20.

Life of Kim Hyoyeon

20. Truth IV

 

Bakit nandito nanaman siya?

 

At bakit kung umasta siya ay parang wala siyang ginawang kasalanan saakin.

 

"Alam ko na yang mukha mo Hyo. I'm sorry, okay." Buntong hininga niyang sambit saakin.

 

"Hindi ata bukal sa loob mo." Mahinang daing ko naman.

 

Hirap man ako tumingin sakaniya pero natitiis ko parin. Sa huli, hinahanap ko pa rin itong mukhang ito.

 

"Hyo naman, please, patawarin mo na ako. Mainit ulo ko nung araw na yun, okay? I'm sorry." Tinitigan niya ako sa mata.

 

Hindi ko mawari kung seryoso ba siya o sadyang wala lang siyang mapuntahan kaya pumunta yan dito.

 

"Wala naman akong pake kung mainit ulo mo, at wala rin naman kasing nag tanong." Pag babara ko sakaniya. 

 

Hindi naman kasi pwede maging rason ang init ng ulo para sigawan niya ako at kagalitan nung araw na iyon.

 

Hindi naman siguro sigawan, tinaasan lang ng boses.

 

"Binabara mo nanaman ako eh, ngayong gusto ko mag explain, ayaw mo. Tsk."

 

"Hiningi ko ba eksplenasyon mo?" Pag babara ko nanaman.

 

"Gulo niyo rin kasi eh, sinasabi niyong di niyo naman hinihingi eksplenasyon pero nag dedemand kayo ng nag dedemand."

 

Nag init ulo ko bigla sa sinabi niya. Sa lahat ng oras na mag kasama kami, hindi ako ang namili ng lugar, hindi ako nang under. Aba kelan ako nag demand sakaniya. "Hoy Jiyong-" Napatigil ako sa hapdi ng sugat ko dahil sa biglaang pag upo ko, at dahil na rin sa sinabayan niya pag sasalita ko.

 

"Okay, I'm sorry, mali na sinabi ko. Di ka nag dedemand, I'm sorry." Tumayo siya at nag bow ng nag bow sa harapan ko.

 

Tiningnan ko muli siya, bagong kulay ang buhok niya, at naka sando't shorts lang siya.

 

"Bakit ganyan itsura mo?" Diretsahang tanong ko sakanya.

 

Medyo mahapdi pa rin naman yung sugat, hindi naman ito nag buka panigurado.

 

Tiningnan niya muna ang kasuotan niya at tumingin saakin. Matapos niyang tingnan ang sarili niya ay tumingin na siya saakin at umupo sa upuan.

 

"Naiinlove ka ba?" Sagot niya ng may halong lakas ng loob.

 

Nagulat ako bigla sa tanong niya at napatigil sandali. Malamang sa malamang hindi niya nakita ang pag pula ng pisngi ko dahil hindi naman nakabukas ang ilaw ng kwarto ko, tanging ilaw lamang sa labas ang nag bibigay liwanag sa lugar na kinalalagyan namin.

 

Nanatili ang mukha ko sa seryosong ekspresyon at nakatingin lamang sakaniya.

 

"O baka naman ikaw na naiinlove sakin?" Daing ko naman sakanya. 

 

Kung biro siya ng biro, pwede na ring biruin ko siya sa ganitong bagay hindi ba?

 

"Wag ganyan Hyo, may syota ako."

 

Pumasok sa tenga ko ang mga salitang binitawan niya. Oo nga naman, may syota siya. Ano nga bang sinasabi ko.

 

Pero kahit na biro ang lahat ng sinabi ko, bakit ang sakit?

 

"Asan si Kiko?" Pag iiba ko ng topic ng pinag uusapan namin.

 

Mas okay ng lumayo sa mga bagay na nakakasakit.

 

"Bakit parang mas namiss mo si Kiko kesa saakin?"

 

Nanahimik lang ako sa tanong niya. Wala akong balak sagutin yan, dahil sa totoo lang, hindi ko naman talaga gaanong namiss si Kiko. Siguro miss ko rin naman, mas namiss ko lang talaga siguro yung lalaki dito sa tabi ko.

 

"Si Kiko?" Pag uulit ko ng tanong ko.

 

"Ba't mo ba iniiba topic?" Pangungulit niya nanaman saakin.

 

"Kasi nga gusto ko malaman kung nasan si Kiko." Seryosong mukha kong sinabi sakanya.

 

Napakamot siya ng ulo niya saglit at tila bang naiirita.

 

"Teka nga, okay na ba tayo?"

 

"Walang tayo. At bakit kailangang maging okay?" Pag sasampal ko ng katotohanan sa sarili ko.

 

"Ouch Hyo, ganyan ka na ba kabitter sakin." Umarte siyang parang nasaktan talaga ang puso niya.

 

Pinabayaan ko na lang ang mga emosyon na dumaan saakin at binaliwala ang mga ginagawa niya.

 

Upang mabalik sa tamang landas ang pag uusap namin, tatanungin ko ulit siya."Uulitin ko, nasaan si Kiko?"

 

"Nasa puso ko." Isang deretsahang sagot.

 

Ano ba dapat kong maramdaman? Hahaha.

 

Dapat ba akong matuwa, kasi seryoso si Jiyong sakanya? Pero hindi eh, masakit kasi eh. Sobra.

 

Panandalian akong nanahimik at hindi na ako nag isip ng mga dapat pang sabihin.

 

"Hindi mo ba pwedeng tigilan yan at sagutin mo ng maayos ang tanong ko?" Naiinis na may halong nasasaktan kong sagot sakaniya.

 

Hindi naman ako naiinis dahil mahal niya si Kiko, naiinis ako, kasi paulit-ulit na lang. Yung pag papamukha saakin.

 

Nasasaktan ako kasi masakit. Wala ng iba pang eksplenasyon, masakit lang talaga.

 

"Wag ka na mag selos Hyo. Nasa puso rin kita, mas lamang lang talaga si Kiko."

 

Hindi pa ba siya nag sasawa sa pag papamukha saakin na mahal niya si Kiko? 

 

Hindi pa ba sapat yung tuloy-tuloy na pag bigkas ng mga masasakit na salita?

 

"Kwon Jiyong." Sinabi ko ito ng may emosyon. 

 

Hindi ko na napigilan, siguro narinig niya ang pag piyok ko ng konti sa pag bigkas ng pangalan niya.

 

Naramdaman kong namasa ang mga mata ko, kahit na bawal akong makaramdam ng kahit na anong emosyon ngayon ay hindi ko nagawang pigilan. Nasasaktan na ako ng sobra.

 

"Ito naman, sorry na. Nasa Japan, may shooting, bawal pa daw siya umuwi." Lumapit siya saakin upang tingnan ako.

 

Agad-agad kong pinunasan ang mga luha sa gilid ng mata ko.

 

"At ikaw, bakit ka nandito?"

 

"Kasi gusto kita makita." Isang masayang ngiti nanaman ang nakita ko galing sakaniya.

 

Hindi naman siya nakakatulong eh.

 

*

 

Sa ngayon ay nakaalis na siya, pinilit ko siyang umalis. Wala rin ata siyang alam na naisagawa na ang operasyon ko ngayon at pinipilit niya akong mag libot ng ospital, pero dahil nga sa sugat ko, ay umayaw ako.

 

Gaya ng nauna kong sinabi, hindi siya nakakatulong. Ng dahil sa mga ginawa niya at sinabi niya, nawala lahat ng sinabi kong titigilan ko na ang nararamdaman ko para sakanya. 'Kasi gusto kita makita.' Paulit-ulit ko itong naririnig sa isipan ko.

 

Hindi ko namalayang napangiti ako.

 

Hindi naman na ako nag hahangad pa ng higit pa sa pagiging kaibigan lang. Masaya naman na ako kahit maski pag kakaibigan lang maibigay niya.

 

Sana kasi hindi na niya ako nilapitan nung shooting para sana hindi na bumalik pa nararamdaman ko sakaniya.

 

Wala rin namang silbi kung sisisihin ko siya. Sa ngayon, ay masaya ako para sakanila ni Kiko, kahit na di sang ayon nararamdaman ko.

 

May naririnig akong nag riring sa lamesa, ng tiningnan ko ito, nakita ko ang cell phone ko. Agad-agad mo rin naman ito makikita dahil walang ilaw kaya't yung screen na lumiwanag bigla ang nakita ko.

 

Alam kong bawal ako humawak ng cellphone ngayon pero, may tumatawag kasi, ayoko namang pag hintayin, o kaya'y isnob ang tumatawag.

 

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Unknown number ang nakalagay, imposibleng fans to dahil wala ng nakakaalam ng number ko maski nga manager hindi na alam.

 

Sasagutin ko ba? Baka kasi spam 'to.

 

Huminto ang tawag, kung kelan sasagutin ko na ay tsaka niya inihinto.

 

Ibabalik ko na sana sa lamesa ng nag ring ulit ito.

 

Sagutin ko na nga lang.

 

"Hello?" Nag aalanganin kong sagot.

 

"Unnie."

 

Nawala ako panandalian sa tamang pag iisip, paano niya nalaman numero ng cell phone ko?

 

"Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin unnie, pero pwede ba kita puntahan diyan?" Alam niya pa kung nasaan ako?

 

"Kanino mo nalaman number ko?"

 

"Tiffany unnie." Mahinang sagot niya.

 

Natatakot siguro siya dahil baka pagalitan ko si Miyoung. Hindi pa rin siya nag babago.

 

"Paano mo nalaman kung nasaan ako?"

 

"Tiffany unnie."

 

*

 

Ibinaba ko na ang cell phone ko sa lamesa.

 

Bakit sinabi ni Miyoung sakaniya, yung sakit ko? Bakit sinabi ni Miyoung sakaniya kung nasaan ako?

 

Ang gulo.

 

O baka naman tulad nila Sooyoung, may alam na rin siya? Pero hindi, lagi siyang wala sa bahay, wala rin siyang malalaman kung sakaling nasa bahay siya dahil hindi naman kami nag kakatagpo ng landas.

 

Ngayon raw ay nasa parking lot na siya ng ospital, plano niya na talagang pumunta rito kaso baka raw magulat ako sa biglaang presensya niya kaya't napag pasyahan niyang tawagan muna ako.

 

Narinig ko na ang sirit ng pintuan sa aking kaliwa, napatingin naman ako agad, tutal at hindi nakabukas ang ilaw ay baka mamaya, ibang tao ito, kahit na ineexpect kong siya ito.

 

"Masaya ako unnie." Mahinang sambit niya ng nakapasok siya.

 

"Makikita na rin kita ng malapitan." Patuloy niyang sinabi.

 

"Ng walang pumipigil saakin." Pahina niyang sambit saakin at tila bang lumungkot ang boses niya.

 

Lumapit na siya saakin at tila ba yayakapin ako. Aga ko namang pinigilan.

 

"Yoona, yung sugat." Nag taka siya bigla.

 

Mahahalata naman sa ekspresyon dahil malapit lang siya saakin kahit na madilim ay makikita mo parin.

 

"Sugat?"

 

"Sa operasyon, baka bumuka."

 

Nanlaki mata niya sa sinabi ko. Ang akala ko ba alam niya? Alam ni Miyoung na may operasyon ako ngayong araw.

 

"Anong operasyon unnie?" Umupo siya sa upuan.

 

Pero saktong pag upo niya at tumingin agad siya saakin.

 

"So tama nga hinala ko?" Sabi na nga ba may alam na talaga siya, umpisa pa lang.

 

"Anong hinala?" Kunwaring walang alam kong tanong sakaniya.

 

"Puso?" Patanong niyang sinabi.

 

Ngumiti siya panadalian at iwinagayway niya yung kanyang kamay sa aking harapan.

 

"Wag mo na sagutin unnie, alam ko na." Lumungkot bigla ang mukha niya.

 

Malaking bagay na rin na sakanya naitutok ang sinag ng ilaw.

 

"Yung gamot mo."

 

"Akala mong wala ako sa bahay, pero andun ako, umiiyak ka, habang pinapalo mo dibdib mo, may iniinom kang gamot at may nakahandang oxygen sa tabi mo." Nakatungo niyang sabi saakin.

 

"Hindi naman kita makausap dahil alam kong ayaw mong ipaalam." Tumawa siya ng mahina.

 

"Hinayaan lang kitang mag hirap at masaktan mag isa." Kitang-kita ko ang mga luha niya pati ang pag sisisi niya sa sarili niya.

 

"Nung nag away kayo ni Jessica unnie at Taeyeon unnie, kasama mo si Sunny unnie, hindi mo alam na napanuod namin ni Seo yun, hindi ba unnie?" Alam kong nasa kusina sila at umiiyak.

 

"Nakita ko kayo." Mahinang sabi ko.

 

"Maski pag iyak mo sa kwarto, napanuod namin ni Seo, unnie."

 

"Bilib na bilib ako sayo unnie, paano mo natago saamin yan?" Tumawa siya ng mahina, kasabay ng pag iyak niya.

 

Iniiwas ko ang tingin ko kay Yoona, ganito rin ang mukha niya noong lumapit siya saakin dahil sa sinabi ni Taeyeon.

 

Naririnig ko ang pag hikbi niya. Namamasa na rin ang mga mata ko.

 

"Hanggang ngayon unnie hindi mo pa rin kaya na umiiyak ako? Kami?" 

 

Mas naluha ako sa sinabi niya, totoo naman. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang sikmurain ang pag iyak nila.

 

"Kahit na ilang beses ka na naming sinaktan, ganyan ka pa rin?"

 

Tumulo na luha ko, tama naman kasi talaga siya eh. Ilang beses na nila ako sinaktan physically and emotionally pero pinapakinggan ko pa rin sila, ang tanga ko lang.

 

Pero alam ko kasi yung sagot sa katanungan niya eh.

 

"Yoona, mahal ko kayo eh. Kahit na ilang beses niyo ko saktan at ipagtabuyan hindi mababago nun yung katotohanang mahal ko kayo, kayong walo."

 

Napa ismid siya sa sinabi ko.

 

"Have you ever thought that your love is the one that is causing you your pain?"

 

Ang pag mamahal ay kasama ng sakit. You can never say that you love someone, when you can't feel any hurt when you lose them.

 

"Oo naman, pero diba, kayo nakasama ko for 7 years, 3 years of pain is fine."

 

Tumayo siya at lumapit saakin, naka upo naman na ako kaya't naaninag ko pa rin siya.

 

"Wag mong akuin ang kasalanan Yoona. Wala kang kasalanan."

 

"Pero hindi kita ipinag tanggol, para sa taong ipinaglaban ako, bakit hindi ko nagawang ipaglaban rin siya?" Sinampal niya ang sarili niya ng ilang beses.

 

Ganito nanaman siya, nagiging miserable nanaman siya sa bagay na wala naman siyang kasalanan.

 

Hinawakan ko ang mga kamay niya at hinila siya papunta saakin. "Kahit na anong sabihin mo Yoona, gustong gusto mo si Jessica at Taeyeon and I, understand that."

 

"Yun na nga unnie! Hindi ko maintindihan! Wala akong maintindihan! Bakit ba kasi ganito?" Tumaas na ang boses niya at nag simula na siyang pumiyok.

 

Pinaupo ko siya sa higaan ko at hinawakan ang ulo niya.

 

"Hindi ko alam Yoona, bakit nga ba ganito?" 

 

Tinitigan niya lang ako at nag simula nanaman siyang umiyak. 

 

Tumulo nanaman ang luha ko dahil nanaman sa nangyayari ngayon.

 

'Unnie sabihin mo nga saakin, hindi ba ako karapat dapat sa SNSD?' Bumalik sa isipan ko ang mga salitang tinanong niya saakin dahil sa sinabi sakaniya ni Taeyeon.

 

Ang sabi ni Taeyeon sakaniya ay hindi siya karapat dapat sa SNSD dahil di naman siya marunong kumanta at sumayaw. Dahil mukha lang ang meron siya, at kung mawawala siya, wala namang mababago sa SNSD.

 

Hindi ko maintindihan, bakit nga ba hanggang ngayon gustong-gusto niya pa rin si Taeyeon at Jessica. Hindi ko mawari kung bakit.

 

Ayoko ng makita siyang umiiyak dahil ayoko ng makita pa muli ang mukha niyang nang hihingi ng tulong, yung mukhang miserable. Naawa na ako sakaniya ng sobra.

 

Kaya siya nag pursigi sa pag arte, para kahit naman daw papaano, may maipakita siyang kaya niya. Kahit man lang daw papaano, mabago ang tingin ni Taeyeon sakaniya, ng iniidolo niya.

 

Ipinagtanggol ko siya, kaya siguro isa yun sa dahilan kung bakit nagagalit saakin si Jessica. Umaarteng kakampi ni Yoona si Jessica, hindi siguro umaarte, siguro kakampi talaga. Pero nung ako ang nakipag away kay Taeyeon dahil sa sinabi niya, yun ang panahon kung saan sinabi ni Yoona na mas nirerespeto niya ako kesa kay Jessica.

 

Hinila ko siya papunta saakin at niyakap ko ito, hinaplos ko ang buhok niya habang umiiyak siya, kung yung sugat man ang inaalala ko, okay lang. Mas mahalaga, mapatahan ko siya.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand