28.

Life of Kim Hyoyeon

28. GD's POV

 

"Ji, sabihin mo na lang kasi kay Hyo na gusto mo siya."

 

Sa ngayon ay nag aaway nanaman kami ni Kiko dahil gusto niyang umamin ako kay Hyoyeon tungkol sa kung ano nga ba ang nararamdaman ko.

 

"Eh hindi nga pwede Kiko, mukhang may gusto pa siya doon kay Youngbae."

 

Ang akala ko kasi si Hyoyeon may gusto kay Youngbae dahil sa nakita kong mga litrato nila. Ang sweet kaya.

 

Alam ko rin namang may gusto si Youngbae sakaniya pero nauna na kasi ako kay Hyo.

 

O baka nauna na si Youngbae?

 

"Anong kay Taeyang naman? Eh sa'yo nga kasi may gusto 'yon."

 

Hindi ko maintindihan kung ano nga ba ang pinag sasasabi nitong babaeng 'to. Imposible namang ako ang magustuhan niya dahil lagi niya na lang nababanggit saakin si Youngbae.

 

At tsaka kung sakaling ako man talaga ang gusto ni Hyo, edi ayos yun.

 

"Paano ka nakakasiguro?"

 

"Alam ko lang."

 

Pero diba paano naman ako aamin ng ganon na lang kung hindi naman ako nakakasiguro sa nararamdaman ni Hyoyeon.

 

Maski nga si Kiko walang maisagot saakin kung bakit niya nasasabing ako yung gusto ni Hyo.

 

"Oh diba, wala ka ring masagot."

 

Nag lalakad na kami ngayon papunta sa loob ng ospital dahil gusto kong bisitahin si Hyoyeon. Ewan ko ba dito kay Kiko at bakit siya sumama saakin. Ang sabi ko ako na lang, dahil ang alam ni Hyoyeon nasa Japan na siya.

 

"Pero Ji, sigurado nga ako dito."

 

Nag pupumilit pa rin saakin si Kiko, ang kulit naman talaga ng lahi nito.

 

"Kung sigurado ka, nasabi ko ng girlfriend kita. Ano ng saaabihin ko? Joke lang pala?"

 

At mukhang hindi ko rin naman kayang sabihin yan dahil mahirap na, mamaya akalain ni Hyoyeon totoo yung relasyon namin ni Kiko edi nawalan na ako ng pag asa.

 

"Edi mas nasaktan yun diba. Yung puso nun, Kiko."

 

"Kaya nga umamin ka na diretso."

 

Tingnan mo, hindi rin pala talaga niya ako maintindihan.

 

"Hindi ko nga kaya, paano kung si Youngbae pala talaga gusto niya."

 

Hindi ko maintindihan tong si Kiko. Bakit ba hindi niya maintindihan na ayoko lang talaga mareject tulad ng ginawa niya saakin. Ang hirap kaya masaktan. Kailangan kong maniguro.

 

"Ang bakla mo naman."

 

Tiningnan ko naman siya, anong bakla ang pinag sasasabi niya?

 

"Hoy, wag mo kong ganyanin. Kala mo di ka nainlove sa baklang 'to."

 

Banat ko naman. Napansin kong umiwas rin naman siya ng tingin saakin. Ano kayang problema?

 

"Aba, kala mo hindi ka rin nainlove sakin kung makapag salita ka."

 

Ganti niya naman pabalik.

 

Nararamdaman kong may laman ang mga sinasabi niya. Baka nga iba ang pag kakaintindi niya.

 

"Kiko, nag usap na tayo. Si Hyoyeon na gusto ko."

 

Pag lilinaw ko naman ng lahat. Tutal ang sabi niya, wala na siyang nararamdaman para saakin, ganon din naman ako, edi patas lang.

 

"Alam ko."

 

Onti-onting nawala ang nararamdaman ko kay Kiko habang kasama ko si Hyoyeon dahil pag kasama ko siya, nakakalimutan kong nasaktan ako sa ginawa ni Kiko.

 

At sa mga panahong kasama ko siya, doon ka narealize na may nararamdaman pala ako sakaniya kaso yun nga, si Youngbae ang gusto niya.

 

Hanggang sa makarating kami sa pinto ng kwarto ni Hyoyeon ay hindi nag sasalita si Kiko, bigla na lang siyang nanahimik matapos ang usapan namin.

 

Pinag iisipan ko pa kung kakatok pa ba ako o hindi.

 

Kung kakatok naman ako, mamaya ay tulog naman siya edi mas nagalit saakin.

 

May kasalanan pa naman ako sakaniya.

 

Kung hindi ako kakatok, tapos gising siya edi nagalit rin saakin.

 

Pero ang pinaka safe ay wag ng kumatok. Anong oras na rin naman na, tulog na rin naman na siguro siya.

 

Tiningnan ko muna si Kiko.

 

"Kiko, papasok ka ba?"

 

Malay natin diba, gusto niyang surpresahin si Hyo na nandito pala siya.

 

"Symepre hindi, edi nakita niya ako dito. Nag mukha pa kong sinungaling."

 

Oo nga naman, parang tanga lang ba't di ko naisip yun?

 

Umiling na lang ako at pumasok na ng dahan-dahan.

 

Nakita kong nakatingin lang naman siya sa bintana, hindi ko alam kung ano nga ba yung mismong tinitingnan niya pero mukha siyang nag iisip.

 

Hindi na lang muna ako nag salita.

 

"Wala namang makakapag patupad ng mga pangarap ko."

 

Nakatayo lang ako dito sa gilid at bigla-bigla na lang siyang nag salita.

 

Kung hihintayin ko pang makita niya ako walang suspense.

 

Babanatan ko na lang.

 

"Sabihin mo lang kung anong mga pangarap mo, baka matupad ko." 

 

Kung kaya ko namang tuparin gagawin ko.

 

"Kung ako, ready naman akong maging sayo."

 

Ng makita kong napatingin siya ay kinindatan ko siya.

 

Inirapan naman ako at umiling saakin.

 

Galit pa nga rin siya saakin.

 

"Alam ko na yang mukha mo Hyo. I'm sorry, okay."

 

Bumuntong hininga naman ako sakaniya.

 

Mukhang mahihirapan akong humingi ng tawad sakaniya. Ang sungit niya ngayon.

 

"Hindi ata bukal sa loob mo."

 

Anong hindi naman?

 

"Hyo naman, please, patawarin mo na ako. Mainit ulo ko nung araw na yun, okay? I'm sorry." Tiningnan ko naman siya sa mga mata niya.

 

Pag tatakip ko ng mga nangyari noon.

 

Siguro parte na rin na mainit talaga ang ulo kaso kasi nag seselos ako nung araw na yun.

 

Ayaw niya lang talaga kasing makinig saakin.

 

"Gulo niyo rin kasi eh, sinasabi niyong di niyo naman hinihingi eksplenasyon pero nag dedemand kayo ng nag dedemand." Nag init nanaman ang ulo ko.

 

Ng makita kong mas nagalit siya sa sinabi ko, nag sisi ako ng sobra.

 

"Okay, I'm sorry, mali na sinabi ko. Di ka nag dedemand, I'm sorry."

 

Nakita ko namang napatingin siya saakin pag tayo ko. Tumaas rin ang kilay niya.

 

"Bakit ganyan itsura mo?"

 

Tiningnan ko naman yung kasuotan ko, wala naman masama sa suot ko? Galing kasi ako ng bahay, tapos sinundo ako ni Kiko, mag usap daw kami tapos niyaya ko siya rito.

 

Pero dahil gusto ko pa siyang asarin, babanatan ko ulit.

 

"Naiinlove ka ba?"

 

Natawa naman ako ng kaunti sa reaksyon niya, kahit sobrang dilim kitang-kita ko na namula ang pisngi niya. Hindi kaya kinikilig siya?

 

"O baka naman ikaw na naiinlove saakin?"

 

Nagulat ako sa sagot niya saakin. Kung pwede ko lang sabihin na gusto ko na nga siya edi sana kanina ko pa ginawa. Kaso mukhang iba gusto niya.

 

Gusto ko lang mapatunayang may nararamdaman talaga siya saakin.

 

Tinatanong niya ngayon kung nasaan nga ba si Kiko.

 

Kailangan kong makita ang realsyon niya sa sasabihin ko.

 

"Nasa puso ko."

 

Napansin ko namang nanahimik siya.

 

"Hindi mo ba pwedeng tigilan yan at sagutin mo ng maayos ang tanong ko?"

 

Sa ginamit niyang tono ay halatang-halata na naiinis na siya pero may iba pa akong napansin sa tono niya eh.

 

"At ikaw, bakit ka nandito?"

 

Saagutin ko ba ng totoo?

 

Maaring maging huling tiyansa na ito para malaman ko kung may nararamdaman nga siya saakin.

 

"Kasi gusto kita makita."

 

Sigurado na ako, kitang-kita kong namula siya. May pag asa na ako.

 

*

 

Nandito ako ngayon sa bahay, iniisip ko kung paano nga ba ako aamin kay Hyoyeon.

 

Sigurado na akong may nararamdaman siya saakin, ganoon din ako sakaniya.

 

Buti na lang at hindi na ako nahuli, buti na lang at hindi ako naunahan.

 

Binalita na rin ni Sunny saakin na nakalabas na raw ng ospital si Hyoyeon. Mga ilang araw na rin daw.

 

Nagulat ako dahil alam niya pero ang sabi niya itago ko raw kay Hyoyeon dahil ayaw niya raw ipaalam kay Hyoyeon na alam niya dahil ayaw niya na raw mastress ang bestfriend niya.

 

Dahil ang bestfriend mismo ni Hyoyeon ang humingi ng pabor ay gagawin ko na lang.

 

Sa ngayon kasi wala akong panahon para puntahan si Hyoyeon dahil lagi kaming may tour ibang bansa kaya't ngayon lang hanggang bukas ang libre kong araw kaya't naisipan kong mamaya ay pupuntahan ko na si Hyoyeon.

 

Tumayo na ako at pumunta sa sasakyan ko.

 

Buo naman na ang desisyon ko, sasabihin ko na kay Hyoyeon na gusto ko siya.

 

Kinuha ko ang cell phone ko at tinawagan ko si Sunny.

 

Di rin naman nag tagal at sinagot niya ang tawag.

 

"Sunny?"

 

"*ehem ehem* Bakit?"

 

Sa pag kakarinig ko ay iba ang boses niya. Parang may sakit siya.

 

"Teka, okay ka lang?"

 

Ano ba 'tong tanong ko, syempre di siya okay.

 

"Okay lang. Bakit *ehem ehem* anong meron?" 

 

Syempre nag aalala rin naman ako, kahit papaano may pinag samahan na rin kami.

 

"Bakit ka ba ubo ng ubo?"

 

"Sa gamot *ehem ehem* ko 'to."

 

Umiinom siya ng gamot?

 

"Gamot?"

 

"Ay , wag mong *ehem* sasabihin kay Hyo na umiinom *ehem* ako ng gamot, please."

 

Ramdam ko sa boses niya na nag panic siya.

 

"Bakit ba? Anong nangyari?"

 

"Wala, basta wag *ehem* mong babanggitin kay Hyoyeon 'to."

 

Mukhang may tinatago nga itong si Sunny.

 

"Sunny, mas sasabihin ko kung hindi mo sasabihin saakin."

 

"Ipangako mong *ehem* mananahimik ka kay Hyo."

 

Dahil sa kailangan ko talagang malaman ay sasang ayon na lang ako.

 

"Hmm."

 

*

 

"GD, sa araw na iyon, dalhin mo ako sakaniya ah. May gusto lang akong sabihin."

 

Wala na rin akong nagawa dahil pakiusap ni Sunny ito saakin.

 

*

 

"Mamaya ka na pumasok, nag uusap pa sila ni Yuri."

 

Nakasalubong ko kasi si Taeyeon dito sa ospital na sinabi ni Sunny.

 

Nung una syempre, nagulat ako. Ang akala ko kasi okay na yung puso niya, dahil diba pinalitan na ng bagong puso. Pero hindi ko naman akalaing hindi pala tatanggapin iyon ng katawan niya.

 

At teka, bakit alam ni Taeyeon?

 

"Teka, sandali Taeyeon."

 

Hinawakan ko naman ang braso niya at agad-agad na binitiwan iyon.

 

"Bakit?"

 

Tiningnan ko mga mata niya, pugtong-pugto ang mata niya. Halatang galing siya sa iyak.

 

"Bakit alam mo?"

 

Diretsahang tanong ko, ayoko ng ibahin pa ng landa ang pag uusap namin.

 

"Paanong hindi ko malalaman? Kapatid ko siya."

 

Nanlaki mata ko sa sinabi niya, kapatid niya si Hyo?

 

Napapansin ko nanaman ang luha niyang pabagsak na.

 

Ano ba talagang nangyayari?

 

"Bakit ka naman umiiyak? Diba dapat masaya ka? Ayos na kayo?"

 

Hindi na ako nag tanong ng kung paano nga ba nangyari na mag kapatid sila dahil pwede ko namang tanungin na lang si Hyoyeon mismo.

 

"Paano ako magiging masaya?"

 

Bumagsak na ang mga luha niya, namumula na rin ang ilong niya pati nga pisngi niya.

 

"Ang sabi ng doktor, ilang araw na lang ang natitira para sa girlfriend mo."

 

'Ilang araw na lang ang natitira para sa girlfriend mo.'

 

Girlfriend ko? Sino?

 

Si Hyoyeon?

 

Gaya ng mga nangyayari sa ibang tao, nag paulit-ulit sa isipan ko ang mga sinabi niya. Ilang araw na lang ang natitira para kay Hyo? So ibig sabihin, mamamatay na siya? Ganon yun?

 

"Wala na bang ibang paraan?"

 

"Kailangan namin ng puso."

 

Puso? Puso lang? Marami akong mahahanap niyan, hanggat may pera. Wag lang mamatay si Hyo.

 

"Yung pusong magagamit niya, pero para sa isang buwan lang."

 

Nagulat ako sa sinabi niya, ngayon lang ako nakarinig ng bagong puso para sa isang buwan.

 

Ang ibig sabihin, wala na talagang pag asa?

 

"Bakit isang buwan lang?"

 

Sumama naman ang tingin niya saakin habang umiiyak siya.

 

"Malala na sakit niya. Hindi mo alam?"

 

Hindi ko alam? Bakit hindi ko alam?

 

"Hindi na kaya ng katawan niya ang mga bagong puso. Saglit lang rin niya magagamit."

 

Nanahimik ako sa sinabi niya, bakit nga ba hindi ko alam iyon?

 

Bakit ba hindi ko alam na mamamatay na yung taong gusto ko?

 

Nakatulala lang ako.

 

Sa huli pala, wala na rin akong pag kakataon?

 

Sana pala matagal ko ng sinabing gusto ko siya.

 

"Teka, san ka pupunta?!"

 

Sumigaw ako ng mapansin kong patakbo na siya palayo saakin.

 

Humarap naman siya saakin, at kitang mas lumala ang pag iyak niya.

 

"GD, kailangan ko ng puntahan si Jessica. Kailangan ko na silang pag ayusin. Kailangan ko ng makitang masaya kapatid ko."

 

Kitang-kita ko ang pagiging desperada niya, naaawa ako sakaniya.

 

*

 

Tumayo na ako ng makita kong lumabas na si Sooyoung, Seohyun at Yuri.

 

Hanggang ngayon ay natutuliro pa rin ako sa mga nangyayari. Hindi ito ang inaasahan ko. Ang akala ko pag dating ko dito ay matutuwa ako dahil makaka amin na rin ako kay Hyoyeon.

 

Pero ngayon, ang lungkot-lungkot ko.

 

"GD ssi, papasok ka na ba?"

 

Nagulat ako sa nag salita sa tabi ko.

 

Si Seohyun lang pala.

 

Nag lakad ako ng mabagal, pipilitin kong maging masaya sa harapan ni Hyoyeon. Natatakot akong makita kung ano na nga ba ang kalagayan niya.

 

Pumasok na ako sa loob at nakita kong napatingin naman siya saakin.

 

Naningkit ang mga mata niya.

 

Ilang linggo pa lang kaming hindi ng kikita pero nag iba na ang itsura niya. Sobrang payat niya na.

 

Bago pa ako makalapit sakaniya ay nakita ko ng ngumti siya. Totoo ngayon ang ngiti niya.

 

"Halika dali! Marami akong ikukwento sa'yo."

 

Lumapit naman ako sakaniya.

 

Hindi ko kayang sikmurain ang nang yayari sakaniya ngayon, lalo na't alam ko na kung ano nga ba ang mangyayari sakaniya.

 

"Oh bakit malungkot ka?"

 

Nakikita ko ang pag aalala sa mukha niya.

 

Hindi ko kayang maging masaya ngayon sa harap niya.

 

"Hindi ako malungkot, Hyo."

 

Pag dedeny ko, ayokong malaman niya na alam ko na.

 

"Eh bakit ganyan itsura mo?"

 

Lumapit naman siya ng kaunti sa kinauupuan ko at tiningnan ang mukha ko.

 

"Namiss lang kita Hyo."

 

Napangiti naman siya bigla.

 

Ito na ba yung magiging huling pag kakataon na makita ko ang mga ngiti niya?

 

"Okay ka lang ba talaga?"

 

Naiiyak ako sa nakikita ko.

 

Pero kailangan kong ngumiti.

 

"Okay na okay ako Hyo. Ikaw?"

 

Bakit ko pa ba kailangang tanungin ito?

 

"Okay na ako! Ayos na kami ni Taeyeon at Yuri. Nalaman ko pang mag kapatid kami nun ni Taengoo."

 

Tumawa naman siya.

 

Ang sarap pakinggan ng tawa niya.

 

"Oh? Masaya ako para sa'yo."

 

"Bakit ba ang lungkot mo? Sa totoo lang, ako ang laging malungkot diba?"

 

"Masaya ako Hyo."

 

Ngumiti naman ako ng peka. Alam kong alam niyang penge ang ngiti ko.

 

"Sigura-"

 

Pinutol ko ang sinasabi niya. Ayoko ng mapunta pa sa iba ang topic. Kada segundo, dapat binibilang. Ito ang purpose ko.

 

"Hyo, gusto kita. Gustong-gusto kita."

 

Nagulat naman siya sa sinabi ko. Iniisip niya siguro na trip nanaman 'tong ginagawa ko.

 

"Anong gusto mo sakin? Wala akong pag kain ngayon Jiyong."

 

Gusto ko sanang tumawa pero hindi ko kaya.

 

"Hindi yun Hyo, ikaw mismo. I like you."

 

Tinuro ko siya.

 

"You ano?"

 

Inilapit niya ang tenga niya saakin.

 

"I like you."

 

Bulong ko naman sakaniya.

 

Nakita ko ring namula siya, pero binaliwala ko iyon.

 

"Nilokoko mo ba ako? Akala ko ba girlfriend mo si Kiko?"

 

Dalawang buwan pa lang nakakalipas simula ng magka kilala kami ng pormal ni Hyo. At sa dalawang buwan na iyon, lumala ang nararamdaman ko sakaniya. Nakalimutan ko na yung pag mamahal na meron ako para kay Kiko.

 

"Gusto ko lang malaman kung totoo ba nararamdaman ko sa'yo, pati sa nararamdaman mo saakin."

 

"Hindi pa rin ako naniniwala."

 

Pag mamatigas niya saakin. Ano bang mali sa sinabi ko?

 

"Hyoyeon, I like you. Sobra. Hindi pa ba sapat yun?"

 

Iniiwas niya ang tingin niya saakin.

 

Tiningnan ko ang pisngi niya, hindi na gaano kalaman ang pisngi niya. Sobrang pumayat na siya.

 

Naluluha nanaman ako.

 

"Joke nanaman ba 'to?"

 

"Hyo, mukha ba akong nag loloko?"

 

Lumapit ako sakaniya at iniharap ko ang mukha niya saakin.

 

"Hindi ka naman mukhang nag loloko, loko ka na talaga."

 

"Hyo, seryoso ako."

 

Umiling naman siya.

 

"Seryoso rin ako, hindi talaga ako naniniwala."

 

Hinawakan ko ang pisngi niya at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at idinampi ang labi ko sa labi niya.

 

Agad rin naman niyang ibinalik ang halik na ibinigay ko at naramdaman kong ngumti siya. Kung dapat ay maging masaya ako, mas naging malungkot ako.

 

Ito na siguro ang una at huling pag kakataon na magagawa ko ang pag halik sakaniya habang malakas pa siya.

 

Inilayo ko naman ang mukha ko sa mukha niya.

 

"Hyo, gusto kita."

 

Ngumiti naman siya habang ng pipigil ng kanyang luha.

 

Nakikita kong masaya siya.

 

Sawakas.

 

"Gusto rin kita."

 

At muli, hinalikan ko nanaman siya.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand