Truth Will Out Part 2

Pag May Alak, May Balak

Another friday came and payday na naman. Usapan na magiinom ng gabi pero para maiba naman ang venue, sa bahay nila Yeji naman. Alas otcho ang usapan pero hapon pa lang andun na si Chaeryoung at Yuna para tumulong magayos

Nagluluto ng ibang pulutan si Yeji habang inaayos nung dalawa ang pwestuhan mamaya. Marami na naman sila kaya inusog ang ibang mga gamit sa sala.

Nang matapos eh nagpahinga muna. Nagsabing magpopowernap lang si Yuna kaya nahiga na sa couch. Nilapitan ni Chaeryoung si Yeji at niyakap.

"I don't know how long we can keep hiding like this"

Humalik sa noo ni Chaeryoung si Yeji. "I don't like hiding as well pero we need to keep this act for a while. But don't worry, whatever happens, I will be here for you, okay?"

"I love you 왕자님 (my prince)"

"I love you more 공주님 (my princess)"

Ang akala nilang natutulog na si Yuna ay pasimpleng nakasilip sa dalawang kaibigan at nagpipigil din ng sarili na hindi magsalita kaya pinilit na lang talagang makatulog.

Kinagabihan, nagdatingan na ang tropa at nagsimula ng maginuman. 
Tanggero si Jeongyeon at Jisoo.

"May balak ba tayong binyagan ng inuman ang mga bahay ng lahat?" tanong ni Lisa.

"Di pwede sa condo though" sabi naman agad ni Jennie.

"Alam na namin iyon. Hindi rin pwede bente dun eh. Pero baka pwede mo rentahan yung sa may pool side" sabi naman ni Chaeyoung.

"I'll ask muna kasi baka may naka.book na dun" sagot na lang ni Jennie.

"Ay!" napasigaw si Yuna na kinagulat ng iba. "May dala pala akong card game na sakto panginuman" tumayo at lumapit sa bag at may kinuhang box. Nilapag sa lamesa. "Truth or Shot"

"Uy mukhang interesting ito ah. G ako jan!" sabi naman ni Momo na binuksan ang box at nilabas ang mga cards.

"May iba ka pa bang shot glass jan Yeji?" tanong naman ni Jisoo. Tumango ang tinanong at nagpunta ng kusina.

"O same ng ikot ng tagay ang pagbunot. Sabi dito, pick a card and everyone will either answer the question or take a shot" pag-eexplain naman ni Seulgi na binabasa ang instructions sa likod ng box.

"Paano malalaman kung totoo nga talaga yung sagot?" tanong naman ni Ryujin.

"Eh di liars go to hell na lang" pabirong sagot naman ni Nayeon. Nagtawanan naman ang grupo pero may ilan na alam na may double meaning yung sinabi ni Ryujin.

Bumunot si Jeongyeon dahil siya ang unang tumagay at binasa ang question.

Where's the weirdest place you've had ?

"Luh puro green ba mga tanong dito?" tanong naman ni Lia.

Nagkibit balikat na lang si Yuna dahil di rin niya alam pero may gusto siyang malaman.

"Weirdest place? San nga un babe?" tumingin sa girlfriend. "Ahh sa may dressing room sa isang mall"

"Oh yeah. Muntik na tayong mahuli nung sales lady" sabi naman ni Nayeon.

Sunod na sumagot si Momo. "Sa bus. Nung nagstaycation kami last time"

Tumango na lang si Dahyun. Sunod na sumagot si Jennie.

"Sa pool sa condo. Madaling araw so walang tao"

Tamang pigil ng tawa naman si Jisoo. Dahil wala pa namang experience si Yuna eh nag-pass siya sa question. Sunod na sumagot si Sana.

"Ang hirap magdecide" sabi niya habang nagtatawanan sila ni Tzuyu.

"Sa may gubat sa may Galera?" sabi naman ni Lia na inagreehan ni Yeji.

"Oh my god! Nakita niyo yun??" gulat na sabi ni Tzuyu.

"Unfortunately" sagot naman ni Yeji.

Tawanan ang tropa.


"Runner up un though pero I think the weirdest place we had was sa isang ferris wheel. Hulaan niyo na lang kung saan" sagot ni Sana habang tumataas baba ang kilay.

"Ang lilibog ampucha" sabi naman ni Chaeyoung. Since siya na ang sunod, tumingin muna siya kay Mina. Nagkaintindihan kaya shumot na lang pareho.

"Ay may secret spot ata itong dalawa ito ah" sabi naman ni Jeongyeon. Ngumiti na lang sina Chaeyoung at Mina.

Sunod na sumagot si Seulgi. "Sa movie house" Sinangayunan naman ni Joy.

"Sa kotse ng katropa" mabilis na sagot naman ni Ryujin. Nagkatinginan sila ni Lia at ang dalawa pang tropa na may alam ng nangyare. May isang umirap at siya na ang susunod na sasagot.

"Not really had but made out almost leading to it. Sa cr sa plane" sagot ni Chaeryoung. May malakas na lumunok ng laway at may nanlaki ang mata.

Sumunod na sumagot si Lia. "Sa backseat ng car"

May umirap na naman at lumunok ulit ng laway.

"Ugh sa treehouse sa house ng grandparents ko" sagot ni Yeji. May nanlaki ulit ng mata.

Sabay na sumagot ang magasawa. "Sa cr sa rooftop nila Wendy!"

May lumipad na chichirya. "Sabi na eh! May milagrong nangyayare dun nung huling inom natin eh" sabi naman ni Wendy. Ngumiti lang yung dalawa.

Sunod na sasagot si tl at abang na abang ang grupo. "Should I tell them Wannie?" tanong niya sa katabi.

"Eto ba yung..." sabi naman ni Wendy at pinagpatuloy na lang ang tinatanong gamit ang telepathy tapos nagtanguan ang dalawa.

"In a parking lot" sabi ni tl sabay smirk. Hulaan na lang din nila kung saan.

Nagpaikot muna ng shot bago bumunot ng bagong card si Nayeon.

If you had to date someone else's partner who would it be?

"Oh walang issue dito ah" sabi ni Nayeon habang nagiikot ng paningin sa mga kasama. "Date lang naman eh so si Momo para food trip lang kami"

Nag-apir silang dalawa. Sumunod na sumagot si Momo.

"Ako parang gusto kong maka.date si Joy. Para mas matangkad naman sa akin" sabay peace sign sa girlfriend na si Dahyun.

"Ah ganyanan ang trip mo ah. Sige sa akin si Mina para alam kong hindi puro food trip ang gagawin namin"

"Ako si Lisa para kunware mafeel ko yung isa pang fave ship ko sa BlackPink"

"Eh di wow. Malulungkot ang JenSoo shippers babe. Ako si Lia. Visual attacks ang gagawin namin pag nagdate kami"

"Parang gusto ko makadate si Jisoo" sabi ni Yuna.

"Ako gusto kong makadate si Chaeyoung" sabi ni Sana.

"Ako naman si Ryujin" sabi naman ni Tzuyu.

"Idadate ko si katokayo" sabay apir kay Rosè na Chaeyoung nga naman ang isang pangalan.

Nagisip si Mina. "Sige idadate ko si Jeongyeon"

"Ako gusto ko makadate si Chaeryoung" sabi ni Seulgi.

"Ako naman si Yeji" sabi ni Joy.

"Gusto kong idate si Tzuyu" sabi ni Ryujin.

"Gusto ko naman idate si Yuna" sabi ni Chaeryoung.

"Ako gusto ko naman maka-date si Sana" sagot naman ni Lia.

"Bet ko idate si Dahyun" sabi ni Yeji.

"I think Wendy's going to be a great date" sabi ni Rosè.

"Di naman siguro masama kung i-date ko si boss di ba Wendy?" sabi naman ni Lisa. "Na- ko na nga eh"

Tawanan ang tropa sa pagalala nung dare ba ginawa.

Sumunod na sumagot si tl. "I think Seulgi's a decent choice"

"Na-offend ako dun boss ah" sabi naman ni Seulgi. Pero siyempre pabiro lang.

Last na sasagot si Wendy. "I'll be a gentlewan sa date namin ni Rosè"

Nagpaikot muna ulit ng shots bago at nakaubos na ng dalawang bote. Turn na ngayon ni Yuna na para bumunot ng bagong card.

"Make your own question"

"Ay ayos ito ah. May ganito pala dito" sabi ni Yuna sabay basa ng nakasulat sa card. Nagisip ng itatanong.

"Would you ever date two people at once if you could get away with it? No shots. Everyone needs to answer" sabi niya. "My answer is never. Kasi nakakagago iyon"

May point naman ang sagot niya pero medyo may emphasis yung pagkakasabi niya. May gusto kasing ilabas na katotohanan mula sa dalawang kagrupo na nakita niyang sabay na lumunok.

Sana: Kung may kambal si Tzuyu why not. Para double the fun.
Tzuyu: No.
Chaeyoung: No din.
Mina: Nope.
Seulgi: Kung yung 2 yun ay si Joy at ang bias ko sa Red Velvet bakit hindi.
Joy: Same.


Ryujin: Never. Like you said, nakakagago iyon.

May diin sa pagkakasabi ng sagot si Ryujin pero ilan lang sa kanila ang nakapansin.

Chaeryoung: Ugh. No?

Naubo bigla si Ryujin.

Lia: Nope. Ayoko ng may kahati or makihati.
Yeji: No?

Si Yuna naman ang naubo.

Rosè: May asawa na ako bakit pa ako makikipagdate sa iba?
Lisa: Samedt.
Irene: Ayokong makarma so no.
Wendy: Ayoko din ng ganun.

Medyo nagkaron ng tensyon pero hindi na lang muna pinansin. Nagpaikot ulit ng mga tagay hanggang makalahati ang pangatlong bote.

Nagbreaktime sa inuman. Lumabas ang Wendy, Seulgi, Jisoo, Lisa, Chaeyoung, Jeongyeon at Ryujin para magyosi.

"Ayos yung laro natin ngayon ah. Let's just hope walang magseryoso nung mga sagot natin" sabi ni Jisoo.

"Oo nga eh. Trip lang naman lahat iyon" sabi naman ni Lisa.

"I sense na someone wanted to find out something" sabi naman ni Chaeyoung.

"What do you mean?" tanong ni Seulgi.

Tumingin muna sa loob ng bahay si Chaeyoung at lumapit ng kaunti sa tropa.

"Si Yuna. Parang may iba siyang agenda sa laro"

Naubo na naman si Ryujin. Tinignan ng tropa.

"I think Chaeyoung's right. If it does happen, then I'll be at peace"

Bumuntong hininga na lang si Wendy at Seulgi. This was not the way they wanted the issue to be settled pero wala naman silang magagawa kung magbunga nga ng pagsabi ng katotohanan ang gabing ito. Matapos magyosi ay bumalik na sila sa loob at nagtuloy ang inuman. Nakaubos na ng limang bote at may ibang nakatulog na. Usually si Yuna ay maaga ding nakakatulog pag nagiinom pero ngayong gabi ay parang marami pa siyang energy. Medyo nanibago ang grupo pero siguro na din at nasasanay nang uminom kaya tumitibay na. May mga tama na din lahat, may ibang lag na ang response pero sige lang sa tagay.

"I have a question for all of you since ako lang naman ang walang partner dito. Ay sorry Ate Lia" sabi ni Yuna habang nakapeace sign at iyon ang unang bagong balita sa iba.  May ibang nagtaka bakit si Lia ang binanggit.

Yuna cleared then said, "If someone is already destined to be with you, would you still to be with someone else?"

May ibang nagtinginan at may ibang nagisip ng isasagot.

"Pwede pa-clarify. Sa simula pa lang ba eh alam mo na kung sino iyon or hindi pa?" tanong naman ni Lisa.

"O cge, para same line ng answers. Alam mo na kung sino sa simula pa lang" sagot naman ni Yuna.

Nagisip ulit ang grupo.

Unang sumagot so Rosè. "I don't know why you would still choose to be with someone else if you already know you already have someone to be with for the rest of your life"

Nagtanguan ang iba.

"Pero paano kung di mo pala gusto yung taong nakatadhana pala sayo?" tanong naman ni Joy. "I mean, sure sige kilala mo kung sino iyon pero wala kang nararamdaman para sa kanya then someone comes along na bet na bet mo di ba?"

"I think it's stupid to be with someone else if you're already meant to be with another. I mean, why pursue another relationship if it's not gonna work out in the end. You'll just be hurting that person" sabi naman ni Ryujin.

Seryoso ang pagkakasabi. May napalunok na naman ng laway.

"If you're already destined to be with someone, wala naman masama kung makipagrelasyon ka sa iba. Paano kung g lang naman dun sa isa" sabi naman ni Yeji.

"Open relationship lang ang peg, ganun?" sabi naman ni Lia.

"As long as may consent nung taong nauna bakit hindi pwedeng may isa pa" sabi naman ni Chaeryoung.

"So iyon ba trip mo?" tanong ni Ryujin kay Chaeryoung.

Hindi nakasagot yung isa.

"O kalma lang guys. Parang may pinaghuhugutan na eh" sabi ni Nayeon habang pumopormang aawat sa magjowa.

"Next question na lang" sabi na lang ni Wendy dahil ramdam din niya yung bigat ng tensyon.

Nagisip ang ibang tropa.

"O sige may tanong ako" sabi ni Seulgi. "Pag nalaman mo na yung partner mo eh may nakakamabutihang loob na iba, bibigyan mo pa ba ng chance o makikipaghiwalay ka na?"


"Ang corny naman. Pinaganda mo lang eh. Dapat kung nalaman mo na yung partner mo eh may hinalikang iba o may naka. na iba" gatong naman ni Jeongyeon at mas nagustuhan ng iba ang tanong. Nagaabang kung sino unang sasagot.

Tinaas ni Yuna ang shot glass na hawak niya. "May sagot ako jan. Sasabihin ko sa kanya pakyu siya tapos hihiwalayan ko" sabi ni Yuna sabay inom ng tagay. Napalakas ng kunti ang pagbagsak ng baso sa lamesa buti na lang hindi nabasag.

Natawa na lang ang iba at nanibago dahil ngayon lang nakita na malasing ang pinakabata sa kanila. Inakbayan na lang ni Ryujin at pasimpleng may binulong. Tumango na lang siya.

"Para sa akin naman, cheating is cheating so I'll break it off right away as well. Kasi kahit anong reason pa ibigay sa akin ng partner ko, nasira na yung trust eh and I value that very much" sagot naman ni Mina.

Sumangayon naman ang grupo sa sagot. Nagantay ulit kung may sasagot pang iba. After a few moments of silence, may nagsalita ulit.

"Chances can be given if the person who's at fault really deserves it. Cheating is something serious, like why they did it in the first place or why they allowed themselves to be even tempted to do it. Unless something is wrong in your relationship that the other person did it. But the best thing really is to have the two people involve talk. For proper closure."

Nagulat ang lahat ng biglang pumalakpak si Yuna.

"Tama si tl. For proper closure kaya umamin na ang kailangan umamin jan"

Nagtinginan ang tropa. Tumayo na si Yuna at hindi na napigilan ni Ryujin ng lumipat kay Chaeryoung. Inakbayan ang kaibigan.

"Wala ka bang sasabihin?" sabi ni Yuna. Medyo iba ang tono ng boses. Parang nananakot.

Hindi nagpakita ng pagkasindak si Chaeryoung kundiman ay  iritable siya sa ginawang approach ni Yuna.

"Lasing ka na Yuna. Itulog mo na lang yan" mahinahon niyang sabi.

Bago pa may sabihin pa ulit ay hinila na lang siya ni Lia at dinala sa kwarto kung saan natutulog na din ang iba. Siniguradong nakatulog na nga talaga bago lumabas ulit sa kwarto at bumalik sa pwesto.

Ramdam na ng lahat ang tensyon at curious na din kung anong meron. Nagkatinginan sina Ryujin, Chaeryoung at Yeji at nagkaunawaan na oras na para pagusapan ang kanina pa gustong pagusapan. Hindi ideal na may audience pero andito na din sila.

Magsasalita na dapat si Yeji ng pigilan siya ni Wendy.

"Wait. I think it's better na kayong lang magusap. Labas muna kami"

"Ayos lang po. I think for everyone's sake, we have to explain na din" sabi naman ni Chaeryoung na tumabi na kay Yeji.

"Para maintindihan nadin ng lahat. Matagal na po kaming magkakilala ni Chaeryoung. Magkababata po kami at magbestfriends ang tatay namin. We lost touch when my dad decided to venture his business abroad and we only got back last year. Our families reconnected and that's when our parents told us na matagal na pala nilang plano na ipakasal kaming dalawa. We both talked about it and decided to keep our relationship open before we really go for the wedding"

Nabitawan ni Lia ang shotglass na hawak niya. Katatapos lang kasing tumagay.

"What the ?" sabi niya.

Bumuntong hininga si Yeji bago nagtuloy. "I do want to apologize to you, well to both of you and Ryujin"

Dumugtong naman si Chaeryoung. "I do have feelings for you Ryujin but I'm really sorry to hurt you by finding out like this"

Uminom muna ng tagay bago nagsalita. "Some bull talk you had about choosing me and not letting me go, huh? I already knew something was up but thank you for making everything clear" sabi ni Ryujin na naka.pamao na naman ang kamay. Lumapit kaagad si Wendy at Seulgi para umawat kung sakali.

"Ryujin. Don't blame this on Chaeryoung. Pareho kaming may kasalanan dito" pagtatanggol naman ni Yeji.

Tumayo si Ryujin at nakaabang ang dalawang lumapit.

"Pasensya na po ha" sabi ni Ryujin sa tropa then tumingin kay Chaeryoung at Yeji. "Pero PUTANGINA NIYONG DALAWA!" Sabay walk out kaya sinundan naman agad ni Wendy at Seulgi.


Tumayo na din si Lia at si tl naman ang nagabang. “You guys are messed up. Never mind the tiness I feel towards the situation since wala na kami ni Yeji…but Ryujin…Ryujin did not deserve any of this” sabi niya at lumabas na din ng bahay.

Yung mga naiwan na sina Rosè, Lisa, Jisoo, Mina, Chaeyoung, Nayeon, Jeongyeon at Joy ay wala na din nasabi. Nawala na sa mood magtuloy maginom kaya naman ay nagligpit na sila ng mga pinaggamitan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
94 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1702 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
94 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡