6.

Life of Kim Hyoyeon

6. Our dorm?

 

Nakatayo lang ako sa harap ng dorm building namin, inaalala ko, bakit nga ba ulit ako nakatira dito? Yeah, 8 years ago, I signed a contract with SMent. A contract wherein dating is prohibited within 4 years and you're not allowed to terminate any of the 'deals' in the contract.

 

Nakatayo ako sa isang lugar kung saan pag mamay ari ito ng kompanyang ipinagkait saakin ang maging masaya. Nasasakal ako, ang sakit ng nararamdaman ko.

 

Etong mga to ang nararamdaman ko noong unang taon ko kasama ang SoShi members.

 

But the eight became my wall, noong time na di ko na kaya, pinalalakas nila ang loob ko. Kahit panandalian lang, ang sarap maging masaya. Yung wala kang iniindang sakit sa dibdib mo, yung hindi mo kailangan ipagbawal sa sarili mo ang mga malalang ekspresiyon. Yung kahit saan pwede kang tumawa, pwede kang umiyak at masaktan.

 

Na kahit may nang huhusga sa pagiging totoo mo, may 8 na babae paring laging nandyan sa tabi mo. Bakit parang ang sarap balikan ng nakaraan? Bakit mas masaya pa noong mga oras na hindi ako pansin sa grupo? 

 

At bakit sa ibang grupo ko na nararamdaman ang ganoong kasiyahan? Ah oo nga pala, nag bago na sila. Tiningnan ko ulit ang building na nasa harap ko. Papasukin ko na ang lugar na 'to. Lahat nanaman ng masasakit na nangyari saakin, bumalik.

 

Pag bukas ko ng pinto ng dorm nakita ko walang tao. Bakit? Bakit walang tao?

 

Tiningnan ko cell phone ko at tiningnan ang huling tumawag. 'Jessica Jung' ang nakalagay. Duon ko na realize na wala na pala ako sa mundo na ginagalawan ko kanina. Yung mundong kung saan ang saya saya ko pa.

 

Etong kinatatayuan ko ngayon ang realidad. Wala na ata akong karapatan maging masaya. Anong ginagawa ko sa loob ng dorm? Tiningnan ko message ni Jessica. 

 

'Use the van.' Utos niya, bakit ko ulit gagamitin ang van? Kasi susunduin ko nga pala sila. Itinigil ko ang pansamantalang kasiyahan ko para lang masundo ko sila, maiuwi ko sila ng ligtas.

 

Dali-dali ko ng kinuha ang susi at pumunta sa parking lot. Pumasok sa driver's seat at sinimulan ng mag drive, siguro pag nakita ko sila malalaman ko kung ano ba ang desisyon ko sa sinabi ni YG. Baka ma realize ko rin na, sobrang sakit na pala.

 

Ngumiti ako, bawal akong maging mahina ngayon. Haharap ako sakanila, di ako pwedeng maging mahina.

 

Inihinto ko ang sasakyan sa harap mismo ng hotel na sinabi ni Jessica. Bakit parang pamilyar? Anong araw nga ba ulit kahapon? September 22? 

 

Pumasok sa isip ko lahat ng nangyari kagabi. Kaya pala ang saya ko kagabi, kaya pala ang saya ko kanina. Kasi panandalian kong nakalimutan yung pakiramdam na maging mag isa. Kaya pala nakapasok ako ng YGent, kaya pala ako nandito kasi susunduin ko ang walong babaeng kasama ko kagabi para icelebrate ang kaarawan ni Jongdae.

 

Ngayon naaalala ko na, bumalik yung sakit. Yung sakit kung paano ka harap-harapang baliwalain. Bakit ba ako nasasaktan? Hindi ba't dapat sanay na ako?

 

Kinuha ko ang cell phone ko at tinext na si Jessica. 'Andito na 'ko.' Di ko naman na siguro kailangan pang pumunta sa kwarto nila, kaya na nila yan. May naririnig akong tunog, nang hinanap ko ang nakita ko ay cell phone na umiilaw.

 

Pag tingin ko sa nakasulat na pangalan ay 'Jessica Jung' parin. Kusang gumalaw ang mga kamay ko ang sinagot ang tawag.

 

"Jessica?"

 

"Kim Hyoyeon, akyat ka dito sa room namin." Saktong inend niya na ang tawag.

 

Ano nanamang pauso 'to? Wag niyong sabihin na magiging masaya ulit to. 

 

Dumiretso ako sa room na sinabi ni Jessica. Pag pasok na pag pasok ko ng kwarto ay naamoy ko ang alak. 

 

Uminom sila kagabi. Inikot ko ang ulo ko at tiningnan sila isa-isa, ang tanging gising lang ay si Sunny at Jessica. Tiningnan lang nila ako ng matagalan, tsaka sila tumayo. Si Sunny, lumapit saakin at niyakap ako.

 

Tiningnan ko si Jessica, dumiretso lang siya sa mga gamit nila, at kinuha isa-isa.

 

"Tulungan mo kaming ilagay yang mga yan sa van." Utos saakin ni Jessica.

 

Ah kaya pala, pinapunta nila ako dito para sunduin sila. Ano pa nga bang aasahan ko? Wala akong magawa, sumunod na lang ako sa gusto niya. Probably, tago tong hotel na to. Bawal makita ng media na ganito ang SoShi, di naman ganun ka careless si Jessica para pabayaang mabalita ang SoShi.

 

Binuhat (yung parang akay lang ang ginagawa ni Hyoyeon at Sunny, maliit na silang dalawa baka mas lumiit) ko muna si Taeyeon, siya ang pinaka magaan sa lahat kaya siya ang inuna ko. Binaba ko siya sa parking lot sa basement at isinakay sa likod. Iniayos ko narin ang upo niya para di siya mangawit.

 

Bumalik ako sa taas at nakita ko si Sunny na dala-dala si Tiffany. At si Jessica, dala ang mga bag nila. 

 

Dumiretso ako kay Yoona, kahit na sobrang payat nito mabigat parin to.

 

Sinunod ko na si Seo habang si Sunny buhat si Sooyoung. Nakita ko si Yuri na naiwan, pinag iisipan ko pa kung bubuhatin ko ba o hindi. Mabilis rin magising si Yuri, at baka pag nakita niya ako masira ang araw nya. 

 

Tumingin ako sa pintuan, si Sunny hinihintay ako.

 

"Ako na kay Yuri." Sabay lapit ka Yuri. Sinundan ko lang ng tingin si Sunny.

 

Dalawang matatangkad ang hawak ni Sunny, di ba mahirapan yan si Sunkyu. Pag tabi niya saakin, kinuha ko si Sooyoung. 

 

Pag baba namin nakita ko na si Taeyeon at Jessica na nag uusap. Ipinasok na namin ni Sunny ang tatlong hawak-hawak namin at dumiretso na ko sa driver's seat. Ako lang naman ang nasa tamang kondisyon para mag drive dito.

 

Tumabi saakin si Sunny, siya lang naman ang laging tumatabi saakin pag kasama namin ang SNSD.

 

Pinaandar ko na ang kotse, pero ng natigil kami sa isang stoplight, napaisip ako, saan ko nga ba dadalhin ang van na ito?

 

"Sunkyu, san ko nga pala kayo idederetso?" Tanong ko ng hindi tumitingin sakaniya.

 

"Dorm na lang. Wala naman silang sinabi eh."

 

Gaya ng sabi ni Sunny, sa dorm ko idiniretso. Ipinark ko na ang van sa parking lot ng dorm building namin. 

 

Luminga-linga ako para hanapin ang kotse ko. Pero di ko talaga makita, kinapa ko bulsa ko walang susi. Naiwan ko ata kela Chae.

 

Lahat na ng members ay gising, pag baba ko ng driver's seat saktong papunta na sila sa entrance ng dorm. 

Di man lang ako hinintay haha. 

 

Tumingin ako sa kabilang side ng sasakyan, papunta saakin si Sunny. Nginitian niya ako. Buti pa siya.

 

Nilock ko na ang nasabing van at pumunta na sa entrance. Si Sunny na ang nag bukas ng dorm room namin, pag pasok naming dalawa ay unang bumungad sa mukha namin ay si Taeyeon.

 

"Kim Hyoyeon, anong problema mo kagabi?" Tanong niya ng nakatitig ng mariin saakin.

 

Yung dalawang maknae nanunuod mula sa kusina, si Jessica nakaupo lang. Si Sunny naman katabi ko parin.

 

"Uulitin ko, anong problema mo kagabi?" Ano nga bang problema ko kagabi?

 

"Ano bang meron sa pinoproblema ko kagabi?" Tinanong ko ng nakatingin parin sa mata niya.

 

Hindi ko iyon sinabi ng pagalit o kaya ay may halong sarcasm. Poker face ko lang na sinabi.

 

"Tinatarantado mo ba ko? Tinatanong kita ng maayos." Mas lalong sumama naman ang tingin niya saakin, si Jessica umismid lang.

 

"Sinagot ko naman ng maayos." Daing ko naman sakaniya.

 

"So maayos pala ang sagot na patanong." May halong pag ka pilosopo na sabi niya.

 

"Wala naman akong naaalala na may sinabi kang bawal ako sumagot ng patanong din." May halong kapilosopohang sagot ko rin.

 

"Kaartehan lang yan Taeng."

 

Saktong pag kasabi ni Jessica ay tiningnan ko siya. Ngumiti ako.

 

"Anong kaartehan duon Jessica? Ang pag suot ko ba ng shades kagabi kahit sobrang dilim na maipromote ko lang ang fashion line ko?" At sa sinabing kong yun, namula na si Jessica.

 

Napipikon siya, pero ako? Naisip ba nila nararamdaman ko? Hinawakan ni Sunny braso ko.

 

"Kita mo, wala akong ginagawa sayo pero kung laitin mo ako. Wala kang modo." Sigaw ni Jessica saakin.

 

"Ngayon ko lang nalaman na ang pag sabi ng maarte sa isang tao ay hindi pala 'ginawa' ng designer ng Blanc. At di ako sure kung nilait ba kita."

 

Mag sasalita ulit sana siya pero pinutol ko ang sinabi niya. Bawal na ba ako lumaban?

 

"May modo ako, ang problema nawawala lang pag ang kausap ko ay wala ring modo." Tumayo na siya para sampalin ako.

 

1. 2. Ang lakas ng pag kakasampal saakin, iniurong ako ni Sunny patalikod at pumunta sa harap ko. Si Taeyeon naman di ko mawari kung sasampalin rin ba ako o sisigawan ako.

 

"Ang kapal ng mukha mo. Di ka na nahiya, saling pusa ka na nga lang sa grupong ito gumaganyan ka pa!"

 

"Wag mo na ipamukha na saling pusa ako, alam na alam ko. At kung makapal mukha ko, edi sana kasama niyo ako kagabi."

 

"Tigilan niyo na yan." Sabi ni Taeyeon.

 

Hindi ko na iisiping pinag tatanggol ako nito.

 

"Sagutin mo na lang ang tanong ko Hyoyeon, masyado ka ng nag iinarte. Hindi bagay sayo." Sabi na nga ba eh, masasakit na salita nanaman.

 

"Gusto mo ba yung totoo?" 

 

"Oo."

 

"Siguro inakala kong birthday party ko yun, kaya siguro umalis ako ng nalaman kong di pala saakin. Siguro lang naman." Tiningnan ko lang siya sa mata. Sabihin ko ba na inatake ako? Wag na. Baka sabihin ng kukunwari ako.

 

"Akala ko ba totoo?"

 

"Yun ang totoo, di ako sigurado. Kaya puro siguro."

 

"Tss. Hindi mo man lang kinausap si Chen. O kaya binati. Wala ka talagang good manners kahit kelan. I can't believe member ka ng SNSD."

 

Ako rin, di makapaniwalang myembro ng SNSD. Di niyo nga mapansin presensya ko eh.

 

"Masyado ata akong masaya kagabi kaya di ko na siya nabati. Biruin mo yun, September 22 yung araw na yun pero inakala niyo atang 23 kaya si Chen ang binati."

 

"Umaasa ka parin?"Anong klaseng tanong yan?

 

Pinag isipan ko ang tanong niya. Oo eh, umaasa ako sobra. Kaso masyado ng masakit. Sabihin ko kaya ang totoo? Yung mga salitang matagal ko ng gustong sabihin?

 

"Oo. Pero wag kayo mag alala, tinitigil ko na." Di ko alam kung totoo to.

 

"Dapat lang, wala ka naman ng lugar dito." Sigaw ni Jessica habang papunta siya sa kwarto niya.

 

"Tigilan mo na yan, wala ka sa fairy tale. Batiin mo si Chen, this is an order." 

 

Never kong inisip na nasa fairy tale ako, my life will never be a fairy tale. Can never be.

 

"At tigilan mo na pagiging mo, nakakasawa." Huling sabi ni Taeyeon.

 

Tumalikod na ako, si Sunny hawak parin braso ko. Pupunta na lang ako sa kwarto ko. Kukunin ko lang gamot ko, sumasakit nanaman dibdib ko.

 

Si Sunny inaalalayan parin ako, na parang may sakit ako. May sakit naman talaga ako, di lang nila alam.

 

Umupo na ako sa kama ko, sasabihin ko na lang kay Sunny na gamot ko iyon sa sakit ng ulo kung sakaling makita at mag tanong siya.

 

'Tigilan mo na pagiging mo, nakakasawa.' Umulit sa utak ko ang sinabi ni Taeyeon.

 

Umupo si Sunny sa tabi ko, ininom ko yung gamot habang siya may binigay na tubig. Di na siya nag tanong. Ramdam na ramdam ko parin ang sakit ng dibdib ko hanggang ngayon. 

 

Pero mukhang wala ng mas sasakit sa narinig ko kay Taeyeon. Lagi na lang ang naririnig ko sakanila. Hindi ata nila makukompleto ang description saakin kung hindi ang nakalagay.

 

Nakakasawa, pero ang sakit parin hanggang ngayon. Gaya ng sabi ko, dito ko malalaman kung pipirmahan ko ba ang kontrata.

 

Tiningnan ko si Sunny sa mata, at siya ganun din ang ginawa. Hinimas niya ang likod ko at nag salita.

 

"Do whatever you want, do what makes you happy. Wag mo ng saktan sarili mo, please." Bigla siyang tumayo at lumabas ng kwarto ko.

 

Bakit ganoon ang sinabi ni Sunny, bakit parang ang pakiramdam ko ay may alam siya?

 

What I want? What makes me happy? Does it really matter?

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand