Mr. Speedy

Pag May Alak, May Balak

Nag.lock ako ng mga pinto at tinuro ko na kay boss kung saan ang kwarto ko. Nag-good night na din ako dahil balak ko naman sa sala na din matulog. Lahat naman ng tropa kasya dun sa mattress kaya sa sofa na lang ako. Umakyat ulit ako sa rooftop at nagsindi ng yosi. Nakadungaw ako sa kawalan at nagpahangin. Pasindi na ako ng isa pang stick ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Nakakarami ka na niyan ah"

"Ay pota" Napaso ko ng slight yung daliri ko at nahulog sa baba yung yosi. Pucha sayang.

Humarap ako at nakita si tl na nakatayo sa may pintuan.

"Akala ko po matutulog na kayo boss?" Tanong ko habang kumukuha ng isa pang stick ng yosi. Naglakad siya papalapit sa akin. Kinuha yung stick na hawak ko at nilagay sa sari niyang mga labi.

Wow ang hot! Sinindihan ko naman at humihit siya ng mga payb sekonds tapos binuga. Inulit ulit niya at natulala lang ako. Hindi ko naman akalaing naninigarilyo din pala siya. Binigay sa akin yung stick at tinanggap ko naman. Indirect kiss. Haha.

"Wow. Nakakamiss yung feeling" Wika niya sabay sandal sa tabi ko.

"Nagyoyosi pala kayo boss"

"I actually stopped about two years ago"

"Luh bakit kayo himumithit ngayon?"

"I just feel like it" Oh you just feel like it. Parang kanina lang na pumaraan para makaraos?

Hindi na ako nakatiis at tinapat ko na siya pagkaubos ko ng yosi.  "Boss, seryosong tanong ah. Ano yung ginawa mo kanina?"

Napabuntong hininga siya at humarap sa akin.

"I don't understand what I am feeling right now to be honest. Ever since that night, it's like I can't stop thinking about what happened. I can't stop thinking about the look on your face the moment I realized I slapped you. The way you avoided me all week. And then earlier, the way you sang the song, I mean the song itself is emotional pero the way you sang was even more emotional. When we were downstairs and you hugged me back, I wasn't expecting it but you did and I was really happy. Gaaah. I don't really understand why I am like this... with you"

Pwedeng kiligin ng unti?

"Tangina ginayuma mo ba ako Wannie? Bakit ako nagkakaganito sayo? Sa ahente ko pa!"

Ay medyo na.offend ako dun. Wala naman sa kontrata ng kompanya na bawal magkarelasyong ang isang tl at isang agent.

Nagclear ako ng lalamunan bago nagsalita. "Boss, aaminin ko na ha. Gusto kita, matagal na. Alam ng buong team yun and I guess nahahalata mo din dahil madalas nila akong asarin. When we got stuck in the elevator last week, all I wanted that time was for you to not panic kaya nilaksan ko na yung loob ko na kausapin ka lang ng kausapin. I wanted to make you feel safe despite the situation. Ilang beses akong nagpigil na yakapin ka lalo na nung ang lakas ng kabog ng didbdib mo. Para ka na kasing hihimatayin anytime.  Kaya dinaan ko na lang sa mga pagtatanong ko para kumbaga mabaling yung atensyon mo. And I guess nagwork naman yun. When we went to Music 21, alam ko first time mo din makalabas with the team, palagi ka kasing nasa station mo lang. Naisip ko na din na since kahit papano may nagbukas ng opportunity na makasama mo kami inaya na kita. Hinatid kita sa inyo dahil gusto ko din na safe kang makauwi. I don't regret what happened and I forgive you for slapping me. Hindi ko lang kinaya na harapin ka right after what happened. Nakapag.isip isip na din naman ako."

"And what action plan do you have?"

"Balik coaching ba tayo boss?" Natawa ka na lang.

"I like you boss and hindi madaling mawala yun. Araw araw tayong nagkikita eh. Kung magkaron ka man ng kahit konting pagtingin, hinding hindi mo pagsisisihan kung bigyan mo ako ng chance na makasama ka pa outside the office"

Hindi ka nagsalita and I get that this is all too much. Ayokong ipagpilitin mo yung nararamdaman mo since may nangyari na. Naka.ilan ka na nga actually. Isama mo na yung kanina.

"Is this your way of asking if you can court me?"

Lumunok ako ng laway sabay tango.

"Then yes Wannie. No need to court me dahil ngayon pa lang sinasagot na kita"

Nanlaki yung mata ko parang pwede ng mahulog yung pareho kong eyeballs sa sockets niya. Tangina lang? Agad agad may jowa na ako? Yung crush ko pa? Pakingteyp!!!

Hinigit ko siya bigla at hinalikan. Hindi ako makapaniwala sa mga pangyayare pero who am I to complain. I'm single no more es! I now have a legit girlfriend and pak na pak naman talaga. Maganda, matalino, masipag magtrabaho. Mataray at moody nga lang kung minsan pero kebs na. Parang gusto kong gayahin yung linya ni Alex sa Four Sisters and a Wedding pero hindi sarcastic. Kasi I ing love my life! Wooh!!

Ilang minuto din tayong naghalikan at tsaka na lang humiwalay ng kinulang na sa hangin.

"Thank you boss. Ay pwede bang Irene na lang pag tayong dalawa lang?" Tumango ka ng nakangiti. "Thank you for giving me this chance. You won't regret it"

"Starting to actually" Sabi mo at napa.pout naman ako bigla. "I'm just kidding Wannie. You're so cute and handsome at the same time"

"Just curious though. What's with 'Wannie'?"

"Nothing. Cute naman eh. Parang ikaw"

Ay pucha bumabanat din bala itong girlfriend ko. Shet sarap pakinggan.

Inabutan na naman ako ng pasikat na araw tulad nung isang linggo pero ngayon hindi na ako magisa.

 

 

 

 

 

Finish na.

 

 

 

 

Joke lang.

Di pwedeng dito na magtatapos amg kwento. Kakasagot lang sa akin eh.

Bumaba na kami sa rooftop at pumasok na sa kwarto at naulit muli ang nangyare nung isang linggo pero this time, official na. Mas malinaw na dahil tangina, may label na!

Panigurado namang late magsisigising ang lahat pero dahil maganda mood ko, nagising na ako after three hours kaso ayaw akong patayuin sa kama nung kasama ko.

"Luto tayo ng breakfast para sa kanila, nie"

Nagtaas naman ng kilay yung isa. "Nie?"

Napahawak sa batok si Wendy. "Ugh. Unnie?"

Hinampas ako sa braso sabay tumalikod. Sinuyo ko naman agad.

"I was just kidding. I meant honey" Wika ni Wendy sabay halik sa pisngi.

"Nakarami ka na ng halik ah. Namumuro ka na." Sagot ni Irene na humarap na ulit sa kanya.

"Gusto mo naman eh. Pakipot ka pa. Tara na 'nie'" Bumangon na si Wendy at pinulot na ang mga nagkalat na damit at inabot kay Irene na nagbihis na din. Nang makaayos ng upo ay hinalikan sa labi si Wendy.

"Good Morning Wan-nie"

Sabay tayo sa kama at lumabas ng kwarto. Naiwan namang natameme na naman yung isa.

Naghanda ng mga sangkap ang dalawa at naghati sa lulutuing agahan. Naisip nadin nila na kailangan marami dahil ang iba sa mga kasama ay malalakas na kumaen ng tunay. Anjan si Seulgi, Momo, Jeongyeon at Rosè.

Alas diyes na nang magsigising ang tropa at sakto namang kakapatay lang ng kalan. Naglalagay na sa mga malalaking mangkok para sa iba't ibang ulam at pati na din sa fried rice at isa isa nila itong inakyat sa rooftop. Buti na lang din at may bubong ito kaya hindi sobrang maiinitan. Kumpleto na ang grupo at nagsimula na silang kumaen. Walang nagsasalita dahil lahat gutom na. Naubos ang lahat ng ulam at nasimot ang fried rice ni isang butil wala talagang tira. Binaba na ulit ng iba ang mga nagamit at nagtoka toka na sa paghuhugas. Naiwan sa taas ang mga nagyoyosi at ikinagulat ng tropa na sumindi na din ang tl nila.

"Luh boss smoker ka pala?" Gulat na tanong ni Seulgi.

"I actually stopped pero namiss ko din yung feeling kaya I think I'm going back" Nakangiting sagot at pasimpleng tumingin kay Wendy na katabi ni Chaeyoung.

"Boss baka pwede naman tayong mag.legit na outing, yung may pool tapos three days two nights. Kahit Pansol lang keri na" Suggestion naman ni Lisa.

Napaisip si Irene. Sakto naman din na may budget ang team pero pinipilit na inaalala sa utak kung anong araw yung walang pasok ang kumpanya.

"Sige I will let you guys know pagbalik natin ng office. Sabihan ko kayo sa SOD natin"

Nag.celebrate naman ang magttropa. Inabot na sila ng hapon bago naisipang umuwi ng kani.kanilang bahay.

Nasa kwarto si Wendy at Irene na nagaayos ng gamit. Naka.pout naman sa tabi si Wendy.

"Can you just stay here?" Malungkot na sabi nung isa.

"I'll make it up to you next time. We can do this again next weekend. For sure may inuman na naman kayo. Sama mo ko ha" Pabiro namang sagot ni Irene na kakasara lang ng bag.

Nag open arms naman si Wendy at nilapitan ni Irene na umupo sa hita ni Wendy at umakap ulit.

Nagpalitan ng matatamis na halik at tinulak pahiga ni Irene si Wendy at sabay tumayo na ulit. Teaser ampota.

Lumabas na ng kwarto at nagpaalam sa mga naiwang pang si Joy, Jisoo at Jennie na naglalaro pa ng video games.

"Una na ako guys ha. Magingat kayo paguwi niyo. See you all tomorrow and please lang walang malalate. Pakisabihan si Lisa" Nanermon pa ng very light bago lumabas ng pinto at sinundan naman ni Wendy para ihatid. Pero dahil bdo din siya ng slight, kinuha niya yung papel na nakadikit sa ref kung saan nakalista ang grocery nila ni Seulgi.

"Seulgi may idadagdag ka pa ba sa listahan?" Tanong niya sa nagcoconcentrate sa paglalaro nyang kaibigan. Umiling lang ito. "Labas na din muna ako ha"

Sumilip muna si Wendy sa pintuan nila at nang nakasigurong walang nakasilip, numakaw ng halik sa pisngi kay Irene bago pagbuksan ng pinto mg sasakyan.

"Hatid na kita. Promise hindi ako bababa pagdating" Sabi ni Wendy habang nakataas ang kanang kamay kala mo mag.papanatang makabayan. Natawa na lang si Irene.

Bumiyahe na sila papuntang Las Piñas at dahil matik naman ang sasakyan, naghawak sila ng kamay sa gitna. Pag nasa stoplight at hinahalikan ni Wendy ang kamay ng kanyang nobya.

Mas maluwag ang kalsada dahil linggo kaya nakarating din sila kaagad sa bahay ni Irene.

"Remember what you promised" sabi ni Irene pagtanggal ng seat belt. Tumungo naman si Wendy pero naka.duck face si gago. Hindi na nadalawang isip si Irene ay humalik naman. Medyo napatagal na naman ng unti at kung hindi pa may kumatok sa bintana sa side ni Irene ay di sila titigil. Paglingon ni Irene kung sino yung kumatok, nagulat siya at nakita ang kanyang nakababatang kapatid na si Yeri. Napailing na lang ito pero nagpaalam na din kay Wendy at sumunod nga sa pangako na aalis din siya kaagad.

****************************************************
Pagkaalis ni Wendy at TL Irene ay natigil na din paglalaro ng mga naiwan sa bahay. Nagkumpulan sa couch at nagbukas na naman ng alak.

"Feeling ko talaga may nangyari dun sa dalawang yun kagabi at last week din pala." panimula ni Jisoo. Napaisip naman yung iba.

"Wala naman akong nakikitang kakaiba sa kanilang dalawa. Pareho lang kung paano sila nung nag.music 21 tayo" sagot naman ni Jennie.

Tahimik si Seulgi at mukhang malalim ang iniisip. Kaya naman tinapik siya ni Joy.

"Uy anong iniisip mo jan?"

"Ha?" sagot ni Seulgi.

"How you like that!" Sabay na sabi ni Jisoo at Jennie at nagtawanan silang lahat.

"Pero di nga bakit bigla kang tumahimik?" Tanong ulit ng kanyang jowa.

"Deh kasi nung umuwi si Wendy nung Sabado actually Sunday ng madaling araw, iba yung aura niya. Tapos may nakita din akong mga strawberries sa leeg niya so inisip ko baka nga may nangyari sa kanila ni boss pero ayoko din naman mag.assume. Ang weird lang is nitong mga nakaraang araw parang pareho silang nagiiwasan? Tapos di ba pag friday yung scheduled coaching niya. Napansin niyo ba na ang tahimik sa loob ng aquarium? Like hindi madaldal si Wendy. Pero nung naginom naman kagabi okay sila. Ang labo lang."

Sabay sabay ng hand formation yung apat na parang synchronized thinking.

"Di ba may nabanggit si boss na possible outing ng team? Tignan na lang nating yung mangyayare nun. Pag super close sila unlike before, may nangyari nga. Tangina mukhang naka.jackpot si Wendy ah. Ipagbunyi natin ang kanyang pagkakatangal sa single status kung ganun. Sagot ko na alak"

Nagcelebrate na naman ang tropa.


******************************
Pagkapasok ng bahay nila Irene at Yeri ay nagtanong na agad ang kapatid.

"Who the hell was that?"

"None of your business Yeri. Why are you even here?"

"I left a few things in my room and as far as I remember this is also my house."

"You gave up your right to call this your house the moment you walked out of that door"

"Whatever." At lumakad na papunta sa dati niyang kwarto si Yeri at naiwan naman si Irene na napahiga na lang sa couch.

Nakareceive ng message na nasa grocery na si Wendy at bumalik ang ngiti sa kanyang mga mukha. Nagpalitan sila ng messages hanggang nakalabas na ulit si Yeri ng kwarto na may dala.dalang box. Tinignan ang kapatid na nakangiti.

"You look stupid you know"

"Yep. Stupidly in love"

"Mom and dad would freak out if they knew you are dating a girl"

"We'll see about that. If you don't need anything else, you can leave and please, please don't ever come back"

Nang makalabas na ng gate si Yeri ay tumungo naman ng sarili niyang kwarto si Irene at nagayos ng gamit habang katext pa din si Wendy.

******************************
Dumating na naman ang lunes pero excited ang lahat para sa SOD nila na hopya lahat para sa isang good news. Nasa aquarium silang lahat at inaantay na lang ang kanilang tl. Kanya-kanyang kwento pero hindi naman malakas ang boses. Pumasok na si Irene at nanahimik lahat. Usual reminders about their stats and stuff.

"So I spoke with our client and since we've been producing great numbers the past months, they granted us a budget for a team outing. We get to choose where as long as we won't need to fly over there. Some of you have cars so we can car pool. Or maybe rent a van? But yeah three days two nights stay and this will happen in two weeks. Joy can you please take note of the minutes." Balita ni Irene at halatang naexcite ang lahat. Lalo na yung apat na nagusap kahapon.

"O guys, isa isang suggestion lang." sabi ni Joy na nagsusulat na sa papel.

"Batangas, madami namang beach dun" suggestion ni Jennie.

"Baguio, para naman malamig" wika naman ni Nayeon.

"La Union tamang beach surfing" sagot ni Momo.

"Pansol pa din ako" Sagot naman ni Lisa. Nagtawanan na naman ang lahat.

Tahimik lang si Wendy sa gilid pero patagong nagtetext kay Irene. Nakamasid naman si Seulgi at si Mina.

"Ocge votation na lang. Sino gusto mag.batangas?" nagtaas ng kamay sina Jisoo, Jennie, Sana at Tzuyu "Sino gusto mag.baguio?" Nagtaas ng kamay ang 2yeon couple. "Sino gusto mag.La Union?" nagtaas ng kamay si Momo, Dahyun, Mina, Chaeyoung, Rosè, Joy at Seulgi. "O Lisa bahala ka na sa Pansol majority sa La Union. Bye" Tamang asar ni Joy na sinakyan naman ng iba.

"How about you Wendy? You didn't join the votation. Do you already have plans on those days?"

Seryosong tanong naman ni Irene, natahimik lahat at nabalin ang atensyon kay Wendy. Bigla pa atang na.hot seat ng sariling jowa.

Nagkamot ng ulo bago sumagot. "Ah gusto ko sana Baguio para malamig. Sarap ng may ka.hug pero maghahanap muna ako ng jowang i.huhug" Sabay smirk. Natawa naman si Irene pero hindi niya pinahalata. Sinimulan na namang asarin si Wendy dahil nga siya lang single.

Kasi yun ang alam nila.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
88 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1692 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
88 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡