Video Message

Life of Kim Hyoyeon

Pinatawag kami ni Taeyeon lahat dito sa salas at hawak-hawak niya ang cell phone na naiwan ni Hyoyeon.

 

At dahil prinsesa ako, nahuli ako ng punta kaya't pag dating ko tsaka lang nila pinlay.

 

"Hi mga minamahal kong myembro. Kahit na alam kong dahil sa ginagawa ko ay baka, mamiss niyo ako, may nag sasabi pa rin saaking gawin ito."

 

Tiningnan ko lang ang mukha ni Hyoyeon, nalulungkot pa rin ako kahit buwan na ang nakalipas simula ng mamatay siya. Andun pa rin yung lungkot at galit. Galit sa sarili ko.

 

Paanong hindi naman kasi ako malulungkot? Ako ang may kagagawan ng lahat.

 

"Andyan ba si Jess? Hi!"

 

Nakahiga si Hyoyeon sa higaan niya sa ospital at kitang wala siyang kasama na sinuman sa kwarto na iyon.

 

Narinig kong muli ang palayaw ko sakaniya, 'Jess'. Tama, Jess ang tawag niya saakin.

 

Iwinagayway niya ang kamay niya sa harap ng camera ng cell phone niya.

 

"Jess, hanggang sa huling hininga ko hinintay kita. At siguro naman dumating ka, ano?"

 

Tama, dumating ako. Kaso wala ka na, huli na.

 

Nasa tabi ko ngayon si Taeyeon, kasi ang sabi niya kailangan ko raw marinig itong mga sasabihin ni Hyoyeon.

 

"Hanggang sa huli naniniwala pa rin akong yung 14 natin, magiging 15 na. Ilang buwan na lang Jess? 15 years na tayo!"

 

Namasa ang mga mata 'ko sa sinabi niya. Ilang buwan na nga lang ulit? Isang buwan?

 

"Hindi ako nawala sa piling mo Jess, kahit kailan hindi. Tinaboy mo ako."

 

Lumungkot ang mukha ni Hyoyeon sa video at umiwas naman ako ng tingin sa naka play na video sa screen ng cell phone ni Hyoyeon.

 

"Hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam sa kung ano nga ba talaga ang nagawa 'ko. Pero humihingi ako ng tawad sa'yo."

 

Tinaboy ko nga si Hyoyeon, tama siya. Ako ang may dahilan kung bakit napunta na siya kay Sunny.

 

At ngayong narinig ko na ang pag hingi ng tawad ni Hyoyeon, wala na ring dahilan pa para magalit ako. Wala na nga siya, magagalit pa ako.

 

"Sorry kasi iiwan na kita? Hindi naman kita iiwan, hindi rin kita iniwan, nasa tabi mo ako. Mag paparamdam ako!"

 

Natawa naman ang mga kasama ko dito sa pag kakasabi ni Hyoyeon.

 

Nag kukunwaring malakas pa siya ng panahong iyan, pero kita mo namang hindi.

 

Hindi raw ako iiwan? Ngayon nga wala na siya.

 

"Hawakan mo kaya yung cell phone ko Jess, hindi yung pinahihirapan mo si Taeng."

 

At kahit na naluluha ako, nagawa ko paring irapan yung taong nag sasalita sa video. Lagi kaming ganito. Noon.

 

Na sana ay hanggang ngayon.

 

"Oh diba, magaan lang naman. Wag mo na ako irapan."

 

Kinabahan naman ako sa sinabi nito ni Hyoyeon, parang nakikita niya ako ngayon.

 

"Bato pick nga tayo Jess!"

 

Bato pick? Yung lagi naming nilalaro? Pang bata man, nag eenjoy kami dito.

 

Hinawakan ko sa isang kamay ko ang cell phone at ginamit ko ang isa para makipag laro kay Hyoyeon.

 

Mukha akong tanga dito, pero okay lang. Kung sa ganitong paraan ko naman makakausap muli si Hyoyeon.

 

"Ayoko na, pagod na ako."

 

Nakita ko namang lumungkot ang mukha ni Hyoyeon.

 

"Gagayahin ko si Yoona. Masaya ka ba?"

 

Nagulat ako sa tanong ni Hyoyeon, natulala lang ako at para bang huminto ang video na pinapanuod ko.

 

Masaya ba ako?

 

"Lul Hyo, mukha ba akong masaya?"

 

Bulong ko naman.

 

Nakita kong tumawa si Hyoyeon sa video.

 

"Alam kong minura mo ako o kaya'y tinanong ako kung mukha ka bang masaya."

 

"Hanggang sa huli, kilala ko pa rin ugali mo. Bestfriend diba?"

 

Paanong hindi niya makikilala ugali ko? Kami laging mag kasama dati.

 

"Sorry kung hindi ko natupad ang pagiging bestfriend sa'yo, lalo na't iniwan na kita. Sorry kasi gusto ko lang mag sorry."

 

Umiyak na ako ng tuluyan sa sinabi niya. Bakit niya ba kailangan kasing mag sorry? Dapat nga ako ang mag sorry sakaniya.

 

"At bilang bestfriend mo, gusto ko sanang marinig ulit yung tawagan natin."

 

Paano niya maririnig?

 

"Maririnig ko yan, nasa tabi mo 'ko."

 

Tumingin naman ako sa gilid ko, ang nakita ko lang mukha ni Tiffany at 

Yoona.

 

Pero nakuha rin naman pabalik ni Hyoyeon ang atensiyon ko.

 

"Bibilang ako. 1, 2, 3-"

 

"Jess."

 

"Hyeon."

 

Sabay naming sabi.

 

"Maging masaya ka Jess, kasi ako masaya ako. Sobrang saya 'ko."

 

Pinilit ko namang ngumiti sa sinabi ni Hyoyeon. Mukhang hahanap pa ako ng sobrang daming oras para maging masaya.

 

"Yung 14 paabutin mo hanggang 70. Ay wag, kadiri parang kanta. Basta patagalin mo."

 

"Bye Sooyeon."

 

"Bye Hyoyeon."

 

Nakita kong namatay na ang video at naging itim na lang ang nakikita ko sa screen ng cell phoe.

 

Tama, paalam Hyeon.

 

Paalam na kasi ngayon ko lang narealize lahat, huli na.

 

*

 

Papunta kami ngayon sa condo ni GD, ibibigay raw ni Taeyeon yung video na gustong ipapanood ni Hyoyeon sakaniya.

 

"Taeng, yung ibigay mo lang yung video hindi yung cell phone!"

 

Sigaw ni Tiffany.

 

"Alam ko!"

 

Naiiritang sabi ni Taeyeon sakaniya.

 

Hindi alam ni Taeyeon na napakinggan ko siya kagabi na umiiyak dahil pinanood niya yung video na nirecord ni Hyoyeon para lang sakaniya.

 

Lahat naman kami may mensahe galing kay Hyoyeon, pero ipinuwera ni Hyoyeon yung kay Taeyeon at saakin. Maski kay Sunny may mensahe si Hyoyeon.

 

Syempre umiyak siya, normal naman iyon diba?

 

At ang utos sakaniya ni Hyoyeon ay ang alagaan kaming lahat.

 

At ibigay daw ang pera na natitira sa banko ni Hyoyeon sa kapatid at magulang niya.

 

Iparamdam daw ni Taeyeon sa lahat na lider siya.

 

At paulit-ulit kong naririnig ang mga sinasabi ni Hyoyeon na 'Taeyeon unnie' kaya't pugto ang nga mata ngayon ni Taeyeon. Inulit-ulit ni Taeyeon iyon hanggang sa makatulog siya.

 

Kung tutuusin, ang pangit na ni Taeyeon ngayon.

 

"Hoy Jessica, tatayo ka ba o tatayo ka?"

 

Pinutol ni Taeyeon ngayon ang pag iisip ko.

 

"Mukha ba akong may choice Taeng?"

 

"Meron ang tumayo ka."

 

Ngayon lang niya ako nabara.

 

"Hindi ko pa rin nakakalimutan yung pipino Taeyeon!"

 

Irap ko naman sakaniya.

 

Ang sinasabi ko ay yung pinakain niyang rice roll saakin nung bumisita kami kay Hyo.

 

"Wala naman akong sinabi na nakalimutan mo na 'yon!"

 

Irap niya ring sagot saakin.

 

Parehas sila ni Hyoyeon mang bara, ganyan na ganyan. Tanging si Hyoyeon lang ang nakakabara saakin.

 

Mag kapatid nga sila.

 

"Whatever Taeyeon."

 

Sinabi ko ng ingles sakaniya, malay ko kung maintindihan niya.

 

"Alam kong mahina ako sa ingles Jessica, pero pwede ba tumayo ka na lang."

 

"Ayoko nga."

 

Aasarin ko lang naman.

 

"Edi wag."

 

Tumalikod na siya saakin at lumapit sa lima.

 

May naalala lang ako sa sinabi ni Taeyeon saakin.

 

Yung mga panahong desperada pa siya.

 

Tumayo na lang rin ako at mukhang hindi babalik yun.

 

"Bagal mo naman unnie! Tumatanda ka na talaga!"

 

Sigaw naman ni Yoona sa harapan ko.

 

Aba loko 'to! Anong matanda?!

 

"Mas matanda si Taeyeon saakin!"

 

"Parehas lang kayo eh."

 

Bulong naman ni Yoona pero narinig ko.

 

"Hoy Yoona! Mas mukha naman akong bata diyan."

 

Narinig rin pala ni Taeyeon.

 

Nag pacute naman ang loko.

 

Nakakadiri.

 

"Oh dib-"

 

Naputol ang sinasabi niya dahil sa napaka ingay na ringtone ng boses ng syota niya. Tsk.

 

Buti na lang.

 

"Hi Baek."

 

Lumayo naman siya saamin.

 

Sakanila pala.

 

*

 

Nandito ako mag isa sa harapan ng puntod ng bestfriend ko at ng umagaw sa bestfriend ko. Pero sa simpleng pag sasabi, sa harapan ng libingan ng dalawa kong myembro. Yung dalawang myembrong nahihirapan na pala tinitiis pa.

 

Umiiyak nanaman ako, syempre, hindi ako nag karoon ng tiyansang sabihin kay Hyoyeon kung gaano ko siya namiss, kung gaano ako nasasaktan. Hindi ko nasabi sakaniya na humihingi ako ng tawad at sobrang nag sisisi na ako.

 

"Hyo, Sunny, masaya na ba kayo? Nasasaktan pa ba kayo?"

 

Nag sasalita ako ngayon dito sa harap ng lupa, umaasang baka may sumagot pa sa mga sinasabi ko.

 

"Para akong tanga, ano? Mag kasama siguro kayong pinag tatawanan ako? Sige lang, pag tawanan niyo ako."

 

"Gusto ko lang humingi ng tawad sainyong dalawa, lalo na sa'yo Hyoyeon."

 

Hanggang sa huli mag kasama sila ni Sunny.

 

"Alam mo naman na siguro ang dahilan 'ko diba? Narinig mo rin siguro iyon, kahit nasa langit ka na."

 

Tumutulo na ang luha ko.

 

"Alam kong ayaw mo akong makitang umiiyak, pero hindi ko mapigilan Hyo eh. Bestfriend? Hindi ko man lang narinig sa huling sandali ang boses mo, nalulungkot ako."

 

"Ano nga pala ulit ang sinasabi mo lagi kay Sooyoung? Cheer up? Sinasabi mo rin ba iyan saakin ngayon? Paano ako mag checheer up? Wala ng natira saakin, wala ka na."

 

"Yung walong lagi kong kasama mula noong neneng pa mukha ko, ngayon anim na lang."

 

"At ikaw Sunny, alagaan mo diyan si Hyo ah. Alam mo naman yung dahilan ko kung bakit ako nagalit, diba? Ikaw ng bahala mag paliwanag."

 

"Kayo ba mag papatunay ng forever?"

 

Natawa naman ako sa sinabi ko, anong forever naman? Wala na nga sila, forever pa.

 

"Last one na Sunkyu, Hyo. Yeongwonhi!"

 

Nakatulala lang ako dito sa bulaklak na ipinatong ko sa labi nilang dalawa. Nag hihintay ako ng sagot, at kahit hanggang mamaya mag hintay ako gagawin ko.

 

"So Nyeo Shi Dae."

 

Napalingon ako sa paligid ko, narinig ko ang boses nilang dalawa. Boses nila!

 

At wala akong nakita.

 

*

 

Nag papahinga ako ngayon dito sa kwarto namin ni Jessica.

 

Nalaman na ng media na ayun nga, wala na si Sunny at Hyoyeon kaya't pansamantala kaming pinag pahinga.

 

Oo naman, sinisisi kami, pero kahit na paano pinaliwanag ko pa rin. At si Jiyong inalantad rin na 'syota' niya si Hyoyeon. Ayaw niyang tawaging ex.

 

May tumunog naman na di ko alam kung ano sa kama ni Jessica. Buti na lang at wala siya.

 

May nakita akong nalaglag na Frozen na notebook. Cheap naman ng taste nito ni Jessica, pero okay lang kamukha ko naman si Anna.

 

Binuksan ko, dahil wala lang gusto ko.

 

At hindi ko maintindihan, nakaka nose bleed, .

 

'Don't have time to check the date.

 

Dear Diary,

 

We already lost two of us. How 'bout losing one more of it?

 

Jessica Jung.'

 

Ano daw?

 

(Baka maguluhan kayo sa huling POV, gusto ko naman talaga guluhin isipan niyo lol.)

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand