9.

Life of Kim Hyoyeon

9. Strong Heart Part II

 

Tawanan at tawanan lang ang naririnig ko. Pag tingin ko sa aking kaliwa, tawanan nila Seungri ang nakikita ko. Pag tingin ko naman sa kanan ay tawanan nila Yoona ang nakikita ko. Tiningnan ko kung saan nakadako ang tingin ni Yoona, Lee Seunggi. Her boyfriend, is it? (Kunwari si Seunggi parin ang host ng Strong Heart) Speaking of boyfriends, Taeyeon has one, Jessica has one, Sooyoung has one, so with Tiffany.

 

They seem so happy, I guess it will be fine kung aalis na ako? They'll be fine kung wala ng mag luluto ng pagkain para sakanila. Siguro it's time for myself to get leisure. I looked at the staffs, masaya rin sila. Mga nakangiti, parang wala silang inaalala pag andito sila sa show na ito.

 

Hindi ba't dapat oras ito ng kasiyahan, dapat hindi ako nag aalala sa mga problema ko. Yung puso ko, babaliwalain ko muna. Ipaparamdam ko muna sa sarili ko kung papaano maging tao.

 

Seunggi broke a joke, nag iisip ako kung tatawa ako. Either to let myself feel the hard emotions or to save my heart. In the end tumawa rin ako, katulad ng tawa ko kay Boom, tumawa rin ako ng nakanganga. Wala na rin siguro ako dapat alalahanin sa image ko, dahil pag tapos ng pag amin na gagawin ko mamaya, kagagalitan ako ng SONES.

 

Siguro this will be the last time iisipin ko ang OT9 noon. Noong unang beses kaming pumunta dito, kinakabahan pa sila. Ako bilang sanay sa variety, hinihingian nila ng advices. Pumasok kami sa set ng nakayakap saakin si Tiffany. Pumasok kami sa set kung saan, nagagalit si Taeyeon kung bakit hindi ko siya nilutuan ng almusal.

 

Nakakamiss rin pala ang mga yakap ni Tiffany at boses ni Taeyeon. Wala na akong lakas ng loob na pakinggan pa ang kanta namin dahil narin siguro hindi ko na kayang alalahanin ang nakaraan. Sa pag alala ko ng samahan namin dati, ay siyang pag sikip ng pakiramdam sa dibdib ko. It's been a while, ng naramdaman ko ulit to.

 

Tumingin ako sa likod ko, andito si Sunny. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakaniya, o baka alam niya na? Sa tuwing kausap ko siya, lagi siyang merong hint na pinapakita. Pitong buwan, pag binilang ang pitong buwan, yun yung mga araw na hindi ko pa alam ang sakit ko sa puso.

 

Hinawakan ko dibdib ko, wala akong dalang bag ngayon dahil na sa manager ni Jiyong. Hindi ko narin alam kung anong gagawin ko, onti-onti naring sumasakit ang dibdib ko. Nag tawanan nanaman sila, bakit parang ako lang ang nakakaramdam nito?

 

Bakit nga ba parang ako lang ang nasasaktan ngayon? Hinawakan ko ang braso ni Minzy, tumingin naman siya saakin, sasabihin ko ba yung nararamdaman ko? Masaya sila, ayoko pigilan yung kasiyahan nila ngayon. May nararamdaman akong titig sa likuran ko, inikot ko ang ulo ko, si Sunkyu nakatingin saakin, nag aalala ang expresyon. Ngumiti ako, ayokong malaman niya na inaatake ako.

 

Tiningnan ko katabi ko sa kanan, Jiyong. Nasa kanya ang bag ko, hindi ba? Sakaniya ko kaya sabihin?

 

"Jiyong, yung bag ko." Sabay hinga ko ng malalim, kailangan ko pakalmahin sarili ko.

 

"Na kay manager, kailangan mo na ba? Bakit?" Tumingin siya ng nag aalala.

 

"G-Dragon shi, ikaw? Ano ang topic na ilalantad mo ngayon." 

 

Hindi na pwede si Jiyong, kung si Minzy naman sasabihan ko, maski sila CL sasama saakin. Hindi ko pwedeng itigil ang kasiyahan na ito. Sa bawat segundo na lumilipas, ay siyang lalong pag sikip at pag sakit ng nararamdaman ko sa dibdib ko. Hindi ko na kaya.

 

"Jiyong, dalhin mo ko sa labas. Please. Kunin mo narin bag ko." Bulong ko sakaniya, habang nakatingin ako sa baba

 

Sakaniya naipokus ang camera, kaya't may posibilidad na makita sa telebisyon ang kalagayan ko ngayon. Nagulat na lang ako ng tumayo si Jiyong at itinayo ako.

 

"Chae, kunin mo bag niya kay manager nim." Utos ni Jiyong kay Chaerin.

 

Nag kakagulo na ang mga staff at mga guests ng Strong Heart, dapat talaga tiniis ko itong nararamdaman ko. Nag kunwari akong masakit lang ang ulo ko at lumabas, ang sabi ko nahihilo ako.

 

Nandito na kami sa labas, dinala narin ni Chaerin ang bag ko, pero pinabalik siya ni Jiyong. Gusto niya akong samahan kaso, ayaw ni Jiyong. Sabihin niya na lang daw sa staffs na muntikan na ako mahimatay, pakiusapan narin daw na iedit ang nangyari.

 

Mukhang alam narin ni Jiyong ang tunay na nangyayari saakin. Agad niyang ibinigay ang gamot saakin at pinaupo ako sa gilid. Bumili siya ng tubig sa vending machine.

 

"Sana sinabi mo agad Hyo. Edi sana naagapan pa. Hyo naman eh."

 

"Kwon Jiyong, manahimik ka muna please." 

 

Hawak ko parin dibdib ko, si Jiyong naman pinapaypayan ako. Dapat talaga umpisa pa lang, tinigilan ko na to eh. Edi sana hindi na naitigil yung kasiyahan nila.

 

"Jiyong, balik ka na dun, kaya ko na 'to."

 

"Hindi na, hintayin kita. Okay ka na ba?" Hinihipan rin niya ako.

 

Mga ilang minuto na rin nakalipas, gumagaan narin pakiramdam ko, pinapaypayan niya parin ako at hinihipan pero pabayaan na. Salamat parin sakaniya dahil naagapan yung atake ko.

 

Tumayo narin ako, inaalalayan niya parin ako. Baka raw bigla akong bumagsak. "Hyoyeon, buhatin kita gusto mo?" 

 

"Jiyong, okay lang ako. Kaya ko na. Salamat." Ngumiti naman siya, kinuha niya gamit ko at dinala papasok.

 

Habang nag lalakad kami papasok ay inaalalayan kami ng staffs, sinabihan narin ni Jiyong na okay na. Pinutol nila ang shooting pag dating namin, tiningnan ko ang pito, yung dalawang maknae nakatingin lang saakin. Si Sooyoung at Yuri nag uusap, yung tatlo, inirapan lang ako. 'Nag iinarte nanaman yan'.

 

Si Sunny naman lumapit saakin. "Okay ka lang ba? Syempre hindi, anong nangyari?" Hinawakan niya noo ko at hinawakan ang leeg ko.

 

"Sumakit lang ulo ko, at nahilo. Mababa kasi blood pressure ko." Pag sisinungaling ko.

 

"Ah ganun ba? Oh sige na, balik na tayo, mag sisimula na ulit yung shooting." Ngumiti siya pero umiwas ng tingin.

 

Nag lakad na ako papunta sa upuan ko, ng biglang may humawak sa bewang ko bilang reflex ko, babatukan ko na sana ng makita ko ang mukha.

 

"Nabighani ka ba sa kagwapuhan ko kaya't di mo naituloy ang balak mong gawin?" Pag mamalaki niyang tanong.

 

Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito sa lalaki na 'to, una sa lahat kanina lang kami nag kausap ng matagal. At bakit parang ang dali niya maclose. Pangalawa, kung di lang talaga gwapo itong lalaki na ito, ay kanina ko pa to nasapak.

 

"Urusai. (Shut up, japanese word)" Sabay lakad ko papunta sa upuan ko, hinabol niya naman ako.

 

Ng lahat na kami ay makaupo sa dapat naming upuan ay sumigaw na ang director. Mag sisimula na raw sa loob ng 2 minuto. Habang hinihintay ko ang dalawang minuto, ay kinukulit naman ako ni CL at ni Park Bom. Ano raw ba talagang nangyari, punta na raw kaming doktor.

 

Tinawanan ko na lang sila, tutal okay narin naman na pakiramdam ko at ilang araw na lang maisasagawa na rin ang operasyon para sa puso ko.

 

"In 3, 2, 1, action!" Sigaw ng director.

 

Sinimulan na rin ni Seunggi ang opening remarks, di nag kalaunan ay nag simula narin ang tanungan ng aaminin. Tulad ng kanina, tinanong na si Jiyong.

 

"So G-Dragon shi, sino nga ba ang ideal type mo? Ayon sa nakasulat sa board sa tabi mo ay magaling ito sumayaw." Tanong ni Seunggi sa lalaking nakangiti sa tabi ko.

 

"Gusto ko yung magaling sumayaw, yung sasakto lang sa height ko." Sabay tingin ni Jiyong sa kaliwa. 

 

Tumingin ako sa mga katabi ko, 2ne1 ang katabi ko. Magaling sumayaw na sasakto sa height niya, ah si Minzy! Kaso masyadong bata si Minzy para sakaniya. Si Chaerin, pwede sila rapper si Chae at marunong naman siya sumayaw.

 

"Is it Hyoyeon shi? She dances well at nung nakita ko kayo kaninang mag kasama, sakto lang ang height niya para sayo!" Sabi naman ni Boom.

 

Nagulat ako ng marinig ko pangalan ko at napatingin ako kay Boom, tumawa naman ang katabi ko. At tinakpan ang bibig niya, problema nito ni Jiyong.

 

"Ayaw mag salita ni G-Dragon shi, kaya't lumipat na tayo kay Hyoyeon shi!" 

 

Lumipat ang camera sa mukha ko at ngumiti naman ako. "So Hyoyeon shi, ang nakalagay sa board sa tabi mo ay 'Friendship that's maybe already been over since the last 3 years.' Bakit?" Hindi pa ba halata?

 

Huminga muna ako ng malalim at ngumiti kay Seunggi. "Meron kasi akong mga kaibigan, lagi kaming mag kakasama." Ngumiti ulit ako, lahat naman sila nakikinig saakin.

 

"But the last 3 years, everyone changed. Everything. Pakikitungo nila saakin, at may mga times na pag nakakasalubong ko sila ay parang hindi nila ako kilala." I cleared my throat.

 

"To be honest, umaasa ako na maibabalik pa yung pinagsamahan pero kasi nakakapagod narin mag hintay ng 3 taon. Sa buong barkada, ako lang talaga yung ginanito nila." Hinawakan ako ni Minzy. Napatingin naman ako sakaniya.

 

Nasimulan ko na eh, lilinisin ko na lang pangalan ni Sunny. Kailangan ko narin mailabas yung gusto kong ilabas.

 

"Pero sa barkadang iyon, may isang nag paramdam saakin na kasama parin ako. Kaya't nag papasalamat ako sakaniya, kasi siya na lang ang nag paparamdam saakin sa barkada na iyon na hindi ako mag isa." Tinapos ko na ang dapat kong sabihin.

 

"Hyoyeon shi, are they idols or not?" Etong tanong na 'to ang iniiwasan ko, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

 

Sasabihin ko ba kung idols o hindi? Kung hindi ako mag sasalita, people will assume na idols. Sabagay idols naman kasi talaga pero, reputasyon ng SNSD. Kung sabihin kong hindi, hindi naman bobo ang mga tao. Sasabihin nilang sinabi ko lang iyon para maprotektahan ang SNSD, ang mga haters naman sasabihin bakit ko pa inamin kung pag tatakpan ko rin naman sila.

 

"I'll just stay silent kung idols ba sila o hindi. Pero yung sinasabi kong nag paramdam na kasama parin ako ay idol. Bahala na kayo kung iaassume niyong idols sila o hindi." Ito na lang ang pinaka safe na naiisip kong isasagot.

 

"Okay, let's move on. I hope your friendship will get better. I wish you well. Di na ako mag tatanong further the line. I respect the privacy." Buti pa siya, marunong rumespeto.

 

Kinausap niya naman si Sunkyu. Gustuhin ko man pakinggan ang sinasabi ni Sunkyu ay ginugulo naman ako ni Jiyong. Tinatanong niya ako kung sino raw ba yung sinabi ko kanina.

 

"Yah. Sinabi ko sayo yung kay Kiko, maski sila CL, pati nga members ko hindi alam. Grabe naman Hyo." Bulong niya saakin.

 

"Jiyong, mamaya sasabihin ko sayo, promise. Papakinggan ko lang yung sinasabi ni Sunkyu." Napalingon siya sa SoShi.

 

"Sinong Sunkyu?" Bulong niya nanaman saakin.

 

"Si Sunny." Lumingon na ako kay Sunny.

 

"Alam mo kung ano ang tinatago ng sinasabi mong kaibigan mo? Bakit di mo sabihin sakaniya?" Ano daw?

 

Tumingin ako kay Sunny. "Ganon na nga, ayoko naman sabihin sakaniya kasi gusto ko siya mismo mag sabi, nalaman ko lang din yung sikreto na yun last 7 months." Lagi na lang pitong buwan naririnig ko sakaniya

 

Agad rin naman niyang tinapos ang sinabi niya. Kung babalikan ko ang mga sinabi ni Sunkyu, hindi ba't lahat ng iyon tugma saakin? Sabagay, hindi lang naman ako ang nag iisang kaibigan ni Sunny, malay natin hindi pala ako.

 

Malapit narin matapos ang shooting, si Taeyeon na lang at si Tiffany. Wala narin naman na akong balak pakinggan yung sasabihin nila, dahil nabasa ko narin naman na kanina. Kay Taeyeon, tungkol lang naman sa relasyon niya kay Baekhyun. Kay Tiffany naman, tungkol lang rin naman kay Nickhun. Tinanggalan ko narin sarili ko ng karapatan mangelam sa relasyon nila sa iba kaya't pinabayaan ko na.

 

Makikitawa na lang ako, sa tuwing may tatawa. Wala narin ako sa mood, nahihilo narin kasi ako. Side effect ng gamot ko. Si Jiyong naman kinukulit parin ako.

 

"May schedule ka ba mamaya?" Tanong niya nanaman, buti hindi siya nakikita sa camera?

 

"Wala." Tinatamad kong sagot, nakatingin ako ngayon sakaniya.

 

"Samahan mo ko? Saglit lang tayo, ay hindi joke. Baka mag tagal tayo." Napatingin naman siya bigla sa harap ng tinawag pangalan niya.

 

May pinag uusapan yata sila tungkol kay Jiyong. Tiningnan ko ang camera, nakatutok saamin. Ngumiti ako at tumingin kay Seunggi. "G-Dragon shi, anong masasabi mo sa episode ngayon?"

 

"I had a lot of fun. It's been a while, lagi narin kami na sa Japan." At ngumiti na lang sa camera.

 

"Hyoyeon shi?"

 

"Ah yes, tulad ng sabi ni Jiyong, I also had a lot of fun. Lalo na rin ng nailabas ko na rin yung sama ng loob na meron ako." 

 

Ginawa na ni Seunggi ang ending remarks, lahat narin kami nag paalam. "3, 2, 1, cut! Salamat sainyong lahat!" Sigaw ng director.

 

Dumiretso na ako sa manager ng Big Bang at kinuha ko na ang bag ko, nag pasalamat na rin ako. Buti na lang rin at babae ang manager nila. Gusto sana ako isama nung manager nila sa YG, gusto raw kasi ako makita ni Mr. Yang, umayaw rin ako, ang sabi ko wala pa akong final decision. Kailangan ko muna mapa opera puso ko bago ako pumirma.

 

Didiretso na sana ako sa kotse ko ng may humila nanaman saakin, trip na trip ba nila akong hilain? Tiningnan ko kung sino nga ba ang humila, Tiffany?

 

"Anong nangyari sayo kanina?" Tanong niya naman saakin, nag aalala ba 'to? Hindi naman siguro.

 

"Wala, nahilo lang ako, mababa na blood pressure ko." Tiningnan niya lang ako ng matagal, tsaka niya ako binitawan.

 

Nag lakad na siya papunta kela Taeyeon, si Yoona naman gustong lumapit saakin kaso pinipigilan ni Yuri, paano ko nasabing pinipigilan? Hinahawakan niya sa braso, habang si Yoona nakatingin saakin. 

 

'I'll get going then? Text mo na lang ako. Bye.' I mouthed. Baka masabihan ng masasakit na salita yan si Yoona pag sumama yan saakin. Ako na lang mag aadjust. Pag talikod ko ay nakita ko si Sunkyu, niyakap ko siya agad. 

 

"I promise, I'll clean your name."

 

Hinimas niya lang likod ko, matagal rin kaming mag kayakap ng ganito. Bago niya ikinalas ang yakap. "Is that thing working well?" Sabay turo niya sa dibdib ko?

 

Alam niya kaya? "You held your chest earlier nung nakita kitang nahihilo na. Okay lang ba yan?" So hindi niya alam?

 

"I'm fine, sabi ko nga sayo yung blood pressure ko. Nanakit lang dibdib ko kanina bigla, pero nawala rin agad." Nag sinungaling nanaman ako.

 

"Is that so? Pa check mo yang dugo mo ah, ayokong may mangyari sayo. Sige na, I have to go to my uncle. May iuutos siya." 

 

"Give him the best wishes then, say it's from me." Sigaw ko ng paalis na siya.

 

Ngumiti na lang siya saakin, nag lakad na ako papunta sa kotse ko. Kailangan ko rin pumunta ng doktor.

 

Malapit na sana ako sa kotse ko ng may kumuha ng bag ko, at umakbay sa balikat ko. Siya nanaman? Lumingon ako sakaniya, mag sasalita na sana ng nakita kong ngumiti siya, nag init ang pakiramdam ko sa pisngi ko. Humarap ako sa gitna, ' his smile then.' At tuluyan na akong nanahimik.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand