29.

Life of Kim Hyoyeon

29. Jessica's POV

 

Nandito sa harapan ko ngayon si Taeyeon habang umiiyak siya. Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari.

 

"Sica, Sic- hah." 

 

Hirap na hirap na siya mag salita kasi nga umiiyak diba.

 

"Huminahon ka nga Taeng, ano bang nangyari sa'yo?"

 

Nag papahinga kasi ako ngayon dahil kadadating ko lang galing ibang bansa.

 

Syempre na badtrip ako dahil yung pahinga ko ngayon, sakaniya napupunta.

 

"Sica, nag mamakaawa ako."

 

Kinapos namaman siya ng hininga dahil sa pag iiyak niya.

 

"Tungkol ba 'to kay Hyoyeon?"

 

Nakukuha ko naman na kasi ang ibig sabihin niya. Sa tuwing hihingi yan ng awa saakin laging tungkol kay Hyoyeon.

 

"Sica, mamamatay na kapatid 'ko. Hindi ba pwedeng makipag ayos ka na?"

 

Hinawakan niya ang balikat ko at inialog ang katawan ko.

 

Gusto niyang makipag ayos ako kay Hyoyeon?

 

Bakit pa?

 

Mamamatay na si Hyoyeon?

 

Talaga?

 

Imposible namang walang gagawin yan si Taeyeon lalo na't kapatid niya yan.

 

"Hindi ako makikipag ayos kay Hyoyeon."

 

Tinabig ko yung mga kamay niya sa balikat ko.

 

Sawang-sawa na ako sa kakaganito niya saakin. Ilang beses ko na ring sinabi sakaniya na hindi ako makikipag ayos kay Hyoyeon, ayaw niya paring makinig saakin.

 

"Jessica! Please."

 

Nagulat ako sa susunod niyang ginawa.

 

Lumuhod siya sa harapan ko habang umiiyak.

 

Hindi ko ito inaasahan lalo na kung si Taeyeon ang gagawa. Sa buong walong taong mag kasama kami ni Taeyeon, ngayon ko lang siyang nakitang maging ganito ka desperada.

 

Pero kahit na naaawa ako kay Taeyeon, hindi pa rin ako makaka payag sa gusto niyang mangyari.

 

"Wala ka na bang iba pang hihilingin maliban sa pakikipag ayos ko kay Hyoyeon?"

 

Bilang isa rin sa pinaka close ni Taeyeon, ayokong makita siyang ganito.

 

"Wala na akong hihilingin pa Jessica, ito lang. Lahat ng gusto mo gagawin ko."

 

Nag pantig ang tenga ko sa mga sinabi niya.

 

Lahat ng gusto ko gagawin niya?

 

"Gusto ko?"

 

Ngumiti naman ako kay Taeyeon.

 

"Gusto kong mahirapan yang kapatid mo. Gusto kong maranasan niya yung hirap na dinanas ko."

 

Pag tapos kong mag salita ay inialis ko na ang ngiti ko at ipinakita ko sakaniya ang nandidiring mukha.

 

Hinila ko siya patayo. Ayokong makita siyang lumuluhod kahit kanino.

 

"Jessica! Nag mamakaawa ako, ito na lang ang natitirang tiyansa para sumaya pa siya."

 

Pero kahit na hinila ko na siya, pinipilit niya pa ring lumuhod.

 

"Natitirang tiyansa? Ganon yun Taeyeon? Binigyan niya ba akong tiyansa? Siya ang kumuha ng kasiyahan saakin, ako ang kukuha ng kanya."

 

Diretsong mukha kong sinabi sakaniya. Alam ni Taeyeon na sobrang laki ng kasalanan ni Hyoyeon saakin.

 

"Jessica, wala akong alam sa problema mo kay Hyoyeon pero hindi ba pwedeng kahit mag kunwari ka. Please Jessica."

 

Ganyan ba siya ka desperada na maski ako sasabihan niyang mag kunwari sa harapan ng kapatid niya?

 

"Ayoko nga Taeyeon, hindi ako plastik. Kung ayoko kay Hyoyeon, ayoko."

 

"Jessica, kailangan niya talaga 'to. Kahit bago man lang siya mamatay."

 

Hawak-hawak niya ngayon ang mga binti 'ko. Kitang-kita kong sobrang desperada na talaga siya sa hinihingi niyang pakiusap saakin.

 

Pero anong magagawa 'ko kung ayoko?

 

"Wala akong pakielam sa kailangan niya."

 

"Jessica, ikaw na lang ang natitirang pag asa 'ko."

 

Natitira? Ako ang natitirang pag asa niya? Niloloko niya ba ako?

 

Lalapit siya saakin, ngayong may kailangan siya?

 

"Mag hanap ka ng iba."

 

"Sica, please."

 

Aalis na sana ako sa kinatatayuan 'ko pero hindi niya pa rin pinapa kawalan ang mga binti 'ko.

 

Ayoko ng makita siyang lumuhod.

 

Ayokong maawa kay Taeyeon.

 

"Wag kang lumuhod." Utos ko sakaniya.

 

Umiling lang siya saakin. Kita ko paring determinado siya sa gagawin niya.

 

"Wag ka sabing lumuhod!" Hindi na ako nakapag timpi at sinigawan ko na siya.

 

Kahit na alam kong ayaw niyang sinisigawan ko siya, tiniis niya. Para nanaman sa kapatid niya.

 

Yang laging bida niyang kapatid.

 

Si Hyoyeon nanaman.

 

"Sica, hindi ako tatayo kung hindi mo gagawin ang hinihiling 'ko."

 

Tumutulo na ang mga luha niya sa biti 'ko.

 

Hindi ko na siya kayang tingnan.

 

"Edi wag kang tumayo." Tiningnan ko siya ng mariin.

 

Sinipa ko ang braso niya, kahit na ayokong gawin ito, ginawa ko pa rin. Hindi ko na talaga kayang makita si Taeyeon sa ganyang kalagayan niya.

 

Kung kailangan ko siyang saktan, sasaktan ko siya.

 

Kung yun lang ang natatanging paraan para lubayan niya ako sa gusto niyang ipagawa saakin.

 

Tumalikod na ako nag lakad papunta sa kwarto naming dalawa.

 

Naririnig ko pa rin ang pag iyak niya, pinikit ko ang mga mata 'ko at pinili kong takpan ang mga tenga ko para hindi ko na siya marinig pa.

 

"Sica!"

 

Narinig ko pa rin ang sigaw niya.

 

"Taeyeon, kung malaking bagay sa'yo ang kamatayan ni Hyoyeon. Malaking bagay rin saakin ang problema ko kay Hyoyeon."

 

Sobrang laking bagay ang problema ko kay Hyoyeon. Sobra sobra.

 

"Wag mong kunin ang kasiyahan ni Hyoyeon, Sica! Ng dahil sa'yo kaya tayo nag kakaganito!"

 

Hindi ko kayang pag pa sensyahan si Taeyeon, hindi ko kaya. Umaasta siyang parang may alam siya.

 

Bakit saakin napunta ang sisi?

 

Pinanatili ko ang likod kong nakaharap sakaniya. Ayokong makita ni Taeyeon na naawa ako sakaniya. Ayokong makita ni Taeyeon na hindi ko na kaya. Ayokong makita ni Taeyeon na naiiyak na rin ako sa ginagawa niya. Hindi lang dahil sa ginagawa niya, pati na rin sa nangyayari ngayon.

 

"Ng dahil saakin? Sigurado ka? Edi sana umpisa pa lang pinigil mo na diba? Leader ka ng grupo, hindi ba?!"

 

Tama, lagi niyang sinasabing lider siya. Pero pag dating sa kapatid niya, nakakalimutan niyang lider siya.

 

"At ako?! Ako ang kumuha ng kasiyahan niya? Anong ginawa niya saakin?! Hindi ba't pag kukuha rin ng kasiyahan ko iyon?!"

 

"Wala kang alam Taeyeon! Wag mo kong husgahan!"

 

"Paano ako may malalaman? Wala kang pinapaalam Jessica!"

 

Hindi naman kasi nila ako tinatanong kung ano bang nararamdaman ko!

 

Walang may pake sa nararamdaman ko! Lahat ng atensiyon nila na kay Hyoyeon!

 

"Dahil hindi mo ako maiintindihan! Hindi niyo ako maiintindihan! Walang makakaintindi saakin kundi kapatid ko lang!"

 

Tama, kapatid ko na lang.

 

Kung kailan kapatid ko na lang ang natitira saakin, kinuha niya pa. Lagi na lang siyang nangunguha.

 

"Pero anong nangyari sa kapatid ko? Nakuha rin niyang napaka butihin mong kapatid!"

 

Hindi pa rin akong humaharap sakaniya.

 

Nang hihina na ako.

 

"Hindi niya kasalanan iyon!"

 

"Talagang hindi niya kasalanan! Kasi kasalanan ko Taeyeon! Ako ang may kasalanan! Pero hindi ko na kayang sisihin sarili ko!"

 

Umalis na ako sa harap ni Taeyeon at pumunta sa kwarto ko.

 

Hindi ko na napigilan ang mga luhang nag mamadaling lumabas galing sa mga mata 'ko.

 

Napasandal na ako sa pintuan at sinimulan ko na ang pag iyak.

 

Tama, si Hyoyeon ang may kasalanan. Si Hyoyeon ang may kasalanan kasi hindi ko na kayang sisihin ang sarili ko.

 

Si Hyoyeon ang may kasalanan kung bakit maski kapatid ko, nalalayo na ang loob saakin.

 

Si Hyoyeon ang may kasalanan, kung bakit ako naging ganito sakaniya.

 

Naiinis ako, sobra. Sobra ang pag kakainis ko sakaniya.

 

Hindi nila ako kayang intindihin.

 

Wala naman kasing nag tatanong saakin kung ano na nga ba ang nararamdaman ko.

 

Lagi niyang sinasabi saakin na bestfriend ko siya. Lagi lang siyang nandito para saakin. Lagi siyang handang makinig ng mga problema 'ko.

 

Pero ngayon?

 

Sino ba ang tinuturing niyang bestfriend niya?

 

Diba si Sunny?

 

Dapat kay Sunny ako magalit pero hindi naman kasalanan ni Sunny.

 

Sa lahat close si Hyoyeon, lahat ng myembro namin, siya ang pinaka paborito.

 

Kinalimutan na ako ng bestfriend 'ko. Kinalimutan na ako ng taong akala ko magiging pangalawang kapatid 'ko.

 

Kaya sobra ang galit 'ko sakaniya.

 

Hindi niya ako tinanong kung anong mga problema 'ko.

 

At nung nagalit ako sakaniya, parang wala lang sakaniya.

 

Kahit na ang sabi niya handa siyang makinig saakin.

 

Pero bakit hindi ko maramdaman?

 

At bakit nadamay ang kapatid 'ko?

 

Lumalayo ang loob niya saakin, dahil sinasaktan ko raw si Hyoyeon unnie niya. 

 

At bakit alam niya?

 

May nag kwento sakaniyang isang myembro ko, at ang hinala ko si Hyoyeon. Sigurado ako.

 

Sinira niya ang imahe ko sa kapatid 'ko.

 

Kay Krystal ko rin nalaman na may sakit sa puso si Hyoyeon.

 

Bakit daw ganon ang ginagawa 'ko?

 

Maski si Krystal nakuha na niya saakin.

 

Si Krystal na lang ang natira saakin. Namatay na mga magulang namin, at saakin ibinigay ang responsibilidad.

 

Wala na akong maasahan, wala na akong masandalan kundi si Krystal na lang.

 

Naisip ko, sawakas makikita na ni Krystal na mas magaling ako kay Hyoyeon.

 

Na mas may halaga ako kesa kay Hyoyeon.

 

Pero sa huli, hindi pa rin. Gustong-gusto niya pa rin si Hyoyeon.

 

Na kahit harap-harapang sinabihan ni Hyoyeon si Krystal na si Seohyun ang isama sa Girls' Generation, ay wala siyang pake.

 

Mas tumaas ang pag hanga niya kay Hyoyeon.

 

Kaya ko nga gustong ipasok si Krystal sa Girls' Generation eh.

 

Kasi gusto kong matupad yung pangarap niya.

 

Yung makasama niya si Hyoyeon unnie niya.

 

Pero si Hyoyeon pa ang sumira ng pangarap na iyon.

 

Na dapat ate niya ang hinahangaan niya, pero ang hinahangaan niya ngayon ay ibang tao.

 

Ano ba kasing meron si Hyoyeon?

 

Na maski yung lalaking gusto ko, siya ang gusto.

 

Ang cliché diba?

 

Yung lakaking gusto ko, gusto yung 'bestfriend' ko.

 

Nawalan na ako ng mga magulang, nawalan na ako ng kapatid, nawalan na ako ng lalaking minamahal, maski bestfriend ko nawala saakin.

 

Maski nga mga myembro ko nawala na saakin.

 

Wala na akong pake kay Hyoyeon.

 

Tulad ng pag ka walang pakeng ipinapakita ni Donghae saakin, tulad ng pag ka walang pakeng ipinapakita niya saakin.

 

Wala na rin akong pake sakaniya.

 

Ayoko ng umextra pa sa buhay niya, ayoko ng pumasok pa sa buhay niya. Ayoko ring papasukin pa siya sa buhay 'ko.

 

Lahat na lang inagaw niya saakin. Wala ng natira saakin.

 

Wala ng natira sa bestfriend niya.

 

Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili kong hindi na niya ako bestfriend, umaasa pa rin ako.

 

Nasasaktan pa rin ako sa salitang iyon na lagi kong naaalala pag nakikita ko siya.

 

Inagaw niya yung kasiyahan ko.

 

Inagaw niya yung kasiyahang si Krystal lang ang makakapag bigay saakin.

 

Yung kasiyahang gustong-gusto kong makuha, hindi bilang anino ni Krystal kundi bilang taga pag alaga ni Krystal.

 

Inagaw niya yung kasiyahang si Donghae lang ang makakapag bigay saakin.

 

Mula bata ako, ang sinasabi ng magulang 'ko, mas magaling saakin si Krystal.

 

Lagi na lang si Krystal ang bida. Pag dating ko rin sa SNSD, si Hyoyeon ang bida.

 

Lagi na lang may mas magaling saakin.

 

Kaya't nung namatay sila, gusto kong ipakita kay Krystal na masasandalan niya ang kapatid niya.

 

Pero bakit hindi nangyari yun?

 

Bakit hindi iyon natuloy tulad ng pinlano ko?

 

Tuwing bibisita saakin si Krystal ang lagi niyang hanap si Hyoyeon. Puro si Hyoyeon.

 

Humahanga raw siya kay Hyoyeon kasi kahit hindi raw siya ang lider, kaya niya kaming disiplinahin.

 

Pero kahit na hindi na nakikita ni Krystal ang kaya kong gawin, mahal ko pa rin si Krystal.

 

At dahil mahal ko si Krystal, si Hyoyeon ang sinisisi 'ko.

 

Lagi na lang ako ang may kasalanan, kaya ngayon ang sisisihin ko si Hyoyeon.

 

Yung taong umagaw ng lahat saakin.

 

Yung taong sinaktan ako ng higit pa sa inaakala kong mararansan ko.

 

Lalo na't galing pa iyon sa 'bestfriend' ko.

 

Yung taong pinaniwala saakin na hangga't nabubuhay kami, wala ng katapusan ang pag kakaibigan namin.

 

Na hanggang sa may dumadagdag na taon, dumadagdag rin ang taon ng pag kakaibigan namin.

 

Siya ang nag turo saaking wag sumuko.

 

Sakaniya ko sinabi ang mga problema ko sa mga magulang 'ko.

 

'Hyo, inako ko namaman kasalanan ni Krystal. Binawasan tuloy ako ng allowance.'

 

At anong sabi niya saakin?

 

Gawin ko lang daw iyon, dahil baka balang araw hangaan ako ng kapatid 'ko.

 

Pero sa huli siya ang hinahangaan ng kapatid 'ko.

 

Siya pa rin hanggang ngayon.

 

Inaako ko lagi ang kasalanan ni Krystal dahil gusto kong tingnan ako ng kapatid ko biglang unnie niyang kaya siyang alagaan at hindi siya papabayaan.

 

Si Hyoyeon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin sinusukuan si Krystal.

 

At kahit siya ang dahilan, siya pa rin ang sinisisi 'ko.

 

Kasi kung hindi naman siya nakilala ni Krystal edi sana maayos ang relasyon ko kay Krystal.

 

Kahit siya naging dahilan kung bakit hanggang ngayon may lakas pa rin ako ng loob harapin si Krystal na nagiging sanhi kung bakit anino ako, siya pa rin ang binabalingan ko ng nga kasalanan ko.

 

Dahil gusto kong maintindihan niya kung gaano kasakit.

 

Kung gaano kasakit maagawan ng kapatid.

 

Kung gaano kasakit na may mas magaling pa sa'yo sa mga mata ng kapatid mo.

 

Kung gaano kasakit masabihan ng mga masasakit na salita.

 

Ang gusto ko lang masaktan ang bestfriend 'ko.

 

Gusto ko lang, maalala niyang may iniwan pa siyang bestfriend niya.

 

Pero paano niya maaalala?

 

Kung yung bestfriend niyang yun ang nanakit sakaniya.

 

Kung yung bestfriend niyang yun ang isa sa mga sanhi kung bakit mas lumala ang karamdaman niya.

 

Minsan naiisip ko na ang sarap sabihan ang sarili ko ng ''. 

 

Pakiramdam ko mas pa ako kesa kay Hyoyeon.

 

Siya ang nag turo saaking maging malakas, pero siya pala mismo yung hindi na malakas.

 

Pero dahil sobrang laki ng galit ko sakaniya, mananatili pa rin ang desisyon 'ko.

 

Hindi ako lalapit kay Hyoyeon, para mag makaawang patawarin niya ako.

 

Dahil hindi pa malinaw ang lahat.

 

Hindi pa rin ako nalilinawan sa mga nangyayari.

 

Dahil hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa utak kong siya ang may kasalanan.

 

Nakatatak sa isipan kong kung tatanggapin ko ang kasalanan ko, magiging bida namaman si Hyoyeon.

 

Sabik ako sa atensiyon.

 

At mukhang hindi na iyon mag babago.

 

Nag hahanap ako ng pag hihiganti sa mga nangyari.

 

Sobra na ang galit ko, sobra na ang sama ng loob 'ko. Sobra na ang hirap na dinanas ko.

 

Pero kung iisipin, hindi ba't mas mahirap ang dinanas ni Hyoyeon saakin?

 

Pupunta ba ako kay Hyoyeon o hindi?

 

Susundin ko ba si Taeyeon o hindi?

 

"Bestfriend? Wag niyo 'kong lokohin. Bestfriend niyo lang yan ngayon, sa mga susunod na taon hindi na. Makakalimutan rin kayo niyan."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand