3.

Life of Kim Hyoyeon

3. Birthday, again?

 

I've just came back from the hospital. Pumasok ako sa dorm namin at nakita ko silang lahat na nakabihis ng formal na medyo casual? Di ko alam kung paano iexplain. Basta lahat sila magaganda ang bihis. Tinawag ako ni Seohyun, pinapapunta niya ako sa kwarto namin. Dorm mate ko siya.

 

"Unnie, magbihis ka. Yung maayos ah." Tas nginitian niya ako.

 

Ano bang meron? Tingnan ko cell phone ko, 6:37 pm. Mag gagabi na rin. San naman kaya kami pupunta?

 

"Magbihis ka na lang unnie. Hehe."

 

Umoo na lang ako, pumasok ako ng cr para mag wash-up. Matagal-tagal rin kami ni Kibum sa arcade kanina. Malay natin, may amoy na ako. Pagtapos ko mag wash-up kumuha na ako ng maayos na suot. Kilala ako bilang fashion terrorist kaya nag dress lang ako at nag snickers. Para saakin maganda naman.

 

Yung dress ko di katulad ng kanila na bongga. Yung akin, simple lang. Black lang sya na before the knees. Tas sinuklay ko na lang buhok ko.

 

"Hyoyeon, dalian mo naman. Late ka na nga umuwi, ang bagal mo pa." Sabi ni Taeyeon.

 

"Edi sana di niyo na lang ako hinintay. Para namang may pake kayo."

 

Inirapan niya na lang ako. Lumabas na ako, ang dala ko lang susi ng kotse ko pati cellphone at maliit na purse para sa pera ko. Mamaya diba bigla akong magutom sa daan. Dala ko narin yung maliit na lalagyan ng gamot ko.

 

Dumiretso na sila sa van nilang lahat, niyayaya ako ni Sunkyu pero umayaw ako. Mag sasarili na lang ako. Ayoko ma-op sakanila. Sinundan ko yung van hanggang sa nakapunta kami sa isang hotel.

 

Pag pasok ko sa isang kwarto nakapatay ang ilaw nakita ko rin si Kibum at Jinki na nakangiti saakin. Hinila ako ni Seohyun.

 

She brought me to the other 7 members. Lahat sila nakangiti. Anong meron? Si Seo hawak-hawak lang braso ko. Excited siya masyado. Ano bang nangyayari?

 

Tatanungin ko na sana sila, kaso naunahan ako ni Sunny.

 

"Hyo shh. This will be fun."

 

This will be fun? Anong masaya dito? Madilim? Masaya ba pag madilim?

 

Tiningnan ko si Kibum at Jinki, naka smile sila ng wagas. Si Seo tiningnan ko ulit, naka ngiti rin siya.

 

Pag tingin ko sa kanan ko, may nakita akong banner. Madilim pero medyo naaaninag siya. Happy Birthday? Ha?

 

Birthday? Birthday... Today is 22nd of September. It's my birthday. Oh my god. Surprise ba nila to?

 

Kinakabahan ako. Act lang ba yung kanina pag balik ko ng dorm? Narealize na ba nila yung halaga ko? Kahit na di maganda pinakita nila last 3 years, okay lang. Kahit isang bawi lang saakin, papatawarin ko sila.

 

Bumukas ang ilaw sa isang tao at yun ay si Siwon.

 

"Welcome everyone! Andito tayong lahat to celebrate a special birthday of S.M.'s beloved artist." Tatayo na sana ako ng biglang sinabing...

 

"Chen of Exo, Happy Birthday! Inadvance na namin ang party mo kasi may concert kayo bukas diba? Happy Birthday!" I'm on the verge of shock.

 

Natulala lang ako. 1. 2. 3. 4. 5. Loading pa rin sa utak ko. So, si Jongdae? Hahaha. Happy Birthday?

 

Syempre, sino nga naman ako para pag handaan pa nila ng party diba. Wala naman ng makakaalala dahil wala naman na ako sakanila. Ang tanga ko lang talaga para isipin na maaalala nila.

 

Tumayo na ako at pumunta sa parking lot, hindi narin ako nakita ni Kibum at Jinki dahil nakatutok sila kay Jongdae na sinasabi ang speech niya. Wala akong hard feelings kay Chen. Kung tutuusin close kami, pero nag expect kasi ako. Mas nauna ako kay Chen sa industriya na to. Pero ba't parang wala na ako? I'm getting my hopes too high. Ng dahil sa ginawa ni Sunny kaninang umaga, akala ko maaayos pa.

 

Pumasok ako sa kotse ko and I'm starting to feel my chest ache. Inaatake nanaman ba ako? Kinuha ko na yung pouch na dala ko at kinuha ko yung gamot ko. I need to calm myself.

 

Pero yung luha ko, ayaw niya. Tumutulo parin siya kahit pinipigilan ko na. Sobrang sakit. Naninikip dibdib ko ng sobra. Binuksan ko bintana ng kotse ko.

 

"I need Kibum..."

 

Hawak-hawak ko parin dibdib ko hanggang ngayon. Wala na akong pake kung may makakita saaking paparazzi. Mas may pake ako sa puso ko kesa sa career ko. Hirap parin akong huminga ngayon.

 

Inistart ko yung kotse ko, gusto ko pumunta sa park o kaya kahit saan na malamig at walang tao. I need peace. Tinry ko mag maneho pero mahirap parin talaga, nawawala concentration ko dahil narin siguro sa kawalan ko ng hininga at sakit ng dibdib ko.

 

Mga 15 minutes later, umookay pakiramdam ko. Kinalma ko lang sarili ko pero tumutulo parin yung luha ko. Nag drive ako papuntang park.

 

Etong park na 'to ang favorite ko. Dito, walang tao. Kasi abandoned na 'to eh. For the past 3 years of my loneliness. No, I'm not lonely, I still have Jinki and Kibum.

 

But for the past 3 years, dito ako nag dadrama. Dito ko nilalabas sama ng loob ko. Dito ako kadalasang inaatake ng sakit ko sa puso kasi nga tulad nga ng sabi ko dito ako naglalabas ng sama ng loob. Dito ako sumisigaw hanggang sa mapaos ako. Dito ako naglulumpasay, nagtatanong sa mga puno kung ano na nga bang nangyare sa SNSD na dati ay pamilya ko.

 

Umupo lang ako sa may swing, this swing is my favorite. Simula nung dinala ako dito Yuri, etong swing na 'to ang paborito ko. This park was introduced to me by my favorite dongsaeng. Pero wala na. Di niya na rin siguro maaalala to.

 

Nag stay lang ako habang umiiyak. This park is precious to me but at the same time I hate this place. It brings back all the memories. Lahat ng ala-ala ng SNSD andito. Dito kami kadalasang nag aaway ni Jessica. Dito kami unang tinawag ng members bilang Violent Couple. HyoSic? How I miss my 14 years buddy right now.

 

"Akala ko talaga it's my party. I thought I owned that night..."

 

"It's my birthday, paano nila nakalimutan yun? Last year, they even sent me their greetings through text. Kahit text lang, maaapreciate ko..."

 

"Pero yung nakalimutan nila... Hahahaha. Invisible na ba talaga ako?" Tanong ko sa sarili ko.

 

Humagulgol na ako. How I miss Yuri hugging me.

 

"That kid leader. How dare she even forgot my birthday. Sabi niya pag nakalimutan niya birthday ko which is imposibleng mangyari eh bibilhan niya ako ng favorite na brand ko ng sapatos. Singilin ko kaya siya? Hahahaha." She probably forgot that promise.

 

"That cold princess. What happened to our oh-so-called the longest friendship in SNSD? Since I was around 9 or 10 siya lang naging kasama ko sa practice room. We even promised na pag birthday naming dalawa may date kami."

 

"Lee Sunkyu, I have nothing to say. Binati niya ako kanina, she even gave me a bracelet." Sabay tingin ko sa right wrist ko.

 

"Suot niya kaya? By the way, 22 is our day nga pala. I must call her."

 

I held my phone and call her. Di ko alam kung sasagutin niya pa, probably busy na siya ngayon.

 

Sinagot niya.

 

"Hyo, where are you? Bigla ka na lang nawala kanina." She noticed it?

 

"Sunkyu! Happy 22nd day of the month! Salamat kasi lagi kang nasa tabi ko. You never left my side, comforted me if needed. Being the last member to actually join the SNSD is a good thing. Naging close tayo agad. How I wish na sana hanggang sa mawala na ang SNSD sa isip ng mga tao, tayo parin ang bestfriends. Diba? I'm always thankful to have you in my life. Busy ka na ata. Bye. I love you." Binaba ko na bago pa niya marinig na umiiyak ako.

 

She called me pero nirereject ko call niya. She have every damn right to be happy.

 

Someone actually texted me.

 

"Yah! You explain yourself later to me at the dorm. Umiiyak ka alam ko. Take care of yourself."

 

Anong ieexplain ko sakaniya? Na nag assume ako? Ayoko naman na sabihin niyang assumera ako. Di naman sa ganun talaga tingin ko sakaniya pero mamaya madaldal niya nanaman kay Tiffany. Ayaw ni Miyoung saakin, sobra.

 

Binuksan ko gallery ng cell phone ko. Just to reminisce something.

 

I looked at the picture of me and Tiff.

 

"Namimiss ko na 'to. Akala ko ba ikaw ang number one fangirl ko? Pero ngayon ayaw mo na saakin? Bakit? I can make you laugh all day, I can dance to you all day. Please, ayusin na natin to." Tumulo luha ko sa screen. Pinunasan ko.

 

I swiped the screen to the left.

 

A picture of me and the two maknaes.

 

"Seo baby, Yoon baby. How I miss to accompany the two of you to the toilet. Thank you sainyong dalawa to actually care for me. I know, you two always looked up on Taeng so much. Pero tinry niyo ko ipaglaban. I'm so lucky to have the two of you as my dongsaeng."

 

Next picture.

 

A picture of me and the giant. My lovely dongsaeng.

 

"Hi baby. Ew. Akala ko ba loyal ka saakin ha? Pero nung niyakap kita tinaboy mo ko. Ang sakit tuloy ng paa ko nun. Namimiss na kita. Grabe. Namimiss ko na yung yakap mo saakin pag takot na takot ka matulog magisa sa kwarto niyo ni Tiffany. Kahit one last time, pwede ba maulit yun? Hahaha. I hate you, for actually pushing me last week. Pero okay lang, I forgive you. Mahal kita eh. Haha." I smiled at the picture.

 

I swiped the screen to the left.

 

Picture namin ni Yuri.

 

"How should I start this to my favorite dongsaeng? Should I say sorry? Kasi inagaw ko lahat ng chances mo to have the dance breaks? Sorry kung ako ah. That time is the only time na kaya pa ng puso ko sumayaw ng todo. Pero dahil sa ugali ko nasaktan ko feelings mo. I'm sorry. If only I could give you the dance breaks on Mr.Mr., Paparazzi and such ibibigay ko sayo. Pero na ako sa tingin niyo kaya nung sinabi ko na ibigay na sayo ayaw na nila."

 

"Kung alam mo lang, I can't dance that much anymore. Di ko na kaya sumayaw ng todo. Di ko na kaya ipakita kung bakit sinasabi niyong Dancing Queen ako. I can't pop anymore. Nahihirapan na puso ko. Sabi mo saakin you always looked up on me. Na kung sakaling malaglag ako, you'll always catch me. Nalaglag na ako. At ang sakit sobra. I never wanted to lose you."

 

"Ikaw parin ang favorite dongsaeng ko. Always will. Please do remember that I love you. Always." Nginitian ko yung picture namin kahit sobrang basa na yung screen.

 

I wanted to say sorry to her pero she won't even bother to talk to me. I am a main dancer. Kaya akala ko ang dance breaks ay para saakin. Siguro dahil na nga sa mahina puso ko, binigay na nila kay Yuri. Pero okay lang.

 

Kung sakaling mawala man ako sa SNSD by these months coming. I'll always be at the crowd. Naka wheelchair man o hindi. Di ko pa nga alam kung kaya ba ng katawan ko yung puso eh.

 

Pero I'll always be at the crowd, wearing a SNSD merch t-shirt. Holding a pink light stick and waving it to make a hallyu wave. I'll always be their number one SONE.

 

Susuportahan ko sila, forever. Magiging umma parin nila ako.

 

Kasi nga diba,

 

Ot9 forever...

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand