8.

Life of Kim Hyoyeon

8. Strong Heart Part I

 

Luminga-linga ako sa paligid, bagong paligid ito para saakin. Kelan nga ba ako huling pumunta dito? Gee era? Hindi man nag bago ang set, pero pag tiningnan mo, bago ang kagamitan. Mas gumanda ang mga upuan. Nakakamiss rin pala itong lugar na 'to. Ano kaya pakiramdam kung kasama ko sila ngayon? Samantalang noon, alam pa ni Yuri kung sino ang type ko, ngayon wala na. Ni isang salita, wala na akong naririnig galing sakanila.

 

Tiningnan ko ang mga guest, wala pa ang 2ne1. Andito narin si Se7en, andito narin si Seungri. YG Family ata ang nandito? Ako lang ang nag iisang SM artist dito? Umupo muna ako sa upuan kung saan dito nag hihintay ang mga idols. 

 

Sa lumilipas na oras, onti-onti naring nag sisipag datingan ang mga YG Family. Lumingon ako saglit sa aking kaliwa, nakita ko si Taeyeon. Anong ginagawa nila dito? Sa pagkakaalala ko wala namang sinabi ang manager namin na kasama sila?

 

Nakita ko narin na padating si Tiffany kasama niya si Jessica. May naramdaman akong tumabi saakin, at inakbayan ako. Pag lingon ko ay mukha ni G-Dragon ang nakita ko. Tatanggalin ko na sana ang akbay pero binulungan niya ako.

 

"Hey, utos ni Chaerin to. And no worries, I also offered." At itinayo niya ako.

 

Kung utos ito ni Chaerin, ang ibig sabihin alam niyang andito ang SNSD? Nag lakad na kami palabas, opposite direction ng nilalakaran ng grupo ko kaya't nag ka salubungan kami. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung sasama ba ako sa grupo ko o papayag lang ako na mag pahila dito sa gwapong nilalang sa tabi ko? Tiningnan ko si Seohyun, thumbs up lang ang sagot niya saakin. Kailangan ko si Sunkyu.

 

Makakalagpas na sana kami sa pitong babae na iyon, ng may naramdaman akong humila saakin. Alam ko kung kaninong kamay to, alam ko kung kaninong kuko ito, alam na alam ko yung pakiramdam ng sakit na idinudulot ng pag diin ng kuko na ito. Kwon Yuri.

 

"Unnie, samin ka naman sumama. Nakakatampo ka naman." Tiningnan ko siya sa mukha, iba ang ngiti niya.

 

Tiningnan ni G-Dragon ang braso ko, at nakita niya ang pag pula ng balat ko at ang pag diin ng kuko ng myembro ko sa aking balat.

 

"Yuri, tama ba? Would you mind giving me back my girlfriend? It's been a while since we have this kind of moment, you see." G-Dragon eyed on me and winked on me.

 

"Ikaw? Syota ni Hyoyeon?" Wala man lang unnie.

 

"Shut it Yuri, mas matanda ako sayo. Atleast learn how to respect." At mas diniin niya ang pag hawak sa braso ko, kasabay narin ng kanyang mga kuko.

 

Why do I even deserve this thing, sumuko na ko sa pag hahangad na maibabalik pa ang samahan dati, ano pa ba gusto nila? Ipinagtabuyan na nga nila ako, tapos ngayon kukunin nila ako pabalik.

 

"Let her go Yuri, kung gusto niya diyan pabayaan mo siya. Para namang kawalan natin yan." 

 

"Para namang kawalan ko rin kayo Jessica." Sa saktong pag sabi ko ng Jessica ay ang pag bitaw ni Yuri sakin, at ang hampas ng kamay ni Yuri.

 

Hindi ko ipinikit ang mga mata ko, siguro kailangan narin to para magising ako sa panaginip na tatlong taon ko ng ipinagpapatuloy. May naramdaman akong kamay sa mata ko, at kulay itim lang ang nakita ko.

 

Wala akong naramdaman na sakit, ngunit may narinig akong tunog at naramdaman na balat na tumabi sa pisngi ko. Tinanggal ko ang kamay na nakapatong sa mga mata ko, at nakitang si G-Dragon ang natamaan. 

 

"I would really appreciate kung hindi niyo sasaktan si Hyo. At hinayaan mo lang na gawin niya iyon Taeyeon? Worst leader I've ever seen." Inakbayan niya nanaman ako at hinila na palabas ng studio.

 

Pilit kong tinitingnan ang pisngi ni Jiyong, pilit niya ring itinataboy ang kamay ko sa pisngi niya. Hanggang sa makalabas na kami ay ayaw niya paring ipakita saakin ang pisngi niya. Tinakpan niya ito ng kamay niya, sigurado akong malakas ang sampal ni Yuri dahil narin siguro sa tunog.

 

"Jiyong, ipakita mo na kasi. Ako may kagagawan niyan oh." Sabay smirk niya.

 

"Alam mo kung ano totoo kong pangalan, are you a stalker or something?" Sabay taas baba ng kilay niya.

 

Kung hindi lang gwapo tong lalaking 'to kanina ko pa to nasapol sa mukha.

 

"Hindi ako stalker, pwede ba." Sabay tanggal ko ng kamay niya sa kanyang pisngi.

 

"Great, gusto mo lang talaga ako? Don't worry, you have chance." Sabay tawa niya.

 

Pinitik ko siya sa pisngi na nasampal ni Yuri. That was years ago nung may gusto pa ako sakaniya. I guess, wala na akong intensyon na mag kagusto pa.

 

"Yah. Masakit, nasampal na nga ako pinitik mo pa." 

 

Hindi ko na lang pinansin at kumuha ako ng concealer sa handbag ko. Konting oras na lang rin at mag uumpisa na ang shooting. Hinila ko siya sa tabi at pinaupo, sinimulan ko narin ang pag lagay ng concealer sa pisngi niya. 

 

Nang matapos na ay nag pasalamat ako sakaniya. Kahit na hindi kami close, tinulungan niya parin ako. Kahit na sabihin nating utos ni CL yun, ay nag magandang loob siya. Umalis na ako, at pumasok sa loob ng studio. Di nag tagal ay may umakbay nanaman saakin.

 

Hindi ko na kailangan tanungin kung sino ito dahil kilala ko na to. Inumpisahan niya na ito, di mag tatagal kakalat narin yung sinabi niya.

 

"Ayaw mo ko pansinin Hyo." Sabi niya ng mahina.

 

"Jiyong, hindi ba't may syota ka na. Hindi ba magalit sayo iyon?" Alam kong alam niya kung ano sinasabi ko.

 

"Syota ko? Ikaw, syota ko diba?" Huminga ako ng malalim.

 

"Mizuhara Kiko." Sabay tingin ko sakaniya. Iniwasan niya tingin ko at tumingin siya sa harap.

 

"Hindi ko siya naging syota, ang term niya saakin ay fling. I opened her phone then I saw her conversation with someone I don't know at ang sabi niya ay fling lang ako." Kung ganito reaksyon niya, edi ibig sabihin gusto niya nga si Kiko?

 

"You see, I do like her. Pero ang tagal ko na kasing nanliligaw. Tinigil ko na rin nung nakita ko yung conversation na iyon." Hinila niya nanaman ako papunta duon sa set.

 

Siguro hindi ko na kailangan mag salita sa sinabi niya. We just felt the same. Same with Kim Junhyung. Kinuha niya dala-dala kong handbag at iniwan iyon sa manager niya. Dadalhin niya raw ako sa Big Bang kesa naman daw duon ako sa Girls' Generation.

 

"Kim!" Sigaw ni Youngbae. This guy never learns.

 

"Youngbae, please call me Hyoyeon. Not Kim, it is my surname." Mukhang hindi niya rin naman ako pinakinggan at tiningnan ang braso na nakapatong sa balikat ko.

 

"Jiyong, remove those. Wag si Kim."

 

"Oh hyung! New one?" Sabay palo sa likod ni Jiyong.

 

Nag iba ang mukha ni Jiyong sa sinabi ni Seungri. Iniwan niya ako at hinabol si Seungri. Habang si Seungri, hingi ng hingi sorry. Hinila ako ni Youngbae at ipinakilala sa members niya. Kilala ko naman na members nila, pero siguro para narin sa formality.

 

"This is Kim Hyoyeon." Sabi niya kay TOP at Daesung.

 

"And Kim, yung lalaking iyon na mataas ang cheek bones ay si TOP hyung. Yung isa naman na kamukha ni Minzy pag ngumingiti ay si Daesung." Nag bow ako at nakipag shake hands sakanilang dalawa.

 

"Kilala ko na siya Taeyang hyung. Laging binabanggit ni CL yan saatin."

 

"Girls' Generation yan oh, syempre kilala namin yan." Sabi ni TOP.

 

I met Youngbae at the dancing school we both attended. Pinartner narin kami kaya close kami ni Youngbae. Niyaya niya ako dati sa YG, ang problema sa SM ako pumunta. Sa kagustuhan kong YG ang pasukan, SM ang pinasukan ko dahil sa nanay ko.

 

Wala akong kaalam-alam na andito na pala ang 2ne1. Pinalo ako ng mahina ni Bom, at si CL inaayos damit ko. Si Dara naman sinusuklayan ako, si Minzy binabati ang Big Bang. Kadadating lang ba nila?

 

"Kadadating niyo lang?" Tanong ko kay Bom.

 

"Oo, hinahanap ka namin sa SNSD. Ang sabi ni Seohyun kasama mo raw syota mo." Kaya niya ba ako pinalo kanina?

 

"Babe, akala ko ba ako lang?" Sabi ni Chaerin. Tiningnan ko si Sandara, siya naman maluha-luha na hindi ko maintindihan.

 

"Hyo, sino ba?" Naniwala rin si Minzy?

 

Mag sasalita na sana ako ng pinutol ako ng isang hila at akbay ni Jiyong.

 

"Chae, di ka ba natutuwa na ako ang syota ni Hyo?" 

 

"Hindi. Kaming dalawa lang ang pwede." Sabay hila rin Chaerin.

 

"Tsaka Hyo, bakit si Jiyong?" Sabi ni Bom.

 

"Hindi naman kasi totoo, inutusan raw siya ni Chaerin na samahan ako kanina." Lumayo na si Jiyong.

 

"Wala akong sinabi! Jiyong!" Sabay lapit ni Jiyong kay TOP.

 

Ginawa niyang sandata si TOP kay Chaerin. "It's oppa, Chae! Oppa!" Sigaw niya naman.

 

Kung walang sinabi si Chaerin kay Jiyong, edi trip lang ni Jiyong na samahan ako kanina?

 

"Jagiya! Help me!" Sabay tago sa likod ko.

 

Binatukan ko si Jiyong. "Wag mo kong i-jagiya. Trip mo lang talaga ako kanina?" Sabay harap ko sakaniya. 

 

"No, nakita kita kasi kanina tapos mag isa ka, sabi ni Chae masaya ka raw kasama edi tinry ko." Tatakbo ulit sana siya ng tinawag na kami ng PD.

 

"Mamaya na yan! Start na! Choose your seats okay?" Pwede ako lumayo sa SNSD?

 

"Pwede, duon ka na samin tumabi." Sabi ni Minzy. She can read minds, really.

 

Gaya ng sabi ni Minzy, sakaniya ako tumabi, ang katabi ko ay mga YG Family. Ako lang ang nahiwalay sa SNSD. Ipinaayos narin nila ang aaminin namin, napag isipan ko narin kung ano ang aaminin ko. Lumapit ako kay Sunny.

 

"Sunkyu, baka madamay ka." Sabi ko ng nag aalala.

 

"It's fine, isa rin naman ako sa gumawa nun sayo dati."

 

"Pero, nag bago ka na Sunkyu. Ayokong madamay ka." I wouldn't risk any of our friendship for this selfish reason.

 

"Your choice Hyo. Di ako magagalit, don't worry." She showed me her smile. It's been a while.

 

Niyakap ko siya, while she whispered me "Fighting!". Choice of words na lang ba gagawin ko? Pero kahit na, madadamay at madadamay siya. I should clean her name.

 

"Yah. Tell them everything you wanted to say. Lahat ng itinago mo sa loob ng tatlong taon, lalo na noong pitong buwan. O kahit hindi lahat, basta gumaan loob mo." Pinalo niya tiyan ko. 7 months? 

 

"I won't." I told her honestly.

 

"I knew it. I'll get going, tatabi ako malapit sayo." Sabay talikod niya at nag lakad na siya pabalik sa pito.

 

How can I even do that to her, ayokong madamay siya sa bagay na matagal niya ng pinagsisihan. Etong aaminin ko, maaring makasira sa reputasyon ng SNSD. At maaring mapaalis ako sa kompanya na pinagtatrabahuhan ko. 

 

I've already decided anyway, YG maybe really is my Family (not the biological ones okay). Once my contract expired, sa YG ako pupunta. Bakit? Kasi dito ramdam kong hindi ako nag iisa, oo iiwan ko yung walo. Si Kibum at Jinki, pati narin ang mga ibang close ko sa SM, pero dito ako sasaya. Yun ang sabi ni Sunkyu, gawin ko yung bagay na alam kong ikasasaya ko.

 

Kay Jiyong, masaya ako, sa 2ne1, kay Youngbae, sa buong Big Bang, siguro pati narin sa ibang artist ng YG sasaya ako. Sa CEO masaya ko, baka sa YG ko mahahanap yung kalingang hinahanap ko noon pa man. Kay Sunny, masaya rin ako.

 

How 'bout this idea? Bringing Sunkyu to YG? Nah, not a good idea.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand