Balentayms

Pag May Alak, May Balak

Dumating ang February. May paandar na pang Valentine kineme ang kanilang kumpanya pero ang mga alay ay ang mga team leaders. So dahil nagiisa lang si Irene sa account nile eh no choice siya. May online voting na naganap at may pagbenta din ng mga tickets. Kung sino yung top 3 buyers, paglalabanan ang spot para maka date ang nanalo sa botohan. Hindi gusto ni Wendy na may maka.date na iba ang kanyang girlfriend. Pero hindi naman din siya pwedeng magbawal kasi hindi naman alam ng iba yung relationship status nila. Kaya naman eh kinuntsaba niya ang tropa na bumili ng maraming tickets na ipangalan sa kanya. Todo suporta naman ang team sa kanya.

Lamang sa botohan si TL Irene kaya naman nung dumating ang araw para malaman ang top 3 buyers, abang na abang ang lahat. Medyo kinabahan si Wendy dahil marami naman talagang nagkakagusto sa True Love niya.

Naka.gather sa gitna ng production floor ang lahat. Si TL Seung-hyun ang nanalo sa Boys at si TL Irene sa Girls.

"We would like to thank everyone for supporting this event. From the online voting to the ticket selling. And here we are with our top Valentine Baes. Anything you want to say tl's?" sabi ng host at inabot kay tl Seung-hyun ang mic.

"Ugh. Yea thank you for everyone who voted. Been a while since I've been on a date so this should be fun"

Nagpalakpakan at hiyawan ang iba. Inabot naman niya kay Irene ang mic.

"Ahh ahh." Tinest muna yung mic."Thank you for those who voted." Tipid na sagot naman niya. Sa loob loob niya ay ilang na ilang siya.

Pagkabalik ng mic sa host ay pinalagyan ng piring ang mata ng dalawang tl at pinatalikod. Tinawag na ang top 3 buyers para kay tl Seungyun. Discreet na tinawag ang dalawang babaeng ahente na parang tangang kinikilig. Pero yung highlight ay ng tawagin yung isang tenured na agent na si Ji-yong. Lalong umingay ang production floor. Wala namang kaalam-alam ang mga alay. Sunod na tinawag ng discreet ang top 3 buyers para kay tl Irene. May dalawang lalaking lumapit sa gitna, si Tae-hyung at Sehun. Payabangan pa ang mga gago. At ang panghuling tinawag ay walang iba kundi si Wendy. Malakas ang cheer ng tropa kaya parang na.gets na ni Irene.

"So we will be asking some questions and each of you needs to write their answers. We will let our baes know your answers and the one with the highest score base on which the baes choose will win."

Tumango ang mga manlalaro. Unang sasagot ang mga maglalaban para kay tl Seung-hyun. Nagbigay ng mga tanong. Lumalamang sa mga napiling sagot si Ji-yong kaya ang iba naman ay tawang-tawa. Matapos ma.finalize ang scores ay pinaiwan ang nanalo at pinaharap si tl Seung-hyun, tinanggal ang piring sa mata at nang makita ang makaka.date ay di mo ma explain kung ilang ba siya o lowkey tuwang tuwa din.

Sumunod na tinanong ang mga maglalaban para kay Irene.

"If you will decide on where to take TL Irene on your first date, where would it be and why?" tanong ng host.

Nagsulat sa maliit na whiteboard ang mga kalahok.

Tae-hyung: Movie and dinner. Simple but works everytime.
Sehun: At a park. Where we can go around and get to know each other more.
Wendy: Rooftop at my house. With homemade dinner while eating under the stars.

Binasa ng host ang mga sagot. Nagflashback naman kay Irene yung 1st month celebration nila ni Wendy. Naka-unang puntos si Wendy dahil pinili ni tl Irene ang kanyang sagot.

"Next question: What song will you dedicate to TL Irene?"

Tae-hyung: 2U by Justin Bieber
Wendy: Lover by Taylor Swift
Sehun: Just The Way You Are by Bruno Mars

Pagkatapos basahin ng host ang mga sagot ay nagisip si Irene. Lowkey siyang Swiftie pero mas bet niya yung kanta ni Bruno Mars. Nakapuntos na din si Sehun.

"Last question. Roses are red, Violets are blue, what kind of flowers should I give to you?"

Sehun: Tulips
Wendy: Lilacs
Tae-hyung: Edelweiss

Medyo napaisip si Irene kung ano mga ibig sabihin ng mga flowers na nabanggit pero mas feel niya makatanggap ng Tulips. That was the last question and unfortunately hindi nanalo si Wendy. Malungkot na bumalik ng station niya sa Wendy at kinonsole naman ng tropa. Naiwan sa gitna si Sehun na may malaking ngiti. Pinaharap na si Irene at tinanggal ang blindfold. She was already half-expecting to see Wendy pero nabigo ito ng hindi siya ang nakita nito. Tumingin agad sa direksyon ng mga station nila si Irene at sumenyas si Seulgi na lumabas ito. Gusto man sundan ni Irene si Wendy dahil panigurado nagmumukmok iyon.

Matapos ang activity ay bumaba kaagad si Irene para puntahan ang paniguradong nagsusulk na si Wendy. Pagdating niya ng smoking area ay nakita niya itong nasa isang corner. Buti na lang at wala na namang tao maliban sa kanilang dalawa.

"Hey. Don’t be sad na” sabi ni Irene paglapit niya.

Hindi sumagot si  Wendy.

"Look it’s just one date. You can date me anywhere and anytime Wannie" 

Hindi pa din nagsasalita si Wendy. Kaya mabilisang niyakap na ito ni Irene. 

"But the date is on Valentine's Day. It's supposed to be spent for couples." pagmamaktol ni Wendy. Medyo nagpigil ng tawa si Irene. Ang cute kasi mag.sulk ni Wendy.

"Wannie. There are 24 hours in a day. And I will only have to spend 1 hour of that with Sehun. 30 minutes if he starts being a jerk. You can even pick me up afterwards. I promise to make it up to you on the remaining 23 hours on Valentines"

Wala din naman magagawa si Wendy. Hindi rin pwedeng hindi pumunta si Irene sa pumunta sa 'date' na iyon. Inubos na lang niya ang yosi niya at sabay na sila ulit umakyat ni Wendy. 

******************************
February 13. 11:45 PM

Ilang minuto bago ang Valentine's Day. Tulog na si Irene pero abala pa din si Wendy sa letter na ibibigay niya. Sabihin na nating overrated na ngayon ang araw ng mga puso dahil araw araw naman ay pwede itong i-celebrate. Pero eto siya ngayon at tinatapos ang mga pasabog niya. 

Kasalukuyang nakaupo sa may dining table si Wendy at naka.ilang ulit ng binabasa ang kanyang sinulat. Tumingin sa orasan at lalong na.pressure matapos ang ginagawa. Nakatago na din ang mga regalong binili nung isang araw. Once satisfied, tiniklop na niya ang letter at nilagay sa isang envelope. Nagpatulong kay Seulgi na naglalaro ng video games sa sala para maipasok sa kwarto ng tahimik.

Naka.set up na lahat at saktong pagpatak ng alas dose ay tinapik niya si Irene.

Nagmulat ng mata ang ginising.

"Happy Heart's Day Nie!" bati ni Wendy. Kumurap kurap si Irene. Tulog pa ang diwa. Binaling ang kanyang paningin sa girlfriend at sa table na nasa likod nito na may mga regalo, pagkaen at bulaklak.

"Get up nie. This is the 1st hour of the day"

Nagets naman ni Irene yung ibig sabihin ni Wendy kaya nagunat muna siya at humawak sa kamay na nagaantay sa kanya. Lumipat sila sa lamesa and like the gentlewan that Wendy is, inurong ang isang upuan at pinaupo si Irene bago siya pumunta sa kabilang side. Binuksan ang nakatakip na pagkaen. Ang paborito nitong tteokboki at mainit init pa. Halatang kaluluto lang. Nanlaki naman ang mga mata nito at natakam agad.

Tutusok na dapat siya nang pigilan siya ni Wendy.

"Wait lang nie" sabi ni Wendy, pumalakpak at biglang nagiba ang lighting ng kwarto 

"Luh kelan mo pa nainstall yun?" gulat na tanong ni Irene. Nginitian lang siya ni Wendy.

Nagsimula na silang kumaen. Enjoy na enjoy sa pagkaen ng  paborito. Wala pang isang oras ubos na agad ang laman ng plato. Tumayo si Wendy at rerefillan na dapat pero si Irene naman ang pumigil.

"I'm good Wannie. I love you" sabi ni Irene tapos nag duck.face. Humalik naman agad si Wendy at sumagot ng 'I love you more'.

Tinignan ang iba pang nakapatong sa table. Nakita yung letter.

"Can I read it?"

"Of course nie. That's for you"

Ngumiti si Irene at excited na binuksan ang envelope. Dahan dahang binasa ang mga nakasulat. Maya maya ay biglang tumulo ang kanyang mga luha. Nag-worry naman si Wendy.

"Nie? Are you okay?" Nag-abot ng tissue.

Tinanggap ang tissue at pinunasan ang mata. "Ang aga aga pinapaiyak mo ko. Bad ka!"

Nag.pout bigla si Wendy. 

Tumayo si Irene at pumatong kay Wendy at yumakap.

"I love you so much my Wannie. I must have done something really good in my past life for me to deserve someone like you. I still can't keep up with all the things you've done and given to me. But I promise to spend everyday loving you and only you" Humarap ulit kay Wendy at humalik. 

Napatagal. 

Hanggang nakalimutan na ni Wendy ipakita ang ibang regalo dahil nasa kama na sila pareho. 

******************************
Nag-alarm ang cellphone ni Irene. Muntik na niyang makalimutang may 'date' nga pala siya ngayon. Kaya ginising na din niya si Wendy. Naligo, nagbihis at nagayos ng sarili. Hinatid ni Wendy si Irene sa napagusapang restaurant sa date nila ni Sehun. Pagdating nila ay naka.abang na sa harapan ng restaurant. Bago bumaba si Irene ay humalik muna kay Wendy.

"I'll text you when we're done eating ha" sabi ni Irene.

"I'll just go around the mall na lang din siguro. Enjoy the 'date'" pahabol na asar ni Wendy.

Lumabas ng sasakyan at binati naman agad siya ni Sehun. Nagdrive na palayo si Wendy.

******************************
"Hi TL. Tara na sa loob?" Aya ni Sehun. Tumango lang si Irene.

Naka.reserve na naman sila kaya pagupo ay inabutan agad ng menu ng waiter. Matapos maka.order ay nagsimula namang magtanong si Sehun kay Irene.

"TL may boyfriend ka ba?"

"Boyfriend? Wala" Pero girlfriend meron.

"Eh manliligaw po?"

"Wala din" And no, hindi din ako magpapaligaw pa sa iba.

"Weh? Di ako naniniwala tl. Ang ganda ganda mo po kaya" I know right. Internal hairflip.

"I don't have the time to entertain anyone" Cause I already have The Wan.

May itatanong pa ata dapat si Sehun kaso dumating na yung order nila. Maya't maya tumitingin ng oras si Irene. 20 minutes more.

"Okay lang po ba yung food tl?"

Tumango si Irene habang pinupunasan ang kanyang bibig. May spot na hindi nakuha ng table napkin kaya naman ay biglang nilapit ni Sehun ang kanyang kamay para mapunasan. Nagulat naman si Irene sa ginawa nung isa.

"You missed a spot po"

Sa hindi naman kalayuan ay kakapark lang ni Wendy at saktong nakita ang ginawa nung lalaki. Medyo naginit ang ulo pero nagpakalma na lang muna.

Natapos ang isang oras. Nakapagbayad na sila Irene at Sehun, kailangan ng evidence na natuloy ang date kaya naka.ilang picture din sila. May pagakbay pang nalalaman si Sehun at kahit irita si Irene sa ginawa eh hinayaan na lang at maya maya pa ay lumabas na din ng restaurant.

"Tl hatid ko na kayo"

"Thanks but no thanks Sehun. I'm sure you have other plans for this day. Mauna ka na"

Wala ng nagawa yung isa kaya naglakad na palayo. Agad agad din naman naglakad si Irene papunta sa kung saan naka.park si Wendy. Pumasok ng sasakyan at nag.alcohol. To get rid of germs nga naman.

"How was your 'date'?" bungad na tanong ni Wendy.

At nagsimula ng magkwento si Irene habang nagmamaneho si Wendy. Tahimik lang na nakikinig yung nag.d.drive at paminsan.minsang nagrereact.

Nakarating sila sa kanilang pupuntahan at bumaba sa sasakyan.

"Don't think I haven't noticed that you've been oddly quiet since you picked me up? What's wrong?" tanong ni Irene.

Nagkibit balikat lang si Wendy at kinainis iyon nung isa. Tumigil sa paglalakad.

"Wannie, anong problema?"

"Sorry nie. I saw how he wiped your mouth earlier and how he placed his hand on your shoulder. And it pissed me off"

Inalala ni Irene yung nangyare. "Just because of that?"

"For you maybe it wasn't that big of a deal pero sa akin oo. You know naman na hindi ako comfortable with the whole 'date' thing di ba?"

"Wannie, we talked about this di ba?"

"I know. Pero is it bad na naiinis pa din ako?"

"Ano bang kinakainis mo? Na may mga gestures siyang ginawa kanina na dapat ikaw lang ang pwedeng gumawa? My god Wendy. Wala sa hulog yang pagseselos mo"

"May karapatang akong magselos!"

Bumuntong hininga na lang si Irene. Nawala na ang excitement na mapanuod ang dancing lights ng Okada.

"Umuwi na nga lang tayo" sabi ni Irene habang hinihila si Wendy na hindi gumagalaw sa kinatatayuan nito. "Gusto mo talaga dito tayo magaway?"

"Hindi naman ako nakikipagaway sayo eh"

Iritable na talaga at this point si Irene and she doesn't want to cause a scene kaya mas gugustuhin niyang umuwi na lang sila kaso stubborn din yung isa. Naglakad na lang ulit sila papasok sa venue ng event na pinunta nila dun. Maraming tao kasi nga Valentine's kaya pinili na lang pumwesto sa may pinaka.likod.

Nang matapos ang show eh lumabas na din kaagad sila pabalik ng sasakyan. May pupuntahan pa dapat bago matapos ang araw kaso hindi na natuloy. 

Paguwi ng bahay eh dumiretso ng kwarto si Irene at malakas ang pagsara ng pinto. Nagshake ng slight yung pader. Hindi naman malaman ni Wendy kung susunod ba siya agad o hindi. After fifteen minutes pumasok na din siya ng kwarto at nakitang nakahiga na si Irene, nakatalikod sa pinto, nakatalukbong ng kumot. Tumabi si Wendy sa kama at mga ilang beses nag.akmang kakalabitin si Irene. Nung nakapagdecide na siyang kakalabitin na niya eh humarap na din si Irene at bigla siyang niyakap.

"I'm sorry if what happened made you jealous. And yes you have every right to be pero I want you to know na hinding hindi na mauulit yun. I just went with the flow. Wannie, I love you and you know that right?"

"Yes po" mahinang sagot ni Wendy. Kumalas sa pagkayakap si Irene at tinukod ang isang siko.

"I don't like us fighting kahit pa simpleng tampuhan"

Si Wendy naman ang yumakap kay Irene. "Sorry din nie ha. I guess I really did overreact kanina"

"Okay na yun. So are we good?"

"Yes po nie. I love you"

"I love you too"

"I actually have one more thing to give you. Perfect setting sana kanina kaso tinopak naman ako"

Umayos ng upo si Irene. Tumayo naman si Wendy at pumunta sa kabilang side ng kama at lumuhod.

"Irene, what we have is something that not all will understand, they may look down on us and criticize us and as bad as it may look to others that's where they wrong, coz a love like ours can also be that strong, to last a lifetime, forever, to infinity and beyond. Sometimes I still can't believe you're mine, that's why I stare at you most of the time and when you hold my hand, that's you keeping me grounded. You are my person. And I love you with every fiber of my being. We may have only been together for less than a year but who's really counting. I want to be with you for the rest of my life." Kinuha ang maliit na box na kanina pa umiinit sa bulsa niya at binuksan. "Nie, will you marry me?"

******************************
"Busug na busog na ako die. Pero parang gusto ko pa humingi ng extra fish cake. Okay lang ba?" sabi ni Rosè. Samgyupsal ang trip nila ni Lisa and since birth month padin naman nung isa eh pang.isang tao lang babayaran niya. Nagtawag agad ng waiter at nagpadagdag ng order na fish cake.

"Mukha ka ng 2 months pregnant jan. Bagay na bagay ang mommy sayo" sabi ni Lisa habang pinapanuod niyang hinihimas himas ni Rosè ang tiyan niya at napangiti na lang yung isa.

It started as a kink lang to call Lisa 'daddy' and tinawag na din niya si Rosè na 'mommy' sa loob ng kwarto and tutal din naman may 4 silang anak na pusa so it kinda got stuck na.

Naka.ilang order pa ulit ng side dish when they decided to leave the restaurant. Tamang lakad lang para magpababa ng kinaen. Nang medyo okay na eh nagbook na sila ng grab pauwi sa bahay nila.

Matagal na silang magka-relasyon. High School pa lang sila sa isang All Girls School nun eh siyempre bawal yun so hindi sila masyadong nagpahalata. Nung grumaduate, pareho din ng pinasukan na kolehiyo at tsaka nag live in. G lang naman sa parents nila pareho. At hanggang ngayon ay going strong sila. You'd think Lisa was the one who made the first move but no. Si Rosè ang nagdala ng relationship nila. And hindi rin naman maiiwasan na magaaway sila to the point na nagkasawaan at some point pero pinaglaban nila ang kanilang nararamdaman. Lingid sa kaalaman ng iba eh they're actually married na. Hulaan niyo na lang kung sino nag propose. The moment na na-approve ang same marriage sa Taiwan ay inayos na nila lahat ng kailangan. No name changes yet since di naman sila recognized as married sa Pinas. If ever man hyphenated ang magiging apelyido nila. How they afforded to get married you might ask? Siyempre sagot ng parents nila. Isang magaling na abugado ang ama ni Rosè at isa namang sikat na chef ang step dad ni Lisa. Pero dun lang sila pareho nanghingi ng tulong pinansyal. Kasi as much as possible lahat ng gagastusin nila sa pang-araw araw ay pinaghihirapan nila. They could've bought a bigger house pero sa future na lang daw yun. Okay na naman sila sa apartment na tinitirhan nila ngayon.

******************************
Tamang pasyal naman sa amusement park sina Seulgi at Joy. Kasalukuyang umakyat ng Tagaytay para mag.Sky Ranch. Staycation ang peg. Isa sila sa mga unang naging mag-jowa sa office. Nagkamabutihan ng minsang nakainom at nag.trip na sayawin yung Havana ni Camilla Cabello. Nagkaron ng spark and then poof naging sila. Grabe din mag-away pero grabe din magsuyuan.

"Babe, tingin mo itutuloy ni Wendy yung balak niya?" Tanong ni Seulgi kay Joy habang nakapila para sumakay sa Ferris Wheel.

"Depende. Eh di ba may 'date' si boss ngayon with Sehun?"

"Oo. Mukha namang okay sila kanina bago ako umalis ng bahay eh. Apaka.agang nang.surprise ni Wendy. Parang tanga lang. Nagluto pa ng paborito ni tl. Ang bango. Kakaen din dapat ako kasi dinala na ako ng antok"

"Feeling ko magaaway yung dalawang yun kasi magseselos tapos magbabati then tsaka niya gagawin yung plano niya"

"Are we gonna bet on it?"

"Ayoko. Sayang lang yung perang ipupusta ko eh pwede naman na idagdag sa budget natin today"

"Ay oo nga naman. Haha. I love you babe"

"I love you too"

******************************
"Ugh! Teka I'm tired na. Ang sakit na ng kamay ko"

"Akala ko ba we can do this all day?"

"I know pero hindi pwedeng magpahinga in between?""

"Sige two minutes"

After two minutes....

"Ready for the next round?"

"Ilan ba balak mong rounds?"

"As many as we can. Mga until mag.pass out tayo pareho sa pagod"

"Are you sure you're up for that?"

"Of course"

At tinuloy na nila ang kanilang paglalaro nung game na regalo ni Jeongyeon kay Mina nung pasko.

******************************
Sa isang hotel sa Manila...

"Wake up na po. Baka hindi natin maabutan yung buffet" Tamang paggising ni Dahyun kay Momo.

Nang marinig ang magic word ay agad agad din nagmulat ng mata. Nagunat ng unti at bumangon na ng kama. Nagbihis pareho at bumaba na sa dining area. Medyo crowded pero nakakuha pa din ng magandang table. Nagpuno na ng mga plato at sinulit ang bayad sa package.

"Alam mo nakakainis ka. Ang lakas lakas mong kumaen pero hindi ka naman tumataba. Unfair"

Nilunok muna ni Momo yung kinakaen niyang pagkaen. "Kasi po nagsasayaw ako. Eh kung sinasabayan mo kasi ako pag nag ggym"

"Nakakatamad kasi eh. Tapos pagpapawisan pa"

"Exactly the reason why your cheeks are fluffy. You're always too lazy para mag work out. Sa ka lang ata hindi napapagod"

Medyo mahina lang naman yung pagkasabi ni Momo nung last part.  Nagtaas baba na lang ng kilay si Dahyun habang nakangiti.

****************
"Anong record na natin?"

"Fifteen?"

"Ay ang halay natin dun ah. Fifteen new places to have a quickie"

"Something new every chance we get di ba?"

"I know. Naalala mo nung Christmas Party and Baguio?"

"Yep. Kaasar yung biglang kumatok dun sa dressing room. Muntik na akong hindi makatapos"

"Haha. Oo, boses ata ni Yuna yun"

"Hmm. I wonder saan kaya tayo next?"

Kasalukuyang nasa isang sauna sina Sana at Tzuyu at katatapos lang sa kanilang trip.

******************************
Family Day Out naman sina Jennie at Jisoo with their dogs Dalgom, Kuma and Kai.

"Dalgom, wag mo kainin yan!" sabi ni Jisoo habang nilalayo ang kanyang alaga sa mga dahon.

"Akala ko na train mo na siya?" tanong ni Jennie.

"Oo nga kaso nagrerelapse ata sa dating gawi. Takte sayang yung binayad ko sa trainer"

"Buti pa ang K2" Pagmamayabang ni Jennie sa mga well trained niyang aso.

"Eh gaya gaya din sila o" sabi ni Jisoo at pagtingin nga eh kumakaen na din ng dahon yung dalawang aso.

Natawa na lang si Jisoo.

******************************
"Lalabas ba tayo? Nakakatamad ata. Dami taong gumagala ngayon for sure"

"Alam mo ikaw kupal ka"

"O bakit na naman?"

"Para saan pa at nagbihis ako kung di mo naman pala ako ilalabas?" padabog na sabi ni Nayeon kay Jeongyeon.

Nakaisip na naman ng kung ano yung isa.  "Eh di palalabasan na lang kita"

Lalong nairita yung isa  "Tangina Mo! Napaka.libog mo kahit kailan!" sabay bato ng unan at kung ano pang mahablot niya.

******************************
Nasa isang mall naman sa Pasay sina Yeji at Lia...

"Let's look for a place to sit to watch the sunset?"

"Sure. But let's buy some food muna."

Bumili ng Tender Juicy Hotdog at inumin at ng mauupuan. 

******************************
Somewhere in Pasay...

"Asan sila tito and tita and yung kambal mo?"

"Wala eh may kanya-kanyang lakad din"

Tumango na lang yung isa. Hindi naman niya first time sa bahay na iyon pero ngayon lang niya nakita yung lumang piano sa gilid.

"Gumagana pa ito?"

"I think so? Wala na gumagamit niyan eh. Naging patungan na lang ng mga picture frames"

Umupo yung isa at binuksan ang piano. Nilatag ang mga daliri sa keys. Tinesting at tinugtog ang chopsticks. Nasa tono pa naman.

Pinaupo niya yung isa sa tabi niya at nagsimula na siyang tumugtog.

And I will find my strength to untame my mouth
When I used to be afraid of the words
But with you I've learned just to let it out
Now my heart is ready to burst

'Cause I, I feel like I'm ready for love
And I wanna be your everything and more
And I know every day you say it
But I just want you to be sure
That I'm yours

Pagkatapos ng huling note, humarap si Ryujin kay Chaeryoung.

"Thank you for always being patient with me. Thank you for never leaving. Thank you for choosing me. Chaeryoung, I'm ready now"

Natulala yung isa hindi makapagsalita kaya tumulo na lang ang mga luha at yumakap.

"Is this for real Ryujin? I mean you're not pranking me or anything?"

"Why would I that?"

"So you're mine?"

"Yes. I'm Yours"

And then they shared their first kiss.

******************************

 

 

 

A/N: So nalaman din natin kung sino yung mga biglang nawawala. Okay pa din ba ang kwento? Let me know your thoughts.

Song used: I'm Yours by Ella Henderson

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
94 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1702 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
94 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡