Somebuddy else

Pag May Alak, May Balak

Lumipas ang ilang buwan ay naging maayos ang lahat. Madali namang nakapag.adjust si Irene sa pagiisang bahay nila Wendy kasama si Seulgi at naging mas maayos ang lagi ng kanilang account kaya naman ay pagpatak ng EOD meeting nila ng Friday ay may masayang ibinalita si tl Irene.

"Alright team, with the numbers we are producing we were able to add more seats to the account. So on Monday, you will have five more new teammates"

Nagcheer ang buong team dahil ibig sabihin lang din nun ay magbibigay na naman ng budget pang.outing and the more the merrier naman.

"So for the newbies, they will be buddying up with the tenure folks kaya umayos kayo Wendy, Seulgi, Jisoo, Nayeon at Jeongyeon."

"Yes boss!" Sagot naman agad ni Jeongyeon.

"Baguhan lahat yun sa BPO kaya please lang wag niyo muna turuan ng mga panghahaduken niyo" Sunod pang sinabi ni tl kaya nagtawanan ang lahat. "I will send out the schedule for the onboarding on Monday. And yes alam ko na iniisip niyo. May budget ulit tayo para sa outing this month"

Lalong umingay ang lahat. Automatic na kumuha ng papel at ballpen si Joy na natoka ng secretary pagdating sa pagpaplano at kung ano ano na namang mga sinuggest na lugar.

"Sa South naman tayo pumunta lagi na lang pa.North eh" Suggestion ni Momo.

G naman sila.

"Sa Quezon. May friend ako na may bahay dun. Mura yung mga beach tapos pwede kong kausapin sa renta sa bahay" wika ni Sana. Sinulat naman ni Joy sa papel.

"Batangas pa din ako" sagot naman ni Jennie.

"Marami din mura sa Cavite" sabi ni Dahyun.

"Basta ako Pansol pa din" pinilit pa din ni Lisa kahit sawang sawa na sila sa lugar.

"O game. Votation ulit. Sino trip mag.Quezon?" Nagtaas ng kamay si Wendy, Seulgi, Joy, Sana Mina at Chaeyoung. "Sino sa Batangas?" Nagtaas ng kamay si Jennie, Jisoo, Rosè, Nayeon at Jeongyeon. "Sino sa Cavite?" Nagtaas naman ng kamay sina Tzuyu, Momo, at Dahyun. "O bahala ka na ulit sa Pansol mo Lisa"

Natapos sa pagpaplano at dinismiss na sila ni tl. Nagpaiwan saglit si Wendy.

"Boss?" Tanong ni Wendy. "Sabay ka ba pauwi o may mga tatapusin ka pa?"

"I just need to send a few emails and finalize the onboarding schedule"

"Ayt. Antayin na lang po kita sa baba ha. Ginuman daw ulit eh."

Tumango naman si Irene at sabay na silang lumabas ng aquarium. Bumalik sa mga sariling station at sinimulan ng gawin ang mga emails and stuff. Bumaba na naman ang tropa. Nagantayan sa smoking area habang yung iba bumibili ng snacks sa Lawson.

"San ba tayo ngayon mga tol?" tanong ni Chaeyoung na kakasindi lang ng yosi.

"Music 21 na lang ulit. May bonus naman tayo lahat eh" Sagot naman ni Seulgi.

Makalipas ang tatlompung minuto ay dumating na din si Irene at nagpunta na silang lahat sa napagusapang lugar. Nakapagpa.reserve na ng room si Jeongyeon kaya diretso na agad ang lahat.

Same blockings tulad ng dati. Naka.order na din ng alak at pagkaen at naglinya na ng mga kanta. Unang kumanta si Nayeon ng Born This Way na sinundan naman ni Jeongyeon ng Applause. Sumunod si Rosè at Lisa na nagduet ng L.O.V.E tapos sumunod naman sina Momo at Dahyun at kinanta ang Move may matching na pagsayaw pa.

"Luh ayos partner partner ang pagkanta? Gawin nating competition o. Money down" Suggestion ni Joy na naglapag ng 500 pesos sabay kuha ng songbook at naghanap ng kanta na kakantahin nila ni Seulgi. Umagree naman lahat.

Nagisip na ng mga kanta ang iba habang kumakaen at umiinom sa kanya.kanyang baso. Matapos ang ilang minuto, nakalinya na ulit ang mga kanta. Unang sumalang sila Seulgi at Joy na napiling kantahin ay Endless Love. Nairaos naman at magaling ang blending. May score na 95. Sumunod si Mina at Chaeyoung na kumanta ng Can I Have This Dance at nakakuha ng score ng 94. Sunod naman sina Sana at Tzuyu na kumanta ng Beauty and The Beast at nakakuha ng score na 94 din. Huling kumanta sina Wendy at Irene at napiling i.duet ang Rewrite The Stars at nakakuha ng score na 97. Lamang na sila sa scoring. Matapos makakanta ng lahat ay tie ang score nila with Jennie at Jisoo na kumanta ng Pretending.

Nakadami na naman sila ng naorder na bucket pero may tira pa naman sa sarili. Gaya ng nakagawian ay kumaen muna sila ulit ng mami't pares. Pagkatapos kumaen, nagyosi muna ulit bago umuwi.

Dumating ang sumunod na linggo at start na naman ng bagong shift. Nagtipon sa aquarium at pagpasok ni tl ay may mga kasama na mga bagong mukha. Umupo ang lahat at nagsimula na magsalita si Irene.

"Good Morning everyone. These are the new people who will be joining our team. Everyone will have to introduce themselves. Just state your name, how long you've been in the account or in the company and say something interesting about you." Tinuro si Wendy na katabi niya.

Tumayo at nagpakilala. "Hi I'm Wendy. I've been with the account since it started 11 months ago. Something interesting about me?" Napaisip. "I have great hands" Sabay nag.spirit fingers. 

Nagtawanan ang tropa pero si Irene ay nagtaas lang ng kilay.

"Ang aga aga Wendy ah" Sagot naman ni Chaeyoung. Hindi malaman nung mga bago kung bakit sila natatawa.

"Gags. Kasi marunong ako magluto, magbake at tumugtog ng instruments. Ano ba iniisip niyo? Kayo ah!" Tamang pagbawi naman ni Wendy.

Sumunod si Seulgi. "Seulgi po. Also been with the account for 11 months. Something interesting ay hindi ako marunong mag.wink"

"Hi guys. My name is Joy. I've been with the account for 8 months now. Dati akong nagaartista at nakasama ako sa dalawang teleserye dati"

"My name is Rosè. I've been with the account for 6 months now. And something interesting is I have dual citizenship."

"Hello po. Lisa Manoban. 6 months na din pong nasa account. Kaya ko pong magsalita ng tatlong lenggwahe."

"Tagalog, English at Alien" sabat naman ni Jeongyeon.

Sumunod din naman siyang nagpakilala. "Hi! Jeongyeon here. 11 months na din sa account. Something interesting sa akin ay kahit chef ang tatay ko ay hindi ako marunong magluto"

Sinundan siya ng kanyang girlfriend. "Hi Im Nayeon. Also one of the tenured agents sa account. Something interesting? I was involved in a car accident nung bata ako kaya madalas akong na.o.out of balance"

"I'm Mina. Been with the account for 8 months. Something interesting? Nagballet ako for 11 years"

"Chaeyoung po. Joined the account 6 months ago. Interesting sa akin ay nagsusulat ako ng kanta"

"Momo. 8 months na sa account. Malakas akong kumaen"

"Ohayo. My name is Sana. Been with the account for 8 months now. Pinaglihi ako sa Cheese Kimbap"

"Hi guys. Dahyun nga pala. 6 months pa lang din ako sa account. Nagviral ako dati sa ginawa ko sa church namin. Search niyo lang kung trip niyo."

"Tzuyu po. 6 months na din sa account. Something interesting is hindi halata sa height ko pero ako ang pinaka.bata sa team"

Natapos na silang lahat at pinagsimula ng magpakilala ang mga bago.

"Ugh. Hi my name is Yeji. Joined the company a month ago. Something interesting? A lot of people say I have monolids but I actually don't" At pinakita nga niya sa iba na double eyelids din nga talaga siya at namangha naman sila.

"Hi guys, my name is Lia. I joined the company a month a go as well. I also have dual citizenship cause I was born in Canada."

Nagreact naman agad si Wendy. "Really? Let me guess, Toronto?" Tumango naman si Lia. "Ayos. Pareho pala tayo."

Tumayo na ang sumunod na magpapakilala. "Ryujin. Joined a month ago. Also did some acting when I was younger"

"Hi. My name is Chaeryoung. One month pa lang po sa company. Interesting fact is I have a twin sister"

Tumayo na din yung panghuli, laki ngumiti. "Hello po. My name is Yuna. Joined the company last month. Naging MVP ako sa isang event sa UAAP dati"

Nagpalakpakan ang iba. Hindi ko rin alam kung bakit. Tumayo naman ulit si tl at nagpakilala para sa mga bago.

"My name is Irene. Been with the company for 3 years now and have been with the account for 11 months. Interesting fact about me? I was once mistaken as the leader of the kpop group Red Velvet during a trip I made in Korea years ago"

Nagreact na naman ang tropa. "Ay iba din pala ang gandang tangi talaga ni boss!" Si Jeongyeon na naman ang kumantsaw. Pangiti ngiti lang si Wendy.

Pagkatapos ng ilang reminders at pagseset ng expectations ay pinaiwan muna ni Irene ang mga newbies at ang mga magiging buddy nila for onboarding.

"So Yeji, si Seulgi ang buddy mo, Lia will buddy up with Wendy, Ryujin will buddy up with Jeongyeon, Chaeryong will buddy up with Nayeon and Yuna will buddy up with Jisoo. Uulitin ko lang sa mga tenured, tamang proseso ang ituturo ha." reminder ni Irene dahil kilala na niya sa mga ways ways ang mga iyon.

Nang maibigay na ang schedule ay lumabas na sila ng aquarium at nagtungo pabalik sa kani.kanilang mga station. Hindi masyadong queuing kaya may time na magturo ang mga buddies.


******************************
"Thank you for calling BRVT, this is Wendy...."

Natapos ang call at tamang billing issue lang naman ang tumawag na customer kaya easy lang para kay Wendy. Habang nagaantay ng kasunod na tawag, tahimik lang sa tabi niya si Lia kaya kinausap muna niya.

"So you're from Canada?"

"Yes po."

"Wendy na lang. Masyado mo akong pinapatanda" Tumango naman si Lia. "I was also born there. Actually palipat lipat kami dati. Kung saan trip ng magulang namin, dun kami magststa
y. Every five years pero nung nagcollege na ako, pinili kong magstay na dito"

Tumango lang ulit yung isa.

"Pwede magsalita Lia ha. So ayun nga, madali lang naman yung account. May script namang susundan. Medyo ibahin mo na lang yung tone ng voice mo pag babasahin mo para hindi tunog robot. Minsan kasi nagbababa ng telepono ang mga customers pag ganun ung boses. General Inquiry, Billing and Basic Troubleshooting lang ang usual na marereceive na concern. Pag hindi mo na naman covered like retention or talagang technical issue, pwede mong i.transfer. May guide naman na naka.post sa mga stations kung saang number mo itatransfer. Pag naghanap ng supervisor, message mo lang si boss. Sumasagot naman agad yun o kaya eh puntahan mo na lang sa station niya. Katok ka muna sa poste kasi magugulatin yun"

Natawa naman si Lia. Itinuro ni Wendy ang mga tools na ginagamit para mafamiliarize siya. Pag may papasok na calls, bawat mute eh mageexplain. Magaling na ahente si Wendy kaya naman tuwang tuwa din sa kanya ang mga clients nila.

"So ang metrics natin ay AHT, or average handle time. Kaya take note of the time you spend on every call kasi pag palaging long call, malakas humatak pababa sa scores mo. Pero since bago lang kayo, hindi pa ganun kababa ang AHT na goal niyo. Then we also have CSAT or Customer Satisfaction. Yan yung survey every after call. Pagtawag kasi nila sa number natin, tatanungin sila ng IVR kung gusto nilang sumagot sa survey. Pag um.oo sila, right after makausap ang agent eh madidirect sila sa survey. Pipindot lang sila ng 5 kung satisfied sila sa customer service na naibigay or 1 kung hindi. May one day delay ang pagreceive natin ng mga feedback. Then we also have our QA scores. This is probably something na you really need to be careful of. But then naman as long as you know na you are following the script walang magiging problema. And lastly is Upsells, maliit lang ang percentage sa scorecard pero nakakatulong yun. Only offer pag appropriate sa call. It'll show naman sa account ng customers kung ano mga pwede mong i.offer"

Info overload naman yung isa kaya nakakunot ang noo. Sa daldal ni Wendy ay hindi niya napansin at tuloy tuloy lang ang pagexplain hanggang dumating ang first break. Parang matik na sa tropa na kailangan sabay sabay din silang natatapos sa call para sama sama na magyosi kaya naman nagkaayaan na.

"Do any of you guys smoke?" Tanong ni Chaeyoung sa mga newbies at nagtaas naman ng kamay sina Ryujin at Yeji.

"Tara sama na kayo sa amin" Aya ni Jisoo habang yung tatlong bago naman ay tumambay na lang sa pantry kasama nila Rosè at Momo.

Sa smoking area ay sinimulan namang kilalanin ang bagong yosi buddies.

"Nagiinom din ba kayo?" Unang tanong ni Seulgi.

Humithit sa yosi at binuga. "Opo." Sagot ni Yeji.

"Nice nice. Set lang namin expectations niyo ha. Pag payday or pag napagtripan lang we usually drink out. Sumama naman si tl kaya masaya" wika ni Jeongyeon.

"Kamukha nga ni tl ung sa Red Velvet noh?" sabi ni Ryujin.

Natawa naman si Wendy. "Yep. Dami na din nagsabi niyan"

Nagngitian ang tropa. Natapos silang magyosi at bumalik na sa taas at tuloy lang pag.buddy up.

Dumating ang lunch time at nag.insta team lunch ang nangyare. Antayan sa baba bago pumunta ng Bonchon.

Muntik na lahat ma.late sa pag.log in dahil napasarap ang kwentuhan. Natapos ang shift and as usual inantay ulit nila Seulgi at Wendy si Irene.

Habang nasa smoking area ay nakita nila sa di kalayuan ang isang babae at isang lalaki na tila nagaaway. Hindi naman niya ito papansinin talaga kaso nang biglang tinulak ng lalaki yung babae ay medyo naginit ang ulo niya kaya lumapit na at nakilalang si Lia pala yung babaeng napaupo sa malakas na tulak.

Tinulungan tumayo. "Uy Lia okay ka lang?"

"Who the hell are you?" tanong nung lalaking gg mode.

"Teammate ni Lia. I don't really care who you are but dude you shouldn't be disrespecting woman like that" Sagot naman ni Wendy.

"Wag kang makialam. Kami ni Lia ang naguusap!" Medyo lumakas ang boses at nagpigil ng inis si Wendy. Tahimik lang sa tabi si Lia.

"Gago ka ba? Anong klaseng paguusap yung may kasamang pagtulak?"

"It's none of your ing business midget. So off!" Sabay hila kay Lia. Nakalapit na din si Seulgi at pipigilan na sana si Wendy. Pero hindi na ito nahawakan at bigla na lang tinulak ang lalaki, natapilok ng slight. Pagharap naman ay isang kamao ang sumalubong sa kanyang mukha kaya napaupo si Wendy. Nakalayo na si Lia at ang kasama niyang lalaki.

"Gags bakit mo kasi pinatulan?" Tanong naman ni Seulgi sa kaibigan na dumudugo ang labi at namumula ang pisngi.

"Mehn you know I hate violence against women" wika na lang ni Wendy na pinupunasan ang labi. Medyo malaki ang cut.

Kakababa lang din ni Irene at nakita ang magkaibigan na naguusap at may nakatakip na panyo si Wendy sa bibig. Nagtaka peri hindo kinwestion.

"Did you guys wait long?" Tanong niya.

Umiling na lang si Wendy. Pumasok na sila sa loob ng sasakyan at stinart na ang makina. Paghawak sa manibela ay nakalimutan niyang may hawak siyang panyong duguan at nahulog sa lap niya. Agad namang nakita ni Irene at hinawakan ang mukha ni Wendy at iniharap sa kanya.

"What the hell happened to you?" Iritang tanong ni Irene.

Hindi nakapagsalita si Wendy kaya si Seulgi na lang ang nagkwento. Natahimik si Irene pero alam ni Wendy na sa bahay na lang siya sesermonan nito.

Pagdating ng bahay, mabilis naman umeskapo si Seulgi sa kwarto niya. Naiwan sa sala si Wendy habang dumiretso sa cr si Irene at pagbalik ay may hawak na first aid kit. Umupo sa couch si Wendy at tinabihan ni Irene. Nilinis ang sugat at pasimpleng tinitiis ng isa yung hapdi.

"I'm not mad at you for what you did Wannie. I'm just pissed off that someone dared to ruin your handsome face and I didn't get a chance to see theirs. Probably kill them on the spot by just looking at them."

Kinilig ng unti si Wendy pero hindi makangiti dahil sa sugat. Pagkatapos linisan ang sugat ay humalik ng very light si Irene.

"Don't be anyone else's knight in shining armor Wannie. You are mine and mine alone" Umisa pang halik sabay tayo at pumasok na sa kwarto nila.

Sakto namang sumilip si Seulgi sa pinto at naabutang nakangiting nakakagago ang kaibigan. "Pakshet. Pasapak ka ulit tapos antayin natin kung ano gagawin ni tl dun sa magkakamali" Asar nito at binato na lang siya ng unan.

Pagdating nila ng office para sa second shift nila ay nasalubong nila si Lia. Tinanong kung pwede siyang makausap. Pumayag naman ito kaya nauna ng umakyat sina Seulgi at Irene na palihim na umirap.

Nagpunta ng smoking area dahil wala pa masyadong tao dun pag ganung oras.

"I just want to apologize for what happened earlier. To be honest, hiyang hiya ako sayo at kay Seulgi."

Nakinig lang si Wendy sa kwento.

"He is my good for nothing ex boyfriend. We broke up right before I started sa company. Caught him cheating with my best friend. I don't know why he still keeps on insisting na walang nangyari at nakainom lang daw pareho when I saw them both in bed. Ilang beses nagpumilit makipagusap and I finally agreed to talk to him. Hindi makaintindi na ayoko na makipagbalikan kaya lalong nabadtrip. May history na din siya to be violent kaya isa pa sa reason kung bakit ayokong makipagbalikan. Kaya I just want to apologize kasi pati ikaw nadamay"

Nagisip sandali si Wendy. "Wag mo na masyadong isipin yun. Mali ko din na nakialam ako."

Itsurang may sasabihin pa si Lia pero medyo nagdadalawang isip kung sasabihin nga niya yun.

"Are we good?" Tanong ni Wendy.

Kinakabahan ang itsura ni Lia. "Ah kasi ano. He asked me kung sino ka ba daw talaga at nakialam ka."

"Sinabi ko naman sa kanya na teammate mo ko. Anong hindi niya nagets dun?" Takang tanong ni Wendy.

Napakagat sa labi si Lia. "Uhm. Sinabi ko kasi na ano eh.. Uhm.."

"Naaaaa?" Medyo kinabahan na si Wendy.

"Na girlfriend kita"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
84 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1685 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
84 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡