11.

Life of Kim Hyoyeon

11. Tiffany's POV

 

Year 2011

 

"Fany, wag mong papansinin si Hyoyeon. Kung kinakailangan, wag mo siyang tatawaging Hyo." Sabay alis ni Taeyeon sa kwarto ko.

 

Bakit naman? May ginawa ba si Hyo na ikinagalit ng sobra ng Taeng? Bakit ayaw niyang ipatawag na Hyo si Hyoyeon? Gustong-gusto ni Hyoyeon na tinatawag siyang Hyo eh.

 

Hahabulin ko sana si Taeyeon, pero nakaalis na rin siya agad. Wala na rin akong panahon pa makipag habulan, kasi may schedule pa ako. Inaayos ko na lang gamit ko, tatanungin ko na lang siya mamaya.

 

Nag lakad na ako palabas ng kwarto ko ng makasalubong ko si Hyo. "Hyo! Alis na ako!" Sabay yakap ko sakaniya.

 

Pag tingin ko naman sa harap ko ay nakatingin din saakin si Taeyeon. Ah oo nga pala, yung utos niya. Bakit ba kasi? Nag paalam na si Hyo saakin, aalis din ata siya. Ako naman lumapit kay Taeyeon.

 

"Taeng, ano ba kasing problema?" Hindi niya naman ako pinansin, tiningnan ko na rin kung nakaalis na si Hyo.

 

Saktong pag labas ni Hyo ay tumabi na ako sakaniya. "Taeyeon, ano bang nangyari?"

 

Tumayo siya bigla at pumunta sa kusina, hindi ko alam kung susundan ko ba o hindi eh. Hindi ko rin kasi siya maintindihan. Wala na rin akong nagawa kundi sundan siya, hindi rin naman siguro fair kay Hyo kung gaganunin ko siya, pero kay Taeyeon naman siya may kasalanan diba?

 

"Kim Taeyeon, hindi ko nga pwedeng gawin yung gusto mong ipagawa, kung kayo ang may problema, kayo dapat ang lumutas." Binagsak niya bigla ang basong ginagamit niya.

 

"Tiffany! Sumunod ka na lang saakin! Ako ang leader ng grupong ito kaya sundin mo ang inuutos ko!" Sigaw niya saakin.

 

Umalis na rin siya at dumiretso sa kwarto nila ni Jessica. Ano bang problema niya? Hindi niya ako sinisigawan ng ganito. Hindi ko na siya susundan, ayoko ng masigawan pa. Ang ayoko sa lahat sinisigawan ako. 

 

Lumabas na ako ng dorm namin, nakakainis. Naiiyak ako, ngayon niya lang ako sinigawan ng ganito. Hindi na siya ang Taeyeon na kilala ko. Dumiretso na ako sa van ko para pumunta sa recording studio.

 

*

 

Pumasok ako sa dorm namin, ginabi na rin ako dahil wala sa kondisyon ang boses ko. Kaya't paulit-ulit kong ginawa yung part ko sa kanta namin ni Luna. Pinagalitan na rin ako, pero okay lang kasalanan ko rin naman. Kumain rin kasi ako ng ice cream kagabi. Tiningnan ko kung may tao ba sa dorm, wala yung dalawang maknae. Paniguradong may shooting si Yoona at si Seohyun naman, nasa vocal trainer niya.

 

Anong gagawin ko dito? Wala rin naman si Sooyoung, si Sunkyu nakita ko kanina sa kompanya baka hindi pa nakakauwi yun dito. Ah si Hyoyeon! 

 

Pumunta na ako sa kwarto niya, pero hindi ko siya nakita. Anong oras na ba? 7 pm pa lang naman, hindi kaya pumunta sa bar yun? Hindi ako sinama?

 

Kinuha ko cell phone ko at tinawagan siya. "Hyo! Hindi mo ko sinama!" Daing ko naman sakaniya.

 

"Miyoung, anong sinama? Kasama ko si Min ngayon, nang huhunting ng gwapo." So hindi sila uminom?

 

"Wala ka sa bar?" 

 

"Wala, sabi ko nga sayo nang huhunting kami ng gwapo dito sa trainees ng JYP." Sana sinama nila ako.

 

"Sana sinama niyo ako! Marami bang gwapo diyan?" 

 

"Miyoung, mag tigil ka na. Nililigawan ka na ni Nickhun." Pinaalala niya saakin si Nickhun.

 

Kulit rin kasi ni Nickhun eh, sabi ko di pa ako ready sa relasyon. Nag pupumilit siya. Sabagay may chance naman.

 

"Tiffany Hwang!" Sigaw ni Taeyeon.

 

Binaba ko naman agad ang tawag kay Hyoyeon, mamaya magalit siya lalo dahil kinakausap ko si Hyo. 

 

Pumunta naman agad ako sa salas, kung saan ko narinig ang sigaw niya. Kasama niya doon si Jessica at Yuri. Tungkol nanaman ba ito kay Hyoyeon?

 

"Sawakas Tiffany, andito ka na." Sabi naman ni Jessica.

 

Kung tutuusin, kauuwi niya lang rin naman. Ang dami kasing syota ni Jessica, di niya raw kasi mahanap ang tamang lalaki. Paano kaya siya makakahanap kung pinag sasabay niya.

 

"Ganito, wag niyong papansinin si Hyoyeon. Wala akong pakielam kung paano." Utos ni Taeyeon, ito nanaman kami sa 'wag pansinin si Hyoyeon' mission eh.

 

"Unnie, hindi pwede. Ayoko." Sabi naman ni Yuri. Sabagay ipagtatanggol niya talaga si Hyoyeon, paborito niya iyon eh.

 

"Yuri, papayag ka na lang ba na maagaw niya lahat ng dance breaks mo? Sa mga kanta natin, isiningit ka na lang sa mga dance breaks. Magaling ka naman sumayaw eh." Dinedemonyo ba ni Jessica utak ni Yuri?

 

"Tingnan mo Yul, yung mga part mo sa kanta natin, sakaniya napupunta. Kesa marami kang parts, sakaniya napunta. Kita mo yung sa 'The Boys'." Sabi naman ni Taeyeon.

 

Bakit ba ganito sinasabi nila kay Yul? "Kayong dalawa, bakit ba ganyan sinasabi niyo kay Yul?" 

 

Tiningnan naman ako nung dalawa ng masama, ano bang problema sa sinabi ko? "Tiffany, pag hindi ka sumunod sasabihin ko kay Mr. Kim lahat ng kalokohan mo. Paborito ako nun." Naka ngiting sabi naman ni Jessica.

 

So blackmail na lang ang gagawin namin dito? "Jessica, hindi naman ako lumabag ng 'no-boyfriend-policy'." Sabay irap niya saakin.

 

"Tigilan niyo na yan, sumunod ka na lang kasi Tiffany. Matatanggalan ka rin ng trabaho pag hindi mo sinunod ang utos ko." Sabi ni Taeyeon.

 

Ano bang klaseng leader 'to? Kesa ayusin niya ang gulo, kumakampi pa siya sa isa. Dapat talaga si Hyoyeon ang pinili namin leader hindi siya eh.

 

Mag sasalita na sana ulit ako, pero si Yuri sumabat na agad. "Sige unnie, kailangan ko na rin makuha yung mga bagay na dapat matagal ko ng nakuha." Pumayag siya ng ganon na lang?

 

"Yul, pumayag ka na ganunin mo paborito mong unnie?" Tanong ko ng di makapaniwala sakaniya.

 

"Kung hindi ko makukuha gusto ko, bakit ko pa siya kailangan gawing paborito." Sabay alis niya.

 

Yung dalawa namang pinaka matanda sa grupo nag tawanan at nag apiran. Tumalikod na ako at nag lakad papunta sa kwarto ko. Hindi ko gusto ang mga mangyayari. Hindi ako pwedeng pumayag sa gusto nila.

 

"Miyoung, choose. Either I'll break your brother's heart or follow our orders." Nagulat ako, bakit nasama ang kuya ko dito?

 

"Jessica!" Sigaw ko sakaniya. 

 

Ngumiti lang siya saakin at pumunta na sa kwarto nila ni Taeyeon. Bakit ba kasi niligawan ng kapatid ko si Jessica. Kung masasaktan ang kapatid ko, baka ngayon mismo mamatay na siya. Kaya nga ako nag tatrabaho, kaya nga ako naging idol para may ipagamot ako sakaniya. At gustong-gusto niya si Jessica. Bakit kasi si Jessica pa.

 

Mahal ko si Hyoyeon, pero mahal ko rin kapatid ko. Hindi ko kayang mawala ang kapatid ko, pero hindi ko rin naman kakayanin kung mawawala si Hyoyeon sa tabi ko. Bakit ba ganito ang nangyayari saakin?

 

Pumasok na ako sa kwarto ko, tiningnan ko ang picture ng kapatid ko. Kailangan ko ng mag desisyon. Tiningnan ko rin picture namin ni Hyoyeon sa cell phone ko. Maiintindihan niya naman siguro ang dahilan ko, hindi ba?

 

Tinext ko si Hyo. Siguro ito na rin ang huling pag sasabi ko sakaniya ng mga salitang ito. 'Hyo, I love you.' 

 

Ng nasend ko na, umiyak na ako. Ayoko ng ganito, hindi ko kakayaning masaktan si Hyoyeon, lalo na't siya lang ang nag papasaya saakin ng ganito. Siya na lang rin ang nasasandalan ko kapag may problema ako sa pamilya ko, pero ngayon mawawala na ng tuluyan. Maiintindihan niya naman siguro ako kung bakit pipiliin ko kapatid ko. Pag gumaling na ang kapatid ko, ibabalik ko na ang lahat ng pinag samahan namin.

 

*

 

Halos lahat na rin kami napasunod ni Taeng. Wala rin naman kasi kami magagawa, lahat kami may sinasabi siyang kapalit. Lahat kami, sasabihan niyang leader siya. Pero ang napapansin ko lang si Sunny. Bakit pag tinatawag siya nila Taeyeon, hindi siya pupunta. Pag tinatawag kaming pito ni Taeyeon, dadalhin niya si Hyo. Alam ko na rin naman na nasabihan na siya ni Jessica.

 

Naawa na rin ako kay Hyo, tuwing umaga gumigising siya para mag luto saaming walo pero kaming dalawa lang ni Sunny ang kumakain. Si Yoona naman at Seohyun, kakain lang pag wala na sila Jessica. Si Sooyoung, minsan hindi na mapigilan, kakain na rin siya pero bigla siyang tatawagin ni Yuri. Nag eeffort saamin si Hyo, pero parang walang pumapansin kundi kaming apat lang. Tuwing gabi naman, pupuntahan ako ni Jessica para sabihin wag na wag ako mag sasalit ng kahit ano kay Hyo kundi sasaktan niya ang kapatid ko (emotionally).

 

May times na pag nag papractice kami, lahat ng sisi nasa kanya. Si Hyoyeon naman bilang mabuting taga sunod, aakuin niya na lang lahat. Maski si Seohyun, pinag salitaan na nila Jessica ng masasakit na salita dahil pinag tangg niya si Hyo. Kaya halos lahat sila takot ng umapila sa gustong gawin ni Taeyeon.

 

"Unnie, bakit ba ganon ang turing nila kay Hyo unnie?" Sabi ni Seohyun.

 

Niyakap ko na lang si Seo, andito siya ngayon sa kwarto ko, kasi natatakot na raw siyang kasama si Hyoyeon, baka raw pagalitan nanaman siya nila Taeyeon.

 

"Joohyunie, sundin mo na lang muna sila ah. Hindi mo pa kasi maiintindihan, bata ka pa. Basta wag mong babaguhin ang tingin mo kay Hyo ah. Favorite unnie mo siya diba? Believe in her." Umiiyak na si Seo.

 

Hindi lang din ako makapaniwala na maski si Seo sasabihan nila ng ganon. Maknae namin si Seo, hindi pa dapat siya makaranas ng mga ganong pangyayari. 

 

Hinayaan ko ng matulog si Joohyun sa higaan ko, lilipat na lang ako sa higaan ni Sunny. Tutal, may dapat rin kaming pag usapan.

 

Year 2012

 

Kasalukuyan kaming nag papractice ng sayaw sa 'Paparazzi', nagagalit ngayon si Yuri dahil hindi napunta sakaniya ang dance break. Inexplain naman sakaniya ng choreographer na si Hyoyeon ang main dancer, pero ang sabi niya mas magaling siya kesa kay Hyoyeon ng harap-harapan. Sila Jessica naman pinag tatanggol si Yuri.

 

"Ibigay niyo na lang sakaniya, ilang segundo lang rin naman yun. Okay lang." Sabi naman ni Hyoyeon habang nag pupunas ng pawis.

 

"Pa humble ka nanaman Hyoyeon eh." Sabi naman ni Taeyeon.

 

"Eh ano bang pake mo Taeyeon? Edi ikaw na lang sana ang sumayaw." Sabi naman ni Hyoyeon, mag isa lang si Hyoyeon sa gilid.

 

Kanina pa rin kasi siya pinapagalitan ni Taeyeon, kanina niya pa rin inuulit-ulit yung step sa kagustuhan ni Taeyeon. Sinusunod niya naman.

 

"Kay Hyoyeon yung dance break, main dancer siya. Wag na kayo umangal." Sabi nung choreographer.

 

Buti na lang yung choreographer alam yung kakayahan ni Hyoyeon. Ngumiti naman ako at nag bigay ng thumbs-up kay Hyoyeon, pero hinila ako agad ni Taeyeon. Bakit ko ba naging kaibigan 'to?

 

*

 

Namimili kami ngayon ng outfit para sa concert namin. Si Hyoyeon nakaupo lang sa gilid, mauna na raw kami. Una namang kumuha sila Taeyeon, ang natira na lang si Hyoyeon. Kumuha ako kanina ng dalawa para may matira kay Hyo, pero kinuha ni Jessica saakin. Ang natira kay Hyo, yung pinaka hindi maayos yung itsura. 

 

Buti na lang dumating yung designer. "Sino yung may dance break? Hyoyeon?" Tanong niya saamin.

 

Umoo si Hyo. "Iba ang outfit mo, halika mamili ka dito." Ibinalik niya naman yung damit na nakuha niya kanina.

 

Namili na nga siya ng outfit, maganda ang napili niya. Paniguradong maganda ito para sakaniya. Hindi ko maiiwasang mag selos, pero bagay lang sakaniya ito. Kailangan niyang makilala. Natuwa ako nung isinuot niya iyon. Bagay na bagay sakaniya.

 

Tiningnan ko si Yuri, umirap lang siya kay Hyoyeon at pumunta kela Jessica. Paniguradong nag seselos iyon.

 

"Unnie! Bagay sayo!" Sigaw ni Yoona.

 

Ngumiti na lang si Hyoyeon sakaniya. "Sila po? Hindi ba ganito rin suot nila?" Tanong niya naman.

 

"Nasa gitna ka kasi, kaya kailangan ikaw yung lilitaw sa paningin nila. Yung mga dancers, baka palitan nung producer ng damit." Pag eexplain niya kay Hyoyeon. 

 

*

 

Birthday ngayon ni Hyoyeon, sinabihan ko si Sunny ng plano ko, kaso wala siya nung araw na iyon. At tinanong ko na rin si Min kung kasama niya ba si Hyoyeon sa birthday niya. Kasama niya raw, kaya't naisipan kong surpresahin si Hyoyeon.

 

Nag bihis na ako dahil aalis ako, bibili ako ng cake para mamaya sa birthday ni Hyoyeon. Lumabas na ako ng kwarto ng makita ko si Jessica na naka abang sa labas ng kwarto ko.

 

"Anong problema mo?" Tanong ko kay Jessica.

 

Never kaming nagka sundo ni Jessica, pinapakisamahan ko na lang dahil siya ang gusto ng kapatid ko.

 

"Hindi ka aalis ngayon, alam ko kung anong balak mo." Nahuli niya agad ako?

 

"Anong pake mo?" Mas matangkad pa rin naman ako sakaniya kaya't may maipagmamalaki ako.

 

"Gusto mong ngayon pa lang, mag pahanda ka na ng libingan ng kapatid mo?" Sinabi niya nanaman ang kahinaan ko.

 

Hindi na ako nag salita, nasira lahat ng plano ko. Bakit naman kasi idinamay niya pa kapatid ko. Narinig kong tumawa siya at umalis, dumiretso ako sa kusina. Paano ko babatiin si Hyoyeon? Through call? 

 

"Babatiin nating lahat siya sa text lang. Baka ilantad niyang ganito ginagawa natin sakaniya. Masisira tayo." May nag salita sa likod ko.

 

"Kayo lang Taeyeon, wag niyo na kami isama nung mga maknae at ni Sunny. Kahit hindi mo ko utusan, babatiin ko yun." Sabay harap ko sakaniya. Dumiretso lang ako sakaniya at pumunta ng salas.

 

Wala naman akong schedule ngayon.

 

Year 2013

 

Dinidistribute ng producer namin ang parts ng kanta sa 'I got a boy'. Nung una, may ilan sakanilang pabor na lahat ng rap ay kay Hyoyeon, pero may umapilang isa pang producer.

 

"Hindi niya kaya yan, hatiin mo kay Yoona." Sabi nung babaeng producer.

 

Sinabi niya lang din iyon sa harap mismo ni Hyoyeon. Ganon na lang ba yun kadali? Tiningnan ko si Hyoyeon, nanahimik lang siya at pinanatili niya ang poker face niya. Sanay na ata siya mag poker face ah? Katabi niya si Sunny.

 

Sinusuway na rin ni Sunny ang mga utos ni Taeyeon, ang dahilan ni Sunny ididisband niya ang SNSD kung maski raw karapatan ni Sunny tatanggalin niya. Perks of being the niece of the founder.

 

"Sinong ilalagay sa gitna ng chorus?" Tanong nung choreographer.

 

Para nari siguro maiayos niya agad ang mga choreo na gagamitin.

 

"Hyoyeon, main dancer nga siya." Sabi nung isang producer, favorite ata nito si Hyoyeon.

 

Papayag na sana yung choreographer ng sumabay si Yuri. "Hindi po ba dapat visual? O kaya yung iba dancer naman?" Gusto niya lang ata makuha ang pwesto.

 

"Visual? Sino ba visual?" Tanong nung babaeng producer.

 

"Yoona po." Sabi ni Yul, pero halatang disappointed ang mukha.

 

"Okay si Yoona na. Itabi na lang yung mga dancer sa tabi ng visual." Sabi nung choreographer.

 

Yung mukha ni Yuri, dismayado pero halatang masaya rin siya dahil hindi na si Hyoyeon ang nasa gitna.

 

*

 

Bumisita kami ngayon sa practice room ng Exo. As a sunbae, kailangan namin suportahan ang mga hoobae. Nag papractice sila ng sayaw nila sa Christmas Day.

 

Pag pasok namin ay itinigil agad nila ang pag sayaw at binati kami isa-isa. Si Taeyeon naman nakatingin lang sa isang lalaki sa harap niya, gusto niya siguro 'to.

 

Lahat naman sila isa-isang nag pakilala, tinanong din ni Jessica kung anong mga posisyon nila sa grupo. Kilala naman namin sila, pero hindi lang namin alam kung ano nga ba posisyon nila sa grupo.

 

Si Yuri naman, pilit na kinakausap si Kai. Siguro gusto niya rin ito si Kai, ang sabi niya kasi noon, si G-Dragon ang gusto niya. Matagal na rin daw niyang gusto iyon. 

 

Ako naman, kinakausap ni Suho, medyo close rin kami ni Suho. Pero sadyang walang time, para mag bonding. Si Hyoyeon naman, nandun lang sa gilid kasama ni Sehun. Dancers have great bonding with the dancers.

 

Parehas silang dancers kaya ayan mag kakasama sila. Si Kai, iniwan si Yuri at pumunta kay Hyoyeon. Naging close na rin siguro sila dahil sa 'Younique Unit'. Tsaka balita ko, favorite noona raw ni Sehun at ni Kai si Hyoyeon. 

 

Si Yuri naman naka busangot. Gusto siguro nito kausapin si Kai kasi nilayasan siya para kay Hyoyeon.

 

Year 2014

 

Napapansin ko na parang iba na itsura ni Hyoyeon. Pumapayat siya lalo, at hindi ko na rin siya madalas nakikitang gumigimik. Si Sunny naman, laging nakabuntot kay Hyoyeon, parang inaalalayan niya.

 

Madalas ko na ring napapansin na laging umaalis si Hyoyeon, pag tapos niya mag kulong sa kwarto niya. Ano na kaya ang nangyari?

 

May isang beses na nakakita ako ng lagayan ng gamot ng sakit sa puso sa kobeta namin sa salas, pero sino naman ang gagamit nun? 

 

Pinuntahan ko kwarto ni Hyoyeon at ni Seohyun, magkasama sila sa iisang kwarto. Nag tataka na rin kasi ako sakanila, dahil madalas may naririnig ako hagulgol sa kwarto na ito. O kaya'y palo sa dibdib. 

 

Nilibot ko ang kwarto, may nakita akong maliit na oxygen tank. Wala namang hika si Seohyun o kaya ay si Hyoyeon, sino naman ang gagamit nito?

 

*

 

Umalis kaming lahat ngayon ng maaga dahil may iba-iba kaming schedule. Ang natira sa bahay ay si Hyo at si Sunny. Kaya na nilang dalawa yun. Andun naman si Sunny, walang mangyayari kay Hyo. I'm sure.

 

Tiningnan ko cell phone ko, anong araw nga ba ngayon? September 22? Birthday ni Hyo? Nakalimutan ko. May recording ulit ako kasama si Taeyeon, mamaya pa ito matatapos, paano ko mababati si Hyo?

 

Kung through text naman, parang walang effort. Bibilhan ko na lang siya ng regalo.

 

Ng makauwi kami ay dala-dala ko na ang regalo, nung break time namin kanina ni Taeyeon ay umalis ako. Hindi na ako kumain ng lunch, bumili lang ako ng regalo ko kay Hyoyeon.

 

Hinanap ko si Hyoyeon sa dorm pero wala pa siya, pinag bihis na kaming lahat ni Taeyeon dahil may pupuntahan daw kaming birthday party. Sumunod na lang ako, itatago ko muna itong regalo ko sakaniya.

 

Matapos kong mag wash-up at mag bihis ay lumabas na ako, ibibigay ko pa yung regalo ko. Pero ang naabutan ko ay ang away nila Taeyeon at Hyoyeon.

 

*

 

Nagising na lang ako ng nandito na ako sa dorm, ito pa rin ang suot ko? Tiningnan ko ang paligid, natutulog si Sooyoung. Lumabas na ako para tingnan kung andito ba yung iba.

 

"At tigilan mo na pagiging mo, nakakasawa." Ang sabi ni Taeyeon, sabay alis.

 

Ano bang nangyari? Nag away nanaman ba sila? Namumula pisngi ni Hyoyeon. Si Sunny naman inaaalalayan si Hyoyeon papunta sa kwarto niya. Tiningnan ko si Jessica, namumula siya. Tumingin ako sa kusina, umiiyak na si Yoona at Seohyun.

 

Ng makapasok si Hyoyeon at Sunny sa kwarto ay pinakinggan ko usapan nila. Bakit? Ano bang meron?

 

Ng makalabas si Sunny, ngumiti lang siya saakin. May narinig nanaman ako na kalabog ng dibdib at hagulgol. May narinig na rin ako tunog ng sirit ng hangin. Oxygen tank?

 

*

 

Nandito kami ngayon sa restaurant matapos kunin ni Jessica pass word ko sa instagram. Gusto kumain ni Taeyeon at Jessica. No choice namaman ako kundi sumama dahil binlack mail nanaman nila saakin ang kapatid ko.

 

Nakita ko si Hyoyeon na papasok kasama ang 2ne1. Kelan pa ba sila naging close? Nakita kong napatingin siya saamin, sabay iniwas niya ang tingin niya. Nakita rin siya ni Taeyeon.

 

"Akin na cell phone mo Miyoung, alam kong hindi ka susunod sa ipapagawa ko." Tiningnan ko lang siya. Wala akong balak na ibigay sakaniya.

 

"Jessica, alam mo na." Sabay ngiti ni Jessica.

 

Inilabas ni Jessica ang cell phone niya at nag type. Sasabihan nanaman ba nila si Hyo ng mga masasakit na salita? Pilit na kinukuha ni Taeyeon ang cell phone ko.

 

"Ayoko nga kasi, tigilan niyo na yan." Sabi ko kay Taeyeon.

 

"Jessica." Tumingin ako kay Jessica.

 

"Pupunta ako mamaya sa kuya mo."

 

Wala akong choice kundi ibigay sakaniya ang cell phone ko.

 

*

 

Nakita kong mag kasama si G-Dragon at Hyo. Ngayon ko lang ata nakitang mag kasama sila ah? Naka akbay pa?

 

Itinayo ni GD si Hyo at inakbayan nanaman, dadaan sila sa dinadaanan namin.

 

Hinila ni Yuri si Hyo at hinawakan ng mahigpit. Bagong linis ng kuko si Yul kaya matalas ang kuko nito. Tiningnan ko ang balat ni Hyo, namumula na.

 

"Yuri, tama ba? Would you mind giving me back my girlfriend? It's been a while since we have this kind of moment, you see." Girlfriend niya si Hyo?!

 

Sumabat naman si Jessica at nabara ito ni Hyo. Muntikan na masampal ni Yul si Hyo pero sinalo ito ni GD. So totoo nga? Sila nga? I ship! Number 1 fangirl talaga ako ni Hyo.

 

*

 

Nag simula na ang shooting ng nakita kong pinupukpok nanaman ni Hyo dibdib niya. Mukhang hindi na rin nagiging maganda ang pag hinga niya. Humihingi siya ng tulong kay GD pero biglang kinausap ni Seunggi.

 

Puntahan ko na kaya? Malayo saakin si Hyo. Si Sunny na lang, pero nakita kong nakatingin lang siya. Tatayo na rin sana siya ng biglang itinayo siya ni GD at dinala sa labas.

 

Nahihilo siya? Hindi eh. Ilang beses ko na siyang nakitang pinupukpok dibdib niya. Hindi kaya, may sakit sa puso?

 

*

 

Ng matapos ang shooting hinabol ko siya. "Anong nangyari sayo kanina?" Nag aalala na rin kasi ako.

 

Mababa raw blood pressure niya. Tiningnan ko lang siya, hindi lang blood pressure to. May sakit siya sa puso. Umalis na ako at tiningnan lang siya.

 

Si Sunny naman kinausap din siya at tinuro ang dibdib niya, tama nga ang hinala ko.

 

Aayusin ko na lahat ng ito mamaya, hindi ko na kakayanin kung maski siya mawala na ng tuluyan saakin. 

 

Bahala na.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand