19.

Life of Kim Hyoyeon

19. Operation 101

 

Inihahanda na ako ng mga nurse dito sa ospital para sa operasyon ko. Isinakto nilang madaling araw ang operasyon para mas tumalab yung pang paantok na ituturok nila sa katawan ko.

 

Wala rin akong kasama ngayon, di rin naman kasi ganon karami ang may alam hindi ba?

 

Okay lang naman kahit wala akong kasama, hindi naman siya malaking bagay. Okay na rin na wala akong kasama dahil ayokong makikita nila akong ganito. Kahit na sino, maski na sino.

 

Wala rin palang alam ang pamilya ko sa operasyon na isasagawa saakin. Hindi na rin siguro nila kailangan munang malaman dahil nag babakasyon sila, ayokong masira ang kasiyahan nila ngayon.

 

Madami silang ikinabit sa dibdib ko at iba't ibang parte ng katawan ko. Kasalukuyan akong inilipat sa stretcher, at idadala sa surgery room.

 

"Kalma ka lang Hyoyeon ah, wag mong pag alalahanin ang sarili mo." Sabi ng doktor ko na kasama sa nag tutulak ng stretcher na kinahihigaan ko.

 

Tumungo naman ako sa kanyang sinabi. Hindi rin naman ako nakakaramdam ng kaba at kahit na ano man. Sinabi ko na rin naman sa sarili ko na, kailanman sa panahon ng operasyon ko ay hindi ako dapat kabahan.

 

Ayokong masira ang operasyon, ito na lang rin siguro ang natatanging natitira saakin. Ang buhay ko. At ang nattanging pag kakataon para mas humaba pa ang buhay ko.

 

May mga ilaw na nag sisigalawan sa paningin ko. Tulad ng mabilis na pag tulak sa hinihigaan ko ay siyang bilis rin ng ilaw na nakikita ko.

 

Eto na pala yung sinasabi nilang pag papa opera. Puting kisame at puting ilaw, mga naka puting tao at puting paligid ang nakikita ko. Puro puti.

 

Ipinikit ko ang mga mata ko, isa lang sa dalawang chansang mangyari ang mangyayari. Mapapalitan ang puso ko at tatanggapin ito ng katawa ko, o kaya'y ibabalik ang orihinal kong puso dahil hindi na kinaya ito ng katawan ko. Dalawang posibleng mangyari, worst and better.

 

Kanina lamang ay kinausap ako ni Seohyun, wala na rin akong natanggap pang ibang bisita. Kahapon ay si Jiyong at nung nakaraan pang araw ay si Miyoung at Sooyoung. Apat na pag papaliwanag, at apat na tuloy-tuloy na pag iyak. Pero kahit na sobrang lungkot at masakit, kahit papaano nakaka ginhawa din sa pakiramdam.

 

Na kausapin ka ng mga taong hindi ka kinausap sa loob ng tatlo o mahigit pang taon. Na kausapin ka ng taong gusto mo, at pinakawalan mo. Na makausap mo yung mga taong, gusto mong makausap. Parang nag kakadahilan akong maging masaya dahil dito.

 

Iningiti ko ang mga labi ko sa huling pagkakataon, hindi ko alam kung makakangiti ba ulit ako o hindi na.

 

Nakaramdam ako ng isang pangangalabit sa braso ko, agad-agad ko rin namang iminulat ang mga mata ko.

 

Nasa isang kwarto ako kung saan may isang maliit na makina dito na kung saan, may makikita kang isang pantay na linya.

 

Hinila ng doktor ang isang kurdon na nakakabit dito at inilagay sa dibdib ko. Tinakpan nila ang katawan ko ng berdeng kumot at iniayos ang pag kakahiga ng ulo ko.

 

Umpisa na siguro.

 

"Hyoyeon, pumikit ka muna. Makakaramdam ka ng konting kirot sa ituturok ko na anesthesia, pero tiisin mo muna." Payo saakin ng doktor ko.

 

Gaya ng sabi niya ipinikit ko ang ma mata ko. Naabisuhan na rin naman na ako sa tagal ng operasyon at sa kung gaano kasakit pag tapos ng operasyon.

 

Naramdaman kong ibinaba ng kaunti ang damit ko sa dibdib. Sigurado naman akong babae ito kaya wala akong problema.

 

May ipinasok itong maliit na karayom, maaring ito na ang anesthesia. Nararamdaman ko na rin ang hapdi sa pag daloy ng dugo ko pero kahit na ganoon ay kaya ko naman.

 

"Papatulugin ka na namin ah." Mahinang sambit ng isang babae.

 

Ibinlangko ko ang isip ko sa kahit na ano mang bagay na maaring makapag pakaba saakin o kaya'y makasira ng konsentrasyon ko.

 

Tulad ng nauna nakaramdam rin ako ng pag turok saakin ng karayom na maaring nag lalaman ng pam paantok.

 

Sa tatlong segundong nangyari, nakakaramdam naman ako ng matinding daloy ng antok. Yung tipok parang dalawang araw akong walang tulog.

 

Sobrang bigat na ng pakiramdam ng mga takip-mata ko, mabigat na rin ang pakiramdam ng ulo ko.

 

Nararamdaman kong nanigas ang mga braso ko, senyales na makakatulog na ako.

 

Sa loob ng sampung segundo, nakatulog na rin ako. Ang bilis ng pangyayari.

 

*

 

Matining na tunog ang paulit-ulit kong naririnig. Nakakarindi. Pinipilit kong ipagpatuloy ang pag tulog ko, pero hindi ko magawa.

 

Sa huli iminulat ko na rin ang mga mata ko, isang malakas na ilaw ang bumalot sa paningin ko. Agad ko rin itong pinikit.

 

Nakakahilo ang liwanag, ang sakit sa mga mata. 

 

Iminulat kong muli ang mata ko, at tinakpan ito ng nga kamay ko.

 

"Miss Hyoyeon, wag ka po munang malikot ngayon. Sariwa pa po ang sugat mo sa nangyaring operasyon."

 

Oo nga pala, nag paopera nga pala ako. Ng puso ko.

 

Wala man akong nararamdaman na sakit pero kailangan ko paring mag ingat.

 

Ito narin siguro yung bagong simula saakin. O kaya'y nalalapit na katapusan. At kahit na alin man sa dalawang yan ay kailangan at responsibilidad ko pa ring mag ingat dahil ito na yung chansa.

 

Ang natitirang pag asa.

 

Nakakatawa lang, nung una ayoko na ng ganitong chansa, sa kadahilanang ayokong umasa. Pero ngayon, kinakapitan ko itong maliit na pag asa na ito. Kinakapitan ko upang mabuhay pa ako. Nakakalungkot.

 

Maski ako nahulog sa paikot-ikot na daan ng siyensiya. Maski ako naniwala na sa himalang dadalhin ng siyensiya.

 

Kung iisipin ko ang mga nangyari, halos kalahati na ng naipon ko ay nawalgas, ng dahil sa sakit ko na ito.

 

Yung inipon kong pang pagawa ng bahay ko, at yung inipon kong pang tayo ng negosyo ko.

 

Pinag hahandaan ko na rin kasi ang pag retiro ko sa trabahong ito. Sa 16 na taong ibinigay ko sa pag pursigi ng trabaho na ito, satingin ko, hindi ko pa nakakamit yung gusto ko.

 

Mag reretiro ako at mag hahanap ng ibang kabuhayan. Gusto kong mamuhay ng mapayapa.

 

Ito ang gusto ko noon.

 

Kaya't sa pag opera na ito na nangyari saakin, titinitingnan ko ito bilang simula.

 

Pag umayos ang kalagayan ko, hahanap ako ng bagong simula sa ibang kompanya. Yung kompanyang gusto ko, yung kompanyang pinapangarap ko. Baka dito magawa ko na yung pag sayaw na gusto ko, yung pag awit na gusto ko.

 

Bibigyan ko lang ang sarili ko ng kaunting chansa, para kung sa ganon, hindi ko ito pag sisihan. Kaunting chansa bago ko bitiwan ang pagiging Hyoyeon ng Girls' Generation. Hyoyeon na Dancing Queen. Hyo ni Hyuk. Hyo ni Kai. At Hyo ni Yul.

 

*

 

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong kinakain, simula ng magising ako mula sa operasyon, hanggang sa magising muli ako sa tatlong oras na tulog ko. Hindi rin naman nila ako pinapayagan tumayo, bawal daw ako gumalaw, bawal mag likot at bawal maski pag lalakad. Baka raw bumuka ang sugat.

 

Wala rin ako hinahangad na bisita ngayong araw dahil, lahat sila ay may mga sariling schedule.

 

Hihintayin ko na lang ang pag kain na ihahatid ng mga nurse kahit na hindi ko talaga gusto ang mga pag kain ng ospital. 

 

Hapon-hapon na ngayon, malapit na rin ang pag pasok ng kalamigan sa bansang ito. Malapit na mag disyembre. Hindi rin naman ganoon kalamig kaya't sakto lang saakin ang temperatura ng kwarto.

 

Hindi rin naman ako pwedeng gumamit ng kahit na anong gadget ngayon dahil makakasama raw saakin ang radiation ng mga radioactive at ilaw.

 

Wala akong nagawa kundi ang tumulala sa kisame, hindi maganda ang kondisyon ng katawan ko upang umupo dahil wala ring umaalalay kaya't isa lang ang maari kong gawin, ang tumulala.

 

Hindi na rin ako mag tataka kung baka pati si Sunkyu eh alam ang karamdaman ko.

 

Sa tuwing mag uusap kami lagi niyang sinasabi na alagaan ko ang sarili, tatanungin niya ako at ituturo ang dibdib ko. 'Kamusta na yan?'

 

Inaalalayan niya ako, at pinipilit na gawin ko kung ano ang makakapag pasaya saakin. 

 

Mahirap na makahanap ng kaibigan tulad ni Sunkyu. Kahit na pamangkin siya ng lalaking may pinaka mataas na katungkulan sa kompanya ay nagagawa niya paring makipag kaibigan.

 

Hindi ko man maamin sa sarili ko, pero ni minsan hindi ko siya natatanong kung may problema rin nga ba siya. Ang selfish ko lang.

 

"Miss Kim." 

 

Napalingon ako sa may pintuan dahil sa dalawang katok na narinig ko. Ito na ata ang pag kain ko.

 

Ipinihit niya ang doorknob ng pintuan at pumasok na siya ng kwarto ko.

 

Ipinatong niya ang dala-dala niyang tray na may stand sa upuan at lumapit saakin.

 

"Miss Kim, upo ka po muna para makakain kayo at makainom ng gamot."

 

"Iinom pa ako ng gamot? Para saan?" Tanong ko naman. Akala ko ba hindi ko na kailangan uminom pa ng gamot?

 

"Para po sa puso, hanggang tatlong araw lang naman po, hanggat hindi pa po tinatanggap ng katawan mo ang puso sa loob ng tatlong araw ay kailangan mo pa pong uminom." Nag aalangin niyang sagot saakin.

 

"Pasensiya na, hindi kasi nasabi ito nung doktora." Humingi naman ako ng despensa.

 

Ngumiti lang siya saakin at inalalayan akong umupo. Inayos niya na rin ang kumot na nakabalot saakin at ipinatong ang lagayan ng pag kain.

 

"Miss Kim, tawagan niyo na lang po ako sa telepono dito pag tapos niyo o kaya'y pag may kailangan kayo. Sa counter po kumokonekta iyan." Nag bow naman siya saakin.

 

"Sige, salamat." Ngiti ko naman sakaniya.

 

Umalis na siya ng kwarto ko.

 

Tiningnan ko ang pag kain na ibinigay niya saakin. Puno ito ng gulay at wala kang makikitang karne o kahit man lang laman ng manok wala dito. Plain na tubig lang din ang inuminna ibinigay niya saakin. 

 

Kaya ayoko ng pag kaing ospital, tipid. Sobrang tipid. Ang laki-laki ng sinisingil nila na pera, pero hindi nila magawang pakainin ng maayos ang mga pasyente nila.

 

Inihalo ko ang gulay na may sabaw sa kanin ko at sinimulang kainin ito. Kahit na sobrang ayaw ko nito ay nag pakahirap pa rin sila upang gawin ito.

 

Nilunok ko na ang huling subo ng kanin at uminom na ako ng tubig. Sa huli ay di ko parin pala talaga kayang kainin ito kahit na pinag hirapan ng iba. Ipinilit ko na lang.

 

*

 

Ayon sa kagustuhan ng doktor ko ay hindi nga ako kumilos, tumatayo na lamang ako kapag kailangan kong pumunta ng banyo. Pabalik-balik na lamang ako duon.

 

Sa ngayon ay nakatingin lang ako sa bintana, madilim na ang paligid at iba't ibang ilaw ang aking nakikita galing sa iba't ibang kabahayan o kaya'y gusali.

 

Medyo nananakit na rin ang sugat sa dibdib ko ngunit kaya pa naman tiisin, ayon sa nurse, hindi naman bubuka ng ganon ganon na lang ang sugat pero kailangan paring mag ingat.

 

Bukod sa kaliwanagan na meron ang mga gusali, mayroong mga bagay na naka agaw pansin saakin.

 

Mga bituin.

 

Noon, naniniwala ako na ang mga bituin ay may kapangyarihang makapag patupad ng mga pangarap.

 

Nangangarap ako palagi rito, at nag hahangad ng kaligayahan na galing sa anumang mga bagay.

 

Ngunit sa huli ay hindi rin niya pala ito matutupad.

 

Ang mga bituin ang mga bagay na nailikha dahil sa mga taong patuloy na umaasa. Kaya't tinigilan ko na ang pag asa.

 

"Wala namang makakapag patupad ng mga pangarap ko." Mahinang bulong ko.

 

Hindi ko rin naman namalayan na nag salita ako pero sabagay, ano nga naman. Ako lang rin naman ang ng iisa dito.

 

"Sabihin mo lang kung anong mga pangarap mo, baka matupad ko." Nagulat ako sa boses na narinig ko sa tabi ko.

 

Sa mga oras na nakatunganga ako sa bintana ay wala akong naramdaman na kahit na ano o kaya'y naramdaman na may pumasok, kahit man lang narinig ay wala.

 

"Kung ako yung pangarap mo, ready naman akong maging sayo." Tumingin na ako sakaniya.

 

Sabay kindat niya.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand