26.

Life of Kim Hyoyeon

26. No Title

 

Isang linggo na ang nakalipas mula ng atakahin muli ako sa puso. Ang sabi doktor, kaya raw ako inatake muli dahil hindi raw tinanggap ng katawan ko ang bagong puso.

 

Sa ngayon, pag iisipan ko pa kung ibabalik ko yung luma kong puso, pero madalas daw ang atake ko, o ipananatili ko yung bagong puso pero kailangan ko pa rin daw uminom ng gamot na magiging sanhi ng pag kasobra ng gamot sa katawan ko. May chansang hindi na raw ito tumalab.

 

May isa pa naman silang option sa nangyayari saakin.

 

Nung una ay nagulat ako dahil ang akala ko pwede pang masolusyonan itong puso ko.

 

Ang akala ko pwede pa akong mag pahanap muli ng bagong puso.

 

Pero ang sabi ng doktor, kung mag hahanap muli ako, hindi ulit tatanggapin ng katawan ko dahil malala na raw talaga ang sakit ko.

 

Ng marinig ko iyon, onti-onting gumuho ang pundasyon 'ko.

 

Ang akala ko talaga ay magiging okay na. Magiging okay na ako, kami.

 

Sa dalawang pag pipilian, lahat iyon mahihirapan ako. Maliban sa pangatlong pag pipilian. Magiging payapa na ang buhay ko.

 

Hinihintay ko na lang din naman ang paliwanag ni Yuri at Jessica. Paninindigan ko pa rin yung sinabi kong kung sakaling ako ang may kasalanan, gagawin ko ang lahat mapatawad nila ako.

 

Anim na sa walo ang nakipag ayos saakin, anim na sa walo ang nakipag usap saakin.

 

At sa anim na iyon, kay Taeyeon ako pinaka nagulat at naluha.

 

Alam kong nasa kwarto ko siya, hindi ko lang minumulat ang mga mata 'ko dahil gusto ko pang marinig ang sasabihin niya.

 

Nagulat na lang ako ng hinawakan niya ang kamay ko at naririnig ko ang pag iyak niya.

 

Doon pa lang ay naiyak na ako pero pinipigilan ko para hindi lumabas ang mga luha.

 

Pinakinggan ko rin ang eksplenasayon niya kung bakit nga ba naging ganon siya saakin.

 

Sabagay tama nga naman talaga siya, bakit niya gugustuhin ang kapatid niyang umagaw ng lahat sakaniya.

 

Naiintindihan ko na si Taeyeon. Humingi na rin ako ng tawad sa mga sinabi ko sakaniya, pati na rin siya humingi ng tawad.

 

"Hyoyeon!" Pakantang sabi naman ni Miyoung.

 

Nandito nga pala siya ngayon, nalaman niya kasi kay Taeyeon na inatake nanaman ako sa puso.

 

"Yes?" Tanong ko naman sakaniya.

 

Sa ngayon ay wala siyang alam na hindi tinanggap ng katawan ko ang puso, ang alam niya lang ay inatake lang ako.

 

Humingi na rin ako ng pabor kay Taeyeon na kung pwede ay wag sabihin sakanila.

 

Nagalit si Taeyeon saakin dahil bakit ko raw hindi ipapaalam, tapos pag nag hirap nanaman ako ay hahayaan ko silang masaktan.

 

'Wag kang selfish Hyoyeon! Mas magagalit sila sa ginagawa mo!' Pag papaalala saakin ni Taeyeon.

 

Pero kahit naman na malaman nila, wala na sila magagawa. Malapit naman na kasi.

 

Ang dinahilan ko, ako ang magsasabi.

 

Pero mas maganda ng wala silang alam, para kung sakali, hindi na sila mag isip pa ng sobra.

 

"Bakit ka naman kasi sumayaw ka ng sumayaw kahapon Hyo? Ayan tuloy inatake ka nanaman." Para tuloy siyang nanay kong pinapagalitan ako.

 

Tama, ang sinabi ko kay Taeyeon na sabihin niyang dahilan ay sumayaw ako kahapon kasama si Minzy.

 

"Hindi na ako nakakasayaw Miyoung." Mukhang mali ata ang sinabi ko.

 

Hindi na ako makakasayaw.

 

"Hyo, ang sabi ng doktor hintay ka ng dalawang linggo bago mag pagod diba."

 

Bumuntong hininga naman siya pero agad naman na napatingin nanaman siya saakin at naningkit ang mata niya kasabay ng pag kunot ng noo niya.

 

"Teka nga, may mali eh."

 

Sabi na nga ba may mapapansin siya.

 

"Hindi ka inatake nung concert ng SMTown, Hyo. May inililihim ka ba saakin?"

 

Mas naningkit ang mga mata niya.

 

Alam ko na rin naman na iyan ang mapapansin niya kaso wala lang talaga ako mahanap na dahilan.

 

"Uminom ako ng gamot nun Miyoung." Simpleng pag dadahilan ko.

 

Iniiwas ko naman ang mata ko sakaniya. Kahit minsan parang walang alam 'tong babaeng 'to, matalino rin 'to.

 

"Ang sabi mo saakin tatlong araw lang ang pag inom ng gamot. Naka isang linggo ka?" Nag dududa niya paring tanong saakin.

 

Nag panic naman ako bigla sa sinabi niya. Akala ko lusot na yung palusot ko sakaniya.

 

"Nung araw lang na iyon ako uminom."

 

Pag papalusot ko nanaman.

 

"Tigilan mo ako Hyo, ako ang bumili ng gamot mo dito sa ospital. Set lang yun para sa tatlong araw."

 

Lumapit naman siya saakin at umupo sa kama ko.

 

Kinakabahan ako sa balak niyang itanong saakin.

 

"Hyo, hindi ako bobo. Anong nangyari?" Nawala na rin ang pag kasingkit ng mga mata niya pati pag ka kunot ng noo niya.

 

Napalitan ang ekspresiyonniya ng nag aalala.

 

Nanigas ako ng kaonti sa sinabi niya. Tama nga ang sinabi ko.

 

"Walang nangyari Miyoung." Umiwas nanaman ako sa tingin niya.

 

"Hyo, ang sabi ni Taeyeon, alagaan kita. May alam si Taeyeon?"

 

Sabi ni Taeyeon alagaan ako?

 

Akala ko ba, siya ang mag aalaga saakin?

 

"Anong alam naman? Ang alam niya lang, inatake ako. Yun lang naman talaga kasi ang nangyari."

 

Pag didipensa ko kay Taeyeon. Hindi niya pwedeng malaman na may alam si Taeyeon dahil kukulitin niya si Taeyeon at dahil kilala ko ang kapatid ko, masasabi niya kay Miyoung lahat.

 

"Hyoyeon, seryoso ako. Anong nangyari?" Sumeryoso talaga ang mukha niya.

 

Hindi ko nanaman kayang tiisin ang mga mata nito ni Miyoung.

 

"Walang nangyari Miyoung, maniwala ka saakin."

 

Naputol naman ang pag uusap namin ng pumasok ang doktor ko.

 

"Good afternoon, Miss Tiffany and Miss Hyoyeon." Nag bow naman siya sa harap namin.

 

Agad naman kaming napalingon ni Miyoung sa kinaroroonan ng boses.

 

"Itatanong ko lang po sana kung ano na po ba ang napag desisyonan mo Miss Hyoyeon, yung orihinal mo po kasing puso, pumapalya na rin." 

 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

 

Napatingin agad ako kay Miyoung. Kita ko ring nagulat siya sa mga narinig niya.

 

Tiningnan ko agad yung doktor at sinenyasan siyang mamaya na kami mag uusap.

 

Lumabas naman agad siya at nag bow muli saamin.

 

Bago pa ako makalingon kay Miyoung ay narinig ko na siyang tumawa.

 

"Ang galing mo talaga Kim Hyoyeon. Nandun na ako sa point na maniniwala na ako, pero salamat sa doktor mo."

 

Lumingon na ako sakaniya at nakita kong naluluha nanaman siya.

 

"Kaya ka pala pinapaalagaan ni Taeyeon? Ganon ba?"

 

Nakikita kong pinipilit niyang ngumiti sa nangyayari.

 

"Hindi ako makangiti Hyo."

 

Ito ang ayokong mangyari, ang umiyak nanaman sila dahil saakin. Kaya nga gumagawa ako ng paraan para hindi na nila malaman, para hindi na sila umiyak, para hindi na sila mahirapan.

 

"Ayan ka nanaman Hyo eh, itatago mo saamin? Pag tapos pag nalaman namin sasabihin mong ayaw mong nahihirapan kami? Diba, tama ako?"

 

Tama naman si Miyoung eh. Yun naman kasi ang purpose 'ko.

 

"Para lang akong gago." Tumawa nanaman siya.

 

"Malamang, malala nangyari sa'yo naka confine ka, may dextrose."

 

"Miyoung-" Kailangan ko talagang ipaliwanag lahat sakaniya.

 

Pinatigil niya ako sa sasabihin at nakita ko ring lumuha na siya.

 

Hindi ko talaga siya kayang tingnan sa mga mata niya. Hindi ko talaga kayang makitang basa ang pisngi niya dahil sa luha. Lalo na't ako nanaman ang may kasalanan.

 

"Hindi Hyo eh, mali ka talaga kahit anong gawin kong pag iintindi sa'yo."

 

"Sa ginagawa mong yan, mas nahihirapan kami. Mas nahihirapan kaming makita kang nahihirapan. Alam mo yun?"

 

Natulala ako sa sinabi niya, ito ba ang ibig sabihin ni Taeyeon? Ito ba ang ibig sabihin ni Sooyoung? Ito ba yung sinasabi ni Sooyoung na ang tanga ko? Martyr ko? At manhid ko? Ito ba talaga ang pinapatunguhan ng lahat ng double meaning na iyon?

 

"Ang selfish mo Hyoyeon. Sobra."

 

Pumikit naman siya at huminga ng malalim.

 

Hindi ko alam kung ano ba dapat kong sabihin. Wala na ako sa tamang pag iisip ngayon, para bang lahat ng ginawa ko ay walang silbi.

 

Kasi tama naman si Miyoung, hindi ko sila inisip. Habang ako nag sasabi ng hinanakit ko na hindi naman nila ako inisip, sila rin pala hindi ko magawang maisip ang kanilang nararamdaman.

 

Pero anong magagawa ko? Buo na ang desisyon ko. Hindi talaga nila kailangang malaman 'to.

 

"Mi- Miyoung, pwede bang wag mo muna sabihin 'to sakanila?" Pakikiusap ko sakaniya.

 

Ayoko talagang malaman nila 'to.

 

"Ano? Hindi ko sasabihin?" Tumingin siya saakin.

 

Mariin ang pag kakatingin niya, sobra. Kitang-kita mo ng galit siya.

 

"Hindi ako ganong tao Hyoyeon, sasabihin ko sakanila 'to."

 

Kinuha niya cell phone niya at halatang may tinetext siya.

 

"Pero Miyoung-" Pag pipigil ko sakaniya.

 

Nakita kong nag tagang ang bagang at ngipin niya.

 

"Papunta na raw si Yoona." Malamig ang mga mata niya.

 

"Miyoung!"

 

Napapikit naman siya. Tiningnan ko lang ang mata niyang nakapikit, gusto kong hintayin kung anong emosyon ang makikita ko.

 

Ilang segundo na rin ang hinintay ko at nakita kong maraming pumatak na luha galing sa mga mata niya.

 

"Hindi mo kasi kami maintindihan Hyo! Hindi mo alam kung gaano kasakit saamin!"

 

Napapasigaw na siya saakin. At dahil sa pag sigaw na yun, pansin mo ng grabe na ang galit na nararamdaman niya.

 

"Hyo, tatlong taon! Tatlong taon kang nawala saamin! Tatlong taon."

 

Ng marinig ko ang boses niyang humihina habang sinasabi niya ang tatlong taon ay naiiyak ako, naiiyak akong makita siyang ganyan.

 

"Teka, hindi pala tatlo. Apat na."

 

Tuloy-tuloy pa rin ang pag tulo ng luha niya, napaupo na rin siya sa upuan dahil sa nararamdaman niya. Pero hindi lahat natapos doon.

 

"Kakausapin ko doktor mo."

 

Tumayo at tumakbo na siya paalis ng kwartong ito. Gusto ko siyang habulin, pero sa paanong paraan pa ba? Mahina na ako.

 

Tama, mahina na ako. Ano pa bang silbi at bakit kailangan pa nilang malaman?

 

Hinayaan ko lang siyang makaalis ng hindi pa ako nag papaliwanag. Kailangan niya siguro mag isip at kailangan ko ring mag isip.

 

*

 

"Masaya ka ba unnie?"

 

Naiinis ako sa mga tanong ni Yoona ngayon, sobra ang inis ko. Pero hindi ko pwedeng hayaang pangunahan ako ng inis ko kay Yoona.

 

"Yoona, pwede bang tigilan mo yan?"

 

Napatingin naman siya saakin at na paismid sa sinabi ko.

 

"Gusto mong tumigil ako?"

 

Tinuro niya ang sarili niya.

 

"Bakit?"

 

"Yoona, makinig ka sakin. Kasalanan ko, oo. Pero Yoona, hindi ko na alam ang gagawin ko."

 

Mukhang wala na ring silbi kung mag papaliwang pa ako dahil tama naman talaga sila, hindi ko na kailangan pang dipensahan ang sarili ko.

 

"Hindi mo alam gagawin mo unnie? Kung hindi mo alam, bakit ginawa mo 'to?"

 

Pakiramdam ko ay pinipigil niya ang hininga niya.

 

"Tama naman kasi si Tiffany unnie. Bakit ba hindi mo marealize yun?"

 

Lumapit pa siya lalo saakin.

 

"Gusto mo malaman kung anong dapat mong gawin unnie?"

 

Alam niya ba kung anong dapat kong gawin?

 

"Alam mo ba ang sagot Yoona?"

 

Tumango naman siya.

 

"Tigilan mo na pagiging makasarili mo unnie."

 

Namasa na ang mga mata niya, pansin mo na rin ang mga namumuong luha sa mga mata niya.

 

"Ang dami mo ng nasasaktan."

 

"Hindi lang kasi ikaw ang nasasaktan unnie."

 

Bakit ba lagi na lang iyan ang sinasabi nila? Na hindi lang ako ang nasasaktan? Alam ko naman eh, pero ano ba mas masakit? Saakin o sakanila?

 

"Yoona, kung malalaman niyo edi mahihirapan pa kayo saakin."

 

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

 

"Unnie! Ano ba tayo? Mag kagrupo lang? Ganon lang ba 'yon?"

 

"Unnie, lagi na lang ikaw ang nandiyan para saamin. Pero bakit ba ayaw mong hayaan kami maging nandito rin para sa'yo?"

 

Tinakpan niya ang mukha niya, dahil kitang-kita naman na umiyak na siya.

 

Bakit ba sila iyak ng iyak?

 

"Yoona tigilan mo yan. Wag mong sasagutin ang unnie mo ng ganyan."

 

Parehas kaming nagulat ni Yoona sa narinig namin boses.

 

"Taeyeon unnie?" Tumingin naman siya kay Taeyeon.

 

"May sakit siya, bakit ngayon niyo pa binibigyan ng sama ng loob?"

 

Nanlaki mata ni Yoona.

 

Mag aaway sila dahil saakin?

 

"Kailangan niyang malaman na nandito kami, tayo para sakaniya."

 

Lumapit si Taeyeon kay Yoona at hinawakan ang ulo niya.

 

"Sa ganyang paraan? Ganon ba Yoona?"

 

"Unnie." 

 

"Hahayaan kita dito, hahayaan kitang iparamdam na andito ka para sakaniya pero nag mamakaawa ako Yoona, wag mong saktan kapatid ko." Ngumiti naman siya.

 

*

 

"Nandito ka rin ba para pagalitan ako Joohyun? Ikaw Sooyoung?" Nalulungkot kong tanong sakanilang dalawa.

 

"Hindi unnie, naiintindihan kita." Ngumiti naman si Seohyun pag tapos niyang mag salita.

 

Sa paanong paraan ba nila ako maiintindihan?

 

Maiintindihan ba nila ako kung bakit ayokong sabihin sakanila? O baka maiintindihan nila ako kung bakit mas pipiliin ko iyon?

 

"Pero hindi pa rin sapat yun para itago mo pa 'yan." 

 

Ang nakakaintindi lang pala si Seohyun.

 

"Sabagay, tama naman si Miyoung diba? Nahihirapan kayong makitang nahihirapan ako. Pero ako? Hindi ba ako nahihirapang makita kayong nag hihirap?"

 

"Wag na natin baliktarin ang storya unnie, lahat tayo nahihirapan, pero iba pa rin yung sakit na nararamdaman namin sa nararamdaman mo."

 

Nagulat ako sa sinabi niya.

 

Iba ang dating saakin ng mga huli salita niya.

 

"Sakit na nararamdaman ko? Sabihin mo nga saakin Sooyoung, ano yung sakit, gaano kasakit yung nararamdaman ko?"

 

Tinitigan ko lang siya sa mga mata niya. Ibang-iba ang emosyon na ipinapakita niya gamit ang mga mata niya. Nakikita ko ang awa.

 

"Hindi ka makasagot?"

 

Lumunok siya ng laway niya, at lumapit saakin.

 

"Ikaw rin tatanungin ko unnie, alam mo ba kung gaano kasakit saamin? Ay hindi, saakin. Saakin na lang."

 

Hindi ba't naranasan ko na 'yan? Ang baliwalain ng paborito mo? Alam na alam ko yung pakiramdam kasi ilang beses na, ilang beses ko ng naranasan.

 

Pero mas pinili kong manahimik sa tanong niya. Kung sakaling sagutin ko ang katanungan niya, baka sa huli parehas lang rin kaming masasaktan.

 

Magagalit siya saakin at ako, magagalit sakaniya. Ipinangako kong hindi na muling masisira ang samahan namin lalo na't ayos na kami.

 

"Hindi ka rin makasagot diba?"

 

Pero kahit na gusto kong sabihin na alam ko ang sagot, hindi ko masabi, ayoko ng magalit pa siya saakin.

 

"Unnie, nakakainis sobra. Kahit na ng kaayos na tayo at nag kasundong hindi na gagamitin iyon bilang topic ng usapan ay hindi ko magawa."

 

Nag sisimula nanaman siyang maiyak sa nangyayari.

 

"Sa tuwing nakikita kita, naaalala ko yung munting pag hangang meron ako sa'yo."

 

"Munti? Hindi nga pala munti iyon, unnie."

 

Iniangat niya ang kamay niya at tila bang may binibilang siya. 

 

"Ang dami kong kaagaw sa'yo. Pero kahit na ganon, gusto ko pa ring laging nasa tabi mo."

 

Naiiyak na rin ako sa sinasabi niya. Kahit ilang beses kong sabihin sakaniya o kaya saakin na okay na ako, na okay na kami. Ang totoo, ay hindi pa.

 

"Kahit ngayon lang unnie, hindi ba pwedeng hayaan mong suportahan ka namin? Alagaan ka namin?"

 

Aalagaan nila ako? Kahit na alam naman nilang, baka.

 

"Parte ka ng buhay namin unnie. Anong gusto mo? Hayaan ka naming mamatay diyan? Na walang kaming ginagawa?"

 

Hindi iyon ang gusto ko. Alam nila iyon.

 

Tiningnan ko si Seohyun na para bang humihingi ako ng tulong.

 

"Sooyoung unnie! Tigilan mo yan." Sigaw ni Seohyun sakaniya.

 

Agad naman na lumingon si Sooyoung sakaniya at makikita mo ang malungkot niyang mga mata.

 

"Maknae, anong problema mo?"

 

"Sooyoung unnie, hirap na si Hyoyeon unnie. Makinig ka sakin unnie, pag pahingahin mo na siya."

 

Lumungkot ang mukha ni Seohyun sa sinabi niya. Habang si Sooyoung naman, naluha.

 

"Seohyun, hindi mo ba naiintindihan? Baka maging huli na 'to." Pahina ng pahina ang boses niya habang sinasabi niya 'to.

 

'Baka maging huli na 'to.'

 

Nag paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi ni Sooyoung. 

 

Alam na pala nila?

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand