23.

Life of Kim Hyoyeon

23. Bonding?

 

Sa ngayon ay nag hahanda na ako para sa special stage namin ni Kai at Lay sa concert ng SM dito ngayon sa Seoul.

 

Nandito rin ang mga kasama ko sa special stage na iyon. Ang mga main dancer ng Exo. Nung una akala ko kasama si Sehun, kasi dancer rin naman si Sehun. Ineexpect ko rin itong dalawang kasama ko ngayon dahil di ko naman maikakailang magaling talaga sila sumayaw.

 

"Gusto mo nanaman ako noona? Alam ko namang gwapo ako pero bata pa ako!" Nagulat ako ng bigla-biglang sumisigaw 'tong lalaki sa tabi ko.

 

"Anong sinasabi mo Jongin?" Nag tatakang tanong ko naman sakaniya.

 

Tinuro niya yung mata niya na sinasabi nakatitig daw ako sakaniya. Hindi naman ako nakatitig, nakatingin lang.

 

"Noona, may feelings rin ako sa'yo pero wag muna ngayon! Bentang-benta kami sa media. Someday noona, someday." Lumapit siya sa likod ko at niyakap ako.

 

Kinalas ko naman ang yakap.

 

"Tigilan mo nga ako. Ano ba talaga punterya mo at bakit ka nandito?"

 

"Noona, dressing room ko rin 'to. Malamang dito ako tatambay. Ganda mo nga noona, hina naman sa logic. Tsk tsk."

 

Nag init nanaman ulo ko sa sagot niya saakin.

 

Madalas ganyan siya sumagot saakin dahil inaasar niya ako, pero minsan nakakapikon.

 

"Aba, loko ka ah. Umayos ka ng sagot mo sakin." Tiningnan ko lang siya sa salamin.

 

"Sorry na noona." Peace sign niya nanaman saakin.

 

Tiningnan ko lang siya hanggang sa walang nag salita.

 

"Noona! Makipag usap ka na kasi kay Lay hyung! Ang awkward niyong tingnan pag wala ako eh." Nangungulit nanaman saakin si Kai.

 

Todo bigay rin ako pag nag papractice kami dahil masaya ako, sobra ang pagsasayaw ko ngayon dahil makakasayaw na ako na walang dahilan pa para pigilan ko sarili ko sumayaw.

 

Gaya nga ng sabi ko noon, yung sapatos na binili ko nung nakita ko si Jiyong at Kiko na mag kasama ay gagamitin ngayong makakasayaw na ako ng normal.

 

"Anong sasabihin ko Jongin?"

 

Pinapagalitan niya ako dahil kanina nauna na si Lay dito sa dressing room namin. Ang problema, wala akong magawang topic dahil hindi talaga kami gaanong nag uusap, hindi tulad saamin ni Jongin.

 

"Bumuo ka ng topic noona, madaldal ka diba?" Kinuha niya yung upuan banda sa likod ko at tumabi saakin.

 

Kanina kasi, may nag mamake-up saakin kaya hindi ko rin makausap si Lay. Malay ko bang aalis siya para sabihin kay Jongin na di ko siya kinakausap.

 

"Hindi ko kaya." Pag papaliwanag ko sakaniya.

 

Hindi naman kasi ako magaling makipag kaibigan. Siguro natrauma na rin ako dahil sa nangyari itong mga nakaraang buwan.

 

"Kaya nga pinauna ko siya dahil gusto niyang makipag close sayo eh!" Sigaw niya nanaman saakin.

 

"Kanina ka pa sigaw ng sigaw Jongin, manahimik ka nga."

 

"Ikaw naman kasi noona!" Muli, ay sinigawan niya ako.

 

Oo naman, iniisip ko naman si Lay kanina kaso kasi wala talaga ako mabuong topic. Kung mag uusap kami gamit chinese baka mas gumaan loob niya saakin pero kasi wala akong masyadong alam sa China kahit na marunong naman ako mag chinese. Kaya baka may masabi akong mamimisunderstood niya at maging dahilan yun ng pag layo niya saakin.

 

"Kim Jongin!" Ako naman ang sumigaw sakaniya.

 

Tiningnan ko siya ng mariin, ng makita niyang tiningnan ko siya, nag peace sign naman siya saakin.

 

"Kung gusto mong mawala yung awkwardness namin, tulungan mo kami. Wala talaga akong masabi Jongin." Pag papaliwanag ko.

 

Nakita kong nag isip muna siya saglit at pumalakpak.

 

"Bakit hindi niyo gawin na kayong dalawa lang mag practice?" Tumataas-baba pa ang kilay niya.

 

"Edi mas naging awkward diba? Tsk." Binatukan ko naman.

 

"Hyo naman-" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

 

"Anong Hyo?! Suntukan tayo Kim Jongin!"

 

Ayokong tinatawag niya akong Hyo dahil mas bata siya saakin. Kahit na close kami, kailangan andun pa rin yung noona. Pwede mamang Hyo noona, pero yung Hyo lang, ayoko.

 

"Makikipag suntukan ka eh hindi mo pa nga ako natatamaan pag sumusuntok ka." Sabay dila niya naman.

 

Bago pa siya makatakas saakin ay nasuntok ko na yung balikat niya.

 

"Babae ka Hyo!"

 

Inirapan ko naman.

 

"Walang nag tanong!"

 

Papabayaan ko na sana ng may naalala ako.

 

"Tsaka anong Hyo?!"

 

Naputol ang awayan namin dahil sa katok na narinig namin. Tumayo naman ako para tingnan kung sino dahil kilala ko si Jongin, hindi yan tatayo.

 

Binuksan ko na dahil wala namang paraan para makita ko kung sino yung nasa labas.

 

Nagulat ako dahil may lalaking agad-agad na nag bow sa harapan ko, hindi ko nakita mukha dahil ang nakita ko buhok niya.

 

"Annyeonghaseyo sunbaenim!"

 

"Ah sige, annyeonghaseyo." Napa bow na rin ako sakaniya.

 

Bihira lang ako maka encounter ng ganitong hoobae.

 

Tiningnan ko lang siya, matagal-tagal rin siyang naka bow saakin kaya't pinapatigil ko na siya.

 

"Hyung! Itigil mo na yan!" Sigaw ni Jongin sakaniya.

 

Sinong hyung naman?

 

Hinintay kong itaas niya ang katawan niya at ng maitaas niya na ang mukha niya ay natawa agad ako.

 

"Desperado talaga si Lay hyung, noona." Pag eexplain ni Jongin saakin.

 

Dahil sa gusto talaga niyang maging close kami, uumpisahan ko sa pag papakilala. Kahit na siguro kilala na namin isa't isa. Hindi gumagana utak ko ngayon dahil nga di ako magaling sa ganito.

 

"Lay ssi, kailangan pa ba 'to? I'm Kim Hyoyeon." Pag papakilala ko naman.

 

Gusto kong maramdaman niyang welcome siya dito.

 

"Ah oo- opo, Zhang Yixing imnida." 

 

Inilabas ko naman ang kamay ko at akmang makikipag kamay sakaniya. Nakatingin lang siya dito at halatang hindi alam ang gagawin.

 

"Hyung hawakan mo, handshake daw." Tumayo na si Jongin at lumapit saamin.

 

Muli ay natawa ako sakaniya, ramdam ko yung kaba niya.

 

Hinawakan niya naman ang kamay ko at agad niya ring inaalis sa pag kakahawak.

 

Mostly ng mga tao, maooffend sa ginawa niya pero ako, natatawa lang ako. Halata sa mukha niya na kinakabahan siya, madalang lang kami mag usap. Nag uusap lang kami pag babatiin nila kami, yung tipong sunba-hoobae relationship lang ang meron.

 

"Crush ka niyan." Bulong ni Jongin saakin.

 

"Anong crush Kai?!" Sigaw ni Lay sakaniya.

 

Ngayon ko lang siya narinig na sumigaw dahil tuwing practice namin, tahimik siya, pag kinakausap namin, maikli lang ang sagot niya. Lalo na pag kinakausap ko.

 

Hinayaan ko lang sila mag bangayan doon at umupo naman akong muli dahil hanggang ngayon yung sugat di pa magaling. Nakakaramdam ako minsan ng hapdi pero hindi ko na pinapatingin. Dahil lang naman siguro sa sugat iyon.

 

"Hyo! Pwede raw umupo?" 

 

Nagulat ako sa tanong niya, hindi naman na nila kailangan pang mag paalam kung uupo sila.

 

Natatawa lang talaga ako kay Lay, ang cute.

 

"Pwedeng umupo pero tawagin mo akong noona, Jongin."

 

Tumabi naman ulit saakin si Jongin at sa isang tabi naman si Lay.

 

Muli ay nabalot kami ng katahimikan.

 

"Hyung! Hyung!" Sigaw ni Jongin kay Lay.

 

Kanina pa rin naman kami nababalot ng katahimikan at si Jongin naman gumagawa siguro ng paraan.

 

"Hyung!" Sigaw niya ulit.

 

Tiningnan ko naman si Lay, nakatulala.

 

"Hyung! Zhang Lay hyung!" Sigaw nanaman ni Jongin.

 

"Kim Jongin! Wag mo 'ko sigawan!" Tiningnan niya ng masama si Jongin.

 

"Gulo mo naman hyung. Ayaw mo ng sinisigawan ka pero naka tulala ka." Kumamot naman ng ulo si Jongin.

 

"Papicture ka na kasi hyung, ayan na siya sa tabi mo oh."

 

Papicture? Ah, mag papapicture siya?

 

Tiningnan ko lang siya at nakatingin naman siya saakin. Kinakabahan nanaman siguro. Tinaas ko isang kamay ko at nag thumbs up sakaniya. Nginitian ko na rin para pantag siya.

 

"Bagal mo hyung, ako na." Nilabas niya naman cell phone niya.

 

Ng malabas niya na yung cell phone niya ay tumingin agad ako sa camera.

 

"3, 2, 1." Nag v sign lang ako at ngumiti.

 

Binigay niya naman cell phone niya kay Lay.

 

"Alam mo hyung, bigyan kita tips. Pag sumayaw ka kasama si noona, hawakan mo siya. Ngingiti bigla yan." Binatukan ko naman siya sa tips na sinabi niya.

 

Anong ngingiti? Loko ba 'to, nag mukha pa akong sabik naman nito.

 

"Ready na po ba mic niyo? Standby na po kayo." Nagulat ako sa nag salita.

 

Tiningnan ko kung sino nag salita, yung staff naman pala. Tumayo na ako at inayos yung mic (yung square na kulay black) sa likod ko.

 

*

 

Tapos na ang concert ng SM, medyo nawala na rin ang awkwardness na meron kami ni Lay dahil tuwing may free time kami backstage dinadala siya ni Jongin saakin, pero wala pa rin siyang sinasabi. Pag kaming dalawa lang, dun lang siya ng sasalita.

 

Nung encore naman ay lumapit siya at humingi ng dispensa kasi sobrang kinabahan daw siya. Okay na ako doon, kung tutuusin natatawa nga ako sakaniya.

 

Ganyan din naman ang pakiramdam ko noon sa ibang mga sunbae namin. Kaya't alam ko yung feeling, nakaka intimidate naman kasi talaga kaya gumgawa ako ng paraan para hindi siya maintimidate saakin.

 

Kasama ko ngayon yung apat, bawal daw si Sunkyu ngayon dahil pagod talaga siya at hindi makakasama saamin. Hinayaan ko na lang rin dahil madalas siya ngayon mapagod.

 

Yung driver ni Miyoung ang nag dadrive ng van.

 

"Hyo, kung ano-ano nanaman iniisip mo." Banggit ni Miyoung saakin.

 

Wala naman akong masyadong inisip.

 

"Dalawa lang naman inisip ko." Pag depensa ko naman sa sarili ko.

 

"Alin? Ano? Sino?" Tanong ni Yoona saakin.

 

Pag dating kasi sa ganyang bagay interesado siya.

 

"Si Lay. Pati si Sunkyu." Sinabi ko yung totoo.

 

"Si Lay?!" Sigaw ni Miyoung.

 

Nilagay ko daliri ko sa bunganga ko at sinenyasan siyang hinaan ang boses niya. Pero nahuli rin ako ng pag papaalala sakaniya.

 

"Unnie! Ang ingay mo naman!" Sumigaw na si Sooyoung.

 

Natutulog kasi si Sooyoung sa likod namin para solo niya raw yung upuan.

 

Kung tungkol naman kay Sooyoung, hindi na niya tinotopic iyon saakin. Siguro naintindihan niya rin, at ako naintidihan ko rin. Iniiwasan naming dalawa yung ganoong topic. Nag uusap naman kami.

 

"Matulog ka na lang Sooyoung." Pang babara ni Miyoung sakaniya.

 

"Unnie paano siya makakatulog kung maingay ka?" Tanong ni Seohyun sakaniya.

 

Sabagay may point naman si Seohyun.

 

"Oo nga no, sabagay tama ka maknae. Talino mo talaga." Hinawakan niya ulo ni Seohyun at hinimas ito.

 

Pag si Seohyun kasi ang nag sasalita sakaniya nakikinig siya at sumusunod. Hindi niya rin kayang magalit kay Seohyun kasi gustong-gusto niya si Seohyun.

 

Pero yun ang hindi niya alam, yun yung bagay na hindi pa nalalaman ni Seohyun kaya't inaakala niyang ayaw rin sakaniya ni Miyoung. Kaya't nalayo ang loob niya kay Miyoung.

 

"Pero unnie, bakit si Lay? May something na?" Pag uudyok naman ni Yoona saakin.

 

"Anong something naman Yoona, naisip ko lang, may something agad?" Dipensa ko naman sa sarili ko.

 

"Unnie, hindi pa kita naririnig na mag sabi tungkol sa ibang lalaki." Sumabat na rin si Seohyun.

 

Maski si Seohyun interesado na rin?

 

"Teka nga, akala ko ba kayo ni GD?" Siningkitan ako ng mata ni Tiffany.

 

"Oo nga unnie, nung sa Strong Heart. Grabe unnie, bagay kayo!" Sabi naman ni Yoona.

 

Pinatahimik ko ulit siya dahil pag naeexcite si Yoona, napapasigaw siya.

 

"Unnie, may iba ka na?" Tanong ni Seohyun saakin.

 

Napatigil ako sa tanong niya. Anong may iba naman. Hanggang ngayon naman si Jiyong pa rin, pero hindi naman kasi kami.

 

"Miyoung, wag mo 'ko tingnan ng ganyan. Hindi naman kasi kami. Pinalabas lang niya na ganon kasi nga diba." At yung diba na sinasabi ko ay si Yuri.

 

Mukhang lahat naman sila naintindihan yung diba na sinasabi ko.

 

"Hmph, wag ka mag sinungaling Hyo." 

 

Akala pa talaga niya nag sisinungaling ako?

 

"Mukha ba akong nag sisinungaling Miyoung?" Tiningnan ko naman siya.

 

"Eh unnie, ang sweet niyo nun eh. Naka akbay pa, tapos nung inatake ka, itinayo ka pa nga."

 

Tumingin si Yoona kay Miyoung at umarteng kinikilig ang dalawa.

 

"Ginawa niya lang iyon dahil utos ni CL." Pag sisinungaling ko.

 

Hindi ko naman pwedeng sabihin na alam na ni Jiyong yung tungkol sa ginawa nila diba.

 

Si Seohyun naman nakikingiti sakanila pero saglit lang din ay naging seryoso ang mukha nila. Parang may iniisip sila.

 

"Ano Hyo, paano yung ano, kami? Paano kung madami-"

 

Alam ko na kung ano yung sinasabi ni Miyoung.

 

"Bakit kaya hindi tayo mag picture ngayon at ipakita sa mga tao na ayos na tayo?" 

 

Ngumiti naman si Miyoung.

 

"Seohyun, instagram mo, yung akin iniba ni Jessica ng password." Naeexcite niyang sabi.

 

Agad naman na sumunod si Seohyun at inilabas ang cell phone niya.

 

"1, 2, 3, smile!" 

 

Agad rin naman niyang pinost iyon sa instagram.

 

Sa ngayon ay bumalik nanaman ang tingin nila saakin.

 

"So hindi kayo totoo?" Tanong ni Yoona.

 

"Hindi." Simpleng sagot ko naman.

 

"Ang ingay niyo talaga!" Sigaw ni Sooyoung sa likod ko.

 

Ngayon ay nakaupo na siya at nakalagay ang braso niya sa sandalan ng inuupuan ko. Nakadungaw na siya saamin.

 

"Wag ka na kasi matulog!" Reklamo naman ni Miyoung sakaniya.

 

"Hindi na nga ako natutulog oh."

 

Umirap lang si Miyoung sakaniya at pinag pasensyahan ang pag sagot ni Sooyoung.

 

"Balik tayo kay Hyo. Bakit may akbay akbay pang nalalaman?" Naningkit nanaman mata niya saakin.

 

"Para nga maniwala kayo." Simpleng pag eexplain ko.

 

Bakit ba ang slow nila?

 

"Hindi kayo more than friends?" Tanong naman ni Sooyoung.

 

Napatingin naman ako sa likod ko. Kanina pa pala siya nakikinig kaya hindi makatulog.

 

"Hindi."

 

"Hindi ka nag lilihim saamin unnie?" Tanong naman ni Yoona.

 

"Hindi nga."

 

"Seryoso ka ba diyan?" Tanong nanaman ni Miyoung saakin.

 

"Seryoso nga! Ano ba?!" Naiinis ko ng sagot.

 

Bakit ba ayaw nilang maniwala?

 

"Walang kiss na naganap unnie?" Mahinang tanong ni Seohyun saakin.

 

Napalingon naman agad silang tatlo na nakatingin saakin papunta kay Seohyun.

 

Nagulat ko sa tanong niya. Bakit naman may mangyayaring kiss? At bakit ganyan ang tanong niya? Hindi siya nag tatanong ng ganyan.

 

"Yah! Seohyun! Anong sinasabi mo?! Bakit ganyan tanong mo?!" Gulat na tanong ni Miyoung sakaniya.

 

"Eh unnie, baka lang naman diba? Tsaka hindi naman na ako bata." Dipensa niya sa sarili niya.

 

"Kahit na hoy! Maknae ka pa rin." Umiling naman si Miyoung.

 

"Wag ka ngang oa. Ilang taon na ba yan? 23 diba? Pwede na." Thumbs up ko naman kay Seohyun.

 

Ngumiti lang saakin si Seohyun.

 

"Buti pa si unnie." Lapit naman ni Seohyun saakin.

 

"Heh, nag aalala lang ako, baka mamaya hindi lang ganyan ang alam mo." Pag babanta naman ni Miyoung.

 

Nasa tamang edad naman na si Seohyun para malaman yung mga ganyan.

 

"Saan nga pala tayo pupunta?" Pag iiba ko ng topic.

 

Dinala lang nila ako dito at may sinabing bonding daw naming lima ito.

 

"Malalaman mo rin unnie." Pag sagot naman ni Seohyun saakin.

 

Kung hindi nila sasabihin edi tutukuyin ko na lang. Tumingin ako sa bintana, tiningnan ko kung ano nga ba ang mga dinadaanan namin. Napansin ko rin na para bang pamilyar ito saakin. Tumingin naman ako sa kanan, nakita kong papalapit kami sa hotel na pinag handaanan ng party ni Chen.

 

Tumigil na kami sa harapan nito at nagulat ako dahil binuksan ni Seohyun ang pinto dahil siya ang pinaka malapit dito.

 

"Dito nag umpisa ang pag hinala ko sayo. Pero hindi naman dahil sa puso, nag hinala lang ako na nagkakaroon ka ng anxiety." Pag eexplain ni Miyoung saakin.

 

"Kung pwede ko lang suwayin silang dalawa, edi sana hindi ka na umiyak Hyo. Edi sana nahandaan kita ng party."

 

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Gaya ng sabi ko nung una, kahit simpleng sorry lang masaya na ako. Papatawarin ko sila.

 

Kinalabit naman ako ni Sooyoung sa likod. "Nag tampo ka saakin dahil tinulak kita diba?" Sabi niya ng makaharap na ako sakaniya.

 

Paano niya naman nalaman na nag tampo ako sakaniya?

 

"Wala akong magawa nun, nakatingin siya saakin." Sinong siya? Taeyeon?

 

Napatingin naman ako kay Yoona at Seohyun.

 

"Inosente ako unnie." Tinaas ni Yoona yung mga kamay niya.

 

"Mianhae." Sabi naman ni Seohyun.

 

Hindi ko alam kung tungkol saan. Kung tungkol ba sa napag usapan namin nung nasa ospital ako? O tungkol ba sa pag tawag ng saakin? O tungkol sa iba pa, na siya lang may alam?

 

Sinara naman ni Seohyun yung pinto ng sasakyan at pinatakbong muli ng driver ni Tiffany ang sasakyan.

 

Saglit lang din ay dinala na nila ako sa isang pamilyar na lugar. Yung lugar na madalas iniiyakan ko.

 

"Gusto mo bang itulak ulit ako sa slide Hyo?" Pag aalok ni Miyoung saakin.

 

Nakatulala lang ako sa lugar na ito, bumabalik lahat ng ala-ala saakin. Nararamdaman kong namamasa na ang mga mata ko.

 

"Unnie, swing?" Pangangalabit naman ni Seohyun saakin.

 

Lumabas na si Seohyun at Miyoung, pinapalabas na rin ako ni Yoona.

 

Tiningnan ko si Miyoung habang tumatakbo papunta sa slide. Yung slide na kinakalawang na dahil nga abandonado na. 

 

Nakikita ko ang nangyayari noon, napapaluha nanaman ako. Pinapaalala nila kung ano ang nangyayaring sakit noon saakin.

 

Buti at hanggang ngayon ay may ilaw pa rin ang lugar na ito.

 

Si Seohyun naman ay nakaupo na sa may swing. Habang si Yoona ay papunta na rin sa tabi ng swing na inuupuan ni Seohyun.

 

Tulad ng dati, ganyan din silang dalawa. Mag kasama lagi silang dalawa nag papatulak sa swing.

 

"Pinag handaan nila 'to unnie. Gusto nilang ibalik yung saya mo unnie." 

 

Tuluyan na ring tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ni Sooyoung.

 

Gusto nilang maibalik yung saya na matagal ko ng hinangad, yung sayang matagal ko ng hinahanap. Kahit na masakit yung paraan na pinili nila, ay masaya ako. Sigurado na akong masaya ako.

 

"Dito ka umiiyak lagi, diba?" Alam rin pala nila 'to.

 

Pinangarap ko ring dalhin ulit sila rito pero sa huli, sila rin ang nag dala saakin. Hindi nila kinalimutan itong lugar na 'to.

 

Kahit na lumuluha ako, ngumiti pa rin ako. Ang pag ngiti ay senyales ng kasiyahan, diba? Kaya ngingiti ako para hindi masayang yung pinag hirapan nila.

 

Hinawakan ko na kamay ni Sooyoung at tumakbo papunta sakanila.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand