12.

Life of Kim Hyoyeon

12. Off cam Part II

 

Ah, so iyan pala yung 'some things happened' na sinasabi niya? Sana sinabi niya na lang, hindi yung nag drama pa ako kanina. Maiintindihan ko naman eh. Wala rin naman akong magagawa kung hindi niya sinabi ang totoo, ngayon lang kami nag ka usap ng matagal. Hindi rin naman agad-agad mag bibigay yan ng tiwala saakin. Sila nga talaga, yung flings na sinasabi niya peke lang pala. 

 

Tinitigan ko lang sila, malaki ngiti ni Jiyong kasama siya. Kahit na nakatalikod siya, malalaman at makikita mong masaya siya. Dapat talaga umpisa pa lang hindi na ako naniwala. Tinapos ko lang ang pag kain ko at nag pa himasmas. Hah, ang bigat ng tiyan ko.

 

Tiningnan ko cell phone ko, baka may nag text. Meron nga, si Jiyong.

 

'Hyoyeon, asan ka?'

 

Tss. Di ko alam kung sasagutin ko ba yung tanong niya. Sige na nga, sagutin ko na lang.

 

'Dorm.' Pag sisinungaling ko.

 

Tumayo na ako diretso at nag salamin. Baka sa pag suot ko nito ay hindi niya ako mapansin. Sabagay di niya talaga ako mapapansin dahil kanina nga nung dumaan ako sa harap niya, wala siyang alam na halos katabi lang nila ako.

 

Lumabas na ako, kung uuwi naman ako, anong gagawin ko? Mamimili na lang ako ng damit at sapatos. May dala naman akong credit card, wawalgasin ko na lang pera ko.

 

Habang tumitingin ako ng mga sapatos ay iniwan ko muna ang mga pinamili ko sa gilid; wala naman sigurong kukuha niyan. Luminga ako sandali sa pinamili ko, nawala ito agad. Ang bilis namang nawala?

 

Tatanungin ko na sana sa saleslady kung may napansin ba siyang kumuha ng mga paper bag sa gilid, ng may nakita akong pamilyar na mukha.

 

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa dorm ka?" Tiningnan ko mga kamay niya, hawak niya na rin yung mga pinamili ko.

 

Tiningnan ko katabi niya, ang tangkad na babae. Siguro pag tumabi ako diyan akalain nilang personal assistant lang niya ako.

 

"Tumitingin ng sapatos para bilhin?" Pamimilosopo kong sagot.

 

Kinuha ko na yung mga paper bag at nag bow sa harap ni Kiko. Kahit naman na hindi niya ako kilala, kailangan ko parin siyang respetuhin.

 

Dumiretso na ako sa kabilang gilid ng pamilihan, ipinatong ko ulit ang mga pinamili ko. "Hyo, harap ka nga sakin." Utos naman niya. 

 

Haharap ba ako o hindi? Pag humarap naman ako, baka ang makita ko lang yung kasweetan nilang dalawa. Pag hindi naman ako humarap, sabihin naman ni Kiko ang rude ko.

 

"Bakit?" Humarap na rin lang ako. No choice ako eh.

 

"Kiko, this is Hyoyeon. Kim Hyoyeon." Sabay turo niya saakin.

 

Ngumiti na lang rin ako, sabagay maganda nga naman si Kiko para kahumalingan ni Jiyong.

 

"I'm Mizuhara Kiko." Ngiting sabi niya saakin.

 

Nag bow lang kami sa isa't isa, at napunan ng katahimikan ang pagitan naming dalawa. "Jiyong, may I take my leave already?" Tanong ni Kiko.

 

Tumingin naman si Jiyong sakaniya, umoo na lang si Jiyong sakaniya. Nag paalam na rin ako sakaniya, at pag labas niya ay humarap ulit ako sa sapatos na nagustuhan ko.

 

"Hyo." 

 

Hindi ko siya pinansin dahil tinitingnan ko pa yung sapatos, pang sasayaw ko ito pag gumaling na ako sa operasyon na gagawin sa mga susunod na araw. 

 

"Hyo, pansinin mo ko." Sabay kalabit saakin.

 

"Anong kailangan mo?" Tanong ko naman. Hindi pa rin ako humaharap sakaniya.

 

"Ikaw." Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maging reaksyon.

 

Humarap ako sakaniya at sinapak braso niya. "Kadiri ka, dun ka na lang kay Kiko." Sabay tulak ko sakaniya.

 

Nag init ang dugo ko sa sinabi niya. Sa lahat ba naman ng pwede niyang isagot yun pa. 

 

"Joke lang, 'to naman. Selos ka ba?" Taas baba nanaman mga kilay niya.

 

"Kwon Jiyong, tigilan mo nga ako." 

 

Lumapit na ako saleslady, hihingi lang ako ng size ko. Agad rin naman niyang ibinigay yung kailangan ko at sinukat ko na. Humarap ako sa salamin, maganda naman yung sapatos. Bagay lang sa paa ko, babagay rin ito sa mga damit pambabang meron ako. Idinala ko na sa counter yung sapatos. 

 

Kinuha ko ang wallet ko at kinuha ang credit card pero pag tingin ko sa cashier ay may credit card ng hawak-hawak yung babae. Ibinigay niya naman saakin yung credit card.

 

Binasa ko, Kwon Jiyong ang nakalagay. "Jiyong?" Sabay harap ko sakaniya. Hawak niya nanaman mga pinamili ko.

 

Binigay na rin saakin yung sapatos. Dumiretso na ako sakaniya na naka upo lang sa upuan sa gitna.

 

"Bakit credit card mo yung ginamit mo?" Tanong ko naman.

 

May kamahalan rin kasi yung napili kong sapatos, kaya nakakahiya rin. "Diba dapat ang mga boyfriend ang bumibili ng mga gamit ng girlfriend nila?" Sabay ngiti niya namaman.

 

Nakatingin lang ako sakaniya. Yan nanaman kami sa boyfriend boyfriend na yan eh. Pag ako kasama niya, ganyan sasabihin niya pero pag kasama si Kiko, nag iiba na. Paasa kasi talaga eh.

 

"Hyo, kung mahihimatay ka na sa kagwapuhan ko, dito ka na sa tabi ko. Sasaluhin kita." Tiningnan ko lang ulit siya.

 

"Tss, baka saluhin." Bulong ko.

 

Ibinato ko na yung credit card niya sakaniya at kinuha yung pinamili ko. Uuwi na ako, ayoko na kasama 'tong lalaking 'to.

 

Nakikipag agawan naman siya sa mga pinamili ko. Kung tutuusin apat na paper bag lang iyon kasama na yung kabibili ko lang na sapatos. Kaya ko naman na.

 

"Akin na kasi Hyo, boyfriend mo ko, ako dapat nag dadala niyan." 

 

"Yun nga eh Jiyong, hindi kita syota kaya ako dapat mag dala niyan." Seryoso kong sagot sakaniya.

 

Tinitigan niya lang ako, gulat yung expresyon ng mukha niya. Wala naman sigurong dahilan para magulat siya?

 

"Uy, sorry na. Napipikon ka na ba?" Nag tanong ka pa.

 

Huminga na ako ng malalim at tumalikod. Pupunta na ako sa parking lot, kung gusto niyang dalhin yung mga gamit ko, dalhin niya. Bahala na siya. Dire-diretso lang ako sa parking lot, habang siya hindi nag sasalita sa tabi ko. Binuksan ko na yung kotse at inilagay yung mga paper bag sa compartment.

 

Tahimik lang ako habang ginagawa ko iyon, siya naman nakatingin lang saakin. Pumasok na ako sa kotse ko.

 

Hinihintay ko siyang pumasok pero wala, nakatingin lang siya. "Jiyong, hindi ka ba papasok o ano?" Sabay tingin ko sakaniya sa bintana.

 

"Isasama mo ba ako?" Nakatingin lang din siya saakin.

 

"Oo, pumasok ka na." Naawa naman kasi ako sa itsura niya.

 

Ngayon ko lang rin kasi siya nakitang ganyan. Binuksan niya ang pinto sa driver's seat. 

 

"Ako na mag mamaneho." 

 

"May lisensya ka ba?" Umalis na ako sa inuupuan ko at lumipat sa kabila.

 

"Meron." 

 

Sinimulan niya na ang pag mamaneho. Hindi niya rin ako kinausap ng mga oras na iyon. Pinipilit ko rin namang tumingin sa gitna, pero ayaw ng ulo ko. Tumitingin pa rin ako sakaniya. Kahit side view, ang gwapo pa rin ng mukha. Kaya rin siguro nahumaling dito si Yuri? Sabagay, nahumaling rin naman ako sakaniya. Hindi ko lang talaga masabi kay Yuri o kaya'y sa ibang members dahil si Yuri ang nauna.

 

"Tutunawin mo ba ako?" Patay, nahuli ako.

 

"Saan tayo pupunta?" Pag iiba ko ng topic.

 

Nakakahiya rin naman kasi kung kokomprontahin niya ako na tinititigan ko siya, hindi ko rin naman maitatanggi. "Anywhere, basta payapa." Hindi ba kami mahihirapan nun?

 

"Walang exact na lugar?"

 

"Kung may madaanan, tapos mukhang payapa naman edi dun na tayo." Seryoso talaga siya sa pag mamaneho niya.

 

Wala naring masyadong sasakyan sa paligid, sabagay weekday ngayon. Ang makikita lang ay mga taxi o kaya'y pang opisina na mga sasakyan. Lumiko siya sa isang gilid at tinumbok ang isang parke. Pamilyar itong parke na ito.

 

Inaalala ko lahat, maski yung mga puno pamilyar para saakin. Ah, dito ako umiyak noong birthday party ni Chen. The park that was introduced to me by my favorite dongsaeng.

 

"Hyo, kaya mo bang tanggaling yung seatbelt?" Sabay lapit niya saakin.

 

Napatingin naman ako sa kaliwa ko, nagulat na lang ako ng mukha niya ang nakita ko. Sobrang lapit. Agad-agad rin namang nag init ang mukha ko at tinakpan ito. Bakit pa kasi kailangan niyang lumapit ng ganon?

 

He chuckled. "Hyo, crush mo ba ko?" Tinanggal niya na rin ang seatbelt ko. 

 

Hindi ko pa rin tinatanggal ang kamay ko sa mukha ko. Hinihintay ko pa rin mawala ang pag init ng mukha ko dahil panigurado namumula na ako.

 

"Hyo, c'mon be honest." Sabay pindot ng cheeks ko.

 

Tinanggal ko na yung kamay ko, parang ang liwanag? Ah binuksan niya yung bubong.

 

"No." Umiwas naman ako ng tingin sakaniya.

 

"Tumingin ka saakin. Sabihin mo yan ng nakatingin saakin, tsaka lang ako maniniwala." Inikot niya ang mukha ko paharap sa mukha niya.

 

Namula nanaman ako. Bakit kasi kailangan ko pang umamin. "Yuri likes you." Yun na lang ang sinabi ko.

 

"You like me, don't you?" Hawak-hawak niya pa rin mukha ko.

 

"I don't." Hindi ko na rin maintindihan kung pag sisinungaling ba ito o katotohanan, kasi maski sarili ko naguguluhan.

 

I did like him. Pero matagal na iyon, siguro bago ko pa makilala si Junhyung. Siguro hanggang ngayon.

 

"Okay." He smirked.

 

I can sense na may pinaplano 'tong lalaking 'to. At napansin ko lang, bakit parang wala siyang inaalala. Hindi ba kami makikita ng mga paparazzi dito?

 

"Hyo, I'll be honest with you. Wala akong feelings para sayo." Nakatitig lang siya sa kawalan.

 

Tiningnan ko siya sandali, iniwas ko rin agad. Alam ko naman eh, alam na alam ko. "Bakit bigla mong sinabi yan?"

 

"Baka kasi bigla kang mahulog saakin, hindi kita masasalo." Tiningnan niya na rin ako, sawakas.

 

Hindi mo ko masasalo? Bakit? Kasi si Kiko ang gusto mo? Hindi naman na kasi kailangan pang ipamukha.

 

Tiningnan ko lang yung mata niya, hindi siya nang titrip. Hindi ganito itsura niya pag may kalokohan siyang gagawin. Seryoso siya.

 

"Sabi mo kanina sasaluhin mo ko?" Pabiro kong sabi.

 

Alam ko namang di mo rin ako sasaluhin. "Kaya ka nga bumulong diba? Kasi totoo ang sinabi mo, baka hindi kita masalo." Ang honest niya ngayon.

 

Humarap na ako sa harap, tiningnan ko yung swing na inupuan ko noon. Etong playground na ito ang may alam ng hinanakit ko sa buhay ko. Siya rin ang naka saksi ng pang rereject saakin ng taong nagugustuhan ko na. O baka naman gusto ko matagal na?

 

Should I laugh? Para mawala na rin ang ka awkwardan na nararamdan ko? Hindi ba't ka plastikan iyon? Mananahimik na lang ako, silence is the greatest answer sa sinabi niya. Masakit palang umasa.

 

"Totoo yung sinabi ko sayo, yung fling na term ni Kiko saakin. Pero nung nakita ko siya kanina, naisip kong hindi ko pala kaya." Hindi mo na lang sana sinabi.

 

"Unang araw pa lang natin 'to bilang mag kaibigan, kaya hindi ako umasa. Hindi rin naman ako umasang totoo yung sinabi mo tungkol kay Kiko." Siguro hindi rin 'to totoo.

 

Kahit ano namang gawin ko, alam niyong umasa ako hindi ba? "Hyo, meron akong koneksyon na nararamdaman saiyo, kaya nakipag kaibigan agad ako sayo. Close agad tayo oh."

 

"Weird nga diba? Kasi unang araw pa lang, inakbayan mo lang ako, sinabi mo lang sa ka myembro ko na syota mo ko, tingnan mo mag kasama tayo ngayon."

 

"I wish na hindi dito matatapos yung pagkakaibigan. Gusto kong itry, Hyo. Gusto ko." Anong gusto niyang itry? Hindi ko rin kasi maiintindihan eh.

 

"Wag mo na lang itry, kung hindi mo rin matutupad." Bulong ko naman. Siguro narinig niya, siguro hindi.

 

"Gusto mo ba malaman yung sinasabi ko kanina sa shooting?" Pag ooffer ko naman. 

 

Iniba ko na rin ang topic kasi nasasaktan na rin ako, baka bigla na rin akong atakihin nito sa puso. Bawal ang mga malalang expression.

 

Siguro, kahit pagkakaibigan na lang maibigay niya saakin, okay na. Hindi rin ako sigurado kung magiging okay ba ako sa pagiging kaibigan lang, pero kakayanin ko.

 

"Pwede ba?" 

 

"It's the Girls' Generation, silang walo. Last 3 years, nag bago silang lagat. Hindi ko alam kung bakit." 

 

"Pero si Sunny, ang bumalik saakin. Hindi siya nag bago tulad ng pag babago nila Taeyeon. Kaya siya yung sinasabi kong nag paramdam saakin na hindi ako mag isa." Nakikinig lang siya saakin.

 

"Kanina lang, nung pumunta ako sa parking lot, sinalubong ako ni Tiffany. Nalaman niya na yung sakit ko, siya lang din kasi ang nakakaalam sa lahat ng myembro." Thanks to him then.

 

"Hindi alam ni Sunny?" 

 

"Hindi. Ayoko sabihin sakaniya, hindi lang naman ako ang inaalala ni Sunny."

 

"Paano si Chae? Lagi ka na lang binabanggit saakin ni Chae." That leader.

 

"Dito sa mismong park na 'to, nakita niya akong umiiyak. Alam ni CL kung bakit ito ang pinupuntahan kong park. Noong gabing iyon, pinatulog niya ako sa dorm nila at ikunwento ko na rin sakanilang apat."

 

"Do you mind telling me the whole details? Shortcut kasi lahat ng sinabi mo." Demanding naman nito.

 

Wala rin akong nagawa kundi ikwento lahat sakaniya, maski yung nangyari nung birthday ko nakwento ko na rin. Maski yung kanina sa parking lot, kinwento ko na ng buo para wala na siyang angal. 

 

Naputol rin ang pag kukwento ko ng may nainig akong tumatawag sa cell phone ko.

 

Kim Taeyeon? Ano naman kaya kailangan nito? Pinag iisipan ko rin kung sasagutin ko ba, kung pauuwiin niya lang ako sa dorm, mas okay ng hindi ko sagutin.

 

Ieend ko na sana ang tawag pero may humablot ng cell phone ko.

 

"Taeyeon? Kasama ko girlfriend ko ngayon, mind giving us this as our time? Wag ka namang umepal sa moment namin." Sabay end niya ng tawag.

 

Ibinalik niya saakin ang cell phone ko. Girlfriend nanaman ang tawag niya saakin, hindi pa ba siya nag sasawa? Kanina pa siya ganito, baka pag nakasanayan ko yan, umasa na ako ng tuluyan.

 

May nag text naman ngayon.

 

'I'll give this as your so called time, pero mag uusap tayo dito sa dorm. Wala akong pake sainyo basta umuwi ka dito. Have a good time .'

 

Wow, I was called a once again. Sinaktan na ako ni Taeyeon, sinaktan pa ko ni Jiyong. 

 

Mukhang kailangan ko nanaman atang mag pa check-up bukas.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand