Good Times and Bad Times

Pag May Alak, May Balak

Nakabalik na ng Manila ang tropa, back to work lahat. Another Monday and as usual kyuwing na naman po sila. Nothing new. Wala pang kalahati ng shift yung iba eh parang naka.walong oras ng nagtatrabaho dahil bawat tapos ng isang call eh may papasok agad na bago.

Lia typing.... Boss pa.sup call po.

TL Irene typing..... What's the issue?

Lia: Bill dispute po. Nakakailang ulit na po ako magexplain pero ayaw maniwala. Pinipilit na mali daw yung pag-bill natin sa kanya.
TL Irene: How many times have you tried to de-escalate?
Lia: Twice na po.
TL Irene: Okay. Be there in a sec.

Lumapit si tl sa station ni Lia at kinuha ang call. Wala pang limang minuto natapos ang call. Iba talaga ang powers ng mga tl kahit same lang naman talaga yung sinabi niya sa customer sa sinabi ni Lia. Bumalik sa pagcacalls si Lia pero halatang wala sa tamang wisyo.

"Pahingi naman ng unting avail. Jusko" sabi ni Nayeon na naka.mute lang habang may pinapagawa siya sa kausap niya.

"Tuyung tuyo na lalamunan ko kakasalita" sabi naman ni Jennie.

"Pwede bang mag friday na agad?" sabi naman ni Momo.

Pinagmamasdan lang ni tl ang kanyang mga ahente. Usual monday naman kasi ang eksena. Kahit nagmumumog sa mga tawag eh wala pa namang nagreresign (except kay Jihyo) dahil ganun naman talaga sa call center. And ganun din naman siya dati nung ahente pa siya so she definitely understands.

TL Irene. Naka.misc aux po si Manoban at si Chou. 2 minutes na po. 


Nagmessage yung isang workforce kay Irene. Pinuntahan naman agad ni tl ang mga ahenteng nabanggit at nakitang naka.head down pareho. Tinapik na lang niya at nagulantang pareho. Nahulog pa sa upuan si Lisa. Tamang pigil ng tawa ang tropa.

Nag mute ng telepono si Jisoo. "Wag ka ngang madaya Lisa.  Kita mong kyuwing"

"Mehn ayako na. Ang sakit na ng tenga ko. Pucha puro irate nakakausap ko"

"In my defense, nagpapakalma lang ako. Ang bobo ng mga kausap ko"

Natawa na lang si Irene. "It's Monday guys. It's always like this"

Tumango na lang yung dalawa. Malapit na ding mag.lunch time kaya yun na lang inisip nila. Pagpatak ng ala.una nagsi-log out na agad ang iba pero naiwan si Ryujin at Lia na may mga calls pa.

"Sunod na lang kayo sa Mcdo ah" sabi ni Yuna pagdaan sa mga station nila.

Nag okay sign si Ryujin at tumango na lang si Lia. Lumabas na din kaagad sila Yeji at Chaeryoung pero sumimpleng kiss muna sa girlfriend. Lumipas ang sampung minuto, sabay natapos sa mga calls ang dalawa kaya nag log out na din. Habang nag-aantay ng elevator may awkward silence.
Pagdating ng elevator, pumasok na sila. Pinindot ni Lia ang ground floor at sumandal na pader.

Nang dumaan ng tenth floor, tumigil ang makina, tumunog ang alarm.

"What the ?" sabi ni Lia.

May nagsalita sa speakers. "There has been a power outage in the area. Please remain calm as we do our best to fix the issue"

"Nak ng tokwa. Gutom na ako eh" sabi naman ni Ryujin habang humahawak sa tiyan.

Hindi nagsalita sa gilid ang kasama. Hindi rin nila alam kung gaano katagal silang magststay sa loob. Positive thoughts lang para hindi makadagdag sa panic.

"Uy okay ka lang jan?" tanong ni Ryujin kay Lia ng mapansin na slight na nanginginig.

Umiling yung isa. Hindi rin alam ni Ryujin kung anong nagtulak sa kanya pero niyakap niya yung kasama.

" you're really shaking"

Hindi pa din makapagsalita si Lia kaya hinigpitan na lang ang yakap kay Ryujin. Napalunok na lang ng laway yung isa.

After a few moments of silence…


"I'm sorry" biglang sabi ni Lia. Kumunot naman ang noo nung isa. Not sure bakit biglang nagsosorry.

"What are you apologizing for?"

"For the mess I brought upon us"

"Lia, I'm not sure if you remember but there's no 'us' di ba?"

"I know and I...I regret not giving you the chance"

"What?"

"I should've chosen you Ryujin but I don't want to hurt Chaeryoung now"

"Wait. Wala na ba kayo ni Yeji?"

Hindi nakasagot si Lia. Silence means yes, yes?


Tumunog ulit yung speakers. "Maintenance is already working on prying the door open. Please make sure you are away from the door" At sakto ngang may narinig silang mga tao sa kabilang side. After a few minutes, bumukas na ang pinto at nakaabang din ang team. Buti na lang ay hindi na sila magkayakap dahil alam mo na bagong issue na naman iyon kung sakali. Yumakap kaagad si Chaeryoung kay Ryujin at dahil hindi pa naman alam ng iba eh ginaya na din ni Yeji for Lia.

As usual, sa tabi eh nanenermon na naman ang kanilang tl dahil nga kasi based sa experience. Naextend ang lunch nila dahil hindi pa din bumabalik ang kuryente so nagpugay ang team dahil makakapagpahinga sila.

System down din sa production floor kaya pagkatapos umakyat ng mga 20 flight of stairs (takot na kahit may backup generator ang building eh baka may mastuck ulot), hingal na bumalik sa mga station nila. Hinayaan na ni tl na gawin nila ang gusto nila basta wala na munang bababa. (Goodluck na lang talaga).

Tumabi si Wendy kay Irene.

"Nie. Question" bulong nito.

"Ano iyon?"

"Where do you want to go on your birthday?"

"Hmm. I haven't really thought about that. Any suggestions?"

"Ah eh kasi uuwi sila mom and dad and they want to meet you"

Medyo nagulat si Irene although of course she's expecting it na din.

"Okay?"

"Uhm. So lunch with them then after we can go wherever you want po"

"Okay?"

"Luh bakit ganun kang reaction mo?"

"Wannie, of course I want to meet your parents as well. I'm just not ready for whatever questions they may have. Especially na hindi ko mapapakilala sa kanila yung parents ko"

Humawak sa batok si Wendy. "Uhm. I kinda told them about my encounter with your folks. I mean not the things they said pero yun nga, uhm, na hindi maganda yung nangyare"

Tumaas ang kilay ni Irene. "You told them that but you didnt tell me na you mentioned it to them already? Ano na lang iisipin nila"

"Nie, they understand. I know my parents. Not my first time dealing with you know what"

Napaisip si Irene. Right, there's the ex-perience.

"Alright then. If that's the case, we need to go shopping"

"Ehh?"

"Of course I want to look good. Meet the parents ito"

Natawa na lang si Wendy. "Nie, have you seen yourself? You already look good" sabay kindat.

"Eww ang greasy mo"

"Love mo naman ako eh"

"Of course"

********************
Natapos ang shift na naka-system down pa din sila kaya naman tuwang tuwa ang team. Nagsipaalamanan na at lumabas ng production floor. Naayos na din ang outage kaya naman ay nagamit na ulit ang lift. As usual, inantay ni Wendy si Irene kasama si Seulgi. Tambay sa smoking area.

"Mehn. Uwi sila mom and dad and they want to meet nie"

"Ah talaga ba. Sabihin mo wag kalimutan yung pasalubong ko. Kahit anong Converse size 8"

"Wow ha. Ibang klase. May specific brand talaga?"

"Siyempre. Unti na lang magiging endorser na ako nun eh"

"Ewan ko sayo. Anyway, I'm freaking excited! This is going to be the first formal meet the parents. Ay bobo. Hindi naman pala nameet ni Shuhua sila mom and dad"

"Paguusapan na ba kaya ang kasal?"

"Hindi pa nga namin napaguusapan ni nie yun eh"

"Well ikaw ba Wendy, are you looking at a short or long engagement?"

"A short one sana. Pero eto Seulgi wag ka muna maingay ha. Remember yung napalanunan kong trip?" tumango naman si Seulgi. "Naisip ko lang, maybe we can do it when we're there"

Nanlaki yung mata ng best friend niya. "I get it. I mean, andun nadin naman kayo eh. Pero naisip ko lang din, hindi man kami makapunta pero I think your parents would like to be present. Kahit si Yeri and Saeron"

"I know. I've already thought of that. Magtatampo na talaga sila mom and dad kung pati sa wedding ko hindi sila makakapunta. Si ate kasi eh nagpasecret wedding din sa Las Vegas kaya this time dapat andun sila"

"Eh di pagusapan niyo na nga pagdating nila"

"I'll talk to nie first"

"Talk to me about what?" sabi ni Irene na dumating na pala.

"Ay tl anjan ka na pala" sabi na lang ni Seulgi. Suspicious tuloy yung naging tingin ni tl kay Wendy, may secret bang tinatago?

Sumakay na sila sa kotse at umuwi ng bahay.


********************
Kasalukuyang nasa isang Starbucks si Ryujin at Chaeryoung. Simula nung naging sila eh hatid sundo na ni Ryujin si Chaeryoung kahit opposite ends ang direksyon ng kanilang mga bahay.

"Did Lia say something to you?" tanong ni Chaeryoung nang mapansin na tahimik lang ang kasama. Hindi sumagot kaya tinapik ang table.
"Huh? Sorry may sinabi ka po ba?"

"I asked if Lia said something to you while you were in the elevator"

Nag-aalangan na sabihin ni Ryujin ang sinabi ni Lia sa kanya pero ayaw na din niya magsinungaling sa girlfriend.

"Uhm. She told me... uhm... she said sorry daw for the mess"

"Did she tell you as well na wala na sila ni Yeji?"

"Uhm... Not really"

"Well ayun wala na sila. Are you happy?"

Kumunot ang noo ni Ryujin. Anong trip ni Chaeryoung?

"Bakit daw?"

The other just looked at her and scoffed.

"Look Ryujin. I know kahit di mo sabihin, sa loob loob mo eh natutuwa ka. But please do know na I'm NOT letting you go" seryosong sabi ni Chaeryoung.

Napalunok na naman ng laway yung isa.

"One Mocha Frappe and Caramel Macchiato for Ryujin" pag-announce nung barista kaya tumayo na agad ang tinawag at kinuha ang order. Pagbalik ay dahan dahan niyang inilapag sa lamesa ang mga inumin. Busy naman sa phone niya yung kasama.

"So anyway, ma and pa wants to invite you this weekend. Family dinner cause it's their anniversary" sabi ni Chaeryoung.

"Uhm. May dress code ba?"

"Wala naman. Just casual I guess. Some of my relatives will be there as well though"

"Luh. Nakakahiya naman na sumama ako eh family gathering yun"

"Ma, Pa, Chaeryeon and Chaemin already knows you. And besides, you're MY girlfriend. Walang sasabihin iyong mga relatives ko"

"Hmm. Okay po"

"Unless you already have other plans?"

Umiling na lang yung isa. Pagkatapos makapag.kape ay sumakay na sila sa NMax ni Ryujin at hinatid si Chaeryoung sa may Pasay bago siya umuwi ng QC.

********************
"Mukhang may ganap na naman sa elevator kanina" sabi ni Jisoo. Tambay sila ngayon sa bahay nila Rosè at Lisa.

"Issue maker ka" sagot naman ni Jennie.

"WenRene 2.0 ba itey?" sabi naman ni Lisa.

"Bakit may nangyare ba kina boss at Wendy last time?" tanong naman ni Rosè.

Tumingin ang tatlo kay Jisoo.

"Pag sinabing ganap, na kagad? Hindi pwedeng may moment lang?" sagot naman agad ni Jisoo.

"Kasi kapag galing sa bibig niyong magtrtropa eh may double meaning na iyon" sabi naman ni Jennie.

"Ay wow ha. Grabe naman kayo sa amin" sabi ni Lisa with matching paghawak pa sa dibdib.

Nabatukan tuloy ni Rosè. "Totoo naman kasi iyon dy"

"Pero iyon nga, ayon sa aking trusty senses eh break na si Lia at Yeji. Ang theory ko, nagusap yung apat na yun, by pair ha, sometime nung nasa Galera tayo tapos di ba nga awks nung huling gabi kaya kinausap ni boss. Tapos pagbalik dito, naghiwalay sila Yeji at Lia. So yung ganap na sinasabi ko sa elevator eh siyempre di ba stuck kayo sa loob, feeling ko niyakap ni Ryujin si Lia kasi nanginginig sa takot yung isa, I mean sino ba naman gustong ma-stuck sa elevator di ba? Tapos umamin si Lia about her real feelings for Ryujin pero hindi na nakareact pa ulit yung isa kasi ayun bumukas na yung pinto"

Pagkatapos magsalita ni Jisoo ay tinignan niya ang tatlo niyang kaibigan na napanganga na lang sa medyo elaborate niyang theory.

"Friends kayo ni otornim? Bakit alam mo yun?" tanong ni Jennie.

"Theory nga kasi eh" sagot naman ni Jisoo sabay kamot ng ulo.

Napaisip ng malalim si Rosè.

"I think I can corroborate with that theory though" sabi ni Rosè. "I mean, if you would look at the timeline of their relationship, Ryujin and Lia were close first. Maybe something did happen between them, wise, but Lia got confused when Yeji suddenly showed interest. Then the sudden confession of Chaeryoung to Ryujin happened and then Ryujin was hurt when Lia started hanging out with Yeji. So what Ryujin did was hung out with Chaeryoung more. Eventually developing feelings for the latter. But deep inside for Lia and Ryujin, the what ifs started plaguing their minds and both Yeji and Chaeryoung wasn't blind to see it. Yeji let Lia go but I don't think Chaeryoung will do the same for Ryujin"


"Akala ko normal tambayan lang gagawin natin. Ang aga aga naman para sa mga theory theory na yan" sabi na lang ni Lisa na napakamot ng ulo.

"Ikaw Rosè, friends ka din with otornim?" tanong ulit ni Jennie.

Napangiti yung tinanong. "Kung sabihin kong bias ako nun?"

********************
Lumipas ang ilang araw at weekend na naman. Usual setting sa rooftop with the tropa. Hindi nakapunta sina Ryujin at Chaeryoung dahil sa family gathering, si Sana at Tzuyu na parehong may sakit, si Momo at Dahyun na nagcelebrate ng monthsary, si Yeji na may lakad din at si Yuna na hindi pinayagan ng magulang.

Tanggero si Wendy. Naglagay ng sariling tagay ng tequila at ininom. Naglagay para sa kasunod na si Irene.

"Grabe ramdam mong kulang talaga tayo noh?" tanong ni Nayeon.

"Nasanay na kasi na bente uno tayo maginom" sabi naman ni Jeongyeon.

"Dati lang wala pa tayong sampu na tumatambay dito eh noh?" sabi naman ni Seulgi.

"Oo tapos ang bilis palagi nung ikot nung alak" sabi naman ni Wendy.

"Tamang reminisce ang peg natin today ah. Tell me, are there any interesting stories na nangyare?" si Irene naman ang nagtanong dahil unang beses niyang sumama sa inuman nung 1st chapter.

Nagtinginan ang tropa. Sumenyas kay Chaeyoung.

"May one time boss na nangtrip kami mag rappel sa pader nitong bahay. Wala kaming mahanap na lubid kaya pinagdugtung-dugtong na lang namin yung mga lumang damit nila Wendy at Seulgi. Tapos nung si Jeongyeon na yung bumababa, may nakakitang kapitbahay. Akala akyat bahay kami kaya may dumating na mga tanod kaya biglang napabitaw si Jeongyeon sa tali ayun, napilay ampotek"

"Oh that was the time you were absent for a week?" tanong ni Irene. Tumango naman si Jeongyeon.

"Parang tanga kasi ang lalakas ng boses" sabi naman ni Wendy. "Buti na lang kilala namin ni Seulgi yung tanod kaya walang kwenta yung report. Chismosa kasi yang kapitbahay namin eh"

Laughtrip naman ang iba. Sumunod na nagkwento si Jisoo.

"Ay meron pa po boss. Yung kwento nung nakabangga kay Wendy dati. Tamang roadtrip kami nun. Akyat lang dapat ng Antipolo. Eh medyo nakainom nga. Although si Wendy naman ay designated driver minalas lang nung may driver na nag-overtake. Nawala amats namin nung bumangga kami sa poste. Buti na lang lahat naka.seat belt. Tapos itong si tanga, hindi man lang pinabayaran. And I quote, "Okay na iyon ang importante walang nasaktan". Todo tipid kami nun kasi most of our pay napunta sa pagpapaayos nung sasakyan"

Tumingin si Irene kay Wendy. "In fairness nga kay Wendy ha. Kahit nakainom, safe pa din mag.drive. Pero dapat alternate na tayo kung sakali. Ayokong may maaksidente sa ating dalawa. Hindi pa tayo kinakasal"

Kinilig naman yung isa kasi dumoble yung pagkapula ng mukha.

"Ay matanong ko lang boss. Kelan niyo balak ikasal?" tanong ni Jeongyeon.

Nagtinginan ang dalawa.

"Hindi pa napaguusapan though. Pero pag may plans na we will let you know"

"Uy naalala niyo yung nag-bar tayo?" sabi naman ni Lisa. Mukhang bad memory sa tropa kaya pinagdilatan ng iba. Siyempre hindi nakalagpas kaya no choice at ikinwento.

"Sorry mga paps. Kasi ganito po iyon. Nagpunta kami sa isang bar sa may Pasay. Dapat chillnuman lang. Kaso yung mga una naming napuntahan di namin trip yung crowd. So habang naglalakad eh may nadaanan kaming maliit na bar at mukhang wala pa masyadong tao so pumasok na kami. Sa gitna pa kami nakapwesto tapos biglang dumilim. Pagbukas ulit nung ilaw may mga nagsasayaw na babae sa harap. Okay lang naman nung una. Kaso bigla isa isang nagtanggalan ng saplot. Sabay tugtog ng Careless Whisper. Tapos umikot sila sa mga table"

"Oh my god! Sa patay sindi kayong bar nagpunta nun??" nanlalaking mata na sabi ni Rosè kay Lisa.

Kamot ulo si Lisa. "Uhm. Opo"

"What the ? So anong nangyare after?"

Hindi makapagsalita si Lisa dahil kulang na lang kainin na siya ng lupa sa lalim nung titig sa kanya ni Rosè kaya si Seulgi ang nagtuloy.

"So ayun nga nagiikot na yung mga babae eh nasa gitna nga kami nakaupo kaya nakailang beses silang lapit sa table namin. Ang alay nung gabing iyon ay sina Wendy at Chaeyoung kasi sila yung nasa dulo nung couch"


"And what did those girls do?" tanong ni Mina.

"Some ty . Like o.a na body roll parang bulateng nabudburan ng asin. After nun umalis na kami agad. Dito na namin tinuloy yung inuman. Tapos itong si Wendy at Chaeyoung ang tagal sa banyo. Todo kuskos daw ang ginawa kaya paglabas namumula yung balat" tuloy naman ni Jeongyeon.

"Grabe naman kasi makadikit sila ate. Nalunod ako sa s eh" sabi naman ni Chaeyoung tapos biglang nagtakip ng bibig.

Hindi nagsalita si Mina pero iba din yung tingin sa jowa.

"May mga pala kami jan sa gilid. Self service na lang sa hukay mga tsong" sabi ni Seulgi na nagpipigil ng tawa.

"Ang linis mo Seulgi ah. Naalala mo iyong dance showdown na ginawa niyo nung isang dancer sa may Xylo? May pa.split ka pang nalalaman di ka naman marunong. Laughtrip din yun eh. Pag split ni gago, nasipa niya yung kashowdown niya tapos bumagsak sa kanya. Nakakiss nga kay ate girl kaso di naman makatayo after" sabi naman ni Jisoo. Honest naman si Seulgi kay Joy sa nangyare kahit di pa sila nung time na iyon.

"Ay wow. Ikwento din natin ang nangyare kay Jisoo nung minsang naginom tayo nung birthday ni Moonbyul" sabi ni Chaeyoung.

"I think I know about this pero nakakagago lang yun" sabi ni Jennie.

"So nakaikot kami sa table sa bahay nila Byul. Tamang truth or dare kasi nakakailang bote na din. Natapat kay Jisoo yung bote. Matapang si gago dare ang pinili. Eh mas gago din si Byul sabi ba naman, pasukin sa kwarto yung isang housemate nila na chicks, tabihan tapos yakapin. Abang kaming lahat. Pumasok sa kwarto. Nagaantay kami ng may sisigaw pero iba yung narinig namin"

"Holy ! May nangyare?" tanong ni Joy.

Umiling si Chaeyoung. "May malakas na kalabog. Tapos paglabas ni Jisoo dumudugo yung ilong tapos may bukol sa ulo. Nasuntok ng bongga ni Wheein kaya nalaglag sa kama, tumama pa sa table. Tangina laughtrip talaga iyon. Simula nun hindi na kami naginom dun. Gg na sa amin yung housemate eh"

"At siyempre wag nating kalimutan ang katapangan ni Lisa" sabi ni Wendy. "Nasa bilyaran ata kami nun. Nagkapustahan dun sa katabing table. Lamang na kami eh kaso nung titira na yung kalaban, nahatsing tong si Jeongyeon kaya nadistract at namali ng tira. Sabi nandaya daw kami. Ayun nagkarambol. Si Lisa yung nasa harapan namin lahat kaya siya sumalo nung mga sapak. Tamang pader lang ang ginawa eh. Buti na lang dumating kaagad yung bantay"

"Ay nako. Pinaalala niyo na naman iyon. Lisa had that freakin black eye and busted lips for a week. Sama mo pa sa count yung bruises sa katawan. We couldn't even have properly!" inis na sabi ni Rosè.

Nagpipigil na naman ng tawa ang tropa at si Lisa nakatikom na lang ang bibig.

Nagtuloy ang inuman.

********************
"O Ryujin anjan ka na pala. Lika na dito sa loob" bati ng nanay ni Chaeryoung. Sumunod naman agad yung isa. Pagpasok sa restaurant ay sumalubong sa kanya ang malaking pamilya ni Chaeryoung pero ang girlfriend ay wala pa.

Nilapitan siya nung kambal ni Chaeryoung na si Chaeryeon. "Hi. Kamusta ka naman?"

"Ugh. Okay lang naman"

"Kamusta naman kayo ni kambal?"

"Ugh. Okay lang din naman"

"Bakit parang di ka sure sa sagot mo?"

"Ah eh. Okay kami"

"Are you sure? Cause I heard differently"

Napalunok na lang ng laway si Ryujin. "Asan si Chaeryoung?"

"Nasa bahay pa. May pinakuha si mama eh"

Tumango na lang siya. Iniwan na siya ni Chaeryeon at dahil wala naman siyang kilalang iba dun kundi ang nanay, tatay at mga kapatid ni Chaeryoung eh tumayo na lang siya sa may gilid. Gusto na lang sana niyang magyosi sa labas kaso nakakahiya din naman sa iba.

Dumating na din si Chaeryoung at ang ikinagulat niya ay kasama si Yeji. Nilapitan nung dalawa si Ryujin.

"Kanina ka pa ba?" tanong ng girlfriend.

Umiling na lang si Ryujin pero nagsisimula ng magisip ng possible reasons bakit kasama yung isa nilang kaibigan.

May nagsalita sa may harapan at tinawag na ang mga relatives. May pa-program pala kasi celebration ng wedding anniversary/reunion pala ito.

Umupo silang tatlo sa pinakaunahang table kasama ang pamilya ni Chaeryoung at by the looks of it, parents ni Yeji.


Tuloy lang ang program na may mga pa-games pa at tuwang tuwa ang mga pinsan at bunsong kapatid ni Chaeryoung na si Chaemin. Maya-maya naman ay tinawag si Chaeryoung at Yeji dahil may performance pala silang inihanda. Napansin naman ng kambal ni Chaeryeon na parang may malaking question mark sa mukha si Ryujin.

"Selos ka noh?" tanong nito pagkaalis nung dalawa.

Hindi nakasagot agad si Ryujin dahil nagsimula na magsayaw sila Chaeryoung at Yeji. Oldies but goodies ang music. Matik naman na kinuha ng kamay niya ang phone at sinimulan ding videohan. Matapos ang kanilang performance ay may mga naghihiyawang kamaganak sa likuran. Lalo na talagang tumitindi ang curiousity ni Ryujin. Bumalik ng table nila yung dalawa at satisfied na satisfied ang itsura.

For some reason, may ibang nararamdaman si Ryujin. Sana mali ang kanyang kutob kaya isinangtabi na lang niya yung thoughts niya. Nagsimula ang dinner at pila pila na sa buffet table. Patayo na sana si Chaeryoung nang hinawakan ni Ryujin ang kamay nito.

"Anong meron?"

"I don't know what you mean Ryujin"

"Why is Yeji here? Why was there a performance I didn't know?"

"Look, I don't want to ruin the mood. We'll talk after the party, okay?" sagot ni Chaeryoung sabay lakad papunta kay Yeji na nagsasave ng space sa pila. Wala ng nagawa si Ryujin kundi pumila na din dun sa kabilang buffet table.

Natapos ang dinner at patapos na din ang program. Tinawag sa harap ang celebrants at nag.pathank you message sa mga dumalo. Then may picture taking na naganap at tinawag din si Ryujin ng mom ni Chaeryoung para sumama. Pilit na lang na siyang ngumiti sa tabi ng girlfriend. Pagakatapos ng ilang shots, tinawag yung tatlo pa nilang kasama sa table. Nasa kabilang side sila Yeji at ang parents niya at sa kabilang dulo naman sila Ryujin. May unting space between them and she felt na extra siya dun sa picture. Kaya naman eh naisipan niyang magstep back na lang. Di naman niya napansin na pababa na pala iyong platform kaya nahulog siya at tumama dun sa waiter na dumadaan na may hawak na malaking tray. Malakas ang kalabog at witness ang lahat ng mabagsakan si Ryujin ng mga ilang baso.

"Oh my gosh!" sigaw ni Chaeryoung ng makitang dumudugo ang kaliwang braso ni Ryujin kung saan ang impact ng pagkabangga. Agad naman siyang inasikaso nito. Nakaalalay si Chaeryoung kay Ryujin habang papunta sila sa kotse ni Yeji. Dinala sa pinalamalapit na ospital.






A/N: 
Nakikisama ata yung elevator sa building nila. May ganap na naman eh.
I don't mean na gawing parang masama yung character ni Chaeryoung dito. Wala po sanang magalit.
Sa liit ni Chaeyoung, gaano kaya kalaki yung pinaglunuran niya?
So yes, obviously may history si Chaeryoung at Yeji so may chance na ba ulit ang JinLia?

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Twitter: @chaelisachaeli2

Comments

You must be logged in to comment
shadowhunter1640 #1
Chapter 63: Author, one question. WHERE ARE YOU NOW?

You still need to continue this story. Hope you'll come back.
winrina__09 #2
❤️❤️❤️
avocado_toast #3
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
avocado_toast #4
Chapter 63: Iba pa rin talaga sa feeling kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa. Nakakatuwa pa rin balikan yung buhay ng magbabarkada.
son_seung_wanni
#5
Chapter 63: ugh wish you were gay 😩
juhyuneeeee
93 streak #6
Chapter 62: thank you sa update authornim mej sumaya ako kahit papano knowing na ok na jensoo here 😭
mellifluouswan
1700 streak #7
Chapter 61: parang ang daming nangyari sa last updates pero ang sakit sakit sa jensoo huhuhuhu jennie uwi ka na kay jisoo fles
markaxel
#8
Chapter 61: Jensoo 😭😭😭
juhyuneeeee
93 streak #9
Chapter 61: hala jensoo why?! 😭😭😭
speac_sci
#10
Chapter 60: nginang yan🤦 okay na eh, masaya na lahat. anyare sa jensoo? may proposal ng magaganap eh. ny*ta naman😡