7.

Life of Kim Hyoyeon

7. Four.

 

Nakakairita, ano bang klaseng tunog yan. Ang ingay. Binuksan ko unti-unti ang aking mga mata, matitinding sinag ng araw ang aking nakita at sa bawat segundong aking itinatagal ay siyang sakit rin na nararamdaman ko saaking mata.

 

Agad-agad ko ring isinara ang aking mata. Bwiset naman, gusto ko pa matulog. Ni wala nga akong schedule ngayon. Sa kagustuhan kong matulog ay tumunog nanaman ang telepono ko. Bakit ang sarap itapon ngayon ng telepono ko?

 

Pilit akong napabangon, pinindot ko ang power button ng cell phone ko at tiningnan kung sino man yang tumatawag na yan. Masisigawan ko to kung walang kwenta ang dahilan. 'Manager' ang nakasulat. Ano nanaman nais nitong babaeng 'to?

 

"Hello." Sagot ko sa tonong halatang kagigising pa lamang.

 

"May schedule ka bukas." Nagising ang diwa ko sa sinabi ng manager. Himala?

 

"Himala ata yan, kinunan mo ko ng schedule." Di 'to pabalagbag, maniwala kayo saakin.

 

"Manahimik ka na lang, pasalamat ka nga kinunan pa kita. 1 ang start, strong heart." Sabay end niya ng tawag.

 

Tiningnan ko lang ang cellphone ko, hanggang sa mamatay ang ilaw nito. Kasalanan niya 'to. Kulang ako sa tulog. Tumayo na ako at pumunta ng kobeta, tulad ng dati tiningnan ko sarili ko. Mas umaayos itsura ko ngayon. Sabi ng doktor ang puso ko raw ay mas umookay kesa sa kondisyon noon.

 

Nag hilamos na ako at nag mumog. Lumabas na ako at kinuha ang cell phone ko. 10:27 AM ang nakasulat sa upper right ng screen nito. Ang aga pa, sana natutulog parin ako hanggang ngayon. Nag sisisi parin ako kung bakit ko nga ba sinagot ang naturing na tawag na 'yon.

 

Lumabas ako ng kwarto ko, pumunta ako ng kusina para kumain. Oo nga pala, may check-up ako ngayong araw at hang out kasama ang 2ne1. Samahan daw nila ako sa check-up ko. Napangiti ako, noon si Jinki at Kibum lang ang nakakasama ko mag pa check-up, ngayon may nadagdag na na apat.

 

Binuksan ko ang cell phone ko at tiningnan ang message ni Key at Onew.

 

'Noona, yung 2ne1 girls muna bahala sayo ah. May concert tour kami, Japan kami ngayon. I'll call you pag nakabalik na kami.' Alam naman na ni Key at Onew na alam nung apat.

 

'Baby, I talked to the four. Inatasan ko silang alagaan ka kaya I have no worries. Update mo ko kahit KakaoTalk lang, okay? Love you noona!' Loko talaga 'to si Key. Too much sweetness.

 

Luminga-linga ako sa paligid ko, bakit walang tao? Nag isip pa ako ng ilang segundo, hanggang sa naaalala ko. Lahat nga pala may schedule ngayon. Ang galing talaga, sila yumayaman ng yumayaman. Ako nauubusan ng pera para sa puso ko.

 

Sabagay, wala na rin naman akong pake. Kung wala silang pake, baka oras na rin para mawalan ako ng pake diba. Time flies, I can't let them break it's wings.

 

Kinain ko lang yung inihanda ko na sandwich tsaka ako dumiretso sa kwarto para maligo. Saktong pag kabihis ko, tinawagan ko na rin si Minzy.

 

"Maknae, okay na."

 

Binaba niya rin agad, ang bait. Binabaan lang ako. Kinuha ko na lang yung gamot ko, wallet, susi ng kotse ko at cell phone. Dumiretso ako sa salas, hihintayin ko lang sila.

 

Binuksan ko itong application na 'to kung saan ang nakikita lang ng mga tao ay ang nasa picture, hindi yung buong katotohanan. Sa mas simpleng salita, ang tinatawag nilang instagram.

 

Kahit na si Sunny na lang ang katangi-tanging nag fofollow saakin, lahat parin sila finofollow ko. Tiningnan ko isa-isa ang mga picture, pero yung isang picture ang naka pukaw ng atensiyon ko.

 

'Ot8 forever' Ang nakalagay sa description. Tiningnan ko ang username, xolovestephi ang nakalagay. Napangiti ako, oo masakit. Hanggang ngayon, ang sakit parin. Pero okay na 'to.

 

Tiningnan ko ang picture, nasa isang club ata sila. May mga hawak silang baso na pang shot, umuwi ba sila kagabi? Si Sunny ang tiningnan ko, masaya siya pero wala siyang hawak na baso. Di parin siya nag babago.

 

Tiningnan ko ang comment bar.

 

'Ot8? Why ot8?' Ilan sa mga nakita ko. May iba rin namang, 'ot8 is real , meron ding 'IMY tiff' at kung ano-ano. Ganun na lang pala kadaling tanggapin ang pag kawala ko sa grupo na yan.

 

May isa ring comment na pumukaw sa atensiyon ko. 'Where is Hyo? She finally realized how those 8 treated her the worst?' Napatawa na lang ako sa isipan ko, I still haven't realized but hey, atleast I'm trying.

 

Pinatay ko na rin ang phone ko, sapat na siguro yung nga nakita ko. Ayoko na masaktan.

 

Dalawang malakas na katok ang narinig ko at isang malakas na sigaw.

 

"Babe!" I know this voice.

 

Ipinihit ko na ang doorknob pakanan, at ang unang mukha na nakita ko ay kay CL. Siya at siya lang ang tatawag ng babe saakin.

 

Niyakap niya ko maski si Bom nakikipag agawan. Si Minzy at Dara, nanunuod lang. 'Mamaya na lang kami.' The two mouthed those words at me.

 

Nang makawala ako ay yung dalawa naman ang yumakap saakin, buti na lang at saglit lang. 

 

"I like your clothes." Minzy complemented me.

 

Ano bang suot ko? Isa ito sa mga binigay ni CL saakin na mga damit, mas konportable na ako sa ganitong damit.

 

"Chaerin gave it anyway." Inakbayan na ako ni Minzy.

 

Dinala nila ako sa van nila. Himala rin ata na van nila ang gamit at hindi kotse ko. Pinapasok na nila ako sa loob. Pag sabi ni Chaerin sa pupuntahan namin ay lahat sila nag sipag pikitan. Pagod ata sila? Galing sa mga schedule? Nakikita ko pa yung mga damit na gamit na sa likod eh.

 

Pinabayaan ko na lang silang matulog. Natulog na rin ako dahil sa naudlot ang tulog ko kanina.

 

Nagising na lang ako sa boses ng manager nila, pag tingin ko si CL di pa rin gising. 

 

"Sandara, si CL? Anong balak natin?" Lahat sila bumaba na maliban lang saamin ni Chaerin.

 

"Iwanan mo yan, magigising di yan maya-maya." Sabay hila niya saakin.

 

Gaya ng sabi nila, iniwan nga namin. Safe naman dito. Ospital to. Pumasok na kami sa loob at hinanap ang doktor ko.

 

Sa pag pasok namin ng kwarto, ay siyang bungad ng ngiti ng doktor ko. It's already been two weeks, simula ng nalaman ng 2ne1 ang sakit ko. At ang sabi ng doktor, di na raw masyadong napapagod ang puso ko. Siguro dahil na rin daw sa kasiyahang ipinaparamdam ng apat na babaeng iyon.

 

"Yung puso mo, kaya na raw ipalipat dito. Mga 2 weeks na lang." Ngiti niyang sabi saakin.

 

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto, blonde na babae lang ang nakita ko.

 

"Iniwan niyo ko!" Sigaw niya, di niya pinag tuunan ng pansin ang doktor.

 

Si Bom naman ng shh sign sa bibig. Napahinto naman tong si CL sa kakatalak, at agad-agad na tinakpan ang kanyang bibig.

 

Umupo na siya sa tabi ko at nakinig sa pinag uusapan namin.

 

"Gaya nga ng sabi ko, 2 weeks pa. At panigurado namang di na tayo mag kakaproblema sa puso mo ngayon." Ngumiti nanaman siya.

 

Imbis na ako ang mag tanong, sila ang nag tanong ng mga impormasyon. Si Minzy naman ay may hawak pang notebook, para daw maisulat niya ang mga kailangan. Gaya ng nangyari dati kay Key, tinawanan niya kami. Wala na rin akong nagawa kundi tumawa, atleast kahit papaano may apat na nadagdag sa natitirang dalawang natatanging nag mamalasakit saakin.

 

Matapos ang check-up ay dinala nila ako sa restaurant, bawal daw ako magutom. Sa pag pasok ko ng restaurant ay ang una kong nakita ay ang babaeng may brown na buhok, malapad na noo, mahabang baba na nakasuot shades na Blanc. Kilala ko tong babaeng 'to. (Hindi ako galit kay Jessica, sadyang ganyan ang description haha) 

 

Hindi na rin ako nag atubiling mag tago dahil alam kong nakita niya na ako. Tiningnan ko kung sino ang kasama niya, Taeyeon at Tiffany.

 

Ngumiti na lang ako, inaninag ko sila. Ang saya nila, kung sakaling andyan kaya ako, mapapansin kaya nila ako? May maririnig man lang ba akong 'Ikaw Hyoyeon?' 

 

"Ikaw Hyoyeon? Anong gusto mong kainin?" Narinig ko ang mga salitang nasa isip ko.

 

Imbes na mapatingin ako sa apat, duon ako napatingin kela Jessica. Nag tatawanan sila. Ano kaya mararamdaman nila kung sakaling makita rin nila akong nakikipagtawanan sa iba?

 

"Hyoyeon, anong gusto mo? Yoohoo." 

 

"Kahit ano Chaerin, basta pagkain." Sagot ko habang nakatingin parin sa tatlo.

 

"Hyoyeon, ako tingnan mo. Hindi silang tatlo, kung gusto mong sumaya iwasan mo na yan. Hindi na sila ang buhay mo." Mahinang bulong ni CL.

 

Napatingin ako sakanila, si Dara naka thumbs-up. Si Bom, sumasang-ayon ang ulo. Si Minzy, nakatingin lang sa menu, pero sigurado akong narinig niya.

 

Tama nga naman sila, dapat sakanila ako tumingin ngayon at hindi sa tatlo. Iba ang mundo ko ngayon, wala ako sa mundong Hyoyeon ng Girls' Generation. Hyoyeon ako ngayon ng 2ne1.

 

Binigay saakin ni Minzy ang menu, sinimulan ko na ang pag pili. Nag offer sila na sila na ang mag babayad dahil para pa raw iyon sa pag papa check-up ko.

 

Pag ka order nila, sinimulan narin namin ang kwentuhan. Di kinalaunan, nag simula narin ang tawanan. Maski ng dumating ang mga pag kain, di na kami natapos sa kwetuhan.

 

May nararamdaman akong vibrate sa bulsa ko, cell phone ko to panigurado. Inilabas ko ang cell phone ko at tiningnan ang text.

 

'Kaya ka pala nagiging at maarte, yang mga sinasamahan mo, katulad mo rin.'

 

Tiningnan ko ang sender, Jessica Jung. Tiningnan ko na rin yung isa pang text.

 

'Kapal mo rin para samahan yang mga yan. No wonder, ganyan ugali mo.'

 

Tiffany Hwang. Last sender na 'to.

 

'Wala kang karapatang mangarap, di ka magiging katulad namin. Mas lalong di ka magiging katulad nila. You're pure useless.'

 

Kim Taeyeon, naiiyak na ako sa huli kong nabasa. I am certain na hindi ako useless, pero yung way ng pakikitungo nila parang buong buhay nila wala akong naitulong sakanila. Itong mga salitang ito ang hindi ko kayang tawanan.

 

Ni minsan hindi ko hinangad na maging si Taeyeon, o kaya ay maging si CL. I have my own name. No one can ever take my dream away from me. 

 

Pinindot ko ang message box, mag rereply ako. Gusto ko ng ipaglaban ang apat na 'to at ang sarili ko. Malapit ko na sanang mapindot ang unang letra kaso may kamay akong nakita sa cell phone ko at biglang nawala ang hawak ko.

 

Kinuha ni CL. Inilagay niya sa tenga niya ang cell phone ko at sinimulang mag salita. Tiningnan ko si Taeyeon. Nakalagay rin sa tenga niya ang cell phone.

 

"Yea, hey. I am CL, Lee Chaerin the one and only baddest female. I as a leader, won't tell those kind of words to my member. Worthless mo namang leader." Habang pinapakinggan ko ang sinasabi ni CL ay pinapanuod ko rin ang reaksyon ni Taeyeon.

 

Namula na siya.

 

"Wala rin akong panahong makipag-away, Taeyeon. Wag ka ng tumayo diyan para sampalin ako, kahit naman siguro onti may delikadesa ka. Oo, mas magaling akong leader saiyo." Sabay end niya ng tawag. 

 

Ni hindi ko nakitang, bumuka ang bibig ni Taeyeon. Tumayo na si CL at ibinigay sa paparating na waiter ang kanyang credit card. Dumiretso siya sa upuan ng tatlo, agad akong tumayo at sumunod para pigilan si CL.

 

"Ako kumuha ng cell phone, di niya ibinigay saakin." Sabay alis niya, kinuha ni Minzy ang credit card at nag bow sa tatlo kong ka myembro.

 

Habang nag lalakad ako ay umuulit pa rin saakin ang mga salitang narinig at nabasa ko kanina.

 

'You're pure useless.' Boses ni Taeyeon ang naririnig ko, nakakabaliw ang salitang yan. Pero bakit parang ang sarap?

 

Bakit kahit masakit, masarap? Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, pero ang sarap sa pakiramdam na alam ko na ang tingin nila. Pero mas masarap sa pakiramdam ang ginawa ni CL.

 

Mas ramdam ko pa na myembro nila ako kesa sa SoShi. Bakit mas masaya ako sakanila, sila kaya nila ako ipagtanggol pero ang GG, mas lalaitin ka pa.

 

Hindi ba't ang sabi ko mas maganda parin ang Girls' Generation kesa sa 2ne1? Pero bakit ang nangyari ngayon ay mas maganda ang 2ne1 kesa sa Girls' Generation?

 

"Nasasaktan ka alam ko, pero diba ang sabi mo saakin, tanggap mo na? Try to survive those hurtful words then." Sabi ni CL.

 

Maybe I can survive? Maybe.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand