17.

Life of Kim Hyoyeon

17. What is Hyoyeon?

 

Nagising na lang ako ng wala na siya, hindi na rin ako nakapag gabihan dahil nakatulog rin naman agad ako. Nag iwan siya ng mga pag kain dito, biscuit, cupcakes at kung ano-anong mga madaling kainin.

 

Para na rin siguro hindi na ako lumabas ng kwartong ito kung sakaling magutom ako.

 

Mag isa nanaman ako, tulad ng mga panahong hindi ko pa nasasabi ang problema ko sa 2ne1, yung panahong hindi ko pa nakikilala ng pormal si Kiko at Jiyong. Kahit na sobrang ayaw ko ng pagkakatong ito, kahit papaano namiss ko. Kahit na ilang linggo pa lang, namiss ko agad yung pakiramdam. Kahit na hindi na nag paparamdam si Kibum at Jinki, ay nagagawa pa rin naman nila ako kamustahin.

 

Hindi ko rin naman sila masisisi kung may mga ginagawa sila, kahit na sila ang naging kapiling ko sa mga panahong satingin ko'y nag iisa ako, may sari-sarili rin silang buhay. Ayoko naman na ako yung magiging tao na hahadlang sa mga bagay na dapat nilang gawin. Hindi rin kasi ako ang priority nila.

 

Kung sakaling wala ng naka alam ng sakit ko. Wala na ba ako masasaktan? Wala na ba ako mapeperwisyo? Wala na ba ako makukunan ng oras? Na kahit ganito ako, wala man kwenta para sa mga mata ng iba, pinag lalaanan ng oras ng mga taong iniidolo nila, ay matatanggap nila? 

 

Hindi ko na ba masasaktan si Sooyoung? Hindi na ba kailangan pang mamili ni Tiffany? Kung sakaling matagal ko ng sinukuan ang SNSD, matatahimik na ba si Taeyeon? Pati na rin si Jessica? Mabibigay na ba ang mga dance breaks ko kay Yuri? Sa ganitong paraan, hindi na ba ako masasaktan?

 

Kasi kahit anong gawin ko, ang sakit parin. Kahit na ilang beses kong sinasabi sa sarili ko na okay na ang lahat, na mgiging okay rin, ay hinahabol parin ako ng katotohanang hindi okay. Na parang kailanman ay hindi na magiging okay.

 

Kasalanan ko lahat, kung bakit may nasasaktan ngayon. Dapat ako ang sisihin. Dapat ako lang ang nasasaktan, at masasaktan. Kasi ako lang ang may karamdaman, ako lang ang may problema. Bakit ko pa ba kailangan sila isama? Tama nga naman si Taeyeon, problema ko to, bakit ko pa ba sila idinamay?

 

Minsan parang ang sarap ng sumuko, kasi diba, pag sumuko ibig sabihin hindi mo na kaya. Kasi ayoko na, ayoko ng lumaban. Ayoko nang may nasasaktan. Lalong-lalo na, ayoko ng masaktan. Pag tapos kong maoperahan, lalayuan ko na sila. Ako ang pinagmulan ng kasawian nila, kailangan mawala na ako. Ayoko na ng may nahihirapan ng dahil saakin.

 

Ang pagsuko ay isang senyales ng kahinaan, at ang kabaitan ay isa ring kahinaan. Mahina ako. Sobrang hina ko. Emotionally, mentally at physically. Mahina na ako. Wala na akong lugar pa para sa mga taong nandirito.

 

Dumampi sa mukha ko ang hanging nang galing sa labas. Nakabukas ang bintana.

 

Ipinangako ko sa pamilya ko na lalaban ako. Habang ako nag tatrabaho dito, sila binibigyan ko ng sinusweldo ko. Iniwan ako ng tatay ko, wala na rin mga lolo't lola ko. 

 

Sa tanan ng buhay ko, wala akong ibang nakilalang kamag anak dahil lagi at lagi lang ako nasa isang silid ng kompanyang inaalayan ko ng pawis at pagod ko. 

 

Wala ng natira kundi ang nanay ko at ang kapatid ko. Nanay ko na nag taguyod saakin, kapatid ko na patuloy pang nangangarap para saakin. 

 

Ni hindi ko man lang alam ang mga mukha ng tito at tita ko dahil simula bata ako, ayaw na nila sa pamilya ko. Bakit? Dahil wala raw kaming ginagawa para lumago ang kompanyang iniwan ng magulang ng nanay ko.

 

Simula bata ako, ayaw na saakin ng mga taong nakapaligid saakin. Kasi ang pangit ko, kasi hindi ako yung koreanang iniisip nilang magiging ako. Itinakwil ako ng lolo ko sa tatay ko dahil sayang daw lahat ng pinag hirapan niya.

 

Hindi ako matalino tulad nila, wala akong kaputian at kagandahan sa mukha ko tulad nila. Ibang iba ang mukha ko sakanila, kaya ngayon hindi na nila ako kinikilala.

 

Hindi ako matalino sa Mathematics at Science, hindi ako nakikilala sa klase dahil anino ako. Ayoko ng napapansin dahil kailanman hindi ako naging magaling.

 

Ng ipinasok ako sa kompanya na iyon, ang akala ko, may makaka appreciate na ng mga bagay na meron ako. Yung mga bagay na yun at yun lang ang meron ako.

 

Sa huli pala wala.

 

Hindi ko na rin naman kailangan pang ipilit sarili ko. Ayoko na rin sa ginagawa ko. Ayoko na sa industriyang ito. Ayoko na ng nangyayari sa buhay ko dahil nasasaktan na ako. Matagal na.

 

Tinanggal ko ang kumot na nakapalibot sa katawan ko at pinilit kong tumayo. Kahit na may biglaang pag sakit akong naramdaman sa sintido ko at malimit na pag kirot sa likod ko ay tiniis ko. 

 

Tiningnan ko ulit ang likod ng palad ko, may nakaturok pa rin dito na karayom. 

 

Bukas na pala. Bukas na pala ang operasyon ko. Ang operasyong baka bumago ng buhay ko.

 

Isang pangyayari na makakabago ng nararamdaman ko ngayon.

 

Hinila ko ang metal na pinag sasabitan ng lagayan ng likidong humahalo sa bawat pag daloy ng dugo sa aking ugat at laman. Idinala ko iyon sa loob ng kobeta.

 

Tulad ng nakaraang buwan, tinitigan ko sarili ko sa salamin. Hindi ito ang itsura ko noong huli kong tiningnan ang sarili ko. Walang pahid ng iba't ibang kulay ng pinulbong palamuti sa mukha ko. Blanko ito.

 

Yung kilay ko, yung labi ko, mga pisngi ko, ilong ko at mata ko. Lahat ng ito'y nag bago. Mas tumanda ang itsura ko. Kilay kong kalat-kalat dahil sa mga katutubong buhok pa lamang. 

 

Yung labi kong tuyong-tuyo at mahahapdi. Mga pisngi kong namumutla dahil siguro sa kalamigan ng panahon, ilong kong may maliliit na tuldok ng itim dahil matagal na ring hindi nalinisan. Lalo na ang mga mata kong lubog sa patuloy kong pag iyak, at patuloy kong pag pupuyat.

 

Hindi na siguro ito yung Hyoyeon noon. Hindi na siguro ako makikilala ni Min dahil sa kalagayan ko kung sakaling malaman nila.

 

Ginawa ko ulit ang mga simpleng pag galaw ng mga balikat ko at kamay ko. Sinimulan ko sa kaliwa papunta sa kanan. 

 

Mabagal ko itong ginawa tsaka ko binilisan. Napangiti ako ng biglaan dahil kahit ganito ako kahina nagagawa ko pa rin ang pinag hirapan ko sa loob ng pitong taong pag eensayo.

 

Binuksan ko ang gripo sa harap ko at isinahod ang tubig na lumalabas rito gamit ang kamay ko. Ang lamig ng tubig, parang ako, malamig. Malamig ang nararamdaman ko, malamin rin siguro ang puso at kaluluwa ko. 

 

Inilapit ko ang mukha ko sa mga kamay ko at sinimulan na ang pag pikit. Ibinuhos ko ang tubig sa aking kamay papunta sa mukha ko at nabigla sa naramdang biglang pag lamig ng mga pisngi ko.

 

Inulit ko ulit ang pangyayari hanggang sa maramdaman kong naginhawaan na ako.

 

Hinawakan ko ulit ang malamig na metal at idinala ito palabas. Umupo na muli ako sa higaan na kinalalagyan ko kanina.

 

Gusto ko ulit mag pahinga dahil kahit papaano ang hirap rin mag isip. Sumasakit na ulo ko sa kaiisip sa mga nangyari. 

 

Problema ko kay Sooyoung, Tiffany, Jessica, Yuri, Taeyeon at Jiyong. At pag nalaman ni Sunkyu ito, malamang mag kaka problema nanaman ako. Paano ko ipapaliwanag sakaniya, sakanila? 

 

Sa dalawang maknae, paano ko sasabihin sakanila na ang unnie nila ay mahina na? Paano ko sasabihin ang pag papaalam ko sakanila? Para hindi na rin sila masaktan pa.

 

Inihiga ko na ang sarili ko sa malambot na kama at ipinatong ang ulo ko sa malambot na unan. Sa mga susunod na araw, baka sabihin ko ring mamimiss ko itong kinalalagyan ko ngayon.

 

Bukas na, bukas na maisasagawa ang operasyong hinintay ko. Operasyong ipinilit lang saakin ni Kibum. Yung operasyong inaayawan ko. 

 

Bakit ako natatakot sa pag papa opera?

 

Natatakot ako sa sakit. Na siguro kahit lagyan nila ako ng pampa manhid ay hindi maiiwasang maramdaman ko yung sakit. Dahil tao lang rin naman ako. Hindi lahat ng bagay, kayang baguhun ng siyensiya.

 

Natatakot ako na baka kinabukasan pag gising ko, lumabas yung mga side effects. Na baka pag gising ko, tsaka ko mararamdaman yung sakit.

 

Natatakot kasi akong masaktan. Ayoko ng nasasaktan. Ayoko na ng ako na lang lagi ang nasasaktan.

 

Yung nararamdaman ko kay Jiyong, yung nararamdaman ko kay Yuri at sa iba ko pang myembro ay mga bagay na kinakatakutan ko.

 

Dahil lahat ng tao sa paligid ko, sasaktan ako.

 

Binubully ako ng mga studyante sa eskwelahan ko, dahil hindi ako yung ideyal na anak ng isa sa pinaka sikat na lalaking may hawak ng isa sa pinaka malaking kompanya.

 

Ang gusto nila, ako ang humawak ng kompanya para kahit papaano may silbi ako. Hindi ba?

 

Marami rin sigurong nag tataka, bakit ba ganito ako mag salita. Bakit ba parang hawak ko ang mundo sa bawat salitang ibinibigkas ko.

 

Kasi ilang beses na ako nakaranas ng sakit.

 

Ang sakit masaktan.

 

Nakakadala.

 

May mga bagay kasing sobrang hirap iexplain kahit gaano mo kagustong iexplain. Kahit na gusto mong malaman ng iba yung nararamdaman mo, tila bang walang may pake rito.

 

Kasi walang nag tanong kung gaano na kasakit yung nararamdaman ko. Walang nag tanong kung nahihirapan na ako.

 

Pag tinitingnan ko sarili ko, sobrang naawa ako. Dahil bata pa lang ako, ang dami ko ng naranasang hirap. Naging idolo ako ng iba dahil sa kagustuhan ng nanay ko, hindi dahil gusto ko.

 

Ano ba talaga gusto ko?

 

Mula bata pa lang ako, nag hahangad na ako ng katotohanan. Katotohanan kung bakit nga ba itinago nila ang sakit ko. Katotohanan kung bakit ba itinakwil akong tatay ko.

 

Gusto ko lang naman, maipakita sa iba kung ano yung talagang gusto ko.

 

Gusto kong maging proud tatay ko sa tinatahak kong landas. Gusto ko ng kapayapaan sa utak ko. 

 

Gusto ko ng katahimikan.

 

Na baka pag hindi ako nag pa opera sa puso, makakamit ko na yung kapayapaan at katahimikan ng gusto ko.

 

Na baka pag nakuha na ang huling hininga ko, hindi ko na kailangan gumising araw-araw at mag dusa pa sa sakit na nararanasan ko.

 

Ito lang naman ang gusto ko. Kaya ayokong mag pa opera.

 

Pero ng ipinamukha saakin ni Kibum yung mga bagay na dapat matagal ko ng hinarap at inalala, kahit papaano nag bago ito.

 

Hindi dahil ayokong mapalitan ng puso ko.

 

Simple lang naman. Ayoko na sa sarili ko, at ayoko na sa mundong ito. Dahil hindi ako masaya.

 

Ano nga ba ibig sabihin ng buhay saakin?

 

Ang sabi ng iba, ang buhay ay dapat maging masaya. Dahil maikli lang ang panahong meron ka para mabuhay.

 

Sa dalawamput anim na taong binubuhay ko sa mundong ito, hindi naging sapat ang panahong iyon para maging masaya ako.

 

Hinahangad ko yung kasiyahan na iyon ng makilala ko ang mga panibagong tao. Pero nabigo ako.

 

Meron man akong pera na ihaharap, pero hindi iyon ang kailangan ko.

 

Kelan ba ako naging masaya?

 

Nung mga panahon bang kasama ko ang dating Girls' Generation? Yung mga panahong nakasama ko ang 2ne1? Yung panahong binibisita ako ng kapatid at nanay ko sa kompanyang nag kait ng buhay saakin? O yung mga panahong pilit kong pinipigilan ang sarili kong mahulog lalo sa nararamdaman ko kay Jiyong?

 

Kahit ilang beses ko itanong sa sarili, wala akong makuha na sagot.

Dahil maski sarili ko, hindi ko alam kung naging masaya ba ako.

 

Masaya ba ako sa nangyayari saakin? Syempre hindi.

 

Bakit nga ba ako hindi nagiging masaya?

 

Kasi sobrang sakit na. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko pero wala akong magawa. Kailanman wala akong nagawa. Hindi ko magawang sabihin ito sa iba, dahil natatakot ako. 

 

Sobrang natatakot akong mahusgahan ng ibang tao.

Hindi ko mailabas yung sama ng loob ko, kasi hindi lahat ng tao handang intindihin ako.

 

Yun naman kasi ang katotohanan, pinipigilan ko ang sarili kong mag sabi ng katotohanan at mga bagay na dapat sabihin dahil ang pakiramdam ko lagi, walang handang makinig.

 

Para bang wala na akong rason pa para maging masaya.

 

Hindi ko nga alam kung dapat pa ba akong sumaya.

 

Dahil minsan, ang naiisip ko, si Hyoyeon ay isang ehemplo ng kalungkutan at kasawian.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand