22.

Life of Kim Hyoyeon

22. Sunny's POV

 

Year 2011

 

"Sunny, alam kong bestfriend mo si Hyoyeon, pero favor na lang para sakin 'to." Banggit ni Jessica saakin.

 

Hindi naman kasi nang hihingi ng favor si Jessica kaya okay lang naman. Pero tungkol kasi kay Hyoyeon ito eh, mamaya kung anong mangyari naman kay Hyoyeon

 

"Dipende sa favor mo, ano ba yun?" 

 

Sa ngayon ay kumakain kami ni Jessica sa kusina, kami lang dalawa dahil kami lang naman na ang nandito sa bahay. Wala rin si Hyoyeon kasi kasama niya si Amber ngayon.

 

"Wag mong papansinin si Hyoyeon, please." Binitawan niya ang kutsara at tinidor niya at pinag dikit niya ang kamay niya.

 

Sa lahat, bakit yun pa? Ang hindi pansinin si Hyo? Imposible mangyari yun.

 

"Bigyan mo nga ako ng matinong dahilan." Nawawalan na ako ng ganang kumain.

 

"Malalaman mo rin in time Sunny, gawin mo na lang." Niloloko niya ba ako?

 

Uutusan niya ako, para malaman ko rin in time? Anong klase yan?

 

"Hindi ko gagawin hangga't hindi valid ang rason mo." Kinuha ko na ang pinggan ko at nilagay ito sa lababo.

 

"Pero Sunny, kailangan kasi talaga." Hindi pa rin siya tumitigil.

 

"Hindi ko makita, hindi ko mawari kung bakit. Kaya nga ang sabi ko sayo, sabihin mo na saakin." Sabi ko habang hinuhuhagasan ko ang mga pinggan na natira sa lababo.

 

"Si Taeyeon ang mag eexplain." Nag papanic niyang sabi saakin.

 

"Edi hihintayin ko muna kung maganda rason ni Taeyeon bago ko sundin yang pinapagawa niyo." Pinunasan ko na ang kamay ko sa apron at nag lakad palabas ng kusina.

 

Si Jessica naman, sinusundan pa rin ako hanggang ngayon.

 

"Sa lahat ba naman kasi Jessica, sa bestfriend ko pa." Umupo na ako sa sofa.

 

Nakita kong napakamot siya ng ulo. 

 

Sa ngayon ay tapos na namin ipromote ang 'The Boys', mga isang linggo na rin kami pahinga.

 

Aaminin ko naman na medyo sumikat kami ni Hyoyeon ng kaunti sa concept na 'to kasi bumagay ang kanta saamin. Pero wala ng mas hihigit pa dun sa tatlo.

 

Wala naman akong pake sa kasikatan, okay lang saakin kung hindi ako sikat ang mahalaga, stable ang trabaho ko.

 

*

 

Nandito ngayon si Hyoyeon sa kwarto ko, wala naman daw ngayon si Seohyun kaya dito raw muna siya tatambay. Wala kaming schedule ngayon.

 

Nacontact na rin kami ng manager namin para sa shooting ng Invincible Youth pero hindi pa kasi ngayon yung star ng shooting kaya't nasa bahay lang kaming dalawa.

 

Ngayong andito si Hyoyeon, tanungin ko kaya siya kung ano ba nangyari sakanila nila Jessica.

 

"Hyo." Pangangalabit ko sakaniya.

 

Hawak-hawak niya cell phone niya ngayon, may sinesearch siyang sayaw.

 

"Hmm?"

 

"May nangyari ba sainyo ni Jessica?"

 

"Ano ba yan Sunkyu! Anong nangyari naman! Disente ako!"

 

Napaisip ako sandali, bakit ganito siya mag react? Wala namang masama sa tinanong ko ah?

 

'May nangyari ba sainyo ni Jessica?' Inisip ko ulit ang tinanong ko ng paulit-ulit.

 

"Hyoyeon! Ang dumi naman ng isipan mo!" Batok ko naman sakaniya.

 

Tumawa naman siya ng malakas at nag v sign saakin. Tiningnan ko siya, napatawa na rin ako. Ang laki ng tawa at ngiti niya, mukhang magiging huling beses ko na ito makikita.

 

"Pero seryoso, nag away ba kayo?" Seryosong tanong kong muli sakaniya.

 

Nag isip muna siya bago sumagot.

 

"Hindi naman, hindi nga kami nag uusap eh. Bakit?" Tumingin ulit siya saakin.

 

Dapat ko bang sabihin sakaniya? Kaso baka yun yung maging dahilan para mas mag away-away sila.

 

Nag isip ako ng ibang dahilan.

 

"Wala naman, napapansin ko kasing para nag lalayuan kayo." Ito na ang pinaka magandang dahilan na naisip ko.

 

"Nilalapitan ko siya, lumalayo naman siya, akala ko meron lang siyang red tide ngayong linggo kaya nag susungit." Tinaas baba niya ang balikat niya.

 

Tiningnan ko ekspresyon niya, mukhang wala nga talaga siyang alam. Kung wala siyang alam o kaya ay maalala na nag away sila, eh anong meron, bakit pinapalayo ako?

 

Naputol ang pag iisip ko ng niyakap ako ni Hyoyeon. "Sunkyu, punta tayo sa bar dali." Hinigpitan niya pa lalo ang pag yakap saakin.

 

Para makalimutan ko muna ang mga iniisip ko, sasama ako sakaniya sa bar. "Mag bihis ka na dali, ako mag babayad, ikaw mag drive." Tinulak ko siya paalis ng higaan ko.

 

"Ayoko mag drive!" Sigaw niya saakin.

 

"Edi hindi na ako sasama." Tumayo ako at pumunta sa loob ng cr.

 

Kahit naman na ayaw niyang mag drive ay mag dadrive pa rin yan, hindi naman yan nakakatanggi sa libre.

 

*

 

"Bakit ba kasi Taeyeon?" Naiirita ko ng sagot kay Taeyeon.

 

"Anong bakit? Hindi ba't sabi ko sayo sumunod ka na lang?" Pataray niyang sagot.

 

Para naman silang gago ni Jessica eh, paano ako susunod kung wala naman palang katuturan 'to. Tapos bestfriend ko pa diba?

 

"Asan na yung magandang dahilan na hinihingi ko Jessica? Akala ko ba si Taeyeon ang mag sasabi?" Daing ko naman kay Jessica na nakahiga sa higaan niya.

 

Hindi niya pa rin nilalayuan ng tingin ang cell phone niya.

 

"Sabihin mo na nga Taeyeon." Utos naman ni Jessica sakaniya.

 

Nag isip saglit si Taeyeon at sumagot.

 

"Ayoko." Diretsong mukha niyang sabi saakin.

 

"Gawin mo na nga lang kasi Sunny, sumunod ka dahil leader ako." Utos niya namaman saakin.

 

Tumalikod na ako sakaniya. Hindi naman yan ang hinihingi kong dahilan eh.

 

"Edi bahala kayo, di ko susundin. Leader ka lang Taeyeon." Nag lakad na ako papunta sa pinto.

 

Naramdaman kong lumapit sa likod ko si Taeyeon.

 

"Yun nga leader ako, edi ako may pinaka mataas na rango sainyo." Pag dadahilan niya naman saakin.

 

"Yun nga eh Taeyeon, leader ka. Ako, pamangkin ako ng bumuo ng grupo na 'to." Dumiretso na ako sa pintuan.

 

"Jessica!" Pag hihinging tulong ni Taeyeon.

 

Ipinihit ko na ang doorknob ng pintuan at nag simula ng mag laka palabas ng kanilang kwarto.

 

"Ano? Sabi ko sayo sabihin mo na eh." Tamad na sabi ni Jessica sakaniya.

 

Kahit na nakalabas na ako ay naririnig ko pa rin ang usapan nila.

 

Tumingin ako pakanan at nakita kong tumatakbo si Yoona papunta sa kwarto nila ni Yuri.

 

*

 

Kagagaling ko lang ngayon sa kompanya para mag practice ng kanta kasama si Miryo. Mga nasa kalahating oras na rin ako ditong nag papahinga.

 

Kinuha ko ang cell phone ko at binuksan ito, wala man lang text dito o kung ano man. 

 

Narealize kong wala pala talaga ako masyadong kaibigan.

 

Pag dating ko naman dito ay walang tao, walang tao sa kusina at salas. Ayoko naman pumasok ng kwarto nila dahil privacy nila yun.

 

"Tiffany Hwang!" Nagulat ako sa biglaang sigaw ni Taeyeon.

 

Ang akala ko talaga ay walang tao rito. 

 

Tumayo naman ako agad at nag mamadaling lumabas, pinilit kong maging tahimik para hindi nila malaman na nakikinig ako.

 

Iba kasi talaga ang pakiramdam ko sa gagawin ni Taeyeon, mamaya ay tungkol nanaman ito kay Hyoyeon.

 

"Ganito, wag niyong papansinin si Hyoyeon. Wala ako pakielam kung paano." Tama nga ako ng hinala.

 

Ayan nanaman sila sa wag pansinin si Hyo. Hindi ko maintindihan kung bakit nga ba ayaw nila bigyan ng pansin si Hyo.

 

"Unnie, hindi pwede. Ayoko." Pag lalaban ni Yuri.

 

Hindi ko napansin na andun pala si Yuri, ang akala ko kanina si Jessica, Taeyeon at Tiffany lang.

 

Hindi na rin naman ako mag tataka kung ipaglalaban niya si Hyoyeon. Silang dalawa lagi ang mag kasama. Lalo na, paborito niya si Hyoyeon.

 

"Yuri, papayag ka na lang ba na maagaw niya lahat ng dance breaks mo? Sa mga kanta natin, isiningit ka na lang sa mga dance breaks. Magaling ka naman sumayaw eh." Ng hahanap ng dahilan si Jessica para makasama si Yuri sa plano.

 

"Tingnan mo Yul, yung mga part mo sa kanta natin, sakaniya napupunta. Kesa marami kang parts, sakaniya napunta. Kita mo yung sa 'The Boys'." Pag dudugtong ni Jessica sa sinabi niya kanina.

 

Unang una, hindi naman kasalanan ni Hyoyeon na marami siyang parts. Rapper siya ng grupo, kaya't malamang sa malamang, sakaniya mapupunta yung mga linya ng rap.

 

Tumayo na ako at babalik sa kwarto ko, nag iinit ang ulo ko sa mga sinasabi nila. Kitang kita ko naman na umayaw si Tiffany sa gusto ni Taeyeon at Jessica, si Yuri naman ay umayaw na rin. Mukhang wala na ako magiging problema.

 

"Sige unnie, kailangan ko na rin makuha yung mga bagay na dapat matagal ko ng nakuha." Napatigil ako sa pag lalakad ko at nanlaki ang mga mata ko.

 

Ganon na lang ba kadali iyon?

 

Pinag iisipan ko pa kung babalik pa ba ako o hindi na, kung babalik ako may chansa ng makita nila ako.

 

"Yul, pumayag ka na ganunin mo paborto mong unnie?" Pangongontra ni Tiffany sakaniya.

 

Parehas kami ng reaksyon ni Tiffany. Ang akala ko ay hihindi siya, dahil nga paborito niya si Hyoyeon.

 

Nag lakad na ako ng mabilis papunta sa harapan ng pinto ko, pipilitin kong hindi nila ako mahuli.

 

"Kung hindi ko makukuha ang gusto ko, bakit ko pa siya kailangan maging paborito?"

 

Naririnig ko na ang mga hakbang papunta sa kinalalagyan ko kaya't pumasok agad ako sa kwarto ko, pinilt kong maging mahina ito.

 

"Jessica!" Sigaw ni Tiffany.

 

Hindi ko na alam kung ano nga ba ang gagawin ko. Tanungin ko na si Tiffany? O kaya si Yuri? Pero malalaman nilang nakinig ako.

 

*

 

Sa ngayon ay halata ko ng lahat sila ay sumusunos sa kagustuhan nung dalawa. Maski si Tiffany, ay sumunod narin. Nahuhuli ko siya paminsan na tumitingin kay Hyoyeon at bubuntong hininga.

 

Satingin ko ay may sinabing kapalit si Jessica o kaya ay si Taeyeon nung panahon na iyon dahil na rin sa reaksyon ni Tiffany. Yung pag sigaw niya ng 'Jessica'.

 

Pero dahil ayokong maging outcast si Hyoyeon, dinadala ko pa rin siya pag may sinasabi si Taeyeon na meeting kasama ang pitong myembro. Sa pag kakaalam ko, walo ang myembro ni Taeyeon, kaya't dinadala ko pa rin si Hyoyeon sa meeting.

 

Pag tinatawag nila ako ay hindi ako pumupunta, simple lang, ayoko ng utusan pa. Baka pag sinagad nila ako ay ako ang maging dahilan kung bakit mawawalan sila ng trabaho. Ayokong maging masama kaya't pinipigilan ko ang sarili.

 

Lahat kami may mga pangarap, ako, silang pito, pati na rin si Hyoyeon. Kaya ayokong may maging dahilan kami para hindi na ito matupad.

 

May mga panahon na rin na laging pinapagilatan ni Taeyeon si Hyoyeon. Panigurado namang alam ni Hyoyeon na may problema nga sakanila nila Jessica at Taeyeon, hindi lang dahil sa red tide kung hindi seryosong problema na.

 

Tuwing may practice, isisingit nila na sana Yuri na lang ang nag karoon ng dance break. 

 

May narinig akong dalawang katok sa pintuan. Baka mamaya si Taeyeon ito o kaya ay si Jessica kaya't titingnan ko muna.

 

"Sunny-ah." Napatigil ako sa pag lalakad ko.

 

Tiffany? Ano naman ginagawa nun dito? Madala lang naman pumunta yun dito.

 

"Pasok na ba ako?" Malungkot ang boses niya.

 

"Pumasok ka na." 

 

Nakita kong bumukas na ang pinto, at nakita kong malungkot ang mukha niya. Agad ko naman siyang nilapitan at niyakap.

 

"Pwede ba ako matulog dito?" 

 

Tiningnan ko muna ang kama ko. Kasya naman kaming dalawa rito.

 

"Tabi tayo?" Pag bibigay ko ng suhestiyon.

 

"Okay lang Sunny." Malungkot niya paring sabi.

 

Hinila ko na siya papunta sa kama ko. Sa palagay ko, may sasabihin ito saakin. Problema niya siguro iyon, malungkot kasi siya ng sobra.

 

"Anong problema?" 

 

Humiga na rin ako katabi niya.

 

"Bakit hindi ka sumunod?" Mahinang tanong niya.

 

"Taeyeon at Jessica?"

 

"Wala ba silang sinabi na kapalit?" Sabi ko na nga ba, may kapalit ang pag sunod nila.

 

"Wala." Tumagilid ako sakaniya para makita ko ang ekspresiyon niya.

 

"Buti ka pa." Ngumiti siya.

 

Yung ngiting plastik. Halatang-halata mong pilit.

 

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko." Pumikit na siya.

 

"Hyoyeon ba o kuya ko?" Halatang-halata mo na naguguluhan siya sa lahat.

 

Bilang kaibigan ni Hyoyeon, normal na dapat si Hyoyeon ang sabihin kong dapat piliin niya. Pero dito kasi, hindi lang ako, si Hyoyeon at ang kuya niya nahihirapan, pati si Tiffany mismo.

 

"Kuya mo Tiffany."

 

"Paano si Hyoyeon?" Minulat niyang muli ang mga mata niya.

 

"Pero diba yung kuya mo ang dahilan kung bakit ka nandito?" 

 

Naalala ko lang dahil naikwento niya yan saamin ni Hyoyeon.

 

"Ayokong mawala si Hyoyeon."

 

"Gusto mo bang mawala kuya mo?" Tanong ko rin sakaniya.

 

Sa ngayon kasi, obvious naman na ang pipiliin niya ay ang kuya niya. Hindi ko na kailangan pang bigyan siya ng kasalungat ng ideya niya ngayon.

 

"Ayoko."

 

Diba, sa huli, kuya niya talaga. Kaya nga wala ng silbi kung bibigyan ko pa siya ng ibang ideya.

 

"Ang pinaka madaling paraan ay ang piliin mo kuya mo. Maiintindihan ka naman ni Hyoyeon."

 

*

 

"Sunkyu unnie." Ginigising ako ng isang mahinang boses.

 

Wala naman ako kasama sa kwarto kaya't sino naman ang pwedeng mang gising saakin.

 

"Hmm." Mahinang sagot ko.

 

Andun pa rin naman ang antok na nararamdaman ko pero para tumigil sasagot na ako.

 

"Gumising ka muna." Utos niya naman.

 

Dahil nga sa sobrang antok ko ay hindi ko pa kayang gumising.

 

"Mamaya na. Maaga pa." Pag dadahilan ko naman.

 

Narinig kong para bang nainis siya ng kaunti.

 

"Wala na ako mamaya unnie. Importante 'to." Oo nga pala may shooting siya ngayon.

 

"Di ba pwedeng pag uwi mo na lang?" Pag bibigay suhestiyon ko nanaman.

 

"Wala na akong chansa pang makipag usap sayo pag uwi unnie."

 

Paanong walang tiyansa, wala naman akong schedule ngayon eh.

 

Kinapa ko ang cell phone ko sa lamesa at binuksan ito. "Yoona, alas tres pa lang ng umaga." Aga ko namang pinikit ang mga mata ko dahil sa sinag ng liwanag.

 

"Unnie." Napamulat naman ako sa boses niya.

 

Iba kasi ang boses niya, hindi yung normal na masayahin.

 

"Importante talaga 'to unnie."

 

Agad naman akong napabagon ng nakita ko ang mukha niya. Lumungkot ito.

 

"Bakit?" Nag papanic kong sagot sakaniya.

 

"Ano ba talaga nangyari unnie? Kay Hyoyeon unnie?" Tumungo na siya.

 

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, wala rin naman kasi akong alam kung ano nga ba ang nangyari.

 

"Hindi ko alam Yoona, hindi ko alam kung bakit ganon ang pinapagawa nila."

 

Tinitigan ko lang siya, kung ano magiging reaksyon niya.

 

"Unnie, gusto kong gawin kung ano ginagawa mo. Gusto kong suwayin sila, pero natatakot ako." Iniangat niya ang mukha niya.

 

Mukhang desidido siyang gawin kung ano ang ginagawa ko ngayon.

 

"Yoona, gawin mo kung anong gusto mo at kung ano ang alam mong makakabuti."

 

Hindi ko layunin na pigilan siya gawin ang pag kampi kay Hyoyeon, pero kasi, baka maski siya sabihan ng masasakit na salita nila Jessica.

 

"Gusto kong tulungan si Hyoyeon unnie, pero mas aawayin nila Taeyeon unnie si Hyoyeon unnie." Tama naman ang sinabi niya.

 

"Kung ganon ang satingin mong mangyayari, edi gawin mo kung ano gusto mo."

 

Tinaas ko ang dalawa kong kamay.

 

"Tumingin ka both sides. Kung ano nga ba ang magiging epekto kung sakaling ganito at kung sakaling ganyan." Ipinag kumpara ko iyon gamit ang dalawa kong kamay.

 

"Ano ba tingin mo kay Hyoyeon, Yoona?"

 

Hindi na siya nag isip. "Mabait siya unnie, siya ang pinaka iba sainyong walo. She's more than being a mother and a leader." Dire-diretso niyang salita.

 

"Kung ganon, ano naman satingin mo ang gagawin niya kung sakaling gawin mo yung tama?"

 

"Maiintindihan niya." Lumungkot nanaman ang mukha niya.

 

Mukhang nakapag desisyon na siya.

 

"Pag isipan mong mabuti lahat Yoona. Hindi kita pinipigilan, ang payo ko lang, pag isipan mo." Hinila ko na siya dahil mukhang naiiyak na rin siya.

 

Hinawakan ko ang ulo niya at hinimas ang buhok niya.

 

"Paniwalaan mo sarili mo Yoona."

 

Umiyak na siya. Yung iyak na grabe, naririnig ko na rin ang pag sinok niya dahil sa sobrang iyak niya.

 

"Unnie- *hck* narinig ko pinag- *hck* uusapan niyo- *hck* nila Taeyeon un- *hck* nie pati ni Jessica- *hck* unnie." 

 

Napatawa ako sakaniya. Nagsasalita pa rin siya kahit na sinisinok na siya ng sobra.

 

"Alam ko naman, nakita kitang tumakbo papunta sa kwarto mo pag labas ko."

 

Year 2012

 

Patapos na namin ang sayaw ng 'Paparazzi' ngayon, syempre hindi equal ang parts. Lalo na kay Hyoyeon, isang salita lang ata yung part ni Hyoyeon sa kanta. Buti na lang at may dance break siya.

 

"Pero unnie, lagi na lang ako walang dance break. Dancer din naman ako." Nag hihimutok ngayon si Yuri dahil kay Hyoyeon nanaman napunta ang dance break.

 

"Main dancer nga si Hyoyeon, Yuri! Wala na nga siyang parts eh dahil diba kinuha mo na." Napairap na sakaniya ang choreographer namin.

 

"Hindi ko kasalanan yun! Bakit sila pumayag diba." Pag dadahilan niya nanaman sa choreographer namin.

 

"Bakit si Sooyoung? Dancer din naman siya pero hindi siya ganyan." Daing ng choreographer.

 

Napakamot na sa ulo ang choreographer, sisigawan niya na siguro si Yuri, pero bawal kasi nga idol ang tinuturuan niya.

 

"Ibigay niyo na lang sakaniya, ilang segundo lang rin naman yun. Okay lang." Singit ni Hyoyeon.

 

Siguro ginawa niya rin yun para walang magawang masama yung choreographer na magiging dahilan ng pagka wala niya ng trabaho. 

 

"Pa humble ka nanaman Hyoyeon eh." Sabi naman ni Taeyeon.

 

"Eh ano bang pake mo Taeyeon? Edi ikaw na lang sana ang sumayaw." Pang babara ni Hyoyeon kay Taeyeon.

 

Kanina niya pa rin inuulit-ulit yung sayaw na gustong ipasayaw sakaniya ni Taeyeon kahit na kuhang-kuha naman na niya yung sayaw.

 

"Kay Hyoyeon yung dance break, main dancer siya wag na kayo umangal."

 

Tumayo ako para lapitan si Hyoyeon na mag isa sa gilid.

 

*

 

Kausap ko ngayon si Hyoyeon sa cell phone, napag usapan namin na sabay kami pupunta sa shooting ng Invincible Youth.

 

Galing siya ngayon sa pasukatan ng damit namin para sa pag promote ng 'Paparazzi'. Pinili niyang mag pahuli para hindi na raw siya maka rinig pa ng kung ano-anong salita galing kay Taeyeon.

 

Nasa dorm ako ngayon, lahat naman sila nandito maliban kay Hyoyeon at Yoona. Dahil si Yoona may shooting nanaman. Hindi ko alam kung ano nga ba nag udyok sakaniya para umarte, sa pag kakaalam ko ayaw niyang umarte.

 

'Sunkyu-ah! Kunin mo na yung gamit mo, parking lot na ako mag iintay, ayoko umakyat.'

 

Naintindihan ko naman agad ang text ni Hyoyeon. Isa rin siguro sa dahilan kung bakit siya umalis ay hindi lang dahil gusto niyang mag pahuli kundi andito sila Taeyeon at Jessica. Ayaw niya siguro makita.

 

Kinuha ko na mga gamit ko at nag paalam na sa mga maknae, nilagpasan ko lang yung dalawa, si Yuri naman nasa kwarto niya, pabayaan na lang.

 

Pumunta na ako ng parking lot, sa ngayon ay hindi nag papahatid si Hyoyeon sa manager namin kasi maski manager namin ayaw na sakaniya. Hindi ko alam kung kinuntyaba ba o hindi.

 

"Okay na?" Tanong ng isang boses babae sa harap ko.

 

Nagulat ako ng makita kong nakaupo si Hyoyeon sa hood ng sasakyan niya.

 

*

 

Sa ngayon ay nandito kaming siyam sa isang kwarto, mamimili raw kami ng outfit para sa concert. Si Hyoyeon, nandito sa tabi ko, inuutusan akong kumuha na ng akin.

 

"Kukunan kita?" Pag aalok ko sakaniya.

 

Alam ko namang hindi pa gagalaw yan sa kinauupuan niya lalo na't pag kumuha agad siya ay may magagalit sakaniya.

 

"Wag na."

 

Sinunod ko kung ano ang gusto niya, kumuha ako ng akin. Napansin kong kumuha ng dalawa si Tiffany, tiningnan ko naman ang mukha niya. Nakatingin siya kay Hyoyeon. 

 

Kumuha siya ng dalawa para yung isa ay kay Hyoyeon.

 

Pero ang nangyari kinuha iyon ni Jessica, nakikipag hilaan pa si Tiffany sakaniya at pinanlakihan ng mata ni Jessica si Tiffany.

 

Wala ng nagawa si Tiffany kundi ang ibigay ito.

 

Umupo na ako muli katabi ni Hyoyeon, nakita kong hindi ako napansin ni Hyoyeon kaya't tiningnan ko kung saan nakadako ang tingin niya.

 

Sinundan ko iyon hanggang sa mapunta ako sa natitirang damit. Yung damit na may pinaka hindi maayos na itsura. Bumuntong hininga na lang siya at tumayo na, kinuha niya na rin yung damit ng napatigil siya sa boses ng designer.

 

"Sino yung may dance break? Hyoyeon?" Naramdaman kong nagulat siya sa pag bigkas ng pangalan niya at napaangat ang mukha niya.

 

Tumango naman siya sa tanong ng designer. "Iba ang outfit mo, halika mamilika dito." Ibinalik niya naman ang nakuha niyang damit kanina.

 

Nakita kong nag liwanag ang mukha niya ng makita niya ang iba pang kasuotan. Kahit na pilit niyang hindi ipahalata ay kitang-kita pa rin na nagustuhan niya ang nangyari.

 

*

 

Nag mamadali ako ngayon para makuha ang cell phone ko na naiwan ko sa opisina ng producer ng album namin. Pinatawag niya ako para balitaan tungkol sa pag baba ng stock prize ng album namin.

 

Dapat ang unang makakaalam ay si Taeyeon pero busy raw siya kaya ako na lang. Pinamukha niya lang saakin na wala akong trabaho ngayon.

 

Kumatok na ako sa opisina at nakita niya naman agad ako.

 

"Bakit?" Tumingin lang siya saglit saakin at ibinalik ang tingin niya sa papeles na hawak niya.

 

"Ano, yung cell phone ko po." Onti-onti akong pumasok sa opisina niya.

 

Tumingin-tingin naman siya sa lamesa niya at nung nahanap na niya yung hinahanap niya ay kinuha niya ito.

 

"Ah sayo ba 'to? Kanina pa ring ng ring iyan. Akala ko sa assistant ko." Iniabot niya naman iyon saakin.

 

Humingi naman ako ng dispensa at nag pasalamat na rin ako.

 

Lumabas na ako at tiningnan kung sino nga ba yung tumawag.

 

Nakita kong si Tiffany pala, sa ngayon ay madalas na siyang tumatawag dahil kay Hyoyeon. Kung ano na ba ang gagawin, kung anong balak para mag kayos. Madalas iyan ang mga topic namin.

 

Wala na rin naman akong choice kundi sagutin dahil kilala ko yan si Tiffany. Hindi ako titigilan niyan.

 

"Tiffany Hwang, kung tungkol ito sa pag aayusin si Taeyeon, Jessica at Hyoyeon mission, hindi ako interesado." Pangunguna ko na sakaniya.

 

"Sunny naman hindi 'to tungkol dun!"

 

Kung hindi tungkol dun, tungkol saan naman?

 

"Eh ano?" Walang interes kong tanong.

 

"Anong date ngayon?"

 

Halatang-halata sa boses niya na excited siya.

 

"Malay ko." Tinatamad ko namang sagot.

 

"Tingnan mo!" Napasigaw na siya saakin.

 

Bumuntong hininga muna ako at sinabi ang date ngayon. Alam ko naman kasi talaga tinatamad lang talaga ako.

 

"September 21."

 

May narinig akong mahinang tawa.

 

"Oh September 21 na, anong gagawin natin?" Excited niya nanamang tanong.

 

"Anong gagawin naman?"

 

Naramdaman kong nagalit na siya. Hahaha.

 

"Sunny! Si Hyoyeon!"

 

Hindi ko naman kasi kinalimutan si Hyoyeon.

 

"Oh? Birthday ni Hyo. May regalo na ako sakaniya Tiffany."

 

"Di mo ko hinintay!" Sumigaw nanaman siya.

 

Hindi pa ba obvious na patitigilin rin siya nung dalawa?

 

"Mamaya pagalitan ka pa ni Taeyeon."

 

"May balak ako! Bukas surpresahin natin siya kela Min, nandun daw siya kela Min bukas." Eh hindi nga kami close kay Min eh.

 

"Bukas? Wala akong oras bukas. Mamaya ko ibibigay regalo ko."

 

"Grabe ka naman! Huhuhu, di mo ko hinintay."

 

Napailing na lang ako sakaniya. Alam ko naman kasing puno ang schedule ko bukas kaya ngayon ako bumuli ng regalo ko sakaniya. Mamaya ko na lang iaabot.

 

*

 

Sa huli hindi rin naibigay ni Tiffany yung gusto niyang ibigay kay Hyoyeon. Ang kwento niya ay nalaman na raw ni Jessica nung una pa lang, kaya ang nangyari binlack mail daw siya sa kuya niya.

 

Ako naman, naibigay ko kung anong dapat kong ibigay. Kasi nga kahit papaano, takot mawalan ng trabaho yung dalawa.

 

Kahit na nakakaguilty gamitin ang pangalan ng tito ko ay wala naman akong magagawa. Kailangan ko iyon para kay Hyoyeon.

 

Ngayon ay nandito kami sa salas, wala si Hyoyeon kasama nila Amber. Pinabayaan ko na lang na umalis kesa naman makita niya mukha nila Taeyeon.

 

"So anong balak mo Yuri?" Tanong ni Jessica kay Yuri.

 

"Wala."

 

"Anong wala naman? Sabi ko gumawa ka ng paraan diba?" Naiiritang sagot ni Jessica kay Yuri.

 

"Eh wala akong maisip unnie."

 

Pero dahil nakarinig siya ng unnie at paawang boses ni Yuri, pinagbigyan niya.

 

"Sige bibigyan pa kita ng tatlong araw para diyan."

 

Sola lang dalawa ang nag sasalita, lahat sila nananahimik.

 

Tumingin naman siya sa kusina.

 

"Taeyeon!"

 

"Oh?!" Sigaw rin pabalik ni Taeyeon.

 

"Ano na?"

 

"Alin?"

 

"Yung pag kain natin?" Inasahan niya pa si Taeyeon mag luto.

 

Napag usapan kasi nila na dito kami kakaing walo sa salas ngayon. Bonding daw, hindi ko nga alam kung bonding ba talaga 'to.

 

"Teka lang!"

 

Sa lahat kasi saaming siyam, si Hyoyeon ang pinaka marunong mag luto. Kaya nung inaway nila, wala na silang makain na maayos. Puro instant food na lang.

 

Year 2013

 

Nandito nanaman kami sa harap ng producer ng kanta namin. Panibagong comeback nanaman. Hinahati nila ang parts saaming siyam. Hindi ko naman na kailangan pang mag expect dahil paniguradong 60% ng kanta ay si Taeyeon at Jessica. Kaonti nanaman ang linya ko, lalo na ng linya ni Hyoyeon at Yoona.

 

May parte kasing rap sa kanta namin kaya't alam kong ibibigay ito kay Hyoyeon.

 

"Hindi niya kaya yan. Hatiin mo kay Yoona." Ayan nanaman sila sa hindi kaya ni Hyoyeon.

 

Harap-harapang sinabi nung producer iyon kay Hyoyeon. Nananahimik lang sa tabi ko ngayon si Hyoyeon.

 

Nag usap yung dalawang producer.

 

Nung napag desisyonan na nila kung kanino yung mga rap, sa huli 1/4 ng rap kay Hyoyeon.

 

"Sinong ilalagay sa gitna ng chorus?" Tanong nung choreographer.

 

Syempre wala pa kaming sayaw kasi irerecord pa lang namin yung kanta.

 

"Hyoyeon, main dancer nga siya." Sabi naman nung isa sa tatlong producer.

 

Napatango naman yung choregrapher sa sinabi nung producer at tiningnan si Hyoyeon. Tumalikod na siya at mag lalakad na sana. "Hindi po ba dapat visual? O kaya ibang dancer naman?" Kahit man lang sa 'I got a boy' ayaw nilang hayaan na makilala si Hyoyeon.

 

"Visual? Sino ba visual?" Tanong nung babang producer.

 

"Yoona po." Sabi naman ni Yuri.

 

Paniguradong gusto niya makuha ang pwesto.

 

Sa huli si Yoona nga ang pinili. Si Yoona nanaman, kahit na visual siya, minsan ayokong lagi siya ang nasa gitna.

 

*

 

Naisipan nilang bisitahin ang Exo sa practice nila. Syempre, senior nila kami kailangan namin ibigay ang suporta sakanila.

 

Pag pasok namin ay lahat naman sila nag sipag tigil, binati rin kami isa-isa. Lahat naman ng myembro ko, may paborito sa Exo.

 

Pag tiningnan mo si Taeyeon, sa isang lalaki lang din naman siya nakatingin. Siya raw ang lalaking Taeyeon ayon sakaniya. Mas bata nga lang iyon sakaniya.

 

Dahil walang alam si Jessica at yung iba sa kung ano nga ba ang role nila sa grupo, tinanong iyon ni Jessica. Kulang siguro siya sa pag reresearch.

 

Iniwan ko naman si Hyoyeon doon sa gilid dahil gusto siyang kausapin ni Sehun. Hindi kasi ako close kay Sehun kaya't naisipan kong iwan na lang muna sila. Nakita ko rin kasing gustong lumapit ni Sehun kaso nandun ako.

 

Ng makaalis ako ay lumapit naman agad siya, naintindihan siguro ni Hyoyeon yung pag alis ko.

 

Pumunta naman ako sa isang gilid para tingnan ang mga nangyayari.

 

Si Yuri kausap si Kai, hindi ko alam kung close ba talaga sila o ano pero ngayon ko lang sila nakitang mag kausap.

 

"Noona." Napatingin naman ako sa itaas ko.

 

Nag bow naman saakin si Kyungsoo? Tama ba?

 

Ngitian ko na lang siya para hindi naman siya maawkward.

 

"Pwede ba akong makiupo noona?" Sabay turo niya ng pwestong gusto niyang upuan.

 

"Sure." Pag sasangayon ko.

 

*

 

Kausap ko naman ngayon si Hyoyeon sa kwarto ko. Wala na kasi siya makausap dito sa dorm na 'to kaya lagi siyang tumatambay kasama ko.

 

"Hoy Hyoyeon, ang tahimik mo." Pag aagaw ko ng pansin niya.

 

Nakatulala lang kasi siya at nakatikom ang bibig niya, hindi kasi siya lagi ganito.

 

"Sunny, sino ba may pakana?"

 

Tumingin naman siya saakin at nakikita kong talagang nag iisip siya ng malalim.

 

"Hindi ko alam." Pag dedeny ko ng nalalaman ko.

 

Bawal ko pang ipaalam sakaniya dahil alam ko kung gaano niya pinapahalagaan si Jessica at Taeyeon.

 

"Pero ikaw lang ang hindi gumaganon saakin?"

 

"O baka lahat sila, ginusto yun?" Pag tutuloy na sagot niya.

 

"Lahat ng nangyayari may dahilan Hyoyeon."

 

Ang lakas ng loob ko mag sabi ng ganyan pero maski naman ako hindi alam kung ano nga ba ang dahilan.

 

"Dahilan? Bakit hindi nila sabihin ngayon para malinaw na agad. Hindi yung mukha akong tanga pag kasama niyo ako."

 

Lumungkot naman ang mukha niya.

 

"Hindi ko rin naman alam sagot diyan Hyoyeon."

 

"Para lang akong gago, umaasa ako na maayos pa. Nag hihintay na ako sa loob ng 2 taon na baka may mangyari, wala parin."

 

"Ano bang ginawa ko?"

 

Hanggang ngayon umaasa pa rin siya?

 

Year 2014

 

Ngayon, nag iiba ang itsura ni Hyoyeon, pumapayat siya at hindi na siya masyadong pumupunta ng bar. 

 

Bakit?

 

Kasi nalaman ko ng may sakit siya sa puso. Inilihim niya saamin lahat iyon, hindi ko alam kung kelan nga ba siya nag karoon ng sakit, pero ngayon-ngayon lang bumalik yung sakit niya.

 

Sinundan ko siya noon habang paalis siya, madalang kasing umaalis siya kada linggo, at tuwing tanghali lang iyon. Pag tapos ay babalik agad siya at mag kukulong sa kwarto. Hindi na nga siya pumupunta ng kwarto, kaya't nag taka talaga ako.

 

Kinunsulta na rin ako ni Seohyun. Bakit daw ba umiiyak lagi si Hyoyeon? Bakit daw laging nag kukulong siya sa kwarto nila?

 

Tuwing gabi ay may naririnig siyang pukpok, natatakot raw siya.

 

Hindi ko naman pwedeng sabihin sakaniya na alam ko na kasi panigurado mas gagawa iyon ng paraan para makalayo saakin.

 

Alam ko ugali niya, ayaw niyang mahihirapan ako, kami dahil sakaniya. Ganon siya lagi.

 

Ang nangyayari, inaalalayan ko siya ng palihim. Yung alam niyang inaalalayan ko siya pero hindi dahil sa sakit niya, dahil ako na lang ang kakampi niya. Siguro, nakukuha niya yung maling ideya pero kung para rin naman sakaniya okay lang.

 

Hindi ko naman kayang iwan siya sa ere dahil bestfriend niya ako.

 

Pero kahit ang bestfriend may tinatago diba?

 

*

 

Walang tao ngayon dito sa dorm, lahat sila nag sipag alisan dahil may mga schedule sila.

 

Sobrang importante ng araw na 'to ngayon. Kaya't kahapon pa lang ay nag pagawa na agad ako ng bracelet.

 

Kinuha ko yung bracelet at ipinatong sa lamesa ng kwarto ko para mabilis ko agad makuha mamaya.

 

Lumabas na ako at pumunta ng kusina, iinom muna akong tubig at hihintayin si Hyoyeon gumising.

 

May schedule rin naman ako mamaya pero tanghali pa naman kaya okay lang.

 

Nag cell phone lang ako sa dito sa salas pag tapos kong uminom, naririnig ko na rin naman na yung tunog ng hakbang ni Hyoyeon.

 

Ng maramdaman kong nandito na si Hyoyeon ay tiningnan ko siya at ibinaling ko tingin ko sa cell phone ko.

 

Tumayo na ako at tumakbo papuntang kwarto ko. Kinuha ko yung dalawang maliit na box ng bracelet.

 

Yung isa saakin, yung isa sakaniya. Pag papatunay lang na kahit na anong nangyari, magiging matalik na mag kaibigan pa rin kami.

 

Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko siyang nasa kusina umiinom ng tubig.

 

Lumapit na ako sakaniya at binati siya.

 

"Hyoyeonie, Happy Birthday!"

 

Ngumti ako sakaniya at ibinigay sakaniya yung maliit na box na hawak ko.

 

Napansin ko rin na paiyak na siya.

 

*

 

"Sunkyu! Happy 22nd day of the month! Salamat kasi lagi kang nasa tabi ko. You never left my side, comforted me if needed. Being the last member to actually join the SNSD is a good things. Naging close tayo agad. How I wish na sana hanggang sa mawala na ang SNSD sa isip ng mga tao, tayo pa rin ang mag bestfriends. Diba? I'm always thankful to have you in my life. Busy ka na ata. Bye. I love you."

 

Sa sinabi niyang yan ay halatang disappointed siya at umiiyak.

 

Kung ako lang sana ang nag handa ng party na ito edi sana para kay Hyoyeon ito. Pero hindi kasi, kahit gaano ko kagustong ibigay iyon sakaniya, hindi ko magawa.

 

Binaba niya rin agad dahil alam kong maiiyak na siya, hindi ko na lang tatawagan para hindi na siya ma pressure.

 

Itetext ko na lang.

 

*

 

Ng makita kong si Yuri na ang nahuli at si Sooyoung, ako na ang nag offer na ako kay Yuri. Kasi alam kong masasaktan lang si Hyoyeon, dahil maski si Yuri iba na turing sakaniya.

 

Ng lahat na ay naibaba namin, pumasok na siyasa driver's seat at ako naman ay tumabi sakaniya.

 

Ng makarating na kami sa parking lot ay lahat sila gising na kaya't nag sipag unahan na sila papunta sa entrance. Dahil nakita kong naiwan si Hyoyeon, bumali ako doon para hintayin siya.

 

Ng makarating kami sa dorm, mukha agad ni Taeyeon ang nakita naming dalawa.

 

"Kim Hyoyeon, anong problema mo kagabi?"

 

Si Jessica naman nakaupo lang, maski siguro si Jessica, pagagalitan si Hyoyeon.

 

"Ano bang meron sa pinoproblema ko kagabi?"

 

Hinayaan ko na lang muna silang mag sagutan dahil sa ganitong paraan mailalabas ni Hyoyeon ang nararamdaman niya.

 

Pero pag sinaktan ni Taeyeon o kaya ni Jessica si Hyoyeon physically, tsaka ako eeksena.

 

"May modo ako, ang problema nawawala lang pag ang kausap ko ay wala ring modo."

 

Ang bilis ng pangyayari, sinampal agad ni Jessica si Hyoyeon kaya't iniurong ko naman siya.

 

"Tss. Hindi mo man lang kinausap si Chen. O kaya binati. Wala ka talagang good manners kahit kelan. I can't believe member ka ng SNSD." 

 

Ang lakas ng loob niyang sabihan si Hyoyeon ng ganyan, kung tutuusin mas hindi ako makapaniwala sa ginagawa nila kay Hyoyeon lalo na't myembro siya ng SNSD.

 

"At tigilan mo na pagiging mo, nakakasawa."

 

Tumalikod si Hyoyeon at idinala ko sa kwarto niya. Paniguradong kukuha ito ng gamot niya.

 

Nakita ko yung gamot niya hindi na rin ako nag tanong dahil ayokong bigyan ng stress ngayon si Hyoyeon.

 

*

 

Nakita kong naka akbay si G-Dragon kay Hyoyeon. Alam kong close si Hyoyeon sa 2ne1 pero hindi ko alam na maski pala kay G-Dragon.

 

Papalagpas na sana sila saamin pero nakita kong hinawakan ni Yuri si Hyoyeon.

 

"Unnie, saamin ka naman sumama. Nakakatampo ka naman." Pang paplastik ni Yuri sakaniya.

 

Hinawakan ni Yuri ang braso ni Hyoyeon, kitang-kita rin na sovrang diin ng pag kakahawak nito.

 

"Yuri, tama ba? Would you mind giving me back my girlfriend? It's been a while since we had this kind of moment, you see."

 

Girlfriend niya si Hyoyeon? Seryoso 'to?

 

*

 

Nakikita kong nahihirapan na si Hyoyeon sa pag pigil sa nararamdaman niya. Kita ko rin namang inaatake na siya pero hindi ko naman siya magawang lapitan.

 

Humihingi siya ng tulong kay G-Dragon at buti na lang ay tinulungan na siya.

 

Andun na ako sa point na tatayo na ako para kay Hyoyeon pero buti na lang at naagapan pa ni G-Dragon.

 

*

 

Ng matapos ang shooting ay tumayo na ako para makaalis na dahil pinapatawag ako ng tiyuhin ko.

 

May naramdaman akong yumakap saakin. "I promise, I'll clean your name." Sabi niya.

 

Okay lang naman kung hindi na niya linisin ang pangalan ko, ang importante nailabas niya kung ano gusto niyang ilabas. Ang importante, nasabi niya yung mga salitang hindi niya masabi.

 

Ikinalas ko ang yakap niya at humarap sakaniya.

 

"Is that thing working well?" Sabay turo ko sa dibdib niya.

 

Ng napansin kong parang naiisip niyang alam ko na ay nag isip ako ng dahilan.

 

*

 

Nasa ospital si Hyoyeon ngayon, isinugod dahil sa puso niya. Nakita ko kasi siyang nahihirapang ng huminga kaya't tinawagan ko agad si Minzy. Tutal 2ne1 lang ang pwedeng mag hatid sakaniya.

 

Kahit gaano ko kagustong dalhin siya ay hindi pwede.

 

Sa tuwing tulog siya ay bumibisita ako sakaniya, wala siyang alam syempre. Papatingin ko muna sa mga nurse dito kung tulog siya bago ako pumasok, nag dala na rin ako ng mga pag kain sakaniya dahil alam ko kung gaano niya kaayaw ang pag kain ng ospital.

 

Umaalis rin ako kaagad dahil baka mahuli ako ng iba na nandito, ayoko munang ipaalam na matagal ko ng alam yung sakit niya. Mag wawalong buwan niya na ring tinitiis ito.

 

*

 

Nasabi ni Tiffany saakin na pauwi na raw si Hyoyeon. Sinabi niya na rin na inoperahan na siya sa puso. Kunwari ay gulat na gulat ako pero ang hindi alam ni Tiffany ay alam ko na matagal na. Sabi niya kunwari na lang daw ay wala akong alam.

 

Umarte na rin ako na masigla ako, kahit mukhang imposible na, para hindi malaman ni Hyoyeon na alam ko.

 

Ang sabi ni Sooyoung sa text ay ang sabihin ko tungkol sa bakasyon, kung ano na nga ba nangyari sa bakayon dahil yun daw ang ipapalabas nilang nangyari dahil dalawang linggo nawala si Hyoyeon.

 

Sa tuwing may sasabihin ako ay tinitingnan ako ni Tiffany at Sooyoung. 

 

"Okay naman yan?" Tinuro ko nanaman ang dibdib niya.

 

Ang sinasabi ko ay tungkol sa opera niya.

 

"Ha?"

 

Nakita kong parang natulala siya sa tanong ko, dahil nga hindi niya alam na alam ko na.

 

Tiningnan naman ako muli nung dalawa.

 

Nag isip na lang ako ng iba pang dahilan.

 

"Hindi ba't pinuna ko yan dati, shooting ng Strong Heart diba? Napa check mo naman?"

 

"Ah oo, blood pressure lang talaga siya."

 

Napangiti naman ako dahil mukhang masaya siya ngayon.

 

*

 

Kung nagawa ni Hyoyeon itago saakin, kaya ko rin naman diba?

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
-ClvnnJl- #1
Chapter 36: Grabeeee naiyakk ako dito! Walang warning na ganto kasakit ahh. Pero ano 'yong ibig sabihin no Jessica na "How 'bout losing one" pa? Please continue authornim huhu. Supporttttt!
girlwhocriedwolf
#2
Chapter 36: okay. napaiyak ako dito. akala ko magiging okay na lahat. wHYYYY. ang cute ni gd at hyo, sa sobrang cute nila gusto ko sanang maging totoo nalang sila omg. daming twists and everything. the best! ang ganda ng story sobra. kaloka yung last one, naisip ko yung pag alis ni jessica sa snsd.
Angah_F2 #3
Chapter 35: it really good..hope you could make in english version..because google translate is hard to understand