit kong laksan ang sagot ko eh hindi naman niya ako naririnig.

Hindi man nakakareact ang nakahiga dun sa hospital bed eh natatawa naman ako sa paminsan minsang pagbibiro ng mga kaibigan ko. Nalaman kong acting tl ang bestfriend ko ngayon at proud ako dun dahil up for promotion na din naman talaga siya. Well dapat sabay kami pero asan ako ngayon di ba? Nalaman ko din na magjowa pala talaga si Boss Taeyeon at Boss Tiffany ng minsan silang dumalaw para kamustahin ang kalagayan ko at ang mental state ng fiancè ko. Nagiging panda na din siya kakapuyat. At nalaman ko ding may buntis sa mga kaibigan ko. Hulaan niyo kung sino.

Lumipas pa ang ilang araw at buryung buryo na ako sa pesteng lugar na ito. Wala naman kasing nagbabago. Nakailang routine check up na yung doktor at wala naman something new sa report na sinusulat ng mga kasama nito.   And naaawa na talaga ako kay Irene. I don't see her smile anymore and it's my damn fault! Palagi na lang siyang poker face lately, kung ngingiti man alam kong pilit iyon. 

In less than a month, dapat lilipad na kami papuntang Europe para sa pinakainaabangan naming ganap sa buhay namin pero I don't think it'll happen as planned.

Kahit alam kong hindi niya mararamdaman ang hawak ko at hindi niya maririnig ang boses ko, kinausap ko si Irene.

"Pasensya na nie ha. Hindi ko naman sinasadyang mangyare ang aksidente. I know I just had to save you that time. Di bale ng ako masaktan huwag lang ikaw. Pero because of what I did, ikaw naman ang nasasaktan ko ngayon. At hindi mo deserve na mahirapan ng ganyan. I've been trying my best na makabalik sayo gaya ng pangako ko. Pero to be honest, I really don't know how to. I don't want to sound like I'm giving up so I will hold on to your hand as long as I can. I just hope na if ever eh I can still say goodbye personally and not like this. I love you Irene Bae. I always have and I always will"

********************

(Back to normal POV)

Nagising si Irene ng biglang may machine na umingay. Pagtingin niya ay agad agad naman niyang pinindot ang emergency button. Dali dali ding pumasok ang doktor at ilang nurse.

"Ma'am it's better na sa labas po muna kayo ng room" marahang sabi ng isang nurse.

Hindi na makapagsalita si Irene dahil lumalabo na ang paningin niya sa mga luhang tumutulo galing sa mata niya. Buti na lang din ay kakabalik lang nila Seulgi at Joy galing sa pagbili ng pagkaen nila.

"TL! Anong nangyare?" kabadong tanong ni Seulgi.

"N...nag-flat l...line s...si W...wendy"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
88 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1691 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
88 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡