30.

Life of Kim Hyoyeon
30.
 
Kada daplis ng kung ano-ano man ga bagay sa kahit anong parte ng balat ko ay masakit. Senyales na ba 'to?
 
Naririnig ko ang boses ni Taeyeon. Yung boses na hinintay kong marinig muli sa loob ng tatlong taon.
 
Kumakanta siya ngayon sa tabi 'ko.
 
"Taeng, indestructible nga."
 
Hindi ko na kayang taasan at lakasan ang boses ko. Sobrang nanghihina na ako.
 
Pang ilang araw ko na ba dito simula ng umamin si Jiyong saakin? Limang araw?
 
"Indestructible?"
 
Inulit ni Taeyeon ang sinabi 'ko. Tiningnan ko ang mukha niya, ayoko mang pansinin, pero sobrang lungkot niya.
 
Pinipigilan niya ang mga luha niya.
 
"Okay lang ba sa'yo?"
 
Mukhang hindi niya kaya kantahin ang nirequest 'kong kanta.
 
Tumango naman siya saakin at hinawakan ang kamay 'ko.
 
"Hmm. Kung para sa'yo."
 
Ngumiti naman siya sa hulihan, kahit na alam kong hindi niya na kaya.
 
Inumpisahan niya na ang pag kanta niya, hindi ko na rin siyang kayang sabayan ngayon, wala na ring boses na
lumalabas galing sa bibig 'ko.
 
"This indestructible unbreakable, bonds that can never be broken."
 
Sinabayan ko siya kahit puro hum na lang ang maririnig saakin.
 
Pumikit ako, para damahin yung kinakanta niya. Kahit para na lang sa huling pag kakataon, marinig kong muli ang magandang boses ng kapatid 'ko.
 
"Our soul is a twin soul. For example, even if it looks like you're about to fall from a cliff."
 
Naririnig ko ang pag iba-iba ng tono ng pag kanta niya.
 
Hindi ko na ring mapigilan ang sarili ko, naluha na ako sa nangyayari. Kasabay ng pag bagsak ng luha niya sa kamay 'ko, bumagsak rin ang mga luha ko kahit nakapikit ako.
 
Tumigil siya sandali sa pag kanta.
 
Alam 'kong pinupunasan niya ngayon ang mga luha sa pisngi niya, lalo ng alam niyang nakapikit ako.
 
Kinukuha niya na yung pag kakataon para hindi ko siya makitang nasasaktan na sa nangyayari. Para hindi ko siya makitang nasasaktan.
 
Alam niyang, ayokong makita silang umiiyak. Pero kailangan ko siyang hayaang umiyak.
 
"At least know that I won't-"
 
Tinuloy niya pa rin ang chorus ng kanta. Alam niya ring paborito ko ang parteng iyan.
 
Pero kahit na pumipiyok siya sa mga nota, nagagandahan pa rin ako sa pag kanta niya.
 
"Let go of your hand."
 
"Let go of my hand."
 
Nag kasabay kami sa pag sabi ng huling lyrics ng kanta.
 
Iba ang pinapahiwatig ko sa mga sinabi ko.
 
Kahit na nasasaktan ako, gusto kong tumingin si Taeyeon sa iba pang parte ng mundo.
 
Gusto kong bitawan niya na ako.
 
Mas hinigpitan niya ang pag hawak sa kamay 'ko.
 
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nagulat siya sa mga sinabi 'ko.
 
Mas lumakas ang pag tulo ng luha niya at lunok siya ng lunok ng laway.
 
Ayoko mang mangyari 'to, pero mukhang kailangan na.
 
"Hyo, anong sinasabi mo?"
 
Iniiwas ko ang mata ko sa mga mata niya.
 
Mas tumindi ang pag iyak niya ngayon.
 
"Taeyeon, alam ko naman. Mamatay na 'ko, diba?"
 
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
 
Bakit ko nasabing mamamatay na ako?
 
Ramdam ko na kasi, kaya siguro hindi niya ako maiwan-iwan dito, dahil nga sa may alam siya. Siguro pati na rin si Jiyong may alam.
 
Maski nga si Jiyong hindi ako maiwan dito pero kailangan niya rin kasi nga may concert pa sila sa ibang bansa, ito yung sabi niya.
 
"Hyo, hindi pa. Gumagawa ako ng paraan."
 
At anong paraan naman iyon? Mukhang wala na ring paraan pa.
 
"Taeyeon, wag mong pahirapan sarili mo. Alam ko na."
 
Umiling-iling siya saakin.
 
"Hindi Hyo, hindi pwede, ayoko."
 
"Hindi ko na rin kasi talaga kaya Taeyeon."
 
Ngumiti naman ako sakaniya matapos kong sabihin na hindi ko na kaya. Totoo naman, hindi ko na talaga kaya.
 
"Ginawa ko ang lahat Hyo, para kausapin ka niya."
 
Sapat na yung ginawa niya ang lahat para saakin.
 
"Okay lang saakin Taeyeon. Wala na akong magagawa. Ang mahalaga, okay na tayo. Diba, unnie?"
 
Mas napaiyak siya sa pag sabi ko ng unnie sakaniya. Yan nga raw kasi ang kahinaan niya.
 
Mula ng ma ospital muli ako, hindi na iniwan ni Taeyeon ang tabi ko. Kahit nga pag tawag man lang o kaya ay pag text sa syota niya ay hindi niya na ginagawa.
 
Minsan natutulog rito sila Tiffany at kailangan rin nilang umalis dahil pinapatawag sila ng SM.
 
Walang alam ang kompanya sa nangyayari saakin ngayon kaya't wala raw silang magawa kung bakit wala sila lagi sa tabi ko.
 
Tanging si Taeyeon lang talaga ang sumusuway sa mga utos at pinag tatakpan ng mga myembro ko.
Sa ngayon ay si Taeyeon lang ang kasama ko.
 
"Wag ka ng umiyak Taeyeon, tiniis ko lang pag iyak mo kanina pero sana wag mong hayaang mag tiis pa ako lalo."
May iba ring kahulugan ang mga sinabi ko.
 
Pinalapit ko pa siya ng kaunti saakin at pinunasan ko ang pisngi niya.
 
Alam kong naintindihan niya ang nga sinabi ko, yung mga pinapahiwatig ko.
 
Tumatahan rin naman siya onti-onti.
 
Gusto ko pa mabuhay, pero kahit gusto ko pa mabuhay, paano ako mabubuhay kung yung puso ko mismo umaayaw na?
 
Wala si Sunny, simula ng maconfine ako ay wala siya. Wala pa rin siguro siyang alam hanggang ngayon.
 
"Taeyeon, pag nalaman ni Sunny sabihin mo pasensya na ah."
 
Napansin ko ring nagulat ulit siya sa sinabi ko.
 
"Hindi pa rin alam ni Sunny?"
 
"Hindi pa eh. Ayokong ipaalam."
 
Mukhang magagalit nanaman siya saakin.
 
"Bakit?"
 
"May problema rin siya, ayoko ng dumagdag pa."
 
"Ayan ka nanaman-"
 
Nilagay ko ang daliri ko sa labi niya, senyas na pinapatahimik ko siya.
 
"Shhh, akala ko ba pag papahingahin mo ako?"
 
Nag simula nanamang mamasa ang mata niya hanggang sa may makita akong tumulong luha. Nag uumpisa nanaman siya.
 
"Wag kang umiyak Taeyeon."
 
Agad niya namang pinunasan ang mga luha pero kung titingnan ang ma mata niya, namamasa pa rin at kitang-kita ang pag ka pula nito.
 
"Pero kasi, hindi dapat ganito."
 
"Dapat man o hindi ay wala na tayong magagawa."
 
Umismid naman siya ngayon sa sinabi ko. Kanina lang ay umiiyak siya ngayon naman umiismid siya. Gulo nito.
 
"Yun nga yun Hyo eh, kami yung walang magawa. Ginawa mo na lahat ng makakaya mo, kami hindi pa."
 
"Ginawa niyo naman na lahat, okay lang ako."
 
Tumaas ang kilay niya sa mga sinabi ko. Kung hindi ko lang alam na maayos na kami nito ni Taeyeon iisipin kong tinatarayan niya nanaman ako.
 
"Okay?"
 
"Okay pa ako."
 
"Pa? Tama Hyo, okay ka pa. Pero may katapusan din."
 
Hindi talaga siya nag papatalo.
 
"Tanggapin na natin Taeyeon. Masaya na ako."
 
Kanina lang ay nagagalit siya, ngayon paiyak nanaman siya.
 
"Sabihin mo rin saaking masaya ka Taeyeon, kahit mag kunwari ka lang."
 
Ngumiti naman siyang onti-onti kahit pilit.
 
"Masaya rin ako."
 
At dahil sa ginawa ni Taeyeon pakiramdam ko nadudurog puso ko sa sakit ng nararamdaman ko.
 
Kahit na sinabi niyang masaya siya, ginawa niya pa rin ang gusto ko, ang mag kunwari siya.
 
*
Sa tabi ko ngayon natutulog si Taeyeon, hindi naman siya nakatabi saakin para bang naka patong lang ang ulo niya sa higaan ko habang hawak-hawak niya ang kamay ko.
 
Gusto niya raw matulog kahit saglit lang, ang sabi ko doon siya sa sofa kaso ang sabi niya dito raw siya sa tabi ko kung sakaling may kailangan ako.
 
Kahit kailan ay hindi naging ganito saakin si Taeyeon. Kahit kailan hindi niya ako inalagaan ng ganito kaya kahit papaano nakaramdam ako ng gaan sa puso ko, dahil kahit na alam kong mawawala na ako. Mayroon pa ring mag aalaga doon sa walo.
 
At dahil sa wala naman akong makausap, matutulog na lang ako.
 
Pumikit ako at pinipilit na mahanap ang tulog ko pero naudyot iyon dahil sa isang malakas na pag bukas ng pinto at isang sigaw.
 
"Hyo! Wag kang matulog! Wag muna!"
 
Anong wag naman muna?
 
Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan ko kung sinong sumigaw, si Tiffany.
 
"Hi Miyoung."
 
Tiningnan ko lang naman siya gamit mga mata ko dahil hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil hirap ako at baka magising ko si Taeyeon sa tabi ko.
 
"Wag mo kong i-hi Hyoyeon, seryoso ako, wag ka munang matulog."
 
Kumuha siya ng upuan sa gilid at itinabi naman ito sa kanang bahagi ng higaan ko.
 
"Inaantok ako Miyoung."
 
Inaantok lang ako.
 
"Hyo, please."
 
At dahil sa nakikita kong namamasa ang mata niya, naintindihan ko kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga sinabi niya.
 
"Wag ka mag alala Miyoung, hindi ito yung huling beses na makikita mo pa akong buhay."
 
"Naniniguro ako Hyoyeon. Alam kong alam mo na, pero wag muna please."
 
"Hintayin mo muna yung iba Hyo."
 
Nanahimik na lang ako dahil baka pag nakipag away pa ako lalo kay Miyoung ay maka sigaw nanaman yan saakin. Hindi siya pwede ngayong sumigaw dahil uulitin ko, may natutulog.
 
"Hello, unnie? Unnies pala."
 
Sabi naman ni Yoona pag pasok niya ng kwarto na ito. Isa-isa na rin silang nag sipag datingan.
 
"Oh Yoona! Buti nakawala ka sa syota mo?"
 
Pang aasar ni Miyoung kay Yoona. Lagi naman nasa tabi ko rin yan si Yoona kaso yun nga hinahanap nung syota niya.
"Unnie naman, wag ganyan. Ikaw rin naman kay Khun oppa."
 
Inirapan naman ni Miyoung si Yoona.
 
"Asan si Yuri?"
 
Kasama ni Yoona dapat si Yuri?
 
Mas nag karoon ako ng interes sa pinag uusapan nila ng marinig ko si Yuri.
 
Hindi ko pa rin talaga kaya eh.
 
"Bumili ng inumin niya ayaw mag pasama saakin."
 
"Ayaw mo lang talaga samahan."
 
Lumapit naman si Yoona papunta saamin ni Miyoung.
 
"Nahuli mo ako unnie."
 
Sumilip naman siya saakin at nakitang gising ako. Ngumiti siya.
 
"Unnie gising ka pala hehe."
 
Hindi ba obvious?
 
"Ayaw ako patulugin ni Miyoung."
 
"Tsaka ang ingay niyo paano ako makakatulog?"
 
Nag isip naman saglit si Yoona at napangiti bigla.
 
"Unnie ganito kasi yan, maganda ako."
 
Anong pinag sasasabi nito ni Yoona?
 
"Ha?"
 
Anong koneksyon?
 
"Maganda ako."
 
Pag uulit niya ng sinabi niya.
 
Nag kunwari akong matutulog ulit dahil sa sinabi ni Yoona.
 
"Miyoung matutulog na ako."
 
Napasigaw naman si Miyoung saakin. Magigising na nito si Taeyeon.
 
"Teka Hyo! Ikaw naman kasi Yoona eh! Hindi ko nga pinapatulog si Hyoyeon eh!"
 
"Stephanie Hwang! Ang ingay mo! Natutulog ako!"
 
"Gising ka na Taeyeon, anong natutulog?"
 
Bumalik na rin ang relasyon nilang dalawa simula ng mag kaayos kami ni Taeyeon.
 
Tiningnan ko lang silang dalawa mag bangayan, ito yung Girls' Generation na minahal ko noon. At masaya ako dahil naging daan ako para maibalik itong Girls' Generation na ito ngayon, kahit na sa saglit na panahon ko na lang ito makikita.
 
"Hoy manahimik nga kayo."
 
Lahat naman sila nanahimik ng pinatahimik ko sila. Hanggang ngayon ay sinusunod pa rin nila ako.
 
"Si Seohyun at Sooyoung?"
 
Pag tataka ko lang dahil kulang kami.
 
"Maya pa raw si maknae. Si Soo, ewan ko, di ko macontact."
 
Matagal pa pala ang hihintayin ko bago ako mag pahinga?
 
Ano naman kaya nangyari kay Sooyoung?
 
"Si Sunny?"
 
Tiningnan ko si Miyoung, pansin kong para bang nanigas siya sa kinauupuan niya at pilit niyang hindi pinapahalata iyon.
 
May alam siguro siya tungkol kay Sunny.
 
"Wala pa kasi siyang alam Hyo."
 
Hindi rin siya makatingin sa mga mata ko.
 
"Wala pa? Sigurado ka ba talaga Miyoung?"
 
Tumingin naman siya ngayon saakin.
 
"Sigurado ako. Sasabihin ko ba?"
 
Humindi naman ako sakaniya.
 
Ramdam ko naman na pinapagaan nila ang nararamdaman ko. Pinapagaan nila yung problema ko. Umaarte silang parang walang nangyayari. Sabagay, tama lang naman.
 
Para na rin wala na akong alalahanin pa sa mga huling sandali ko, okay na rin na nakikita ko silang masaya.
 
*
"Yoona! Sumama ka na samin mamaya ka na kumain."
 
Nakatayo na si Yuri at Sooyoung sa harapan ko. Habang si Yoona nasa sofa pa kumakain.
 
"Yul naman saglit lang, ikaw kasi kumain ka na, ako hindi pa!"
 
Inirapan lang siya ni Yuri at nag stretching naman sila ni Sooyoung.
 
Normal lang naman ang pag irap sakanila.
 
"Sasayaw pa tayo, dali."
 
Ng matapos si Yoona ay tumayo na siya at nakisabay sa stretching.
 
Ng matapos silang mag stretching ay bumilang na si Tiffany.
 
"1, 2, 3, go!"
 
"Ang pangit mo Sooyoung."
 
Madalas mag away ang dalawang ito dahil nga lagi siyang inaasar ni Tiffany.
 
"Mas matangkad naman ako sa'yo Tiffany unnie."
 
"Height lang!"
 
"Hindi rin naman ako tumataba pag kumakain ako."
 
Tiningnan niya patagilid si Yuri na nasa gitna at palihim na tumawa.
 
Natawa rin naman ako sa sinabi niya at tumigil rin.
 
"Hoy, manahimik ka nga Sooyoung."
 
Siniko naman siya ni Yuri sa kanyang tagiliran.
 
"Masakit ba Yul?"
 
Inakbayan niya si Yuri, buti na lang at mas matangkad siya.
 
"Heh."
 
Tinulak naman siya ni Yuri.
 
Natutuwa ako dahil nag kakasundo na silang dalawa.
 
Tiningnan ko naman si Yoona, kitang-kitang naiinis siya sa nangyayari at halatang anumang oras ngayon ay sasabog siya.
 
"Pinag madali niyo ako kumain para mag away kayo? Edi sana kumakain pa ako ngayon!"
 
"Game na!"
 
Sigaw ni Yuri.
 
"Taeyeon unnie, kanta na!"
 
Utos naman ni Sooyoung kay Taeyeon.
 
"Oo na."
 
Nag simula ng kumanta si Taeyeon, habang yung tatlo ngayon sa harapan ko sumasayaw.
 
Ako ang humingi nito sakanila ang sayawan nila ako, kahit sa huling pag kakataon na lang.
 
Lahat ng mga pinromote namin na kanta ay sinayaw nila. Madalas ay nag aaway ang tatlo dahil mayroon sakanilang mali at mayroong tama.
 
Sa huli sasabihin ko rin kung sino ang tama at uulitin nanaman nila ang sayaw nila.
 
Habang tinitingnan ko sila ay hindi ko maiwasang malungkot.
 
Mamimiss ko ito, lahat ng nangyayari ngayon, mamimiss ko. Pero kahit naman mamiss ko, hindi ko na rin muling makikita pa 'to.
 
"Teka! Maknae sama ka samin!"
 
Napatingin naman ako sa pinto, kadadating lang ni Seohyun.
 
May mga dala siyang dalawang plastic bag at nakikita kong mabigat iyon.
 
"Maknae! Ano yan, pag kain?"
 
Lumapit naman agad sakaniya si Sooyoung at kinuha ang isa sa mga plastic na hawak ni Seohyun.
 
"Unnie! Kay Hyoyeon unnie yan!"
 
Hinablot naman ni Seohyun yung plastic na kinuha ni Sooyoung sakaniya.
 
Para saakin? Bakit?
 
"Wala ako maknae? Masakit!"
 
Umarte si Sooyoung na parang nasasaktan nga siya.
 
Bumuntong hininga si Seohyun sa unnie niya at humablot ng isang box ng mga matamis sa plastic na hawak niya. Ibinato niya iyon kay Sooyoung.
 
"Oh! Sooyoung! Penge!"
 
Tumakbo naman si Yoona papunta kay Sooyoung habang si Yuri nakatingin lang.
 
Ng makadaan naman si Seohyun kay Tiffany ay nag puppy eyes si Tiffany.
 
Awkward pa rin siguro si Seohyun sakaniya.
 
"Maknae? Kami?"
 
"Unnie, mamaya kayo. Bumili ako nung strawberry ice cream na paborito niyo ni Yuri unnie."
 
Nakita ko namang nag ningning ang mga mata ni Tiffany at Yuri. Lumapit si Yuri kay Tiffany at nakipag apir.
 
Akala ko ba diet siya?
 
"At Taeyeon unnie bago ka mag reklamong wala ka. Binilhan kita nung cupcake na favorite mo. Bayaran mo ko unnie!"
 
Nanlaki naman mata ni Taeyeon.
 
"Akala ko ba libre 'to?!"
 
"Ang mahal kaya unnie!"
 
"Singilin mo si Baek! Inubos nun pera ko!"
 
Pati syota niya dinadamay niya.
 
"Bakit si Baekhyun ang sisingilin ko unnie?!"
 
"Ako pinag bayad niya nung grocery niya, maknae! Hustisya!"
 
Tinaas niya ang kamay niya na naka pasuntok habang sinisigaw ang hustisya.
 
Bumuntong hininga nanaman si Seohyun at nanahimik na lang. Hindi rin siya makaangal kay Taeyeon.
 
Buti at okay na silang dalawa, nag kalinawan na ata si Seohyun at Taeyeon.
 
Lumapit naman si Seohyun saakin.
 
"Unnie, kumain ka kung gusto mo. Pumapayat ka na."
 
Di na nga ako kumakain ngayon dahil wala talaga akong gana.
 
"Alam ko namang hindi mo kayang tiising yung mga pag kaing niluto niyan ni Taeyeon unnie."
 
Natawa naman ako sa sinabi niya.
 
"Aba maknae!"
 
Hanggang ngayon ay tumatawa pa rin ako.
 
"Magaling ka lang naman sa rice roll unnie!"
 
*
"Hyo! I miss you!"
 
Kausap ko ngayon sa telepono si Jiyong.
 
"Oh? Edi umuwi ka na."
 
Alam ko naman na hindi pa siya pwede umuwi. Niloloko ko lang ba.
 
"Hyo, I miss you kako."
 
"Umuwi ka na nga."
 
"Grabe naman, ayaw mong sagutin yung miss you ko."
 
Nag rereklamo siya sa kabilang linya.
 
"Sinagot ko Jiyong."
 
"Hindi yun yung kailangan ko!"
 
Natawa naman ako sa reaksyon niya.
 
"I miss you too. Happy?"
 
Narinig ko namang tumawa rin siya sa kabilang linya.
 
Kaya ko siya gustong pauwiin kasi alam kong baka hindi na ako mag tagal rito.
 
"Hyo, gusto mo bang umuwi ako diyan?"
 
Obvious naman na ata ang sagot ko dito sa tanong na 'to.
 
"Syempre."
 
"Bakit?"
 
"Jiyong, alam mo kung anong sagot sa tanong mo."
 
Alam niyang alam kong malapit na ang palugit ng buhay ko. Kinompronta ko na siya.
 
Pero ngayon tumabi saakin si Miyoung. Nag cecell phone din siya kausap siguro syota niya.
 
"Hindi yun yung gusto kong marinig Hyo, yung isa. Wala man lang bang kasi labs kita o ano."
 
Tumingin naman si Miyoung saakin at ipinakita ang naka sulat sa screen ng cell phone niya.
 
'Parinig ako Hyo.'
 
"Sandali Miyoung."
 
Bulong ko naman sakaniya.
 
Wala naman akong balak iparinig sakaniya.
 
"Parinig lang Hyo, speaker mo kasi."
 
Pangungulit niya naman.
 
"Ayoko."
 
Bulong ko nanaman sakaniya.
 
"Hyo!"
 
Inilalayo ko ang cell phone sa kamay ni Miyoung.
 
"Baba mo na nga 'to."
 
Utos ko naman sakaniya.
 
"Teka! Yung I love you ko!"
 
"Love you, bye!"
 
Madali kong sagot.
 
"Love you t-"
 
Hindi ko na hinintay na makasagot pa si Jiyong.
 
"Grabe ka naman Hyo! Hindi mo pinarinig saakin!"
 
Nag rereklamo ngayon si Miyoung. At kahit nakapatay na ang ilaw nakikita ko pa rin ang reaksyon niya dahil sa ilaw sa labas.
 
"Tigilan mo ko Miyoung."
 
"Pero may love you, hihi."
 
Umarte naman siyang parang kinikilig.
 
"Payag ka nun Taeng?!"
 
Sigaw niya naman sa kabila kong gilid kung saan may higaan na dinala si Taeyeon.
 
Nag uusap sila ngayon ni Baekhyun panigurado.
 
"Gwapo naman si GD! Pwede na!"
 
"Oo nga naman Taeng!"
 
Pag sang ayon naman nito ni Tiffany.
 
Si Yoona, Sooyoung, Taeyeon at Miyoung lang ang nandito dahil kailangang bumalik nila Yuri at Seohyun sa dorm dahil sa hinahanap silang dalawa nung manager.
 
"Hoy, kayong dalawa."
 
Pag sasaway ko naman sakanilang dalawa.
 
"Selos ka?"
 
Tumingin naman saakin si Taeyeon at umupo, habang ako naman nakahiga pa rin pero tinaasan ko ang unan ko para makita ko sila ng maayos.
 
"Gwapo ni Baekhyun, diba Taeyeon? Hingiin ko nga number kay Kai."
 
Umarte akong parang nag tetext na ako at agad niya namang hinablot cell phone ko.
 
"Mahal kita Hyo pero wag si Baek!"
 
Hinablot ko naman pabalik cell phone ko sakaniya.
 
"Edi wag si GD."
 
"Buti pa si Khun."
 
Pag mamalaki ni Miyoung.
 
"Alam mo ba Miyoung, tinatawagan ako dati ni Junho para ipakausap saakin si Khun."
 
Binaba niya ang cell phone na hawak niya ay humarap na rin saakin.
 
"Weh?! Anong sabi?!"
 
"Joke lang!"
 
Sabay peace sign ko naman sakaniya.
 
Ngayon ko lang nakitang tumawa ulit ng totoo itong si Miyoung.
 
"Hyo naman!"
 
"Gwapo pa rin ni Baekhyun."
 
Sabat naman ni Taeyeon na ngayon ay hawak-hawak ang cell phone.
 
Paniguradong namiss niya si Baekhyun dahil gaya nga ng sabi ko, hindi niya iyon kinausap mula kanina dahil saakin.
 
"Mas gwapo si Khun!"
 
"Mas gwapo si Jiyong."
 
"Mas gwapo si Seunggi ko mga unnie kaya manahimik na kayo dahil madaling araw na!"
 
Sigaw naman ni Yoona saamin, yakap-yakap niya si Sooyoung. Kanina pa sila ganon matulog sa higaan nila.
 
Buti na lang at hindi nagising si Sooyoung.
 
*
 
Tulog na silang lahat, ako na lang ang gising. Madaling araw pa rin naman, medyo nag tagal din ang pag uusap namin nila Taeyeon at Miyoung.
 
Pinilit ko na lang ring mag salita kahit na nahihirapan ako dahil sumasakit ang puson at dibdib ko kada humihinga ako.
Pero kung para naman sakanila, handa akong mag tiis.
 
Umiyak na ako, umiyak lang ako ng umiyak. Ayokong ipakita sakanila ito kaya ngayon ako iiyak.
 
Sobrang sakit na, pero kailangan ko pa ring tiising, wala pa si Sunny.
 
Wala pa rin si Jessica.
 
Yung dalawa kong bestfriend, hindi ko pa nakikita.
 
Hindi ko pa rin sila nakakausap.
 
Huling pag kakataon na talaga ito, pero wala pa rin sila.
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand