16.

Life of Kim Hyoyeon

16. A visit from?

 

Hinayaan ko lang siyang umalis. Masama ang loob niya, nagagalit siya at kasalukuyang nasasaktan rin siya. Lahat ng ito ay dahil saakin. Bakit ba hindi ko naisip na hindi lang pala ako ang nag durusa? Bakit hindi ko naisip na maging mas maingat sa pag tago ng sikretong meron ako ngayon? At bakit hindi ko pinag ingatan ang sikretong nag ka dahilan kung bakit maski si Sooyoung nasasaktan?

 

Kung umpisa pa lang, umalis na ako ng SNSD edi sana, hindi niya pa nalaman. Hindi nila maintindihan, at hindi ko rin maintindihan. Bakit ba si Yuri pa rin ang pinaka gusto kong myembro samantalang si Sooyoung nag papaka tapat saakin?

 

Bakit ko raw ba siya pinigilan sa gusto niyang gawin? Bakit ko raw siya pinigilan na ipaglaban ako kay Yuri? Bakit ko raw ba siya inutusang sundin si Yuri? At bakit raw ba lagi na lang si Yuri at Yuri na lang?

 

Bakit nga ba?

 

Nakita kong kinausap siya ni Yuri sa may kusina, syempre wala akong karapatang mangelam, pero kahit na ganon, nakinig pa rin ako. Hindi ko rin alam kung bakit nga ba ako nakinig, parang may nag sabi lang saakin na makinig sa sasabihin ni Yuri.

 

Hindi nga naman ako nag kamali, tungkol nanaman iyon sa pag iwas saakin, at pag trato ng iba saakin. Kahit na gusto kong tanungin kung bakit nga ba nila ginagawa iyon, ay para bang wala na rin akong karapatang mag tanong.

 

Sa huli, nakita rin ako ni Sooyoung, pinaalis niya si Yuri, at sinabing hindi siya pumapayag. Nagalit man si Yuri ay hindi niya na pinakelaman. 

 

Sobrang linaw pa sa memorya ko ang nangyari, kahit na hindi ko na rin maalala ang mga masasakit na salita na sinabi ni Yuri, ay masasabi kong malinaw pa rin ang ekspresyong nakita ko sa mga mukha niya.

 

Unang tanong na itinanong saakin ni Sooyoung ay 'Bakit ka ba pinag tutulungan?'. Kahit na gusto kong sagutin ang mga katanungan niya ng mga oras na iyon ay hindi ko rin magawa, kasi wala rin saakin ang sagot na hinihingi niya. Hindi ko alam kung bakit nga ba, hindi ko alam kung hanggang kailan.

 

Kahit na nasasaktan ako ng mga oras na iyon, iniutos ko kay Sooyoung na sundin niya si Yuri. Bakit? Kasi mahalaga saakin si Yuri, mahalaga rin si Sooyoung. Para sa ikabubuti ng lahat, ipinilit ko sakanya ang pag sunod na iyon.

 

Sa mga unang taon ay natatanggap ko pa ang pag daan-daanan namin ni Sooyoung, laging nakatanim sa utak ko na ako ang may kagagawan at ang may kasalanan. Kaso sa mga sumunod na taon, ay para bang lumala. Para bang hindi na siya ang Sooyoung na kilala ko, hindi ko alam kung kagagawan rin ba nila ito, o sarili niyang desisyon.

 

Masyado niya akong tinitingala, masyado niya akong iniidolo. Dumating na rin kami sa puntong hindi ko kinayang ibalik ang pag titingala at pag iidolo na iniaalay niya saakin, kaya't nag kaaway kami.

 

Nasasaktan ko siya, oo. Tao lang rin naman kasi ako, kailanman hindi ko nagawang ipilit sa sarili ko na baliwalain si Yuri dahil si Yuri ang paborito ko.

 

Ipinaubaya ng namatay na ina ni Sooyoung si Sooyoung saakin. Madalas niya rin daw akong maikwento sakaniya kaya't saakin niya ito ipinaubaya.

 

Tinanggap ko ng buong loob iyon, kaya't nag karoon ako ng responsibilidad na protektahan si Sooyoung kaya't ginawa ko iyon sakaniya. Ayokong ipaalam sakaniya dahil ayoko ng masaktan pa siya, dahil ipinangako ko sakaniyang hanggang sa huli, aalagaan ko siya.

 

Bakit ba ako nasa kwartong ito? Ang lungkot, sobrang lungkot. Ng buhay ko, pati na rin ng nangyayari sa buhay ko. Lahat malungkot. Bakit ba parang ayaw ng tadhana saakin? Lagi na lang mahirap, at nahihirapan.

 

Sumasakit man ang mata ko sa mga ilaw na nasa kisame ng kwartong ito, nakatulala pa rin ako dito. Gusto ko ng matulog, gusto ko ng mag pahinga. Kahit pansamantala gusto kong makalimutan lahat ng problema ko. Kahit sa saglit na panahon lang, maipahinga ko ang utak ko sa lahat ng iniisip ko.

 

Ang lungkot ng buhay, kahit na gaano ko gustong maging masaya, hindi ko magawa.

 

Ipinikit ko ang mga mata ko, dumadaloy na ang kaantukan sa dugo ko. Ibinlangko ko ang utak at isip ko, matutulog na ako.

 

*

 

Nakakaramdam ako ng pag kati sa balat ko, ayokong kamutin, pero hindi na rin mapigilan. 

 

Iminulat ko ang mga mata ko at pilit na inalala kung ano nga ba ang napanaginipan ko, ang naisip ko lang ay blanko.

 

Siguro wala na ring tiyansa na maalala ko pa iyon. Tiningnan ko ang bintana, madilim na ang paligid. Wala na akong nakitang mga sinag ng araw sa kurtinang nakalagay sa bintana na meron dito.

 

Mukhang matagal rin pala akong nakatulog, kahit papaano naipahinga ko ang sarili ko sa kaiisip ng mga bagay na haharapin ko nanaman ulit, ngayong nagising na ako.

 

Pinilit kong umupo kahit na ang sakit sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ako. Medyo nanlabo rin ang mga mata ko dahil sa biglaang pag bangon ko.

 

Inilibot ko ang paningin ko, walang nag bago, walang senyales na nag karoon ako ng bisita ng mga oras na tulog ako.

 

"Hyoyeon!" Isang sigaw na hindi ko alam kung nanggaling ba sa imahinayon ko o sa lugar na kinalalagyan ko.

 

Hinanap ko ang boses na narinig ko, at idinako ako ng mga mata ko sa isang lalaking maputi, may blonde na buhok, may katangkaran na rin at payatot. Lalaking isa sa dahilan kung bakit namomroblema ako sa mga nabasa ko sa balita.

 

"Anong ginagawa mo dito?" Mabilisan kong tanong.

 

"Binibisita ka, ayaw mo ba saakin?" Tumakbo naman siya para lumapit saakin.

 

"Hindi naman sa ayaw ko sayo, ang problema hindi ka nanaman ba maissue saakin?" Depensa ko sa sarili ko.

 

Kung sasabihin kong ayaw ko sakaniya, nag sisinungaling ako.

 

"Hindi naman sa ayaw mo ko? Ibig sabihin gusto mo ko?" Sinabi niya sa saktong pag upo niya sa kamang hinihigaan ko.

 

Mag katapat lang kami, habang ako na nag tataka pa sa mga sinabi niya, iniayos ang pag upo.

 

"Gusto kita? Ha?" Walang kaalam-alam kong tanong.

 

Hindi ko lang kasi talaga maintindihan ang tanong niya. "Oo, gusto mo ko."

 

"Tigilan mo ko Jiyong, wala akong panahon sa mga ganyan-ganyan mo." Pag dedeny ko ng bagay na dapat ideny.

 

Kahit na gusto ko yung tao, kaibigan ko parin si Kiko. Pinahahalagaan ko na rin ang pag kakaibigan na meron kami. Mahal nila ang isa't isa, bakit ko pa ba kailangan umextra at umepal sa love story na meron sila.

 

"Wala ka naman talagang panahon saakin Hyoyeon." Maikli niyang sabi.

 

"Anong walang panahon?"

 

"Niyaya kita lumalabas, ilang beses na rin pero ang sabi mo may lakad ka. Kaya pala, malaman-laman kong nasa bahay ka o kaya'y may ibang kasama." Hindi pa ba halatang iniiwasan kita?

 

"Kailangan kong mag pahinga."

 

"Syempre kailangan mong mag pahinga, kasama si Youngbae. Kailangan talaga." Sumeryoso na ang mukha niya.

 

Tinitigan ko lang siya, pinilit kong basahin ang utak niya, o kaya'y basahin ang ekspresyon na meron siya. Big deal ba yun?

 

"Akala ko ba kasama mo si Kiko?" Yun rin kasi ang sabi niya saakin.

 

"Umuwi rin siya agad sa Japan. Dahil sa kasama mo si Youngbae, kakalimutan mo agad ako." Mahina niyang daing.

 

"Mahal mo yung tao diba, hindi ba dapat unahin mo siya?"

 

"Pero kahit na Hyoyeon, pantayin mo naman pag trato. Alam kong matagal na kayong close ni Youngbae." Hindi ko maintindihan, anong pantayin?

 

Ngayon na nga lang ulit ako lumabas kasama si Taeyang.

 

"Ano ba talagang problema mo?" Naiinis na ako.

 

Hindi lang rin naman kasi ito yung inaalala ko, may issue pa ako kay Jiyong, may problema pa ako kay Sooyoung at sa SNSD. Gusto ko lang ng pahinga.

 

"May issue tayo ngayon Hyoyeon! Kung makikita ng mga tao yung mga nakuhang pictures niyo ni Youngbae, maiissue ka nanaman." Tinaasan niya ako ng boses?

 

"Bakit ka ba nagagalit? Wala naman akong nakikitang masama sa pag sama ko kay Youngbae, Jiyong."

 

"Hindi ko alam." Tumayo na siya.

 

"Kung ikaw, pwede kay Kiko. Ako bawal kay Youngbae?"

 

"Merong kami ni Kiko. Kayo wala, kaya bakit? Bakit kayo mag kasama?" 

 

Merong sila? Sinagot na ba siya? Sinunod na ni Kiko ang payo ko?

 

"Ganon ba? Walang kami, oo. Wala ba akong karapatan? Sa kaibigan ko? Pasensiya na." Iniiwas ko na ang mga mata ko sa mata niya.

 

Kailangan ko pang pigilan ang sarili ko. Namamasa na rin ang mga mata ko. Ipinamukha lang naman niya saakin na wala na akong pag asa.

 

"Hindi tulad niyo, merong kami, kaya kami may karapatan."

 

"Meron na bang kayo?" Yumuko na ako, ayokong marinig ang sasabihin niya at makita ang pag buka ng bibig niya.

 

Pero kailangan eh.

 

Matagal din siyang nanahimik. Nakakabingi.

 

Mag aasalita na sana siya ng pinigilan ko.

 

"Wag mo ng sagutin." Humiga na ulit ako at ipinikit ang mga mata ko.

 

Wala na bang natitirang paraan para hindi ko na to marinig? Ilagay ko ang unan sa mukha ko at takpan ang tenga ko?

 

Naramdaman ko ring natahimik siya at lumapit saakin.

 

"Hyo? I'm sorry. Di ko sinasadya." Nanginginig ang boses niya habang nag sasalita. Lumapit na siya saakin. Hinahawakan ako pero tinataboy ko rin.

 

Hindi ko kayang tingnan siya sa mga mata niya. Hindi na rin kasi kayang pigilan ng mga mata ko ang pag luha.

 

"Hyo, I'm sorry. Wag ka ng umiyak." Tinanggal niya ang unan sa mukha ko at hinawakan niya ang pisngi ko.

 

Tinaboy ko ang kamay niya at humarap sakaniya.

 

"Wag na akong umiyak? Gago mo, paano ako hindi iiyak?" Tumulo na rin ang luha ko.

 

"Pasensiya na, hindi ko alam." 

 

"Layuan mo ko, ulol." Tulak ko ulit sakaniya.

 

"Yan ba gusto mo? Sige na, pahinga ka na. Tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka." Hinawakan niya ulo ko at hinalikan noo ko.

 

Nakita ko na ring umupo siya sa sofa malapit sa bintana ng kwartong ito.

 

Hindi ko maintindihan, ano bang problema? Wala naman ako nakikitang masama. Gaya ng sabi ko, ayoko ng umepal sakaniya. Sakanila, ayaw ko ng maging third wheel sakanila. Ayoko maging hadlang, ayokong maging hadlang yung nararamdaman ko kay Jiyong para sa kasiyahan nilang dalawa.

 

Kahit na masakit para saakin, ano bang magagawa ko? Ano ba ako? Sakaniya? Sakanila? 

 

Ano ba ako sakaniya? Kaibigan? Hindi ba't kaibigan lang naman ako? Bakit ba ako nasasaktan ng ganito?

 

Ano ba ako sakanila? Sinasabihan lang ng problema nila? Ganon ba? Kahit gaano kasakit, sinabihan kong sagutin ni Kiko si Jiyong. Bakit? Kasi gusto ko maging masaya si Jiyong. Gusto ko ring maging masaya si Kiko.

 

Kahit gaano kasakit, kahit gaano ako kasabik, mas pinili kong sumama kay Taeyang kasi ayoko ng umasa. Kasi ang sakit maging pangalawa, second choice at option lang ako. Gusto ko na ring dumistansiya.

 

Syempre, ano nga ba ako? Bagong pag kakaibigan lang ang meron kami, wala akong batbat sakanila. Lalo na sakaniya.

 

Hindi ko pa rin naman tanggap, pero anong magagawa ko? Sa nararamdaman kong ito, ako at ako lang rin naman ang nasasaktan, masasaktan.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand