15.

Life of Kim Hyoyeon

15. Truth II

 

Agad-agad akong tumayo at kinuha yung dextrose ko, dire-diretso akong nag lakad papunta sa banyo. Maliit lang rin naman kasi ang kwarto ko, kaya't agad rin akong nakapunta sa banyo. Biglang sumakit ang likod ko at nandilim ang paningin ko. Biglaan rin kasi akong tumayo.

 

Hinawakan ko na ang doorknob at ipinihit ito, laking tulong na rin na hindi ito na lock ni Tiffany. 

 

Tiningnan ko ang kobeta, inilibot ko ang paningin ko. Nakahiga lang si Tiffany sa sahig, hinimatay ata ito.

 

Lumapit ako sakaniya at kinalabit siya, hindi ko kayang buhatin siya ngayon dahil sa kondisyon ko. "Miyoung." Kinalabit ko pa siya ng isang beses.

 

Hinawakan ko ang pulso. Tumitibok pa naman.

 

Hindi siya gumagalaw, tama nga ang hinala ko. Nahimatay siya. Tiningnan ko ang braso niya, puro pasa. Maski binti niya, puro pasa. Binugbog ba to?

 

Kinalabit ko ulit siya ng isang beses. "Miyoung, gumising ka. Hindi ko kayang buhatin ka."

 

Hindi pa rin siya gumagalaw. Hindi ko siya pwedeng iwan dito. Kailangan niya rin maka langhap ng sariwang hangin.

 

Tiningnan ko ang kaliwang kamay ko, may nakaturok ditong karayom at may mahabang hose ito na naka dugtong sa dextrose na nakasabit sa bakal na hawak-hawak ko.

 

Nag isip rin ako ng medyo matagal at diretsong tinanggal ang karayom na nakaturok sa kaliwang kamay ko. Nakaramdam ako ng hapdi at sakit, at nakita kong tumutulo ang likidong nang gagaling sa bote sa taas.

 

Hinawakan ko ang bewang ni Tiffany at hinila siya pataas. Nakaramdam rin ako ng sakit sa bandang balakang ko pero pinabayaan ko na lang. Dire-diretso ko siyang itinayo ay hinayaan ang pag hapdi ng sugat ng karayom sa kaliwang kamay ko. Idinala ko siya sa higaan ko, tiningnan ko lang ang mukha niya.

 

May mga bahid ito ng luha, pinunasan ko ito. Ayokong makitang umiiyak si Miyoung. Tiningnan ko rin ang braso niya at mga binti niya, hindi nga ako nag kamali. Puro pasa ito. May ibang nangingitim na, may ibang pawala na. Mukhang malala ang mga pasa na natamo niya, bakit ba ngayon ko lang to nakita?

 

Hindi ko alam kung tatawag ba ako ng nurse, kung iiwan ko naman siya dito, baka magising siya at hanapin ako. Pag hindi ko naman tinawag, mamaya kung ano ang mangyari sakaniya.

 

Tiningnan ko ang orasan sa kanang bahagi ng kwarto na ito, malapit na rin pala ako bisitahin ng nurse dito. Hintayin ko na lang.

 

Makalipas ang ilang minuto ng paghihintay, may pumasok na naka puti sa silid na ito at nagulat siya bigla.

 

"Miss Kim, bakit mo po tinanggal yung karayom?" Nag papanic niyang sabi.

 

Dali-dali siyang pumunta sa pintuan ng kobeta at kinuha ang naiwan ko g dextrose.

 

"Ano kasi, nahimatay siya, hindi ko naman mabuhat kaya tinanggal ko." Pag eexplain ko ng mahinahon.

 

Unang-una sa lahat bakit ba ako naka dextrose, inatake lang naman ako kaya hindi ko na kailangan niyan.

 

"Nahimatay siya?! Ngayon lang po ba Miss Kim?" Binitawan niya ang hawak-hawak niya na dextrose at lumapit kay Tiffany.

 

Hinawakan niya ang leeg, at kinapa ang pulso. Hinawakan niya rin ang kanyang noo, para na rin siguro makuha niya ang temperatura nito. Hinawakan niya ang braso, at mukhang nagulat siya sa mga pasa.

 

"Ngayon-ngayon lang naman, ano bang meron? Bakit puro siya pasa?" Tanong ko habang umuupo ako sa upuang nakatabi sa higaan.

 

Napatingin siya bigla saakin at ibinalik niya ang tingin niya sa mga binti ni Tiffany.

 

"Nothing serious, Miss Kim. It's just that she's having a hard time sleeping which effects on her being anemic. O kaya'y kulang na siya sa dugo, pero madali lang naman ito gamutin." Naiintindihan ko yung kulang sa tulog, pero yung kakulangan niya sa dugo?

 

At bakit puro pasa? Okay kuha ko naman na may sakit siya pero anong dahilan bakit may pasa?

 

"Is that one of the reason why she out earlier?" Lumapit ako sa hinihigaan ni Tiffany. Hinayaan kong mag ingay ang bangkong inuupuan ko.

 

"Pwede po Miss Kim, pero mas magandang malaman ko muna ang blood pressure niya. For the meantime, papalagyan po ulit kita ng dextrose, sinabi po saamin ni Miss Miyoung na iconfine ka na namin, para raw po sa operasyon niyo." I still have two more days.

 

Sumang-ayon na lang ako sa gusto niyang mangyari, tutal kesa mag pagod pa ako sa dalawa pang araw na natitira saakin, ipapahinga ko na lang. Siguro dito sa maliit na puting kwadradong kinalalagyan ng higaang gagamitin ko sa mga susunod na araw, maipapahinga ko ang utak ko, at siguro maipapahinga ko na rin ang puso ko.

 

Idinala niya ako sa counter ng floor ng kwarto ko, nag alala rin ako dahil iiwan si Tiffany pero binalikan niya rin agad. Dinala ako ng lalaking nurse sa floor na ito sa isang kwarto kung saan may isang upuan at isang lamesa, may mga nakalagay na rin na dextrose sa iba't ibang haba ng bakal dito.

 

Pinaupo niya ako at pinunasan ang ang kamay na dating pinag turukan ng karayom. Nakaramdaman nanaman ako ng hapdi pero agad niya rin iyong tinakpan ng bulak.

 

Hinawakan niya ang isa kong kamay at pansamantalang pinigilan ang ag daloy ng dugo sa aking ugat. Unti-unti na ring lumubo at lumalabas ang bakat ng ugat ko sa aking balat, pinitik niya ito ng isang beses at dire-diretsong itinurok ang karayom.

 

Napapikit ako sa sakit na naramdaman ko, siguro nag panic ang lalaking nurse sa harapan ko kaya't nilagyan niya agad ito ng pandikit at pinatungan ng maliit na piraso ng pinilas na kahon sa aking palad. Binalot niya nanaman ito ng puting tela at pinagalaw saakin ang aking kamay. 

 

Mahapdi pa rin ang sugat na natamo ko sa maliit na karayom pero unti-unting nag hilom ang sakit. Tumayo na ako at dinala ang metal sa tabi ko, pumasok na ako sa kwarto ko. Kailangan kong makita si Tiffany.

 

Nakita kong gising na siya, pero nakaupo pa rin sa higaan ko, agad-agad siyang tumayo para lumapit saakin pero napapikit rin siya agad. 

 

"Umupo ka na muna." Mahinang utos ko.

 

Kahit na gusto kong mahiga dahil nahihilo na rin ako siguro dahil sa likidong tumutulong at nahahalo sa dugo ko, ay hindi ko magawa. Kailangang mag pahinga ni Miyoung, mamaya'y mandilim ang paningin niya at mapahamak siya.

 

"Okay lang ako, ikaw na humiga dito." Tumayo na siya at inalalayan ako papunta sa higaan ko, pinahiga niya na rin ako at iniangat ng kaunti ang taas na parte ng higaan ko.

 

"Hyo, I need to go, napatagal na ako dito. I'll go to the recording studio." Sabi niya habang kinuha niya bag niya.

 

Kumuha siya ng isang maliit na lagayan ng gamot at kumuha ng isang piraso nito. "TTS?" Maikli kong tanong. Ininom niya ang gamot na hawak niya. "Para saan yan?" Tanong ko ulit.

 

"I'm aware na anemic ako, kaya umiinom ako ng gamot. At oo, TTS. And regarding sa bibisita sayo, maya-maya pa yun." Tumayo na siya at humalik sa noo ko.

 

Gaya kanina, sinundan ko lang din ng tingin ang pag alis niya. Nararamdaman ko pa rin sa noo ko ang pag halik na ginawa ni Tiffany. Ang tagal ko ng hindi naranasan iyon. Okay na siguro talaga kami ni Tiffany?

 

Inilibot ko ulit ang paningin ko sa kwarto na ito, nawalan na ng presensya ng isa pang tao dito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kalungkutan. Mag isa nanaman ako. Wala nanaman akong magagawa kundi ang alagaan ang sarili ko mag isa, patahanin ang sarili ko mag isa.

 

Ngayong alam na ni Taeyeon at Jessica na ayos na kami, hindi ko nanaman maiwasang mag expect. Ang masaktan o kaya'y mag patawad. Hindi ko maiwasang isipin na siguro baka humingi na sila saakin ng tawad. O baka mas lumala ang pag turing nila saakin, dahil nawawalan na sila ng kakampi.

 

Kung titingnan ko ang samahan namin ni Jessica dati, madalas kaming mag away pero senyales lang iyon ng pag kakaibigan namin. Siya ang kasama kong bumili ng mga heels at sapatos, kasi parehas kami ng gusto. Kung kay Taeyeon naman, mag kasundo kami, kasi ako, na dapat leader ng Girls' Generation, at siya na leader ngayon ang nag kakaintindihan. 

 

Pero lahat ng iyon nasira, yung pag kakaibigang isinumpa namin na hanggang sa mag ka anak kami at mag ka asawa at tuloy-tuloy parin, ngayon ay wala na.

 

Hindi na ako nakakaluto ng pag kain nila, o kaya ay nakaka hiram ng mga gamit nila, kasi para sakanila wala na ako.

 

Ibinaba ko ng kaunti ng higaan ko at iniayos ang unan sa aking ulunan, gusto ko ring makatulog, para kahit sa saglit na panahon lang, makalimutan ko yung katotohanan.

 

Tanggap ko naman na, ilang beses ko na ring sinabi na tanggap ko na, lahat ng ginagawa nila tanggap ko na. Pero hindi ko kayang husgahan sila kung hindi ko alam ang side nila, kasi kahit na ilang beses kong sabihin na ayoko na, may ilang porsyento pa rin saakin na umaasa pa. Mali ba? Mali ba ang pag asa na ginagawa ko?

 

Mali ba na kahit kay Jiyong, umaasa na ako? 

 

May narinig akong tunog galing sa pintuan, hindi ko na rin kailangan pang tanungin kung may tao dahil pag lingon ko, nakita ko na rin ang kamay sa saktong pag bukas ng pinto.

 

"Unnie." Mahinang sabi ng isang boses babae.

 

Sa narinig kong salita at boses, nanlaki agad ang mata ko. Parang lahat ng bagay na nakikita ko kanina lang ay nag laho. Kahit anong gawin ko, ang sarap pa rin isampal sa sarili ko ang katotohanang namiss ko to. Lalo na siya, miss na miss ko to.

 

Hindi pa man siya nakakapasok ng buo, ay naluha na agad ako. Sa lahat ba naman ng panahon, sa ganitong lagay ko pa niya ako makikita? Bakit sa dinami-dami ng panahon, ngayon pa? Ayokong makita niya akong ganito.

 

"Bakit, unnie? Bakit?" Hindi ko kayang pakinggan ang mga sinasabi niya.

 

Naririnig ko ang pag tibok ng puso ko, kasabay ng hakbang na ginagawa niya palapit sa pwesto ko. Wala akong lakas ng loob na umupo o kaya'y imulat ang mga mata ko. Kahit na alam kong alam niyang gising ako.

 

Nakaramdam ako ng daliring dumampi sa braso ko. "Unnie, bakit?" Nakakarinig na rin ako ng mahinang pag upo.

 

Hindi ko alam kung bubuksan ko ang mata ko, o kaya'y patuloy kong aaninagin ang mukha niya sa isip ko.

 

"Hyo." May naramdaman akong pag tulo sa palad ko. Bakit kailangan niya pang umiyak?

 

Iminulat ko na ang mga mata ko, kahit na nasinag ako sa liwanag na nakita ko, ang mukha niya pa rin ang pinaka malinaw sa mga nakita ko. Sa tatlong pag pikit ko ay ang pag tulo nanaman ng luha ko. Ayoko ng umiyak.

 

"Sooyoung. I'm sorry." Namiss ko to, sobrang namiss ko to.

 

"Tinanong kita dati, Hyo! Tinanong kita, ang sabi ko sayo, kahit mawala ako sa grupo ipaglalaban kita, pero ang sabi mo wala."

 

"Soo, ayoko ng ganito. Please." Mahina kong sabi.

 

"Hyo, totoo pala yung nga nakita ko? Lahat? Totoo rin yung mga nakita kong resibo ng check up mo?" Yumuko na siya.

 

"Soo, ayokong mag alala ka. Sa lahat, ayokong ikaw ang mag alala. Kaya ko pa, Soo." Mahinahon kong pag papaliwanag.

 

"Hyo, bago pa lang natin ipromote ang Mr. Mr., tinanong na kita tungkol diyan. Ikaw ang nag sabi saakin na gawin ko yun."

 

"Kaya nga hindi kita sinisisi, kasi ayokong nahihirapan ka."

 

"Gusto ko bang nahihirapan ka?" Sa bawat pag sagot niya ay ang pag papamukha saakin ng katotohanan.

 

"Soo, gusto mo bang makita kitang nahihirapan?"

 

"Pero Hyo! Si Yul lang yun, wala akong pakielam kay Yul!" Na hindi lang pala ako ang nasasaktan, na hindi lang pala ako ang nahihirapan.

 

"Okay ng ako, wag lang si Yuri."

 

"Ayan ka nanaman sa Yuri-Yuri na yan eh! Wag ka namang puro Yuri!"

 

Nanahimik na ako, nag aaway nanaman kami ng dahil sa pag pabor ko kay Yuri. Hindi ko rin masisisi si Sooyoung, dahil kahit na anong gawin ko, alam ni Sooyoung na si Yuri ang paborito ko. Maaring hindi patas, pero gano naman talaga, hindi ba?

 

"Mag pahinga ka na muna, mamaya atakihin ka nanaman." Utos niya saakin, sabay umupo siya sa upuan na inupuan ni Tiffany kanina.

 

Matagal rin kaming nabalot ng katahimikan, nung mga time na nag rerecord kami ng Mr. Mr., kinausap niya ako, syempre palihim, dahil isa na rin siya sa mga nasabihan ni Yuri.

 

Bakit raw may nakikita siyang oxygen tank sa kwarto ko, bakit daw may gamot akong para sa puso, bakit raw meron akong resibo ng check-ups tungkol sa puso sa ospital.

 

Hindi ko alam kung nag mamaang-maangan siya, pero hindi ba't alam niya na agad ang sagot dun, ang punto ko lang, bakit ba kailangan niya pang tanungin. Para makasiguro? Hindi rin dahil dun.

 

"Bakit ba ayaw mo kong payagang kalabanin si Yuri?" Nakatingin siya ngayon sa mata ko.

 

Namumula mula pa mga mata niya dahil kaiiyak niya lang. "Sooyoung, kung kakalabanin mo si Yuri, malalagot ka rin kay Taeyeon. Kahit na ngayon ko lang nalaman na isa si Taeyeon. Kung sakaling kinalaban mo si Yuri, paano ka na?"

 

"Unnie, sabi ko sayo wala akong pakielam sa trabaho. Kung aalis ako ng Girls' Generation, edi aalis. May Japan pa, may mga nag ooffer saakin ng drama. Kaya ko unnie, hindi ka lang naniwala saakin." 

 

"Soo, naniwala ako sayo. Hanggang ngayon, naniniwala ako. Gaya ng sabi ko, ayokong may mangyari sayo. Hindi lang ito tungkol kay Yuri, Soo." Umupo na ako sa higaan ko.

 

Kailangan ko ring makita ang mukha ni Sooyoung, ang tagal rin akong hindi pinansin nito.

 

"Anong mangyayari? Ipapapatay ba nila ako? Unnie, bakit ba lagi na lang si Yuri?" Naiiyak nanaman siya.

 

She was blinded by it. "Soo, satingin mo ba puro na lang favoritism ang pinapagana ko? Soo, gusto kong maintindihan mo to. Oo, si Yuri na lang lagi, pag kasama kita si Yuri pa rin. Naiintindihan ko Soo, pero ang sakit rin kasi para saakin, na nilayuan niya ako." Oo, kasalanan ko.

 

"Unnie, si Yul lang ba ang nakikita mo? She put marks on your arm, she slapped you, she insulted you. At kahit na ganon ang ginawa sayo, si Yuri pa rin? Unnie, nasasaktan ka alam ko, yung puso mo, syempre masakit kapag inaatake. Konting malalang damdamin, sasakit yan. Unnie, masakit rin kasi saakin." Umiyak nanaman siya.

 

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dito ako natatakot, ang makausap siya. "Masakit na ba Soo? Kung di mo na kaya itigil mo na." Ngiti kong sabi sakaniya.

 

"Wala akong magawa Unnie, gusto ko ng atensyon mo. Gusto ko ng atensyong ibinibigay mo kay Yuri. Nag seselos ako." Inilagay niya na ang mukha niya sa hita ko.

 

Ganito ba talaga? "Nung sinunod mo lang ang pabor ko sayo Soo, nag bago na tingin ko sayo. Don't think of yourself na mas mababa ka kay Yuri. Hindi ka mapapantayan ni Yuri."

 

"Natatakot ako unnie, sobra. Ayokong mawala ka." Hinawakan ko ang buhok niya at hinaplos ito.

 

Ito na lang rin kasi ang kaya kong gawin kay Sooyoung, ayaw niya buksan ang isip niya sa mga bagay-bagay. "Soo, kaya hindi ko masabi-sabi sayo na may sakit ako, kasi ayoko nito. Ayoko ng nangyayari ngayon." Itinaas niya ang ulo niya.

 

"Ayokong nag kakaganyan ka, ayokong makita kang umiiyak. Lahat naman kayo, ayokong makitang umiiyak. Pero ikaw, ayokong makita kang umiiyak ng dahil saakin. Sa kalagayan ko, kaya isinikreto ko sainyo."

 

Pinunsan ko ang mga luha niya. "Believe in me, Soo. Your mom won't be happy kung iiyak ka ng ganyan, ibinilin ka pa naman niya saakin."

 

"Yun nga eh, ibinilin niya ako sayo. Pero ikaw, nang hihina na rin, maiiwan nanaman ba ako dito?" It hit me right in my face.

 

Kaya siya nag kakaganito kasi ayaw niya ng maging mag isa, dahil SNSD na lang ang natira sakaniya, nag kawatak-watak pa.

 

"Ako mahina? No. I'm strong, ask Tiffany why." Ngumiti nanaman siya.

 

Pero yung ngiting peke. Kitang-kita naman, hindi siya masaya, kasi nalaman niyang may sakit ako, kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin maibalik yung pag hangang meron siya saakin. Mabait na dongsaeng si Sooyoung, kung ikukumpara siya kay Yuri, mas mabait siya.

 

Nginitian ko siya pabalik. Tulad ng sabi ni Miyoung, kailangan ng mag papalakas ang isang tao pag nalulungkot ito. Kahit na nakahandusay ako ngayon dito sa kama at nanghihina dahil sa kakarampot na butas na meron ang puso ko, kailangan kong ipakitang malakas ko para kay Sooyoung. 

 

Ang tanong, bakit hindi si Sooyoung? Bakit si Yuri pa?

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand