21.

Life of Kim Hyoyeon

21. Celebration.

 

Tatlong araw na pala ang nakalipas simula ng maoperahan ako, tatlong araw na rin ang nakalipas simula ng pakikipagusap ko kay Yoona. Sa tatlong araw na iyon ay dinadalaw-dalaw na ako ni Seohyun at Miyoung. Minsan ay duon na rin sila natutulog. Ayon sakanilang dalawa, wala pa naman raw alam sila Taeyeon at Jessica sa nangyari saakin, ang alam lang daw nila ay ayos na kami.

 

Nung una raw ay nagalit si Taeyeon kay Miyoung pero sa huli naman daw ay ipinaglaban niya rin ako.

 

Sa tuwing ikinukwento ni Miyoung iyon ay natutuwa ako, dahil hindi ko naman hinangad na kampihan at ipaglaban nila, niya ako, pero ipinag tatanggol niya ako. Kahit papaano, nakakagaan ito ng kalooban.

 

Si Seohyun naman ay nananatiling tahimik, ayaw niyang mag salita palagi pag kasama niya si Miyoung dahil siguro naiilang pa siya rito. Ang akala raw kasi niya, maski si Tiffany unnie niya ay kasama sa nag plano ng lahat. Pero dahil sa sinabi ni Miyoung nung panahong pupunta siya sa kwarto ko ay nawala naman daw ang pang hihinala niya. Inaakala niya rin na maski si Miyoung ay ayaw sakaniya kaya't madalas, nag uusap kami ni Seohyun pag wala si Miyoung.

 

Sa ngayon ay nasa byahe ako papunta sa dorm ng Girls' Generation, halos mag dadalawang linggo rin akong nawala rito kaya't naisipan kong bumalik na rin.

 

Itataon kong wala si Sunkyu para kung sakali ay hindi siya mag tanong ng mag tanong.

 

Ang sabi ni Miyoung ay nag luluto raw siya, ipinilit niya na lang daw mag luto kahit hindi raw siya marunong para raw sa pag babalik ko, para na rin daw sa selebrasyon namin. 

 

Si Yoona ay malamang sa malamang na mamaya pa darating dahil may shooting ito ngayon ng teleserye.

 

Si Seohyun ay mamaya pa ang balik dahil sa ngayon ay mayroon siyang role na ginagampanan sa isang musical.

 

Si Sooyoung, hanggang ngayon, ay nag tatampo pa rin saakin, kahit na ilang beses ko ng sinuyo, hindi niya pa rin ako makausap, matingnan, at makipagtitigan sa mata dahil naiilang rin siya.

 

Kahit na alam kong medyo malabo na, nangangarap pa rin ako na sana, maibalik ang dating pag sasamahan namin ni Sooyoung. Selfish man ang rason, pero hindi ba't mas maganda ng maibalik ang dati?

 

Ayon sa doktor ang bagong puso raw ay tinanggap na ng katawan ko ngunit kailangan pa ring mag ingat dahil may mga nakikita raw siyang senyales na baka panandalian lang ang bagong puso na gumagana sa loob ng katawan ko.

 

Sa kahit na anumang sakit o kaya'y hapdi ng sugat kailangan ko raw na ipakita agad ito sakaniya, sa bawat malimit na sakit sa dibdib ay kailangan ko raw ipacheck ito sakaniya, kailangan daw namin makasiguro para maagapan pa.

 

Hindi na rin ako uminom ng gamot simula kaninang umaga para raw hindi masobrahan ang katawan ko sa medisina.

 

Mag isa akong nag mamaneho papunta sa dorm ngayon dahil walang libreng mag susundo saakin. Gaya nga ng nasabi ko, si Miyoung ay nag luluto kaya't hindi niya ako masusundo sa lagay na 'to. Naisagawa ko na rin naman na ang mga bagay na dapat gawin sa ospital kaya't wala na akong pinoproblema kundi ang pag balik sa tinutulugan kong tirahan.

 

Idinala ko na ang sasakyan ko sa parking lot ng dorm na ito at ipinark ito malapit sa pasukan.

 

Pumasok na ako ng elevator at pinindot ang floor ng kinalalagyan ng dorm namin. Tumibok bigla ang puso ko ng mabilis senyales na kinakabahan ako. Nag karoon rin ako ng kaunting takot sa bawat floor na nilalagpasan dahil hindi ko alam kung nga ba ang pwedeng mangyari.

 

Isang malakas na tunog ng elavator ang narinig ko, tumingin ako sa unti-unting pag bubukas ng elevatorat nakita ko ang pamilyar na itsura ng mga pintuan rito, pati narin ng mga numero. Andito na ako.

 

Lumabas na ako ng elevator at mabagal na nag lakad kasabay ng pintig ng puso ko. Mas lalong lumalakas ang tunog nito sa papalapit kong muli sa pintuan ng dorm namin.

 

Ilang hakbang na rin lang ay makakapunta na ako sa harap nito. Sa mga huling hakbang ay binilisan ko ang lakad ko, hanggang sa makapunta na ako rito.

 

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko at medyo pinag papawisan na rin ako.

 

Huminga ako ng malalim at hinanap ang susi sa bulsa ko.

 

Ipinuwesto ko ang susi sa doorknob ng pinto at nag hahanap ng tiyempo para ipasok ito.

 

"Unnie, kung papasok ka, pumasok ka na lang."

 

Mas nagulat ako dahil sa mahinang boses na narinig ko sa aking likuran. Lumingon ako para makita ko kung sino nga ba iyon dahil iba ang boses niya.

 

Lumapit siya sa pinto at kumatok rito ng tatlong beses.

 

"Tiffany unnie! Buksan mo!" Sigaw niya duon malapit sa pintuan.

 

"Sooyoung, pwede ba tayo mag usap mamaya?"

 

"Dipende." Sabay katok niya ulit sa pintuan.

 

"Eto na Sooyoungie!" Sigaw rin pabalik ni Miyoung kay Sooyoung.

 

"Anong dipen-" Naputol ang sasabihin ko dahil sa pag bukas ng pinto.

 

"Oh! Mag kasabay kayo?" Nag tatakang tanong niya.

 

Onti-onti namang nawala ang kaba ko.

 

Alam niya kasing naiilang pa nga rin si Sooyoung saakin dahil naikwento ko sakanya.

 

"Biglaan lang unnie." Sabi naman ni Sooyoung.

 

Napatango naman si Miyoung sa sinabi ni Sooyoung. Pinapasok niya na kami sa loob dahil sa panandaliang pananahimik.

 

Tiningnan ko ang mga sapatos, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakaayos, nag lakad na ako papunta sa salas. Ang magugulong upuan at kalat-kalat na damit ay kitang-kita. Pumunta na ako sa kusina at tiningnan ang mga pag kain nila rito.

 

Puro instant foods nanaman ang nakita ko at isang tray ng itlog.

 

Tiningnan ko ang ref nila at nakitang wala man lang baboy dito o kaya ay manok. 

 

Tama nga ako, simula ng nag iba ang turing nila saakin ay wala na talagang pag kain na matino silang nakakain.

 

"Hyo, tikman mo 'to dali. First time ko 'to ginawa kaya pasensya na kung iba lasa." Inilagay niya sa harapan ng bunganga ko ang niliuto niyang baboy. 

 

Ibinuka ko ang bibig ko at ipinasok niya naman ang chopstick sa bunganga ko. Nginuya ko ang baboy at ninamnam ang lasa.

 

Dahil nga sa first time niya ay hindi ko pinahalata ang nalasahan kong maalat, reremedyuhan ko na lang mamaya.

 

Pag tapos kong lununin ay tinaas ko ang dalawang kamay ko at nag thumbs up sakanya.

 

"Okay lang yung lasa?" Nag tatakang tanong niya.

 

Pinag isipan kong mabuti ang sasabihin ko para di siya masaktan. "Okay naman, kulang lang ng konting tamis." At kinuha ko ang sauce na ginagamit pag nag iihaw.

 

Nagulat ako ng ibinigay niya saakin ang lagayan ng asukal. "Hyo, bakit iyan? Akala ko ba asukal?" Napatawa ako sa ginawa niya.

 

"Miyoung, pag nag luluto ka ng baboy na inihaw, ang gamitin mo yung pang ihaw na sauce." Tumango-tango naman siya sa sinabi ko.

 

"Nakatimpla na kasi yung sauce na yan, kaya wala ka ng kailangan pang idagdag." Dagdag kaalaman ko.

 

Tutal ang baboy na inihaw niya ay luto na, ipapainit ko na lang sakaniya pag tapos kong lagyan ng sauce.

 

Tinapos ko na lahat lagyan ng sauce at ibinalik ko iyon sa pinag kunan ko. "Miyoung, initin mo na lang para di masunog." Umalis ako sa harapan ng ihawan niya.

 

Nagulat ako sa biglaang pag ring ng cell phone ko. Iniwan ko kasi iyon sa lamesa sa salas kaya't tatakbuhin ko na sana, ng makita kong dinala na saakin ni Sooyoung.

 

"Unnie, number ng bagong manager natin yan." Nagulat ako bigla sa sinabi niya.

 

Kailan pa kami nag karoon ng bagong manager?

 

Sinagot ko ang tawag.

 

"Hello po?"

 

"Hyoyeon? Tama ba?" Narinig ko ang ibang boses ng babae kesa sa palagi kong naririnig na boses ng lalaki.

 

"Opo."

 

"Mag papakilala na lang ako sayo pag punta ko diyan bukas, pero sa ngayon pinapasabi ng direktor na may special stage ka raw para sa concert ng SMTOWN." Ngayon lang ulit ako nag karoon ng special stage ah?

 

"Sino po mga kasama?" Kasama ba ang ibang dancers ng SNSD? Yuri?

 

"Exo." Exo? At kung Exo, yung nga main dancers ng Exo?

 

"Punta ka na lang mamaya sa dance room 4, dun ka pinapapunta ng choreographer. Pasensya na nag mamadali ako." Nag mamadali niya ngang sinabi.

 

At tinapos niya rin agad ang tawag.

 

Inilagay ko ang cell phone ko sa bulsa ko at lumapit kay Miyoung.

 

"Hyo, ano yun?" Tanong niya habang nakatingin sa niluluto niya.

 

"May concert pala SM?" Sumandal ako patalikod sa lababo.

 

"Ilang linggo pa naman. May stage ka?" Tanong ni Sooyoung. Pero hindi ito nakatingin saakin.

 

Umupo siya sa upuan at inilabas ang cell phone niya.

 

"Special stage, kasama Exo."

 

"Ah, kaya ka pala hinahanap ni Lay saakin kanina." Sabi ni Miyoung.

 

Hindi ako ganon kaclose kay Lay kumpara sa ibang Exo members pero nag kakaintindihan rin kami dahil nga sa pag sayaw at pag sasalita ng chinese.

 

At kung hinahanap ako ni Lay, ibig sabihin kasama siya?

 

"Dancers ata ang kasama." Mahinang sagot ko.

 

Umupo ako sa harapan ni Sooyoung at nanahimik lang. Siya naman hawak-hawak pa rin cell phone niya, halatang-halata naman na ayaw niya ako tingnan.

 

Narinig ko ang pag patay ng kalan ni Miyoung at nakarinig rin ako ng dalawang palakpak. "Hah, tapos na!" Halos pasigaw niyang sabi.

 

Ipinatong niya na ang plato na puno ng mga inihaw na baboy at binigyan kaming dalawa ni Sooyoung ng chopstick.

 

"Hooooh! Welcome back Hyoyeon!" Sigaw niya at palakpak niya nanaman.

 

Napatawa naman ako sakaniya at hinila ang upuan sa tabi ko para makaupo siya.

 

Pumalakpak rin si Sooyoung at sumigaw sigaw na rin. "Unnie, pumalakpak ka na rin." Napatingin naman ako sakaniya.

 

Tiningnan ko silang dalawa na grabe kung makasigaw at makapalakpak.

 

Nakipalakpak na rin ako. "Pumalakpak na ako, umupo ka na Miyoung." Tumawa naman siya ng mahina at umupo na.

 

"Unnie, akala ko ba mag hahanda ka? Ito na yun?" Oo na naman may punto nga naman si Sooyoung.

 

"Aba Soo, mahal na kaya yan!" Dipensa niya naman sa sarili niya.

 

Pero kahit na ganon nag papasalamat pa rin ako dahil nag effort siya.

 

"Edi sana sinabihan mo ko, atleast man lang nakabili ako ng pag kain." Kumuha na siya ng isang piraso at kinain na niya ito.

 

"Okay na yan, masaya na ako diyan." Pag bibigay opinyon ko naman.

 

Kahit na ito lang ang nakayanan ni Miyoung ay masaya na ako. Hindi naman ako nag hahangad ng hihigit pa rito.

 

"Hmph, ikaw rin lang ang kakain ng mga binili mo."

 

"Unnie!" Tumayo si Sooyoung at akmang hahampasin si Miyoung.

 

Napatayo naman si Miyoung at nag hahandang tumakbo.

 

"Ang saya niyo naman. Tsk." Natigil silang dalawa dahil sa pag sasalita ni Taeyeon.

 

Tiningnan ko muna si Taeyeon at nakitang naka pantulog pa ito, para bang mula umaga ay hindi pa ito lumabas ng kwarto niya.

 

Tiningnan ko muna si Sooyoung at nakitang umismid siya sa sinabi ni Taeyeon. Umupo na rin siya at sinenyasang umupo na rin si Miyoung.

 

Napatingin naman ako kay Miyoung. Ng makita kong bubuka na ang bibig niya ay inunahan ko na. "Baka gusto mong sumama?" Pang aasar ko kay Taeyeon.

 

Napatawa siya ng mahina sa sinabi ko. "Wag na lang, ayoko sumama sa isang na katulad mo." Nag lakad siya papunta sa ref at kumuha ito ng maiinom.

 

Napangiti naman ako bigla sa sinabi niya. "Yung na tinutukoy mo ang dahilan kung bakit nilalayuan ka ng mga miyembro mo, lalo na, ng bestfriend mo. Nakakalungkot." Ngumiti naman bigla si Sooyoung at Miyoung ng tahimik.

 

Napatingin naman bigla saakin si Taeyeon at ibinalik niya ang inumin na ininuman niya sa ref.

 

"Pero hindi nun mababago ang katotohanang ka." , , .

 

Hahaha. 3 weeks, is it? Tatlong linggo ko na itong hindi narinig. Masakit pa rin siya kahit anong gawin ko, kahit na immune na ako, nakakapang baba pa rin ng pagkatao.

 

"Alam mo Taeyeon, mas hindi nun mababago ang katotohanang nakakalungkot na ang nangyayari sayo." Ibinaba ko ang chopstick ko at iniliko ko ang upuan ko paharap sakaniya.

 

"Tigilan mo ako Hyo-" Pinutol ko ang sinabi niya.

 

Inilagay ko ang isang kamay ko sa harap ng mukha ko, senyales na pinapatigil ko siya.

 

"Ginusto mo ng kasikatan, nakuha mo. Ginusto mo ng kakampi, nakuha mo ba?"

 

"I'm fine without them favoring me, ikaw? Okay ka lang ba? Gusto mo ba ng comfort ko?" Tumayo ako at lumapit sakaniya.

 

How I miss seeing her face like this. Hindi ko na siya malapitan ng ganito, pero ngayon may lakas na ako ng loob.

 

"How sad life is, here want to hug me?" Ibinuka ko ang braso ko na para bang gusto ko siyang yakapin.

 

Tinulak niya ako palayo at napagalaw ako sa kinatatayuan ko. Nag lakad siya ng mabilis palabas ng kusina.

 

Natulala ako ng kaunti dahil sa nangyari, hindi ko 'to ineexpect.

 

Napaismid ako sa ginawa ko. Hindi naman kasi ako ganito. Sanay ako na ginaganito ako, ang hindi ko alam kung bakit nga ba ako naging ganito.

 

"Kayong dalawa, pag nakausap niyo yun ng matino sabihin niyo pasensiya na sa mga nasabi ko."

 

Bumalik na ako sa inupuan ko kanina at umupo rito. Silang dalawa naman ay nakatingin lang ng seryoso saakin.

 

"Bakit kailangan mong humingi ng pasensiya?" Mahinang tanong ni Miyoung saakin.

 

"Kasi mali yung mga sinabi ko. Hindi ko nakontrol sarili ko." Kumuha ako ng isang baboy at kinain ito.

 

Napansin kong napangiti si Sooyoung bigla. Binaliwala ko na lang iyon at kumain ng kumain.

 

Panandaliang pananahimik ang bumalot saamin tatlo. Nag pokus lang kaming tatlo sa pag kain dahil siguro sa nangyari kanina.

 

Kukuha muli sana ako ng inihaw ng may nakita akong maputing braso at kamay na kumuha ng baboy sa plato. Napatingin ako sa taas.

 

"Kanina ka pa?" Tanong ko naman sakaniya.

 

Napukaw ko ang atensiyon nung dalawang kumakain at napatingin rin sila sa taas.

 

"Hindi naman, nakita ko lang kayong kumakain kaya kumuha na ako." Sagot niya habang kumukuha nanaman ng pag kain sa lamesa.

 

"Unnie! Welcome home!" Singit ni Sooyoung sa usapan namin.

 

Nakatitig lang sakaniya si Sooyoung, tila bang may sinasabi ito gamit mata.

 

Parang naintindihan ito ni Sunkyu at gumawa ng dahilan para makaalis siya.

 

Tumawa muna siya ng mahina at inasar si Sooyoung. "Hmm, sige, mag papalit muna ako damit. Tirhan mo ko Sooyoung." Tinulak naman siya ni Sooyoung ng kaunti palabas.

 

Tutal may napapansin na rin ako sa dalawang ito, bakit hindi ko tanungin?

 

"Alam niya?" Pangangalabit ko kay Miyoung.

 

"Ang alin?" Walang kaalam-alam na tanong ni Miyoung saakin.

 

Alam kong alam niya kung ano tinutukoy ko pero nag mamaang maangan lang siya.

 

Tinuro ko ang dibdib ko.

 

"Hindi." Sabay iwas nila ni Sooyoung saakin ng tingin.

 

"Sigurado kayo?" Tiningnan ko naman ngayon si Sooyoung.

 

Tumingin rin siya saakin. "Oo naman unnie." Siya naman ang sumagot.

 

Matapos niyang sagutin ay nag tinginan muli sila ni Miyoung at tsaka tumungo.

 

Naningkit ang mga mata ko sa ginagawa nilang dalawa. "Miyoung wag kang mag lilihim saakin, kilala-" Naputol ang sasabihin ko dahil bigla-biglaang sumigaw si Sunkyu.

 

"Buti tinirhan mo pa ako Sooyoung!" Nag mamadali niyang upo sa upuan katabi ni Sooyoung.

 

"Unnie! Di naman ako ganon katakaw!" Pag dedepensa niya nanaman sa sarili niya.

 

"Hindi raw." Dumila naman si Sunkyu sakaniya.

 

Tiningnan kong muli ang dalawa, nag tinginan muli sila tsaka tumingin kay Sunkyu. Nakakahalata na talaga ako.

 

Lalo na't hindi ganon kasigla si Sunkyu pag nakakausap siya ngayon.

 

"Hyo, musta bakasyon mo?" Pag iiba ng topic ni Sunkyu.

 

Bakasyon? Anong bakasyon?

 

Tiningnan ko si Miyoung na para bang sinesenyasan niya ako na sumagot na lang.

 

"Akala ko ba nag bakasyon ka nung nakaraan kaya wala ka rito ng dalawang linggo?" Muli ay kumuha siya ng inihaw sa plato.

 

Nag isip ako ng mabilis na idadahilan.

 

"Hindi naman bakasyon, kasama lang ako ng 2ne1. Japan, China at Taiwan sila naka destino."

 

Ngumiti naman siya sa sinabi ko.

 

Tinapos niyang nguyain yung pag kain at tumingin ng masinsinan saakin. "Masaya ka ba?" Binaba niya yung chopstick na hawak niya.

 

Nagulat ako sa tanong niya.

 

"Oo naman."

 

Nakita kong nag tinginan si Sooyoung at Miyoung, at tumingin sila kay Sunkyu.

 

"Okay naman yan?" Sabay turo niya sa dibdib ko.

 

Ito nanaman ang tanong niya.

 

"Ha?" Kunwaring nag tataka kong tanong.

 

"Hindi ba't pinuna ko yan dati, shooting ng Strong Heart diba? Napa check mo naman?" Ngumiti nanaman siya.

 

"Ah oo, blood pressure lang talaga siya." Pasimpleng pag dadahilan ko.

 

*

 

Kasalukuyan akong hinihila ni Sooyoung ngayon sa kwarto niya. Binuksan niya ang pintuan at inilock ito pag pasok namin dalawa.

 

Pinaupo niya ako sa higaan at umupo rin siya rito.

 

"Ano gusto mong sabihin unnie?" Sumandal naman siya sa pader.

 

Buti at naisipan niya rin akong kausapin?

 

"Okay ka na ba?" Mahinang tanong ko at tumingin ako sakaniyang mga mata.

 

"Ikaw nga unnie, okay ka na ba?"

 

"Ata?"

 

Pag tuloy ko ng sinabi ko. "Hindi naman kasi ako ang problema rito, ikaw. Okay ka na ba?" Kailangan kong malaman nararamdaman niya.

 

Umismid nanaman siya sa tanong ko.

 

"Kailangan kong maging okay unnie."

 

"Pasensiya na talaga Sooyoung." Pang hihingi ko nanaman ng tawad.

 

"Okay lang, tulad nga ng sabi ko, kailangan maging okay. Bakit ba kasi ang tanga mo?" Tumingin na siya sa mga mata ko.

 

Sinabi rin ni Yoona saakin yan. Tanga.

 

"Ako tang-"

 

"Oo unnie, sobra. Ang martyr mo na, manhid ka pa."

 

"Wag ka na mag alala unnie, isipin mo na lang sarili mo. Kaya ko sarili ko, ikaw dapat ang tanungin ko niyan." Umiwas na siya ng tingin at tumingin siya sa bintana.

 

"Okay naman ako. Gusto ko lang malaman kung okay ka na ba sakin."

 

"Sa mga oras na lumilipas, nakakalimutan ko naman na si Yuri, Sooyoung." Pag papatuloy ko ng sinasabi ko.

 

Totoo naman, nakakalimutan ko na yung pag papabor ko kay Yuri. Dahil kahit papaano, naisip ko na nararamdaman niya.

 

"Pero hindi nun makakalimutan na mas paborito mo si Yuri kesa saakin."

 

"Sabihin mo yung totoo sakin, Sooyoung." Pag uudyok ko sakaniya.

 

Ito lang naman kasi ang natitirang paraan para gumaan ang pakiramdam niya. Sabihin niya lahat.

 

Napatawa siya.

 

"Totoo unnie? Lahat?"

 

Muli ay napatawa siya.

 

Hindi niya na ako hinintay sumagot.

 

"Nasasaktan kasi ako unnie. Sobra. Pero ano nga naman ako para umapila sayo lalo na kung ang lagi mong nakikita si Yuri." Lumungkot na ang mukha niya.

 

"Ang tanga mo, martyr at manhid mo. Pero ako rin naman kasi unnie." Namamasa na rin ang mata niya.

 

"Anino mo ko unnie." Tumingin na siya saakin.

 

"Lagi akong nasa tabi mo, pero ang lagi mong tinitingnan yung babaeng nananakit sayo."

 

"Nag sasawa na ako, pero bakit hindi ko magawang tigilan 'to?"

 

Naawa ako sa ekspresiyon ng mukha niya pero wala akong magawa dahil ako ang may kagagawan nito.

 

Bubuka na sana ang bibig ko.

 

"Ano nanaman sasabihin mo? Unfair ang buhay?" Pangunguna niya saakin.

 

"Alam na alam ko yun, kaso sumosobra na. Bakit ba kasi ikaw pa naging paborito ko?"

 

Hindi naman namin choice 'tong dalawa. Nangyari lang talaga, at wala na kaming nagawa.

 

"Ikaw na hindi naman ako mabigyan ng atensiyon, kahit kaonting atensiyon tulad ng binibigay mo kay Yuri."

 

Ngumiti naman siya.

 

"Ayoko tanungin 'to unnie, pero pumili ka, Yuri o ako?" 

 

Tumingin siya saakin na tila bang nag hihintay pa ng kasagutan. Pero nakikita ko ring ayaw niya makinig.

 

"Wag na, unnie. Wag mo na sagutin." At tuluyan ng tumulo ang nga luha niya.

 

Tumayo na siya at dali-daling lumabas ng kwarto niya. Habang ako naiwang nakatunganga sa tanong niya.

 

Hindi ko ineexpect itong tanong na ito, lalo na ang papiliin niya ako.

 

Pero kailangan kong harapin.

 

Would it hurt me kung pipiliin ko si Sooyoung kesa sa matagal ko ng paborito? Hindi naman diba? Sooyoung deserves my choice better than anyone else.

 

Sooyoung has always been there for me. Ayoko ng sayangin itong pag kakataong ito para makagawa pa ako ng paraan para masaktan si Sooyoung.

 

Hindi dahil naawa ako sakaniya kundi totoo na nararamdaman ko kay Sooyoung.

 

"Sooyoung, alam kong nakikinig ka. Cheer up, lagi lang akong nandito para sayo." Alam ko ring nakasandal lang siya sa may pintuan.

 

"After all, ikaw pinili ko. Salamat sa lahat Sooyoung."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand